789 Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain
Ⅰ
Diyos ay naging tao, isang karaniwang tao,
na nagdala ng gawain at atas ng Diyos.
Ibig sabihi’y binalikat N’ya ang gawai’t nagdusa
na ‘di matitiis ng karaniwang tao.
Kita sa hirap Niyang tapat Siya sa tao,
na siyang kabayaran, para mailigtas Niya ang tao,
tubusin sa sala nila’t tapusin ang yugtong ito.
Ibig sabihi’y tutubusin ng Diyos ang tao mula sa krus.
Ito’y halagang binayaran ng buhay,
na ‘di kayang bayaran ng mga nilalang.
Dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos,
Kaya Niya ang gawain at pagdurusang ito.
Walang nilalang ang makakagawa ng ginagawa Niya.
Ito ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya,
isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon.
Ⅱ
Muling naging tao ang Diyos
sa Kapanahunan ng Kaharian,
sa paraang ginawa Niya iyon noong una.
Kanyang salita’y ipinapahayag pa rin Niya,
ginagawa ang dapat Niyang gawin nang walang pasubali.
Nagtitiis at nagpaparaya rin Siya
sa pagsuway at kamangmangan ng tao,
laging ipinapahayag ang Kanyang disposisyon
at kalooban kasabay niyon.
Kaya, mula nang likhain ang tao hanggang ngayon,
disposisyon at kalooban ng Diyos,
kung ano ang mayroon at kung ano Siya
ay lagi nang ipinapaalam sa lahat,
hindi sadyang itinago kailanman.
Ang totoo’y walang pakialam ang tao
sa ginagawa’t kalooban ng Diyos.
Kaya nga, ito mismo ang dahilan
kaya wala silang gaanong alam tungkol sa Kanya.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I