46. Kung Paano Sinalubong ng Matatalinong Birhen ang Panginoon
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Pakawalan mo ang iyong mga kuru-kuro! Tumahimik ka at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Pakawalan ninyo ang inyong mga pananaw tungkol sa ‘imposible’! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang maingat na pakikinig sa tinig ng Diyos ang susi sa pagsalubong sa Panginoon, at saka kilalanin at salubungin Siya ayon doon. ‘Yung mga nakakilala sa tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay dinadala sa harap ng trono Niya’t kasamang dadalo sa piging ng Panginoon. Sila ang mga matatalinong birhen, ang pinakapinagpalang mga tao. Sa dati kong pananampalataya, kumapit ako sa mga salita ng Biblia at nanabik sa pagdating ng Panginoon I at dadalhin ako sa kaharian, gaya ng naiisip kong gagawin Niya. Nang marinig kong nagbalik na Siya, hindi ako nagsiyasat o nakinig sa tinig ng Diyos. Muntik na ‘kong maging hangal na dalaga, nawalan ng pagkakataong salubungin ang pagbabalik Niya. Salamat sa patnubay ng Diyos, narinig ko ang tinig Niya at nakadalo sa piging ng kasal ng Kordero.
Isang araw noong Abril 2018, pinadalhan ng isang kapatid ang kaibigan kong si Mireille ng pelikulang may pamagat na Nasaan ang Aking Tahanan, sabi niya maganda ito at talagang makatotohanan. Pumunta sa’min si Mireille para sabay namin itong panoorin. Nang dumanas ng sakit at kawalan ng pag-asa ang bida roon, binuksan niya ang isang makapal na libro at nakahanap ulit ng pag-asa sa mga pahina nito. Pero hindi Biblia ang binabasa niya. at bago sa ‘min ang lahat ng nilalalaman nito. Nagulat kami pero pinanood pa rin namin ito. Kalaunan, nalagay sa alanganin ang bida, at dumating ang mga kapatid n’ya sa iglesia para tulungan s’ya. Sabay-sabay nilang binasa ang librong ‘yun, nagpalakasan ng loob at nagtulungan ang bawat isa. Nadala ako at naiyak habang pinapanood ko ang kuwento. Pakiramdam ko, naiiba ang mga tao sa pelikula kesa sa mga makasariling tao sa madilim nating lipunan, at sa tingin ko rin, parang espesyal ang binabasa nila. Gusto naming malaman kung ano ang nakasulat sa librong ito. kaya binasa namin ang impormasyon sa ilalim ng video. Ngunit nang sinabi do’n na nagpakita na ang Panginoong Jesus, hindi ko ‘to mapaniwalaan at naisip kong, “Napaka-imposible nito! Sinasabi sa Mga Gawa 1:11: ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit.’ Umalis ang Panginoong Jesus sakay ng ulap at pag bumalik Siya sa mga huling araw, darating Siyang muli sa alapaap dala ang dakilang kaluwalhatian. Hindi pa ‘to nangyari, pero sinasabi rito na tunay nga na nagpakita ang Panginoong Jesus. Iba ito sa sinasabi ng Bibliya.” Kaya naman, sinabi ko kay Mireille ‘yung iniisip ko at umayon din siya sa akin. Hindi na kami nagsiyasat pa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos noon, sa halip ay pinanood na lang nang ilang beses ang pelikula.
Matagal-tagal ko ring inisip ang tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. at napag-usapan naming muli ito ni Mireille pagkaraan ng ilang buwan. Pinag-usapan namin kung pa’nong nagbigay sa kanila ng kumpiyansa’t pag-asa ang mga binasa nila, at parang hindi naman ‘yon bagay na sinasabi lang ng kung sino. Sa mundo ng relihiyon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon. kaya pwedeng hindi gano’n kasimple ang mga bagay-bagay. Pero naalala namin ang Bibliya na malinaw na nagsasabing darating ang Panginoon sakay ng ulap. sinabi rin ito ng mga pastor at elder. Kaya ba’t sinasabi ng iglesiang ito na nagbalik na ang Panginoon? Ano ba talaga ito? Dapat ba naming siyasatin ito o hindi? Sobra akong naguluhan, kaya nagdasal kami ni Mireille, hinihiling na patnubayan kami, na gawin ang tamang desisyon. Kalaunan, naisip ko, “Ang Diyos ang Pinuno ng lahat ng bagay at Siyang may kapangyarihang gawin anuman ang loobin Niya. Pa’no natin lilimitahan ang Kanyang gawain sa kaya lang nating maisip at maintindihan? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbabalik na Panginong Jesus, buong buhay kong pagsisisihan kung ‘di ako nagsiyasat at nasayang ko ang pagkakataong salubungin Siya.” Nagdesisyon kaming siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nakipag-ugnayan kami kay Sister Anna gamit ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinakilala niya kami kay Brother Pierre, at tinalakay namin ang pagbabalik ng Panginoon.
Sa pagtitipong ‘yun, sinabi ko sa kanila ang pagkalito ko, “Ayon sa Mga Gawa 1:11, darating ang Panginoon sa parehong paraan kung paano Siya umalis. Dahil umalis Siyang lulan ng puting ulap, darating din Siyang lulan ng puting ulap sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Ito ang laging sinasabi ng pastor at mga elder sa iglesia at ito rin ang pinaniniwalaan namin. Hindi pa namin nakikita ang Panginoong dumarating sakay ng puting ulap, kaya pa’no mo nasabing nagbalik na nga Siya?”
Sinabi ni Brother Pierre, “Matutupad ang propesiya ng Panginoon nang nasa ulap. pero hindi natin pwedeng limitahan ang paraan ng pagbabalik ng Panginoon sa pagtingin lang sa isang propesiyang iyon. May iba pang propesiya sa Biblia maliban sa pagdating ng Panginoon lulan ng ulap, may nagsasabi rin ng lihim Niyang pagdating. Halimbawa, nandiyan ang Pahayag 3:3: ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo.’ Nandiyan ang Pahayag 16:15: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.’ Nandiyan ang Mateo 25:6: ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.’ At nandiyan din ang Marcos 13:32 na nagsasabing: ‘Nguni’t tungkol sa araw o oras na iyon ay walang taong nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.’ Binabanggit ng mga propesiyang ito ang ‘gaya ng magnanakaw.’ ‘Gaya ng magnanakaw’ ibig sabihin, tahimik, palihim, walang ni isa mang nakakaalam nito, at wala ring makakakilala sa Kanya ‘pag nakita Siya. Ang mga propesiyang ito’y nangangahulugang palihim na darating ang Panginoon. Maraming propesiya sa Biblia ang nagbabanggit sa pagdating ng Anak ng Tao, tulad ng sa Lucas 12:40: ‘Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.’ at sa 17:24–25: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Ang ibig sabihin ng ‘Ang Anak ng tao’ rito ay anak sa tao, may normal na pagkatao. Walang espiritu o espirituwal na katawan ang matatawag na ‘Anak ng tao.’ Ang Diyos na si Jehova ay Espiritu, kaya’t di Siya matatawag na ‘Anak ng tao.’ Ang Panginoong Jesus ay tinatawag na ‘Anak ng tao’ at ‘Cristo’ dahil Siya ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao na namuhay bilang isang karaniwang Anak ng tao. Kaya ang pagdating ng Anak ng tao na binanggit ng Panginoon ay nangangahulugang magkakatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao sa pagbabalik Niya. Sinasabi ng isang talata, ‘Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Dagdag katibayan ito na darating ang Panginoon sa katawang-tao sa pagbabalik Niya. Kung ‘di dumating ang Panginoon sa katawang-tao, kundi nagpakita sa anyong Espiritu ng Panginoong Jesus pagkatapos Niyang mabuhay muli, matatakot ang mga tao, na walang lalaban o kukundena sa Kanya. ‘Di na Niya kakailanganing maghirap o tanggihan ng henerasyong ito. Kaya ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao at pagdating nang palihim ay isa pang paraan ng pagdating ng Panginoon sa mga huling araw.”
Sa puntong ito, naisip ko, “Hindi ‘to kapani-paniwala. Taliwas ‘to sa naisip ko. Ngunit may ipinakitang katibayan si Brother Pierre, at lahat ng sinabi niya’y tugma naman sa Biblia at sa mga propesiya ng Panginoon. Talagang kapani-paniwala siya.” Maraming beses ko nang nabasa ang mga talatang ito pero kailanma’y ‘di ko napagtantong ang mga ito’y tungkol sa palihim na pagkakatawang-tao ng Panginoon sa mga huling araw. Ang mga dati kong ideya’y nagkapira-piraso.
Pagkatapos, tumango-tango rin si Mireille, at sinabi niya na, “Oo nga, umaayon sa mga salita ng Panginoon ang sinasabi mo.”
Pero nalilito ako sa isang bagay, kaya tinanong ko s’ya. “Kung ang Panginoon ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao at palihim na dumating, pa’no matutupad ang propesiyang Siya’y darating nang nasa alapaap? Magkasalungat iyon, ‘di ba?”
Sumagot si Brother Pierre, sinasabing, “Walang kontradiksyon sa dalawang uri ng propesiyang ito, dahil ang mga salita ng Panginoon ay hindi mawawalang-saysay. Laging matutupad ang mga propesiya Niya. Natutupad lang ang mga ito alinsunod sa mga yugto ng gawain ng Diyos. May mga yugto sa pagpapakita ng nagbalik na Panginoon. Una, magkakatawang-tao Siya bilang Anak ng tao at palihim na darating sa mundo, at darating Siyang nasa alapaap, at lantarang magpapakita.”
Nalilito akong nagtanong sa kanya, “Una, palihim Siyang darating, tapos lantarang magpapakita? Pwede mo bang ipaliwanag ‘to sa’kin, kapatid?”
Nagpatuloy si Brother Pierre, sinasabing, “Totoong prinopesiya sa Bibilia na ang Diyos ay magkakaroon ng isang grupo ng mga mananagumpay sa mga huling araw. Ang pagbuo sa grupong ito’y mahalaga sa gawaing gagawin ng Diyos kapag palihim Siyang dumating. Magkakatawang tao muna Siya at darating nang palihim sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan at gampanan ang paghatol na magsisimula sa tahanan ng Diyos at bumuo ng isang grupo ng mga mananagumpay. Tapos, pakakawalan ng Diyos ang mga kalamidad, gagantimpalaan Niya ang mabubuti’t parurusahan ang masasama. Saka Siya darating nang nasa alapaap at lantarang magpapakita sa lahat ng bansa at tao. Habang lihim Siyang gumagawa nang nasa katawang-tao, lahat ng tunay na mananampalatayang nananabik na Siya’y magpakita ay maririnig ang tinig Niya at babaling sa Makapangyarihang Diyos. Ito ang mga matatalinong birhen na nahatulan at nalinis ng mga salita ng Diyos at ginawang mga mananagumpay, at malalagpasan nila ang mga kalamidad. At sa mga hindi tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, lumalaban at humahatol dito, kapag dumating Siyang nang nasa alapaap at lantarang nagpakita, makikita nilang ang nilabanan at hinatulan nila ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, susuntukin nila ang mga dibdib nila, at tatangis. Ito ang tutupad sa mga propesiya ng pagdating ng Panginoon nang nasa ulap na nagsasabing: ‘At sa gayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kaya magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian’ (Mateo 24:30). ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya’ (Pahayag 1:7).”
At binasa ni Brother Pierre ang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pagkatapos nun, naintindihan ko na. Pagbalik ng Panginoon, lihim Siyang darating at bubuo ng grupo ng mga mananagumpay, magpapaulan Siya ng kalamidad, magbibigay-gantimpala at parusa. Saka Siya darating nang nasa ulap ng may dakilang kaluwalhatian at lantarang magpapakita sa lahat. Walang pagsalungat na makikita sa dalawang uri ng propesiyang ito. Napakabulag ko pala talaga! Malaking bagay ang pagdating ng Panginoon, at tinatanggihan kong tingnan ito, kumakapit ako sa mga talata sa pagdating Niya nang nasa ulap, at hindi nakikinig sa tinig Niya. Muntik na ‘kong maging isang hangal na dalaga at napalagpas ang pagkakataong salubungin Siya. Muntik na ako roon!
Kaya tinanong ko si Brother Pierre, “Nagpatotoo ka na nagbalik ang Panginoon sa anyong katawang-tao, pero ano ‘tong ‘pagkakatawang-tao’?” Pagkatapos, binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya para magkatawang-tao ang Diyos, kailangan muna Siyang magkaroon ng katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkatawang-tao, naging isang tao” (“Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naging totoo ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ‘maging totoo’ ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o magkatawang-tao” (“Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nagpatuloy siya, sinasabing, “Ang Diyos na nagkatawang-tao’y ang Espiritu ng Diyos na nababalot ng laman, na Diyos sa langit na nagiging Anak ng tao para gumawa at mangusap sa, sangkatauhan upang iligtas tayo. Ang disposisyon Niya, at kung anong mayroon at ano Siya, mapapagtantong lahat sa katawan. Ang Diyos na nagkatawang tao’y nagpapakita nang ordinaryo, hindi makapangyarihan o higit sa karaniwan. May normal Siyang pagkatao, nakikisalamuha Siya sa mga tao, at nabubuhay kasama natin. Walang makapagsasabing Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Pero si Cristo ang diwa ng Espiritu ng Diyos at nagtataglay ng lubos na pagka-Diyos. Maipapahayag Niya ang katotohanan, gawin ang gawain ng Diyos, ipahayag ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon Siya’t sino Siya. Binibigyan Niya ang tao ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, at kaya Niyang linisin at iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Walang may ganitong katangian o makagagawa ng ganitong mga bagay. Nagpakita bilang isang ordinaryong tao ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus, pero sa diwa, Espiritu Siya ng Diyos na naging tao. Maipapahayag Niya ang katotohanan para diligin at palakasin ang mga tao. Ibinigay Niya ang daan ng pagsisisi. Magagawa Niya ang gawain ng Diyos at matutubos ang mga tao mula sa kasalanan. Kaya naman, ang pagkakatawang-tao Niya ay walang katulad sa anumang nilikha, ang diwa Niya ay Diyos Mismo.”
Sa puntong ito, ganap kong naintindihan na ang pagkakatawang-tao’y pagiging tao ng Diyos na dumating sa sanlibutan para mangusap at gumawa. Ang katawang ito’y nagtataglay ng normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Bagama’t mukha Siyang ordinaryo, ipapahayag Niya ang katotohanan at gagampanan ang gawain ng Diyos. Ito si Cristo! Lagi kong nababanggit ang pangalang “Jesucristo” pero hindi ko talaga alam kung ano ang Cristo. Napakaignorante ko!
Pagkatapos, binasahan kami ni Brother Pierre ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan lamang ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at higit pa rito, taglayin ang Kanyang salita, at nang sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang nagtataglay ng laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay babagsak o di kaya ay ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makalapit sa Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling satanikong disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad na ay mailigtas mula sa kanilang mga kasalanan at gawing lubos na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ay makakawala sila sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ibinahagi niya ang pangaral na ito: “Bagama’t ang kapatawaran ng kasalanan natin ay ang pagtubos ng Panginoong Jesus, nanatili ang ating maka-satanas na kalikasan. Namumuhay pa rin tayo sa katiwalian gaya ng kayabangan, pandaraya’t kasamaan. nagsisinungaling din tayo at nandadaya, para sa interes natin, nakikipagkumpitensya sa iba para sa kita. Wala tayong magawa kundi ang magkasala at lumaban sa Diyos. Bagama’t nagsasakripisyo tayo at nagdurusa, ang totoo nyan ay nakikipagkasundo tayo sa Diyos, umaasang makukuha natin ang mga pagpapala ng kaharian. Hindi talaga natin ginagawa ang kalooban ng Diyos. Ang Diyos ay banal, at hindi karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos ang mga marurumi’t masasamang taong tulad natin. Nagkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw para iligtas ang tao mula sa makasalanan nilang kalikasan. Mayroon din Siyang tunay na ugnayan sa’tin, Ipinahayag Niya ang katotohanan para mapanatili’t mapatnubayan tayo, nilalantad at hinahatulan Niya ang maka-satanas nating disposisyo’t kalikasan. Ipinapakita rin Niya sa’tin ang daan sa pagbabago ng ating mga disposisyon at sinasabihan tayo kung pa’no isasabuhay ang normal na pagkatao at maging tapat na nagbibigay-kasiyahan sa Kanya. Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, mas makikilala natin at kasusuklaman ang ating katiwalian at ang maka-satanas na kalikasan, at naghahangad tayong magsisi at mamuhay sa Kanyang mga salita. Unti-unti nating itinapon ang ilang tiwaling disposisyon at isinabuhay ang kaunting wangis ng tao. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makagagawa nito. Kung dumating ang Diyos para mangusap at gumawa sa Kanyang anyong Espiritu tulad ng Diyos na Jehova, hindi Niya magagawang linisin at iligtas ang tao. Dahil hindi nakikita’t nahahawakan ng tao ang Espiritu ng Diyos at ‘di nila Siya maiintindihan kung direkta Siyang mangungusap. Higit pa rito, napakabanal ng Espiritu ng Diyos na ang mga tiwali’y ‘di makakalapit sa Kanya, kundi mamamatay dahil sa kanilang pagiging marumi at masama. Sinasabi sa Lumang Tipan na nagpakita ang Diyos na Jehova sa Bundok ng Sinai kasabay ng dagundong ng kulog. Nakita’t narinig ng mga Israelita ang usok sa bundok, ang kulog, ang kidlat, at ang tunog ng tambuli. Tumayo sila sa malayo at sinabi kay Moses, ‘Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: subalit huwag magsalita ang Diyos sa amin, baka kami ay mamatay’ (Exodo 20:19). At nang pinamunuan ni David ang mga Israelita mula kay Baalah ng Judah at dinala ang kaban ng tipan pabalik ng Jerusalem, nadapa ang baka at inabot ni Uzzah ang kaban para pigilan ito, at siya’y napatay ng Espiritu ng Diyos (Tingnan ang 1 Mga Cronica 13:9–10). Labis na naging tiwali ang sangkatauhan sa mga huling araw dahil kay Satanas. Kung dumating ang Diyos para gumawa sa Espiritu, walang makakaligtas. Lahat tayo ay mapapatay ng Diyos sa pagiging marumi at tiwali. Ayon sa pangangailangan natin bilang tiwaling sangkatauhan, Pinili ng Diyos ang daan na magiging mas kapaki-pakinabang para maligtas tayo—Naging tao Siya, nagpapahayag ng katotohanan, naghahatol at naglilinis. Ito ang dakilang pag-ibig ng Diyos at kaligtasan ng tao!”
Sa puntong ito, nadala ako, at natutuwang sinabi ko, “Kailangang magkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao para gumawa sa mga huling araw. Ito ang pinakadakilang kaligtasan para sa mga tiwaling tao!” Di ko alam dati ang mga paraan kung pa’no gumawa ang Diyos. Hindi ko pinakinggan ang Kanyang tinig, kaya naman, hindi ko Siya makilala o kaya naman ay masalubong. Hangal akong naghintay na dumating ang Panginoon nang nasa ulap at dalhin tayo sa langit. Napakahangal ko talaga!
Marami kaming nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nadiskubre kung ano ang mga matatalinong birhen, ang mga hangal na dalaga, pa’no nagpapakita ang Diyos, ang mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ang Kanyang pagkakatawang-tao, at ang gawain Niya ng paghatol sa mga huling araw. Naintindihan natin na gumagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan, sa Kapanahunan ng Kautusan, Biyaya, at Kaharian. Tanging ang tatlong yugtong ito ng gawain ang lubos na magliligtas sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Nakita natin na ang Diyos na Jehova, ang Panginoong Jesus, at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Nakilala natin ang Makapangyarihang Diyos bilang ang Panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap natin Siya. Sa wakas, sinalubong natin ang Panginoon! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!