Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Pakahulugan sa Ikatatlumpung Pagbigkas

May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesia na sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”

Wala pang espiritu ninuman ang kahit kailan ay napalaya, hindi pa kailanman naging walang-alalahanin at masaya ang espiritu ninuman. Kapag ang gawain ng Diyos ay ganap nang natapos, ang espiritu ng mga tao ay mapapalaya, sapagka’t bawa’t isa ay mapapagsama-sama na ayon sa uri, at sa gayon silang lahat ay magiging matatag sa kanilang mga puso. Para bang ang mga tao ay nasa malayong-dakong paglalakbay at ang kanilang mga puso ay nagiging matatag sa kanilang pagbabalik sa tahanan. Pagkarating sa tahanan, ang mga tao ay hindi na makadarama na ang mundo ay walang-laman at hindi-patas, kundi mamumuhay nang mapayapa sa kanilang mga tahanan. Ganyan ang magiging mga kalagayan sa gitna ng buong sangkatauhan. Kaya, sinasabi ng Diyos na ang mga tao ay “hindi kailanman nakayang palayain ang kanilang mga sarili mula sa pagkakagapos ni Satanas.” Walang sinumang nakapagpalaya ng kanilang mga sarili mula sa kalagayang ito habang nasa laman. Pansumandali nating isantabi ang sinasabi ng Diyos tungkol sa sari-saring aktwal na kalagayan ng tao, at pag-usapan lamang ang tungkol sa mga hiwaga na hindi pa naibubunyag ng Diyos sa tao. “Hindi-mabilang ang mga pagkakataon na tiningnan Ako ng mga tao nang may mga matang nanlalait, na para bang ang Aking katawan ay puno ng mga tinik at kasumpa-sumpa sa kanila, at sa gayon ay inaayawan Ako ng mga tao, at naniniwalang Ako ay walang halaga.” Sa kabaligtaran, sa nilalaman, ang tunay na mga kulay ng tao ay nabubunyag sa mga salita ng Diyos: Siya ay punô ng mga matitigas-na-balahibo, walang anumang nakalulugod tungkol sa kanya, kaya’t ang pagkamuhi ng Diyos sa tao ay tumitindi, sapagka’t ang tao ay walang-iba kundi isang punô-ng-tinik na porkupina na walang anumang katangiang kasiya-siya. Sa pang-ibabaw, ang mga salitang ito ay tila paglalarawan ng mga pagkaintindi ng tao tungo sa Diyos[a]—subali’t sa realidad, ipinipinta ng Diyos and larawan ng tao batay sa kanyang “imahe.” Ang mga salitang ito ay pagguhit ng Diyos sa tao, at ito ay para bang inispreyan ng Diyos ng pampirmi ang imahe ng tao; sa gayon, ang imahe ng tao ay nakatayong mataas sa buong sansinukob, at nakamamangha pa sa mga tao. Mula sa kung kailan Siya nagsimulang magsalita, ipinoposisyon na ng Diyos ang Kanyang mga pwersa para sa isang matinding pakikipagdigma sa tao. Siya ay tulad ng isang propesor ng algebra sa unibersidad na naglalatag ng mga katunayan para sa tao, at kung ano ang mapapatotohanan ng mga katunayang Kanyang inilalatag—ang katibayan at kontra-katibayan—ay ginagawang lubos na kumbinsido ang lahat ng mga tao. Ito ang layunin ng lahat ng mga salita ng Diyos, at dahil dito kaya basta sinasabi ng Diyos ang mga mahiwagang salitang ito sa tao: “Ako, sa kabuuan, ay lubos na walang-halaga sa puso ng tao, Ako ay isang gamit sa bahay na patápón.” Matapos ang pagbasa sa mga salitang ito, walang magawa ang mga tao kundi manalangin sa kanilang mga puso, at dumarating sila sa pagkakaalam ng kanilang pagkakautang sa Diyos, na nagsasanhi upang kanilang usigin ang kanilang mga sarili, pinapapaniwala sila na ang tao ay dapat mamatay, at wala kahit katiting na halaga. Sinasabi ng Diyos, “dahil dito kaya nasumpungan Ko ang Aking Sarili sa kinatatayuan Ko ngayon,” na, kapag iniugnay sa aktwal na mga kalagayan ngayon, nagsasanhi sa mga tao na usigin ang kanilang mga sarili. Hindi ba ito katunayan? Kung ginawa ka na makilala ang iyong sarili, ang mga salita bang tulad ng “Ako ay tunay na dapat mamatay!” ay lalabas sa iyong bibig? Ganyan ang tutoong mga kalagayan ng tao, at ito ay hindi karapat-dapat na lubhang pag-isipan—ito ay akmang halimbawa lamang.

Sa isang pangangahulugan, kapag ang Diyos ay humihingi ng kapatawaran ng tao at pagiging matiisin, nakikita ng mga tao na pinagtatawanan sila ng Diyos, at sa isa pang pangangahulugan, nakikita rin nila ang kanilang sariling pagkarebelde—hinihintay lamang nila ang Diyos na kumilos nang sukdulan para sa tao. Bukod pa, sa pagsasalita tungkol sa mga pagkaintindi ng mga tao, sinasabi ng Diyos na hindi Siya bihasa sa pilosopiya sa buhay o sa wika ng tao. Kaya, sa isang banda ginagawa nito ang mga tao na ikumpara ang mga salitang ito sa praktikal na Diyos, at sa isa pa, nakikita nila ang hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita—nilalait sila ng Diyos, sapagka’t nauunawaan nila na ibinubunyag ng Diyos ang tutoong mukha ng tao, at hindi Niya talaga sinasabi sa mga tao ang tungkol sa tutoong mga kalagayan ng Diyos. Ang likas na kahulugan ng mga salita ng Diyos ay nakakalatan ng panlalait, panunuya, pagtawa, at pagkamuhi sa tao. Ito ay para bang, sa lahat ng kanyang ginagawa, binabaluktot ng tao ang batas at kumukuha ng mga suhol; ang mga tao ay mga patutot, at kapag ibinubuka ng Diyos ang Kanyang bibig para magsalita, sila ay nanginginig sa matinding takot, malalim ang pagkatakot na ang katotohanan tungkol sa kanila ay lubusang malalantad, iiwanan silang lubhang nahihiyang humarap kaninuman. Nguni’t ang mga katunayan ay mga katunayan. Hindi itinitigil ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas dahil sa “pagsisisi” ng tao; lalong nagiging di-mabigkas na nahihiya at napahiya na hindi maipaliwanag ang mga tao, higit na lalong di-inaalis ng Diyos ang Kanyang nagbabagang titig sa kanilang mga mukha. Inilalatag ng mga salita mula sa Kanyang bibig ang lahat ng pangit na mga gawa ng tao sa mesa—ito lamang ang pagiging makatarungan at patas, ito lamang ang tinatawag na Qingtian,[b] ito lamang ang paghatol mula sa pinakamataas na hukuman ng mga tao. Kaya, kapag binabasa ng mga tao ang mga salita ng Diyos, siya ay biglang tinatamaan ng atake sa puso, tumataas ang kanilang presyon ng dugo, para bang sila ay nagdurusa ng “sakit sa ugat ng puso”, para bang ang isang pagdurugo ng utak ay ipadadala sila pabalik sa kanlurang paraiso upang makipagtagpo sa kanilang mga ninuno—ito ang reaksyon kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos. Ang tao ay pinapagkasakit ng mga taon ng mabigat na paggawa, siya ay maysakit sa loob at labas, ang lahat sa kanya ay may sakit, mula sa kanyang puso hanggang sa kanyang mga ugat, malaking bituka, maliit na bituka, tiyan, mga baga, mga bato, at iba pa. Wala sa kanyang buong katawan ang malusog. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay hindi nakakaabot sa antas na hindi kayang maabot ng tao, kundi nagsasanhi sa mga tao na makilala ang kanilang mga sarili. Dahil ang katawan ng tao ay napapalibutan ng mga bayrus, at dahil siya ay tumanda na, ang araw ng kanyang kamatayan ay nalalapit na, at hindi puwedeng manumbalik. Nguni’t ito ay bahagi lamang ng kasaysayan; ang panloob na kahulugan ay hindi pa naibubunyag, sapagka’t ang pinagmumulan ng karamdaman ng tao ay hinahanap. Sa realidad, ang panahon kung kailan ang kabuuan ng gawain ng Diyos ay natatapos ay hindi ang panahon kung kailan ang gawain Niya sa lupa ay natatapos, sapagka’t sa sandaling ang hakbang na ito ng gawain ay natapos, mawawalan ng daan ng pagsasakatuparan ng gawain ng hinaharap sa katawang-tao, at ang Espiritu ng Diyos ay kakailanganin upang matapos ito. Sa gayon, sinasabi ng Diyos, “Noong pormal kong ipinahayag ang balita ang siya ring panahon na ang mga tao sa buong sansinukob ay naparusahan, noong ang mga tao sa buong mundo ay sasailalim sa pagsubok, at ito ang kasukdulan ng Aking gawa.” Ang panahon kung kailan ang gawain sa katawang-tao ay tapos na ay hindi kung kailan ang gawain ng Diyos ay nakaabot sa kasukdulan nito—ang kasukdulan ng panahong ito ay tumutukoy lamang sa gawain sa panahon ng yugtong ito, at hindi ang kasukdulan ng buong planong pamamahala. Kaya, ang kinakailangan ng Diyos sa tao ay hindi mataas. Hinihingi lamang Niya na kilalanin ng mga tao ang kanilang mga sarili, sa gayon ay nagsisilbing ang susunod na hakbang ng gawain, kung saan ang kalooban ng Diyos ay naabot na. Habang ang gawain ng Diyos[c] ay nagbabago, ang “bahaging-gawain” ng mga tao[d] ay nababago. Ngayon ay ang yugto ng gawain ng Diyos sa lupa, kaya’t sila ay dapat na gumawa sa mga pangkaraniwang tao. Sa hinaharap, mangangailangang magministeryo sa sambayanan, kaya’t sila ay muling maaatasan sa “Central Committee”. Kung bibisita sila sa ibayong-dagat, sila ay kailangang makitungo sa mga proseso para sa pagtungo sa ibang bansa. Sa ganoong mga panahon sila ay mapupunta sa ibang bansa, malayo sa kanilang sariling bayan—nguni’t ito ay dahil pa rin sa mga kinakailangan ng gawain ng Diyos. Gaya ng nasabi ng mga tao, “Aming itataya ang aming mga buhay para sa Diyos kung kinakailangan”—hindi ba ito ang landas na lalakaran sa hinaharap? Sino ang kahit kailan ay nasiyahan sa ganoong buhay? Ang isa ay maaaring maglakbay sa buong lugar, bumisita sa ibang bansa, magbigay ng gabay sa mga kanayunan, ihalo ang kanilang mga sarili sa mga pangkaraniwang tao, at maaari din silang magsalita tungkol sa mga mahahalagang mga bagay ng sambayanan kasama ng mga kasapi sa mga matataas na antas na samahan; at kung kinakailangan, maaari nilang personal na tikman ang buhay sa impiyerno, kung saan pagkatapos ay maaari silang bumalik at makakaya pa ring tamasahin ang mga makalangit na pagpapala—hindi ba ang mga ito ay mga pagpapala ng tao? Sino ang kahit kailan ay naikumpara sa Diyos? Sino na ang nakapaglakbay sa kabuuan ng lahat ng mga bansa? Sa katunayan, ang mga tao ay makakayang maunawaan ang kaunti sa ilang mga salita ng Diyos nang walang anumang mga gabay o paliwanag—sila nga lamang ay walang pananampalataya sa kanilang mga sarili, na siyang nagpahaba sa gawain ng Diyos hanggang ngayon. Dahil napakalaki ang kulang ng tao—gaya ng sinabi ng Diyos, “sila ay wala kahit ano”—ang gawain ng ngayon ay naglalagay ng matitinding paghihirap sa kanila; lalo pa, ang kanilang kahinaan ay, natural, pumigil sa bibig ng Diyos—at hindi ba ang mga bagay na ito ang tiyak na siyang humahadlang sa gawain ng Diyos? Hindi mo pa rin ba nakikita ito? Mayroong natatagong kahulugan sa lahat ng sinasabi ng Diyos. Kapag nagsasalita ang Diyos, hinahawakan Niya ang usapin sa kasalukuyan, at tulad ng pabula, lahat ng mga salitang binibigkas Niya ay nagtataglay ng malalim na mensahe. Ang mga simpleng salitang ito ay nagtataglay ng malalim na kahulugan, at sa gayon ay nagpapaliwanag ng mahahalagang mga katanungan—hindi ba dito pinakamahusay ang mga salita ng Diyos? Alam mo ba ito?

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “ito ay tila mga pagkaintindi ng tao tungo sa Diyos.”

b. Qingtian: Ang salitang ito ay ginagamit upang tukuyin ang isang matuwid na hukom sa panahon ng imperyo.

c. Ang orihinal na teksto ay walang “ng Diyos.”

d. Ang orihinal na teksto ay walang “ng mga tao.”