45. Ang Nakamit Ko Mula sa Pagdaranas ng Pag-uusig at Kapighatian

Ni Lu Ning, Tsina

Noong Hunyo 2022, hinaharap ng aming iglesia ang mga malawakang pag-aresto ng CCP. Labis akong nalungkot nang malaman kong ang mga kapatid sa paligid ko ay isa-isang inaaresto. Kasabay nito, nag-alala rin ako sa sarili kong seguridad, naisip ko na, “Nakipag-ugnayan ako sa ilang kapatid na naaresto. Gumampan pa nga ako ng mga tungkulin at sumakay sa parehong kotse kasama sila. Kung susuriin ng pulisya ang mga kuha ng CCTV, wala nang paraan para makatakas ako sa pagkakadawit. Mayroon akong lupus, at namamaga ang mga paa ko. Kung maaaresto at papahirapan ako ng mga pulis, tiyak na hindi ito kakayanin ng katawan ko. Bukod pa rito, hindi ako makakakain o makakatulog nang maayos sa kulungan. Mahina na rin naman ang kalusugan ko, kaya kahit hindi ako bugbugin ng mga pulis hanggang mamatay, mamamatay naman ako sa kulungan dahil sa karamdaman. Kung mamamatay ako, mawawala ang pagkakataon ko sa kaligtasan.” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng labis na takot sa puso ko. Isang araw, nagpunta ako para magpadala ng isang liham sa isang lider, si Sister Zhao Yan. Sinabi niya na noong nasa labas siya, napansin niyang parang may sumusunod sa kanya. Kalaunan, lumibot siya sa maraming iba’t ibang lugar, bumalik lamang sa bahay nang makita niyang nailigaw na niya ito. Nang marinig ko ito, medyo kinabahan ako. Naisip ko na, “Kailangan kong maghatid sa kanya ng mga liham dalawa o tatlong beses sa isang araw. Kung sinusundan siya, madadawit kaya ako?” Ninais kong magtago at huwag nang maghatid ng mga liham. Gayumpaman, naisip ko na dahil napakahirap ng sitwasyon, hindi na personal na magagampanan ng mga lider ang kanilang gawain. Maraming gampanin ang kinailangang isagawa sa pamamagitan ng mga liham. Kung hindi maihahatid sa oras ang mga liham sa mga lider, maaantala ang gawain. Pinag-isipan ko ito nang mabuti, at nagpasya akong lakasan ang loob ko at patuloy na gampanan ang tungkuling ito. Bukod sa pagpapadala at pagtanggap ng mga liham, diniligan ko rin ang mga baguhan. Isang lugar ng pagtitipon para sa mga baguhan ang minsang binisita ng isang sister na naaresto. Dahil hindi kami makahanap ng isang angkop na pamilyang nagho-host, at hindi maaaring itigil ang mga pagtitipon ng baguhan, matapos timbangin ang kabuuang sitwasyon, napagpasyahan naming maaari pa ring gamitin ang lugar ng pagtitipon kung babantayan namin ang sitwasyon. Nagpatuloy kaming magtipon doon. Gayumpaman, nag-alala ako na kung matuklasan ng mga pulis ang tungkol sa lugar na ito ng pagtitipon, baka pumunta sila at arestuhin kami anumang oras. Kapag nagtitipon kami, hindi ko mapakalma ang puso ko. Noong panahong iyon, nakatali sa gawain ang ilang baguhan, at ang ilan ay inuusig ng kanilang mga pamilya. Hindi ko pinag-isipang mabuti kung paano makipagbahaginan para malutas ang kalagayan ng mga baguhan. Kapag pumupunta ako sa mga pagtitipon, wala akong sigla sa ginagawa ko. Unti-unti, tumigil silang magtipon nang regular. Kalaunan, napagtanto ko na mali ang sarili kong kalagayan, at hinanap ko ang katotohanan para lutasin ang sarili kong mga problema.

Sa mga debosyonal ko, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kapag pormal Kong sinimulan ang Aking gawain, lahat ng tao ay gagalaw tulad ng Aking paggalaw, kaya magpapakaabala ang mga tao sa buong sansinukob kasama Ko, ang buong sansinukob ay nasa kalagayan ng ‘masayang pagkaabala,’ at nauudyukan Kong sumulong ang tao. Dahil dito, nilalatigo Ko ang malaking pulang dragon mismo hanggang sa magdeliryo ito at malito, at nagsesebisyo ito sa Aking gawain, at, kahit ayaw nito, hindi nito magawang sundin ang sarili nitong mga pagnanais, bagkus ay wala itong mapagpilian kundi ang ‘magpasakop sa Aking mga pamamatnugot.’ Sa lahat ng plano Ko, ang malaking pulang dragon ang Aking panghambing, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ko kailanman niluwagan ang Aking ‘mga hinihingi’ rito. Samakatwid, ang huling yugto ng gawain ng Aking pagkakatawang-tao ay natatapos sa sambahayan nito—mas nakatutulong ito sa maayos na pagseserbisyo ng malaking pulang dragon sa Akin, at sa pamamagitan nito ay lulupigin Ko ito at tatapusin ang Aking plano. Habang gumagawa Ako, lahat ng anghel ay magsisimula sa pangwakas na pakikibaka na kasama Ko at magpapasyang tugunan ang Aking mga layunin sa huling yugto, kaya ang mga tao sa lupa ay magpapasailalim sa Aking harapan kagaya ng mga anghel, at mawawalan ng hangaring salungatin Ako, at hindi gagawa ng anumang nagkakanulo sa Akin. Ito ang mga dinamika ng Aking gawain sa buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang malaking pulang dragon ay isang gamit-panserbisyo ng gawain ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang pag-uusig ng malaking pulang dragon para magsilbi sa pagbubunyag ng lahat ng uri ng tao. Mabubunyag kung sino ang masasamang damo at kung sino ang mga trigo. Ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos at may tunay na pananalig sa Diyos ay kayang magpursige sa paggampan ng kanilang tungkulin anumang sitwasyon ang harapin nila o gaano man kapanganib ang kanilang sitwasyon. Ang mga taong hindi tunay na nananampalataya sa Diyos ay napanghihinaan ng loob at umaatras kapag nahaharap sa pag-aresto at pag-uusig. Nakita ko na kapag nahaharap sa isang mapanganib na sitwasyon, ayaw ko pa ngang gampanan ang tungkulin ko dahil sa kahinaan ng loob at takot, at palagi ko pang nais na magtago. Ang tanging isinaalang-alang ko ay ang personal na seguridad ko. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Naging pabaya pa nga ako sa pagdidilig ng mga baguhan. Hindi ba’t ang pag-uugali ko ay isang pagkakanulo sa Diyos? Kung magpapatuloy ako nang ganito, hindi ba’t magiging masamang damo ako, na ihihiwalay?

Nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Kahit gaano pa ‘kalabis na makapangyarihan’ si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga kapabilidad nito para sa pagtitiwali at pang-aakit ng tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana nito sa pananakot sa tao, kahit gaano pa walang-tigil na pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakalikha ng kahit isang buhay na nilalang, hindi pa kailanman nakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay, at hindi pa kailanman nakakontrol at nakapaghari sa anumang bagay, may buhay man o wala. Sa loob ng kosmos at sa kalangitan, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang magpasailalim sa kapamahalaan ng Diyos, kundi higit pa rito, ay kailangang magpasakop sa lahat ng atas at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, hindi madali para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o isang butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa mga kamay ng Diyos. Gaano man kalaganap si Satanas, hindi ito mangangahas kumilos ayon sa sarili nitong kalooban nang walang pahintulot ng Diyos. Naisip ko ang karanasan ni Job. Nang makipagpustahan sa Diyos si Satanas, hindi pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kunin ang buhay ni Job, kaya hindi nangahas si Satanas na kumilos nang ganoon. Kumikilos ito sa loob ng saklaw na ipinahintulot ng Diyos, at hindi nangangahas lumabis dito nang kahit gahibla man ng buhok. Nakita kong hindi ko naunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Pakiramdam ko palagi na hindi ako maaaresto kung magtatago ako sa bahay, habang nanganganib naman akong maaresto kung nagtatrabaho ako sa labas. Kapag kailangan kong maghatid ng ilang liham sa isang araw o magpunta at magdilig ng mga baguhan, nakakaramdam ako ng paglaban sa puso ko. Pakiramdam ko na sa paggawa nito ay nanganganib akong masubaybayan ng mga pulis at pagkatapos ay maaresto. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kahit araw-araw akong dumaan sa ilalim ng pagmamasid ng lahat ng uri ng surveilance camera, hindi ako maaaring arestuhin ng mga pulis nang walang pahintulot ng Diyos. Naisip ko ang karanasan ng isang sister. Pinahinto siya ng mga pulis sa isang checkpoint at malapit na sana siyang arestuhin. Mukhang wala nang paraan para makatakas siya, pero madali siyang nakalusot nang harap-harapan. Maraming taon akong nanampalataya sa Diyos, pero wala akong tunay na pagkaunawa sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat, sa kataas-taasang kapangyarihan, at sa awtoridad ng Diyos. Nang harapin ko ang isang mapanganib na kapaligiran, ninais kong umiwas at magtago para maprotektahan ang sarili ko, tulad ng isang pagong na umaatras pabalik sa kanyang bahay. Napakaliit ng pananalig ko! Habang pinag-iisipan kong mabuti ang mga salita ng Diyos, medyo bumuti ang kalagayan ko. Kalaunan, nang muli akong maghatid ng mga liham, hindi na ako ganoon katakot. Nais ko na lang maihatid ang mga liham sa lalong madaling panahon para hindi maantala ang gawain ng iglesia. Nang pumasok sa isip ko ang panghihina ng loob habang papunta ako para magdilig ng mga baguhan, sinadya kong magdasal sa Diyos, at hiniling ko sa Diyos na protektahan ang puso ko para mapakalma ito. Sa puso ko, nakatuon ako sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, isinama ko ang mga ito sa mga problema ng mga baguhan sa aking pakikipagbahaginan. Sinabi ng lahat ng baguhan na may natutuhan sila mula sa mga pagtitipon; regular na ulit silang nakakapagtipon.

Kalaunan, nagnilay ako sa sarili ko. Bakit ba palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong seguridad sa sandaling maharap ako sa isang mapanganib na sitwasyon? Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa kapaligiran ng mainland Tsina, posible bang maiwasang sumuong sa anumang panganib at tiyaking walang masamang mangyayari habang ginagampanan ang tungkulin? Kahit ang pinakamaingat na tao ay hindi makakatiyak niyon. Ngunit ang pagiging maingat ay kinakailangan. Ang pagiging handa nang maaga ay makakapagpabuti nang kaunti sa mga bagay-bagay, at makakatulong ito na mabawasan ang mga kawalan kapag nagkakaproblema. Kung walang anumang paghahanda man lang, magiging malaki ang mga kawalan. Nakikita mo ba nang malinaw ang kaibahan ng dalawang sitwasyong ito? Samakatwid, tungkol man ito sa mga pagtitipon o sa paggampan ng anumang uri ng tungkulin, pinakamainam na maging maingat, at kinakailangang magsagawa ng ilang hakbang na pang-iwas. Kapag ang isang tapat na tao ay gumagampan sa kanyang tungkulin, maaari siyang mag-isip nang mas komprehensibo at masusi. Gusto niyang isaayos nang mabuti ang mga bagay na ito sa abot ng kanyang makakaya para kung magkakaproblema man, mababawasan ang mga kawalan. Pakiramdam niya ay dapat niyang matamo ang resultang ito. Ang isang taong walang katapatan ay hindi nagsasaalang-alang sa mga bagay na ito. Iniisip niya na hindi mahalaga ang mga bagay na ito, at hindi niya itinuturing ang mga ito bilang kanyang responsabilidad o tungkulin. Kapag may nangyayaring hindi maganda, wala siyang nararamdamang anumang paninisi sa kanyang sarili. Ito ay isang pagpapamalas ng kawalan ng katapatan. Ang mga anticristo ay walang ipinapakitang katapatan sa Diyos. Kapag inaatasan sila ng gawain, masaya nila itong tinatanggap, at gumagawa sila ng ilang magagandang deklarasyon, ngunit kapag dumarating ang panganib, tumatakbo sila nang napakabilis; sila ang unang tumatakbo, ang unang tumatakas. Ipinapakita nito na ang kanilang pagiging makasarili at kasuklam-suklam ay talagang malala. Wala silang anumang pakiramdam ng responsabilidad o katapatan man lang. Kapag nahaharap sa isang problema, ang alam lang nila ay tumakas at magtago, at iniisip lang nila ang pagprotekta sa kanilang sarili, hindi kailanman isinasaalang-alang ang kanilang mga responsabilidad o tungkulin. Alang-alang sa kanilang pansariling seguridad, palaging ipinapakita ng mga anticristo ang kanilang makasarili at kasuklam-suklam na kalikasan. Hindi nila inuuna ang gawain ng sambahayan ng Diyos o ang kanilang sariling mga tungkulin. Lalong hindi nila inuuna ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, inuuna nila ang sarili nilang seguridad(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Isinisiwalat ng mga salita ng Diyos na ang mga anticristo ay sadyang makasarili at kasuklam-suklam. Anuman ang harapin nila, ang tanging isinasaalang-alang nila ay ang kanilang personal na pakinabang. Sa partikular, kapag nahaharap sila sa isang mapanganib na kapaligiran, sa sandaling magkaroon ng pinakamaliit na banta ng panganib, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang personal na seguridad. Hindi man lang nila isinasaalang-alang kung mapipinsala ang gawain ng iglesia. Nakita ko na ang disposisyon na naibunyag ko ay katulad ng sa isang anticristo. Sa panahong ito, maraming kapatid ang naaresto. Ang unang pumasok sa isip ko ay iyong nakipag-ugnayan ako sa mga taong naaresto, kaya may potensyal na panganib sa sarili kong seguridad. Nang isaayos ng mga lider na maghatid ako ng mga liham, natakot akong maaresto ng mga pulis at mabugbog hanggang mamatay. Pagkatapos ay hindi na ako magkakaroon ng isang magandang kahihinatnan o destinasyon sa hinaharap. Naramdaman kong inilalagay ko ang sarili ko sa panganib ng kamatayan sa paggampan ng tungkuling ito: May kaakibat itong matinding panganib. Kaya ninais kong tanggihan ang tungkuling ito. Kalaunan, kahit na mukhang nagpapasakop ako sa panlabas, pinipilit ko lang ang sarili kong gawin ito. Sa sandaling magkaroon ng pinakamaliit na senyales ng panganib, humihina ang loob ko at natatakot ako, at palagi kong gustong magtago. Alam na alam ko na ang pagdidilig ng mga baguhan ay bahagi ng tungkulin ko. Gayumpaman, dahil sa panghihina ng loob at pagkatakot ay hindi ko mapakalma ang puso ko at hindi ako makapagtipon kasama ng mga baguhan. Nangangahulugan ito na hindi nalutas ang mga problema ng mga baguhan, at namuhay sila sa pagkanegatibo, na ayaw nilang dumalo sa mga pagtitipon. Sa bawat pagkakataon, inisip ko ang sarili kong seguridad at kung paano mapoprotektahan ang sarili ko. Isinantabi ko ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng aking mga kapatid. Wala talaga akong pagkatao! Napakamakasarili at kasuklam-suklam ko! Mula sa kaibuturan ng puso ko, nakaramdam ako ng pagsisisi. Handa akong bitawan ang personal na pakinabang, at tuparin ang tungkulin ko maaresto man ako o hindi. Nang maisip ko ito, mas kumalma ang puso ko.

Kalaunan, nakarinig ako ng tuloy-tuloy na balita tungkol sa mga kapatid na inaaresto, at muling kinabahan ang puso ko. Alam ng isa sa mga brother na naaresto ang tungkol sa ilang lugar ng pagtitipon. Dinala ko pa nga siya sa isang lugar ng pagtitipon ilang araw bago iyon, at hindi ako sigurado kung nakita at nasundan ako. Pakiramdam ko ay maaari akong maaresto anumang oras. Kung maaaresto ako, kahit hindi ako mabugbog hanggang mamatay ay mamamatay naman ako sa kulungan dahil sa karamdaman. Lalo pang lumala ang takot ko habang iniisip ko ito, at nais kong muling magtago. Pero may isa pa akong naisip, “Kung aalis ako, ano ang mangyayari sa gawain dito? Hindi ako maaaring mamuhay sa isang makasarili at kasuklam-suklam na paraan tulad ng isang anticristo. Hindi ko maaaring balewalain ang gawain ng iglesia para protektahan ang sarili ko.” Kahit ginagampanan ko ang tungkulin ko sa panlabas, nanatili pa rin akong mahina ang loob at natatakot sa puso ko. Isang beses, sa aking debosyonal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa mainland Tsina, naranasan na ng hinirang na mga tao ng Diyos ang panunupil at mga pang-aaresto ng malaking pulang dragon, at nakaranas na rin sila ng ilang tukso. Gaano karaming beses man silang naging mahina at nabigo, ang lahat ng kayang maghangad sa katotohanan ay unti-unting lumago sa tayog at nagkaroon ng buhay pagpasok. Kung makaharap nilang muli ang mga kapaligiran at tuksong naranasan nila noon, magkakaroon sila ng kaunting pananalig. Kung isang araw ay dalhin sila ng karanasan nila sa puntong hindi na sila takot sa kamatayan, at kaya na nilang malinaw na makita na ang buhay at kamatayan ng mga tao ay nasa mga kamay nga ng Diyos at pinamamatnugutan at isinasaayos ng Diyos, hindi ba’t ibig sabihin niyon na mas lumakas na ang pananalig nila? Tulad lang ng sa kapanahunan ng Lumang Tipan—bakit hindi sinakmal ng mga leon si Daniel nang itinapon siya sa lungga ng mga leon? Dahil may pananalig siya na hindi pinahintulutan ng Diyos ang mga leon na sakmalin siya. Kung gayon, ano ang iniisip ni Daniel sa puso niya? Hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos. Sa puso niya, sinabi niya: ‘Itinapon ako ng Diyos sa lungga ng mga leon. Ako at ang mga leon ay kapwa mga nilikha. Kung pahihintulutan ng Diyos ang mga ito na kainin ako, oras na para mamatay ako. Kung hindi ito pahihintulutan ng Diyos, hindi ako kakainin ng mga leon. Pinatutunayan nito na dapat pa rin akong mamuhay sa mga kamay ng Diyos, at na hindi pa tapos ang buhay ko at hindi pa ako dapat na mamatay. Itinatakda ito ng Lumikha.’ Nang maharap si Daniel sa usaping ito, una, hindi niya itinatwa ang pangalan ng Diyos; pangalawa, wala siyang paghihinala sa ginawa ng Diyos, hindi niya ito hinusgahan o kinondena, o hindi siya naghimagsik laban sa Diyos, at nagawa niyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya natalo at napahiya si Satanas. Kaya, ano ang mga kilos at pagpapamalas ni Daniel? Mga patotoo ang mga ito. Kapag may gayon kang tayog ay saka ka lang mahaharap sa mga gayong pagsubok. Kahit na ilagay ka ng Diyos sa lungga ng mga leon, hindi ka takot, at hindi nangangahas ang mga leon na kainin ka, pinatutunayan nito na mayroon kang tunay na pananalig at na tumahak ka na sa landas ng pagpeperpekto. Ganito mismo ang paglago sa buhay. Isang pagsubok din ang pagkakatapon sa lungga ng mga leon, tulad lang ng pagkakaalis sa napakalaking kayamanan ni Job. Ano ang pagpapamalas ni Job? (Pagpapasakop.) Bakit nagawa niyang magpasakop? Ito ay dahil walang mga pagdududa si Job tungkol sa ginawa ng Diyos. Nagkaloob o nag-alis man ang Diyos ng mga gantimpala, ayos lang ito para kay Job. Kahit na ibigay ng Diyos ang isang araw at kunin ang susunod, magpapasakop pa rin si Job. Paano man kumilos ang Diyos, ayos lang ito para kay Job; kaya niyang hayaan ang Diyos na mamatnugot ayon sa gusto ng Diyos at magpasakop sa Diyos. Kaayon siya ng Diyos. Paano man kumilos ang Diyos, kahit na paglaruan siya ng Diyos, kaya pa rin niyang magpasakop. … Ang tunay na pananalig ay naglalaman ng tunay na pagpapasakop, at ang tunay na pagpapasakop ay nagpapalitaw sa tunay na pananalig. Kung mayroon kang tunay na pananalig at kaya mong magkamit ng tunay na pagpapasakop, anong pagsubok ang makakatalo sa iyo? Anong kapaligiran ang makakatalo sa iyo? Walang makakatalo sa iyo. Kahit na itapon ka sa lungga ng mga leon, hindi mangangahas ang mga leon na kainin ka. Hindi ba’t mabuting bagay ito? (Oo.)” (Pagbabahagi ng Diyos). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na kung nananampalataya ka sa Diyos sa Tsina, isang bansang ateista, hindi mo maiiwasan ang pag-aresto at pag-uusig. Gayumpaman, gaano man kapanganib ang kapaligiran, kung kaya mong itaya ang buhay mo sa panganib, na hindi natatakot sa kamatayan, ito ay pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos. Katulad ito ni Daniel. Nanampalataya siya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at mayroon siyang pananalig sa Diyos. Nang ihagis siya sa lungga ng mga leon, hindi siya nagreklamo sa Diyos. Mabuhay man siya o mamatay, nagpasailalim siya sa pamamatnugot ng Diyos. Ipinaranas sa atin ng Diyos ang pag-uusig at kapighatian para sa pamamagitan nito ay maperpekto ang tunay nating pananalig sa Diyos. Dapat kong tularan si Daniel, at ilagay sa mga kamay ng Diyos ang buhay o kamatayan ko. Kung pinahintulutan ako ng Diyos na maaresto ng mga pulis, magpapasakop ako sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi naman ako pinahintulutan ng Diyos na maaresto, handa akong gampanan nang maayos ang tungkulin ko.

Kalaunan, nakarinig ako ng isang himno ng iglesia, na talagang nakaantig sa akin.

Sumusunod kay Cristo, Hindi Ako Kailanman Tatalikod, Kahit Hanggang Kamatayan

Ang Anak ng tao sa mga huling araw ay nagpapahayag ng katotohanan, ginigising ang di-mabilang na puso. Nakikita kong ang mga salita ng Diyos ay pawang katotohanan, kaya sumusunod ako sa Kanya. Si Satanas, ang malaking pulang dragon, ay hibang na inaapi at inaaresto ang hinirang na mga tao ng Diyos. Iyong mga sumusunod kay Cristo at gumagawa ng mga tungkulin nila ay ibinubuwis ang kanilang buhay. Balang araw, maaari akong maaresto at mausig dahil sa pagpapatotoo sa Diyos. Sa puso ko, malinaw kong nauunawaan na isa itong pang-uusig na alang-alang sa pagiging matuwid. Balang araw, baka maaresto at makulong ako dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Ito ang pagdurusang inorden ng Diyos para sa mga sumusunod sa Kanya. Hindi ko alam kung gaano katagal ko pa matatahak ang landas na ito ng pangangaral ng ebanghelyo, pero hangga't nabubuhay ako, ipapakalat ko ang mga salita ng Diyos at magpapatotoo ako kay Cristo. Ginugugol ko ang aking sarili para lang hangarin ang katotohanan at tuparin ang atas ng Diyos. Sa buhay na ito, ikinararangal ng puso ko ang sumunod at magpatotoo kay Cristo. Kahit hindi ko makita ang araw na maisasakatuparan ang kaharian, sapat nang makapagpatotoo at mapahiya si Satanas sa araw na ito. Kasama ko ang Diyos sa pag-uusig at kapighatian; Siya ang aking sandigan. Marahil ang buhay ko ay maglalahong parang isang panandaliang paputok, ngunit ang mamatay bilang martir para sa Diyos ay isang matunog na patotoo. Naihandog ko ang aking munting lakas sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Wala akong mga reklamo at mga pagsisisi. Dahil nakapagpatotoo ako sa Diyos, hindi naging walang saysay ang buhay ko. Ito ang pag-orden ng Diyos, at nag-aalay ako sa Kanya ng papuri at pasasalamat.

…………

—Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paulit-ulit kong pinakinggan ang awit na ito. Nabigyan ako ng inspirasyon, pero nahiya rin ako. Handa ang mga kapatid ko na isakripisyo ang kanilang mga buhay para mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos. Kahit na mauwi man sila sa pagiging martir, maninindigan sila sa kanilang patotoo. Sa kabaligtaran, hinarap ko lang ang mga potensyal na banta sa aking seguridad—hindi ito tungkol sa pagsasakripisyo ng buhay ko. Pero kahit ganoon, natakot ako na ayaw ko nang gampanan ang mga tungkulin ko. Wala akong halaga kumpara sa mga kapatid na ito. Labis kong inaalala ang aking sarili! Naisip ko ang mga disipulo noong Kapanahunan ng Biyaya, na nakaranas ng matinding pag-uusig para magpatotoo sa gawain ng Panginoong Jesus. Gayumpaman, hindi sila kailanman tumigil sa pangangaral ng ebanghelyo o sa pagpapatotoo sa Diyos dahil natakot sila sa kamatayan. Sa huli, naging martir sila para sa Diyos. Bagama’t namatay ang kanilang laman, hindi namatay ang kanilang mga kaluluwa; nagpatuloy sila sa pamumuhay sa ibang paraan. Nakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos ang kanilang patotoo, at naging mahalaga at makabuluhan ang kanilang kamatayan. Sa kabaligtaran, ang mga taong mahina ang loob, natatakot, at inaalala lamang ang pagliligtas sa kanilang sarili ay naging mga Hudas at ipinagkanulo ang Diyos para mapangalagaan ang sarili nilang buhay. Bagama’t namuhay sila nang ilang panahon, tuluyang nawasak ang kanilang mga espiritu, kaluluwa, at katawan magpakailanman. Nang maunawaan ko ito, hindi na mahina ang loob ko at hindi na ako nalilimitahan ng kamatayan. Kung isang araw ay talagang maaaresto ako, iyon ay isang patotoong dapat kong panindigan. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa maging si Hudas at ipagkanulo ang Diyos. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang hinihingi sa iyo ng Diyos, kailangan mo lamang pagsikapan ito nang buo mong lakas, at umaasa Ako na magagawa mong tuparin ang katapatan mo sa Diyos sa harap Niya sa mga huling araw na ito. Hangga’t kaya mong makita ang nasisiyahang ngiti ng Diyos habang Siya ay nakaupo sa Kanyang trono, kahit ito man ay ang oras ng iyong kamatayan, dapat mong makayang tumawa at ngumiti habang ipinipikit ang iyong mga mata(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob,” Kabanata 41). Anumang sitwasyon ang harapin ko, isa akong nilikha at dapat kong gampanan nang maayos ang tungkulin ko. Kailangan kong sumunod sa Diyos at gampanan nang maayos ang tungkulin ko kahit na ilaan ko pa ang buhay ko para rito. Kalaunan, ginampanan ko nang normal ang tungkulin ko. Agad kong inabisuhan ang mga pamilyang nagho-host na pinuntahan ng brother na naaresto, para makalipat sila. Wala nang ibang kapatid na nadamay dahil dito. Nang ang ilang kapatid ay nasa hindi mabuting kalagayan dahil sa takot nilang maaresto, hinanap ko sila at nakipagbahaginan ako sa kanila. Habang parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, hiniling sa akin ng mga lider na diligan ang mga baguhang ito. Aktibo akong nakipagtulungan.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa awtoridad ng Diyos, at sa sarili kong makasarili at kasuklam-suklam na satanikong kalikasan. Mula sa kaibuturan ng puso ko, nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 44. Hindi Ko Na Sinusubukang Protektahan ang Aking Dangal

Sumunod: 46. Ang Pagsasabi ng Totoo Tungkol sa mga Pagkakamali ng Mabubuting Kaibigan ay Nagpapatagal at Nagpapaganda sa Pagkakaibigan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito