Kabanata 41

Tungkol sa mga problemang lumilitaw sa iglesia, huwag kayong mapuno ng pangamba. Kapag itinatayo ang iglesia, imposibleng maiwasan ang mga pagkakamali, nguni’t huwag kayong mataranta kapag nahaharap kayo sa mga problema; sa halip, maging kalmado at palagay ang loob. Hindi ba sinabi Ko na sa inyo? Madalas kang lumapit sa Aking harapan at manalangin, at malinaw Kong ipakikita sa iyo ang Aking mga hangarin. Ang iglesia ang Aking puso at ito ang Aking sukdulang layunin, kaya paanong hindi Ko ito mamahalin? Huwag kang matakot—kapag nangyayari ang mga ganitong bagay sa iglesia, nangyayari ang mga ito nang may pahintulot Ko. Tumayo ka at magsalita para sa Akin. Manampalataya na ang lahat ng bagay at usapin ay pinahihintulutan ng Aking trono at nagtataglay ng Aking mga hangarin sa loob ng mga ito. Kung magpapatuloy kayong magbahagi nang walang ingat, magkakaroon ng mga problema. Naisip mo na ba ang mga kahihinatnan? Ito ang uri ng bagay na sasamantalahin ni Satanas. Madalas kang lumapit sa Aking harapan. Magsasalita Ako nang malinaw: Kung gagawa ka ng isang bagay nang hindi lumalapit sa Aking harapan, huwag mong isipin na matatapos mo iyon. Napilitan Akong lumagay sa katayuang ito dahil sa inyo.

Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala. Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo. Huwag kayong mag-atubiling kumain at uminom at tamasahin ang Aking mga salita. Kapag dumaraan ang kadiliman, naiipon ang liwanag. Pinakamadilim bago magbukang-liwayway; pagkatapos nito ay unti-unting nagliliwanag ang kalangitan, at sumisikat ang araw. Huwag kayong matakot o mahiya. Ngayon, Aking inaalalayan ang Aking mga anak at ginagamit ang Aking kapangyarihan para sa kanila.

Pagdating sa pagpapatakbo ng iglesia, huwag ninyong laging iwasan ang inyong responsibilidad. Kung maingat ninyong dadalhin ang usapin sa harap Ko, makakahanap kayo ng paraan. Kapag nangyayari ang isang maliit na problema gaya nito, natatakot at natataranta ba kayo, na hindi malaman ang gagawin? Akin nang sinabi nang maraming ulit, “Madalas kayong lumapit sa Akin!” Maingat na ba ninyong naisagawa ang mga hinihingi Kong gawin ninyo? Ilang ulit na ba ninyong napagnilayan ang Aking mga salita? Kung hindi pa ninyo nagagawa, wala kayong anumang malinaw na pagkaunawa. Hindi ba ninyo kagagawan iyan? Sinisisi ninyo ang iba, pero bakit hindi ninyo sa halip kamuhian ang inyong mga sarili? Ginugulo ninyo ang mga bagay-bagay at pagkatapos ay nananatiling walang-ingat at mapagwalang-bahala; dapat ninyong pakinggang mabuti ang Aking mga salita.

Ang masunurin at ang mapagpasakop ay tatanggap ng mga dakilang pagpapala. Sa iglesia, maging matatag kayo sa inyong patotoo sa Akin, panindigan ang katotohanan; ang tama ay tama at ang mali ay mali. Huwag malito sa kung alin ang itim at puti. Makikipagdigma kayo kay Satanas at dapat ninyong lubusang magapi ito upang sa gayon ay hindi na ito kailanman babangon. Dapat ninyong ibigay ang lahat ng mayroon kayo upang pangalagaan ang Aking patotoo. Ito ang magiging layunin ng inyong mga pagkilos—huwag kalimutan ito. Subali’t ngayon, kulang kayo sa pananampalataya at sa kakayahang makita ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay at lagi kayong hindi makaunawa sa Aking mga salita at sa Aking mga hangarin. Gayunpaman, huwag mag-alala; ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa Aking mga hakbang at humahantong lamang ang pagkabahala sa kaguluhan. Gumugol kayo ng higit na panahon sa harap Ko at huwag bigyang-halaga ang pagkain at kasuotan, na para sa pisikal na katawan. Madalas na hanapin ang Aking mga hangarin, at malinaw Kong ipakikita sa iyo kung ano ang mga iyon. Unti-unti mong masusumpungan ang Aking mga hangarin sa lahat ng bagay, kaya makakapasok Ako sa bawat tao nang walang hadlang. Magbibigay-kasiyahan ito sa Aking puso, at tatanggap kayo ng mga pagpapala kasama Ko magpakailan pa man!

Sinundan: Kabanata 40

Sumunod: Kabanata 42

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito