9. Natutong Magpasakop sa Pamamagitan ng Aking Tungkulin

Ni Novo, Pilipinas

Noong 2012, habang nagtatrabaho ako sa Taiwan, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kalaunan, nalaman ko na isa ako sa mga unang tao mula sa Pilipinas na tumanggap dito. Talagang nasabik ako, at pakiramdam ko ay napagpala ako. Noong 2014, pagbalik ko sa Pilipinas, sinimulan kong ipangaral sa aking bansa ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Hindi nagtagal, maraming Pilipinong tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nasabik ako, at ipinagmalaki ko na kaya kong ipangaral ang ebanghelyo. Kinainggitan ako ng aking mga kapatid dahil natupad ko ang gayon kahalagang tungkulin, at dahil isa ako sa mga naunang tumanggap ng gawain ng Diyos sa Pilipinas. Sinabi nilang lahat na napakasuwerte ko. Nang makita ko kung paano nila ako kinainggitan at tiningala, palagi akong nakaramdam na angat ako sa iba, at pakiramdam ko ay karapat-dapat ako sa ganoon kahalagang tungkulin.

Isang araw, sinabi sa akin ng lider ng iglesia na ang brother na namamahala sa mga pangkalahatang gawain ng iglesia ay may kailangang asikasuhin, at itinanong niya kung puwede akong pansamantalang humalili sa tungkulin ng brother na iyon. Talagang nainis ako, at naisip ko, “Bakit biglang gusto ng lider ko na asikasuhin ko ang mga pangkalahatang gawain? Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kapatid ko kapag nalaman nila ito?” Sa isip ko, pangangaral lang ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ang mahalagang tungkulin, ang makakapaghatid ng maraming taong nananabik sa pagpapakita ng Diyos sa Kanyang harapan. Ang mga pangkalahatang gawain ay mga karaniwang gawain lang na hindi man lang makakapagpatotoo sa Diyos o magpapataas ng tingin ng iba sa akin. Nadismaya ako nang husto. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari ito sa akin, at nag-alala ako na baka ipatuloy sa akin ng lider ang paggawa niyon. Marami akong naisip na negatibo, hindi ko magawang magpasakop doon, at ni ayaw kong malaman ng aking mga kapatid na nag-iba na ang mga tungkulin ko.

Kinabukasan, ilang kapatid ang nagsabi sa akin na narinig nila na gumagawa ako ng ilang pangkalahatang gawain sa iglesia. Nang marinig kong sabihin nila ito, hiyang-hiya ako at lungkot na lungkot. Ayaw ko talaga ang trabahong ito. Sumama ang loob ko at ayaw kong sumunod, pero sa panlabas ay nagkunwari akong ayos lang iyon. Ayaw kong makita nila ang kahinaan ko at bumaba ang tingin nila sa akin, kaya sinagot ko sila sa pagsasabing, “Mga pagsasaayos ito ng Diyos, at nagpapasalamat ako sa Kanya para sa mga ito.” Matapos kong sabihin iyon, saka ko lang natanto na bagama’t alam ko ang kawikaang “Ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay,” nang dumating ang aktwal na sitwasyon, hindi ko maamin sa puso ko na Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Hindi tumugma ang mga salita ko sa pakiramdam ko. Mukha akong masunurin, pero ayaw ko talaga itong tanggapin. Hindi ko napigilang isiping, “Nagkamali ba ang lider sa pagsasaayos na asikasuhin ko ang mga pangkalahatang gawain? Hindi talaga angkop ang trabahong ito sa akin. Dapat ay nangangaral ako ng ebanghelyo, paanong ang tungkuling ito ang ginagawa ko?” Habang tumatagal ay lalo akong nagiging negatibo. Ipinalagay ko na dahil siguro pakiramdam niya ay hindi ako angkop na mangaral ng ebanghelyo kung kaya’t ipinagawa niya sa akin ang tungkuling ito. Pakiramdam ko, ang pag-aasikaso ng mga pangkalahatang gawain ay hindi nangangailangan ng pagpasok sa buhay o paghahanap ng mga katotohanang prinsipyo, at pisikal na trabaho lang ito, kaya inasikaso ko na lang ang mga gawain tulad ng sabi sa akin. Makalipas ang ilang panahon, wala akong nakamit na pagpasok sa buhay, nagsawa na ako rito, at kalaunan ay ayaw ko nang gawin ang trabahong ito.

Isang araw, tinawagan ako ng isang brother na dati kong kasamang mangaral ng ebanghelyo at pinakiusapan, “Brother, may nais kaming puntahan, puwede mo ba kaming ipagmaneho papunta roon?” Nang marinig ko iyon, nalungkot ako at napahiya. Naisip ko, “Siguro, iniisip ng brother na ito na nag-aasikaso lang ako ng mga pangkalahatang gawain, na nandito lang ako, gumagawa ng mababang uri ng gawain o ng iniuutos na gawain, at na wala akong katayuan. Tiyak na mababa ang tingin niya sa akin.” Talagang miserable at negatibo ang pakiramdam ko, at lalo pa nga akong nawalan ng gana sa mga tungkulin ko. Sa panahong iyon, kahit mukhang ginagampanan ko ang tungkulin ko, gulung-gulo ang kalooban ko, at madalas akong mapaisip kung ano ang palagay sa akin ng aking mga kapatid. Ni ayaw kong basahin ang salita ng Diyos o dumalo sa mga pagtitipon. Alam ko sa teorya na anuman ang mangyari ay dapat kong tuparin ang mga tungkulin ko bilang isang nilalang, pero hindi ko matakasan ang aking pagiging negatibo at pasibo. Kalaunan, hindi ko na nadama ang gawain ng Banal na Espiritu, at parang isang makamundong trabaho na lang ang tungkulin ko. Bawat araw, nagpapakaabala lang ako, naghihintay na lumipas ang araw. Puno ng kadiliman at paghihirap ang puso ko, wala akong kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa mga pagtitipon, at laging hungkag ang pakiramdam ko. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, alam ko pong mali ang kalagayan ko, pero inaalala ko pa rin kung ano ang iniisip ng aking mga kapatid sa akin. Bigyang-liwanag at akayin Mo sana ako na mapagnilayan ang katiwalian ko at matanggap ang tungkuling ito.”

Kalaunan, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Sa pagsukat kung masusunod ng mga tao ang Diyos o hindi, ang susi ay kung mayroon sila o walang anumang labis-labis na pagnanais o lihim na motibo sa Kanya. Kung laging humihiling ang mga tao sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi sila masunurin sa Kanya. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo ito tinatanggap mula sa Diyos, at hindi mo hinahanap ang katotohanan, at palagi kang nakikipagtalo para sa iyong sarili at palagi mong nadarama na ikaw lamang ang tama, at kung may kakayahan ka pa ngang pagdudahan na ang Diyos ang katotohanan at ang pagiging matuwid Niya, magkakaproblema ka. Ang mga gayong tao ang pinakamayabang at pinakasuwail sa Diyos. Ang mga taong palaging humihingi sa Diyos ay hindi tunay na makasusunod sa Kanya. Kung humihiling ka sa Diyos, pinatutunayan nito na sinusubukan mong makipagtawaran sa Diyos, na pinipili mo ang sarili mong kalooban, at kumikilos ka ayon dito. Dito, ipinagkakanulo mo ang Diyos, at walang pagsunod. … Kung walang totoong pananampalataya sa loob-loob ng isang tao, at walang malaking pananampalataya, hindi nila kailanman matatamo ang papuri ng Diyos. Kapag nagagawa na ng mga taong bawasan ang mga hinihingi nila sa Diyos, mayroon na silang mas totoong pananalig at pagsunod, at normal na kung ihahambing ang kanilang pangangatwiran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos). Ibinunyag ng salita ng Diyos ang katiwalian sa puso ko. Naalala ko kung paanong nang tanggapin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay nagdasal ako sa Diyos at sinabi kong, “Anumang sitwasyon ang isaayos ng Diyos, o makaranas man ako ng mga paghihirap o malalaking pagsubok, tatanggapin ko iyon at susunod ako. Anuman ang mangyari, susundin ko ang Diyos.” Pero ngayon, nalagay ako sa isang tunay na sitwasyon, pero hindi ko ito matanggap. Bigla kong natanto na ang pagsunod ko sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos ay hanggang salita lamang. Nang isaayos ng iglesia na mangaral ako ng ebanghelyo, naniwala ako na isa itong mahalagang tungkulin, at pinuri at tiningala rin ako ng aking mga kapatid, kaya nagustuhan ko talaga ang tungkuling iyon, at kaya napakasipag ko at nagsumikap ako roon. Pero nang isaayos ng lider na mag-asikaso ako ng mga pangkalahatang gawain, pakiramdam ko ay mula sa pagiging mataas na iginagalang ng lahat ay bigla akong naging isang trabahador na walang sinuman ang may pakialam, at nakakahiya talaga iyon. Pakiramdam ko ay hindi na ako titingalain ng mga kapatid na tulad ng dati. Kaya, sa kaibuturan ng puso ko, hindi ko matanggap ang tungkuling ito, at naisip ko pa nga na mali ang mga pagsasaayos ng lider ko. Labis kong sineryoso ang aking dignidad at katayuan, at naging makasarili ako at mapili sa aking mga tungkulin. Ginusto ko lang gawin ang isang tungkulin kung saan maaari akong magpasikat at mahangaan ng iba, hindi ang isang tungkuling hindi pansinin. Nang hindi ako makapagpasikat o mahangaan ng iba sa tungkuling isinaayos para sa akin, puno ng pagtutol at mga reklamo ang puso ko, at hinding-hindi ko mapilit ang sarili ko na sumunod, kaya nawala ang gawain ng Banal na Espiritu sa akin at namuhay ako sa kadiliman. Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na kung gusto kong tunay na maging masunurin sa Diyos, hindi ko lang kailangang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos kapag umaayon sa akin ang sitwasyon, kundi ang mas mahalaga, kailangan akong sumunod kapag hindi. Kahit pa mapahiya ako, o hindi ako tingalain ng aking mga kapatid, kailangan kong tanggapin at sundin iyon.

Kalaunan, sa isang pagtitipon, naging bukas ako sa pagbabahagi tungkol sa aking kalagayan, at pinadalhan ako ng isang sipi ng salita ng Diyos ng aking mga kapatid: “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at nagtataksil sa Kanya at lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng katanyagan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo malinaw na nakikita ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na hindi mabubuhay ang tao kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layunin, na magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mapapansin ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay malalaking kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Pagdating ng oras na nais mong iwaksi ang lahat ng bagay na naikintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Matapos pagnilayan ang salita ng Diyos, natanto ko na kaya palagi kong iniisip na hindi kapansin-pansin ang pag-aasikaso ng mga pangkalahatang gawain, na napahiya ako at napahamak ang reputasyon ko dahil dito, at hindi ko mapilit ang sarili ko na sumunod, ay lahat dahil sa pinsalang ginawa ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para kontrolin ang puso ng mga tao, at pinagsisikap ang mga tao para sa kasikatan at pakinabang at ipinasasakripisyo ang lahat para sa mga ito. Nalinlang din ako at nagawang tiwali ni Satanas nang hindi ko namamalayan. Naalala ko na itinuro sa akin ng mga magulang ko noong bata pa ako na kamtin ang paggalang at paghanga ng iba. Kaya, bata pa lang ako, naniwala na ako na dapat akong umangat sa iba at mamukod-tangi. Dagdag pa riyan, itinataguyod din ng lipunan at media ang mga pananaw na ito, at nakita ko kung paano nagtatamasa ang mga sikat at matataas na tao ng mas mabuting pakikitungo kaysa sa mga karaniwang tao, kaya naging determinado akong makaungos at hangaan ng lahat. Matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, namuhay pa rin ako ayon sa mga perspektibong ito, at mali kong pinaniwalaan na ang gawain ng ebanghelyo ay mahalaga at kayang makamtan ang paghanga at paggalang ng iba, pero walang tumitingala sa mga nag-aasikaso ng pang-araw-araw na mga gawain. Tiningnan ko ang mga tungkulin bilang mas maganda o hindi kasingganda, at ginusto kong gawin ang anumang tungkuling magpapaangat sa akin. Nang isaayos ng lider ko na mag-asikaso ako ng mga pangkalahatang gawain ayon sa mga pangangailangan ng aming gawain, ang tanging inisip ko ay ang sarili kong dignidad at katayuan, at sa kaibuturan ng puso ko, hindi ko iyon matanggap o masunod. Ni hindi ko hinanap ang kalooban ng Diyos, ni isinaalang-alang ang mga pangangailangan ng gawain ng iglesia. Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam! Noon ko natanto na ang kagustuhan kong ipagpatuloy ang pangangaral ng ebanghelyo ay hindi talaga pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Ginusto ko lang gawing tuntungan ang tungkulin ko para makamtan ko ang paghanga ng lahat. Ginusto ko lang gamitin ang tungkulin ko para magpasikat at tingalain ako ng mga tao, para maging sikat ako at makinabang. Nang isaayos ng lider na mag-asikaso ako ng mga pangkalahatang gawain, nasira ang ambisyon ko na maging mataas ang paggalang ng iba sa akin, kaya’t pasibo akong umiwas, at nawalan pa ako ng motibasyong gampanan ang aking tungkulin. Naisip ko kung paanong dati ay mayroong katayuan at katanyagan sa mundo ang ilang kapatid, pero nagawa nilang talikdan iyon, at anumang tungkulin ang isinaayos ng iglesia para sa kanila, mahalaga man o hindi ang tungkulin nila, nakaya pa rin nilang tanggapin at sundin iyon. Nang ikumpara ko ang sarili ko sa kanila, nahiya ako. Walang puwang sa puso ko ang Diyos, o kahit ang pinakasimpleng pagsunod sa Diyos. Natanto ko na ngayon kung gaano kawalang-katwiran ang maghangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kung patuloy akong maghahangad nang ganito, kailanman ay hindi ko mauunawaan o matatamo ang katotohanan, at sa malao’t madali ay palalayasin ako. Pagkatapos niyon, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Kung ang tanging iniisip mo kapag wala kang ginagawa bawat araw ay may kinalaman sa kung paano lulutasin ang iyong tiwaling disposisyon, paano isasagawa ang katotohanan, at paano mauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, matututuhan mong gamitin ang katotohanan para lutasin ang iyong mga problema ayon sa mga salita ng Diyos. Sa gayon ay magkakaroon ka ng kakayahang mamuhay nang nakapagsasarili, at makakapasok ka na sa buhay, wala ka nang haharaping matitinding paghihirap sa pagsunod sa Diyos, at unti-unti, makakapasok ka sa katotohanang realidad. Kung, sa iyong puso, nahuhumaling ka pa rin sa katanyagan at katayuan, abala pa rin sa pagpapakitang-gilas at pagpapatingala sa’yo ng iba, hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan kung gayon, at maling landas ang tinatahak mo. Ang hinahangad mo ay hindi ang katotohanan, ni ang buhay, kundi ang mga bagay na gustung-gusto mo, ito ay reputasyon, kita, at katayuan—kung ganoon, walang kaugnayan sa katotohanan ang anumang gagawin mo, ang lahat ng ito ay paggawa ng masama, at pagbibigay serbisyo. Kung, sa puso mo, minamahal mo ang katotohanan, at lagi kang nagsisikap para sa katotohanan, kung naghahangad ka ng disposisyonal na pagbabago, nagkakamit ng tunay na pagsunod sa Diyos, at nagkakaroon ng takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at kun nakokontrol mo ang sarili mo sa lahat ng ginagawa mo, at nagagawa mong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, patuloy na bubuti ang iyong kalagayan, at ikaw ay magiging isang taong namumuhay sa harap ng Diyos. … Ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay hinahanap ito sa lahat ng bagay, pinagninilayan nila ang kanilang sarili at sinusubukan na makilala ang kanilang sarili, pinagtutuunan ang pagsasagawa ng katotohanan, at palagi silang may pagsunod sa Diyos at takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Kung may anumang kuru-kuro o maling pagkaunawa tungkol sa Diyos na lumilitaw sa kanila, agad silang nagdarasal sa Diyos at naghahanap ng katotohanan para malutas ang mga ito. Pinagtutuunan nila ang maayos na pagganap sa kanilang mga tungkulin, para matupad ang kalooban ng Diyos; at nagsisikap sila tungo sa katotohanan at naghahangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, nagkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso at lumalayo sa lahat ng masasamang gawa. Ito ang mga tao na palaging namumuhay sa harap ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Mabuting Pag-uugali ay Hindi Nangangahulugan na Nagbago na ang Disposisyon ng Isang Tao). Matapos basahin ang salita ng Diyos, natanto ko na, kung gusto kong tumahak sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, hangarin ang katotohanan at makamit ang pagbabago sa aking disposisyon, kailangan kong baguhin ang maling pananaw ko sa paghahangad. Magawa ko man o hindi na makapagpasikat o mahangaan ng iba sa aking tungkulin, dapat kong tanggapin ang tungkulin ko at gampanan ito nang may katapatan. Ito ang saloobing dapat kong taglayin sa aking tungkulin, at ang katwirang dapat taglayin ng mga nilalang. Kung gagampanan ko ang aking tungkulin nang hindi hinahangad ang katotohanan, at hindi ko kayang sundin ang Diyos, kung gagawin ko lang iyon para maging sikat at magkaroon ng katayuan, at igalang ako ng aking mga kapatid, mangangahulugan iyon na nasa landas ako ng pagkalaban sa Diyos. Kung hindi ako magbabago, sa huli, tatanggihan lang ako at palalayasin. Ang pananalig sa Diyos at pagtupad sa aking mga tungkulin ay nangangailangan ng pagtutuwid sa aking mga motibo, pagtutuon sa paghahangad at pagsasagawa ng katotohanan, pagtalikod sa aking mga ambisyon at ninanais, at paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa mga kinakailangan ng Diyos. Saka lamang ako magiging masunurin sa Diyos, at sa ganitong paraan ko lamang mababago ang aking mga tiwaling disposisyon. Nang maunawaan ko ito, nagkaroon ako ng direksyon, at mula sa kaibuturan ng puso ko ay naging handa akong tanggapin ang tungkulin ko. Tingalain man ako ng mga tao o hindi, kailangan kong gampanan ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya.

Pagkatapos niyon, nabasa ko ang dalawang sipi ng salita ng Diyos: “Upang magampanan ninyo ang inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon, malaki man ito o maliit, pisikal man ito o mental, at ito man ay ang pangangasiwa sa mga panlabas na isyu o panloob na gawain, walang sinuman ang aksidenteng gumaganap ng tungkulin niya. Paano mangyayaring ito ay desisyon mo? Ang lahat ng ito ay pinangunahan ng Diyos. Dahil lamang sa pag-aatas ng Diyos sa iyo kaya ka kumikilos nang ganito, na mayroon kang pagpapahalaga sa misyon at responsabilidad, at na nagagampanan mo ang tungkulin mo. Napakarami sa mga hindi mananampalataya ang may magagandang hitsura, kaalaman, o talento, ngunit pinapaboran ba sila ng Diyos? Hindi, hindi Niya sila pinapaboran. Hindi sila pinili ng Diyos, at kayo lang ang pinapaboran Niya. Lahat kayo ay binibigyan Niya ng lahat ng uri ng papel, pinagagampan ng lahat ng uri ng tungkulin, at pinaaako ng iba’t ibang responsabilidad sa Kanyang gawain ng pamamahala. Kapag sa wakas ay natapos na at natupad ang gawain ng pamamahala ng Diyos, napakalaking kaluwalhatian at pribilehiyo nito! Kaya, kapag nakararanas ng kaunting hirap ang mga tao habang ginagampanan nila ang tungkulin nila ngayon; kapag kailangan nilang isuko ang ilang bagay, gugulin nang bahagya ang kanilang sarili, at magbayad ng partikular na halaga; kapag nawala ang katayuan nila at ang katanyagan at kayamanan nila sa mundo; at kapag ang mga bagay na ito ay nawalang lahat, tila ang Diyos ang kumuha ng lahat ng ito sa kanila, ngunit may nakamit silang isang bagay na mas katangi-tangi at mas mahalaga. Ano ang nakamit ng mga tao mula sa Diyos? Nakamit nila ang katotohanan at buhay sa pamamagitan ng paggampan sa tungkulin nila. Kapag natupad mo ang tungkulin mo, nakumpleto ang atas ng Diyos, ginugol ang buong buhay mo para sa misyon mo at sa iniatas ng Diyos sa iyo, mayroon kang magandang patotoo, at namumuhay ka nang may halaga—saka pa lamang masasabi na ikaw ay isang totoong tao! At bakit sinasabi kong ikaw ay isang totoong tao? Dahil pinili ka ng Diyos at pinagampan Niya sa iyo ang tungkulin ng isang nilikha sa Kanyang pamamahala. Ito ang pinakamahalaga at ang pinakadakilang kahulugan sa buhay mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kung nais mong ialay ang iyong buong debosyon sa lahat ng bagay para mapalugod ang kalooban ng Diyos, hindi mo iyon magagawa sa pamamagitan lamang ng pagganap ng isang tungkulin; kailangan mong tanggapin ang anumang utos na ibinibigay ng Diyos sa iyo. Tumutugon man ito o hindi sa iyong panlasa o sa iyong mga interes, o isang bagay man ito na hindi nakakasiya sa iyo, na hindi mo pa nagawa dati, o isang bagay na mahirap gawin, dapat mo pa rin itong tanggapin at sundin. Hindi mo lamang dapat tanggapin ito, kundi kailangan mo ring aktibong makipagtulungan, at matuto tungkol dito, habang dumaranas ka at pumapasok. Kahit pa ikaw ay nahihirapan, napapagod, napapahiya, o ibinubukod, kailangan mo pa ring ibigay ang iyong buong katapatan. Sa pagsasagawa lamang sa ganitong paraan mo maibibigay ang iyong buong debosyon sa lahat ng bagay at mapapalugod ang kalooban ng Diyos. Dapat mo itong ituring na tungkulin mong tutuparin, hindi bilang personal na bagay. Paano mo dapat maunawaan ang mga tungkulin? Bilang isang bagay na ibinibigay ng Lumikha—ng Diyos—sa isang tao para gawin; ganito nalilikha ang mga tungkulin ng mga tao. Ang atas na ibinibigay ng Diyos sa iyo ay tungkulin mo, at ganap na likas at may katwiran na gampanan mo ang iyong tungkulin gaya ng hinihingi ng Diyos. Kung malinaw mong nakikita na ang tungkuling ito ay atas ng Diyos, at na ito ay pagmamahal ng Diyos at pagpapala ng Diyos para sa iyo, magagawa mong tanggapin ang iyong tungkulin nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso, at magagawa mong isaisip ang kalooban ng Diyos habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at magagawa mong mapagtagumpayan ang lahat ng paghihirap para mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Hinding-hindi magagawa ng mga tunay na gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos na tanggihan ang atas ng Diyos; hindi nila kailanman magagawang tanggihan ang anumang tungkulin. Kahit ano pang tungkulin ang ipagkatiwala ng Diyos sa iyo, kahit ano pang mga paghihirap ang kaakibat nito, hindi mo ito dapat tanggihan, kundi tanggapin. Ito ang landas ng pagsasagawa, na isagawa ang katotohanan at ibigay ang iyong buong katapatan sa lahat ng bagay, upang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Ano ang pinagtutuunan dito? Iyon ay ang mga salitang ‘sa lahat ng bagay.’ Ang ‘lahat ng bagay’ ay hindi nangangahulugan ng mga bagay na gusto mo o kung saan ka mahusay, lalong hindi ang mga bagay na pamilyar ka. Kung minsan, ito ay mga bagay kung saan hindi ka mahusay, mga bagay na kailangan mong matutunan, mga bagay na mahirap, o mga bagay kung saan kailangan mong magdusa. Gayunpaman, anuman ito, basta’t ito ay ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kailangan mo itong tanggapin mula sa Kanya, at matapos itong tanggapin, kailangan mong gampanan nang mabuti ang tungkuling ito, ibigay dito ang iyong buong katapatan at palugurin ang kalooban ng Diyos. Ito ang landas ng pagsasagawa. Anuman ang mangyari, dapat mo laging hanapin ang katotohanan, at sa sandaling nakatitiyak ka na kung anong uri ng pagsasagawa ang naaayon sa kalooban ng Diyos, ganoon ka dapat magsagawa. Tanging sa paggawa nito mo isinasagawa ang katotohanan, at sa ganitong paraan ka lamang makakapasok sa katotohanang realidad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos basahin ang salita ng Diyos, natanto ko na walang tungkuling dumarating sa isang tao nang hindi sinasadya. Nagmumula ito sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Hindi ko puwedeng sundin ang sarili kong mga kagustuhan, kailangan kong sumunod at gampanang mabuti ang tungkulin ko nang buong puso at lakas ko. Ang ganitong pamumuhay lamang ang makabuluhan at hindi walang saysay. Dati-rati, nahumaling ako sa kasikatan at pakinabang, hindi ko naunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kaya hindi ko magawa nang tama ang aking tungkulin, at ang tingin ko sa mga tungkulin ay mas maganda at hindi kasingganda. Nauunawaan ko na ngayon na walang tungkulin na mas mataas o mas mababa sa iba, iba’t ibang tungkulin lang ang ginagampanan natin. Ito man ay pangangaral ng ebanghelyo o pag-aasikaso sa mga pangkalahatang gawain, kailangan ko itong tanggapin. Anumang tungkulin ang ating ginagampanan sa sambahayan ng Diyos, gusto ng Diyos na hangarin natin ang katotohanan at mas pagtuunan ang pagpasok sa buhay. Kung gagampanan ko lang ang aking tungkulin para hangaan ako at magkaroon ng reputasyon at katayuan, hindi ko matutupad ang tungkulin ng isang nilalang, kundi magpaplano ako para sa sarili kong mga layunin. Maghihimagsik ako at sasalungat sa Diyos. Kung magkagayon, kahit pa hangaan ako ng ibang mga tao, hindi sasang-ayon ang Diyos, kaya bakit ko pa gagawin iyon? Bagama’t tila hindi kapansin-pansin para sa akin ang pag-aasikaso ng mga pangkalahatang gawain, tinulutan ako ng sitwasyong ito na pagnilayan at kilalanin ang sarili ko, hangarin ang katotohanan, matuto ng mga aral, at sa huli, tinulutan ako nito na talikdan ang pagnanais ko ng reputasyon at katayuan, at matutong sumunod. Ito ang pagliligtas ng Diyos para sa akin. Sa totoo lang, sa pag-aasikaso ng mga gawain ng iglesia, nakaranas ako ng iba’t ibang bagay na nangangailangan ng pagsasaalang-alang sa mga interes ng iglesia, kung kailan kinailangan kong hanapin ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Hindi ba ito isang magandang pagkakataon para isagawa ko ang katotohanan at tuparin ko ang aking tungkulin para mapalugod ang Diyos? Nang matanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, ayaw ko na pong magrebelde sa Iyo. Gusto kong magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos Mo, tanggapin ang Iyong pagsubaybay at gampanan ang aking mga tungkulin nang may pusong puno ng pagmamahal para sa Iyo.” Pagkatapos kong magdasal, gumaan ang pakiramdam ko, at nagkaroon ako ng kumpiyansa na gampanan nang maayos ang tungkulin ko.

Minsan, nagtatrabaho ako kasama ang aking mga kapatid para tapusin ang isang gawain. Pinanood ko ang maingat nilang pagganap sa kanilang mga tungkulin, matapat na isinasaalang-alang at sinisiyasat ang bawat detalye ng kanilang gawain upang hindi magdusa ang mga interes ng iglesia. Ginunita ko kung paanong nagkaroon ako ng maling saloobin sa tungkulin ko buhat nang tanggapin ko ito. Ginawa ko lang kung ano ang isinaayos ng lider ko, at hindi ko isinaalang-alang kailanman kung paano gampanan nang maayos ang tungkulin. Ang pagtupad sa aking mga tungkulin sa ganitong paraan ay nakasakit sa Diyos at kinasuklaman Niya ako dahil doon. Kalaunan, hindi na ako nag-alala kung tinitingala ba ako ng iba. Sa halip, seryoso kong inisip ang mga interes ng iglesia, at naging maingat at masusi rin ako sa aking mga gawain. Nang gampanan ko ang aking mga tungkulin sa gayong paraan, nakaramdam ako ng kapayapaan, at hindi na ako nakaramdam ng pagod. Marami akong natutunan sa karanasan ko, at naunawaan ko na binigyan ako ng Diyos ng isang tungkuling hindi ko gusto para pagnilayan ko at matanto na mali ang paghahangad ko sa reputasyon at katayuan, para iligtas ako mula sa gapos at mga paglilimita na dulot ng reputasyon at katayuan. Inaakay Niya ako sa landas patungo sa paghahangad ng katotohanan. Lahat ng ito ay pagmamahal ng Diyos para sa akin. Naunawaan ko ang mabubuting layunin ng Diyos at nakita ko na anuman ang sumapit sa akin, kahit pa isa itong bagay o isang tungkuling hindi tumutugma sa aking mga kuru-kuro, kapaki-pakinabang ito sa buhay ko. Hindi na ako maaaring maghimagsik laban sa Diyos. Kailangan kong maging masunurin sa Diyos at gampanan ang aking mga tungkulin sa isang praktikal na paraan.

Hindi nagtagal, bumalik ang brother na nangangasiwa sa mga pangkalahatang gawain. Isinaayos ng lider na magtrabaho ako kasama ang brother na ito at magpatuloy sa pag-aasikaso ng mga pangkalahatang gawain. Nang mabalitaan ko ito, naisip ko, “Sa pagkakataong ito, hindi ko na maaaring hayaan na ang aking mga kagustuhan ang magdikta kung paano ko gagampanan ang aking mga tungkulin. Kailangan kong tanggapin at sundin ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos.” Alam kong pagpapakita ito ng Diyos ng biyaya sa akin, binibigyan ako ng isa pang pagkakataon na sanayin ang aking sarili at pumasok sa Kanyang mga salita. Dahil sa nauna kong karanasan, wala na akong mga negatibong iniisip sa tungkulin ko, hindi ko na minamaliit ang aking tungkulin, at hindi na rin ako malungkot na hindi ako mahahangaan ng iba. Sa halip, ginampanan ko ang aking tungkulin nang walang pagkukunwari at sinikap kong palugurin ang kalooban ng Diyos. Nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Para sa lahat ng gumaganap ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling hangarin, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumaganap ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon pagganap ng kanyang tungkulin. Dapat mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Unahin mo muna ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba. Hindi ba ninyo nararamdaman na mas dumadali ito nang kaunti kapag hinahati ninyo ito sa dalawang hakbang at gumagawa kayo ng ilang kompromiso? Kung magsasagawa ka nang ganito sa maikling panahon, madarama mo na hindi naman pala mahirap na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Bukod pa riyan, dapat mong magawang tuparin ang iyong mga responsabilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at ang iyong tungkulin, at isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, layon, at motibo; dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkulin na dapat mong gampanan. Pagkatapos danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na magandang umasal sa ganitong paraan. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, at hindi pagiging isang hamak at kasuklam-suklam na tao; pamumuhay ito nang makatarungan at marangal sa halip na pagiging kasuklam-suklam, hamak, at walang silbi. Madarama mo na ganito dapat kumilos ang isang tao at ito ang wangis na dapat niyang isabuhay. Unti-unti, mababawasan ang hangarin mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Niliwanagan ng salita ng Diyos ang puso ko. Kapag tinutupad natin ang ating mga tungkulin, dapat nating tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, at talikdan ang ating mga ninanasa, layunin at motibasyon. Dapat nating ialay ang ating tapat na puso, gawin ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa iglesia, at gawin ang lahat ng makakaya natin sa lahat ng kailangan nating gawin. Sa ganitong paraan lamang natin matutupad ang tungkulin ng isang nilalang, mamumuhay sa matuwid na paraan, at tataglayin ang pagkatao at katwiran na nararapat taglayin ng mga tao. Nang magsagawa ako nang ganito, nadama ko na payapa ang aking isipan, at panatag ako.

Masayang-masaya ako ngayon sa aking tungkulin, at marami na akong natutunan. Alam ko na kung hindi ako inilantad ng mga katunayan, at kung hindi sa paghatol ng salita ng Diyos, hindi ko mapapansin ang sarili kong katiwalian, ni magagawang makita ang kahalagahan ng paghahangad sa katotohanan. Pagkatapos ng karanasang ito, natanto ko rin na ang tungkuling ginagampanan ko ay isinaayos ng Diyos, at batay ito sa mga pangangailangan ko pagdating sa pagpasok sa buhay, kaya dapat kong tanggapin ito at sundin, hanapin ang katotohanan, gampanan ang aking mga tungkulin nang buong puso at isipan, at maging isang tao na tunay na sumusunod sa Diyos at umaani ng pagsang-ayon ng Diyos.

Sinundan: 8. Isagawa ang Katotohanan Kahit na Nakapagpapasama Ito ng Loob

Sumunod: 10. Nasaksihan ko ang Pagpapakita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito