Kabanata 14

Ngayon mismo, gipit na sa panahon. Gumagamit ng maraming iba’t ibang paraan ang Banal na Espiritu para akayin tayo tungo sa mga salita ng Diyos. Dapat kang masangkapan ng lahat ng katotohanan, mapabanal, at maging tunay na malapit sa Akin at magkaroon ng kaugnayan sa Akin, at hindi ka pahihintulutang magkaroon ng anumang pagkakataon para mamili. Walang emosyon ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi nagpapahalaga sa kung anong uri ka ng tao. Hangga’t nakahanda kang maghanap at sumunod—hindi nagdadahilan, at hindi nakikipagtalo para sa mga sarili mong kapakinabangan at kawalan—kundi maghanap nang may gutom at uhaw para sa katuwiran, liliwanagan Kita. Gaano ka man kahangal at kamangmang, hindi Ako nakatuon sa mga bagay na ito. Tinitingnan Ko kung gaano ka kasipag gumawa sa positibong aspeto. Kung nakakapit ka pa rin nang mahigpit sa kuru-kuro sa sarili, nagpapaikot-ikot sa iyong sariling munting mundo, sa tingin Ko ay nasa panganib ka…. Ano ang pagdadala? Ano ang ibig sabihin ng mapabayaan? Paano ka dapat mabuhay ngayon sa harapan ng Diyos? Paano ka dapat na aktibong makipagtulungan sa Akin? Alisin mo ang iyong sariling mga kuru-kuro, suriin mo ang sarili mo, hubarin ang iyong maskara, tingnang mabuti ang sarili mong tunay na kulay, kamuhian ang sarili mo, magkaroon ng isang pusong gutom at uhaw na naghahanap sa katuwiran, maniwala na ikaw mismo ay talagang walang halaga, maging handang isuko ang sarili mo, makayang itigil ang lahat ng paraan mo ng paggawa ng mga bagay-bagay, patahimikin ang sarili mo sa harapan Ko, mas higit pang maghandog ng mga panalangin, taimtim na umasa sa Akin, tumingala sa Akin, at huwag tumigil sa paglapit sa Akin at sa pakikipagtalastasan sa Akin—sa mga bagay na ito, natatagpuan ang susi. Madalas nananatili ang mga tao sa loob ng kanilang sarili, at samakatuwid ay wala sa harapan ng Diyos.

Ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay talagang mahirap maisip ng mga tao, at pumapasok na lahat sa realidad; talagang hindi maaaring maging walang pakundangan tungkol dito. Kung wala sa tamang lugar ang puso at isip mo, hindi ka magkakaroon ng daan pasulong. Mula umpisa hanggang katapusan, kailangang mapagbantay ka sa lahat ng pagkakataon, at tiyaking manatiling mapagbantay laban sa pagpapabaya. Pinagpala yaong mga palaging mapagbantay at naghihintay at mga tahimik sa harapan Ko! Pinagpala yaong mga palaging tumitingala sa Akin sa kanilang mga puso, yaong mga maingat na nakikinig sa Aking tinig, mga nagbibigay-pansin sa Aking mga pagkilos, at mga nagsasagawa ng Aking mga salita! Talagang hindi na pwedeng maantala pa; lahat ng uri ng mga salot ay raragasa, na ibinubuka ang mababangis at duguang mga bibig nila upang lamunin kayong lahat tulad ng baha. Mga anak Ko! Dumating na ang panahon! Wala nang lugar para sa pagbubulay-bulay. Ang tanging paraan palabas na magdadala sa inyo sa ilalim ng Aking pag-iingat ay ang bumalik sa harapan Ko. Kailangang mayroon kang lakas ng karakter ng batang lalaki; huwag kang maging mahina o panghinaan ng loob. Kailangang sumabay ka sa mga hakbang Ko, huwag mong tanggihan ang bagong liwanag, at, gaya ng sinasabi Ko sa inyo kung paano kumain at uminom ng Aking mga salita, dapat kayong magpasakop at kainin at inumin ang mga ito nang wasto. May panahon pa ba para basta-bastang lumaban o makipagtunggali sa isa’t isa? Kaya mo bang makipagdigma kung hindi ka nagpapakabusog at hindi lubusang nasasangkapan ng katotohanan? Kung nais mong magtagumpay laban sa relihiyon, kailangan kang lubusang masangkapan ng katotohanan. Kumain at uminom ka ng Aking mga salita nang higit pa, at magbulay-bulay sa mga ito nang higit pa. Kailangan kang kumain at uminom ng Aking mga salita at magsimula sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos. Ituring mo itong isang babala sa iyo! Kailangan mong makinig! Yaong matatalino ay dapat madaliang gumising sa katotohanan! Bitawan ang anumang bagay na hindi mo handang talikuran. Muli Kong sinasabi sa iyo na ang gayong mga bagay ay talagang nakasasama sa iyong buhay, at walang kapakinabangan! Umaasa Ako na kaya mong umasa sa Akin sa iyong mga pagkilos; kung hindi, ang tanging landas pasulong ay ang landas ng kamatayan—saan ka kung gayon pupunta para hanapin ang landas ng buhay? Bawiin mo ang puso mo na mahilig mag-abala sa panlabas na mga bagay! Bawiin mo ang puso mo na sumusuway sa ibang tao! Kung ang buhay mo ay hindi kayang gumulang at pinababayaan ka, hindi ba ikaw kung gayon ang nakatisod sa sarili mo? Ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi tulad ng iniisip mo. Kung hindi mo kayang bitawan ang iyong mga kuru-kuro, daranas ka ng malaking kawalan. Kung ang gawain ay kaayon ng mga kuru-kuro ng tao, makakaya ba ng iyong dating kalikasan at mga kuru-kuro na malantad? Makakaya mo bang makilala ang sarili mo? Maaaring iniisip mo pa rin na wala kang mga kuru-kuro, pero ngayon malinaw na malalantad ang lahat ng iyong iba’t ibang pangit na mukha. Maingat mong tanungin ang sarili mo:

Ikaw ba ay isang taong nagpapasakop sa Akin?

Payag at handa ka bang talikuran ang iyong sarili at sumunod sa Akin?

Ikaw ba ay isang tao na naghahanap sa Aking mukha nang may dalisay na puso?

Alam mo ba kung paano lumapit sa Akin at makipagtalastasan sa Akin?

Kaya mo bang tumahimik sa harapan Ko at hanapin ang kalooban Ko?

Isinasagawa mo ba ang mga salitang ibinubunyag Ko sa iyo?

Kaya mo bang panatilihin ang isang normal na kalagayan sa harapan Ko?

Kaya mo bang mahalata ang mga tusong pakana ni Satanas? Nangangahas ka bang ilantad ang mga ito?

Gaano ka nagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos?

Ikaw ba ay isang taong nagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos?

Paano mo tinatarok ang gawain ng Banal na Espiritu?

Paano ka naglilingkod nang may pakikipagtulungan sa loob ng pamilya ng Diyos?

Paano ka matibay na nagpapatotoo para sa Akin?

Paano ipinaglalaban ang katotohanan?

Kailangan mong maglaan ng panahon para lubusang magbulay-bulay sa mga katotohanang ito. Sapat ang mga katotohanan para patunayan na ang araw ay malapit na malapit na. Kailangan kang mapaging-ganap bago sumapit ang mga sakuna—ito ay isang napakahalagang bagay, isang bagay na kailangang malutas agad-agad! Ninanais Ko na gawin kayong ganap, pero nakikita Ko na talagang tila hindi kayo masupil. Mayroon kayong tapang pero hindi ninyo ito ginagamit sa pinakamainam na paraan, at hindi pa ninyo natatarok ang pinakamahahalagang bagay; sa halip, ang natatarok ninyo ay puro mga walang-kabuluhang bagay. Ano ang pakinabang sa pagtalakay sa mga bagay na ito? Hindi ba ito isang pag-aaksaya ng panahon? Nagpapakita Ako sa inyo ng kagandahang-loob sa paraang ito pero bigo kayong makapagpakita ng anumang pagpapahalaga; nakikipaglaban lamang kayo sa isa’t isa—kaya’t hindi ba nasayang ang lahat ng Aking puspusang pagsisikap? Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan, hindi Ako maglalaan ng panahon para himukin kayo! Sinasabi Ko sa inyo, malibang gumising kayo sa katotohanan, babawiin ang gawain ng Banal ng Espiritu mula sa inyo! Wala nang ibibigay sa inyo para makain, at maaari kayong maniwala sa inaakala ninyong angkop. Lubusan Ko nang nasabi ang Aking mga salita; makinig man kayo o hindi, nasa sa inyo na iyon. Kapag dumating ang panahon na nalilito kayo, na walang daan pasulong, at hindi makita ang totoong liwanag, sisisihin ba ninyo Ako? Anong kamangmangan! Ano ang dapat kahinatnan kung mahigpit kang kumakapit sa sarili mo, at tumatangging bumitaw? Hindi ba magiging walang-kabuluhang pagsisikap ang iyong gawain? Gaano kahabag-habag ang maisantabi kapag sumapit na ang mga sakuna!

Ngayon ang napakahalagang yugto ng pagtatayo ng iglesia. Kung hindi mo kayang maagap na makipagtulungan sa Akin at buong-pusong ialay ang iyong sarili sa Akin, at kung hindi mo kayang talikuran ang lahat, daranas ka ng kawalan. Kaya mo pa bang magkandili ng ibang layunin? Nagpakita Ako sa inyo ng kaluwagan sa ganitong paraan, hinihintay kayong magsisi at magsimulang muli. Gayunpaman, talagang wala nang oras para dito, at kailangan Kong isaalang-alang ang kabuuan. Para sa kapakanan ng layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, kumikilos pasulong ang lahat, at lumalakad pasulong ang Aking mga hakbang bawa’t araw, bawa’t oras, bawa’t sandali—yaong mga hindi kayang makasabay ay maiiwan. Mayroong bagong liwanag araw-araw; ginagawa ang mga bagong gawa araw-araw. Mayroong mga bagong bagay na lumilitaw araw-araw, at yaong mga hindi nakakakita ng liwanag ay bulag! Yaong mga hindi sumusunod ay aalisin….

Sinundan: Kabanata 13

Sumunod: Kabanata 15

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito