106 Napakaligaya Kong Matamo ang Pag-ibig ng Diyos

Si Cristo ng mga huling araw ay nagpapakita sa mundo

at dinadala ang paraan ng walang-hanggang buhay.

Sa pagkaintindi sa katotohanan, ‘di na ako naliligaw,

at may direksyon na ang buhay.

Hindi ko mapawalan ang sarili ko sa mga gapos ng kasamaan

kapag naniniwala sa Panginoon.

Ngayon pagkatapos tanggapin ang paghatol ng mga salita ng Diyos,

nakikita ko nang malinaw na napakasama ko.

Ako’y nagpapasakop sa mga pagsubok at pagpipino ng Diyos,

at pinahihintulutan ang Diyos na matamo ang aking puso.

Nalinis ng paghahatol ng Diyos,

nakikita ko ang Kanyang tunay na pag-ibig.

Ngayo’y aking isinasabuhay ang isang wangis ng tao,

sa wakas ay natatamo ang kaligtasan ng Diyos.

Oh Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay taos-puso at napakaganda.

Nalulupig Mo ang aking puso, napapaibig ako nang malalim sa’Yo.


Napakagaan ng aking puso at ang aking espiritu ay masaya,

hinihikayat ako ng pag-ibig ng Diyos.

Binabasa ang mga salita ng Diyos, pinagsamang katotohanan,

nagagalak ang aking puso.

Sa pag-unawa sa katotohanan

at pagsasagawa sa mga salita ng Diyos,

mayroon akong landas na susundin sa lahat ng bagay.

Lubos akong nakakatakas sa impluwensya ni Satanas,

napalaya ako at napawalan.

Napakaligaya kong matamo ang pag-ibig ng Diyos,

labis na nakagagalak ang matamasa ang Kanyang pag-ibig.

Pinupuno ng pag-ibig ng Diyos ang aking puso,

ako ang pinakamaligayang tao.

Matapat kong tinutupad ang mga tungkulin ng tao,

upang maaaring kaagad na maaliw ang Diyos.

Pinapalaya tayo ng katotohanan,

kaya nabubuhay tayo sa harap ng Diyos sa buong buhay natin.

Ang mga umiibig sa Diyos ay ang mga pinakamaligayang tao.


Makapangyarihang Diyos!

Binigyan Mo ako ng isang masayang buhay.

Natakasan ko ang masama, nasira,

at hungkag na buhay ng nakaraan.

Nalulugod ako na matamo ang katotohanan

at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos.

Mahal at ginagalang ko ang Diyos sa aking puso,

ako’y nabubuhay sa liwanag.

Lubhang dakila ang kaligtasan ng Diyos, hindi ko mailarawan ito.

Makapangyarihang Diyos! Lagi Kitang mamahalin.

Nasasakop ng Iyong pagmamahal ang aking puso,

‘di na Kita kayang iiwan.

Nakikilala Kita nang harapan, ang aking buong puso ay sa’Yo.

Mamahalin at pupurihin Kita magpakailanman, magpakailanman.

Sinundan: 105 Napakaligaya Nating Namumuhay sa Harap ng Diyos

Sumunod: 107 Sumunod kay Cristo sa Landas ng Liwanag

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

I-type ang hinahanap mong term sa search box

Mga Nilalaman
Mga Setting
Mga Aklat
Hanapin
mga Video