93. Ang Matiwasay na Pagtutulungan ay Susi sa Isang Tungkulin

Ni Katherine, USA

Noong tag-araw ng taong 2020, gumagawa kami ni Sister Audrea ng mga video sa iglesia. Noong panahong iyon, ako ang responsable sa pagtatalaga ng mga gawain. Isinaayos kong gumawa si Audrea ng mga simpleng gawain, habang ginagawa ko naman ang mga importante. Inakala ko na kaya kong gawin nang mag-isa ang mga iyon dahil lagi ko namang natatapos nang mag-isa ang malalaking gawain noon. Mas nakapagsanay ako kaysa kay Audrea, kaya’t pakiramdam ko ay hindi na niya kailangang makisangkot pa sa mga gawaing iyon. Bukod pa rito, kung gagawin ko ito nang mag-isa, maibibigay sa akin ang pagkilala, na higit na magpapakita ng aking mga kakayahan at magdudulot na tingalain ako ng mga kapatid. Kalaunan, dumami nang husto ang trabaho ko, kaya kinailangan kong mag-overtime araw-araw. Minsan, maagang natutulog si Audrea habang ako naman ay nagpupuyat, mas maaga akong nagigising sa umaga kaysa sa kanya, at nakaramdam ako ng labis na pagod. Ngunit ayaw kong ibahagi sa kanya ang pagbalikat ng pasaning ito. Palagi kong natatapos ang mga gawain ko nang mag-isa, kaya kung tutulungan niya ako sa trabaho ko, tiyak na iisipin ng mga kapatid na hindi mahusay ang aking kakayahan sa trabaho, at magiging kahiya-hiya ito. Minsan naisip ko, kung hahayaan ko na tumulong si Audrea, magiging mas mabilis ang mga bagay-bagay, hindi ako magiging labis na abala, at ang mga resulta ay magiging mas mahusay kaysa kung gagawin ko ito nang mag-isa. Ngunit nang maisip ko na pareho kaming bibigyan ng pagkilala, hindi ako nasiyahan. At dahil lang dito kaya hindi ko pinayagan si Audrea na makibahagi sa mga gawain ko. Noong mga panahong iyon, hindi ako nagnilay sa sarili ko, hanggang isang araw, sinabi sa akin ng isang sister na si Audrea ay walang pasanin sa kanyang tungkulin at hiniling niyang magbahagi ako sa kanya. Naisip kong, “May kinalaman ba sa akin ang kawalan ni Audrea ng pasanin? Napakarami kong ginagawa araw-araw, at alam kong may oras siya, ngunit hindi ako nagtatalaga sa kanya ng mga bagong gawain, na nagiging dahilan kung bakit wala siyang ginagawa.” Hindi man malinaw, naunawaan ko na hindi tama ang paggawa nito, at na sa paggawa sa trabaho nang mag-isa, sa huli ay maaantala ko ang gawain ng iglesia. Ngunit naisip ko na makakayanan ko ito sa pamamagitan ng mas maigting pang pagsusumikap, kung kaya’t hinayaan ko na lamang na ganoon ang mga bagay-bagay. Bagama’t nakita kong mali ang aking intensyon, hindi ko pa rin ito mabitawan, na lubhang masakit para sa akin, kung kaya’t nanalangin ako sa Diyos, at humiling ako sa Kanya na gabayan ako sa pagtalikod sa aking mga maling layunin.

Habang nagsasagawa ako ng mga debosyonal, nabasa ko ang talatang ito sa salita ng Diyos: “Bagamat may mga katuwang ang mga lider at manggagawa, at may katuwang ang lahat ng gumaganap ng anumang tungkulin, naniniwala ang mga anticristo na mahusay ang kanilang kakayahan at mas magaling sila kaysa sa mga ordinaryong tao, kaya hindi karapat-dapat ang mga ordinaryong tao na maging mga katuwang nila, at mas mabababa lahat ang mga ito kumpara sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng mga anticristo na sila ang nasusunod at ayaw nilang tinatalakay ang mga bagay-bagay sa iba. Iniisip nilang magmumukha silang hangal at walang kakayahan kapag ginawa nila iyon. Anong uri ng pananaw ito? Anong uri ng disposisyon ito? Isa ba itong mapagmataas na disposisyon? Iniisip nila na ang makipagtulungan at talakayin sa iba ang mga bagay-bagay, ang magtanong sa mga ito at maghanap ng mga kasagutan mula sa mga ito, ay nakakawala ng dignidad at nakakababa ng pagkatao, na ikasisira ng kanilang respeto sa sarili. Kaya, upang maprotektahan ang kanilang respeto sa sarili, hindi nila pinapayagang makita ng iba ang anumang bagay na ginagawa nila, ni hindi nila sinasabi sa iba ang tungkol dito, at lalong hindi nila ito tinatalakay sa mga ito. Iniisip nila na ang makipagtalakayan sa iba ay nagpapakita na wala silang kakayahan; na ang laging paghingi ng mga opinyon ng ibang tao ay nangangahulugang sila ay mangmang at walang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili; na ang magtrabahong kasama ng iba sa pagtapos ng gampanin o pag-aayos ng ilang problema ay pagmumukhain silang walang kuwenta. Hindi ba’t ito ang mayabang at kakatwa nilang pag-iisip? Hindi ba’t ito ang kanilang tiwaling disposisyon? Masyadong halata ang taglay nilang kayabangan at pagmamatuwid sa sarili; ganap na nawalan na sila ng normal na katwiran ng tao, at medyo hindi na matino ang kanilang pag-iisip. Lagi nilang iniisip na may mga abilidad sila, na kaya nilang tapusin ang mga bagay-bagay nang sila lang, at hindi nila kailangang makipag-ugnayan sa iba. Dahil may gayong mga tiwaling disposisyon sila, hindi nila makamit ang matiwasay na pakikipagtulungan. Naniniwala sila na ang magtrabahong kasama ang iba ay magpapahina at maghahati-hati ng kanilang kapangyarihan, na kapag may kahati silang iba sa gawain, nababawasan ang sarili nilang kapangyarihan at hindi nila napagpapasyahan ang lahat ng bagay nang sila lang, ibig sabihin ay wala silang totoong kapangyarihan, na para sa kanila ay isang matinding kawalan. Kaya, kahit ano pang mangyari sa kanila, kung naniniwala silang nauunawaan nila at alam nila kung paano ito pangasiwaan, hindi na nila ito tatalakayin pa sa iba, nanaisin nilang panatilihin ang kontrol nila rito. Mas gugustuhin nilang makagawa ng mga pagkakamali kaysa ipaalam sa ibang tao, mas gugustuhin nilang maging mali kaysa ibahagi ang kapangyarihan sa sinuman, at mas gugustuhin nilang matanggal sa puwesto kaysa hayaan ang ibang tao na makialam sa kanilang gawain. Ganito ang isang anticristo. Mas pipiliin pa nilang pinsalain ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, mas pipiliin pang isugal ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kaysa ibahagi ang kanilang kapangyarihan sa sinuman. Iniisip nila na kapag may ginagawa silang isang bahagi ng gawain o may inaasikasong ilang bagay, hindi ito ang pagganap ng isang tungkulin, bagkus ay isang pagkakataon na makapagpakitang-gilas at mamukod-tangi sa iba, at isang pagkakataon na makagamit ng kapangyarihan. Kaya naman, bagamat sinasabi nilang makikipagtulungan sila nang maayos sa iba at na tatalakayin nila ang mga lumilitaw na isyu nang kasama ang iba, ang totoo, sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi sila handang bitiwan ang kanilang kapangyarihan o katayuan. Iniisip nila na hangga’t nauunawaan nila ang ilang doktrina at may kakayahang gawin ito nang mag-isa, hindi nila kailangang makipagtulungan sa sinuman; iniisip nilang dapat itong isagawa at makumpleto nang mag-isa, at na ito lamang ang dahilan ng kanilang kahusayan. Tama ba ang ganitong pananaw? Hindi nila alam na kapag lumalabag sila sa mga prinsipyo, hindi nila natutupad ang kanilang mga tungkulin, kaya hindi nila naisasakatuparan ang atas ng Diyos, at sila ay nagseserbisyo lamang. Sa halip na hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin, gumagamit sila ng kapangyarihan ayon sa kanilang mga saloobin at layunin, nagpapakitang-gilas, at ipinaparada ang kanilang sarili. Kahit sino pa ang kanilang katuwang o kahit ano pa ang kanilang ginagawa, hindi nila kailanman gustong talakayin ang mga bagay-bagay, gusto nilang palaging kumikilos nang mag-isa, at gusto nilang sila lagi ang nasusunod. Malinaw na pinaglalaruan nila ang kapangyarihan at ginagamit ang kapangyarihan para gawin ang mga bagay-bagay. Lahat ng anticristo ay gustung-gusto ng kapangyarihan, at kapag may katayuan sila, gusto nila ng higit pang kapangyarihan. Kapag may taglay silang kapangyarihan, malamang na gamitin ng mga anticristo ang kanilang katayuan upang makagpakitang-gilas, at ibida ang kanilang sarili, upang tingalain sila ng iba at makamit nila ang kanilang mithiing mamukod-tangi mula sa karamihan. Kaya nahuhumaling ang mga anticristo sa kapangyarihan at katayuan, at hinding-hindi nila ito bibitiwan kailanman(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Sa salita ng Diyos, nakita ko na ang mga anticristo ay may napakayabang na disposisyon at hindi nakikipagtulungan sa sinuman. Iniisip nila na kung magbabahagi sila ng trabaho sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, kakalat ang kapangyarihan, at hindi sila hahangaan ng iba. Dahil dito, mas gugustuhin nilang maapektuhan ang gawain ng iglesia kaysa magbahagi ng trabaho sa iba. Pinagnilayan ko ito at nakita kong ganoon din ako. Hindi ko nais na makibahagi si Audrea sa mga gawain ko dahil natakot ako na ang pakikilahok niya ay magpapakita na ako ay walang kakayahan at sisira ng aking imahe, kung kaya’t mag-isa ko itong ginawa. Dahil dito, labis akong napagod, at ang trabaho ay naantala. Ako ay labis na naging mayabang at hindi makatwiran! Anuman ang gawain na mayroon sa iglesia, walang sinuman ang makagagawa nito nang mag-isa. Ang lahat ay nangangailangan ng makakasama at makakatulong, at ang kapatiran ay kailangang magtulungan nang may iisang puso upang matapos ang gawain, dahil walang taong hindi nagkakamali. Gaano man kahusay ang kanilang kakayahan, o anuman ang kanilang mga kaloob at talento, ang lahat ay may mga kahinaan at kakulangan, at kailangan nating matutong bitawan ang ating mga sarili at makipagtulungan sa ating mga kasama upang magampanan natin nang maayos ang ating mga tungkulin. Ngunit ako ay may mayabang na disposisyon. Labis akong mapaghangad sa aking tungkulin, nais kong ako lang ang kilalanin, at gusto kong hangaan ako ng iba. Mas nanaisin ko pang maantala ang gawain ng iglesia kaysa pahintulutan ang mga tao na makibahagi o makialam sa aking gawain. Sa paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan, hindi ako nakakaipon ng mabubuting gawa, gumagawa ako ng kasamaan! Nang maunawaan ko ito, labis akong nalungkot, kung kaya’t lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos, masyado akong mayabang, at wala ng kahit anong pagkatao at katwiran. Nais ko pong magsisi. Gabayan Mo po ako sa pagkilala ko sa aking sarili.”

Isang araw, naghanap ako ng mga bahagi ng salita ng Diyos na may kaugnayan sa aking kalagayan, at natagpuan ko ang siping ito: “Ano ang dapat gawin ng isang tao para magampanan niya nang mabuti ang kanyang tungkulin? Dapat niya itong magampanan nang buong puso at buong lakas. Ang ibig sabihin ng paggamit ng buong puso at buong lakas ng isang tao ay pagtuon ng buong isip niya sa pagganap sa kanyang tungkulin at hindi pagpapahintulot na maging abala siya sa ibang bagay, at pagkatapos ay paggamit sa lakas na taglay niya, paggugol sa buong lakas niya, at pagdadala ng kakayahan, mga kaloob, mga kalakasan niya, at ng mga bagay na kanyang naunawaan para gamitin sa gawain. Kung may abilidad kang umunawa at umintindi, at mayroon kang magandang ideya, dapat mong kausapin ang iba tungkol doon. Ito ang ibig sabihin ng maayos na pakikipagtulungan. Ganito mo magagampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, ganito mo makakamit ang katanggap-tanggap na pagganap ng iyong tungkulin. Kung nais mo palaging akuin ang lahat ng bagay nang mag-isa, kung gusto mo palaging gumawa ng malalaking bagay nang mag-isa, kung gusto mo palaging nasa iyo ang atensyon at hindi sa iba, ginagampanan mo ba ang iyong tungkulin? Ang ginagawa mo ay tinatawag na paghahari-harian; pagpapakitang-gilas iyon. Satanikong pag-uugali iyon, hindi pagganap sa tungkulin. Walang sinuman, anuman ang kanyang mga kalakasan, mga kaloob, o espesyal na mga talento, ang kayang umako sa lahat ng gawain nang mag-isa; dapat siyang matutong makipagtulungan nang maayos kung nais niyang magawa nang mabuti ang gawain ng iglesia. Iyon ang dahilan kung bakit ang maayos na pakikipagtulungan ay isang prinsipyo ng pagsasagawa ng pagganap sa tungkulin ng isang tao. Basta’t ginagamit mo ang iyong buong puso at buong lakas at buong katapatan, at inaalay ang lahat ng kaya mong gawin, ginagampanan mo nang mabuti ang iyong tungkulin. Kung mayroon kang saloobin o ideya, sabihin mo ito sa iba; huwag mo itong pigilan o itago—kung mayroon kang mga mungkahi, ibigay mo ang mga ito; kung kaninong ideya ang alinsunod sa katotohanan ay dapat tanggapin at sundin. Gawin mo ito, at makakamit mo ang maayos na pakikipagtulungan. Ito ang ibig sabihin ng matapat na pagganap sa tungkulin ng isang tao. Sa pagganap sa iyong tungkulin, hindi mo dapat akuin ang lahat nang mag-isa, ni hindi ka dapat magpakamatay sa katatrabaho, o maging ‘ang tanging bulaklak na namumukadkad’ o taong mapagsarili; bagkus, dapat mong matutuhan kung paano makipagtulungan nang maayos sa iba, at gawin ang lahat ng makakaya mo, para tuparin ang mga responsabilidad mo, para ibuhos ang buong lakas mo. Iyon ang ibig sabihin ng pagganap sa iyong tungkulin. Ang pagganap sa iyong tungkulin ay paggamit sa lahat ng lakas at liwanag na taglay mo upang magkamit ng isang resulta. Sapat na iyon. Huwag mong palaging subukang magpasikat, palaging magsabi ng matatayog na bagay, at gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa. Dapat matutuhan mo kung paano makipagtulungan sa iba, at dapat mas tumuon ka sa pakikinig sa mga mungkahi ng iba at pagtuklas sa kanilang mga kalakasan. Sa ganitong paraan, magiging madali ang pakikipagtulungan nang maayos. Kung palagi mong sinusubukan na magpasikat at ikaw ang masunod, hindi ka nakikipagtulungan nang maayos. Ano ang ginagawa mo? Nagdudulot ka ng kaguluhan at nangmamaliit ng iba. Ang pagdudulot ng kaguluhan at pangmamaliit ng iba ay pagganap sa papel ni Satanas; hindi iyon pagganap ng tungkulin. Kung palagi kang gumagawa ng mga bagay na nagdudulot ng kaguluhan at nangmamaliit ka ng iba, gaano man katinding pagsisikap ang gugulin mo o pag-iingat ang gawin mo, hindi iyon maaalala ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Habang pinag-iisipan ko ang salita ng Diyos, nakaramdam ako ng kahihiyan. Inihayag ng salita ng Diyos ang aking kalagayan. Upang makapagyabang at mapagtibay ang aking sarili, at mahangaan, ninais kong akuin ang paggawa ng video nang mag-isa, nang hindi pinahihintulutan si Audrea na makibahagi. Pakiramdam ko’y kung makikibahagi si Audrea, mananakaw sa akin ang pagkilala. Kapag nagkagayon, wala akong puhunan na maipagyayabang, at wala nang paraan upang makuha ko ang paghanga ng iba. Naisip ko na matatalo ako kung ganito. Alam ko na mabigat ang trabaho, na magdudulot ako ng pagkaantala kung gagawin ko ito nang mag-isa, at kung makakasama si Audrea, ang trabaho ay mas mabilis na matatapos at ang mga resulta ay magiging mas maayos. Alam ko rin na ang karamihan ng trabaho sa pangkat ay nasa aking mga kamay, na siya ay madalas na walang ginagawa at walang trabaho, at naapektuhan ang kanyang kalagayan, ngunit hindi ko pa rin siya hinayaang makibahagi sa akin sa pagbalikat ng pasaning ito. Ninais kong gawin ang trabaho nang mag-isa upang matanggap ang lahat ng pagkilala, at upang patunayan na mahusay ang teknikal at propesyonal kong mga kasanayan. Ang iniisip ko lamang sa buong panahong iyon ay ang katayuan at karangalan ko. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, at wala akong pakialam sa nararamdaman ng aking kapatid. Wala talaga akong konsensya o pagkatao! Kung titingnan, gumigising ako nang maaga at nagtatrabaho nang husto araw-araw, na tila kaya kong pasanin, pagdusahan, at pagbayaran ang kabayaran, ngunit ang katotohanan, nagsasagawa ako ng mga personal na pagsusumikap at nagbibigay-kasiyahan sa sarili kong mga ambisyon at pagnanasa. Hindi ko ginagampanan ang aking tungkulin bilang isang nilalang. Ginagambala ko ang gawain ng iglesia sa ilalim ng pagkukunwaring ginagawa ko ang aking tungkulin, at nagsasagawa ako ng kasamaan. At tinatahak ko ang landas ng isang anticristo.

Kalaunan, nakita ko ang dalawa pang sipi sa mga salita ng Diyos: “Kapag hinihingi ng Diyos na tuparin ng mga tao ang kanilang tungkulin nang maayos, hindi Niya hinihingi sa kanila na tapusin ang ilang partikular na gawain o isakatuparan ang anumang matinding pagsusumikap, ni ang gampanan ang anumang dakilang pagsasagawa. Ang nais ng Diyos ay magawa ng mga tao ang lahat ng makakaya nila sa isang praktikal na paraan, at mamuhay alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kailangan ng Diyos na maging dakila o marangal ka, o na maghimala ka, at hindi rin Niya nais na makakita ng anumang kaaya-ayang mga sorpresa sa iyo. Hindi Niya kailangan ang ganoong mga bagay. Ang tanging kailangan ng Diyos ay ang matimtiman kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Kapag nakikinig ka sa mga salita ng Diyos, gawin mo ang naunawaan mo, isakatuparan mo ang naintindihan mo, tandaan mo nang maigi ang narinig mo, at pagkatapos, kapag dumating na ang oras para magsagawa, magsagawa ka ayon sa mga salita ng Diyos. Hayaan mong ang mga ito ang maging buhay mo, ang mga realidad mo, at ang isinasabuhay mo. Sa gayon, masisiyahan ang Diyos. Palagi kang naghahangad ng kadakilaan, karangalan, at katayuan; palagi kang naghahangad ng pagpaparangal. Anong nararamdaman ng Diyos kapag nakikita Niya ito? Kinamumuhian Niya ito, at lalayo Siya sa iyo. Habang lalo kang naghahangad ng mga bagay gaya ng kadakilaan, karangalan, at pagiging mas mataas kaysa iba, kilala, katangi-tangi, at kapansin-pansin, lalo kang kasuklam-suklam para sa Diyos. Kung hindi mo pagninilayan ang iyong sarili at magsisisi, kamumuhian ka ng Diyos at tatalikdan ka Niya. Iwasan mong maging isang taong kasuklam-suklam para sa Diyos; maging isang taong minamahal ng Diyos. Kaya, paano makakamit ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos? Sa pamamagitan ng masunuring pagtanggap sa katotohanan, pagtayo sa posisyon ng isang nilalang, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos nang nakatapak ang mga paa sa lupa, pagganap sa mga tungkulin nang maayos, pagiging isang matapat na tao, at pagsasabuhay ng isang wangis ng tao. Sapat na ito, masisiyahan na ang Diyos. Dapat siguruhin ng mga tao na huwag mag-ambisyon o mag-isip ng mga walang-saysay na pangarap, huwag maghangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan o mamukod-tangi sa karamihan. Bukod pa roon, hindi nila dapat subukang maging isang dakilang tao o superman, na nakalalamang sa mga tao at nagpapasamba sa mga tao. Iyan ang hangarin ng tiwaling sangkatauhan, at ito ang landas ni Satanas; hindi nililigtas ng Diyos ang ganoong mga tao. Kung ang mga tao ay patuloy na naghahangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan nang hindi nagsisisi, wala nang lunas para sa kanila, at iisa lang ang kalalabasan nila: ang itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). “Ano ang pamantayang ginagamit para husgahan kung mabuti o masama ang mga ikinikilos at inaasal ng isang tao? Ito ay kung taglay ba niya o hindi, sa kanyang mga iniisip, ipinapakita, at ikinikilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda, isa kang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Para sa Diyos, ang mga iniisip at ipinapakita mong kilos ay hindi nagpapatotoo sa Kanya, ni ipinapahiya o tinatalo si Satanas; sa halip, nagbibigay ang mga ito ng kahihiyan sa Kanya, at puno ang mga ito ng mga marka ng kasiraan ng puri na idinulot mo sa Kanya. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni ginagampanan ang mga responsabilidad at obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang kahulugan ng ‘para sa iyong sariling kapakanan’? Sa tiyak na pananalita, ang ibig sabihin nito ay para sa kapakanan ni Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Sa mga mata ng Diyos, hindi ituturing na mabubuting gawa ang iyong mga ikinilos, ituturing ang mga ito na masasamang gawa. Hindi lamang mabibigong makamit ng mga ito ang pagsang-ayon ng Diyos—kokondenahin pa ang mga ito. Ano ang inaasahang makamit ng isang tao mula sa ganitong pananalig sa Diyos? Hindi ba mabibigo sa huli ang gayong paniniwala?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Sa katunayan, ang mga hinihingi ng Diyos sa tao ay simple lamang. Hindi kailangan ng Diyos ang mga tao para gumawa ng mga dakilang bagay o gumawa ng maraming nakakagimbal na mga gawa, at hindi hinihingi ng Diyos na tayo ay maging katangi-tangi o dakilang mga tao. Nais lamang ng Diyos na tayo ay lumugar sa posisyon ng isang nilikha, hangarin ang katotohanan sa paraang mapagpakumbaba, gawin ang ating mga tungkulin sa abot ng ating makakaya, at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Sinusuri ng Diyos kung tayo ay nararapat na gumanap sa ating mga tungkulin hindi batay sa kung gaano karami ang ating naabot o gaano kalaki ang ating naiambag, kundi sa kung ang ating mga motibo sa paggawa ng mga bagay-bagay ay nagsasaalang-alang ng kalooban ng Diyos, at kung ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya. Kapag tama ang ating motibo at tinatahak natin ang tamang landas ay saka lamang tayo maaaring magkaroon ng patotoo sa ating tungkulin. Kung gagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin para lamang makamit ang kanilang sariling mga ambisyon at pagnanasa, gaano mang pagsisikap ang gugulin nila o gaano man kalaki ang iambag nila, sa huli, kamumuhian sila at itataboy ng Diyos. Naunawaan ko na lagi kong nais angkinin sa aking sarili ang lahat ng pagkilala para sa aking tungkulin. Dahil sa aking mapagmataas na disposisyon, nais kong gawin ang lahat ng trabaho at hindi ako nakipagtulungan sa aking kasama. Nagtrabaho ako nang husto at pinagod ang aking sarili upang maging mataas ang pagtingin sa akin ng iba. Wala sa naging pagsusumikap ko ang para mabigyang-kasiyahan ang Diyos, lahat ng ito ay para tugunan ang aking mga personal na hangarin at ambisyon. Kahit na nakamit ko ang ilang mga bagay, at nakuha ko ang paghanga at pagsang-ayon ng iba, para saan ang mga ito? Wala sa mga ito ang nangangahulugan na ginampanan ko ang aking tungkulin sa isang nararapat na paraan. Bagkus, kumilos ako ayon sa aking mga satanikong disposisyon, inako ko ang gawain nang mag-isa, inantala ang pag-usad ng paggawa ng video, at ginulo ang gawain ng iglesia. Sa huli, tatanggihan ako at palalayasin ng Diyos. Sa katunayan, ang pakikipagtulungan kay Audrea ay makababawi sa mga pagkukulang ko sa aking tungkulin. Nakatuon siya sa pagkatuto, handang mag-aral, at mabilis ang pag-unlad ng kanyang mga kasanayan, ngunit hindi ko pinagtuunan ang pag-aaral ng mga kasanayan, at kadalasan ay umaasa lamang sa aking karanasan. Bagama’t matagal ko nang ginagawa ang tungkuling ito, hindi gaanong bumuti ang aking kakayahan. Higit pa rito, ang mga iniisip ng isang tao ay palaging may kinikilingan. Ang mga taong may kamalayan sa sarili ay kayang talikuran ang kanilang sarili sa kanilang tungkulin, at handang makipagtulungan sa iba upang magampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Ito ang katwirang dapat nating taglayin at kung paano tayo dapat magsagawa. Ngunit ako ay mayabang, nag-aakalang mas matuwid sa iba, at nagnanais ng magandang katayuan. Hindi ko nais na bitawan ang aking mga interes at makipagtulungan sa aking kapatid. Ang mga bagay na ito ay nakaapekto sa pag-usad at sa mga resulta ng trabaho. Kung maaga pa lamang ay nakipagtulungan na ako sa kanya, at tinulungan namin ang isa’t isa, ang mga resulta ng trabaho ay magiging mas mahusay sana kaysa sa kasalukuyan. Nang mas pinag-isipan ko ito, mas nakita kong ako ay labis na mayabang at walang pagkatao, at kinasuklaman ko ang aking sarili at pinagsisihan ang aking mga ginawa. Hindi ko nais na gawin ang aking tungkulin nang may ganitong mga layunin. Lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “O Diyos, palagi ko pong ginagawa ang aking tungkulin nang may ambisyon, ginagawa ang mga bagay para sa aking personal na katanyagan at katayuan. Hindi ko na po ninanais na maghanap nang ganito. Nais ko pong magsisi, talikuran ang aking mga maling layunin, at makipagtulungan sa aking kapatid upang magampanan ko nang mabuti ang aking tungkulin.”

Sa aking debosyonal kinaumagahan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Yaong mga may kakayahang isagawa ang katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, maitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, at lagi mong nais na makuha ang papuri at paghanga ng iba, at hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang may takot sa Diyos na puso. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay nagkaroon ng debosyon, kung natupad ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad o kagustuhan. Sa halip, binibigyan mo ng palagiang pagsasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Pagkatapos kong pag-isipan ang mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Upang maisagawa ang isang tungkulin, dapat mong talikuran ang iyong sariling interes at isaalang-alang ang kapakanan ng iglesia. Maapektuhan man ang iyong sariling karangalan o katayuan, ang mahalaga ay maprotektahan ang gawain ng iglesia at matupad ang iyong tungkulin. Matapos kong maunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi ko na isinasaalang-alang kung ano ang iisipin sa akin ng iba. Ang inisip ko na lamang ay kung paano magagampanan nang maayos ang aking tungkulin at mapalulugod ang Diyos. Dahil dito, ibinahagi ko kay Audrea ang ilan sa aking mga gawain, at napakabilis niyang pumayag. Hindi nagtagal, lubos na nagbago ang kalagayan ni Audrea, hindi na siya kasingbakante ng dati, at matagumpay naming naubos ang mga naiwang trabaho. Pagkatapos nito, napalagay ang loob ko. Ganap ko ring naunawaan kung gaano kabuti ang pagsasagawa ng katotohanan at matiwasay na pagtutulungan sa aking tungkulin.

Pagkaraan ng ilang panahon, nakatanggap kami ng bagong gawain. Hindi ko sinasadyang naisip, “Kung gagawin ko ito nang mag-isa, wala na akong hahatian ng pagkilala. Sa taglay kong kakayahan, kaya ko itong gawin nang mag-isa. Hindi ko na kailangang isama si Audrea. Magmumukha akong walang sapat na kakayahan kung makikibahagi rin siya sa gawaing ito. Pagtatawanan ako ng lahat ng kapatid ko.” Nang maisip ko iyon, nais kong gawin iyon nang mag-isa. Sa sandaling iyon, nakita ko na mali ang aking mga layunin. Kumikilos pa rin ako para sa aking mga personal na kapakanan. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung, sa iyong puso, nahuhumaling ka pa rin sa katanyagan at katayuan, abala pa rin sa pagpapakitang-gilas at pagpapatingala sa'yo ng iba, hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan kung gayon, at maling landas ang tinatahak mo. Ang hinahangad mo ay hindi ang katotohanan, ni ang buhay, kundi ang mga bagay na gustung-gusto mo, ito ay reputasyon, kita, at katayuan—kung ganoon, walang kaugnayan sa katotohanan ang anumang gagawin mo, ang lahat ng ito ay paggawa ng masama, at pagbibigay serbisyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Mabuting Pag-uugali ay Hindi Nangangahulugan na Nagbago na ang Disposisyon ng Isang Tao). Ang salita ng Diyos ay gumising sa akin. Lagi kong hindi sinasadyang gumawa ng mga makasariling bagay. Talagang mababaw ako at nakatuon sa pansariling interes. Kinasuklaman ko ang aking sarili dahil sa sobrang katiwalian, at ninais kong talikuran ang aking mga maling layunin at isagawa ang katotohanan. Kaya hiniling ko kay Audrea na makibahagi siya kasama ko sa bagong gawain. Simula noon, kapag oras na upang magtalaga ng mga gawain, palagi akong kumukunsulta kay Audrea at nagtatanong ng kanyang opinyon, at kapag ninanais kong gawin ang lahat ng trabaho upang makuha ang lahat ng pagkilala, sinasadya kong talikuran ang aking sarili, at batay sa mga pangangailangan ng tungkulin, nagtatalaga ako ng mga gawain kay Audrea. Sa pagsasagawa nang ganito, nakakaramdam ako ng kapayapaan at kaginhawahan.

Dahil pinagdaanan ko ang karanasang ito, medyo nauunawaan ko na ngayon ang aking satanikong disposisyon. Natanto ko rin na ang matiwasay na pagtutulungan ay susi sa maayos na pagtupad ng aking tungkulin. Imposibleng magawa mo nang maayos ang iyong tungkulin nang mag-isa. Sa pamamagitan ng maayos na pagtutulungan lamang natin maaaring matanggap ang patnubay ng Banal na Espiritu.

Sinundan: 92. Isang Napakasakit na Pagpili

Sumunod: 94. Hindi Dapat Pigilan ng mga Lider ang mga Taong May Talento

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito