Paano Hangarin ang Katotohanan (21)

Kamakailan, nagbahaginan tayo tungkol sa ilang pagpapamalas na may kaugnayan sa konsensiya at katwiran na nagpapahiwatig ng kawalan ng pagkatao, hindi ba? (Oo.) Sa pamamagitan ng paglilista ng ilang negatibong halimbawa, inilantad natin ang ilang pagpapamalas ng mga tao na walang konsensiya at katwiran sa kanilang pagkatao. Kaya, sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa mga negatibong halimbawang ito, natutunan ba ninyo kung anong mga pagpapamalas ang dapat taglayin sa kanilang buhay ng mga taong may konsensiya at katwiran? (Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Diyos tungkol sa ilang pagpapamalas ng kawalan ng konsensiya at katwiran ng mga tao, naunawaan ko na ang mga taong may normal na pagkatao ay dapat magkaroon ng pagkaramdam ng kahihiyan, at na kapag may mga nangyayari sa kanila, dapat ay kaya nilang pag-isipan at harapin ang mga ito nang makatwiran.) Sino pa ang may idadagdag? (Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Diyos, naunawaan ko na ang mga hindi-tao ay may mga pagpapamalas ng katigasan ng kalooban at pagmamatigas, samantalang ang mga taong may normal na pagkatao ay kayang makilatis ang tama sa mali at malaman kung ano ang wasto at di-wasto; kaya nilang tanggapin ang mga positibong bagay, at tinitingnan nila ang mga tao, pangyayari, at bagay sa medyo obhetibo at makatwirang paraan. Higit pa rito, mayroon silang pagkaramdam ng kahihiyan; kapag may nagagawa silang mali, kaya nilang aminin ang mga pagkakamali nila, agarang itama ang mga ito, at magsisi.) Sa madaling salita, maipapaliwanag ang buod nito sa pamamagitan ng mga bagay na ito. Sa isang banda, ang mga may konsensiya at katwiran ay kayang tratuhin nang tama ang mga tao, pangyayari, at bagay, at kaya ring suriin at tingnan nang obhetibo ang mga tao, pangyayari, at bagay. Sa kabilang banda, mayroon din silang pagkaramdam ng kahihiyan, at ginagawa nila ang mga bagay batay sa kanilang konsensiya at katwiran. Dahil pinag-uusapan natin ang konsensiya at katwiran, pag-usapan natin ang partikular na katangian na dapat taglayin ng mga tao sa kanilang konsensiya, at na dapat ipamalas ng mga tao. Nasabi na natin noon na ang mga taong may konsensiya ay nagtataglay ng dalawang katangian: Ang isa ay pagkamatuwid, at ang isa pa ay kabaitan. Ibig sabihin, bukod sa kakayahang makilatis ang tama sa mali, at pag-alam kung ano ang wasto at di-wasto, ang isang taong nagtataglay ng kalidad at katangian ng konsensiya at katwiran ay, sa pinakamababa, isang matuwid at mabait na tao. May mga detalye ang pagkamatuwid at kabaitang ito. Hindi ito tumutukoy sa pagmumukhang medyo prangka sa panlabas, o pagmumukhang hindi masama, hindi pakikibahagi sa anumang malinaw na asal ng paggawa ng kasamaan o paggawa ng masasamang bagay—hindi ito tumutukoy sa mga panlabas na pagpapamalas na ito na naiisip ng mga tao sa kanilang mga kuru-kuro. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng ilang pagpapamalas na umaayon sa diwa ng pagkamatuwid at kabaitan sa mga partikular na sitwasyon.

Una, pag-usapan natin ang pagkamatuwid at kabaitan. Ang mga pangunahing pagpapamalas na nakapaloob sa konsensiya ay pagkamatuwid at kabaitan. Tingnan muna natin ito sa usapin ng sariling asal. Paano malalaman ng isang tao kung ang isang tao ay matuwid at mabait mula sa kung paano siya umasal? Kadalasan, ang mga taong may konsensiya ay may hangganan para sa kanilang sariling asal; ibig sabihin, sa kanilang puso ay mayroon silang pamantayan para sa kung paano sila umasal. Halimbawa, kapag nakikisalamuha sa iba, hindi sila nananamantala sa mga ito. Isa ba itong pamantayan para sa sariling asal? (Oo.) Ang hindi pananamantala sa iba kapag nakikisalamuha sa kanila ay isang pangunahing pamantayan para sa sariling asal. Ang mga taong may konsensiya at katwiran ay may hangganan para sa kung paano sila umasal, mangasiwa ng mga usapin, at makisalamuha sa iba, na siyang hindi pananamantala sa mga tao. Nakikisalamuha man sila sa isang taong mahirap o sa isang taong mayaman, hindi sila nananamantala sa mga ito. Iniisip nila, “Ang pera ng ibang tao ay sa kanila. Kahit gaano pa ako kahirap, hindi ako puwedeng manamantala sa kanila.” Kung kinakapos sila sa pera o nangangailangan ng tulong, kahit pa makita nilang mayaman ang ibang tao, hinding-hindi sila mananamantala sa mga ito. Kung may tutulong sa kanila, hahanap sila ng paraan para makabawi sa kanya, at hinding-hindi nila ito basta na lang hahayaan. Halimbawa, kung may manlilibre sa kanila ng pagkain, maghahanap sila ng pagkakataon para ilibre rin ang mga ito, o gagawin ang lahat ng makakaya nila para tumulong kapag nangangailangan ang kabilang panig. Naniniwala sila na sa pamamagitan lang ng pag-asal sa ganitong paraan sila makakaramdam ng kapanatagan sa kanilang puso. Tingnan mo, hindi ba’t ito ay pagkakaroon ng hangganan para sa sariling asal ng isang tao? (Oo.) Isa rin itong pamantayan para sa sariling asal. Makakamit ito ng mga taong may konsensiya. Kung may utang silang pera o pabor sa isang tao, palagi silang hindi mapapakali sa kanilang puso, at patuloy na maghahanap ng mga pagkakataon para makabawi sa taong iyon. Maaari nila itong suklian ng pera o mga materyal na bagay, o maaari silang tumulong sa abot ng kanilang makakaya kapag nakaranas ng ilang paghihirap ang taong iyon. Sa ganitong paraan lang sila makakaramdam ng kapayapaan at kawalan ng pagkakautang sa kanilang puso. Kung hindi sila magkakaroon ng pagkakataon na makabawi sa taong iyon o wala silang kakayahang suklian ito, habambuhay silang makakaramdam ng pagkakautang sa kanya. Kapag nakikita nila ang taong iyon, palagi nilang mararamdaman na hindi nila siya matingnan nang diretso sa mata, at hindi sila makakakain o makakatulog nang may payapang isip. Mawawala lang ang bigat sa kanilang mga balikat, at makakaramdam lang ng kapanatagan ang kanilang puso, kapag natapos na silang makabawi sa taong iyon. Tanging ang mga taong tulad nito ang nagtataglay ng konsensiya, katwiran, at pagkaramdam ng kahihiyan. Kung makikisalamuha ka sa ganitong uri ng tao, hinding-hindi sila magkakautang sa iyo ng anuman, at hindi ka palaging magiging pinagkakautangan nila. Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng pagkakaroon ng konsensiya? (Oo.) Ang hindi pananamantala sa iba ay ang hangganan ng ganitong uri ng mga tao para sa kanilang sariling asal, at masasabi rin na isa itong prinsipyo ng kanilang sariling asal. Sadyang kailangan nilang kumilos nang ganito; kung hindi, hindi mapapanatag ang kanilang puso at palagi silang magkakaroon ng pakiramdam ng pag-aakusa sa sarili. Isa ba itong pagpapamalas ng pagkamatuwid o kabaitan ng konsensiya? (Ito ay pagkamatuwid.) Medyo mas litaw ang pagkamatuwid dito. Mayroon din bang kabaitan dito? (Mayroon ding kabaitan dito—ang hindi pagnanais na manamantala sa iba, at ang hindi pagnanais na magdulot ng pinsala o kawalan sa iba.) Mayroong elemento ng kabaitan sa hindi pagnanais na dumanas ng kawalan ang iba. Kaya, may kinalaman ba ang prinsipyong ito ng kanilang sariling asal sa kanilang personalidad? (Wala.) May kinalaman ba ito sa kung ano ang itinuro sa kanila ng kanilang pamilya o ng lipunan? (Wala.) May kinalaman ba ito sa kung sila ay mahirap o mayaman? (Wala.) May kinalaman ba ito sa kanilang pang-unawa? (Wala.) Mayroon lang isang bagay na mahalaga, at iyon ay na may kinalaman ito sa kanilang konsensiya at katwiran, at may kinalaman ito sa kanilang klasipikasyon. Dahil lang sa nagtataglay sila ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa loob ng kanilang pagkatao, at ng konsensiya at katwiran ng pagkatao, kaya sila umaasal nang ganito. Hindi ito resulta ng edukasyon ng tao. Kahit pa tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak, kaya lang nilang ituro sa mga ito ang ilang doktrina para sa sariling asal—hindi kayang baguhin ng mga magulang ang kalikasang diwa ng kanilang mga anak, at talagang wala silang kakayahang mapasunod ang kanilang mga anak na gumawa ng mga bagay batay sa konsensiya at katwiran. Kaya, ang prinsipyong ito ng sariling asal ay pangunahing nagmumula sa kanilang pagkatao. Ang pagkakaroon nila ng ganitong uri ng prinsipyo at hangganan para sa kanilang sariling asal ay hindi resulta ng impluwensiya ng ibang tao; ganap itong nagmumula sa sarili nilang kalikasang diwa, at sa kanilang konsensiya at katwiran. Samakatwid, kung nagtataglay ang isang tao ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan, kung gayon, sa kanyang pang-araw-araw na buhay at sa proseso ng kanyang pag-asal at pangangasiwa ng mga usapin, mayaman man siya o mahirap, mayroon man siyang pang-unawa o wala, kung ang personalidad man niya ay mabilis at mahusay o mabagal at hindi nagmamadali, iritable o mahinahon—wala sa mga bagay na ito ang mahalaga. Ano ang mahalaga? Ito ay ang pagkakaroon niya ng hangganan para sa kanyang sariling asal; mayroon siyang hangganan o isang pangunahing prinsipyo para sa kanyang sariling asal, na siyang hindi pananamantala sa iba. Ang “hindi pananamantala sa iba” na ito ay nangangahulugan ng hindi pagnanais na manamantala sa iba, at hindi kailanman pananamantala sa iba. Ang hangganan at prinsipyong ito ng sariling asal ay nagmumula sa kanyang pagkatao; umuusbong ito dahil sa mga katangian ng kanyang pagkatao. Samakatwid, ang katunayan na mayroon siyang gayong prinsipyo ng sariling asal ay may mahigpit na kaugnayan sa kanyang konsensiya at sa pagkamatuwid at kabaitan ng kanyang pagkatao. Ibig sabihin, tanging kung nagtataglay ang isang tao ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao siya magkakaroon ng prinsipyo ng sariling asal na hindi pananamantala sa iba; ang prinsipyong ito ay umuusbong mula sa mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao. Sabihin ninyo sa Akin, bukod sa pagiging matuwid at mabait, ang mga tao bang may mga katangian ng pagkatao ay may mga pakiramdam ng kahihiyan at isang ng kahihiyan? (Mayroon.) Mas gugustuhin pa nilang dumanas ng kawalan kaysa manamantala sa iba. Kung mananamantala sila sa isang tao, palagi nilang mararamdaman na may utang sila rito. Sa tuwing makikita nila ang taong iyon, mararamdaman nilang mas mababang uri sila ng tao; hindi mapapanatag at hindi mapapakali ang kanilang puso, at palagi nilang gugustuhing maghanap ng mga pagkakataon para makabawi. Kung uutang sila ng pera sa ibang tao at hindi pa nila ito ganap na nababayaran, hindi mapapanatag ang kanilang puso. Kahit pa hindi sinasadyang mabanggit ng isang tao ang usapin, mag-iinit ang kanilang mukha, at mapapahiya at hindi pa nga mapapakali. Kung magsasalita ang isang tao nang medyo mas mabagsik tungkol sa usaping ito, hihilingin nilang lamunin na lang sila ng lupa, tunay na nakakaramdam ng labis na hiya na humarap sa sinuman. Ang mga ito ba ay mga pagpapamalas ng pagkakaroon ng mga pakiramdam ng kahihiyan? (Oo.) Ang lahat ng ito ay mga pagpapamalas na ipinapakita ng mga taong may mga katangian ng pagkatao, inuudyukan ng kanilang konsensiya. Kung ang ganitong uri ng tao ay may utang na pera o pabor, hindi napapanatag ang kanyang puso, na para bang may nagawa siyang kahiya-hiya. Madalas siyang makaramdam na kinokondena siya ng kanyang konsensiya, at ginagawa niya ang lahat ng posibleng paraan para makabawi sa kabilang panig. Ang ilan ay nagtatrabaho ng ilang trabaho; ang ilan ay ibinebenta ang kanilang pinakamamahal na pag-aari; ang ilan ay ipinagbibili ang mga ari-arian ng kanilang pamilya; at ang ilan ay nagkakasakit pa nga pero ayaw gumastos ng pera para magpatingin sa doktor—mas gugustuhin pa nilang magdusa sa kahirapan at pagkapagod para makapag-ipon ng pera at mabilis na mabayaran ang kanilang mga utang. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at sinasabi, “Kung ang sinumang iba pa ay kumita ng pera tulad ng ginagawa mo, matagal na sana silang nakabili ng sasakyan at bahay. Ginagamit mo ang lahat ng pera mo para bayaran ang mga utang mo, habang ikaw mismo ay naghihirap—hindi ba’t napakahangal niyon? Kung wala kang abilidad na bayaran ang pera, huwag mo na lang itong bayaran.” Pero iniisip nila, “Paano ko magagawang umasal nang ganoon? Ang umasal sa ganoong paraan ay magiging labis na kawalan ng konsensiya—tao pa rin ba ako kung gayon? Ang paggastos ng pera ng ibang tao para mamuhay ng magandang buhay—may ipinagkaiba ba iyon sa paggastos ng maruming pera? Mapapayapa ba ang konsensiya ko? Ang pag-angkin sa pag-aari ng iba ay napakakasuklam-suklam at napakarumi! Hindi naging madali para sa kanila na kitain ang pera nila. Ginawan na nila ako ng napakalaking pabor sa pagpapahiram ng pera sa akin noon, at walang hanggan ang pasasalamat ko rito; dapat ko silang bayaran kaagad. Sa pag-asal, dapat kumilos ang isang tao nang may konsensiya at maging mapagkakatiwalaan; makakaramdam lang ng kapanatagan ang isang tao sa paggastos ng perang siya mismo ang kumita. Ang hindi pananamantala sa iba at hindi pagkakaroon ng utang sa mga tao—ito ang pinakapangunahing hangganan para sa sariling asal ng isang tao.” Tingnan mo, ang mga taong may konsensiya ay nagtataglay ng pinakapangunahin at tamang prinsipyo sa paggawa ng mga bagay. Bagama’t mayroon pa ring malaking agwat sa pagitan ng mga layong itinatakda nila para sa kanilang sariling asal at ng mga katotohanang prinsipyo, pagdating sa sariling asal, ang prinsipyo ng sariling asal ng ganitong uri ng tao na hindi pananamantala sa iba ay sapat na para ipakita na nagtataglay sila ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao. Pagdating sa usapin ng pananamantala sa iba o pagkakaroon ng mga utang, makikita mula sa prinsipyo ng sariling asal na sinasabi ng mga taong ito na medyo matuwid at mabait sila. Hindi sila gumagamit ng baluktot na pangangatwiran o kumikilos nang hindi makatwiran. Sinasabi nila, “Nag-abot ng tulong ang taong iyon para pahiramin ako ng pera noong panahon na pinakanahihirapan ako; isa na itong napakalaking pabor. Kung kaya kong bayaran ang perang iyon, dapat ko itong gawin kaagad.” Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng pag-asal nang may pagkamatuwid? (Oo.) Sa pinakamababa, mayroon silang diwa ng katuwiran, at hindi masama ang kanilang pagkatao. Samantala, paano mag-isip ang masasamang tao? “Sino ba ang nagsabi sa iyo na pahiramin ako ng pera noon? Hindi ba’t puwede namang hindi mo na lang ito ipinahiram sa akin? Naging handa kang ipahiram ito. Kung ayaw ko itong bayaran, hindi ko ito babayaran. Gagamitin ko ang pera mo para magnegosyo at kumita nang malaki; may sobra ka namang pera. Bukod pa rito, sa sandaling mapunta sa mga kamay ko ang pera, akin na ito, at puwede ko itong gastusin paano ko man gusto. Tungkol naman sa kung babayaran ko ito, nakadepende iyon sa lagay ng loob ko. Kapag may pera ako, babayaran kita kung maganda ang lagay ng loob ko—puwede mo itong ituring na isang hindi inaasahang pakinabang. Kung hindi kita babayaran, wala kang magagawa tungkol dito; hindi kita sinulatan ng IOU, kaya kahit pa magdemanda ka, hindi ka mananalo.” Ito ang mentalidad ng masasamang tao. Hindi ba’t hindi ito makatwiran? (Oo.) Ang paraan ng pag-iisip ng masasamang tao ay ang mismong kabaligtaran ng kung paano mag-isip ang matutuwid na tao. Ang pag-iisip ng matutuwid na tao ay napakamarangal. Sa mga salita ng mga walang pananampalataya, sila ay maunawain at makatwiran, isinasaalang-alang nila ang iba sa lahat ng aspekto, at pinapahalagahan nila ang pagmamahal at katuwiran, ang pagiging matino, at pagkatao. Hindi sila kumikilos nang hindi makatwiran, at hindi gumagamit ng baluktot na pangangatwiran. Ito ay pagkamatuwid. At paano mag-isip ang matutuwid na tao? “Hindi naging madali para sa kanila na kitain ang pera nila. Kahit pa marami silang pera, sa kanila iyon, hindi iyon para gamitin mo. Ang pagpapahiram nila nito sa iyo ay isang pabor; sa sandaling magkautang ka sa isang tao, umako ka ng isang utang, at mayroon ka na ngayong responsabilidad at obligasyon na bayaran ito.” Tingnan mo, hindi ba’t marangal ang paraan nila ng pag-iisip? Hindi ba’t matino sila? Hindi ba’t maunawain at makatwiran sila? (Oo.) Isa itong pagpapamalas ng pagkamatuwid. Kung isang tao ay mayroong katangian ng pagkamatuwid sa kanyang pagkatao, ganito siya mag-iisip. Magiging maunawain at makatwiran siya, at matino—isa itong pagpapamalas ng pagkakaroon ng pagkatao. Ang isang pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ay ang pag-asal na tulad ng isang masamang tao: kumikilos nang hindi makatwiran, tumatangging makinig sa katwiran, kumikilos nang walang pakundangan, naghahari-harian at nagpapakadominante, palaging gumagamit ng baluktot na pangangatwiran, hindi man lang nauunawaan ang katwiran ng pagkatao, at ganap na nabibigong maging maunawain at makatwiran, at sa gayon ay lalo pang nabibigong umabot sa antas ng pagsasagawa sa katotohanan. Ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ay maunawain at makatwiran; ang mga bagay na sinasabi nila ay napakapatas at napakamakatwiran, makatao, at may batayan. Tanging ang gayong mga tao ang nagtataglay ng mga kondisyon para tanggapin ang katotohanan. Pagkarinig sa mga salita ng Diyos, tanging ang mga taong may gayong mga katangian ng pagkatao ang nakakaramdam na, “Tama talaga ang mga salita ng Diyos, tunay na ito ang katotohanan! Ganito dapat umasal ang mga tao. Dapat magkaroon ang mga tao ng hangganan para sa kanilang sariling asal. Dapat tratuhin ng mga taong may konsensiya at katwiran ang iba sa ganitong paraan, at dapat silang umasal at mangasiwa ng mga usapin sa ganitong paraan. Tama talaga ang mga salita ng Diyos!” Tingnan mo, ang mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa loob ng kanilang pagkatao ay nagbibigay sa kanila ng mga pangunahing kondisyon para tanggapin ang katotohanan, nagpapahintulot sa kanila na magsabi ng Amen at tanggapin ang katotohanan pagkarinig dito, nang hindi nakakaramdam ng paglaban, pagkasuklam dito, o pagtanggi rito. Pakiramdam nila ay tama ang mga salita ng Diyos, ganap na umaayon sa mga pangangailangan ng normal na pagkatao, kayang tugunan ang mga pangangailangan sa puso ng mga tao, at ang dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao, at na tanging ang katotohanan ang makapagbibigay-kasiyahan sa kanila at makakapagbigay-kakayahan sa kanilang pagkatao na bumuti. Samakatwid, tanging ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ang maaaring mauhaw sa katotohanan, ang maaaring makaalam na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan kapag naririnig nila ang mga ito, at pagkatapos ay maaaring tumanggap sa katotohanan sa kanilang puso, at maaaring makapagsagawa ang katotohanan sa sandaling maunawaan nila ito.

Sa prinsipyo ng sariling asal na hindi pananamantala sa iba, ang mga katangian ng pagkatao na malinaw na ipinapamalas ng isang tao ay pagkamatuwid, kabaitan, at pagkaramdam ng kahihiyan. Siyempre, bukod sa hindi pagkakaroon ng utang na loob o pera, ang mga taong may konsensiya at katwiran ay nagpapakita ng isa pang pagpapamalas ng hindi pananamantala sa iba, at iyon ay kapag nananamantala sa kanila ang ibang tao at dumaranas sila ng kawalan, hindi sila nagtatanim ng sama ng loob sa mga ito, at minsan ay nakakapagbigay pa nga sila ng mga bagay sa iba nang hindi hinihingan. Kung patuloy na binabanggit ng isang tao ang usapin ng pagbabayad ng utang nito, nakakaramdam ng hiya ang mga taong ito: “Patuloy mo itong binabanggit, na para bang pinipilit kitang bayaran ang utang mo. Ang totoo, hindi ko kailanman nilayon na gawin iyon. Puwede mo itong bayaran kapag nagkapera ka na; kung wala kang pera at magkakautang ka sa akin habambuhay, ayos lang din iyon. Kung igigiit mong hindi ako bayaran, hindi ko hihingin ang bayad mula sa iyo. Kung kaya mo itong bayaran, gawin mo; kung hindi mo kaya, ituturing ko itong isang kawanggawa.” Tingnan mo, mayroon din silang ganitong uri ng pagpapamalas, at ng hangganang ito para sa kanilang sariling asal. Ipagpalagay na may isang taong nanghihiram ng isang bagay na napakahalaga sa kanila at lubos nilang pinapahalagahan. Kahit pa hindi sila masyadong mayaman, kapag sinabi ng kabilang panig na gusto nitong hiramin iyon, iniisip nila, “Siguradong nasa mahirap na sitwasyon siya para gustuhing humiram ng isang bagay mula sa akin, kaya dapat ko itong ipahiram sa kanya.” Halimbawa, ipagpalagay na sa abalang panahon ng pagtatanim, may isang taong nanghihiram ng sasakyan nila. Kailangan nila mismo ang sasakyan, at kung ipapahiram nila ito sa taong iyon, maaantala ang sarili nilang trabaho. Gayumpaman, dahil mabait sila pagdating sa kanilang pagkatao, ipinapahiram pa rin nila ito, sinasabihan lang ang nanghihiram na ibalik ito kaagad sa sandaling matapos itong gamitin. Pagkalipas ng ilang araw, ibinabalik ng tao ang sasakyan, pero sira ito at hindi nakumpuni, kaya kailangan nila mismo itong kumpunihin. Nakakaramdam sila ng kaunting inis, pero hindi sila masyadong galit, iniisip nila, “Hayaan na, magkapitbahay kami at palagi kaming nagkikita; hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kanya.” Ganito sila kamapagbigay sa kung paano nila tratuhin ang mga tao; kahit kapag dumaranas sila ng kawalan, hindi nila ito pinapalaki. Bagama’t pare-parehong tao ang lahat, magkakaiba ang mga prinsipyo at hangganan ng mga tao para sa kanilang sariling asal. Ang ilang tao ay nakakapagbigay bilang kawanggawa, samantalang ang iba, bukod sa hindi ito magawa, ay gusto pang manamantala sa iba. Bagama’t nakakaramdam ng kaunting inis ang ganitong uri ng medyo matuwid at mabait na tao pagkatapos dumanas ng kawalan, hindi sila nakikipagtalo sa kabilang panig, ni hindi sila nakikipag-away sa mga ito o humihingi ng bayad-pinsala; nagpapakita lang sila ng pagpaparaya nang ganito. Kung kailangan nilang lumabas para asikasuhin ang isang bagay at hihiramin nila ang sasakyan ng isang tao, pagkatapos itong gamitin, hinuhugasan nila ito at pinupuno ang tangke ng gas. Kapag ibinalik nila ito sa may-ari, hindi sira ang sasakyan kahit kaunti, at binabayaran din nila ang may-ari sa pinakamataas na pang-araw-araw na halaga ng upa para sa ganitong uri ng sasakyan. Hindi nila ipaparamdam sa tao na nasamantala ito. Iniisip nila na ito ang dapat nilang gawin. Sinasabi ng ilang tao, “Nagmamalasakit lang ba ang ganitong uri ng tao sa kanyang pride?” Para sa mga miyembro ng tiwaling sangkatauhan, ilan ang makakaabot sa antas na ito alang-alang lang sa kanilang pride? Madalas sabihin ng mga walang pananampalataya, “Magkano ba ang halaga ng pride ng isang tao?” at “Magkano ba ang halaga ng konsensiya?” Walang sinuman ang maglalabas ng kanyang pitaka para lang panatilihin ang magandang imahe o para isipin ng iba na mayroon siyang konsensiya at pagkatao. Para sa bawat tao, ang mga materyal na bagay at pera ay mas mahalaga kaysa sa mismong buhay. Ang pagsasabi ng isang bagay na maganda, kagalang-galang, o hindi sinsero at mapambola alang-alang sa pagpapanatili ng magandang imahe ay isang bagay na kayang gawin ng mga tao, pero hindi madali na talagang bitawan ang sariling pera para tulungan ang iba—napakakaunting tao ang makakagawa niyon. Tanging ang mga nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ang makapagkakamit nito. Gumagawa ng mga bagay ang gayong mga tao batay sa prinsipyo na “Mas gugustuhin ko pang dumanas ng kaunting kawalan kaysa manamantala sa iyo.” Kung hindi sila kikilos sa ganitong paraan, nakakaramdam sila ng bigat sa kanilang puso. Kadalasan, kapag nanghihiram ng isang bagay ang ganitong uri ng tao, hindi lang sa hindi siya nananamantala sa nagpahiram, kundi minsan ay nagbabayad pa nga siya ng sobra mula sa sarili niyang bulsa. Halimbawa, kapag hinihiram niya ang sasakyan ng isang tao, pinupuno niya ito ng gas at hinuhugasan ito, at sa huli ay binabayaran ang may-ari sa pinakamataas na pang-araw-araw na halaga ng upa para sa ganoong uri ng sasakyan. Kung kakalkulahin sa ganitong paraan, hindi ba’t lumalabas na mas mahal ito kaysa kung umupa na lang siya mismo ng sasakyan? (Oo.) Kapag ibinalik niya ang sasakyan, kung titingnan ito nang mabuti at susuriin nang ilang beses ng may-ari, nakakaramdam ng pagkabalisa sa loob-loob niya ang humiram, nag-aalala na baka makita ng may-ari ang ilang bahagi kung saan sira ang sasakyan at humingi ng bayad-pinsala. Sa huli, pagkatapos itong suriin, sinasabi ng may-ari na walang anumang problema, lubos itong nasisiyahan, at binabanggit din na maaari niyang hiramin ang sasakyan anumang oras na gusto niya sa hinaharap. Saka lang mapapanatag ang puso ng mga taong ito, iniisip nila, “Ah, nagtitiwala siya sa akin; iyon lang ang kailangan kong marinig!” Tingnan mo, ano ang hinahanap nila sa kanilang pag-asal? Hindi nila layon na manamantala sa iba; hinahangad lang nilang umasal nang may kredibilidad, at hindi maliitin ng iba. Sabihin ninyo sa Akin, nakakakilos ba ang isang tao sa ganitong paraan dahil nagmamalasakit siya sa kanyang pride, dahil duwag siya, dahil mahirap siya at walang ambisyon, o dahil natatakot siyang maliitin? Hindi ito dahil sa alinman sa mga bagay na ito. Ang pinakapangunahing prinsipyo para sa mga pakikisalamuha sa iba na taglay ng isang taong may konsensiya ay ang hindi pananamantala sa ibang tao. Ang hinahangad niya ay kapayapaan ng isip. Kahit pa dumanas siya mismo ng kawalan o mamuhay sa hirap dahil dito, hindi niya sinisisi ang iba o hinahanap na makipagtuos sa kanila. Hinahangad lang niyang gumawa ng tama ayon sa sarili niyang konsensiya at hindi magkautang ng anuman sa sinuman. Anuman ang gawin niya, nararamdaman niyang dapat siyang kumilos sa paraang hindi siya makakaramdam ng pagkakasala, na hindi siya inaakusahan ng kanyang konsensiya, at na hindi siya nananamantala sa sinuman; hindi siya gumagawa ng anuman na nagdudulot na magkaroon siya ng pagkakautang sa mga tao at nagiging sanhi para punahin siya ng mga tao kapag nakatalikod siya. Nakakakilos siya sa ganitong paraan hindi dahil mahirap siya, o dahil mayroon siyang mahinang personalidad, lalong hindi dahil banidoso siya; sa halip, ito ang mga katangian ng kanyang pagkatao—pagkamatuwid at kabaitan—na nag-uudyok sa kanya na gawin ang mga bagay na ito. Lalo na pagdating sa usapin ng hindi pananamantala sa iba kapag nakikisalamuha sa kanila, umaasal siya sa isang partikular na mabait at matuwid na paraan.

Ipagpalagay na may isang taong dumaranas ng hirap sa pananalapi, at kapag nakasalamuha niya ang isang taong nakaririwasa, binibigyan siya ng taong iyon ng ilang bagay na hindi na nito ginagamit sa bahay bilang isang kawanggawa. Iniisip ng tumanggap, “Ang katunayan na binigyan niya ako ng mga bagay na ito ay nangangahulugang hindi niya ako minamaliit; ginawan niya ako ng pabor. Kaya paano ako makakabawi sa kanya? Hindi ko kayang bumili ng mga mamahaling regalo—ang tanging mayroon ako ay mga sariwang gulay mula sa bukid, at mga itlog mula sa mga alaga naming manok sa bahay. Maaaring hindi niya masyadong gusto ang mga bagay na ito, pero ang mga ito ang pinakamainam na mayroon kaming mahihirap, ang mga pinakapresentableng bagay na maiaalok namin. Bibigyan ko siya ng ilan para makatikim siya ng sariwa; isa rin itong tanda ng aking pasasalamat.” Ang totoo, binibigyan siya ng nakaririwasang panig ng mga bagay na hindi na nito kailangan, pero nagawa itong unawain nang tama ng tumanggap. Hindi niya sasabihing, “Binigyan mo ako ng mga bagay na hindi mo ginagamit at hindi mo gusto—hindi ba’t binabalewala mo lang ako na parang isang pulubi? Ibibigay mo pa rin ba ang mga bagay na iyon sa akin kung ginagamit mo ang mga iyon? Bakit hindi mo ibinigay sa akin ang magaganda mong gamit?” Ang isang tao na tunay na may konsensiya at katwiran ay hindi mag-iisip nang ganito. Iisipin lang niya, “Ang katunayan na binigyan niya ako ng mga bagay na ito ay nangangahulugang hindi niya ako minamaliit.” Kahit pa magsabi ang ibang tao ng ilang hindi magandang komento at makaramdam siya ng kaunting inis sa loob-loob niya, kaya pa rin niyang tratuhin nang tama ang usapin at hindi niya sinusubukang mangatwiran; higit pa rito, kaya niyang suklian ang tumulong sa kanya ng mga bagay na itinuturing niyang pinakamainam na mayroon siya, batay sa sarili niyang sitwasyon sa pamilya at mga pinansyal na kondisyon. Tingnan mo, ang kanyang prinsipyo para sa pakikisalamuha at pakikitungo sa iba ay ang hindi manamantala sa kanila. Bagama’t tila hindi kapansin-pansin ang prinsipyong ito, at isa itong karaniwang katunayan na nakasanayan na ng karamihan sa mga tao, hindi lahat ay kayang sumunod dito, ni hindi ito itinuturing ng lahat bilang pinakapangunahing prinsipyo ng sariling asal—lalong hindi ito isang bagay na pinapahalagahan ng lahat. Lubos na pinapahalagahan ng mga taong tunay na matuwid at mabait ang hindi pagkakaroon ng utang sa mga tao o pananamantala sa mga ito kapag nakikisama at nakikisalamuha sa iba. Nagtatamasa man sila ng maginhawang buhay o nagdurusa sa kahirapan, ang hinahangad nila sa kanilang sariling asal at pangangasiwa ng mga usapin ay kapayapaan ng isip, at kalayaan mula sa mga pag-aakusa ng kanilang konsensiya. Tanging ang ganitong uri ng mga tao ang naghahangad na umasal sa ganoong paraan. Anuman ang kapanahunan o anong uri ng panlipunang kapaligiran ang kinaroroonan nila, o sa anong grupo ng mga tao sila napapabilang, ang mga nagagawang umasal sa ganitong paraan ay ginagawa ito dahil nagtataglay sila ng mga katangian ng pagkamatuwid, kabaitan, at pag-alam sa kahihiyan sa loob ng kanilang pagkatao. Sa kabaligtaran, kung wala ang isang tao ng mga katangiang ito sa loob ng kanyang pagkatao, hindi siya magkakaroon ng hangganan para sa kanyang sariling asal, at kahit pa mayroon siya nito, hindi niya ito mapapanatili. Ano ang dahilan kung bakit hindi niya mapanatili ang isang hangganan para sa kanyang sariling asal? Pangunahin itong dahil wala siya ng mga katangian ng pagkamatuwid, kabaitan, at mga pakiramdam ng kahihiyan sa kanyang pagkatao. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba mapapanatili ng ganitong uri ng tao ang isang hangganan para sa kanyang sariling asal paminsan-minsan?” Kaya niya sa mga espesyal na sitwasyon. Minsan ay tila kaya nga niyang magpanatili ng isang hangganan; mga espesyal na sitwasyon ang mga iyon. Minsan ay nagagawa niyang hindi manamantala sa iba o magkautang sa kanila dahil hindi tama ang mga sitwasyon, o dahil hindi siya makahanap ng angkop na pagkakataon. Halimbawa, kung manghihiram siya ng mga bagay o pera at hindi niya ibabalik ang mga ito, magkakaroon ng mga kahihinatnan: Daranasin niya ang pagkondena ng opinyon ng publiko o mananagot siya sa batas, pupunahin siya ng mga tao kapag nakatalikod siya, o baka hindi pa nga siya makapanatili sa kanyang nayon, baryo, o komunidad. Umiiwas siyang gawin ito dahil lang napipilitan siya at wala siyang ibang magagawa; dahil sa kawalan ng magagawa kaya napipilitan siyang bayaran ang tumulong sa kanya o pansamantalang umiwas na manamantala sa kanila. Gayumpaman, ang ganitong uri ng tao na hindi kayang magpanatili ng hangganan para sa kanyang sariling asal ay hindi kailanman kumikilos nang ganito nang kusa, dahil sadyang wala siya ng gayong mga katangian tulad ng pagkamatuwid, kabaitan, at pagkaramdam ng kahihiyan sa kanyang pagkatao. Sa kabaligtaran, ang uri ng tao na tunay na nakakaiwas na manamantala sa iba ay ginagawa ito nang kusa, at isa itong bagay na natural niyang ipinapamalas, o siya mismo ay nagtatag ng ganitong uri ng prinsipyo at hangganan para sa kanyang sariling asal. Malinaw na ang katunayan na mayroon siyang ganitong uri ng prinsipyo para sa kanyang sariling asal ay isang likas na pagpapamalas na nagmumula sa kanyang konsensiya at katwiran, at ang likas na pagpapamalas na ito ay ganap na nakabatay sa pagtataglay niya ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan; hindi siya naiimpluwensiyahan ng iba, ni hindi siya pinupuwersa ng kanyang kapaligiran. Isa lang itong bagay na likas niyang ipinapamalas, na kailangan ng kanyang pagkatao, at na kailangan ng kanyang panloob na mundo. Isa itong sapat na batayan para sabihin na ang ganitong uri ng tao ay likas na nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao. Kung hindi siya kikilos sa ganitong paraan, hindi mapapanatag ang kanyang konsensiya, at hindi siya mapapakali sa loob-loob niya; makakaramdam siya ng labis na hiya na mabuhay at labis na mahihiyang humarap sa sinuman. Bilang resulta, umaasal siya sa ganitong paraan nang napakanatural. Sabihin ninyo sa Akin, sa tingin ba ninyo ay mahalaga ang prinsipyong ito ng sariling asal na hindi pananamantala sa iba? (Oo.) Ang hindi pananamantala sa iba ay tila isang pangunahing prinsipyo ng sariling asal na napakakaraniwan, pero isa itong mahalagang palatandaan na sumasalamin kung anong uri ng mga katangian mayroon ang isang tao sa kanyang pagkatao. Hindi ba’t ganito iyon? (Oo.)

Ang mga taong hindi nananamantala sa iba ay nagpapakita ng isa pang uri ng pagpapamalas. Halimbawa, sabihin nating inaalok sila ng isang medyo nakaririwasang tao ng isang bagay na sobra sa kanya o nakatiwangwang lang. Dahil pakiramdam nila ay hindi sila puwedeng manamantala sa iba nang walang isinusukli, at dahil ayaw nilang magkautang na loob sa sinuman, sinasabi nila, “Hindi ko pa talaga ito kailangan sa ngayon, pero salamat sa kabaitan mo.” Sa tingin mo ba ay sakim ang mga tao? Kapag nakakakita ang mga tao ng magagandang bagay, gusto ba nila ang mga ito at gusto ba nilang tamasahin ang mga ito? Gusto ng lahat ang mga ito at gusto nilang tamasahin ang mga ito, pero may mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao. Halimbawa, gusto ng karamihan sa mga tao na gumamit ng mga sikat na brand ng computer na may magandang kalidad, mabilis, at may malinaw na larawan. Ang ilang tao ay walang pera at hindi makabili nito, kaya palagi nilang gustong manamantala sa iba. Kapag nakikita nilang gumagamit ang isang tao ng sikat na brand ng computer, madalas nila itong hinihiram, at ginagamit pa nga ito nang walang pahintulot ng may-ari o kahit kapag wala ang may-ari. Kapag kailangan itong gamitin ng may-ari, gumagawa pa nga sila ng mga palusot at pinapagamit sa may-ari ang kanilang computer sa halip na iyon. Ang may-ari, dahil nakikitang patuloy lang nila itong gagamitin at hindi ibabalik, ay walang ibang magawa kundi bumili ng isa pa. Sa ganitong paraan ay inaangkin nila ang computer ng orihinal na may-ari, nang hindi nakakaramdam ng kahit katiting na panunumbat mula sa kanilang konsensiya. Mayroon bang pagkatao ang gayong tao? Mayroon ba siyang konsensiya? (Wala.) Isa ba siyang matuwid at mabait na tao? (Hindi.) Hinding-hindi gagawa ng gayong bagay ang isang matuwid at mabait na tao. Ipagpalagay na may ibang taong bumili ng bagong computer at dahil nakikitang gumagamit ng mabagal na computer ang matuwid at mabait na taong ito ay iniaalok sa kanya ang luma nito. Pakiramdam ng matuwid at mabait na tao ay pananamantala ang pagtanggap dito kaya tumatanggi siya. Sinasabi ng kabilang panig na puwede na lang siyang magbayad ng ilang dosenang yuan para dito, pero alam ng matuwid na tao na malinaw na isa itong kawanggawa, at pakiramdam niya ay hindi niya ito puwedeng samantalahin. Kaya nag-iisip siya ng mga paraan para makapag-ipon ng pera, iniisip na kahit pa makapag-ipon siya ng ilang daang yuan para bilhin ito, maituturing iyon na pagbili rito sa mas mababang halaga. Kung tatanggihan ng kabilang panig ang pera, hindi siya tatanggapin ang alok nito; hinding-hindi siya tatanggap ng mga limos. Sabihin ninyo sa Akin, matigas ba ang ulo niya? Sinasabi ng mga walang pananampalataya na ang ganitong uri ng tao ay matigas ang ulo at hindi marunong makipagkompromiso, pero may isang merito pagdating sa mga katangian ng pagkatao na nasasalamin sa loob ng kawalan ng kahandaang ito na makipagkompromiso. Anong merito? Naniniwala siya na anuman ang sitwasyon, dapat niyang mapanatili ang kanyang mga prinsipyo at hangganan para sa kanyang sariling asal; sa gayon lang siya magkakaroon ng kapayapaan ng isip at makakaramdam ng kapanatagan. Iniisip niya na kung mananamantala siya sa iba, magiging hindi iyon patas at hindi niya magagawang humarap sa mga ito, at na kung gagamitin niya ang mga gamit ng ibang tao, hindi siya mapapakali dahil doon, mag-iinit ang kanyang mukha, at hindi siya magiging komportable sa loob-loob niya. Sinasabi ng ilang tao, “Pero handa naman ang kabilang panig na ipagamit sa kanya ito.” Nangangahulugan ba na dahil handa ang kabilang panig ay hindi na ito pananamantala sa kanya? Kahit pa handa ang kabilang panig, pananamantala pa rin ito sa kanya. Ang pananamantala ay palaging pananamantala; hindi nagbabago ang kalikasan nito dahil sa kahandaan ng kabilang panig—nananatiling pareho ang diwa. Iniisip niya, “Ang pagbili ng ganoon kagandang computer sa halagang ilang dosenang yuan ay malinaw na pananamantala sa kanya. Hinding-hindi ko ito matatanggap. Kung makakaipon ako ng sapat na pera, bibilhin ko ito. Kung hindi, gagamitin ko na lang ang sarili kong lumang computer, para lang sa kapayapaan ng isip.” Tingnan mo, hindi ba’t isa itong hangganan para sa kanyang sariling asal? (Oo.) Kaya niyang mapanatili ang hangganang ito sa ilalim ng anumang sitwasyon. May gustong magbigay sa kanya ng isang napakagandang bagay, may pagkakataon siyang makakuha ng ganito kagandang bagay—ang tingin ng mga walang pananampalataya rito ay: “Hangal ka kung hindi mo ito kukunin. Sayang kung hindi ka mananamantala!” Pero hindi ganoon ang iniisip niya. Naniniwala siya na hindi ito pagiging hangal, at na hindi niya kayang linlangin ang kanyang sarili—ang pananamantala ay pananamantala. Iniisip niya na kung mananamantala siya, hindi mapapanatag ang kanyang puso, hindi siya makakapamuhay nang komportable, at mababalisa siya sa paggamit ng computer, at na hindi siya puwedeng umasal sa ganoong paraan. Tingnan mo, hindi niya lalampasan ang hangganang ito para sa kanyang sariling asal—hindi ba’t ito ay ang konsensiyang gumagana sa loob niya? (Oo.) Nagtataglay siya ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao, at ginagampanan ng kanyang konsensiya ang papel nito, kaya napapanatili niya ang hangganang ito. Ibig sabihin, ang dahilan kung bakit napapanatili niya ang hangganang ito ay dahil patuloy na ginagampanan ng kanyang konsensiya ang papel nito, binibigyan siya ng kamalayan, at ipinaparamdam sa kanya, “Ang paggawa niyon ay mali, ang paggawa niyon ay hindi angkop. Hindi ko iyon puwedeng gawin.” Patuloy siyang inuudyukan, pinipigilan, at kinokontrol ng kanyang konsensiya, nagpapahintulot sa kanya na magpanatili ng hangganan para sa kanyang sariling asal. Sa huli, marahil ay kaya niyang bilhin ang inialok at pagkatapos ay gagamitin niya ito, o marahil ay hindi niya ito kailanman kayang bilhin at gagamitin ito ng ibang tao, kung magkagayon ay hindi sasama ang kanyang loob. Sa pinakamababa, sa usaping ito, napanatili niya ang hangganan at prinsipyong ito para sa kanyang sariling asal. Ang isang taong may mga katangian ng pagkatao ay nagtatatag ng mga prinsipyo at hangganan para sa kanyang sariling asal, at patuloy niyang pinapanatili ang mga ito. Kahit pa makaranas siya ng sitwasyon na kinasasangkutan ng kanyang mga interes at makaramdam siya ng tukso sa panahong iyon, patuloy siyang uudyukan at pipigilan ng kanyang konsensiya. Sa huli, kahit pa isipin ng iba na napinsala ang mga interes ng taong ito o na ang kalamangan ay nakuha ng ibang tao, at maaaring saglit na makaramdam ang taong ito ng kaunting sama ng loob o paghihimutok, dahil sa papel ng kanyang konsensiya, mabilis na mapapanatag ang kanyang puso. Magbubulay-bulay siya, “Palaging mas mabuti na hindi manamantala sa iba. Kahit papaano ay mayroon akong kapayapaan ng isip, at hindi ko nararamdamang inaakusahan ako ng aking konsensiya.” Ito ang hinahanap niya. Ito ang papel na ginagampanan ng konsensiya sa mga tao: Patuloy nitong kinokontrol at pinipigilan ang mga tao, na nagpapahintulot sa kanila na gumawa ng mga tamang pagpili. Sa harap ng sariling mga interes, moralidad, o maging ng ilang tukso, patuloy na pipigilan, kokontrolin, at itatama ng konsensiya ng isang tao ang kanyang pag-uugali. Sa huli, sa karamihan ng mga kaso, pipiliin ng mga taong may mga katangian ng pagkatao na talikuran ang sarili nilang mga interes para magkamit ng kapayapaan at katahimikan sa kanilang konsensiya. Sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon, ang ilan sa mga taong ito ay mayroon ding mga pagkakataon na lumalampas sila sa hangganan ng kanilang konsensiya, pero ang kasunod nito ay ang pag-aakusa at pagkabalisa sa loob ng kanilang konsensiya; dala-dala pa nga ng ilan ang pagkabalisa at pakiramdam ng pagkakasala na ito habambuhay. Ito ang papel ng konsensiya. Ibig sabihin, ang mga taong may mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ay paminsan-minsang magkakamali, at sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon, ay lalampas din sa hangganan ng kanilang pagkatao at lalabag sa mga prinsipyo ng sariling asal na itinatag nila para sa kanilang sarili. Pero ang kahihinatnan nito ay daranasin nila ang pagkondena ng kanilang konsensiya. Kung hindi sila makahanap ng pagkakataon para makabawi rito, o hindi ito pinapahintulutan ng kanilang mga sitwasyon, mamumuhay sila nang may pag-aakusa, pagkabalisa, panunumbat sa sarili, at pakiramdam ng pagkakasala sa loob nila. Ang mga ito ay mga normal na pagpapamalas na taglay sa ilalim ng lahat ng sitwasyon ng isang tao na nagtataglay ng konsensiya at katwiran, at nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao.

Ang mga pagpapamalas na ito ng mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan ay, mula sa perspektiba ng pagkatao, medyo ordinaryo at karaniwan, hindi matayog o higit sa karaniwan, ni hindi rin eksaktong marangal, at sa paningin ng tao, nangangahulugan lang na ang isang tao ay may kaunting integridad at namumuhay nang may kaunting dignidad. Gayumpaman, sa paningin ng Diyos, ang mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa loob ng pagkatao na isinasabuhay ng gayong mga tao ay napakahalaga. Dahil iginagalang ng sangkatauhang ito ang kabuktutan, at walang may pakialam sa konsensiya o katwiran, ang mga taong matuwid at mabait ay itinataboy sa lipunan. Ang mga pangunahing prinsipyo ng sariling asal na sinusunod at isinasabuhay nila ay kinukutya, hinahamak, at kinokondena ng masa ng lipunan. Paano sila kinukutya ng mga tao? (Sinasabi ng mga tao na sila ay mga hangal, hindi pleksible, at mapurol ang isip.) Ganyan nga iyon. Sa lipunang ito, ang mga taong may normal na pagkatao ay kinukutya, pinagtatawanan, hinahamak, at kinokondena ng iba; hindi nila makamit ang pagkilala ng ibang tao, ni ang pagsang-ayon ng mga ito. Kung palagi kang naninindigan sa iyong mga prinsipyo ng sariling asal sa loob ng isang grupo ng mga tao, namumuhay ka ng isang labis na nakapapagod na buhay. Araw-araw, anuman ang makaharap mo, nakakaramdam ka ng pagkasakal at galit, at nagbubulay-bulay ka, “Ano ba ang mali sa pag-asal ko sa ganitong paraan? Bakit ako kinukutya ng iba? Palaging sinasabi ng mga tao, ‘Magkano ba ang halaga ng konsensiya?’ Ang konsensiya ang pinakamahalagang bagay. Tao pa ba ang isang tao kung wala siyang konsensiya?” Ang mga taong tulad mo ay mga tampulan ng pangungutya at pagtataboy sa gitna ng anumang grupo ng mga walang pananampalataya; walang sinuman ang sumasang-ayon sa iyo, at walang sinuman ang kumakampi sa iyo. Matuwid ka at naninindigan sa mga prinsipyo sa iyong sariling asal, at sinasabi ng mga tao, “Maipambibili ba ang paninindigan sa mga prinsipyo? Makakamit mo ba ang pagpapahalaga ng mga nakatataas kung naninindigan ka sa mga prinsipyo? Sasang-ayon ba sa iyo ang lahat kung maninindigan ka sa mga prinsipyo? Kung maninindigan ka sa mga prinsipyo sa lipunang ito, ikaw ang pinakamalaking hangal; aapihin ka, at sa huli ay mawawalan ka ng paraan para matustusan ang mga pangangailangan mo!” Kaya nagbubulay-bulay ka: “Ano ba ang mali sa paninindigan ko sa mga prinsipyo? Bakit ang pagiging isang matuwid at mabait na tao ay nagdudulot na ako ay kutyain, itaboy, at apihin?” Sa huli, nabubuo mo ang kongklusyon na bulok hanggang sa kaibuturan ang mga tao, na walang kahit isang mabuti sa kanila, na silang lahat ay mga diyablo at mga Satanas! Sinasabi mo na umaasal ka nang may malinis na konsensiya, na gusto mong umasal sa isang marangal at matuwid na paraan, gustong pangasiwaan ang lahat ng bagay ayon sa mga panuntunan, at umasa sa sarili mong mga kasanayan para maghanapbuhay nang hindi gumagamit ng anumang baluktot na paraan, pero sa pag-asal mo sa ganitong paraan, may tendensiya na api-apihin ka sa lipunan; madali kang mapapabagsak ng mga tao sa pamamagitan lang ng kaunting pagmamanipula. Anuman ang mga kasanayang mayroon ka, itinataboy at sinusupil ka. Pakiramdam mo ay walang lugar para mangatwiran sa mundo na ito ng tao, at na ang pamumuhay nang ganito ay masyadong nakakasakal. Ang pamumuhay sa gitna ng mga taong ito ay hindi tulad ng pagiging nasa isang malaking batya ng tina kundi parang nasa isang gilingan ng karne—gigilingin ka nang buhay hanggang sa mamatay. Kahit pa hindi ka gilingin hanggang sa mamatay, mamamatay ka sa sobrang pagod, sumasalungat sa iyong kalooban araw-araw ng iyong buhay sa isang kalagayan ng pisikal at mental na pagkahapo, ang bawat salitang sinasabi mo at bawat bagay na ginagawa mo ay isang pagkakanulo sa sarili mong kalooban. Sa ganitong labis na pag-iingat, kinukutya ka pa rin bilang isang hangal at bilang isang taong hindi pleksible, na hindi marunong magbigay ng mga regalo sa iyong mga nakatataas o bumuo ng mga koneksyon sa iyong mga kasamahan. Umaasal ka batay sa prinsipyo ng hindi pananamantala sa iba, subalit sinusubukan ng ibang tao ang lahat ng posibleng paraan para manamantala sa iyo, at hindi mo man lang ito maiwasan. Humahantong ka sa paggawa ng maraming gawain, pero hindi ka napapansin ng mga nakatataas, at ang lahat ng papuri ay inaagaw ng iba. Pagkatapos mong manampalataya sa Diyos, nakikita mo na mayroong pagiging patas sa sambahayan ng Diyos, na ang Diyos ay matuwid, at na kahit pa kumikilos nang hindi makatarungan ang ilang tao, mayroong katotohanan sa mga salita ng Diyos, mayroong katuwiran sa mga salita ng Diyos, mayroong matuwid na disposisyon ang Diyos, at ang katotohanan at katuwiran ang may hawak ng kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos. Sinasabi mo: “Kaya, maaaring umunlad ang mabubuting tao sa sambahayan ng Diyos. Mabubuksan ko ang aking puso at masasabi ang lahat ng salitang kinikimkim ko. Magagamit ko ang anumang mga kalakasan at talento na mayroon ako. Ang pamumuhay sa sambahayan ng Diyos ay tunay na mapayapa at puno ng kagalakan; kailanman ay hindi na ako muling susupilin at itataboy ng ibang tao. Napakagandang manampalataya sa Diyos at pumasok sa sambahayan ng Diyos! Kung hindi ako nanampalataya sa Diyos, mamumuhay ako na parang isang naglalakad na bangkay at habang mas tumatagal akong nabubuhay, mas makakaramdam ako ng pagkapagod at paghihinagpis; hindi ako makakahanap ng direksyon sa buhay, didilim ang aking puso, at hindi ko makikita ang liwanag o ang kinabukasan. Talagang magiging masakit iyon!” Bago manampalataya sa Diyos at magkamit ng katotohanan ang ganitong uri ng mga tao, pakiramdam niya ay wala siyang landas sa buhay at na ang kanyang kinabukasan ay mapanglaw at walang liwanag. Pagkatapos dumanas ng ilang problema at kabiguan, at makaranas ng maraming paghihirap, hindi lang niya pinagdududahan ang kanyang buhay, kundi mas lalo pa niyang nararamdaman na walang saysay ang mabuhay. Pakiramdam niya ay mas mabuti pang mamatay kaysa mamuhay sa gitna ng gayong mga tao at mamuhay sa gayong mundo! Ang mga tao ay hindi man lang namumuhay nang kasingsaya ng mga ibon sa kalangitan, ni kasinglaya ng mga isda sa dagat—kahit papaano, nakakahuni ang mga ibon kapag gusto nila, nakakalipad sa kalangitan nang walang anumang hadlang, at mayroon silang sariling piraso ng malinis na lupain. Ang mga taong namumuhay sa mundong ito ay wala man lang karapatan o kalayaan na magsalita nang totoo; namumuhay sila araw-araw nang nakasuot ng maskara, at nakapagsasabi lang ng mga bagay na ayaw nilang sabihin, sumasalungat sa tunay na nararamdaman nila sa loob-loob nila—wala silang ibang pagpipilian kundi ang sabihin ang gayong mga bagay, pero nakakaramdam sila ng pagkasuklam sa sandaling gawin nila ito. Bakit kailangang maging napakahirap ng pamumuhay? Nakakaramdam ng pagkasuklam ang ganitong uri ng tao kapag tinitingnan ang mga mukha ng mga nasa paligid niya, nang may pagkaramdam ng pagtutol at pagkapoot sa kanyang puso, pero hindi niya maiwasan o malayuan ang mga ito, at kailangan pa rin niyang makihalubilo sa mga ito. Minsan ay naiisip niya na iraos na lang ang buhay nang ganito para matustusan ang kanyang sarili at masuportahan ang kanyang pamilya, pero hindi pa rin niya matanggap na gawin ito. Pakiramdam niya ay kailangang maghangad ang mga tao ng isang bagay na makabuluhan sa buhay, na kailangan nilang isabuhay ang isang wangis ng tao, magsabi ng totoo, at itaguyod ang isang hangganan para sa kanilang sariling asal, at na ito ang pinakamababa na dapat makamit ng mga tao. Pakiramdam niya ay kung hindi man lang ito makamit ng isang tao, hindi siya tao. Pero dahil walang landas na malalakaran, wala siyang magawa, at nairaraos lang niya ang buhay sa isang nalilito at tulalang paraan, halos hindi na makaraos. Lalo na kapag nakakaranas siya ng ilang paghihirap at wala nang ibang magawa, nakakaramdam siya ng matinding pagdurusa sa loob-loob niya: “Bakit tayo nabubuhay? Para lang ba magsinungaling araw-araw, at makihalubilo sa mga taong ito na hindi man lang mukhang tao at iniraraos lang ang buhay habang naghihintay ng kamatayan? Dahil mamamatay rin naman ako sa malao’t madali, sa halip na iraos ang buhay habang naghihintay ng kamatayan, mabuti pang mamatay na lang ako ngayon at mas maagang makalaya mula sa lahat ng ito.” Bagama’t gusto ng mga tao na makalaya mula sa lahat ng ito, napakabihira na may sinumang nangangahas na gawin ito; nag-aalala sila na kung mamamatay sila nang ganito, hindi sila makapagpapaliwanag sa kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay, at mayroon din silang mga pag-aalinlangan sa kanilang puso: “Talaga bang makakalaya ako kung mamamatay ako nang ganito? Kung tunay na makakalaya ako, magiging mabuti iyon, pero kung hindi, magiging mas malala pa iyon.” Kaya, nahihirapan ang mga tao sa pasakit nang ganito. Sadyang ganito kakaawa-awa ang mga hindi pa nagkakamit ng katotohanan. Pakiramdam ng mga tao ay palaging may pag-asa at isang bagay na aabangan sa pamumuhay, pero sa kaibuturan ng kanilang puso, pakiramdam nila ay nagiging lalong malabo at malayo ang mga bagay na ito. Habang mas nararamdaman ng mga tao na malabo at malayo ang mga bagay na ito, mas nahihirapan at nagdurusa sila sa kanilang puso. Umaasa ang gayong mga tao na mapanatili ang hangganan ng kanilang konsensiya at ang kanilang mga prinsipyo ng sariling asal, at na hindi mamuhay sa paraang sumasalungat sa kanilang kalooban. Wala silang mahigpit na hinihingi sa kanilang sarili, ni hindi sila nagtatakda ng napakataas na mga layon para sa kanilang buhay—hindi nila hinahangad ang malaking kayamanan at mataas na katayuan, kundi ang mamuhay lang nang may kapayapaan ng isip. Subalit hindi man lang sila makasunod sa gayon kasimpleng mga prinsipyo at gayon kasimpleng hangganan para sa kanilang sariling asal, kaya namumuhay sila na parang mga naglalakad na bangkay araw-araw, nakakaramdam ng matinding pagkapagod. Ang pagkapagod na ito ay hindi pisikal na pagkapagod, ni hindi ito ang pasakit na dulot ng karamdaman, kundi isang pagkapagod ng parehong katawan at isip. Ang pagkapagod na ito ay isang pakiramdam ng bigat na dulot ng pagkalugmok ng kanilang mga puso; nakadagan ito sa kanilang puso na parang isang malaking bato, na nagpaparamdam sa kanila ng pagkasakal at pasakit sa loob-loob nila. Pero pagkatapos, kailangan pa rin nilang harapin ang buhay at ang lahat ng uri ng mga tao, pangyayari, at bagay, kaya nilalakasan na lang nila ang kanilang loob at nagpapatuloy araw-araw, pinalilipas ang kanilang mga araw sa gitna ng paghihirap, namumuhay ng isang napakasakit na buhay. Gustong manood ng ilang tao ng Peking opera. Nakikita nila na ang mga kuwento sa Peking opera ay pawang tungkol sa pagiging mahirap at puno ng mga balakid at kabiguan ng buhay ng pangunahing tauhan, kung saan ang gumaganap ay umiiyak sa huli, “Anong pagdurusa...” at ang mga may pasakit sa kanilang puso ay nakakaugnay rito. Bakit sila nakakaugnay rito? Dahil isinasatinig ng manananghal kung ano ang nasa kanilang puso. Kung mamumuhay ka ayon sa iyong konsensiya, ang pamumuhay sa mundong ito ay hindi madali at walang patutunguhan; babangga ka sa mga pader, daranas ng mga kabiguan, at pahihirapan sa bawat pagkakataon. Kung susubukan mong maging isang hindi mabuting tao, isang masamang tao, o isang buktot na tao, magiging maayos ang kalagayan mo saanman ka magpunta, hindi nakakaranas ng anumang mga hadlang. Kung ikaw ay isang matuwid at mabait na tao, at nagtataglay ka ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa iyong pagkatao, kung gayon, kahit pa ang iyong pagkamatuwid at kabaitan ay madungisan o mabahiran pa nga at magkaroon ng ilang karumihan pagkatapos mong makaranas ng iba’t ibang bagay sa lipunan, ang mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa iyong pagkatao ay hindi kailanman magbabago, at walang sinuman ang makakapagbago sa mga ito. Kahit pa hindi ka na mangahas na sabihin ang totoo o panindigan ang mga prinsipyo at hangganan para sa iyong sariling asal, sa kaibuturan ng iyong puso ay aasamin mong magsabi ng totoo, na panindigan ang iyong mga prinsipyo para sa sariling asal, na panatilihin ang hangganan ng iyong konsensiya, at kamtin ang pakiramdam ng panloob na kapayapaan at katahimikan.

Pagkatapos manampalataya sa Diyos ng ganitong uri ng matuwid at mabait na tao, ang sambahayan ng Diyos—ang iglesia—ay isang lugar ng kadalisayan at katahimikan para sa kanya, at isang lugar din kung saan makakahanap ng kapayapaan at kalayaan ang kanyang puso. Siyempre, masasabi rin na isa itong lugar kung saan niya mahahangad ang katuparan ng kanyang mga adhikain sa buhay, at isang lugar na nagbibigay-kakayahan sa kanya na makita ang liwanag sa kanyang buhay at hindi na makaramdam ng pagkaligaw pagdating sa kung paano niya dapat idirekta ang kanyang sariling asal. Kaya, para sa isang taong may konsensiya at katwiran, ang sambahayan ng Diyos ang kanyang tunay na tahanan. Ang tahanang ito ay hindi isang tahanan sa makalaman o materyal na diwa; sa halip, isa itong ligtas na lugar kung saan siya makasasampalataya sa Diyos at makapagpapasakop sa Kanya nang may pusong simple, tapat, at bukas. Maaari din itong tawaging isang ligtas na kanlungan. Ano nga ba ang sabi sa kasabihan? Ang sambahayan ng Diyos ay isang daungan kung saan maaaring dumaong ang matutuwid at mababait na tao na nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Ibig sabihin, dito nila maaaring ibaba ang kanilang angkla; hindi na nila kailangang magkandarapa sa buhay, at nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan at mahanap ang kanilang direksyon at landas sa buhay, kaya nakokontento ang kanilang puso. Kaya, ang isang tunay na tao ay nakakaramdam lang ng tunay na pagkakontento sa puso kapag pumupunta siya sa sambahayan ng Diyos; ang isang taong may konsensiya at katwiran ay nakakaramdam lang na nahanap na niya ang kanyang tunay na tahanan, isang lugar na nagpapahintulot sa kanyang puso na magkamit ng kapayapaan at katahimikan, kapag bumabalik siya sa sambahayan ng Diyos at bumabalik sa harap ng Lumikha. Bagama’t ang kanyang mga adhikain para sa kanyang sariling asal at ang mga prinsipyo ng kanyang pag-asal ay malayo pa sa pagsasagawa sa katotohanan, sa pinakamababa, pakiramdam niya ay sa sambahayan ng Diyos at sa iglesia, ang kanyang puso ay nagkamit ng kapayapaan at kaginhawahan. Ito ang pagkakaibang nararamdaman ng ganitong uri ng tao sa pagitan ng pagiging nasa sambahayan ng Diyos at pagiging nasa mundo; isa itong pagkakaiba sa kanyang puso. Samakatwid, kapag pumupunta ang ganitong uri ng tao sa sambahayan ng Diyos, nagkakamit ng kaginhawahan at kapayapaan ang kanyang puso; pakiramdam niya ay tanging ang sambahayan ng Diyos ang lugar kung saan niya mahahangad ang kanyang direksyon sa buhay, at ito rin ang kapaligirang pinakakailangan niya, at, siyempre, ang lugar na inaasam niya. Gusto niya rito, at handa siyang mamuhay at umasal sa ganitong uri ng kapaligiran; siyempre, personal niyang kagustuhan na gawin ito. Pagdating sa personal niyang kagustuhang ito, ang kapaligiran ng sambahayan ng Diyos, ang paraan ng paggawa ng Diyos, ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao, at ang lahat ng iba pang aspekto ay sapat na para tugunan ang mga pangangailangan ng kanyang pagkatao, kaya hinahangad niya ang katotohanan nang may kapayapaan ng isip at nagsasagawa siya ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Samakatwid, kung kaya bang hangarin ng isang tao ang katotohanan ay ganap na nakadepende sa kanyang pagkatao. Tanging kung nagtataglay ang kanyang pagkatao ng mga katangian ng kabaitan at pagkamatuwid, kung minamahal niya ang pagiging patas at katuwiran, kung minamahal niya ang pagpunta sa sambahayan ng Diyos at pagkamit ng panloob na kapayapaan at katahimikan, o kung nagkamit ng ganap na kaginhawahan ang kanyang puso pagkatapos pumunta sa sambahayan ng Diyos at humarap sa Diyos, saka lang matatahimik ang kanyang isip para makinig, tumanggap, at magpasakop sa mga salita ng Diyos; saka lang matatahimik ang kanyang isip para maghangad ng katotohanan at maging isang maayos na nilikha. Ibig sabihin, tanging kapag pumupunta ang isang tao sa kapaligiran ng sambahayan ng Diyos at nagkakamit ng kaginhawahan ang kanyang puso, at ang pag-unawa sa katotohanan ay nagdudulot na makaramdam ng katuparan ang kanyang puso, at ang mga adhikain at layon sa buhay na hinahangad niya ay natutupad—tanging sa ilalim ng mga pangunahing kondisyong ito siya nagkakaroon ng pagkakataon na hangarin ang katotohanan. Isa itong partikular na pagpapamalas ng mga nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Siyempre, pagdating sa paghahangad ng katotohanan, kung nagtataglay ba ang isang tao ng mga katangian ng pagkatao ay napakahalaga. Kung hindi nagtataglay ang isang tao ng mga katangian ng pagkatao, sa pangkalahatan ay hindi niya natutugunan ang mga kondisyon para sa paghahangad ng katotohanan.

Pag-usapan naman natin ngayon ang iba pang pagpapamalas ng pagkamatuwid at kabaitan sa pagkatao ng mga tao. Kakasabi Ko lang na ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ay nagtatatag ng isang pangunahing prinsipyo para sa kanilang mga pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa iba, at sa kung paano sila umasal at mangasiwa ng mga usapin, at iyon ay ang hindi manamantala sa ibang tao. Siyempre, ito rin ang hangganan para sa sariling asal nila. Bukod sa hindi pananamantala sa iba, may isa pang pagpapamalas ang ganitong uri ng tao: Handa siyang makisimpatya at tumulong sa ibang tao, at handa rin siyang magbigay sa kanila. Sa paningin ng iba, ang mga taong tulad nito ay medyo hangal—masyado silang mabait, madali silang magtiwala at maawa sa iba, at, kahit na hindi sila nakaririwasa, mahilig silang magbigay. Mahilig silang manindigan laban sa kawalan ng katarungan; kapag nakikita nilang may nahaharap sa mga paghihirap, hindi lang sila nanonood sa isang tabi o nagkukunwaring hindi nakikita iyon, kundi aktibo silang sumusubok na tumulong. Kahit na wala silang abilidad na tumulong, mayroon pa rin silang mabubuting layunin. Kapag nakikita nilang may nahaharap sa mga paghihirap, pakiramdam nila ay kung hindi sila mag-aabot ng tulong, hindi mapapanatag ang kanilang konsensiya. Kahit na hindi humihingi ng tulong ang ibang tao, pakiramdam pa rin nila ay dapat nila itong tulungan. Pagkatapos matanggap ng ibang tao ang tulong niya, nagpapasalamat lang ito at iyon na iyon, pero ayos lang ito sa matuwid at mabait na tao; kalaunan, kapag may ibang tao na tunay na nahaharap sa mga paghihirap, tutulungan pa rin niya ito. Tila medyo mangmang o hangal ito sa mga tao; pinapayuhan siya ng iba na tumigil sa paggawa ng mga kabutihan, sinasabihan siyang dapat man lang siyang pagkautangan ng utang na loob kapag tumutulong siya sa mga tao. Pagkarinig dito, nagbubulay-bulay siya: “Dapat ba tayong pagkautangan ng utang na loob sa pagtulong sa mga tao? Gaanong pagsisikap ba ang kinakailangan para tumulong? Bakit kailangang gawing napakakomplikado ng mga bagay-bagay?” Ganito lang siya kahindi komplikado; handa lang talaga siyang tumulong sa iba. Sabihin mo sa Akin, sa tingin mo ba ay may kinalaman sa pagkatao ng isang tao ang pagiging handang tumulong sa iba? (Mayroon.) Talagang wala siyang hinahangad na anumang uri ng kapalit. Sa mundong ito, mayroon bang sinuman na walang mga pagnanais at kagustuhan? (Wala.) Kung gayon, paano nakakatulong sa iba ang ganitong uri ng tao nang walang hinahangad na anumang kapalit? Para sa karamihan ng mga tao, anong mga espesyal na sitwasyon ang kailangang umiral, o ano dapat ang ugnayan nila sa isang tao, para tulungan nila ang taong iyon? Ang isa ay ang pinakamalapit na uri ng ugnayan, ang pagiging magkadugo. Dagdag pa rito, ang taong tinutulungan nila ay dapat na isang taong may kakayahan, o dapat na mayroong pakinabang na makukuha mula sa pagtulong dito, na mayroon lang mga benepisyo at walang mga disbentaha para sa sarili nila. Ito lang ang mga sitwasyon. Bukod sa mga sitwasyong ito, sino ang tutulong sa iba nang walang dahilan? Sa tumpak na pananalita, hindi sila tumutulong sa iba nang walang kapalit; dapat na mayroong pakinabang na makukuha. Kahit na walang agarang benepisyo, dapat na mayroon pa ring pangmatagalan. Ano’t anuman, tumutulong lang sila kapag may makukuha sila mula rito. Ngayon, para naman sa mga taong handang tumulong sa iba, isantabi muna kung gaano karaming tulong ang ibinibigay nila o kung mayroon bang anumang halaga ang bagay na itinutulong nila—ito man ay isang malaking bagay o isang maliit na bagay—saan nagmumula ang kahandaan nilang tumulong sa iba? May kinalaman ba ito sa pagkatao nila? (Mayroon.) Sa aling aspekto ng pagkatao ito nauugnay? (Kabaitan.) May kinalaman ito sa kabaitan; kapag nagtataglay ang mga tao ng katangian ng kabaitan sa kanilang pagkatao, handa silang tumulong sa iba. Halimbawa, sabihin nating nakikita nilang nagiging negatibo at mahina ang isang kapatid. Ang totoo, hindi sila mismo lider ng iglesia, at mayroon lang silang ordinaryong ugnayan sa kapatid na ito, pero kapag nakikita nila itong nagiging negatibo at mahina, nababagabag sila at nagkakaroon sila ng pasanin sa kanilang puso. Hindi siya mapapanatag kung hindi sila tutulong, at iniisip nila, “Bagama’t hindi mataas ang sarili kong tayog at hindi ko nauunawaan ang maraming katotohanan, mabuti pa rin para sa akin na subukang tuparin ang mga obligasyon ko. Baka pagkatapos marinig ang sasabihin ko ay magawa niyang pagnilayan ang sarili niya at tumigil sa pagiging negatibo, hindi ba’t magiging mabuti iyon?” Kaya, kung may isang taong nagiging negatibo at mahina, maliban na lang kung hindi nila ito napapansin, sa sandaling mapansin nila ito, naghahanap sila ng pagkakataon para makipagbahaginan sa taong iyon. Kung hindi sila mismo makapagbahagi nang malinaw, naghahanap sila ng isang sipi ng mga salita ng Diyos para ibahagi sa taong ito. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng kombinasyon ng panghihikayat, paggabay, at pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa taong iyon, sa huli ay nauunawaan ng taong iyon ang mga layunin ng Diyos, hindi na siya negatibo, at nagagawa na niya nang normal ang kanyang tungkulin, na nagbibigay sa mabait na tao ng pakiramdam ng kasiyahan. Sadyang hindi niya kayang makita ang mga tao na nagiging negatibo at nagpapakatamad, o nasasaktan at nagdurusa; gusto lang niya silang aliwin at suportahan. Kung mananatiling negatibo ang taong iyon, pakiramdam niya ay dapat niyang tuparin ang kanyang responsabilidad. Kapag, dahil sa kanyang payo at paggabay, hindi na negatibo ang taong iyon, nakakaramdam siya ng matinding kaligayahan sa loob niya, at pakiramdam niya ay napakabuti ng pag-asal nang ganito. Wala siyang hinahangad na anumang benepisyo; sadya lamang na kapag kaya niyang tulungan ang isang tao, ang hindi pagtulong dito ay magdudulot sa kanya ng pakiramdam ng pagkabagabag, at uusigin siya ng kanyang konsensiya. Sabihin ninyo sa Akin, sa tingin ba ninyo, ang pag-uusig na ito sa kanyang konsensiya at ang pakiramdam na ito ng pagkabagabag ay mga pagpapamalas at pagbubunyag ng mga katangian ng pagkatao? (Oo.)

May mga tao na madaling makisimpatya sa iba. Siyempre, kung titingnan mula sa isang partikular na perspektiba ng pagkatao, maaari din itong maging isang kahinaan ng tao, dahil minsan ay maaari silang makisimpatya at tumulong sa masasamang tao, pero hindi nila mabago ang kahinaang ito. Pagkatapos nilang tulungan ang isang masamang tao, nakakaraos at nakaririwasa ang masamang tao, pero hinahamak at binabalewala pa rin nito ang taong tumulong sa kanya. Nakakaramdam sila ng sama ng loob sa loob nila, sinasabi nila, “Bakit siya ganito? Noon, nang siya ay lugmok at humingi ng tulong ko, nakisimpatya ako sa kanya at tinulungan ko siya—pero ngayong nakaririwasa na siya at may magandang buhay, binabalewala niya ako.” Sa kanilang puso, hindi nila ito maintindihan; hindi nila maarok ang diwa ng masasamang tao. Pagkalipas ng ilang panahon, kung may ibang masamang tao na humingi ng tulong nila, maaaring makisimpatya pa rin sila rito, pero titingnan muna nila kung masama ang taong ito. Kung hindi naman ganoon kakasuklam-suklam ang tao at medyo kaawa-awa, makakaramdam pa rin siya ng simpatya rito. Kapag nakikita niya ang ilang kapatid na gumagawa ng kanilang tungkulin nang full-time pero mahirap ang mga pamilya ng mga ito at nahaharap sa mga paghihirap sa buhay, iniisip nila, “Kaya pa rin nilang gawin ang tungkulin nila sa kabila ng pagiging napakahirap—iyan ang isang mabuting tao! Ako mismo ay namumuhay nang mayaman; kung hindi ko sila tutulungan, pakiramdam ko ay hindi ko sila natrato nang tama. Dapat akong magbigay sa kanila at tumulong sa kanila, para makabili sila ng ilang damit o mga pang-araw-araw na pangangailangan.” Tingnan mo, mabait sila; kapag nakikita nilang nakakaranas ng mga paghihirap ang mga tao, hindi nila mapigilang makisimpatya sa mga ito at tumulong sa mga ito. Sa gitna ng mga tao, may mabubuting tao, masasamang tao, at mayroon ding mga taong mangmang. Ang mabubuting tao ay kayang magbigay at tumulong sa iba, ang masasamang tao ay may kakayahang gumawa ng lahat ng uri ng masamang bagay, at ang iba’t ibang mangmang na tao ay palaging ginagamit at inuutusan ng iba, at maaaring gumawa ng lahat ng uri ng mga hangal na bagay; mangmang sila sa iba’t ibang antas. Sa madaling salita, mayroong lahat ng uri ng tao. Ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao ay madaling makisimpatya sa iba. Palagi nilang nakikita ang iba bilang kaawa-awa, palagi nilang nakikita kung ano ang kaawa-awa sa mga tao, at palagi nilang nakikita kung saan karapat-dapat sa simpatya ang mga tao; ang kanilang konsensiya ay may elemento ng pagkamalumanay. Ibig sabihin, kapag nakikita nilang may isang taong nahaharap sa mga paghihirap, nakakaranas ng masasakit na sitwasyon, o inaapi ng masasamang tao o tinatrato nang hindi patas, nagagalit sila sa loob nila at nakikisimpatya sila sa gayong mga tao; palagi silang may simpatikong puso. Sa katunayan, ang sarili nilang mga sitwasyon ay maaaring hindi mas maganda kaysa sa iba, at maaaring hindi rin sila gaanong nakakaiwas sa pang-aapi, pero dahil mayroon silang kabaitan sa kanilang pagkatao, hindi nila kailanman mapigilang makisimpatya sa iba. Kapag nahaharap ang mga tao sa mga paghihirap o nakakaranas ng pasakit, hindi sila nanonood lang sa isang tabi o hindi nila binabalewala ang mga ito. Minsan, dahil naiimpluwensiyahan ng panlipunang kapaligiran—nakikitang ang mga tao ay may pakialam lang sa kanilang sarili habang binabalewala ang kanilang kapwa—gugustuhin nilang umiwas sa pagtulong sa mga tao, pero palagi silang nabibigo; kapag nakakakita sila ng isang mahirap na tao na hindi makakain, pagkatapos mag-isip nang paulit-ulit ay tinutulungan pa rin nila ito. Halimbawa, ipagpalagay na may isang taong nagkaroon ng matinding sipon—inuubo, bumabahing, at may mataas na lagnat. Ang ilang tao ay natatakot na mahawa, kaya lumalayo sila. Ang mababait na tao, sa kabilang banda, ay hindi mapigilang magpakita ng pagmamalasakit dito: “Sinisipon ka; uminom ka na ba ng gamot?” Kung walang pera ang tao para sa gamot, gagastusin nila ang sarili nilang pera para bilhan ito. Tingnan mo, kapag nakikita ng isang mabait na tao na may sakit at nagdurusa ang isang tao, hindi siya nanonood lang sa isang tabi. Ibig sabihin, kapag nahaharap sa mga paghihirap ang mga tao, kapag nahaharap ang mga ito sa pagdurusa o mahihirap na kalagayan, palaging nararamdaman ito ng mga taong may mga katangian ng pagkatao, at palagi nilang napagtatanto na kailangan ng mga ito ng tulong. Nasa kapaligiran sila na kapareho ng sa iba, pero partikular silang sensitibo sa mga bagay na hindi maramdaman ng iba. Bakit ganito? Sadyang hindi magkakapareho ang mga puso ng mga tao. Ang mga taong walang malasakit sa kapwa ay hindi nagtatanong gaano man katindi ang pasakit ng iba, na para bang hindi nila ito napapansin. Ang mga taong may malasakit sa kapwa, dahil may elemento ng kabaitan sa mga katangian ng kanilang pagkatao, ay palaging hindi mapigilang makisimpatya sa mga nasa paligid nila na nakakaranas ng pasakit at mga paghihirap, at pagkatapos, dahil pinamamahalaan ng kanilang konsensiya, ay nag-aabot ng tulong—hindi mo sila mapipigilan kahit subukan mo pa. Hindi nila ito ginagawa na umaasang aalalahanin ng iba ang kanilang kabaitan, ni sa pag-asang lubos na pupurihin ng mga ito ang kanilang pagkatao at ang kanilang karakter; sadyang mayroon silang kahandaang gawin iyon, at ang paggawa nito ay nagbibigay sa kanila ng pakiramdam ng kapanatagan ng loob. Ang mga ito ay mga kaisipan at pag-uugali na nagmumula sa mga katangian ng pagkatao; walang sinuman ang makakapagpabago sa mga ito at walang sinuman ang makakapigil sa mga ito. Ang mga bagay na ginagawa nila, o ang mga paraan ng pag-asal nila at ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng paggawa nila ng mga ito, ay purong natural na mga pagbubunyag ng normal na pagkatao. Ang mga natural na pagbubunyag na ito ng pagkatao ay ganap na nagmumula sa kanilang puso. Kusang-loob silang kumikilos nang ganito; walang nag-uutos sa kanila, at wala silang hinahabol na anumang pakinabang. Handa lang talaga silang gawin iyon, at ang paggawa lang ng gayong mga bagay ang nagbibigay sa kanila ng kapayapaan ng isip; kung hindi nila gagawin ang mga ito, hindi sila mapakali sa loob nila. Kahit kapag nakakatagpo sila ng isang masamang tao na nahaharap sa mga paghihirap, alam nilang hindi nila dapat tulungan ang masasamang tao, pero iniisip din nila, “Nagiging malupit na ba ako?” Kahit na hindi nila tulungan ang masamang taong ito, nananatiling hindi nagbabago ang simpatya nila, at natural itong mabubunyag muli sa isang angkop na kapaligiran at sa mga tamang tao. Isa itong katangian ng pagkatao. Ang mga katangian ng pagkatao ay likas, at siyempre, maaari ding mabunyag ang mga ito anumang oras at saanmang lugar; napakanatural ng mga ito, napakadalisay, at napakasimple. Samakatwid, kapag nagtataglay ang isang tao ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao, hindi ito nagmumula sa itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang o ng lipunan, ni hindi ito naiimpluwensiyahan ng anumang kapaligiran; ang mga ito ang mga likas na katangian ng pagkatao ng isang tao.

Mahilig magbigay ang ilang tao. Sa tingin mo, ang mga tao bang mahilig magbigay ay kailangan na mayayaman din? Kailangan ba na sila ay mga taong nakaranas na ng maraming pagsubok sa buhay at nawalan na ng pag-asa sa mortal na mundo? Kailangan ba na sila ay mga taong nagtamasa na ng lahat ng yaman at karangyaan ng mundo—at naarok na ang lahat ng ito—at itinuturing na lang na walang halaga ang pagtatamasa ng mga materyal na bagay? Kailangan ba na sila ay mga taong may mga personalidad na medyo walang inaalala at mapagbigay? Hindi, hindi nila kailangang maging ganito. Sa mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao, may isang uri ng tao na namumuhay nang napakatipid. Kung makahulog siya ng isang butil ng kanin habang kumakain, kailangan niya itong pulutin at kainin, hindi kayang tiisin ang isiping masayang ito. Kaunting tubig lang ang ginagamit niya kapag nagsisipilyo at naghihilamos. Kapag naluluma na ang kanyang mga damit, hindi niya kayang itapon ang mga ito; nilalabhan niya ang mga ito at patuloy na isinusuot. Kapag bumibili ng mga bagay-bagay, maingat siyang nagpaplano at nagbabadyet, bumibili ng mga murang bagay hangga’t katanggap-tanggap ang kalidad. Dahil napakatipid ng ganitong uri ng tao, nangangahulugan ba itong maramot siya? (Hindi.) Ang ganitong uri ng tao ay napakatipid pagdating sa kanyang sarili, pero hindi siya maramot pagdating sa iba. Halimbawa, kapag nakikita niyang may isang taong namumuhay nang mahirap, binibigyan niya ito ng ilan ng sarili niyang gamit, tulad ng mga damit o kagamitan. Sinasabi ng ilang tao, “Isa ba siyang uri ng mapagkawanggawang pulubi?” Hindi iyon ganoon—pakiramdam lang niya ay medyo kaawa-awa ang iba, kaya palagi niya silang gustong tulungan. Sa katunayan, siya mismo ay hindi nakaririwasa o mayaman, at wala siyang hinahabol na anuman kapag nagbibigay siya ng tulong sa iba. Sadyang mayroon siyang ganitong uri ng pagkatao; mahilig siyang tumulong sa iba, at ito rin ang kanyang prinsipyo sa kanyang pag-asal. Isa rin ba itong katangian ng pagkatao? (Oo.) Ang pangunahing prinsipyo ng ganitong uri ng tao sa pagtrato sa iba ay ang tumulong kapag dapat siyang tumulong, at makisimpatya kapag dapat siyang makisimpatya. Kapag nahaharap sa mga paghihirap ang ibang tao, iaalay niya ang kanyang pagmamahal at gagamit siya ng mga praktikal na aksyon para tulungan sila; kapag kulang sa mga gamit ang iba, ibinibigay niya ang sarili niyang mga gamit sa kanila. Sa loob ng mga katangian ng kanyang pagkatao, palaging mayroong gayong kahandaan; palaging maaaring lumitaw ang mga kaisipang ito sa kanya, o palagi niyang nararamdaman ang pasakit ng mga nasa paligid niya na nangangailangan ng tulong at simpatya. Konsensiya ba ito na gumagana sa loob niya? (Oo.) Ang gayong katangian ng pagkatao ay hindi tinutukoy ng personalidad, kundi dahil ito sa paggana ng konsensiya. Kaya, mayroon siya ng ganitong mentalidad—o ng katangiang ito ng pagkatao—na pagiging handang tumulong sa iba. Kapag kailangan ng mga tao ng tulong at nagpapatulong ang mga ito sa kanya, hindi lang siya nakakaramdam ng simpatya, kundi taimtim din siyang tumutulong; kahit na kumonsumo ito ng kaunti sa kanyang oras at kailangan niyang magbigay ng ilang bagay sa kanila, handa siya. Ang kahandaang ito ay, sa pinakamababa, nakabatay sa kabaitan sa pagkatao ng isang tao. Sa isang banda, kung walang kabaitan sa pagkatao ng isang tao, hindi siya magkakaroon ng subhetibong kahandaang tumulong sa iba, at sa kabilang banda, hindi siya makakaramdam ng simpatya kapag hinihingan ng tulong, ni hindi siya sinserong tutulong sa mga tao. Kung wala ang isang tao ng ganitong pagkasinsero, gagawin lang niya ito para iraos ang mga bagay-bagay at magiging pabasta-basta siya sa iyo. Atubili siyang gagawa nang kaunti upang maiwasan ang kahihiyan o dahil sa pagiging magalang, o dahil nauudyukan siya ng isang partikular na interes niya; kung hindi, natatakot siya na balang araw ay baka mapasailalim siya sa utos mo, o na balang araw ay baka mapakinabangan ka niya—kaya niyang kumbinsihin ang sarili niya na tulungan ka dahil sa kung anumang dahilan. Gayumpaman, para sa isang tao na ang pagkatao ay tunay na may katangian ng kabaitan, hindi siya pasibo sa kanyang pagtulong niya sa mga tao, at siyempre, lalong hindi siya umaayaw o hindi ito labag sa loob niya; sa halip, ang kahandaang ito ay likas na umiiral sa loob ng mga katangian ng kanyang pagkatao. Kusang-loob, sinsero, at aktibo siyang tumutulong sa iba. Halimbawa, ipagpalagay na kailangan mo ng tulong niya sa isang bagay. Kapag humingi ka ng tulong sa kanya, makakaramdam siya ng matinding simpatya sa iyo, at tutulungan ka niya nang may matinding sigasig, sinseridad, at kahandaan. Maaaring ipinagkakatiwala mo sa kanya ang pangangasiwa sa isang bagay para sa iyo, o ang pagpaparating ng isang mensahe para sa iyo, o maaaring mayroong ilang gamit na kailangan mo—anuman ang uri ng tulong na kailangan mo mula sa kanya, sa madaling salita, tatratuhin niya ang usaping ito nang may sinseridad, kataimtiman, kaseryosohan, at responsabilidad.

Ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ay napakaseryoso at napakaresponsable kapag ipinagkakatiwala sa kanila ng iba ang pangangasiwa sa mga bagay-bagay. Halimbawa, kung pupunta sa lungsod ang gayong tao para asikasuhin ang isang bagay, at may ibang tao na nagpapatulong sa kanya sa pagbili ng ilang gamot, habang bumibili ay magbubulay-bulay siya: “Dapat ba akong bumili ng Kanluraning gamot o Chinese na gamot? Mabilis umepekto ang Kanluraning gamot, pero nakakasikmura ito. Baka magkaroon siya ng mga side effect kung iinumin niya ito? Kung ganoon, magtatanong ako kung mayroong anumang Chinese na gamot na medyo epektibo at hindi nakakasikmura.” Tingnan mo, pinag-iisipan niya nang mabuti ang mga bagay-bagay. Kapag ang isang taong responsable at may katangian ng kabaitan ay pumayag na tulungan ang ibang tao na mangasiwa ng isang bagay, tutulungan niya itong piliin ang mga bagay na kailangan nito sa paraang sinsero, seryoso, at responsable. Maaaring hindi siya ganoon kaseryoso kapag pinangangasiwaan ang sarili niyang mga usapin, at kapag bumibili ng mga bagay-bagay ay binibili lang niya kung ano ang tila ayos na, pero kapag nangangasiwa ng mga usapin para sa iba, partikular siyang maasikaso at partikular na responsable. Iniisip niya: “Dahil ipinagkatiwala niya sa akin ang usaping ito, nangangahulugan itong mataas ang tingin niya sa akin; kailangan kong asikasuhin nang maayos ang mga bagay-bagay para sa kanya. Bukod pa rito, hindi ito mahirap. Napakadali lang nito. Kailangan kong tiyakin na masisiyahan siya sa gagawin ko. Pero hindi ko alam kung anong uri ng gamot ang tama para sa kanya, at nagmamadali siyang bumili ng gamot para gamutin ang kanyang sakit, kaya pareho ko na lang bibilhin ang kaunting Chinese at Kanluraning gamot para sa kanya.” Pagkatapos niyang bumili ng gamot at iuwi ito, pinipili ng taong iyon ang gamot na nagkataong iyon ang uri na kailangan niya. Tingnan mo, isinasapuso niya ang ginagawa niya at seryoso niya itong ginagawa, kaya napangangasiwaan nang lubos ang usapin. Pero sa isang taong iresponsable at hindi nagtataglay ng katangian ng kabaitan, kung hihingi ka ng tulong sa kanya na bumili ng gamot, papayag din siya, pero pagkatapos pumunta sa parmasya, basta na lang siyang bibili ng ilang gamot na tumutugma sa sakit at pagkatapos ay babalik na. Tinatanong mo siya kung gaano karaming gamot ang iinumin araw-araw at kung mayroon bang anumang mga kontraindikasyon, at sinasabi niya, “Hindi ko alam. Basahin mo na lang ang mga tagubilin. Ano’t anuman, pumunta ako at kinuha ko ang gamot para sa iyo.” Sa huli, ang Kanluraning gamot na binili niya ay hindi maaaring inumin ng mga taong madaling magkaroon ng allergy, na nagkataong ganoon ka. Kaya walang saysay ang pagbili ng gamot, at kailangan mo pa ring bumiyahe mismo para bumili ng ibang gamot. Hindi niya naasikaso ang usapin, at may utang na loob ka na rin sa kanya ngayon. Masaya ka ba sa loob mo? (Hindi.) Kumusta ang naging pangangasiwa sa usaping ito? Hindi ito napangasiwaan nang maayos. Ipinagkatiwala mo ito sa maling tao; hindi mo nahanap ang tamang tao. Kailangan mong humanap ng isang tao na nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Kung mahirap hanapin ang gayong tao, kapag nagkatiwala ka sa isang tao na tumulong sa pagbili ng gamot, kailangan mong bigyan siya ng dagdag pang tagubilin at ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay. Kung hindi mo siya binigyan ng mga tagubilin, at ang taong pinagkatiwalaan mo ay isang taong walang pagkatao, tiyak na hindi mapangangasiwaan nang maayos ang usaping ito; bukod sa pag-aaksaya ng pera, magkakaroon ka rin ng utang na loob sa kanya. Kung makakahanap ka ng isang taong nagtataglay ng pagkatao, gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para maasikaso ito para sa iyo. Dahil mayroon siyang puso ng pagkasinsero at kaya niyang umako ng responsabilidad, at nagtataglay siya ng katangian ng kabaitan sa kanyang pagkatao, kapag pinangangasiwaan niya ang mga usapin para sa iyo, kaya niyang isipin ang kapakanan mo at isaalang-alang ang mga bagay-bagay para sa iyo, binibili ang mga bagay na kailangan mo sa makatwirang halaga. Sa kabaligtaran, ang isang taong walang mga katangian ng pagkatao ay gagawin lang ito para matapos at magiging pabasta-basta siya sa iyo kapag nangangasiwa ng isang bagay para sa iyo. Magaling siyang magsalita, pero kapag pinangangasiwaan ang usapin, hindi siya magtatanong tungkol sa presyo kahit kaunti, ni hindi siya maghahanap ng mas mura; basta na lang siyang bibili ng isang bagay para sa iyo. Kung hindi mo ikukumpara ang dalawang uri ng taong ito, tila pareho nilang kayang asikasuhin ang mga bagay-bagay. Gayumpaman, ang mga taong may mga katangian ng pagkatao ay kayang tiyakin na masisiyahan ka kapag nangangasiwa sila ng isang bagay para sa iyo. Mayroon sila ng mga pagpapamalas ng pagkatao; kaya nilang tugunan ang mga pangangailangan mo at isaalang-alang ang mga bagay-bagay para sa iyo. Mayroon sila ng ganitong uri ng sinseridad. Nagpapatunay ito na mabait sila, mga tunay na tao, at karapat-dapat sa pagtitiwala mo. Sa kabilang banda, kapag ipinagkatiwala mo sa isang taong walang mga katangian ng pagkatao ang pangangasiwa sa isang bagay, hindi niya ito mapangangasiwaan nang maayos. Kahit na paminsan-minsan ay maayos niyang naaasikaso ang mga bagay-bagay, hindi niya ito ginagawa nang may sinseridad—tsamba lang ito. Sinasabi mo: “Magandang klase ang gamot na iyon. Hindi nagtagal ay gumaling na ako pagkatapos inumin iyon.” Ayos lang sana kung hindi mo ito sinabi, pero ngayong sinabi mo na ito sa kanya, lumalaki ang utang na loob mo sa kanya. Malinaw na pumunta siya para asikasuhin ang isang bagay para sa kanyang sarili, pero kailangan pa rin niyang sabihin sa iyo, “Nakita mo? Sadyang bumiyahe ako para lang sa iyo.” Hihingi siya ng pabor sa iyo, at hindi mo mababayaran ang kakarampot na utang na loob na ito sa buong buhay mo; sa pangkalahatan ay nabitag ka na ng isang masamang demonyo. Gayumpaman, ang isang taong may pagkatao ay hindi hihingi ng mga pabor sa iyo gaano man niya kahusay na napangasiwaan ang isang usapin para sa iyo. Kapag nagpapahayag ka ng iyong pasasalamat sa kanya, sinasabi niya, “Wala iyon. Nadaanan ko naman talaga iyon.” Tingnan mo, nagsasabi lang siya ng totoo. Sa katunayan, mahusay na ang ginawa niya at nakatulong nang malaki sa iyo. Kahit ang mga taong pinakamalapit sa iyo ay maaaring hindi ka tratuhin nang ganito, pero ang isang taong may mga katangian ng pagkatao ay kayang gawin ang hindi magawa maging ng iyong mga mahal sa buhay. Pinapangasiwaan niya nang napakaayos ang usapin at wala siyang hinahanap na anumang kapalit. Palagi mong nararamdaman na may utang na loob ka sa kanya, kaya binibigyan mo siya ng ilang prutas o iba pang bagay paminsan-minsan, at palagi mo siyang isinasaisip kapag may magandang nangyayari. Pero hindi niya ito itinuturing na isang malaking bagay sa kanyang isipan, pakiramdam niya ay halos hindi nangailangan ng anumang pagsisikap sa kanyang bahagi ang pagtulong sa iyo na may magawa, at isa itong napakanormal na bagay na gawin. Sinasabi rin niya sa iyo na kung mayroon kang anumang kailangang tulong sa hinaharap, tutulong pa rin siya. Tingnan mo, hindi ba’t may mga pagkakaiba sa pagitan ng mga tao? (Oo, mayroon.) Hayaan mong sabihin Ko sa iyo, ang mga taong may pagkatao ay nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan, at kailanman, ang ganitong mga tao ang pinakamaaasahan. Tanging ang mga taong tulad nito ang mapagkakatiwalaan, dahil mayroon silang hangganan para sa kanilang mga kilos. Ang dahilan kung bakit mayroon silang hangganan para sa kanilang mga kilos ay dahil nagtataglay sila ng mga katangian ng pagkatao tulad ng pagkamatuwid at kabaitan.

Pagdating sa mga taong walang mga katangian ng pagkatao, kahit na isa siyang tao na hindi mo pa kailanman napasama ang loob, hangga’t gumagawa ka ng isang bagay na kinasasangkutan ng kanyang mga interes, maghahanap siya ng pagkakataon para maghiganti sa iyo. Sa kabaligtaran, kapag isa siyang tao na may mga katangian ng pagkatao, kahit na nasaktan mo na siya noon, o napinsala pa nga ang kanyang mga interes, hinding-hindi siya mamumuhi sa iyo o maghihiganti sa iyo. Kahit na medyo masama ang saloobin niya kapag nakikipag-usap sa iyo, o medyo masakit pakinggan ang kanyang mga salita, o pinangangaralan ka niya nang kaunti, ang mga ito ay mga normal na pagpapamalas na nagmumula sa pagkatao—hinding-hindi siya walang-katapusang susubok na maghiganti o habambuhay na mamumuhi sa iyo tulad ng gagawin ng isang masamang tao. Saan ito nakabatay? Nakabatay ito sa hangganan na mayroon siya para sa kanyang sariling asal. Dahil mismo sa mayroon siyang konsensiya at katwiran, at nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao, hindi niya kailanman lalampasan ang kanyang hangganan para sa kanyang sariling asal. Kung may sinumang magpasama ng loob niya, kahit na gusto niyang maghiganti, hinding-hindi siya papayagan ng kanyang konsensiya. Kung makakaramdam siya ng galit, magsasabi lang siya ng ilang galit na salita para magbulalas nang kaunti, at iyon na iyon—hinding-hindi siya gagawa ng anuman para maghiganti. Ito ang katangian ng isang taong may pagkatao. Tingnan mo, kahit na hindi pinapasama ang loob ng ilang tao, gusto pa rin nilang pahirapan ang iba; gusto nilang makipagkompetensiya at makipag-away sa mga ito, palaging nag-iisip kung paano magpapakana laban sa mga ito nang patalikod. Isa rin itong katangian ng pagkatao—ito ang katangian na mayroon ang masasamang demonyo at masasamang diyablo sa kanilang pagkatao. Sa kabaligtaran, ang isang taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao ay hindi kayang sikmurain na pahirapan ang iba. Kung gagawa siya ng gayong mga bagay, uusigin at didisiplinahin siya ng kanyang konsensiya. Kahit na hindi siya disiplinahin ng Diyos, hindi siya inuusig ng Banal na Espiritu, at hindi siya inuusig ng mga kapatid, pinipigilan siya ng kanyang konsensiya. Kapag ang isang tao ay pinipigilan ng kanyang konsensiya, hindi siya lumalampas sa limitasyon sa kanyang mga kilos, at mayroon siyang hangganan para sa kanyang ginagawa. Kahit na mapasama mo ang loob niya, masaktan siya, o makagawa pa nga ng isang bagay na sobra na, hindi niya gugustuhing makipagtuos sa iyo. Sa pinakamalala, iiwasan ka lang niya at babalewalain ka, at hindi siya makikisama, makikisalamuha, o makikipagtulungan sa iyo. Pero hinding-hindi ka niya sasaktan o susubukang ipahamak ka; hindi siya magpapakana laban sa iyo nang patalikod o gagamit ng mga taktika para bitagin ka—hinding-hindi niya gagawin ang gayong mga bagay. Tingnan at alamin ninyo kung sino sa mga tao sa paligid ninyo ang ganitong uri ng mga tao—ang mga ito ay mabubuting tao na may pinakamataas na kalidad. Talagang mapapanatag ka sa pakikisalamuha sa kanila. Kahit na masaktan mo sila hanggang sa punto na lubos silang mawasak, sa pinakamalala ay mamumuhi lang sila sa iyo sa loob nila, hindi na gugustuhing pansinin ka pa, at hindi na kailanman makikipagkaibigan sa iyo, pero hindi sila magpapakana laban sa iyo, ni hindi sila maghahanap ng pagkakataon para maghiganti sa iyo, lalong hindi nila sasabihing, “Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo.” Ito ang tunay na pagkamatuwid at kabaitan. Ang magawang makamit ito ay hinding-hindi isang bagay na maaaring mapeke; isa itong tunay na katangian ng pagkatao. Tanging ang isang tao na nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao ang magkakaroon ng mga tamang prinsipyo at hangganan para sa kanyang sariling asal. Habang nakikisalamuha at nakikisama ka sa kanya, makikita mo ang mga pag-uugali at pagpapamalas na ito sa kanya, pati na rin ang mga natural na pagbubunyag na ito ng kanyang pagkatao.

Dahil magkakaiba ang mga klasipikasyon ng mga tao, magkakaiba rin ang mga reaksiyon nila sa iba’t ibang bagay. Nakikita mo, kapag ang masasamang taong iyon, ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, ay nananamantala sa iba, ano ang reaksiyon nila kung may maglalantad sa kanila? Sasabihin nila, “Sino ba ang hindi nananamantala sa iba? Hindi ba’t nariyan ang mga kalamangan para samantalahin? Ano ba ang masama sa kaunting pananamantala? Kung mayroong kalamangan na maaaring samantalahin at hindi mo ito sinamantala, hindi ba’t isa kang hangal at tanga?” Ito ang lohika ng isang bandido. Wala silang kamalayan ng konsensiya sa kanilang puso, walang pagkaramdam ng kahihiyan, at walang pakiramdam ng kahihiyan. Dahil wala silang konsensiya, wala silang pamantayan para sa pagsusuri sa isyu ng pananamantala sa iba. Ang prinsipyo nila ay na ang mga kalamangan ay nariyan para kunin, at sa sandaling makuha mo na ang mga ito, sa iyo na ang mga ito. Ang hindi pagkuha sa mga ito ay isang pag-aaksaya, at ginagawa kang isang hangal. Hindi ba’t ito ang lohika ng isang bandido? At paano tinitingnan ng mga nagreinkarnasyon mula mga hayop ang isyu ng pananamantala sa iba? Kung sasabihin mo sa kanila, “Ang ginagawa mo ay pananamantala—hindi mabuting manamantala sa ibang tao, at hindi mabuting magkaroon ng utang sa kanila,” ano ang iniisip nila? “Sa akin ang kalamangang ito. Wala akong utang sa kanila kung magsasamantala ako sa kanila. Ano ba ang masama sa pananamantala? Ang magawang manamantala ay isang kasanayan; kung wala ka ng kasanayang ito, malulugi ka.” Ito ang lohika ng isang tampalasan. Wala silang hangganan, walang pagkaramdam ng kahihiyan, walang pakiramdam ng kahihiyan, lalo na ng anumang pakiramdam ng konsensiya. Wala silang pamantayan para sa paghusga sa anumang bagay. Kahit na sabihin mo sa kanila kung ano ang tamang pamantayan, hindi nila ito itinuturing na isang pamantayan, at hindi nila alam na tama ang pamantayang ito. Wala silang pagkamakatwiran ng isang normal na tao at hindi nila matukoy kung ano ang tama mula sa kung ano ang mali. Ginugugol nila ang buong araw sa kalituhan; walang anumang sasabihin mo ang makapagbibigay sa kanila ng linaw o makapagpapaunawa sa kanila. Sadyang mga tao lang sila na magulo ang isip. Gayumpaman, ang mga taong may konsensiya at katwiran ay nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Kung hindi nila sinasadyang manamantala sa isang tao at tinukoy mo ito sa kanila, matataranta sila sa loob-loob nila at mamumula ang mukha: “Nanamantala ba ako sa kanya? Paanong hindi ko napagtanto iyon? At ang matukoy pa ito ng ibang tao—nakakahiya naman!” Sasabihin nila, “Gaano man kalaki ang naging pananamantala ko sa kanya, kailangan ko siyang bayaran nang buo—puwede pa nga akong magdagdag ng interes.” Kailangan nilang humanap ng paraan para ayusin ang sitwasyon. Ayaw nilang magkaroon ng reputasyon na mahilig manamantala sa iba. Kung magkagayon, pakiramdam nila ay lubos silang mapapahiya. Samakatwid, sa sandaling may tunay na tumukoy sa kanilang problema, hindi nila susubukang pangatwiranan ang kanilang sarili—hindi nila sasabihing, “Hindi ako nanamantala sa kanya, ni hindi ko ginusto iyon.” Hindi sila gagamit ng ganitong uri ng lohika ng tampalasan para makipagtalo at pangatwiranan ang kanilang sarili. Dahil mayroon silang elemento ng pagkamatuwid sa kanila, sa sandaling may magbanggit nito, haharapin nila ito nang tama, gagawin ang lahat ng posibleng paraan para makabawi rito at bayaran ang kabilang panig, at hinding-hindi na muling gagawa ng ganitong uri ng bagay; kung gagawin nila itong muli, sasampalin nila ang sarili nila sa mukha. Pakiramdam nila ay sobrang nakakahiya na malantad ng isang tao ang ginawa nila, at na punahin sila ngayon ng mga tao nang patalikod at tuligsain sila nang harapan. Wala silang mapagtaguan ng kanilang hiya, at nanaisin na lang nilang lamunin sila ng lupa; mas gugustuhin pa nilang lumipas ang buong buhay nila nang hindi nangyayari ang ganitong uri ng bagay. Dahil mayroon silang konsensiya, nakakaramdam sila ng hiya sa kanilang puso pagkatapos manamantala sa iba. Masyado silang nahihiya para pangatwiranan ang kanilang sarili, nararamdamang masyadong kahiya-hiya ang ginawa nila, kaya natatahimik sila, walang masabi para ipagtanggol ang kanilang sarili; gusto lang nilang makabawi sa kabilang panig. Ang mga taong tulad nito ay naiiba sa masasamang tao at mga diyablo. Kahit gaano pa kahiya-hiya ang mga ginagawa ng mga diyablo, wala silang nararamdamang kahihiyan. Kapag naririnig ng mga taong may mga katangian ng pagkatao ang gayong mga bagay, agad silang namumula: “Napakaraming tao ang nakakaalam tungkol dito; nakakahiya!” Nakakaramdam sila ng kahihiyan at labis na pagkapahiya, at partikular na nababagabag at hindi mapanatag sa kanilang puso. Tingnan mo, sa kaibuturan ng kanilang puso, ang mga tao mula sa iba’t ibang klasipikasyon ay may magkakaibang pananaw at saloobin sa iisang isyu. Dahil sa mga pagkakaiba sa mga katangian ng kanilang pagkatao, ang iba’t ibang uri ng mga tao ay may magkakaibang saloobin sa iisang isyu. Kung ang isang tao ay may pakiramdam ng kahihiyan, nagpapatunay ito na mayroon din siyang pagkaramdam ng kahihiyan, na nagpapatunay naman na nagtataglay siya ng mga katangian ng pagkatao. Sa kabaligtaran, kung ang isang tao ay walang pagkaramdam ng kahihiyan, at pagkatapos gumawa ng masasamang gawa at kahiya-hiyang mga bagay ay sinusubukan niyang makipagtalo para ipagtanggol ang kanyang sarili, o tumatanggi pa ngang aminin ang ginawa niya at nagmamaang-maangan, siya ay isang taong walang mga katangian ng pagkatao. Ang mga taong walang mga katangian ng pagkatao ay, sa pinakamababa, hindi matutuwid at mababait na tao; wala silang pagkatao o katwiran, at hindi sila karapat-dapat na tawaging tao. Kapag ang masasamang tao at mga diyablo ay gumagawa ng masasamang bagay at masasamang gawa, at dinuduro at iniinsulto sila ng kanilang mga kaaway, gumaganti rin sila ng insulto, nararamdamang lubos na makatwiran ang paggawa nito. Ginagawa pa nga nila ang lahat ng posibleng paraan para pangatwiranan at ipagtanggol ang kanilang sarili, nagpapahayag ng baluktot na pangangatwiran na para bang isa itong matibay na pangangatwiran, mapangahas na nagdadaldal at walang-tigil sa pagsasalita—sadyang hindi sila tinatablan ng katwiran at lubos na walang-kahihiyan! Para naman sa mga taong nagreinkarnasyon mula mga hayop, kapag nananamantala sila sa ibang tao at pinupuna sila dahil dito, nakakaramdam sila ng pagkaagrabyado sa loob-loob nila, at ginagawa rin nila ang lahat ng posibleng paraan para makaisip ng mga palusot at dahilan. Kapag pinapangatwiranan ang kanilang sarili, magaling din silang magsalita at walang-tigil sa pagsasalita, at, tulad ng masasamang tao, wala rin silang pakiramdam ng kahihiyan. Dahil sila ay mga hayop na walang kamalayan ng konsensiya, ginugugol ang buong araw sa kalituhan at hindi matukoy ang tama mula sa mali sa anumang usapin, wala silang kamalayan pagdating sa ganitong uri ng bagay; nagbibigay sila ng ilang tila kapani-paniwalang palusot para subukang pagtakpan ang ginawa nila, at pagkatapos ay pakiramdam nila ay ayos na ito. Hindi nila iniisip na isa itong problema sa kanilang sariling asal; iniisip nila na hangga’t nagbibigay sila ng sapat na mga palusot at dahilan, makakatakas sila ang responsabilidad at walang sinuman ang makakaalam tungkol sa ginawa nila. Lilinlangin nila ang kanilang sarili, iniisip na, “Tapos na iyon. Hindi ko kailanman ginawa ang ganoong uri ng bagay, hindi ko kailanman ginawa ang pagkakamaling iyon. Huwag isiping isa akong hindi mabuting tao. Ako mismo ay hindi isang tao na nananamantala sa iba. Tingnan mo kung gaano ako kabuti at kabait, at kung gaano ako kamaunawain sa iba!” Tingnan mo, ito ay isang tao na magulo ang isip. Tanging ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao ang partikular na sensitibo sa mga isyung tulad nito na kinasasangkutan ng dignidad. Kahit na walang nakakaalam sa ginawa nila, kung mapagtatanto nila mismo ito, makakaramdam sila ng pagkabagabag at pagkakasala sa loob nila, at mararamdaman pa nga nila na pinapanood sila ng mga tao. Kung may ilang tao na medyo malapit sa kanila ang talagang makatuklas tungkol sa ginawa nila, lalo silang makakaramdam ng pagkabagabag at labis na mahihiya na hindi nila magagawang subukang pangatwiranan ang kanilang sarili. Gagawin nila ang lahat ng posibleng paraan para mabilis na makabawi rito, at hinding-hindi na muling gagawa ng ganitong uri ng bagay, nararamdamang masyado itong nakakahiya! Ang mga ito ang magkakaibang pagpapamalas ng tatlong klasipikasyon ng mga tao sa iisang usapin.

Kakasabi lang natin na ang mga taong may mga katangian ng pagkatao ay karaniwang may mga prinsipyo sa kung paano nila tratuhin ang iba. Kapag nag-uulat sila o nagbibigay ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng isang tao, o kapag sinusuri nila ang isang tao, kaya nilang tingnan at tratuhin siya batay sa kanilang matuwid at mabait na pagkatao. Kahit na hindi nila nauunawaan ang katotohanan, mayroon pa rin silang ilang pangunahing hangganan. Halimbawa, susuriin nila ang isang karaniwang tao nang ganito: “Wala siyang ginawang anumang masama. Namumuhay siya nang disente. Siya ay isang ordinaryong tao sa mundo, at maituturing na isang taong totoo.” Tingnan mo, tama nilang susuriin ang karaniwang tao batay sa sarili nilang konsensiya. Kaya pa nga nilang tratuhin at suriin nang tama maging ang mga nagpasama ng loob nila, nakasakit sa kanila, o nakapinsala sa kanilang mga interes noon. Mas lalo nitong ibinubunyag ang mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan na mayroon ang mga taong ito sa kanilang pagkatao. Ibig sabihin, kaya nilang suriin nang tama ang karaniwang tao—kung mabuti ito ay mabuti ito, at kung hindi, ganoon din ang sasabihin nila. Kung hihilingin sa kanilang magsinungaling, hindi nila ito magagawa; pakiramdam nila ay ay pagsalungat sa kanilang kalooban ang paggawa nito. Sinasabi lang nila kung ano ang totoo at tinatawag ang isang bagay sa kung ano talaga ito. Kaya rin nilang kumilos ayon sa prinsipyong ito sa mga taong nagpasama ng loob nila. Kahit na may isang tao na hindi nila gusto o kinasusuklaman nila, kung hihilingin sa kanilang iulat o suriin ang taong iyon, mas gugustuhin nilang huwag magbigay ng opinyon, sinasabi nila, “Natatakot ako na ang pagsusuri ko sa taong ito ay hindi magiging obhetibo dahil mayroon akong mga personal na hinaing at sama ng loob sa kanya, kaya hindi ako makikibahagi. Maaari ninyo siyang suriin batay sa pagsusuri ng iba sa kanya.” Ito ang pangunahing kayang makamit ng mga taong may mga katangian ng pagkatao. Sa partikular, kapag ang isang taong may katayuan ay kaya pa ring tratuhin ang iba nang patas, mas lalo nitong ibinubunyag ang mga katangian ng kanyang pagkatao. Kung paano niya tratuhin ang mga tao kapag mayroon siyang katayuan ang tunay na magpapahintulot sa iba na makita nang malinaw kung nagtataglay ba siya ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao. Kapag ang isang tao ay walang katayuan, tila kaya niyang tratuhin ang mga tao nang patas, at ang kanyang mga pagsusuri sa kanila ay medyo obhetibo. Ito mismo ay maaaring hindi magpahiwatig ng anuman—kapag mayroon siyang katayuan, tingnan kung paano niya tratuhin ang mga nagpasama ng loob niya o nakasakit sa kanya, at kung paano niya tratuhin ang mga nagbukod sa kanya noon o sadyang sumupil pa nga sa kanya. Dahil ang mga taong tunay na may mga katangian ng pagkatao ay nagtataglay ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao, kapag mayroon silang katayuan, kaya nilang tratuhin nang tama ang mga nagpasama ng loob nila, nakasakit sa kanila, o sadyang sumupil pa nga sa kanila noon. Maaaring kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, hindi nila kayang tratuhin ang mga tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo nang may ganap na katumpakan, pero mayroon din silang sariling mga hangganan at prinsipyo sa kung paano nila tratuhin ang mga tao. Halimbawa, sa iglesia, kung ihahalal ng ibang mga kapatid ang isang partikular na indibidwal bilang isang kandidato o bilang isang lider, at ang taong ito ay nagkataong isang tao na nagpasama ng loob nila noon, hinding-hindi nila sadyang pakikialaman o hahadlangan ang halalan kapag nakita nilang sinasabi ng lahat ng kapatid na hindi masama ang taong ito at nagbago na. Maaaring personal na hindi nila masyadong gusto ang taong ito, pero kung ginagamit ng sambahayan ng Diyos ang taong ito at inihahalal siya ng mga kapatid, pangangasiwaan nila ang mga usapin ayon sa mga panuntunan at kikilos sila ayon sa mga prinsipyo, sa mga sitwasyon kung saan hindi pa nila ganap na naaarok ang taong ito. Hinding-hindi nila tatratuhin ang taong ito nang hindi patas dahil mayroon silang mga personal na hinaing sa kanya, ni hindi nila siya sadyang aapihin o papahirapan. Paminsan-minsan, dahil sa kanilang mga tiwaling disposisyon o sa kahinaan ng kanilang pagkatao—sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon—ay maaari silang pasalitang mamintas sa kanya ng mga bagay na hindi dapat sabihin, dahil ang lahat ay may mga tiwaling disposisyon at walang sinuman ang walang kapintasan. Gayumpaman, kaya nilang panindigan ang mga pangunahing prinsipyo; ibig sabihin, hindi nila tutugisin, susupilin, o paghihigantihan ang mga taong kaaway nila dahil lang sa sila mismo ay may katayuan. Kung paminsan-minsan ay mangyari ito, uusigin sila ng kanilang konsensiya pagkatapos, sasabihin nito sa kanila, “Mali na gawin mo ito. Ngayong mayroon ka nang katayuan, ginamit mo ang kapangyarihang hawak mo para maghiganti sa mga taong iyon—hindi ito angkop!” Pagninilayan nila ang kanilang sarili, uusigin sila ng kanilang konsensiya, at bukod pa rito ay pipigilan sila ng kanilang katwiran na supilin ang ibang tao at maghiganti, at kokontrolin nito ang kanilang pag-uugali, palaging ipinapaalala sa kanila, “Hindi iyan angkop.” Kaya, magiging maingat sila sa kanilang pananalita, at hindi sila lalampas sa limitasyon sa mga bagay na ginagawa nila. Ang mga ito ay ilang pangunahing pagpapamalas ng mga taong may konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao sa kung paano nila tratuhin ang iba. Kahit na pansamantala nilang gustuhing kumilos ayon sa kanilang lagay ng loob para puntiryahin ang mga taong may sama sila ng loob o nakasakit sa kanila noon, at kahit na isipin ng ibang tao na lubos na makatwiran para sa kanila na maghiganti ngayon, maingat pa rin sila sa kanilang ginagawa, at mayroon silang hangganan, na hinding-hindi nila lalampasan. Kung kaya nilang lampasan ang kanilang hangganan at baliw na maghiganti, hindi sila magiging isang tao na nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao. Dahil mismo sa mayroon silang mga kahinaan ng pagkatao at namumuhay sila na may normal na pagkatao, nakakaramdam din sila ng poot at galit sa mga nakasakit sa kanila, at gusto rin nilang maghiganti. Gayumpaman, dahil nagtataglay ang kanilang pagkatao ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan, at pinipigilan at kinokontrol sila ng kanilang konsensiya at katwiran, kapag gusto nilang maghiganti sa isang tao, uusigin sila ng kanilang konsensiya at kokontrolin sila ng kanilang katwiran, iniisip nila, “Hayaan mo na. Hindi iyon magiging angkop. Hindi naman talaga ako nasaktan sa ginawa nila noon, at kahit na maghiganti ako sa kanila ngayon, hindi ito makakalutas ng anumang mga problema.” Gagamit sila ng mga makatwirang paraan para kontrolin at pigilan ang kanilang sarili, habang kinukumbinsi rin ang kanilang sarili at pinapaliwanagan ang kanilang sarili. Kung, bukod pa rito, nauunawaan din nila ang ilang katotohanan, magiging mas mabuti pa ang kanilang pag-uugali sa usaping ito at mas aayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa madaling salita, pagdating sa kung paano nila tratuhin ang iba, ibubunyag nila ang mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao paminsan-minsan, at madalas na magbubunyag ng ilang kaisipan at pag-uugali na ginagabayan ng mga katangian ng pagkatao. Ang madalas mong marinig na sabihin nila ay: “Hayaan mo na. Kung magpapakababa ako sa antas nila, hindi ba’t magiging katulad lang nila ako? Bukod pa rito, nakaraan na ang nangyari. Mga nasa hustong gulang na tayong lahat—mayroon bang anumang saysay ang makipaggantihan nang ganito?” Magkakaroon sila ng ilang kaisipan at pananaw na nagmumula sa mga katangian ng pagkatao para pigilan sila. Siyempre, ito rin ay na ang kanilang mga kaisipan at pananaw na umuusbong sa ilalim ng gabay ng kanilang konsensiya at katwiran ay palaging nagsasaayos, pumipigil, kumokontrol, at naglilimita sa kanilang mga salita at kilos. Pagkatapos, ang mga kaisipang iyon ng paghihiganti sa iba na lumalampas sa mga hangganan ng katwiran ay unti-unting hihina sa kanilang puso. Sa ilalim ng palagiang pagwawasto ng konsensiya at katwiran, kasama ng paghahangad sa katotohanan at pagiging mas may-gulang habang tumatanda, ang mga kaisipan at kilos ng mga nagtataglay ng gayong mga katangian tulad ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ay—habang hinahangad ng mga taong ito ang katotohanan—lalong magiging positibo, lalong aayon sa mga katotohanang prinsipyo, at lalong makokontrol. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng prosesong ito, unti-unting bibitawan ng mga tao ang pagkamuhi, bibitawan ang mga hinaing, at bibitawan ang iba’t ibang personal na problema na dulot ng sarili nilang makitid na pag-iisip. Kung ang isang tao ay pinamamahalaan at pinipigilan lang ng konsensiya at katwiran, kaya lang niyang simpleng bitawan ang pagkamuhi at mga hinaing, at magbigay ng simpleng, “Hayaan mo na, nakaraan na iyon.” Pero, kung kaya ng isang tao na hangarin ang katotohanan at maunawaan ang katotohanan, hindi siya malilimitahan sa simpleng pagbitaw at pagpapalampas sa mga bagay-bagay at pagtatapos dito; sa halip, magagawa niyang ilapat ang mga katotohanang prinsipyo at, dahil sa udyok ng konsensiya at katwiran, mamuhay nang mas tama, pinangangasiwaan ang mga isyung ito at tinatrato ang mga mayroon siyang iba’t ibang hinaing sa paraang itinuturo ng Diyos. Samakatwid, tanging kung mayroon ang isang tao ng mga pangunahing prinsipyo para sa pagtrato sa iba, at sa pundasyong ito ay nauunawaan din ang katotohanan, siya unti-unting makakapasok sa katotohanang realidad at magsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo.

Ang mga prinsipyo sa pagtrato ng mga taong may konsensiya at katwiran sa iba ay pinipigilan ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa loob ng kanilang pagkatao. Kaya, ang mga taong hindi nagtataglay ng mga katangiang ito ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao ay walang mga prinsipyo sa kanilang pagtrato sa iba. Tingnan mo, kapag ang ilang tao ay walang katayuan, kung may sinumang manakit sa kanila o manghamak sa kanila at hindi nila kayang maghiganti, tila napakamasunurin nila, na para bang ang paraan ng kanilang sariling asal ay lubos na mapagbigay, at maaaring maramdaman mo na napakabuti nila, at hindi mo pa sila kailanman nakitang maghiganti sa sinumang nakapagpasama ng loob nila, pero hindi nito matutukoy kung anong mga katangian talaga mayroon ang kanilang pagkatao. Dapat mong tingnan kung paano nila tratuhin ang mga tao—kung kaya ba nilang tratuhin ang mga tao nang patas, kung kaya ba nilang tratuhin ang mga nakapagpasama ng loob nila noon batay sa konsensiya at katwiran, at kung kaya ba nilang magkaroon ng mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao—kapag mayroon silang katayuan, kontrol sa usapan, at kapangyarihang magpasya. Sinasabi nito sa iyo kung ano talaga ang klasipikasyon ng isang tao. Ang mga taong walang mga katangian ng pagkatao ay nagkukunwaring napakabait kapag wala silang katayuan. Kapag hindi nila kayang maghiganti sa iba, hindi sila nangangahas na hanapin ito, pero sa kanilang puso ay naaalala nila ang bawat pang-iinsulto. Ang kanilang mga isipan ay puno ng pagkamuhi, puno ng paghihiganti, at puno ng mga paraan para pahirapan ang mga tao at magpakana laban sa mga ito. Maghihintay sila ng tamang pagkakataon at maghahanap ng mga oportunidad para maghiganti, naghihintay na makita ang pagbagsak ng mga nakapagpasama ng loob nila noon. Sa sandaling magkaroon sila ng katayuan, at kapag napatibay na nila ang katayuang ito, ang kanilang saloobin sa mga nakapagpasama ng loob nila noon o sa mga hindi nila kasundo ay ganap na naiiba sa saloobin na magkakaroon ang mga taong may konsensiya at katwiran. Sadyang kailangan nilang maghiganti, at mag-iisip sila nang mabuti ng mga paraan para gawin ito. Hinding-hindi nila bibitawan ang kanilang pagkamuhi, ni hindi nila bibitawan ang anumang mga hinaing. Hinding-hindi sila magiging tulad ng mga taong may mga katangian ng pagkatao, na magsasabing, “Hayaan mo na. Napakaraming taon na ang lumipas. Maayos naman ang buhay ko, at hindi naman talaga ako nasaktan sa ginawa nila. Bukod pa rito, ano ba ang makakamit ng paghihiganti?” Hinding-hindi nila sasabihing “Hayaan mo na”; sa kanilang puso ay nagtatanim sila ng sama ng loob. Kapag mayroon silang katayuan, sinasabi nila, “Inisip mo ba na nakalimutan ko na ang pagkamuhi ko? Pinasama mo ang loob ko, nasaktan mo ako, at sinupil mo ako noon—inisip mo ba na tapos na iyon ngayon? Imposible iyon! Mayroon na akong katayuan ngayon; iba na ang mga bagay-bagay kaysa noon—paanong hindi ako maghihiganti sa iyo? Gagamitin ko ang kapangyarihang hawak ko para ipakita sa iyo kung ano ang kaya kong gawin, para ipaalam sa iyo na hindi ako ordinaryong tao!” Ang kanyang panloob na mundo ay puno ng pagkamuhi, at ang kanyang isipan ay puno ng mga paraan para maghiganti at mga paraan para gawing tagumpay ang pagkatalo, sinusubukang gawin ito upang walang sinuman ang makalimot kung gaano siya kakila-kilabot, at upang hindi na siya apihin ng mga tao tulad noon kundi sa halip ay katakutan siya. Tingnan mo, hindi ba’t ang ganitong uri ng tao ay naiiba sa isang taong may mga katangian ng pagkatao? (Oo.) Ano ang palagi niyang pinag-iisipan sa kanyang isipan? “Ipapakita ko sa iyo kung gaano ako kakila-kilabot. Ipapakita ko sa iyo na hindi ako dapat kalabanin. Gagawin ko ito upang matakot ka sa tuwing makikita mo ako, at gagawin ko ito upang hindi ka na kailanman mangahas na apihin akong muli!” Sabihin mo sa Akin, sa tingin mo ba ay kaya niyang kumilos ayon sa mga kaisipang ito? (Oo.) Tiyak na kaya niya. Ang kanyang puso ay puno ng pagkamuhi, at higit pa rito, ang kanyang klasipikasyon ay sa isang diyablo, at wala siyang pamantayan para sukatin kung tama o mali ang mag-isip nang ganito. Kapag nag-iisip siya sa ganitong paraan, wala siyang konsensiya at katwiran para pigilan siya—walang anumang makakapigil o makakasupil sa kanya. Habang ang mga buktot at malupit na bagay na ito ay palaging lumalaki at nag-uumapaw sa loob niya, palagi rin siyang nagpapakana at naghahanap ng mga pagkakataon para gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin. Ngayon ay mayroon na siyang katayuan—dumating na sa wakas ang kanyang pagkakataon. Sabihin ninyo sa Akin, sa tingin ba ninyo ay magpaparaya siya? Hinding-hindi siya magpaparaya. Susunggaban niya ang pagkakataong ito at gagamitin ang kapangyarihang hawak niya ngayon para gawing realidad ang lahat ng kanyang kaisipan, tinatakot ang mga nakasakit sa kanya noon at ang kanyang mga kaaway, ipinapakita sa kanilang lahat kung gaano siya kahusay at may kakayahan, idinudulot na hangaan siya ng mga taong ito sa kanilang puso, at tinitiyak na magkaroon sila ng katayuan sa puso ng mga ito. Ang susunod niyang gagawin ay ipahiya ang mga taong ito, at gagamit ng mga salita at kilos para supilin at tugisin sila. Titingnan niya kung sino ang nagpasama ng loob niya noon at magbubulay-bulay siya, “Kailangan ko silang ipadala para mangaral ng ebanghelyo sa pinakamahirap at pinakamapanganib na lugar na mayroon. Kung ayaw nilang pumunta, pupungusan ko sila. Kung hindi pa rin sila pumunta pagkatapos niyon, sisiraan ko sila at patatalsikin ko sila! At sinumang magsalita para sa kanila ay sasapitin ang parehong kahihinatnan!” May ilang tao na nagpasama ng loob nila noon, at ngayon ay napili bilang mga lider, pero nasasakupan pa rin nila. Nagbubulay-bulay sila, “Anong sermon ang maaari kong ipangaral para ganap na sirain ang kanilang katanyagan? Kung aasal sila nang maayos at makikinig sa akin sa lahat ng usapin, bibigyan ko sila ng bagong simula. Pero kung masuwayin sila, nasusuklam sa akin, at hindi nasisiyahan sa akin, at gusto pa ngang iulat ang mga problema ko, kailangan ko silang turuan ng leksiyon! Gagawin ko ang lahat ng posibleng paraan para paalisin at tanggalin sila ng mga kapatid, at gagawin ko ito upang hindi na nila kailanman maituwid ang mga bagay! Ipadadala ko sila sa isang bukid para magbungkal ng lupa o mag-alaga ng mga baboy. Kung hindi pa rin sila makikinig, hahanapan ko sila ng pinakamapanganib na lugar para doon sila pumunta at gumawa ng kanilang tungkulin, kung saan maaari silang arestuhin ng mga pulis anumang oras!” Ang mag-isip lang ng gayong mga kaisipan ay napakalubha na; lumalampas na ito sa mga hangganan. Ang makapag-isip siya nang ganito ay nagpapatunay na wala talaga siyang anumang konsensiya o katwiran. At kung talagang magagawa niya ang mga bagay na ito, bukod pa sa walang konsensiya at katwiran, mayroon din siyang elemento ng isang malademonyong kalikasan sa loob niya. Ang kanyang puso ay hindi lang walang pagkatao, kundi naglalaman din ng isang malademonyong kalikasan. Hindi ba’t isa siyang diyablo? Kapag ang ganitong uri ng tao ay walang katayuan, napakagaling niyang magkunwari at magtiis ng mga bagay-bagay. Dalubhasa na siya sa “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.” Natutunan na niya mula sa mga pariralang “Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo,” at “May pagkakataon ka pa hangga’t buhay ka pa,” pati na rin ang “Ang puso ng isang punong ministro ay sapat ang laki para paglayagan ng isang bangka.” Nagkunwari siya hanggang ngayon, at sa wakas, nalantad na ang tunay niyang kulay. Anong klaseng hamak siya? Hindi siya tao, isa siyang diyablo. Sige at tingnan mo kung sinong mga tao ang mababait kapag wala silang katayuan, pero agad na nagmumukhang ibang tao sa sandaling magkaroon sila nito. Mabilis siyang nag-uusisa tungkol sa kinaroroonan at sitwasyon ng sinumang nagpasama ng loob niya, at kung anong mga tungkulin ang ginagawa nito sa kasalukuyan. Pagkatapos, naghahanap siya ng mga pagkakataon para gumawa ng gulo sa mga taong ito at palakihin ang mga isyu ng mga ito, tinutugis ang mga taong ito hanggang sa punto na maging masunurin ang mga ito at sumuko sa kanya, kung saan sa puntong iyon ay naniniwala siyang nagawa nang maayos ang gawain ng iglesia. Ang mga taong tulad nito ay masasamang demonyo at dapat na mabilis na tanggalin. Kung hindi sila tatanggalin, magdurusa ka kasama ng iba—sa malao’t madali ay tutugisin ka rin nila.

Anong uri ng tao ang dapat ihalal bilang isang lider ng iglesia? Sa isang banda, dapat mayroon siyang pasanin sa paggawa ng kanyang tungkulin at may sapat na kakayahan. Sa kabilang banda, dapat na matuwid at mabait ang kanyang pagkatao, at dapat kaya niyang tratuhin ang mga tao nang patas. Noong wala pa siyang katayuan, mayroon talagang ilang kapatid na nagpasama ng loob niya o hindi niya nakasundo, pero pagkatapos maging isang lider, kaya niyang tratuhin ang mga taong ito nang tama, iniaangat sila kapag dapat silang iangat, at ginagamit sila kapag dapat silang gamitin. Sinasabi sa kanya ng ilang tao, “Nagsalita nang masama tungkol sa iyo ang taong iyon noon,” pero kaya niya itong palampasin. Inuuna niya ang gawain ng sambahayan ng Diyos, sinasabi niya, “Nangangailangan ng mga tao ang sambahayan ng Diyos ngayon. Kung angkop silang gawin ang tungkuling ito, dapat natin silang gamitin.” Sinuman ang sumubok na maghasik ng alitan, hindi siya naiimpluwensiyahan nito. Kahit na ang taong iyon ang nagtrato sa kanya nang pinakamasama, kung sumusunod ang taong ito sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa paggamit ng mga tao, gagamitin siya ng lider kung kinakailangan. Isantabi man kung isinasaalang-alang ng gayong tao ang mga layunin ng Diyos, o kung ano ang kanyang kakayahan, o kung kaya ba niyang gawin nang maayos ang gawain, sa usapin lang ng mga klasipikasyon ng mga tao, siya ay talagang isang tunay na tao. Kaya niyang tratuhin ang mga tao nang patas, lalo na ang mga hindi niya nakasundo, o ang mga sumupil sa kanya, nakasakit sa kanya, o uminsulto pa nga sa kanya o nang-api sa kanya noon—kaya niya silang lahat na tratuhin nang tama at patas. Sapat na iyon para masabi natin na ang taong ito ay sapat na matuwid at mabait; sumusunod siya sa mga prinsipyo at tinutugunan ang mga kondisyon para magawang perpekto ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Kung gayon, ang tao bang ito ay isang taong naghahangad sa katotohanan? Kung hindi niya hinahangad ang katotohanan, hindi ba’t hindi niya magagawang tratuhin ang mga tao sa ganitong paraan?” Tama ba ito? Sabihin ninyo sa Akin, kahit na hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan, hangga’t likas siyang nagtataglay ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao, magagawa ba niyang magkaroon ng isang pangunahing prinsipyo sa kung paano niya tratuhin ang mga tao? (Oo.) Kapag mayroon siyang katayuan, magagawa ba niyang bitawan ang mga personal na hinaing, hindi isumbat sa mga tao ang mga dating pagkakamali, at hindi tratuhin ang mga tao batay sa kanyang mga personal na hinaing? Magagawa niya itong makamit. Kung kahit ito ay hindi mo makamit, paano ka pa aasa na maisasagawa mo ang katotohanan at makapagpapasakop ka sa mga salita ng Diyos? Kung kahit ito ay hindi mo kaya, hindi ka isang matuwid at mabait na tao; masasabi rin na hindi ka isang tao na nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao—hindi ka tao. Kung hindi ka tao at wala kang konsensiya o katwiran, anong karapatan mo na hangarin ang katotohanan? Kung hindi mo tinutugunan ang mga pangunahing kondisyon para sa pagpapasakop sa mga salita ng Diyos at paghahangad sa katotohanan, hindi mo makakamit ang katotohanan at hindi ka karapat-dapat na tawaging tao. Kung hindi mo kayang tratuhin ang mga tao nang patas, kaya mo bang mahalin ang katotohanan? Kaya mo bang isagawa ang mga salita ng Diyos? Kung kahit ang maliliit na personal na hinaing ay hindi mo kayang bitawan, at kaya mong maghiganti sa sinumang nakakapinsala sa iyo o nagpasama ng loob mo noon, at wala ka man lang anumang pamantayan ng konsensiya at katwiran, magagawa mo bang isagawa ang mga salita ng Diyos? Imposible! Samakatwid, kapag naghahalal ng isang lider, dapat mo munang tingnan kung paano tratuhin ng isang tao ang iba; ito ay isa sa mga pamantayan para sa pagsukat kung mayroon bang mga katangian ng pagkatao ang isang tao. Ibig sabihin, sinuman ang nagpasama ng loob niya noon, hindi siya nagtatanim ng sama ng loob, at hindi pa siya kailanman naghiganti sa sinuman, at nananatili siyang ganoon pa rin kahit pagkatapos magkaroon ng katayuan. Maaaring umasal siyang nakatataas, magkaroon ng kaunting pagnanais para sa katayuan, o magtamasa ng mga pakinabang ng katayuan, pero ginagamit niya ang mga nagpasama ng loob niya noon kung kinakailangan, at nakikisalamuha sa kanila ayon sa nararapat—marahil sa kanyang puso ay naaalala niya ang mga sama ng loob na iyon, pero hindi siya gumagawa ng anumang paghihiganti. Ito ay isang bagay na hindi makakamit ng sinumang walang mga katangian ng pagkatao; hindi ito makakamit ng mga hayop, at lalong hindi ng mga diyablo. Tanging ang mga taong nagtataglay ng konsensiya ang makapagkakamit nito. Kapag gumagawa ng anuman ang mga taong may konsensiya, inuudyukan sila ng kanilang konsensiya at kinokontrol ang kanilang pag-uugali mula sa loob, at pinipigilan ng kanilang katwiran ang kanilang mga simbuyo at kapusukan; higit pa rito, pinipigilan at kinokontrol nito ang kanilang mga hindi makatwirang kaisipan at pag-uugali. Kahit na mayroon silang katayuan, hindi sila gagawa ng mga bagay para maghiganti sa iba. Ito ay isang malinaw na palatandaan na may mga katangian ng pagkatao ang isang tao. Tingnan ninyo ang mga tao sa paligid ninyo—sinumang ganito ay isang tunay na tao. Maaaring katamtaman lang ang kanyang kakayahan, hindi mataas ang kanyang pinag-aralan, at medyo bata pa siya; maaari din na sa panlabas ay hindi siya tila ganoon kasigasig, ni hindi siya tila naghahangad nang ganoon karami, at maaaring hindi niya hahangarin ang katotohanan sa hinaharap—pero ang gayong tao, sa pinakamababa, ay isang taong maaasahan mo, tama? (Oo.)

Ngayong natapos na nating pagbahaginan ang mga pagpapamalas ng matutuwid at mababait na tao pagdating sa kung paano nila tratuhin ang iba, pag-usapan naman natin kung anong mga partikular na pagpapamalas at katangian mayroon ang ganitong uri ng tao kapag nakagagawa siya ng mali at gumagawa ng mga pagsalangsang. Bilang mga tiwaling tao, kung nagtataglay sila ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanilang pagkatao, kapag nakagagawa sila ng mali, may kamalayan man sila rito o wala, pagninilayan at susuriin nila ang sarili nilang mga salita at kilos. Kung napinsala nila ang isang tao, o kung may nagbigay ng negatibong komento tungkol sa kanila o negatibong pagsusuri sa kanila, susuriin nila ang kanilang sarili: “Alin sa mga salita ko ang mali? Ano ang ginawa kong mali? Mayroon ba akong anumang mga intensyon noong nagsasalita ako noon? Pinupuntirya ko ba ang taong iyon? Kasalanan ko ba talaga na nagdulot ako ng masasamang kahihinatnan sa kanya? Masyado ba siyang sensitibo, o hindi ba ako naging sapat na maingat sa pagsasaalang-alang ko at hindi angkop sa pagpili ko ng mga salita nang panahong iyon?” Madalas nilang susuriin ang kanilang sarili, at magkakaroon ng saloobin ng pag-asal nang may pagpapakumbaba. Ang saloobing ito ay nagmumula sa kanilang pagkamatuwid at kabaitan, at siyempre, nagmumula rin ito sa kanilang pagkamakatwiran. Isang aspekto iyan. Higit pa rito, kung matutuklasan nila sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili na mayroon silang ilang problema, o kung tutukuyin ng iba ang mga problema nila, makakaramdam sila ng pagkabagabag at kakabahan sila: “Nagkamali ba ako sa kung paano ko ito ginawa? Hindi ko ba dapat ginawa iyon nang ganoon? Hindi ko iyon sinadya noong panahong iyon, at wala akong anumang mga intensyon.” Bilang mga tiwaling tao, sa ilalim ng ilang espesyal na sitwasyon o tungkol sa ilang espesyal na usapin, maaari nilang sabihing, “Hindi ko iyon sinadya o ginawa nang may anumang mga intensyon,” upang maisalba ang kanilang pride, pero makokonsensiya sila sa loob-loob nila. Sa proseso ng patuloy na pagsusuri at pagninilay sa kanilang sarili, kung matutuklasan nilang talagang mali ang ginawa nila, muli silang makakaramdam ng pagiging hindi mapalagay, pakiramdam na hindi nila dapat ginawa iyon nang ganoon; makakaramdam sila ng pagsisisi at pagkabagabag, at susubukan nilang humanap ng mga paraan para makabawi sa ginawa nila o mga pagkakataon para itama ito, maagap pa ngang humihingi ng paumanhin at inaamin ang pagkakamali nila. Pagkatuklas na nakagawa sila ng mali, ang mga taong may mga katangian ng pagkatao ay unang makakaramdam ng kirot ng pagkabagabag sa kanilang puso, mamumula sila, at sasakit ang kanilang ulo; ang mga ito ay mga normal na reaksyong nagmumula sa konsensiya. Saan nakabatay ang mga normal na reaksyong ito? Nakabatay ang mga ito sa pagtataglay ng isang tao ng mga katangian ng pagkamatuwid, kabaitan, at pagkamakatwiran sa loob ng kanyang pagkatao. Wala siya ng mga pagpapamalas na ito dahil gusto niyang maisalba ang sarili niyang pride, ni dahil napahiya siya o minaliit siya ng iba, kundi dahil nakokonsensiya siya at sinisisi niya ang kanyang sarili sa paggawa ng mali, pakiramdam niya ay hindi niya dapat ginawa iyon sa ganoong paraan. Isa itong saloobin ng pag-amin sa kanyang mga pagkakamali, at isa rin itong reaksyong umuusbong mula sa pagkokondena ng kanyang konsensiya at sa papel ng kanyang pagkamakatwiran. Magkakaroon siya ng reaksyon; hinding-hindi siya magiging ganap na manhid, ni susubok na walang-hiyang makipagtalo at pangatwiranan ang sarili niya, ni susubok na humanap ng mga paraan para takasan ang responsabilidad, kundi sa halip ay magkakaroon siya ng saloobin ng maagap na pag-amin at pagtanggap, at ng pagiging handang umako ng responsabilidad. Dahil nagtataglay ang ganitong uri ng tao ng mga katangian ng pagkamatuwid at kabaitan sa kanyang pagkatao, napakalinaw ng kanyang pakiramdam ng kahihiyan. Kung makagagawa siya ng kaunting pagkakamali, sa sandaling tukuyin ito ng isang tao, hindi niya magagawang itago ang kanyang kahihiyan. Kung makikipagtalo pa siya nang kaunti, mararamdaman niya, “Malinaw na kasalanan ko ito, at malinaw na niya itong naipaliwanag, kaya bakit pa ako nakikipagtalo?” Direkta niyang aaminin ang kanyang pagkakamali, pakiramdam na ganap siyang napahiya at gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa. Ang mga ito ba ang mga epekto ng konsensiya at katwiran? (Oo.) Kung maraming tao ang nakakaalam tungkol sa ginawa niya, mas lalo siyang makakaramdam ng labis na kahihiyan na magpakita ng kanyang mukha, at susubukan niyang humanap ng mga paraan para makabawi rito at itama ang ginawa niya. Ibig sabihin, pagkatapos makagawa ng pagkakamali ang isang taong may konsensiya at katwiran, mayroon siyang pangunahing saloobin ng pag-amin sa kanyang pagkakamali; kaya niyang tanggapin ang katunayang ito at nagtataglay siya ng pakiramdam ng kahihiyan. Higit pa rito, hindi lang niya inaamin ang kanyang pagkakamali at hinahayaan na lang ito; susubukan din niyang humanap ng mga paraan para makabawi rito. Dahil mayroon siyang konsensiya, isinasapuso niya ang kanyang ginagawa; kapag nahaharap sa isang sitwasyon, isinasapuso niya ito at tinatrato ang sitwasyon nang taimtim at responsable, pinag-iisipang mabuti ang problemang kinakaharap, at tinatrato ito nang seryoso, sa halip na maging pabasta-basta, iniraraos lang ang mga bagay-bagay, o lalong hindi niya tinatakasan ang responsabilidad. Kaya niyang umako ng responsabilidad, tanggapin ang kanyang pagkakamali nang taimtim at nang buong puso, at pagkatapos ay magsalita at kumilos nang responsable, nagsusumikap na bawasan ang kawalan. Hinding-hindi siya tulad ng mga taong kauri ng mga diyablo, na sumasabog sa galit sa sandaling punahin sila ng isang tao dahil sa paggawa ng mali, na nag-iisip ng bawat posibleng paraan para iwasan at takasan ang responsabilidad, na sinusubukan ang lahat ng paraan para ipasa ang sisi sa iba, at nag-aastang isang banal na hindi kailanman gumagawa ng anumang mali. Para sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop, lalong totoo na hindi nila alam kung ano ang tama at mali sa anumang ginagawa nila. Kung tutukuyin mo na may ginawa silang mali, inaamin naman nila ito, pero kung tatanungin mo sila kung saan sila nagkamali, sasabihin nila, “Hindi ko alam, pero dahil sinasabi mong mali ako, mali ako.” Ngunit kapag nakaharap muli sila ng ganitong uri ng bagay, gagawin pa rin nila ito sa parehong paraan. Gaano man karaming mali o masamang bagay ang gawin nila, o gaano man karaming tiwaling disposisyon ang ibunyag nila, sa huli ay palagi silang nauuwi sa iilang linyang iyon: “Ano ba ang ginawa kong mali? Mali ba para sa akin na magdusa at magbayad ng halaga sa loob ng napakaraming taon? Kung hindi ako nanampalataya sa Diyos at wala akong konsensiya at katwiran, makakapagdusa ba ako nang ganito katindi?” Ang mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop ay makitid ang isip, palaging nagtatapos sa iilang linyang iyon. Pero ang mga taong kauri ng mga diyablo ay higit na mas tuso kaysa sa mga nagreinkarnasyon mula sa mga hayop; gagamit sila ng iba’t ibang paraan at pamamaraan para gumawa ng kasamaan at ilihis ang mga tao, at ang ilang tao na mababa ang tayog at walang pagkilatis ay tunay na malilinlang. Sa madaling salita, hinding-hindi aaminin ng mga diyablo kapag nakagagawa sila ng mali. Hindi nila hindi inaamin na sila ay mga taong may mga tiwaling disposisyon, kundi gusto pa nilang isipin ng mga tao na sila ay sagrado at hindi nalalabag, at mga walang-kapintasang tao na hindi kailanman nagkakamali. Anuman ang gawin nilang mali, palagi nilang ipinapahayag ang mga dahilan kung bakit nila ito ginawa, at palagi nilang sinusubukang pangatwiranan ang sarili nila. Sa huli, ipinapahayag nilang wala silang kakayahang gumawa ng masama, na kahit pa makagawa sila ng mali ay mayroon silang dahilan para dito, na hindi sila mga taong may mga tiwaling disposisyon, na hindi sila kailanman gagawa ng anumang mali, at na sadyang mga banal at walang-kapintasang tao sila. Gayumpaman, ang mga taong nagtataglay ng mga katangian ng konsensiya at katwiran sa loob ng kanilang pagkatao ay naiiba. Dahil sila ay matutuwid na tao na hindi baliko o mapanlinlang, kung sasabihin mong may ginawa silang mali, kahit pa hindi nila ito ginawa o wala itong kinalaman sa kanila, handa muna silang tanggapin ito. Kapag sinasabi sa kanila ng iba, “Hangal ka ba? Kung tatanggapin mo ito, kakailanganin mong umako ng responsabilidad,” sasabihin nila, “May bahagi rin ako sa nangyari; sangkot din ako.” Kaya nila itong tanggapin; ang saloobin nila ay matapat at matuwid. Minsan ay gugustuhin din nilang takasan ang responsabilidad, pero pagkatapos ay pagninilayan nila: “Bakit tatakasan ang responsabilidad para sa isang bagay na nakikita ng sinumang may mga mata na nangyari? Bukod pa rito, sinisiyasat ng Diyos ang pinakakaibuturan ng puso ng mga tao. Kung madawit ka sa nangyari, hindi ka palalampasin ng Diyos. Sa harap ng Diyos, ang lahat ng tao ay nalalantad, at ang lahat ng kanilang kilos at gawa ay nahahayag. Makakatakas ka ba sa harap ng Diyos? Samakatwid, ang usaping ito ay dapat pangasiwaan ayon sa panuntunan; dapat mapunta ang responsabilidad kung saan ito nararapat. Kung ako ang may kasalanan sa usaping ito, aakuin ko ang responsabilidad. Handa akong tumanggap ng kaparusahan, at handa rin akong tumanggap ng pagpupungos. Tatanggapin ko paano man ako pakitunguhan ng sambahayan ng Diyos; tutal, ako naman ang pumiling gumawa ng mali.” Tingnan mo, kapag nakagagawa sila ng mali at nahaharap sa pagpupungos, sa isang banda, mayroon silang saloobin ng pagtanggap; sa isa pang banda, kaya nila itong arukin nang tama. Sa isa pang banda naman, dahil pinag-iisipang mabuti ng ganitong uri ng tao ang sitwasyon at pinagninilayan ang kanyang sarili pagkatapos makagawa ng mali, kapag nakaharap niya muli ang parehong uri ng bagay, iisipin niya kung paano maiiwasang magkamali. Dahil nagtataglay siya ng pakiramdam ng kahihiyan, at pinapahalagahan niya ang kanyang pride, nagagawa niyang magsisi kapag nakagagawa siya ng pagkakamali.

Madalas sabihin ng mga walang pananampalataya, “Kaya nilang mamuhay sa basurahan nang hindi iniisip na mabaho ito.” Para sa mga taong walang konsensiya at katwiran, kahit pa isandaang beses nilang gawin nang mali ang parehong bagay, wala silang pakiramdam ng kahihiyan at walang pakiramdam ng pagkakasala. Hindi sila tao! Kung tao ang isang indibidwal, pagkatapos gawin nang mali ang parehong bagay nang isa o dalawang beses, mararamdaman niya, “Nakagawa na talaga ako ng matinding mali ngayon. Kailan ba ako magbabago?” Mag-aalala at mababalisa siya, at lalapit sa harap ng Diyos para magdasal at ipagtapat ang kanyang mga kasalanan. Iisipin pa nga niya kung wala na siyang pag-asa—magkakaroon siya ng ganitong maling akala. Dahil pinapahalagahan niya ang kanyang pride at mayroon siyang pakiramdam ng kahihiyan, pakiramdam niya, “Ilang beses ko nang nagawa ang ganitong uri ng pagkakamali; pangangasiwaan ba ako ng sambahayan ng Diyos? Sinukuan na ba ako ng Diyos? Masyado akong kahiya-hiya para iligtas ng Diyos!” Anuman ang mga maling pagkaunawa niya tungkol sa Diyos, sa madaling salita, pagkatapos makagawa ng mali, ang ganitong uri ng tao ay tiyak na makakakuha ng ilang karanasan at matututo ng mga aral, at susubukan niyang humanap ng bawat posibleng paraan para makabawi at itama ang kanyang mga pagkakamali, nagsusumikap na huwag nang gawin muli ang mga ito. Iisipin niya, “Hindi ko hinahangad na palugdan ang iba, pero kahit papaano man lang ay dapat payapa ako sa aking sarili. Tanging kapag payapa ako sa aking sarili, saka ako makakaharap sa Diyos sa Kanyang presensya. Kung hindi man lang ako payapa sa aking sarili, paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na humarap sa Diyos?” Kung mayroong gayong mga kaisipan ang isang tao, tiyak na nauudyukan siya ng mga katangian ng konsensiya at katwiran sa kanyang pagkatao. Kung wala kang gayong mga kaisipan, paulit-ulit kang gagawa ng parehong mga pagkakamali, at higit pa rito, hindi mo gugustuhing pakinggan o tanggapin ang sinasabi ng sinuman; maaaring hindi ka pa nga magkaroon kailanman ng saloobin ng pagsisisi, ni hindi mo gugustuhing aminin ang mga katunayan o aminin ang iyong mga pagkakamali, lalo na ang umako ng responsabilidad. Mayroon din namang mga namumuhi sa sinumang tumutukoy sa kanilang mga pagkakamali; nakikipagtalo sila sa mga ito, pinapahirapan ang mga ito, at inaatake at ginagantihan pa nga ang mga ito. Wala nang pag-asa ang gayong mga tao; ang mga ito ay mga taong walang mga katangian ng pagkatao. Gayumpaman, ang mga taong mayroon ngang mga katangian ng pagkatao ay hinding-hindi kikilos sa ganitong paraan. Pagkatapos magawa ang parehong pagkakamali nang isa o dalawang beses, pagninilayan nila, “Bakit kaya nagagawa ko pa rin ang pagkakamaling ito?” Kaya nilang hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Sasabihin mo bang isa itong saloobin ng pagbabago? (Oo.) Ang magawang pagnilayan ang sarili kapag nakagagawa ng mali at ang maging handang itama ang sariling mga pagkakamali—isa itong saloobin ng pagbabago. Kung gayon, anong uri ng mga tao ang nagtataglay ng saloobin ng pagbabago? Hindi ba’t isa itong saloobin na maaari lang umusbong sa mga tao na ang pagkatao ay nagtataglay ng mga katangian ng konsensiya at katwiran? (Oo.) Kung hindi nagtataglay ang mga tao ng konsensiya at katwiran ng pagkatao, magbabago ba sila? (Hindi.) Makakaramdam ba sila ng pagsisisi at kamumuhian ba nila ang kanilang sarili? (Hindi.) Seseryosohin ba nila ang mga maling bagay na ginawa nila at ang mga pagsalangsang na ginawa nila? Tiyak na hindi nila gagawin iyon, hindi ba? Sa tumpak na pananalita, ang mga taong walang konsensiya ay walang puso, kaya hindi nila isasapuso ang kanilang ginagawa, ni hindi nila ito seseryosohin kapag nakagagawa sila ng mali. Dahil wala silang puso, hindi nila pagninilayan ang kanilang sarili, ni hindi nila tatanggapin ang katotohanan; wala sila ng pakultad na ito. Tanging ang mga taong may konsensiya lang ang makagagawa na, kapag naririnig nilang sinasabi ng iba na may ginawa silang mali, tratuhin ang usapin nang taimtim at nang buong puso nila, seryosohin ang usapin, at pagkatapos ay makaramdam ng pagkakonsensiya at pagsisisi. Tanging sa batayan ng pagkaramdam ng pagkakonsensiya at pagsisisi sila makapagbabago, at kapag nagbago sila ay saka lang magkakaroon ng oportunidad na magpasakop sa mga salita ng Diyos, at magsagawa at umasal ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Gayumpaman, ang mga taong walang konsensiya ay hindi kailanman nakakaramdam ng pagkakonsensiya o pagsisisi; hindi nila ito kailanman sineseryoso anuman ang gawin nilang mali. Paano man ilantad ng iba ang kanilang mga problema, hindi nila ito sineseryoso at nagbibingi-bingihan sila rito. Dahil wala silang konsensiya, hindi nila tatratuhin ang usapin nang taimtim at nang buong puso nila, ni hindi nila ito pagbubulay-bulayang mabuti at pagninilay-nilayan nang buong puso nila. Kung hindi nila isasapuso ang pagninilay sa kanilang sarili, hindi sila makakaramdam ng pagsisisi o pagkakonsensiya, at kung walang pagsisisi at pagkakonsensiya, hindi sila magbabago. Kung gayon, ganap na imposible para sa ganitong uri ng tao na tanggapin ang katotohanan at magpasakop sa mga salita ng Diyos; sadyang mga tao sila na ganap na walang pag-asa na magtamo ng kaligtasan. Samakatwid, mula sa perspektiba ng tao, hindi sa hindi inililigtas ng Diyos ang mga taong ito na walang mga katangian ng pagkatao; sa halip, ito ay dahil hindi nagtataglay ang isang tao ng mga katangian ng pagkatao—ang pangunahing kondisyon para magtamo ng kaligtasan—kaya hindi niya kayang tanggapin o magpasakop sa katotohanan, sa gayon ay halos wala na siyang pag-asa na magtamo ng kaligtasan. Sa pag-iisip nito, mayroong direktang kaugnayan sa pagitan ng pagtataglay ng mga katangian ng pagkatao at pagtatamo ng kaligtasan; ganito mismo iyon. Kung hindi ka nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao, hindi mo man lang aaminin kapag nakagagawa ka ng mali, ni hindi mo ito seseryosohin, tatratuhin nang may pagsasaalang-alang, pagbubulayan nang taimtim, hindi ka makakaramdam ng pagkakonsensiya at pagsisisi, at hindi mo rin ito itatama o babaguhin. Kung hindi ka makapagbabago pagdating sa isang bagay na kasingsimple ng paggawa ng pagkakamali, mas lalong hindi ka makapagbabago pagdating sa pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon. Dahil ang mga tiwaling disposisyon ay direktang sumasalungat sa Diyos, pagdating sa kalikasan at diwa ng mga ito, ang mga tiwaling disposisyon ay higit na mas malubha kaysa sa paggawa ng mali. Kung mabibigo kang makilala ang iyong mga tiwaling disposisyon at hindi mo hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito, magiging napakahirap na lutasin ang iyong mga tiwaling disposisyon. Dahil likas na malalim ang pagkakaugat ng mga tiwaling disposisyon, kung hindi ka isang tao na naghahangad ng katotohanan, wala kang magiging paraan para lutasin ang iyong mga tiwaling disposisyon, at dahil dito, wala kang magiging paraan para isakatuparan ang isang pagbabago sa iyong buhay disposisyon. Kung gayon, ang pagtatamo ng kaligtasan ay hindi magiging isang mahirap na usapin para sa iyo—magiging imposible ito. Samakatwid, ang saloobin at reaksyon ng isang tao pagkatapos niyang makagawa ng mali o gumawa ng isang pagsalangsang ay direktang nakasalalay sa kung nagtataglay ba siya ng mga katangian ng pagkatao. Napakahalagang makita ito nang malinaw.

Tingnan ninyo ang mga tao sa paligid ninyo, at makikilatis ninyo kung, pagkatapos makagawa ng pagkakamali, maagap ba nilang inaamin at tinatanggap ito, kung nakakaramdam ba sila ng pagsisisi at pagkabagabag, at kung nagbabago ba sila pagkalipas ng ilang panahon—ibig sabihin, kung gumagawa ba sila ng pagbabago pagdating sa kanilang mga kaisipan, saloobin, at pag-uugali. Kung hindi sila nagbabago, isandaang porsyentong hindi sila tao. Kung, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, ng impluwensiya ng kanyang kapaligiran, o ng tulong ng mga kapatid—anuman ang paraan ng pagbabago ng isang tao—mayroon siyang matapat na saloobin ng pagtanggap sa katotohanan sa kanyang puso, paunti nang paunti ang pangangatwiran niya sa kanyang sarili—hanggang sa tuluyan na itong tumigil—at, batay sa kanyang mga salita at kilos, nakakaramdam siya ng pagsisisi at pagkabagabag tungkol sa pagkakamaling nagawa niya noon at gusto niyang humanap ng pagkakataon para makabawi rito, kung gayon, ang taong ito ay may pag-asang magtamo ng kaligtasan; ito ay isang tao na nagtataglay ng mga katangian ng pagkatao. Gayumpaman, hindi sineseryoso ng ilang tao pagkatapos nilang makagawa ng pagkakamali. Hindi nila kailanman binabanggit ang pagkakamaling nagawa nila, ni hindi nila inaamin ang kanilang pagkakamali, hinihimay ang kanilang sarili, o hindi sila nakakaramdam ng pagkabagabag. Tila wala silang anumang intensyon na magbago; sila ay manhid at mapurol ang isip, ginugugol ang buong araw sa pagpapakasaya nang walang pakialam, at hindi nila nararamdaman kahit kaunti na nakagawa sila ng pagkakamali. Kahit pa aminin nila ito, pinapasadahan lang nila ito nang bahagya at iyon na iyon. Tulad ng walang-hiyang mga tampalasan, inaamin nila ang kanilang mga pagkakamali sa isang sandali at gumagawa ng mga pagkakamali sa susunod, at patuloy na inaamin ang kanilang mga pagkakamali sa sandaling magawa nila ang mga ito. Para bang nagbibiro o naglalaro lang sila; hindi nila sineseryoso ang usapin. Tinatrato nila ito bilang laro ng bata, bilang isang proseso at isang pormalidad, sa halip na tanggapin ang nangyari at magbago mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Anong uri ng tao ito? Hindi ito isang tao. Hindi niya alam kung paano umasal, ni hindi niya alam kung anong uri ng landas ang pipiliin para sa kanyang sariling asal. Hindi niya nauunawaan ang mga bagay na ito; itinuturing niya ang mga ito bilang napakasimple at napakababaw. Pagkatapos makagawa ng mali, kahit pa wala siyang sabihin sa oras na iyon, palagi siyang nag-iisip ng mga paraan para pangatwiranan ang kanyang sarili at linisin ang kanyang pangalan pagkatapos. Gamit ang pagkakataong hatid ng mga pagtitipon o mga panahon na binabanggit ng lahat ang usapin, palagi niyang gustong ipaalam at ipaunawa sa lahat ang mga bagay na gusto niyang sabihin para pangatwiranan ang kanyang sarili—kung ano ang iniisip niya at kung paano siya kumilos noong panahong iyon, na mabuti ang kanyang mga intensyon, na tama ang kanyang mga layon, at na wala siyang ginawang anumang mali. Hindi lang sa wala siyang nararamdamang pagsisisi para sa kanyang mga pagkakamali at mga pagsalangsang, kundi ayaw rin niyang aminin ang mga ito, at gusto pa ngang iwasan at makalusot sa responsabilidad, umaasang maisalba ang kanyang imahe sa paningin ng lahat. Bagama’t magandang pakinggan ang ganitong uri ng tao kapag nagsasalita siya, batay sa kanyang mga pagpapamalas sa lahat ng aspekto, hindi niya inaamin o tinatanggap ang katunayan na nakagawa siya ng pagkakamali. Kung gayon, sasabihin mo bang magbabago siya? Hindi. Binabanggit niya ang usaping ito paminsan-minsan, at kailangan pa nga itong isalaysay sa lahat ng hindi nakakaalam tungkol dito. Pagkatapos itong isalaysay, nag-iisip siya ng bawat posibleng paraan para magpakitang-gilas kapag gumagawa ng ibang mga bagay para makabawi sa kanyang imahe na nasira sa nakaraang usaping iyon, upang kunin ang loob ng mga tao. Sa sandaling umasal siya nang maayos sa loob ng ilang panahon at nakalimutan na ng lahat ang ginawa niya noon, muli siyang nagsisimulang mag-isip tungkol sa pagtataas at pagpapatotoo sa kanyang sarili. Patuloy niyang binibilang kung gaano karaming ambag ang naibigay niya sa sambahayan ng Diyos, kung gaano karaming mabubuting bagay ang nagawa niya para sa sambahayan ng Diyos, at kung gaano karaming kawalan ang naiwasan ng sambahayan ng Diyos dahil sa kanya. Sadyang wala siyang anumang intensyon na magbago; wala siyang pagkaramdam ng kahihiyan. Kapag ang mga taong walang pagkaramdam ng kahihiyan ay nagkakamali at gumagawa ng mga pagsalangsang, hindi lang sila hindi nagbabago, kundi lalo pa silang sumasama. Iniisip nila: “Sino ba ang hindi nagkakamali? Ang pagkakamaling nagawa ko noon ay halos wala lang. At bukod pa rito, hindi lang ako ang sangkot. Pero hindi ko puwedeng sabihin iyon. Kailangan kong ipakita sa lahat na katanggap-tanggap ang paggampan ko at na mayroon akong saloobin ng pagsisisi, at pagkatapos ay gagawa ako ng ilang mabuting bagay para makabawi rito upang ilihis ang atensyon ng lahat at kunin ang loob nila nang kaunti—hindi ba’t uubra iyon?” Sa kanilang puso, hindi sila naniniwala na sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay. Gusto nilang gawin ang mga bagay na ito sa harap ng iba; iniisip nilang hindi nakikita ng Diyos kung ano ang iniisip nila sa kanilang puso—para sa kanila, ang pagsisiyasat ng Diyos sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao ay isa lamang doktrina. Hindi nila alam na nagsisiyasat ang Diyos, at hindi nila kinikilala o pinaniniwalaan na kayang siyasatin ng Diyos ang pinakakaibuturan ng puso ng mga tao, kaya ang lahat ng ginagawa nila ay para makita ng iba. Sa kaibuturan nila, sila ay matigas ang kalooban at mapanlaban. Nilalabanan nila ang katotohanan, nilalabanan ang pagtanggap sa mga katunayan, nilalabanan ang pag-amin sa kanilang mga pagkakamali, at lalo pang nilalabanan ang pagbabago. Hindi sila nagbabago—hindi ba’t nagpapahiwatig ito ng isang problema? Gaano man kalaki ang mga pagkakamaling nagagawa nila o gaano man kalaki ang mga pagsalangsang na ginagawa nila, hindi sila nagbabago. Katulad lang sila ni Pablo, na kinalaban ang Diyos at direktang hinampas ng Diyos, ngunit inisip pa rin niyang napakabuti niya. Iniisip ng ganitong uri ng tao: “Kung magpaparoo’t parito ako at gugugulin ko ang aking sarili, at magkakamit ako ng maraming tao at magbubunga nang marami mula sa pangangaral ng ebanghelyo, nagbibigay ng mga ambag para pagbayaran ang aking mga kasalanan, dapat akong bigyan ng Diyos ng isang korona. Ang mga korona ay para sa mga taong tulad ko. Kung hindi ako makakakuha ng korona, sino ang makakakuha? Ano ba ang problema sa paggawa ng pagkakamali?” Hangga’t, pagkatapos kong labanan ang Diyos, handa akong itama ito, ayos na iyon. Basta’t mas mangangaral ako ng ebanghelyo sa hinaharap, hindi na aalalahanin ng Diyos ang aking mga pagsalangsang.” Tingnan mo, ano ang saloobin niya sa Diyos? Ano ang saloobin niya sa katotohanan? Isa itong saloobin na walang pagkatao; ito ang saloobin ng isang diyablo. Hindi niya kailanman itinuturing ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, o ang tamang landas sa buhay bilang mga bagay na dapat niyang piliin at hangarin. Wala siyang naging anumang intensyon na magbago, at hinding-hindi niya iyuyuko ang kanyang ulo at ipagtatapat ang kanyang mga kasalanan, ni hindi siya kailanman aamin sa kanyang mga pagkakamali at magpapatalo. Ang mga salitang “kabiguan” at “pagkakamali” ay wala sa kanyang bokabularyo, lalo na ang salitang “pagsalangsang,” kaya hindi magsisisi ang ganitong uri ng tao. Kung gayon, sasabihin mo bang may konsensiya at katwiran ang ganitong uri ng tao? Nagtataglay ba siya ng mga katangian ng pagkamatuwid, kabaitan, at pakiramdam ng kahihiyan sa kanyang pagkatao? (Hindi.) Talagang hindi. Gaano man kalaki ang pagsalangsang na nagawa niya, kahit pa nasa mismong harapan na niya ang mga katunayan, wala siyang nararamdamang pagkakonsensiya sa kanyang puso. Nakakatakot ito! Kung isa kang tao na may konsensiya, tiyak na makakaramdam ka ng pagkakonsensiya kapag nakagagawa ka ng mali at gumagawa ng isang pagsalangsang. Kung talagang makagagawa ka ng isang malaking pagkakamali at magdudulot ng mga kawalan sa sambahayan ng Diyos, makakaramdam ka ng matinding pighati na nanaisin mo na lang na mamatay, isusumpa mo ang iyong sarili, at mararamdaman mong hindi ka karapat-dapat na mamuhay sa harap ng Diyos; pero ang mga taong tulad ni Pablo ay walang ganitong uri ng pagsisisi. Sa sambahayan ng Diyos, madalas nating makita na ang ilang tao ay nakakaramdam ng patuloy na paninisi sa kanilang puso pagkatapos magsabi ng kahit isang kasinungalingan o gumawa ng kahit isang bagay na lumalabag sa mga prinsipyo, at pagkatapos nilang aminin ang kanilang pagkakamali sa iba ay saka lang sila nakakaramdam na para bang naibsan sila ng isang mabigat na pasanin. Marami-raming tao ang ganito. Anuman ang mga pagkakamaling nagagawa nila, kaya nilang pagnilayan ang kanilang sarili, at kasabay nito, kaya nila itong ituring bilang isang babala at paalalahanan ang kanilang sarili na huwag nang gawin muli ang parehong pagkakamali. Kung pinapahalagahan ng isang tao ang kanyang pride, may pakiramdam ng kahihiyan, at bukod pa rito ay may katwiran, kapag nakagagawa siya ng mali, nahihiya siyang subukang pangatwiranan ang kanyang sarili o takasan ang responsabilidad at ipasa ang sisi sa iba. Sa halip, handa siyang umako ng responsabilidad, nakakaramdam siya ng pagkakonsensiya at pagkabagabag paminsan-minsan, at pagkatapos ay nagbabago siya. Nakakaramdam ng matinding kahihiyan ang ilang tao kapag nakagagawa sila ng mali at gumagawa ng mga pagsalangsang, nakakaramdam ng labis na kahihiyan na humarap sa Diyos at sa mga kapatid, samantalang ang mga walang mga katangian ng pagkatao ay walang ganitong mga damdamin. Tingnan mo, bagama’t parehong tao ang dalawang uri, para sa ilan, kung may ikakalat na tsismis na nakikipagrelasyon sila sa isang tao nang patago—at maaaring isa lang itong bagay na saglit nilang inisip sa kanilang mga isipan—sa sandaling marinig nilang pinag-uusapan ito ng ilang tao, pakiramdam nila ay ganap silang napahiya at labis na nahihiyang humarap kaninuman. Magkakaroon ng gayong mga pagpapamalas ang mga taong may pagkaramdam ng kahihiyan. Ngunit walang pakialam ang ilang tao kahit pa mahuli silang may kasiping na iba: “Ano ba ang ginawa kong mali? Hindi ba’t nakipagtalik lang ako? Ano ba ang problema roon? Hindi ba’t karaniwang pangyayari na ito ngayon?” Tingnan mo, malinaw na magkaiba ito, hindi ba? Kung maririnig ng mga taong may mga katangian ng pagkatao na pinag-uusapan lang sila ng iba, nakakaramdam sila ng labis na kahihiyan at lungkot na hindi sila makakain, nakakaramdam ng labis na kahihiyan na magpakita at pakiramdam nila ay hindi na nila kayang patuloy na mabuhay, samantalang walang pakialam ang ilang tao kahit pa mahuli silang may kasiping na ibang tao. Sadyang magkakaiba ang mga tao; kung walang pagkaramdam ng kahihiyan ang isang tao, hindi siya tao. Makakamit ba ng mga taong walang pagkaramdam ng kahihiyan ang katotohanan? Hindi minamahal ng mga taong walang konsensiya at katwiran ang katotohanan. Ito ay dahil hindi nila kinamumuhian ang kasalanan, mga buktot na bagay, o mga negatibong bagay. Dagdag pa rito, wala silang pagkaramdam ng kahihiyan kapag nakagagawa sila ng mali, at mapangahas na sinusubukang takasan ang responsabilidad. Bilang resulta, ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman maagap na lalapit sa harap ng Diyos para tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, maagap na aaminin ang kanyang katiwalian, o kusang-loob na magpapasakop sa katotohanan; wala siyang gayong pangangailangan, iniisip niyang hindi ito kinakailangan, at na hindi niya ito kailangan. Gayumpaman, para sa mga taong tunay na may konsensiya at katwiran, dahil ipinaparamdam sa kanila ng kanilang mga prinsipyo at hangganan para sa kanilang sariling asal sa lahat ng aspekto na ang mga salita ng Diyos at ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao ay ang kailangan nila, handa silang magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos; kung hindi nila ito gagawin, nakakaramdam sila ng hindi pagkapalagay sa loob-loob nila. Kung naririnig at nauunawaan nila ang mga hinihingi ng Diyos pero hindi sila kumikilos ayon sa mga ito, sa isang banda, pakiramdam nila ay pinagtitinginan sila ng mga kapatid, at sa isa pang mas mahalagang banda, pakiramdam nila ay palihim silang pinagmamasdan ng Diyos, at na hindi nila matatakasan ang Kanyang pagsisiyasat saanman sila magpunta. Iniisip nila, “Alam ng Diyos anuman ang sabihin mo. Kung nakagagawa ka ng mali pero hindi mo ito inaamin, hindi ka nakakaramdam ng pagsisisi, hindi mo ito sineseryoso, hindi ito itinatama, at hindi ka nagbabago kahit kaunti, paano ito titingnan ng Diyos?” Ang tanong na ito—“Paano ito titingnan ng Diyos?”—ay nagmumula, sa isang banda, sa kanilang pananampalataya at pagkilala sa Diyos, at sa kabilang banda, pangunahin itong nagmumula sa papel ng kanilang konsensiya at katwiran. Kaya, sa huli, ang konsensiya at katwiran ng isang tao ang tumutuoy sa mga pangangailangan ng kanyang pagkatao, sa landas na tinatahak niya, at lalo na sa kanyang mga prinsipyo at saloobin sa lahat ng uri ng bagay. Siyempre, tinutukoy rin ng mga ito kung makatatahak ba ang isang tao sa landas ng paghahangad sa katotohanan, at sa mas malaking antas ay tinutukoy ng mga ito kung makapagtatamo ba sa huli ng kaligtasan ang isang tao.

Ang nilalaman ng pagbabahaginan ngayong araw ay pawang tungkol sa iba’t ibang maliliit na usapin sa buhay na nauugnay sa pagkatao, tumatalakay sa kung mahilig bang manamantala sa iba ang isang tao sa kanyang pag-asal at pagharap sa mga bagay-bagay, kung mabait ba ang isang tao at handang tumulong at makiramay sa iba, kung handa ba siyang magbigay, at kung ano ang mga prinsipyo niya sa pagtrato sa iba, at kung ano ang mga saloobin at pananaw ng isang tao kapag nakagagawa siya ng mali. Bagama’t ang mga bagay na ito ay maliliit na usapin sa buhay, ilang napakakaraniwang pagpapamalas ng pagkatao sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, ang sinasalamin ng mga ito sa likod ng mga eksena ay ang mga katangian ng pagkatao ng isang tao. Nauudyukan ng konsensiya at katwiran, ang mga taong may mga katangian ng pagkatao ay susunod sa mga pangunahing hangganan ng moralidad, habang ang mga taong walang mga katangian ng pagkatao ay sadyang hindi nakakaunawa kung ano ang hangganan ng pagkatao at ang mga prinsipyo ng sariling asal. Kaya, ang pagkakaroon ng konsensiya at katwiran ng isang tao ang tumutukoy sa landas na tinatahak niya. Masasabi rin na tinutukoy nito ang kinabukasan at hantungan ng isang tao—sadyang ganito talaga iyon. Sige, tapusin na natin dito ang pagbabahaginan natin para sa araw na ito. Paalam!

Mayo 18, 2024

Sinundan: Paano Hangarin ang Katotohanan (20)

Sumunod: Paano Hangarin ang Katotohanan (26)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito