Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Ikaw Ba’y Nabuhay?

Kapag nakamit mo na ang pagsasabuhay sa labas ng normal na pagkatao, at ginawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya o ng anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang isasabuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay sinira ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ang mga tao ng katiwalian na ito—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka mula sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at nagdudulot ng kanilang muling magising, at kapag nagising muli ang mga espiritu ng tao, nabuhay na silang muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong ang kanilang espiritu ay namatay na. Kapag binigyang buhay ang espiritu ng mga tao, nabubuhay silang muli. Ang mga santo na pinag-usapan noon ay tumutukoy sa mga tao na nabuhay, ang mga nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas ngunit dinaig si Satanas. Natiis ng mga napiling mamamayan ng Tsina ang malupit at di-makataong pag-uusig at panlalansi ng malaking pulang dragon, na iniwan silang pinsala ang pag-iisip at wala man lang kakaunting lakas ng loob upang mabuhay. Kaya, dapat magsimula ang pagkabuhay ng kanilang mga espiritu kasama ng kanilang substansya: Unti-unti, dapat buhayin ang kanilang espiritu sa kanilang substansya. Kapag isang araw ay nabuhay na sila, wala nang magiging sagabal pa, at lahat ay magpapatuloy nang maayos. Sa ngayon, nananatili itong hindi makakamtan. Karamihan sa mga taong nagsasabuhay ay naglalaman ng maraming pakiramdam ng kamatayan, nababalot sila ng aura ng kamatayan, at masyadong marami ang kanilang kakulangan. May dalang kamatayan ang mga salita ng ilang tao, may dalang kamatayan ang kanilang pagkilos, at kamatayan ang halos karamihan sa kanilang isinasabuhay. Kung magpapatotoo ngayon sa publiko ang mga tao tungkol sa Diyos, ang gawaing ito ay mabibigo kung gayon, dahil kailangan na muna nilang mabuhay muli nang ganap, at masyadong marami ang patay sa inyo. Ngayon, nagtatanong ang ilang tao kung bakit hindi nagpapakita ng ilang hudyat at himala ang Diyos upang mabilis Niyang maipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil. Hindi maaaring magpatotoo ang patay tungkol sa Diyos; ang buhay ang maaari, ngunit karamihan sa mga tao ngayon ay patay, masyadong marami sa kanila ang namumuhay sa kulungan ng kamatayan, namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at hindi kayang magtagumpay—kaya paano sila makakapagpatotoo tungkol sa Diyos? Paano nila maipapalaganap ang gawain ng ebanghelyo?

Ang mga namumuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman ay ang mga namumuhay kasama ang mga patay, sila ang mga sinapian ni Satanas. Hindi kayang tumakas ng mga tao sa impluwensya ng kamatayan, at hindi sila maaaring maging buhay nang hindi inililigtas, hinahatulan at pinarurusahan ng Diyos. Hindi maaaring magpatotoo ang mga patay na ito tungkol sa Diyos, hindi rin sila maaaring gamitin ng Diyos, mas lalong hindi ang pumasok sa kaharian. Nais ng Diyos ang patotoo ng buhay, hindi ng patay, at hinihiling Niya na magtrabaho para sa Kanya ang buhay, hindi ang patay. Ang patay ay ang mga sumasalungat at nanlalaban sa Diyos, sila ang mga manhid sa espiritu at hindi nauunawaan ang mga salita ng Diyos, sila ang mga hindi nagsasagawa at wala man lang kakaunting katapatan sa Diyos, at sila ang mga namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas at kinakasangkapan ni Satanas. Ipinapakita ng mga patay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsalungat sa katotohanan, sa paglaban sa Diyos, at sa pagiging mababa, kasuklam-suklam, masamang-budhi, malupit, mapanlinlang, at mapanira. Kahit na kinakain at iniinom ng mga naturang tao ang mga salita ng Diyos, hindi nila kayang isabuhay ang mga salita ng Diyos; nabubuhay sila, ngunit sila ay mga patay na naglalakad, sila ay mga humihingang bangkay. Lubos na walang kakayahang pasayahin ng mga patay ang Diyos, mas lalong hindi ang ganap na sumunod sa Kanya. Kaya lamang nila Siyang linlangin, lapastanganin at ipagkanulo, at ang lahat ng kanilang isinasabuhay ay nagbubunyag sa kalikasan ni Satanas. Kung nais ng mga tao na maging buhay na nilalang, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang kailangan ng Diyos, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na nilalang. Iniligtas ng Diyos ang mga buhay, hinatulan at kinastigo na sila ng Diyos, handa nilang italaga ang kanilang mga sarili at masaya silang mag-alay ng kanilang mga buhay sa Diyos, at malugod nilang ihahandog ang kanilang buong buhay sa Diyos. Kapag nakapagpatotoo ang buhay tungkol sa Diyos saka lamang magagawang hiyain si Satanas, ang buhay lamang ang makakapagpalaganap sa ebanghelyong gawain ng Diyos, ang mga buhay lamang ang naghahabol sa puso ng Diyos, at ang mga buhay lamang ang mga tunay na tao. Sa simula, ang taong nilikha ng Diyos ay buhay, ngunit dahil sa katiwalian ni Satanas, namuhay ang tao sa gitna ng kamatayan, at namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, kaya naging mga patay na walang espiritu ang mga taong ito, naging mga kaaway sila na sumasalungat sa Diyos, naging mga kasangkapan sila ni Satanas, at naging mga bihag sila ni Satanas. Naging patay ang lahat ng mga buhay na taong nilikha ng Diyos, kaya nawala sa Diyos ang Kanyang patotoo, at nawala sa Kanya ang sangkatauhan na Kanyang nilikha at ang tanging bagay na mayroon ng Kanyang hininga. Kung babawiin ng Diyos ang Kanyang patotoo, at babawiin ang yaong mga nilikha ng Kanyang sariling kamay subalit nabihag ni Satanas, kailangan Niyang buhayin silang muli kung ganon upang sila ay maging mga buhay na nilalang, at kailangan Niya silang bawiin upang mamuhay sila sa Kanyang liwanag. Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga manhid sa sukdulan, at yaong mga sumasalungat sa Diyos. Bukod dito, sila ang mga hindi nakakakilala sa Diyos. Wala man lang kakaunting tangka ng pagtalima sa Diyos ang mga taong ito, nanlalaban lamang sila sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala man lang kakaunting katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga espiritung ipinanganak muli, na alam tumalima sa Diyos, at yaong tapat sa Diyos. Pag-aari sila ng katotohanan, at ng patotoo, at ang mga tao lamang na ito ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang tahanan. Inililigtas ng Diyos yaong mga kayang mabuhay muli, na nakikita ang pagliligtas ng Diyos, na kayang maging tapat sa Diyos, at handang hanapin ang Diyos. Inililigtas Niya yaong mga naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at naniniwala sa Kanyang pagpapakita. Kayang mabuhay muli ng ilang tao, at ang ilan ay hindi; nababatay ito kung kayang maligtas o hindi ng kanilang kalikasan. Maraming tao ang nakarinig na nang marami sa mga salita ng Diyos ngunit hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, narinig nila ang maraming salita ng Diyos ngunit wala pa ring kakayahang ilagay sa pagsasagawa ang mga ito, wala silang kakayahang isabuhay ang anumang katotohanan at sadyang hinahadlangan din ang gawain ng Diyos. Wala silang kakayahang gumawa ng anumang gawain para sa Diyos, hindi nila kayang magtalaga ng anumang bagay sa Kanya, at palihim din nilang nilulustay ang salapi ng iglesia, at kumakain nang libre sa tahanan ng Diyos. Patay ang mga taong ito, at hindi sila maliligtas. Inililigtas ng Diyos ang lahat ng nasa piling ng Kanyang gawain. Subalit may ilan sa kanila ang hindi makakatanggap ng Kanyang pagliligtas; maliit na bilang lamang ang makakatanggap ng Kanyang pagliligtas, dahil masyado nang patay ang karamihan sa mga tao, masyado na silang patay na hindi na sila maaari pang iligtas, ganap silang kinasangkapan ni Satanas, at sa kalikasan, ay sobrang sama ng kanilang budhi. Hindi rin ganap na nagawang tumalima ng maliit na bilang ng taong iyon sa Diyos. Hindi sila yaong mga lubos na naging tapat sa Diyos mula sa simula, o sukdulang nagmahal sa Diyos mula sa simula; sa halip, naging masunurin sila sa Diyos dahil sa Kanyang gawain ng panlulupig, nakikita nila ang Diyos dahil sa Kanyang kataas-taasang pagmamahal, may mga pagbabago sa kanilang disposisyon dahil sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakikilala nila ang Diyos dahil sa Kanyang gawain na parehong tunay at normal. Kung wala ang gawaing ito ng Diyos, kahit gaano pa kabuti ang mga taong ito, na kay Satanas pa rin sila, nasa kamatayan pa rin sila, patay pa rin sila. Iyon, ngayon, ay ang kayang tanggapin ng mga taong ito sa pagliligtas ng Diyos sa kadahilanang handa silang makipagtulungan sa Diyos.

Dahil sa kanilang katapatan sa Diyos, makakamit ng Diyos ang mga buhay at mabubuhay sa piling ng Kanyang mga pangako, at dahil sa kanilang pagsalungat sa Diyos, kamumuhian at itatakwil ng Diyos ang mga patay at mamumuhay sa gitna ng Kanyang kaparusahan at mga sumpa. Sadyang ganito ang matuwid na disposisyon ng Diyos at hindi mababago ng sinumang tao. Dahil sa kanilang sariling paghahangad, tumatanggap ang mga tao ng pagsang-ayon ng Diyos at namumuhay sa liwanag; dahil sa kanilang mga tusong pakana, isinumpa ng Diyos ang mga tao at nahulog sa gitna ng kaparusahan; dahil sa kanilang masamang gawain, pinarusahan ng Diyos ang mga tao; at dahil sa kanilang paghahangad at katapatan, tumatanggap ang mga tao ng pagpapala ng Diyos. Matuwid ang Diyos: Pinagpapala Niya ang mga buhay, at isinusumpa ang mga patay, upang sila ay laging nasa piling ng kamatayan, at hindi kailanman mamumuhay sa liwanag ng Diyos. Dadalhin ng Diyos ang mga buhay sa Kanyang kaharian, dadalhin Niya ang mga buhay sa Kanyang mga pagpapala upang makapiling Siya magpakailanman. Hahatawin Niya ang mga patay sa walang hanggang kamatayan; sila ang dahilan ng Kanyang pagwasak, at laging mapapabilang kay Satanas. Walang tinatrato ang Diyos nang hindi makatarungan. Siguradong mananatili sa tahanan ng Diyos ang lahat ng tunay na naghahangad sa Diyos, at siguradong maninirahan sa gitna ng Kanyang kaparusahan ang lahat ng mga suwail sa Diyos, at hindi Siya makasundo. Marahil, hindi ka sigurado tungkol sa gawain ng Diyos sa katawang-tao—ngunit balang araw, hindi mismo ang katawang-tao ng Diyos ang magpapasya sa katapusan ng tao; sa halip, ang Kanyang Espiritu ang magpapasya sa hantungan ng tao, at sa panahong iyon malalaman ng mga tao na iisa ang katawang-tao ng Diyos at ang Kanyang Espiritu, na hindi kayang magkasala ng Kanyang katawang-tao at mas lalong hindi kayang magkasala ng Kanyang Espiritu. Sa huli, siguradong dadalhin Niya sa Kanyang kaharian ang mga nabuhay muli, walang labis walang kulang, at itatapon Niya sa yungib ni Satanas ang mga patay na hindi na nabuhay muli.