45. Hindi Pag-aasawa ang Aking Hantungan

Ni Kathleen, Italya

Ipinanganak ako noong kalagitnaan ng dekada 80, at mahilig akong manood ng mga drama sa TV noong bata pa ako. Tuwing nakikita ko ang bidang babae na nakasuot ng puting damit-pangkasal at naglalakad sa gitnang pasilyo kasama ang lalaking mahal niya, at sinasabi ng lalaki sa kanya, “Poprotektahan kita habambuhay at paliligayahin kita,” napupuno ako ng inggit. Kumbinsido ako na ang makasama ang taong mahal mo, magkaroon ng kaibig-ibig na anak, at mamuhay nang sama-sama bilang isang pamilyang may pagkakasundo—iyon ang pinakamasayang buhay. Nang lumaki na ako, nakilala ko ang isang binata na nasa hustong isip at matatag. Talagang mapagsaalang-alang siya sa akin, mapagparaya sa pagiging sutil ko, at palagi siyang gumagawa ng mga romantikong bagay para sa akin, gaya ng pagbili ng maliliit na regalo. Ipinangako niyang tatratuhin niya ako nang maayos palagi at hinding-hindi niya hahayaang maagrabyado ako kahit kaunti. Kahit na napakahirap ng pamilya niya at tutol na tutol ang mga magulang ko sa pagpapakasal namin, pinakasalan ko pa rin siya nang walang pag-aalinlangan. Pagkatapos naming ikasal, nagkaroon kami ng kaibig-ibig na anak na lalaki, at ganoon pa rin ang pagkamapagsaalang-alang ng asawa ko. Inaasikaso niya ang lahat ng usapin sa pamilya namin, malaki man o maliit, kaya halos wala na akong inaalala. Nasa bahay lang ako para alagaan ang anak namin at gawin ang mga gawaing-bahay, ipinaghahanda siya ng masasarap na pagkain araw-araw bago siya umuwi at ginagawa ko ang lahat para maging mabuting misis. Kontentong-kontento ako sa buhay may-asawang ito, at naisip kong ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.

Noong pitong buwan na ang anak namin, tinanggap ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nalaman ko ang pinagmulan ng pagbagsak ng sangkatauhan, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at kung paano hakbang-hakbang na gumagawa ang Diyos para iligtas ang mga tao. Naunawaan ko ang maraming katotohanang hindi ko naunawaan noon. Naramdaman kong napakaganda ng pananampalataya sa Diyos, at umasa akong mananampalataya rin sa Diyos ang asawa ko kasama ko. Pero sa gulat ko, nang malaman ng asawa ko na nananampalataya ako sa Diyos, bigla siyang nagwala sa galit. Mahigpit niya akong pinagbawalan na manampalataya, at pilit niyang gustong malaman kung sino ang nangaral ng ebanghelyo sa akin, sinasabing gagantihan niya ang taong iyon. Nang makita ko ang saloobin ng asawa ko, nadurog ang puso ko. Natakot ako na aawayin niya ako araw-araw dahil sa pananalig ko, masisira ang relasyon namin, at mawawasak ang aming pagsasama. Naramdaman kong medyo nanghihina ako, at hindi na ganoon katindi ang motibasyon ko sa pananalig ko. Makalipas ang ilang araw, nalaman ng isang sister ang kalagayan ko at binasahan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao sa panlabas ay mukhang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi nito sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo para sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod nito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na mundo ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananalig sa Diyos). Nakipagbahaginan sa akin ang sister, sinasabing, “Hinahadlangan ng asawa mo ang pananampalataya mo sa Diyos, pero sa likod talaga nito ay ang panggugulo ni Satanas. Katatanggap mo pa lang ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at gusto mong hangarin ang katotohanan para magkamit ng kaligtasan. Ayaw ni Satanas na sumunod ang mga tao sa Diyos, kaya ginagamit nito ang asawa mo para hadlangan at usigin ka, para isuko mo ang pananalig mo. Pakana ito ni Satanas! Tingnan mo, noong pasimula, nilikha ng Diyos sina Adan at Eba. Namuhay sila sa Halamanan ng Eden na kasama ang presensiya at pagtutustos ng Diyos, at napakasaya nila. Gustong agawin ni Satanas ang tao mula sa mga kamay ng Diyos, kaya gumamit ito ng mga kasinungalingan para linlangin at tuksuhin si Eba na kainin ang bunga mula sa puno ng pagkakilala ng mabuti at masama. Dahil walang pagkilatis, pinagdudahan at itinatwa nina Adan at Eba ang mga salita ng Diyos. Nakinig sila kay Satanas, kinain ang bunga, at ipinagkanulo ang Diyos. Bilang resulta, pinalayas sila sa Halamanan ng Eden at napasailalim sa kapangyarihan ni Satanas, para yurakan at pahirapan nito. Ginagamit ni Satanas ang asawa mo para usigin at hadlangan ka. Dapat nating makilatis ang pakana ni Satanas at manindigan sa ating patotoo para sa Diyos.” Pagkatapos makinig sa pagbabahaginan ng sister, nakaunawa ako. Dahil gusto kong manampalataya at sumunod sa Diyos, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito para hadlangan ako. Sinusubukan nitong gamitin ang pag-uusig ng asawa ko para isuko ko ang pananalig ko. Kung susundin ko ang asawa ko at titigil ako sa pananampalataya, ipagkakanulo ko ang Diyos. Hindi ako puwedeng mahulog sa panlalansi ni Satanas. Kahit paano ako usigin ng asawa ko, hindi ko puwedeng isuko ang pananalig ko sa Diyos. Pagkatapos niyon, tuwing wala sa bahay ang asawa ko, palihim akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos at lumalabas para dumalo sa mga pagtitipon. Makalipas ang isang taon, nahalal ako bilang isang diyakono ng pagdidilig. Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pakikinig sa pagbabahaginan ng mga kapatid tungkol sa kanilang pagkaunawang batay sa karanasan sa Kanyang mga salita, lalo akong nakumbinsi na ang pananampalataya sa Diyos ang tamang landas sa buhay, at naging mas aktibo ako sa paggawa ng tungkulin ko. Gayumpaman, nalilimitahan pa rin ako ng asawa ko. Minsan, kapag medyo gabi nang natatapos ang pagtitipon, hindi ako mapakali, nag-aalala na baka magalit ang asawa ko at awayin ako kapag nakauwi na siya at hindi niya ako nakita. Kaya, sa sandaling matapos ang mga pagtitipon, nagmamadali akong umuwi nang mabilis hangga’t maaari. Pagkauwi ko, nagmamadali akong magluto at mag-ayos ng lahat sa bahay. Para maiwasan ang anumang pakikipagtalo sa asawa ko, hindi ko kailanman ginagawa ang mga debosyon ko kapag nasa bahay siya. Palagi ko siyang hinihintay na makaalis bago ako maglakas-loob na ilabas ang mga libro ko ng mga salita ng Diyos, at sa sandaling may marinig akong ingay sa labas ng pinto, mabilis kong itinatago ang mga iyon.

Kalaunan, naging mas abala ang gawain ng iglesia, at minsan ay gabi na akong nakauuwi. Minsan, huli nang natapos ang isang pagtitipon, at hindi ko nasundo ang anak namin sa kindergarten sa tamang oras, kaya tinawagan ng guro ang asawa ko. Pagkauwi ko, galit niya akong tinanong kung saan ako nanggaling. Ayaw kong magsinungaling sa kanya, at gusto ko ring samantalahin ang pagkakataon na sabihin sa kanya kung ano ang mga nakamit ko simula nang manampalataya ako sa Diyos. Pero sa gulat ko, pagkatapos niya akong pakinggan, galit na galit niyang sinabi, “Ang tatay mo ba ang nangaral sa iyo tungkol sa Diyos na iyan?” habang nagsisimula na siyang i-dial ang numero ng tatay ko. Gusto ko siyang kausapin nang maayos, pero galit na galit siya. Tinanong ko siya, “Bilang isang mananampalataya sa Diyos, hindi ako naninigarilyo, umiinom, o naglalaro ng mahjong, at lalong wala akong ginagawang anumang hindi tama. Bakit galit na galit ka sa pananampalataya sa Diyos?” Tumawa siya nang may panghahamak at kinuwestiyon ako, “Hindi mo ba natutuhan sa eskuwelahan na ayon sa ebolusyon, ang mga tao ay nagmula sa mga unggoy? Paanong magkakaroon ng Diyos? Nasaan ang Diyos? Kung may Diyos, sige nga, patayin Niya ako ngayon din!” Nabigla talaga ako sa mga salita ng asawa ko, at mabilis ko siyang binalaan na huwag magsalita nang walang ingat. Pero tumawa lang siya nang malakas at sinabing, “Nababaliw ka na sa paniniwala mo! Paanong magkakaroon ng Diyos? Puwede kang manigarilyo, uminom, mag-mahjong, at gawin ang kahit anong gusto mo, pero talagang hindi ka puwedeng manampalataya sa Diyos! Tatanungin kita ng isa pang beses: Gusto mo ba ang Diyos, o ang pamilyang ito?” Sinabi ko, “Buo ang pananalig ko sa Diyos!” Nang makita niyang desidido akong manampalataya sa Diyos, sinabi niya, “Kung ganoon, lumayas ka! Puwede kang maniwala sa Diyos at pumunta sa langit mo, at pupunta ako sa impiyerno ko!” Habang nakatingin sa mabangis niyang ekspresyon, hindi talaga ako makapaniwalang ito ang parehong asawa na nangako noon na mamahalin ako habambuhay at bibigyan ako ng panghabambuhay na kaligayahan. Labis siyang namumuhi sa Diyos; isa siyang ganap na ateista. Nadurog ang puso ko. Sa kaibuturan ko, ayaw kong tanggapin ang katunayang lumalaban siya sa Diyos, at hindi ko mabitawan ang pagsasama namin. Patuloy kong inaalo ang sarili ko, iniisip na baka sinasabi lang niya ang mga bagay na iyon dahil sa galit at magiging maayos ang lahat kapag kumalma na siya. Kaya, nagpasya akong tumira muna sa bahay ng nanay ko nang sandali. Sa gayon, magagawa ko rin ang tungkulin ko nang normal. Pero hindi inaasahan, makalipas ang ilang araw, nagsama ang asawa ko ng isang grupo ng mga kaibigan sa bahay ng nanay ko. Sabay-sabay silang nagsasalita, sinusubukang hikayatin akong isuko ang pananalig ko. Natatakot akong baka makuha nila ang atensiyon ng komite ng barangay o ng mga pulis, kaya wala akong nagawa kundi ang umuwi muna kasama ng asawa ko.

Pagkauwi namin, binantayan ako ng asawa ko araw-araw, sinasama ako saan man siya pumunta at hindi ako pinapayagang maiwan sa bahay nang mag-isa. Binibilhan din niya ako ng masasarap na pagkain araw-araw, dinadala kami ng anak namin sa mga parke at mall, at lagi niyang sinasabi sa akin kung paano maging mabuting asawa at kung paano magiging masaya ang pamilya naming tatlo. Unti-unti, nawalan na ako ng pagkilatis sa mga salita niya. Naisip ko na lang, “Napakabait sa akin ng asawa ko, at napakabait ng anak namin; ang sarap na mamuhay na lang nang ganito.” Dahil mas nawiwili na ako sa ganitong klase ng buhay, hindi na ako nagkaroon ng pasanin sa tungkulin ko. Hindi ako dumalo sa mga pagtitipon ng grupo sa loob ng isang buwan, at pagkatapos, tinanggal ako ng lider dahil sa aking kalagayan.

Sa mga sumunod na araw, kahit hindi na galit sa akin ang asawa ko, hindi ko maalis ang kahungkagan sa kaluluwa ko. Pinalilipas ko ang bawat araw na parang wala sa sarili. Madalas kong tinatanong ang sarili ko, “Ganito na lang ba ako mabubuhay habambuhay? Ano ang kabuluhan ng buhay?” Tapos, may ilang linya ng mga salita ng Diyos na pumasok sa isip ko: “Nasaan ang iyong kapasyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (8)). Sa sunod-sunod na pagharap sa mga tanong ng Diyos, napakabigat ng kalooban ko. Tinanong ko ang sarili ko sa puso ko, “Nasaan ang determinasyon ko? Bakit hindi ako makawala sa mga paglilimita ng asawa ko?” Pagkatapos niyon, nahanap ko ang siping iyon ng mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nakabigkas na ng maraming salita ang Diyos, ngunit sino ang kailanman ay nagseryoso na sa mga ito? Hindi nauunawaan ng tao ang mga salita ng Diyos, gayumpaman nananatili siyang panatag, at walang matinding pananabik, hindi kailanman tunay na nakilala ang diwa ng matandang diyablo. Nakatira ang mga tao sa Hades, sa impiyerno, ngunit naniniwala na nakatira sila sa palasyo sa pusod ng dagat; sila ay inuusig ng malaking pulang dragon, gayumpaman ang iniisip nila sa kanilang mga sarili ay ang ‘mapaboran’ ng bansa; kinukutya sila ng diyablo ngunit iniisip na kanilang tinatamasa ang pinakamainam na sining ng laman. Anong pangkat ng mga marumi at abang mga hamak sila! Sinapit na ng tao ang kasawian, ngunit hindi niya ito nalalaman, at sa madilim na lipunang ito ay nagdurusa ng sunud-sunod na sakuna, datapwa’t hindi pa siya kailanman nagising dito. Kailan niya iwawaksi ang kanyang kabaitan sa sarili at malaaliping disposisyon? Bakit hindi siya mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aapi at paghihirap na ito? Hindi ba niya inaasam ang araw na maaari niyang palitan ng liwanag ang kadiliman? Hindi ba niya inaasam na minsan pang malunasan ang mga hinaing tungkol sa katarungan at katotohanan? Handa ba siyang manood nang walang ginagawa habang tinatalikdan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siyang patuloy na tiisin ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga alipin ng nabigong kalagayang ito? Nasaan ang iyong kapasyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? … Dahil walang-katuturang tinakot at inapi nang ganoon, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay magugugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at nagmamadaling umalis? Bakit hindi siya nagtatabi ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (8)). Sa pagbabasa ng paglalantad ng Diyos sa kasalukuyang kalagayan ng buhay ng tao, pakiramdam ko ay nagising ako mula sa isang panaginip. Dati, inakala ko na ang isang pamilyang may tatlong miyembro na namumuhay nang sama-sama at may pagkakaisa ang pinakamagandang buhay, pero ganoon nga ba talaga? Ang pananampalataya sa Diyos ay isang bagay na ganap na likas at may katwiran, pero para hindi magalit ang asawa ko, hindi man lang ako naglakas-loob na magbasa ng mga salita ng Diyos sa bahay, lalo na ang dumalo sa mga pagtitipon o gawin ang tungkulin ko. Ginugol ko ang bawat araw sa pag-aasikaso lang sa pang-araw-araw na pangangailangan ng asawa at anak ko, namumuhay nang walang anumang layon o direksiyon, na parang isang naglalakad na bangkay. Ang pamumuhay nang ganitong walang kabuluhang buhay nang walang malinaw na pagkaunawa sa kung sino ka ay hindi talaga kaligayahan. Tulad lang ito ng sinasabi ng Diyos: “Namumuhay kayo sa ganitong mundo ng mga kabayo at baka, pero sa totoo lang ay hindi kayo nakararamdam ng ligalig; puno kayo ng galak at namumuhay kayo nang malaya at magaan. Lumalangoy kayo sa paligid ng mabahong tubig na iyon, pero hindi ninyo talaga napagtatantong nahulog na kayo sa ganoong suliranin. Bawat araw, nakikisama kayo sa maruruming espiritu at nakikisalamuha sa ‘mga tae.’ Talagang bulgar ang buhay ninyo, pero hindi mo talaga namamalayang lubos kang hindi umiiral sa mundo ng tao at na hindi ikaw ang may kontrol sa sarili mo. Hindi mo ba alam na ang buhay mo ay matagal nang nayurakan ng maruruming espiritung iyon, o na ang karakter mo ay matagal nang nadungisan ng mabahong tubig? Iniisip mo bang namumuhay ka sa makalupang paraiso, at na nasa gitna ka ng kaligayahan? Hindi mo ba alam na namuhay ka ng isang buhay sa tabi ng maruruming espiritu, at na magkasama kayong umiral sa lahat ng bagay na inihanda ng mga ito para sa iyo? Paano magkakaroon ng anumang kabuluhan ang paraan ng pamumuhay mo? Paano magkakaroon ng anumang halaga ang buhay mo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Masyadong Mababang-uri ang Karakter Ninyong Lahat!). Habang lalo kong pinagninilayan ang mga salita ng Diyos, lalo kong nararamdaman kung gaano kaawa-awa ang buhay ko. Sinasamantala ng mga kapatid ko ang bawat sandali para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at hangarin ang katotohanan, at patuloy na lumalago ang mga buhay nila. Pero ang mga araw ko ay umiikot sa asawa at anak ko, at sinasayang ko ang buhay ko sa buhay may-asawa ko. Nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan upang linisin at iligtas ang mga tao, para maiwaksi nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon, magkamit ng pagliligtas ng Diyos, at maisabuhay ang isang makabuluhang buhay. Kung ang mga araw ko ay iikot lang lahat sa asawa at anak ko, siguradong mapapalampas ko ang napakabihirang pagkakataong ito para sa pagliligtas ng Diyos, at sa huli, mawawasak ako kasama ng mga diyablo. Magiging panghabambuhay na pagsisisi iyon! Pagkatapos, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, hindi ko na puwedeng iraos ang mga araw nang parang wala sa sarili. Gusto kong hangarin ang katotohanan at gawin ang tungkulin ko, pero hindi ko mabitawan ang asawa ko sa puso ko. Gabayan Mo sana ako para makilatis ko ang mga pakana ni Satanas, para hindi na niya ako malimitahan at makapanampalataya ako sa Iyo nang buong puso at magawa nang maayos ang tungkulin ko.”

Pagkatapos, nagbasa ako ng mga salita ng Diyos, at mas malinaw kong nakita ang diwa ng asawa ko. Sabi ng Diyos: “Bakit minamahal ng isang lalaki ang kanyang asawa? Bakit minamahal ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga intensyon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang intensyon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanais?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Ipagpalagay nang nanggagalaiti ang isang tao at nagwawala kapag nababanggit ang Diyos: Nakita na ba niya ang Diyos? Kilala ba niya kung sino ang Diyos? Hindi niya alam kung sino ang Diyos, hindi siya naniniwala sa Kanya, at hindi pa nakikipag-usap ang Diyos sa kanya. Hindi siya kailanman ginambala ng Diyos, kaya bakit siya magagalit? Maaari ba nating sabihin na ang taong ito ay buktot? Ang mga makamundong kalakaran, pagkain, pag-inom, at paghahanap ng kasiyahan at paghabol sa mga sikat na tao—wala sa mga bagay na ito ang makagagambala sa ganitong tao. Gayumpaman, isang pagbigkas lang ng salitang ‘Diyos’ o ng katotohanan ng mga salita ng Diyos, agad siyang nagwawala. Hindi ba ito ang bumubuo sa pagkakaroon ng buktot na kalikasan? Ito ay sapat na upang patunayan na ito ang buktot na kalikasan ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Minulat ako ng mga salita ng Diyos. Wala naman pala talagang tunay na pagmamahal sa akin ang asawa ko; ang tinatawag niyang pagmamahal ay may kondisyon. Inisip ko kung bakit dati ay sobrang mapagbigay sa akin ang asawa ko. Iyon ay dahil mahirap lang ang pamilya niya, at wala siyang ibinigay na regalo noong ikinasal kami, samantalang mas angat ang hitsura at pamilya ko kaysa sa kanya. Ipinagmamalaki niya kapag nakikita siyang kasama ko. Isa pa, pagkatapos naming ikasal, ako ang naglalaba, nagluluto para sa kanya, at binigyan ko siya ng anak, at mapagsaalang-alang ako at inaalagaan ko siya sa bawat aspekto ng buhay. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, dahil inaaresto ng CCP ang mga Kristiyano, natatakot siya na kapag naaresto ako, mapapahiya siya, kaya nanlamig siya sa akin, madalas na nagagalit sa akin, at sinubukan pa ang lahat ng paraan para pigilan ako sa paniniwala sa Diyos. Paano naging pagmamahal sa akin iyon? Malinaw na kinokontrol at ginagamit niya lang ako. Nabulag ako ng diumano’y pagmamahal, iniisip na mahal talaga ako ng asawa ko. Napakahangal ko! Sa sandaling mabanggit ang Diyos, nagdidilim ang paningin ng asawa ko at nagwawala sa galit, nagsasabi pa ng mga bagay na nagtatanggi at humahamak sa Diyos. Isa siyang diyablo na namumuhi at lumalaban sa Diyos! Para pasukuin ako sa pananalig ko, gumamit siya ng parehong malulupit at mga malumanay na taktika, at sinabi pang puwede akong kumain, uminom, magpakasaya, at mag-mahjong—kahit ano huwag lang maniwala sa Diyos at lumakad sa tamang landas. Ganoon kabaluktot ang mga diyablo! Dati, ang tingin ko sa kanya ay may hustong isip, matatag, at mapagparaya sa akin sa lahat ng paraan, at inakala ko na isa siyang lalaki na mapagkakatiwalaan ko ng buong buhay ko. Pero ngayon ay nakikita ko na nang malinaw: Ilusyon lang ang lahat ng iyon. Wala sa akin ang katotohanan at hindi ako marunong kumilatis ng tao. Nalinlang ako ng matatamis niyang salita sa lahat ng panahon. Napakabulag ko! Tapos, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Likas na hindi magkaayon ang mga mananampalataya at ang mga walang pananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ang asawa ko ay isang ateista na sumusunod sa mga makamundong kalakaran at mahilig kumain, uminom, at magpakasaya. Nananampalataya ako sa Diyos at hinahangad ko ang katotohanan at kaligtasan. Hindi kami tumatahak sa parehong landas. Hindi niya mababago ang pananalig ko, at hindi ko mababago ang diwa niya. Kahit manatili kaming magkasama, hindi kami magiging masaya. Binabantayan ako ng asawa ko, hinihimok ako araw-araw na sumama sa kanya sa paghahangad ng masasamang kalakaran, at pinipigilan akong manampalataya sa Diyos at gawin ang tungkulin ko. Hindi iyon pagmamahal; iyon ay paghihila sa akin pababa sa impiyerno kasama niya. Hindi na ako puwedeng makipagkompromiso sa diyablong ito. Kailangan kong maniwala sa Diyos nang buong puso at gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Pagkatapos niyon, lumabas ako at ginawa ang tungkulin ko nang normal. Nang makita ng asawa ko na hindi niya ako makontrol, hindi niya ako kinibo. Kahit na nakakapagod sa katawan at isipan ang ganitong klase ng buhay may-asawa, sa puso ko, umasa pa rin ako na balang araw ay titigil ang asawa ko sa paghadlang sa pananalig ko, at makakapamuhay nang sama-sama ang pamilya namin nang may pagkakaisa gaya ng dati. Kalaunan, napag-isip-isip ko, “Bakit hindi ko mabitawan ang buhay may-asawang ito sa puso ko?” Pagkatapos ay binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang mga mapanirang impluwensiya at pyudal na pag-iisip na naitanim nang malalim sa puso ng tao sa pamamagitan ng libu-libong taon na ‘matayog na diwa ng nasyonalismo’ ay ginapos at kinadena ang mga tao, iniwan silang wala ni gatuldok na kalayaan, walang ambisyon o pagtitiyaga, at walang pagnanais na umusad, sa halip ay pinananatili silang negatibo at paurong, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin, at iba pa. Ang mga obhetibong salik na ito ay nag-iwan ng di-mabuburang bakas ng karumihan at kapangitan sa ideolohikal na pananaw, mga adhikain, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang madilim na mundo ng terorismo, at hindi iniisip ng sinuman sa kanila na lagpasan ito, o iniisip na lumipat sa isang ideyal na mundo; sa halip, ginugugol nila ang mga araw nila nang may pakiramdam ng pagkakontento sa kalagayan nila sa buhay: panganganak at pagpapalaki ng mga anak, pagsusumikap, pagpapapawis, pag-aasikaso ng mga trabaho, at pangangarap na magkaroon ng isang maginhawa at masayang pamilya, mapagmahal na buhay may-asawa, ng paggalang ng mga anak, ng kagalakan sa kanilang katandaan, at ng payapang pamumuhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libo-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng pinakamagandang buhay sa lahat ng buhay ng tao, nakatuon lamang sa pagpapatayan, nakikipagkarera para sa kasikatan at pakinabang, at nagpapakana laban sa isa’t isa sa madilim na mundong ito. Sino ang naghanap na sa mga layunin ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng mga tao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao, kaya napakahirap na isakatuparan ang gawain ng Diyos, at lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (3)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, ang mga tao ay nagagapos ng iba’t ibang tradisyonal na ideya ng kultura at pyudal na kaisipan. Ginagawa nilang layon ng panghabambuhay nilang paghahangad ang pagkakaroon ng mapagmahal na buhay may-asawa at pagpapalaki ng mga anak, at naipasa ito sa sali’t saling lahi. Bukod pa riyan, itinataguyod ng lahat ng uri ng mga palabas sa TV, pelikula, at akdang pampanitikan ang mga ideyang gaya ng “Ang pag-ibig ang pinakamataas” at “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama.” Bilang resulta, naniniwala ang mga tao na ang paghahangad ng masayang buhay may-asawa ang pinakamahalagang bagay. Isinapuso ko rin ang mga ideyang ito at ginawang layon ng buhay ko ang pagkakaroon ng masayang buhay may-asawa. Pagkatapos naming ikasal, laging gumagawa ang asawa ko ng maliliit na romantikong sandali at kapwa maasikaso at mapag-alaga siya sa akin, kaya nakaramdam ako ng labis na pagkakontento. Inakala ko na ang makasama siya habambuhay ang nagbibigay-halaga sa buhay. Para mapanatili ang masaya naming buhay may-asawa, natuto akong magluto, nanatili sa bahay para palakihin ang anak namin, at ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa at ina, ibinubuhos ang lahat ng oras at lakas ko sa aming buhay may-asawa at pamilya. Itinuring ko ang buhay may-asawa bilang hantungan ko sa buhay at naramdaman kong ang pagbibigay ng lahat para dito ang dapat kong gawin. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, naunawaan ko ang maraming katotohanan at hiwaga mula sa Kanyang mga salita. Alam ko rin na bilang isang nilikha, dapat kong sambahin ang Lumikha at gampanan ang tungkulin ko. Gayumpaman, natatakot ako na baka magalit ang asawa ko dahil sa pananampalataya ko sa Diyos at mawala ang pagsasama namin, kaya madalas akong may ibang iniisip sa mga pagtitipon at hindi ako naglalakas-loob na magbasa ng mga salita ng Diyos o makinig sa mga himno sa bahay. Para mapanatili ang relasyon namin ng asawa ko, isinantabi ko ang tungkulin ko at pinagsisihan ko pa ngang ginawa ko ang tungkulin ko. Mahigpit akong nagapos ng mga satanikong ideya gaya ng “Ang buhay may-asawa ng isang babae ang kanyang panghabambuhay na hantungan,” “Ang masayang buhay may-asawa ang pinakadakilang kaligayahan,” at “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama.” Hindi ko makita ang pagkakaiba ng mga positibo at negatibong bagay, at agad kong isinuko ang tungkulin ko para hangarin ang isang masayang buhay may-asawa. Kung magpapatuloy ako nang ganito, sa huli ay mawawasak ako kasama ni Satanas. Nang maisip ko ito, kahit na mamuhay ako kasama ang asawa ko nang may pagkakasundo, ano ang kabuluhan niyon? Hindi ko magagampanan ang tungkulin ko bilang isang nilikha, ni hindi ko mauunawaan ang mga katotohanang dapat kong maunawaan. Hindi ba’t ang pamumuhay nang habambuhay na magulo ang isip ay pagsasayang lang ng oras? Tapos, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa loob ng mga dekada, ng libo-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng pinakamagandang buhay sa lahat ng buhay ng tao.” Walang kabuluhan ang buhay na hinahangad ko, at hindi ko mapigilang magnilay: Ano ang pinakamagandang buhay? Paano ba talaga dapat mamuhay ang isang tao para magkaroon ng kabuluhan ang buhay niya?

Pagkatapos ay binasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at nakahanap ako sa mga ito ng direksiyon para sa buhay ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gayunpaman, may ilang tao na nagkakamali dahil ginagawa nilang misyon ng kanilang buhay ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa, o ang pagtupad ng kanilang mga responsabilidad sa kanilang kabiyak, at ang kanilang pagmamalasakit, pag-aalaga, at pagmamahal sa kanilang kabiyak, at itinuturing nila ang kanilang kabiyak bilang ang kanilang langit, ang kanilang tadhana—mali ito. Ang iyong tadhana ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at hindi ito pinamamahalaan ng iyong kabiyak. Hindi mababago ng pag-aasawa ang iyong tadhana, ni ang katunayan na ang Diyos ang namamahala sa iyong tadhana. Tungkol sa uri ng pananaw sa buhay na dapat mong taglayin at sa landas na dapat mong sundin, dapat mong hanapin ang mga ito sa mga salita ng itinuturo at mga hinihingi ng Diyos. Hindi nakasalalay ang mga bagay na ito sa iyong kabiyak at hindi siya ang magtatakda sa mga ito. Bukod sa pagtupad ng kanyang mga responsabilidad sa iyo, hindi siya ang dapat na may kontrol sa iyong tadhana, o hindi niya dapat hilingin na baguhin mo ang iyong direksiyon sa buhay, ni hindi niya dapat itakda kung anong landas ang susundin mo, o itakda kung anong pananaw sa buhay ang dapat mayroon ka, lalong hindi ka niya dapat pigilan o hadlangan sa paghahangad sa kaligtasan. Pagdating sa pag-aasawa, ang magagawa lamang ng mga tao ay tanggapin ito mula sa Diyos at sundin ang depinisyon ng pag-aasawa na inorden ng Diyos para sa tao, kung saan ang parehong mag-asawa ay tumutupad sa kanilang mga responsabilidad at obligasyon sa isa’t isa. Ang hindi nila magagawa ay ang itakda ang tadhana, nakaraang buhay, kasalukuyang buhay, o ang susunod na buhay ng kanilang kabiyak, lalo na ang buhay na walang-hanggan. Ang iyong hantungan, ang iyong tadhana, at ang landas na iyong susundin ay maaari lamang itakda ng Lumikha. Kaya, bilang isang nilikha, ang iyong papel man ay bilang isang misis o mister, ang kasiyahan na dapat mong hangarin sa buhay na ito ay nagmumula sa paggampan mo ng tungkulin ng isang nilikha at pagsasakatuparan sa misyon ng isang nilikha. Hindi ito nagmumula sa pag-aasawa mismo, lalong hindi sa pagtupad mo ng mga responsabilidad ng isang asawa sa loob ng balangkas ng pag-aasawa. Siyempre, ang landas na iyong pinipiling sundin at ang pananaw sa buhay na iyong ginagamit ay hindi dapat nakabatay sa kaligayahan sa pag-aasawa, lalong hindi ito dapat nakatakda batay sa isa sa mag-asawa—ito ay isang bagay na dapat mong maunawaan. Kaya, ang mga taong pumapasok sa pag-aasawa na naghahangad lamang ng kaligayahan sa pag-aasawa at tumitingin sa paghahangad na ito bilang kanilang misyon ay dapat na bumitiw sa gayong mga kaisipan at pananaw, dapat nilang baguhin ang paraan ng kanilang pagsasagawa, at baguhin ang direksiyon ng kanilang buhay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (11)). “Dapat hangarin ng lahat ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan sa kanilang kasalukuyang mga kalagayan. Dapat nilang maisabuhay ang wangis ni Pedro, at dapat nilang taglayin ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat nilang hangarin ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat nilang hangarin ang isang mas malalim, mas dalisay na pagmamahal sa Diyos, at isang buhay na may halaga at kahulugan. Ito lamang ang buhay; sa ganito lamang sila magiging katulad kay Pedro. Dapat kang tumuon sa kusang pagpasok sa positibong panig, at hindi ka dapat maging pasibo at hayaan ang iyong sarili na umurong dahil kontento ka sa pansamantalang ginhawa, habang kasabay nito ay binabalewala ang mas malalim, mas detalyado, at mas praktikal na mga katotohanan. Dapat kang magtaglay ng praktikal na pagmamahal, at dapat kang humanap ng lahat ng posibleng paraan upang mapalaya ang iyong sarili mula sa dekadente at walang-pakialam na pamumuhay na walang pinagkaiba sa paraan ng pamumuhay ng isang hayop. Dapat mong isabuhay ang isang buhay na may kabuluhan at halaga, at hindi mo dapat linlangin ang iyong sarili o ituring ang iyong buhay na parang isang laruan na dapat paglaruan. Para sa lahat ng may determinasyon at nagmamahal sa Diyos, walang katotohanang hindi maaabot at walang katarungan na hindi nila mapaninindigan. Paano mo dapat ipamuhay ang iyong buhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para matugunan ang Kanyang mga layunin? Wala nang mas mahalagang bagay sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong uri ng determinasyon at pagtitiyaga, at hindi dapat maging mahina na walang gulugod. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili nang pabasta-basta sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan; pagkatapos niyon, magkakaroon ka pa rin ba ng ganitong uri ng oportunidad na mahalin ang Diyos? Maaari bang mahalin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng determinasyon at ng konsensiya na katulad ng kay Pedro; dapat kang mamuhay ng makabuluhang buhay, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahangad sa Diyos, dapat mong isaalang-alang at harapin ang buhay mo nang maingat—isinasaalang-alang kung paano mo dapat ialay ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makabuluhang pananalig sa Diyos, at dahil sa iniibig mo ang Diyos, paano mo Siya dapat ibigin sa paraang mas dalisay, mas maganda, at mas mabuti. … Dapat kang magdusa ng paghihirap para sa katotohanan, dapat mong isakripisyo ang iyong sarili para sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa para magkamit ng higit pang katotohanan. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa pagtatamasa ng pagkakasundo ng pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng buong buhay mo alang-alang sa pansamantalang pagtatamasa. Dapat mong hangarin ang lahat ng maganda at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makabuluhan. Kung namumuhay ka ng gayong isang ordinaryo at makamundong buhay, at wala kang anumang layong hahangarin, hindi ba’t pag-aaksaya ito sa iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong paraan ng pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi mo dapat itapon ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang ganitong mga tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, biglang napuno ng liwanag ang puso ko, at naramdaman kong parang personal akong ginagabayan ng Diyos patungo sa direksiyong dapat tahakin ng buhay ko. Naunawaan ko na ang buhay may-asawa ay hindi ang aking hantungan, at na sa loob ng buhay may-asawa, ang mag-asawa ay tumutupad lang ng kanilang mga responsabilidad sa isa’t isa at sinasamahan at inaalagaan ang isa’t isa. Sa aming buhay may-asawa, naglaba ako, nagluto, at nag-anak; natupad ko na ang mga responsabilidad ko at wala akong anumang pagkukulang sa asawa ko. Kung hindi siya nakialam sa pananalig ko, maipagpapatuloy sana namin ang pamumuhay nang magkasama basta’t hindi ito nakakahadlang sa tungkulin ko. Pero kung hinahadlangan niya ang pananalig ko, dapat kong piliing tuparin nang maayos ang tungkulin ko bilang isang nilikha. Hindi ko dapat ituring ang buhay may-asawa bilang hantungan ko o iasa rito ang panghabambuhay na kaligayahan. Isang maling pananaw iyon. Sa loob ng maraming taon, itinuring ko ang asawa ko bilang ang lahat-lahat sa akin. Nang tutulan niya ang pananalig ko, bulag akong nakipagkompromiso at nagparaya, binitiwan ang mga pagtitipon at maging ang tungkulin ko. Lubusan akong nahulog sa kadiliman, nakakaramdam ng kahungkagan at pasakit. Inubos ko ang lahat ng oras at lakas ko sa pagpapanatili ng isang masayang pagsasama, kaya hindi ako nakapagbasa ng maraming salita ng Diyos at hindi ako nakaunawa ng maraming katotohanan. Nakagawa pa nga ako ng mga pagsalangsang habang ginagawa ang tungkulin ko at nagsayang ng ilang taon ng buhay ko. Ngayon, habang ginagawa ko ang tungkulin ko, dumadalo sa mga pagtitipon, at nakikipagbahaginan sa salita ng Diyos kasama ang mga kapatid, nakakaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan sa puso ko. Nauunawaan ko rin na bilang isang nilikha, dapat kong hangarin ang katotohanan at tuparin nang maayos ang tungkulin ko. Ito ang buhay na dapat kong hangarin. Naisip ko kung paano hinarap ni Pedro ang pag-uusig mula sa mga magulang niya para sa pananalig niya, pero tumanggi siyang malimitahan ng pamilya niya at determinadong piniling sumunod sa Diyos. Sa huli, nakompleto niya ang atas ng Diyos at nakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Mayroon ding maraming Kristiyano na tinalikuran ang lahat para sumunod sa Panginoon, ipinakalat ang Kanyang ebanghelyo, at iginugol ang buong buhay nila para sa Kanya. Labis na nabigyang-inspirasyon ang puso ko, at nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, gusto ko ring iwan ang tahanan ko para gawin ang tungkulin ko at igugol ang buong buhay ko para sa Iyo. Hinihiling ko na maghanda Ka ng pagkakataon para sa akin.”

Makalipas ang isang taon, nang makita ng asawa ko na determinado pa rin akong manampalataya sa Diyos at gawin ang tungkulin ko paano man niya subukang pigilan ako, hiningi niyang magdiborsiyo kami. Kalmado kong sinabi, “Kung ganoon, magkanya-kanya na tayo at maghiwalay nang maayos.” Nang makita ng asawa ko na seryoso ako, umatras siya. Pumayag siyang hayaan akong umalis ng bahay para gawin ang tungkulin ko, pero ayaw niyang makipagdiborsiyo sa akin. Nang umalis ako ng bahay, pakiramdam ko ay para akong ibong nakawala sa hawla, na sa wakas ay malaya nang lumipad. Nakakakanta ako ng mga himno kahit kailan ko gusto, nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Diyos kahit kailan ko gusto, at hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa kahit ano kahit na gabihin ako sa pag-uwi pagkatapos tapusin ang tungkulin ko. Araw-araw, nakakahanap ako ng malaking kasiyahan sa puso ko sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng tungkulin ko kasama ang mga kapatid. Ang ganitong klase ng buhay ay talagang makabuluhan at masaya.

Ngayon, ginagawa ko ang tungkulin ko nang full-time araw-araw, nagsasanay ako sa iba’t ibang tungkulin, at mayroon akong mas malaki at mas praktikal na pagkaunawa sa mga katotohanang prinsipyo kaysa dati. Mayroon din akong ilang nakamit sa aking buhay pagpasok. Tunay kong napagtanto na ang tunay na kaligayahan ay hindi nagmumula sa isang masayang buhay may-asawa. Sa halip, ang pagkakilala sa Lumikha, pagtupad nang maayos sa tungkulin ng isang nilikha para kompletuhin ang iyong misyon at mga responsabilidad, at pagkaunawa sa katotohanan para lumakad sa landas tungo sa kaligtasan—iyon ang tunay na kaligayahan. Kasabay nito, pakiramdam ko ay napakasuwerte ko na sa malawak na dagat na ito ng sangkatauhan, binigyan ako ng biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabalik sa akin sa Kanyang sambahayan, ginagabayan akong maunawaan ang katotohanan, at inililigtas ako mula sa alimpuyo ng buhay may-asawa. Mula sa kaibuturan ng puso ko, nagpapasalamat ako sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas, at nagpapasya akong taimtim na igugol ang sarili ko para sa Diyos mula ngayon at isabuhay ang isang makabuluhang buhay!

Sinundan: 44. Mga Pagninilay Pagkatapos ng Isang Pagtitipon

Sumunod: 46. Ang Panahon Ko sa Paggawa ng Tungkulin ng Pagpapatuloy sa Bahay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito