Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos

Bakit ka naniniwala sa Diyos? Karamihan ng mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Palagi silang mayroong dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, na nagpapakitang naniniwala sila sa Diyos hindi para sumunod sa Kanya, kundi para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa pagdurusa na dala ng sakuna; saka lamang sila medyo masunurin. May pasubali ang pagsunod nila; ito ay alang-alang sa mga pansarili nilang pag-asam, at ipinilit sa kanila. Kaya, bakit ka nga ba naniniwala sa Diyos? Kung dahil lamang ito sa kapakanan ng mga pag-asam mo at tadhana mo, mas makabubuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang ganitong paniniwala ay panlilinlang sa sarili, pagpapanatag sa sarili, at paghanga sa sarili. Kung hindi itinayo ang pananampalataya mo sa pundasyon ng pagsunod sa Diyos, parurusahan ka sa huli sa pagsalungat sa Kanya. Lahat yaong mga hindi naghahangad ng pagsunod sa Diyos sa pananampalataya nila ay sumasalungat sa Kanya. Hinihiling ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita Niya, kainin at inumin ang mga salita Niya, at isagawa ang mga ito, upang makamit nila ang pagsunod sa Diyos. Kung ang mga ito ang tunay mong mga layon, tiyak na itataas ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagbiyaya sa iyo. Ito ay hindi mapagdududahan at hindi mababago. Kung ang layon mo ay hindi sumunod sa Diyos, at mayroon kang ibang mga pakay, lahat ng sinasabi at ginagawa mo—ang panalangin mo sa harap ng Diyos, at maging ang bawat kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Kanya. Maaaring ikaw ay malumanay magsalita at may banayad na asal, maaaring mukhang wasto ang bawat kilos at pagpapahayag mo, at maaaring mukha kang isang taong sumusunod, ngunit pagdating sa mga layon mo at sa mga pananaw mo tungkol sa pananampalataya sa Diyos, pagsalungat sa Diyos ang lahat ng ginagawa mo; kasamaan ang lahat ng ginagawa mo. Ang mga taong lumilitaw bilang masusunurin tulad ng mga tupa, ngunit nagkikimkim ang mga puso ng masasamang pakay, ay mga lobong nakadamit ng pang-tupa. Tuwiran silang nagkakasala sa Diyos, at hindi ititira ng Diyos ang kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila at ipapakita sa lahat na yaong mga mapagkunwari ay tiyak na kamumuhian at tatanggihan ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Pakikitunguhan at itatapon ng Diyos ang bawat isa sa kanila nang sunud-sunod.

Kung hindi mo nagagawang tanggapin ang bagong liwanag mula sa Diyos, at hindi nauunawaan ang lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon at hindi mo ito hinahangad, o bagkus pinagdududahan mo ito, hinahatulan ito, o masusing sinisiyasat at sinusuri ito, wala kang isip na sumunod sa Diyos. Kung kapag nagpapakita ang liwanag ng dito at ngayon, ay pinahahalagahan mo pa rin ang liwanag ng kahapon at sumasalungat sa bagong gawain ng Diyos, ikaw ay walang iba kundi isang kakatuwa—isa ka sa yaong mga sinasadyang sumalungat sa Diyos. Ang susi sa pagsunod sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at ang magawang tanggapin ito at isagawa ito. Ito ang nag-iisang tunay na pagsunod. Yaong mga salat sa kaloobang maghangad sa Diyos ay walang kakayahang sadyang magpasakop sa Kanya, at maaari lamang sumalungat sa Diyos bilang kinalabasan ng kasiyahan nila sa nakasanayan na. Hindi kayang sumunod ng tao sa Diyos dahil sinapian siya ng dumating na dati. Ang mga bagay na dumating na dati ay nagbigay sa mga tao ng lahat ng uri ng mga kuru-kuro at mga guni-guni tungkol sa Diyos, at ang mga ito ang naging larawan ng Diyos sa mga isip nila. Sa gayon, ang pinaniniwalaan nila ay ang sarili nilang mga kuru-kuro, at ang mga pamantayan ng sarili nilang guni-guni. Kung ikukumpara mo ang Diyos na gumagawa ng aktwal na gawain ngayon sa Diyos ng sarili mong guni-guni, nagmumula kay Satanas ang pananampalataya mo, at nadungisan ng mga sarili mong kagustuhan—hindi nais ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya. Gaano man katayog ang mga kredensyal nila, at gaano man sila kasigasig—kahit na naglaan na sila ng habambuhay na pagsisikap sa gawain Niya, at ginawang martir ang mga sarili nila—hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang sinumang may ganitong pananampalataya. Pinagkakaloob lamang Niya sa kanila ang maliit na biyaya at hinahayaan silang tamasahin ito nang maikling panahon. Ang ganitong mga tao ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan. Hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob nila, at isa-isang aalisin ng Diyos ang bawat isa sa kanila. Bata man o matanda, yaong mga hindi sumusunod sa Diyos sa pananampalataya nila at mayroong mga maling layon ay yaong mga sumasalungat at gumagambala, at walang alinlangang aalisin ng Diyos ang ganitong mga tao. Yaong mga taong wala ni katiting na pagsunod sa Diyos, na kinikilala lamang ang pangalan Niya, at mayroong kaunting muwang sa kabutihan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, subalit hindi sumasabay sa mga hakbang ng Banal na Espiritu, at hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—namumuhay ang ganitong mga tao sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi Niya kakamtin o gagawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagsunod nila, sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagtamasa nila sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino sa mga buhay nila. Tanging sa pamamagitan ng ganitong pananampalataya maaaring magbago ang mga disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila maaaring taglayin ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang pagiging hindi nalulugod sa pamumuhay sa gitna ng biyaya ng Diyos, ang aktibong pananabik at paghahanap sa katotohanan, at paghahangad na makamit ng Diyos—ito ang kahulugan ng sadyang pagsunod sa Diyos at ito ang mismong uri ng pananampalatayang nais Niya. Ang mga taong walang ibang ginagawa kundi tamasahin ang biyaya ng Diyos ay hindi maaaring gawing perpekto o mabago, at paimbabaw lahat ang pagsunod, pagkamaka-Diyos, pagmamahal, at pagtitiis nila. Hindi magagawang tunay na makilala ang Diyos ng yaong mga nagtatamasa lamang ng biyaya ng Diyos, at kahit makilala nila ang Diyos, paimbabaw lamang ang kaalaman nila, at sinasabi nila ang mga bagay na tulad ng “mahal ng Diyos ang tao,” o “mahabagin ang Diyos sa tao.” Hindi nito kinakatawan ang buhay ng tao, at hindi ipinapakitang tunay na nakikilala ng mga tao ang Diyos. Kung kapag pinipino sila ng mga salita ng Diyos, o dumarating sa kanila ang mga pagsubok Niya, ay hindi nagagawang sumunod ng mga tao sa Diyos—kung, sa halip, ay nagiging mapagduda sila, at bumabagsak—hindi sila masunurin ni katiting. Sa loob nila, maraming patakaran at paghihigpit tungkol sa pananampalataya sa Diyos, mga lumang karanasang bunga ng maraming taon ng pananampalataya, o ng iba’t ibang patakarang nakabatay sa Bibliya. Kaya bang sumunod sa Diyos ang ganitong mga tao? Puspos ang mga taong ito ng mga pantaong bagay—paano sila makasusunod sa Diyos? Ang “pagsunod” nila ay ayon sa pansarili nilang kagustuhan—nanaisin ba ng Diyos ang pagsunod na tulad nito? Hindi ito pagsunod sa Diyos, kundi pagkapit sa mga patakaran; ito ay pagpapalugod at pagpapahinahon sa kanilang mga sarili. Kung sinasabi mong pagsunod ito sa Diyos, hindi ka ba lumalapastangan laban sa Kanya? Isa kang Ehiptong Faraon. Gumagawa ka ng kasamaan, at malinaw na nakikibahagi ka sa gawain ng pagsalungat sa Diyos—ganito ka ba nais maglingkod ng Diyos? Mas makabubuting magmadali ka sa pagsisisi, at subukang magkamit ng kaunting kamalayan sa sarili. Kung mabibigo ka rito, mas mainam na umuwi ka na lamang; mas makabubuti iyon sa iyo kaysa sa ipinahahayag mong paglilingkod sa Diyos. Hindi ka manggagambala at manggugulo; mababatid mo ang lugar mo, at mamumuhay nang maayos—hindi ba mas mainam iyon? At hindi ka maparurusahan sa pagsalungat sa Diyos!

Sinundan: Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon

Sumunod: Ang mga Pangako sa Yaong mga Nagawang Perpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito