95. Ang mga Kahihinatnan ng Hindi Pagdududa Kailanman sa mga Kinakasangkapan Mo

Ni Abby, Amerika

Naglingkod ako bilang diyakono ng ebanghelyo sa iglesia. Bukod sa nagpapalaganap mismo ako ng ebanghelyo, pinangasiwaan at sinubaybayan ko rin ang lagay ng pagganap sa tungkulin ng mga manggagawa sa ebanghelyo. Para naman sa mga pabaya gumanap ng kanilang mga tungkulin, binabantayan ko sila nang maigi. Halimbawa, inuunawa kong mabuti ang mga sitwasyon ng mga potensyal nilang tatanggap ng ebanghelyo at ang mga pamamaraan kung paano sila nagbahaginan at nagpatotoo. Paminsan, kapag nakita kong iresponsable sila sa kanilang mga tungkulin, pinupungusan ko sila at isinisiwalat ko ang kanilang mga problema. Pero, para sa ilang kapatid na kadalasan naman ay masikap sa kanilang mga tungkulin, tinatanong ko lang sila sandali kung naharap ba sila sa anumang hirap. Hindi ko kailanman isinaalang-alang kung baka mabibigo ba silang tuparin ang kanilang mga responsabilidad o kung magpapabaya ba sila. Inisip ko pa nga na, “Kung masyado kong susubaybayan ang kanilang gawain, iisipin ba nilang wala akong tiwala sa kanila? Kung magkakaroon sila ng negatibong opinyon tungkol sa akin, magiging nakakaasiwang makisama sa kanila.” Kaya, madalang kong subaybayan o pangasiwaan nang masinsinan ang kanilang gawain.

Isang araw, nakatanggap ako ng mensahe mula sa sister na katuwang ko sa trabaho. Iniulat niya na hindi naging responsable si Sonia bilang isang tagapagpalaganap ng ebanghelyo, na umuurong ito kapag may nakikitang mga hirap, at nagsasanhi ng mga pagkaantala sa gawain. Ikinagulat ko ang mensaheng ito, iniisip na, “May naging pagkakamali kaya? Kadalasan naman ay masikap si Sonia sa kanyang mga tungkulin. Ano ang nangyari at may ganito siyang mga problema?” Bagama’t nangako akong iimbestigahan ang bagay na ito, hindi ako naniwala na nangyari nga ang gayong mga bagay. Kaya, tinanong ko lang sandali si Sonia tungkol sa lagay ng kanyang pangangaral ng ebanghelyo. Sinabi niya sa akin na kamakailan, naharap siya sa ilang hirap sa pangangaral ng ebanghelyo. Ang ilan sa kanyang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ay maraming kuru-kuro sa relihiyon, samantalang ang iba naman ay hindi tumugon sa kanyang mga mensahe. Sa pagkakataong iyon, naisip ko, “Dapat ko bang tingnan ang kanyang gawain para alamin kung may anuman bang isyu?” Pero naisip ko na, “Kadalasan naman ay may mabuting saloobin si Sonia sa kanyang mga tungkulin. Kung susuriin ko nang masinsinan ang kanyang gawain, mararamdaman ba niyang wala akong tiwala sa kanya at pinagdududahan ko siya? Kung gayon, lubhang magiging nakakaasiwa ito kapag nagkita kami araw-araw! Kung magkakaroon siya ng negatibong opinyon sa akin, magiging pahirapang makipagtrabaho sa kanya sa hinaharap. At saka, dating diyakono ng ebanghelyo si Sonia, kaya, dapat alam niya kung paano magtrabaho para magbunga ng mga resulta. Hindi siya magiging iresponsable at aatras sa mga hirap. Dahil may binanggit siyang ilang kadahilanan, may kinakaharap nga siguro siya na mga hirap.” Kaya, hindi ko na ito inusisa pa. Pagkaraan ng ilang araw, iniulat na naman ng sister na nakakatrabaho ko na naging iresponsable si Sonia sa pangangaral ng ebanghelyo, walang sikap sa pagbabahaginan at pagpapatotoo sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Sa pagkakataong ito, naramdaman kong may mali. Dahil patuloy na iniuulat ng sister na nakakatrabaho ko ang mga problema ni Sonia, hindi ko na ito mababalewala pa. Kaya, agad kong kinausap si Sonia, humingi ako ng mga detalyadong sitwasyon tungkol sa bawat potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Isiniwalat nga ng pagsisiyasat na ito ang ilang problema. Ang ilan sa kanyang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ay nakadalo sa dalawa o tatlong pagtitipon, pero wala siyang alam tungkol sa kanilang mga sitwasyon, at wala siyang alam tungkol sa kanilang mga problema at kuru-kuro. Para sa ilang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, pinadalhan lang niya ang mga ito ng ilang maiigsing mensahe ng pagbati, nang wala nang pagkumusta pagkatapos noon at pagbabahaginan. Sinukuan pa nga niya ang marami-raming naaangkop na potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Nang makita ko ang mga isyung ito, nagulat ako. Ibang-iba pala ang pag-uugali ni Sonia sa kung ano ang ipinakita niya sa akin. Sa impresyon ko, masipag siya at responsable sa kanyang mga tungkulin, kaya malaki ang tiwala ko sa kanya nang kumustahin ko ang kanyang gawain, iniisip na hindi siya magkakaroon ng anumang problema. Kahit na noong may napansin akong mga isyu sa kanya, hindi ko sineryoso ang mga iyon. Nagsimula akong tanungin ang sarili ko: Bakit ko ba siya pinagkatiwalaan nang lubos? Bakit ko ba hindi kinumusta at masinsinang inunawa ang kanyang gawain gaya ng ginawa ko sa iba? Sinisi ko nang husto ang sarili ko. Bagama’t nadiskubre ko na ngayon ang kanyang mga problema, kung tutuusin, masyado nang huli ang lahat para lunasan ang mga kawalan na naidulot na nito.

Sa pagninilay-nilay, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “May nakamamatay na kapintasan ang mga huwad na lider: Mabilis silang magtiwala sa mga tao batay sa sarili nilang mga imahinasyon. At bunga ito ng hindi pagkaunawa sa katotohanan, hindi ba? Paano ibinubunyag ng salita ng Diyos ang diwa ng tiwaling sangkatauhan? Bakit kailangan nilang magtiwala sa mga tao kung ang Diyos nga ay hindi? Ang mga huwad na lider ay masyadong mayabang at mapagmagaling, hindi ba? Ang iniisip nila ay, ‘Hindi maaaring nagkamali ako sa paghusga sa taong ito, wala dapat na maging anumang problema sa taong natukoy ko na angkop; siguradong hindi siya isang taong nagpapakasasa sa pagkain, pag-inom, at paglilibang, o mahilig sa kaginhawahan at namumuhi sa pagsisikap. Siya ay lubos na maaasahan at mapagkakatiwalaan. Hindi siya magbabago; kung magbago man siya, mangangahulugan iyon na nagkamali ako tungkol sa kanya, hindi ba?’ Anong uri ng lohika ito? Isa ka bang eksperto? May paningin ka bang gaya ng x-ray? Mayroon ka ba ng natatanging kasanayan na iyon? Maaaring makasama mo ang isang tao nang isa o dalawang taon, subalit magagawa mo kayang makita kung ano talaga siya nang walang angkop na kapaligiran para lubos na mailantad ang kanyang kalikasang diwa? Kung hindi siya ibinunyag ng Diyos, maaaring kasa-kasama mo siya sa loob ng tatlo, o kahit limang taon pa nga, at mahihirapan ka pa ring makita kung ano talaga ang uri ng kalikasang diwang mayroon siya. At lalo pang totoo iyon kapag madalang mo siyang makita, kapag madalang mo siyang makasama. Basta-bastang nagtitiwala sa isang tao ang mga huwad na lider batay sa isang panandaliang impresyon o sa positibong pagtatasa ng ibang tao sa kanya, at nangangahas silang ipagkatiwala ang gawain ng iglesia sa gayong tao. Sa bagay na ito, hindi ba’t lubha silang nagiging bulag? Hindi ba’t kumikilos sila nang walang ingat? At kapag ganito sila gumawa, hindi ba’t nagiging lubhang iresponsable ang mga huwad na lider?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3). Inilalantad ng Diyos na ang mga huwad na lider ay iresponsable sa kanilang gawain, at na mapagmataas at mapagmagaling sila, iniisip na kaya nilang kilatisin ang mga tao nang tama kaya naman basta-basta na lang silang nagtitiwala sa mga tao, na humahantong sa mga kawalan sa gawain. Naging iresponsable rin ako pagdating kay Sonia. Inakala ko na dahil dati na siyang naglingkod bilang isang diyakono ng ebanghelyo at nakatanggap siya ng maganda-ganda namang ebalwasyon para sa mga nakaraan niyang tungkulin, hindi naman siguro siya magdudulot ng anumang problema. Naging kampante ako at hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay-bagay nang walang superbisyon, kaya pabasta-basta ko na lang ginawa ang tungkulin ko sa tuwing sinisiyasat ko ang kanyang gawain. Nang magkaroon ng mga kapintasan sa gawain at iniulat ng katrabaho kong sister ang mga problema ni Sonia, hindi ko pa rin ito pinaniwalaan, iniisip na hindi ganoong uri ng tao si Sonia. Kinukumusta ko lang ang lagay ng mga bagay-bagay bilang isang pormalidad, at basta-basta na lang akong nagtiwala kay Sonia batay sa ilang pagdadahilan na naisip niya. Nang paalalahanan ako sa pangalawang pagkakataon ng sister na katuwang ko sa trabaho, saka ko lang kinumusta ang gawain ni Sonia. Pero sa oras na iyon, nangyari na ang pinsala. Hinihingi ng Diyos sa mga superbisor na pangasiwaan at subaybayan ang gawain. Gayunpaman, basta-basta na lang akong nagtiwala sa mga tao, nang walang ginagawang aktuwal na gawain. Talagang naging iresponsable ako! Pinuno ako ng realisasyong ito ng matinding pagsisisi at pagkakonsensiya.

Kalaunan, patuloy akong naghanap ng patnubay—bakit ba hindi ko pinangasiwaan ang gawain ni Sonia? Sa panahon ng mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang pariralang ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo’ ay isa sa mga dati nang narinig ng karamihan ng tao. Naniniwala ba kayo na tama o mali ang pariralang ito? (Mali.) Dahil naniniwala kayong mali ito, bakit nagagawa pa rin nitong impluwensiyahan kayo sa totoong buhay? Kapag nangyayari sa inyo ang ganitong mga bagay, lalabas ang pananaw na ito. Medyo magugulo kayo nito, at kapag nagugulo kayo nito, makokompromiso ang inyong gawain. Kaya, kung naniniwala kang mali ito at natukoy na mali ito, bakit naiimpluwensiyahan ka pa rin nito at bakit ginagamit mo pa rin ito para aliwin ang iyong sarili? (Dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, nabibigo silang magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, kaya’t kukunin nila ang pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo bilang kanilang prinsipyo o pamantayan sa pagsasagawa.) Isa ito sa mga dahilan. May iba pa ba? (Dahil ang pariralang ito ay medyo naaayon sa mga makalamang interes ng mga tao, at natural na kikilos sila ayon sa pariralang ito kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan.) Hindi lang ganito ang mga tao kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan; kahit na kapag nauunawaan nila ang katotohanan, maaaring hindi sila makapagsagawa ayon sa katotohanan. Tama na ang pariralang ito ay ‘medyo naaayon sa mga makalamang interes ng mga tao.’ Mas gugustuhin ng mga tao na sundin ang isang tusong panlilinlang o isang satanikong pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo para protektahan ang kanilang mga sariling makalamang interes kaysa isagawa ang katotohanan. Bukod pa rito, may batayan sila sa paggawa nito. Ano ang batayang ito? Ito ay na ang pariralang ito ay malawak na tinatanggap ng mga masa bilang tama. Kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay alinsunod sa pariralang ito, ang kanilang mga pagkilos ay maaaring maging wasto sa harap ng lahat ng iba pa at maaaring maging malaya sila sa pagpuna. Kung titingnan man mula sa moral o legal na perspektiba, o mula sa perspektiba ng mga tradisyonal na kuru-kuro, tama ang pananaw at pagsasagawang ito. Kaya, kapag ayaw mong isagawa ang katotohanan o kapag hindi mo ito nauunawaan, mas gugustuhin mong salungatin ang Diyos, labagin ang katotohanan, at umatras sa lugar na hindi lumalagpas sa isang moral na hangganan. At ano ang lugar na ito? Ito ang hangganan na ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.’ Ang pag-atras sa lugar na ito at pagkilos alinsunod sa pariralang ito ay magbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isipan. Bakit ka binibigyan nito ng kapayapaan ng isipan? Ito ay dahil ganito rin nag-iisip ang lahat ng iba pa. Higit pa rito, nagkikimkim din ang iyong puso ng kuru-kuro na ang batas ay hindi maipatutupad kapag lahat ay lumalabag, at iniisip mo, ‘Ganito mag-isip ang lahat. Kung magsasagawa ako ayon sa pariralang ito, hindi mahalaga kung kokondenahin ako ng Diyos, dahil hindi ko naman nakikita ang Diyos o nahahawakan ang Banal na Espiritu. Kahit papaano sa mata ng iba, makikita ako bilang isang taong may mga katangian ng tao, isang tao na may kaunting konsensiya.’ Pinili mong ipagkanulo ang katotohanan alang-alang sa ‘mga katangian ng tao’ na ito, para sa kapakanan ng pagtingin sa iyo ng mga tao nang walang pagkamapanlaban sa kanilang mga mata. Pagkatapos ay mabuti ang iisipin sa iyo ng lahat, hindi ka pupunahin, at makakapamuhay ka ng komportableng buhay at magkakaroon ng kapayapaan ng isipan—ang hinahanap mo ay kapayapaan ng isipan. Ang kapayapaan ba ng isipan na ito ay isang pagpapamalas ng pagmamahal ng isang tao sa katotohanan? (Hindi, hindi ganoon.) Kaya, anong uri ito ng disposisyon? Nagkikimkim ba ito ng panlilinlang? Oo, may panlilinlang dito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Ekskorsus: Kung Ano ang Katotohanan). Habang sinusuri ko ang aking sarili ayon sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagkabigo kong pangasiwaan ang gawain ni Sonia ay nag-ugat mula sa pamamayani sa akin ng satanikong pilosopiya para sa makamundong pakikitungo na “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Inakala ko na ang pagkuha sa isang tao sa trabaho ay nangangahulugang hindi sila mapagdududahan; dahil kung hindi, mangangahulugan itong hindi mo siya pinagkakatiwalaan. Nag-alala ako na kung sisiyasatin kong mabuti ang gawain ni Sonia, baka maramdaman niyang wala akong tiwala sa kanya at magkaroon siya ng pagkiling laban sa akin. Kaya, hindi ko na kinumusta ang kanyang gawain at nabigo akong tuparin ang responsabilidad ko, na nagdulot ng mga pagkaantala sa gawain. Ginamit ko ang tila lehitimong pangangatwiran na “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” bilang pagdadahilan para hindi ko na pangasiwaan at suriin ang gawain, para lang huwag mapasama ang loob ng isang tao nang sa gayon ay maprotektahan ko ang reputasyon at katayuan ko. Ang naipakita ko ay ang aking makasarili at mapanlinlang na satanikong disposisyon. Bagama’t sumampalataya at sumunod ako sa Diyos, bagama’t kinain at ininom ko ang Kanyang mga salita at ginampanan ko ang aking tungkulin, hindi ko itinuring ang mga salita ng Diyos bilang mga prinsipyo para sa iaasal at ikikilos ko, at nang may mangyari sa akin, umasa pa rin ako sa mga satanikong pilosopiya para harapin ang mga ito, pinabayaan ko ang pangangasiwa o pagsusuri sa gawain at nabigo akong tuparin ang mga responsabilidad ko sa aking tungkulin. Nilabanan at ipinagkanulo ko ang Diyos. Natakot ako nang mapagtanto ko ito, at kinilala ko rin na ang pamumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya ay maaari lang makapinsala sa akin.

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Naniniwala ka ba na tama ang pananaw na ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo’? Katotohanan ba ang kasabihang ito? Bakit gagamitin niya ang kasabihang ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at sa paggawa ng kanyang tungkulin? Ano ang problema rito? ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo’ ay malinaw na mga salita ng mga walang pananampalataya, mga salitang nagmumula kay Satanas—kaya bakit niya itinuturing na katotohanan ang mga iyon? Bakit hindi niya masabi kung tama o mali ang mga salitang iyon? Malinaw na mga salita ito ng tao, mga salita ng tiwaling sangkatauhan, talagang hindi katotohanan ang mga ito, lubos na salungat ang mga ito sa mga salita ng Diyos, at hindi dapat magsilbing pamantayan sa mga kilos, asal, at pagsamba sa Diyos ng mga tao. Kaya paano nararapat unawain ang kasabihang ito? Kung talagang may kakayahan ka sa pagkilatis, anong klaseng katotohanang prinsipyo ang dapat mong gamitin bilang kapalit nito para magsilbing prinsipyo mo sa pagsasagawa? Dapat ito na ‘isagawa ang iyong tungkulin nang buong puso mo, at buong kaluluwa mo, at buong isipan mo.’ Ang kumilos nang buo mong puso, at nang buo mong kaluluwa, at nang buo mong isipan ay ang hindi mapigilan ninuman; ito ay ang maging iisa ng puso at isipan, at wala nang iba pa. Ito ang iyong responsabilidad at ang iyong tungkulin, at dapat mong gampanan ito nang maayos, dahil ang paggawa nito ay ganap na natural at makatwiran. Anuman ang mga problemang nakakatagpo mo, dapat kang kumilos ayon sa mga prinsipyo. Pangasiwaan ang mga ito ayon sa nararapat; kung kinakailangan ang pagpupungos, gawin ito, at kung kinakailangan ang pagtatanggal, gawin din ito. Sa madaling salita, kumilos batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang prinsipyo? Hindi ba’t ito ang eksaktong kabaligtaran ng pariralang ‘Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo’? Ano ang ibig sabihin ng huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo? Nangangahulugan ito na kung ginawa mong tauhan ang isang tao, hindi mo siya dapat pagdudahan, dapat mong bitawan ang mga renda, huwag siyang pangasiwaan, at hayaan siyang gawin ang gusto niya; at kung pinagdududahan mo siya, hindi mo siya dapat gawing tauhan. Hindi ba’t ito ang ibig sabihin nito? Lubhang mali ito. Ang sangkatauhan ay labis na ginawang tiwali ni Satanas. Ang bawat tao ay may satanikong disposisyon, at may kakayahang ipagkanulo ang Diyos at labanan ang Diyos. Masasabi mong walang sinuman ang mapagkakatiwalaan. Kahit sumumpa pa ang isang tao hanggang sa dulo ng mundo, walang silbi ito dahil pinipigilan ang mga tao ng kanilang tiwaling disposisyon at hindi nila makontrol ang sarili nila. Dapat nilang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos bago nila malutas ang problema ng kanilang tiwaling disposisyon, at lubusang malutas ang problema ng kanilang paglaban at pagkakanulo sa Diyos—malutas ang ugat ng mga kasalanan ng mga tao. Ang lahat niyong hindi dumaan sa paghatol at pagdadalisay ng Diyos at nagkamit ng kaligtasan ay hindi mapagkakatiwalaan. Hindi sila karapat-dapat pagkatiwalaan. Samakatwid, kapag ginamit mo ang isang tao, dapat mo siyang pangasiwaan at patnubayan. Gayundin, dapat mo siyang pungusan at dapat madalas kang magbahagi tungkol sa katotohanan, at sa ganitong paraan mo lang makikita nang malinaw kung maaari siyang patuloy na magamit. Kung may ilang tao na kayang tumanggap ng katotohanan, tumanggap ng pagpupungos, magagawang gampanan ang kanilang tungkulin nang tapat, at may patuloy na pag-unlad sa kanilang buhay, kung gayon ang mga taong ito lang ang tunay na magagamit(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Ekskorsus: Kung Ano ang Katotohanan). Itinuturo ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa para sa mga tao. Makakapinsala man ito sa personal kong reputasyon o mga interes, ang gampanan ang tungkulin ko ayon sa mga hinihingi ng Diyos ang prinsipyo na dapat kong itaguyod. Bilang isang superbisor, ang pangangasiwa at pagsubaybay sa gawain ay trabaho ko. Kahit sino pa sila, hangga’t saklaw sila ng aking responsabilidad, dapat ko silang pangasiwaan at subaybayan. Kung nakikita kong sila ay pabaya, iresponsable, o lumalabag sa mga prinsipyo, dapat ko silang tulungan, itama, at pungusan. Kung hindi pa rin sila magbabago, kailangan na silang italaga sa ibang tungkulin o tanggalin. Hindi ako dapat maging maluwag at basta-basta na lang magtiwala sa mga tao, dahil mga pagpapamalas ito ng pagiging iresponsable at hangal. Labis na tayong ginawang tiwali ni Satanas at madalas ay namumuhay tayo ayon sa ating mga tiwaling disposisyon, nagpapabaya sa ating mga tungkulin at gumagamit ng panloloko para magpakatamad. Bago malinis ang ating mga tiwaling disposisyon, walang maaasahan na kahit sinong tao. Kaya, kailangan ng mga tao ang mga lider at manggagawa para pangasiwaan sila. Ito rin ay para himukin ang mga tao na pagbutihan ang pagganap sa kanilang mga tungkulin. Bagama’t dating diyakono ng ebanghelyo si Sonia at kadalasan naman ay masikap at responsable siya sa kanyang tungkulin, pagkaraang matanggal, namuhay na siya sa kalagayang nililimitahan niya ang kanyang sarili bilang may mahinang kakayahan. Medyo naging negatibo at pasibo na siya sa kanyang bagong tungkulin, na naging dahilan para maraming gawain ang hindi matapos sa tamang oras. Dahil hindi ko nasubaybayan o napangasiwaan ang kanyang gawain, hindi ko nadiskubre o naasikaso sa tamang panahon ang problema tungkol sa kanyang kalagayan.

May binasa akong isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagtamo ako ng ilang landas na susundan sa paggawa ng aktuwal na trabaho. Sabi ng Diyos: “Kahit ano pang mahalagang gawain ang ginagawa ng isang lider o manggagawa, at kahit ano pa ang kalikasan ng gawaing ito, ang numero uno niyang prayoridad ay unawain at arukin kung kumusta na ang gawain. Dapat naroroon mismo siya upang mag-asikaso ng mga bagay-bagay at magtanong, upang siya mismo ang makakuha ng impormasyon. Hindi siya dapat umasa lang sa mga usap-usapan, o makinig lang sa mga ulat ng ibang tao. Sa halip, dapat maobserbahan mismo ng kanyang mga mata ang sitwasyon ng tauhan, at kung kumusta ang pag-usad ng gawain, at unawain kung anong mga problema ang mayroon, kung may anumang aspekto ba ng gawain ang hindi ayon sa mga hinihingi ng Itaas, kung may mga paglabag ba sa mga prinsipyo, kung mayroon bang anumang kaguluhan o pagkagambala, kung kulang ba ang mga kailangang kagamitan o mga nauugnay na materyales sa pagtuturo tungkol sa propesyonal na trabaho—dapat alam niya ang lahat ng ito. Kahit gaano pa karaming ulat ang pakinggan niya, o kahit gaano pa karami ang mahinuha niya mula sa mga sabi-sabi, wala sa mga ito ang makakatalo sa personal na pagbisita; mas tumpak at maaasahan kung makikita nila ang mga bagay-bagay sa sarili nilang mga mata. Sa sandaling pamilyar na siya sa lahat ng aspekto ng sitwasyon, magkakaroon siya ng malinaw na ideya sa kung ano ang nangyayari(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na kapag nagtatrabaho tayo, hindi tayo dapat basta-basta na lamang magtiwala sa mga tao o hayaan silang gawin kung ano ang kanilang maibigan pagkaraang bigyan sila ng mga gampanin. Dapat personal nating pangasiwaan at suriin ang gawain ng mga tao. Bukod dito, hindi sapat na suriin ito nang isang beses lang; kailangan nating siyasatin ito nang ilang panahon. Dapat maging malinaw sa isip natin ang progreso at partikular na sitwasyon ng gawain ng mga kapatid. Sa ganitong paraan lang natin matutukoy agad ang kanilang mga isyu at na magagawa nating makipagbahaginan sa kanila para maituwid ang mga bagay-bagay. Dahil kung hindi, baka magdulot ang mga ito ng mga kawalan sa gawain. Nang mapagtanto ko ito, nanalangin ako sa Diyos, ipinapahayag ang kagustuhan kong magsisi, na gawin ang aking tungkulin nang ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at na gawin nang maayos ang aking trabaho. Sa mga sumunod na araw, nang subaybayan ko ang gawain, inalam ko talaga kung ano na ang lagay ng gawain ng mga kapatid, at kahit ano pa ang kanilang pinagmulan, o ang kanilang karanasan sa pangangaral ng ebanghelyo, pinangasiwaan at sinubaybayan ko sila sa ganoon ding paraan.

Kalaunan, kinailangan kong subaybayan ang gawain ni Sister Lydia. Nakatrabaho ko na siya dati, at noong una, akala ko, “Alam na niya kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Hindi na siguro niya kailangan ang pangangasiwa ko.” Pero nang maisip ko ito, napagtanto kong mali ito. Hindi ko na maaaring gawin ang tungkulin ko batay sa satanikong pilosopiya na “Huwag pagdudahan ang mga kinukuha mo sa trabaho.” Kaya sinikap ko talagang alamin ang lagay ng gawain ni Lydia. Minsan, napansin kong bumaba ang mga resulta ng kanyang gawain. Pinaalalahanan ko lang muna siya, pero wala pa rin talagang naging malaking pagbabago pagkatapos nito. Kaya tuwiran na akong nakialam sa gawaing pananagutan niya. Kinausap ko ang mga kapatid, sa paghahangad na maunawaan ang aktuwal na sitwasyon ng gawain, at dahil dito, may ilang isyu akong nadiskubre. Matapos kong tukuyin ang mga ito kay Lydia, medyo bumuti ang pagiging epektibo ng kanyang tungkulin. Sinabi rin ni Lydia na naging kapaki-pakinabang ang gayong superbisyon at inspeksiyon sa kanyang gawain, dahil nagpapaliban nga talaga siya sa kanyang tungkulin nitong mga nakaraang panahon. Sinabi rin niya na nagawa ng superbisyong ito na paalalahanan at udyukan siya. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, naramdaman ko rin na mas napanatag ang loob ko. Ang mga realisasyon at pagbabagong ito na naranasan ko ay bungang lahat ng patnubay ng mga salita ng Diyos. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos!

Sinundan: 93. Isang Walang Katulad na Karanasan noong Pandemya

Sumunod: 96. Nakalaya Mula Sa Inggit

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito