2. Pinatototohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol ng mga huling araw. Bagaman ang pinatototohan mo ay umaayon sa Biblia, maraming tao sa aming simbahan ang hindi tumatanggap dito. Naniniwala kami na, upang maging ang tunay na daan, dapat itong tanggapin ng maraming tao, at na ang tinatanggap ng kakaunting tao ay isang maling daan. Maghihintay kami hanggang sa tanggapin ito ng maraming tao sa aming simbahan bago kami magsimulang maniwala rito.

Sagot:

Karamihan ng tao ay ibinabatay kung ang isang bagay ay ang tunay na daan o ang huwad na daan sa dami ng tao na tumatanggap nito, naniniwala na kung maraming tao ang tumatanggap, ito kung gayon ang tunay na daan, at na kung kaunting tao lamang ang tumatanggap nito, ito ang huwad na daan. Nakaayon ba ang gayong pananaw sa katotohanan? May batayan ba ito sa mga salita ng Diyos? Alalahanin noong winasak ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng mga pagbaha: Si Noe lamang ang nagtiwala sa mga salita ng Diyos at ginawa niya ang isang arko ayon sa tagubilin ng Diyos habang ipinapangaral ang daan. Gayunman, makalipas ang 120 taon, wala ni isang tao ang naniwala o tumanggap sa ipinangaral niya, at ang mga sumakay lamang sa arko sa huli ay ang walong miyembro ng pamilya ni Noe, habang ang lahat ay nalunod sa mga pagbaha. Kaya masasabi mo bang hindi ipinangaral ni Noe ang tunay na daan? Ngayon ay alalahanin noong nagpakita ang Panginoong Jesus at isinagawa ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya: Bukod sa napakaliit na bilang ng taong tumanggap sa Panginoong Jesus, kinondena at sinalungat ng buong Judaismo ang Panginoong Jesus, bago nakipagtulungan sa mga awtoridad na Romano sa huli para ipako Siya sa krus. Dahil dito, masasabi mo bang ang mga pagbigkas at gawain ng Panginoong Jesus ay hindi ang tunay na daan? Hindi mo ba nadarama na ang pagsukat sa mga bagay sa ganoong paraan ay lubos na katawa-tawa? Ang gawain ng Diyos sa nagdaang mga henerasyon ay patunay na ang tiwaling sangkatauhan ay napakalubha na ng pagiging tiwali na sinasamba niya ang masama at kinamumuhian ang katotohanan; kapag dumarating ang tunay na daan sa mga tao, napakaliit na bilang lamang ng tao ang nagagawang sumunod at tumanggap dito, at itinatatwa at tinatalikdan ito ng karamihan. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). Sinasabi sa 1 Juan 5:19, “Ang buong sanlibutan ay nakahilig sa masama.” Kaya, ang tunay na daan ay hindi nangangahulugang tanggap ng maraming tao, at ang kinikilala ng karamihan ay hindi nangangahulugang tama, at hindi palagiang ang katotohanan. Sa katunayan, ang lahat ng tinutukoy ng karamihan ay nabibilang sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at hindi nakaayon sa katotohanan at mga katunayan. Napakakakatwa at katawa-tawa na sukatin kung ang isang daan ay ang tunay na daan o hindi batay sa kung gaano karaming tao ang tumatanggap dito. Sa maraming parte sa Biblia sinabi na ang Diyos ay humihiling sa mga tao ng kalidad, hindi dami. Halimbawa, sa Mateo 22:14, sinasabi rito: “Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Sinasabi sa Mateo 7:13-14: “Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.” Sinasabi sa Zacarias 13:8: “At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ni Jehova, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni’t ang ikatlo ay maiiwan.” Ipinapakita sa atin ng mga bersikulo na ito na napakaliit na bilang lamang ng tao ang may kakayahang matagpuan ang tunay na daan, at na maliit na bilang lamang ang matitira. Hindi ito tulad ng pinaniniwalaan natin, na kung ito ang tunay na daan ay matatanggap ito ng maraming tao; ang gayong paraan ng pagtataya ay salungat sa katotohanan at sa mga bagay na napatunayan ng gawain ng Diyos, at walang iba kundi mga imahinasyon ng tao. Ang Diyos Mismo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang Kanyang diwa ay hindi magbabago. Kahit pa wala ni isang tao ang maniwala sa Kanya, tumanggap sa Kanya, o sumunod sa Kanya, ang Kanyang gawain at mga salita ay magiging ang tunay na daan pa rin, at ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman. Katulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking mga salita ay ang katotohanang hindi magbabago kailanman. Ako ang tagapagbigay ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang halaga at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi itinatakda ng pagkilala o pagtanggap ng sangkatauhan, kundi ng mismong diwa ng mga salita. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang makatatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong ng mga ito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na naghihimagsik, nagpapabulaan, o lubos na nanglalait sa Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaan ang panahon at katunayan na maging saksi Ko at magpakita na ang Aking mga salita ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na ang lahat ng Aking sinabi ay tama, at iyon ang dapat na maipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ito ang dapat tanggapin ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa).

Dahil ang bilang ng taong tumatanggap sa isang daan ay hindi maaaring magsilbi bilang isang pamantayan para sa pagsukat kung ito ay isang tunay na daan o isang huwad na daan, paano na lamang natin ito susukatin? Ang susi ay tingnan kung ito ay naglalaman ng pagpapahayag ng katotohanan at kung ito ang tinig ng Diyos. Kung ito ang pagbigkas ng Diyos, kung ito ang pagpapahayag ng katotohanan, kung gayon gaano man karaming tao ang tumatanggap dito—kahit na isang tao lamang—ito ang katotohanan, at ang tunay na daan. Alalahanin nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa noong Kapanahunan ng Biyaya. Sina Pedro, Juan, Mateo, Nathanael, at ang iba pa, ay sumunod lahat sa Panginoong Jesus dahil nakilala nila ang tinig ng Diyos sa Kanyang ipinangaral; hindi nila ito ginawa batay sa kung gaano karaming tao ang tumanggap at sumunod sa Panginoong Jesus sa panahong iyon. Katulad nito, ang pagkilala sa pagkakaiba ngayon sa pagitan ng tunay na daan at ng mga huwad na daan ay kailangang gawin ayon sa gawain at mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang pinakasaligang prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa daang ito, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag o hindi ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at huwad na daan ay nangangailangan ng ilang aspeto ng batayang kaalaman, na ang pinakasaligan dito ay ang pag-alam kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang diwa ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, kung sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t sa pagkilala kung ito ay ang tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkaraan ay dapat mong tingnan kung mayroon o walang katotohanan sa daang ito. Ang katotohanan ang disposisyon sa buhay ng karaniwang pagkatao, na ang ibig sabihin ay yaong hiniling sa tao noong lalangin siya ng Diyos sa pasimula, at ito ay ang sumusunod, ang karaniwang pagkatao sa kabuuan nito (kabilang ang katinuan ng tao, panloob na pananaw, karunungan, at ang batayang kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung madadala ba o hindi ng landas na ito ang tao sa buhay ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan o hindi ayon sa realidad ng karaniwang pagkatao, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay sadyang napapanahon o hindi. Kung may katotohanan, makakaya nitong pangunahan ang mga tao sa karaniwan at tunay na mga karanasan; higit pa rito, nagiging lalong higit na karaniwan ang mga tao, lubos na nagiging ganap ang kanilang diwa, nagiging lalong higit na maayos ang kanilang buhay sa laman at ang espirituwal na buhay, at nagiging lalong higit na normal ang kanilang mga damdamin. Ito ang ikalawang prinsipyo. May isa pang prinsipyo, at iyan ay kung nadaragdagan ba o hindi ang pagkakilala ng tao sa Diyos, at kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahan o wala na pumukaw ng pag-ibig sa kanilang loob para sa Diyos, at higit silang mapalapit sa Diyos. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan imbes na supernatural, at kung ito ay nakapagkakaloob sa buhay ng tao o hindi. Kung ito ay umaayon sa mga prinsipyong nabanggit, maaaring mabuo ang pagpapasiya na ang daang ito ang tunay na daan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos).

Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Malinaw na isinasaad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga prinsipyo ng paghahanap sa tunay na daan. Kapag tinutukoy kung ang isang bagay ay gawain ng Diyos, at kung ito ang tunay na daan, ang susi ay tingnan kung naglalaman ito ng gawain ng Banal na Espiritu at ng pagpapahayag ng katotohanan, kung maaari itong tumustos para sa buhay ng mga tao, at kung nagiging mas normal ang pagkatao at katinuan ng mga tao matapos tanggapin ang daang ito, at kung lumalago ang kanilang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang mga ito ang pamantayan sa pagtimbang kung ang isang daan ay tunay na daan o huwad na daan. Sa pagtukoy kung ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan o hindi, kailangan nating tingnan kung ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang gawain ng Banal na Espiritu, at kailangan nating pakinggan kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapahayag ng katotohanan, at kung ang mga ito ang tinig ng Diyos. Kaya maaari din nating matukoy kung ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ang tunay na daan sa pamamagitan ng pagtingin kung ang mga sumusunod sa Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo sa pagtatagumpay laban kay Satanas, kung may pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, kung alam nila ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung kinatatakutan at sinusunod nila ang Diyos. Kung tinutukoy ng mga tao kung ang isang daan ay ang tunay na daan batay sa kung gaano karaming tao ang tumatanggap dito, kung sila ay pikit-matang sumusunod sa masa, hindi nagbibigay-pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos, at tumatangging siyasatin at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung gayon sila ay sukdulang hangal at mangmang. Sa huli ay mapalalampas ng gayong mga tao ang kanilang pagkakataong madala kapag pumarito ang Panginoon, at maaari lamang masubo sa malalaking sakuna at maalis, na samakatuwid ay tumutupad sa mga salitang ito sa Biblia: “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman(Hosea 4:6) at “ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa” (Kawikaan 10:21).

Sinundan: 1. Pinatototohanan mo na ang “Kidlat ng Silanganan” ay ang tunay na daan, ngunit ang CCP at ang karamihan sa mga pastor at elder mula sa relihiyosong mundo ngayon ay tutol at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na nagpapakita na ang “Kidlat ng Silanganan” ay hindi maaaring maging ang tunay na daan. May mali ba sa pag-unawa natin nito?

Sumunod: 3. Ang aming paniniwala na ang gawain ng Panginoong Jesus ay ang tunay na daan ay dahil maaari kaming matubos at mapatawad ng Panginoong Jesus sa aming mga kasalanan. Anong patunay ang mayroon ka upang suportahan ang iyong patotoo na ang “Kidlat ng Silanganan” ay ang tunay na daan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito