419 Paano Pumasok sa Tunay na Pagdarasal
Ⅰ
Sa pagdarasal kailangan mong
pumayapa, at maging tapat.
Sa Diyos tunay na makipagniig.
‘Wag Siyang lokohin sa magandang salita.
Puso mo’y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa ‘yo,
sarili’y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.
Ⅱ
Pagdarasal isentro sa matatapos Niya ngayon.
Hilinging mas malinawan ka,
dalhin problema mo sa Kanya
at iparating ang iyong pasiya.
Puso mo’y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa ‘yo,
sarili’y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.
Ⅲ
Pagdarasal ‘di para sumunod sa proseso
kundi hanapin ang Diyos.
Hilinging puso mo’y ingatan Niya.
Puso mo’y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa ‘yo,
sarili’y makikilala mo, kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka, mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin