Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan I
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 300
Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao’y manhid at mapurol ang isip; siya’y naging demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang naitala na sa mga aklat ng kasaysayan ang pagiging mapanghimagsik ng tao tungo sa Diyos, at kahit ang tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong ulat ng kanyang ugaling mapanghimagsik—sapagka’t ang tao ay nagawang tiwali na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas, na anupa’t hindi niya nalalaman kung saan tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kanya, at kapag hindi niya nakikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon pa ngang iba na, bagaman nasasaksihan na ang mga sumpa ng Diyos at poot ng Diyos, pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya’t sinasabi Kong nawala na ng katinuan ng tao ang orihinal nitong gamit, at na ang konsensiya ng tao, gayundin, ay nawalan ng orihinal nitong gamit. Ang taong nasisilayan Ko ay isang hayop sa anyong tao, isa siyang makamandag na ahas, at gaano man niya subukang magmukhang kahabag-habag sa mga mata Ko, hinding-hindi Ko siya kaaawaan, sapagka’t ang tao ay walang pagkaunawa sa pagkakaiba ng itim at puti, sa pagkakaiba ng katotohanan at di-katotohanan. Masyadong namanhid ang katinuan ng tao, nguni’t patuloy siyang naghahangad na magkamit ng mga pagpapala; masyadong walang-dangal ang kanyang pagkatao nguni’t naghahangad pa rin siyang taglayin ang kataas-taasang kapangyarihan ng isang hari. Kanino kaya siya magiging hari sa gayong katinuan? Papaano siya mauupo sa isang trono sa gayong katauhan? Tunay na walang kahihiyan ang tao! Siya ay isang palalong kahabag-habag! Para sa inyong nagnanais magkamit ng mga pagpapala, ipinapayo Kong humanap muna kayo ng salamin at tingnan ang inyong sariling pangit na larawan—taglay mo ba ang mga kinakailangan upang maging hari? Taglay mo ba ang mukha ng isang magtatamo ng mga pagpapala? Wala pa rin kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo pa naisagawa ang alinman sa katotohanan, nguni’t hinahangad mo pa rin ang isang magandang kinabukasan. Nililinlang mo ang iyong sarili! Isinilang sa gayong napakaruming lupain, labis nang naimpluwensiyahan ng lipunan ang tao, naimpluwensiyahan na siya ng mga etikang pyudal, at naturuan na siya sa “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na hungkag na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang nagpahina at sumalakay sa kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Lalong nagiging mas mabangis ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang magkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang magkukusang sumunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang taong magkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, walang ginawa ang tao kundi maghangad ng kalayawan, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa lupain ng putik. Marinig man nila ang katotohanan, hindi nag-iisip ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, ni nakahandang hanapin ang Diyos kahit na nasaksihan na nila ang Kanyang pagpapakita. Paano magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan ang isang sangkatauhang napakasama? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang sangkatauhang labis nang namumulok?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 301
Ang pinag-ugatan ng mga tiwaling disposisyon na lumilitaw sa tao ay ang panlilinlang, katiwalian, at lason ni Satanas. Ang tao ay iginagapos at kinokontrol ni Satanas, at dinaranas niya ang napakalaking pinsalang idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, kaunawaan, at katinuan. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi matanggap ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pangunahing bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila. Sa gayon, dapat magsimula ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kaunawaan, at katinuan na siyang magbabago ng kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan. Mas lalong ignorante sa kung ano ang Diyos o sa kung ano ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos yaong isinilang sa pinakamalubhang natiwali sa lahat ng lupain. Mas tiwali ang mga tao, mas kakaunti ang kanilang kaalaman sa pag-iral ng Diyos, at mas mahina ang kanilang katinuan at kaunawaan. Ang ugat ng pagsalungat at pagiging mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa katiwalian ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao; imoral siya, masama ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, likas na tumatalima sa Diyos ang tao at sumusunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas, pumurol at pinahina ni Satanas ang orihinal na katinuan, konsensiya, at pagkatao ng tao. Sa gayon, nawala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Nalihis ang katinuan ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at nagiging mas madalas at mas matindi ang kanyang pagiging mapanghimagsik sa Diyos. Nguni’t hindi pa rin ito batid ni kinikilala ng tao, at basta na lamang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ibinubunyag ng mga pagpapahayag ng kanyang katinuan, kaunawaan, at konsensiya ang disposisyon ng tao; dahil wala sa ayos ang kanyang katinuan at kaunawaan, at sukdulan nang pumurol ang kanyang konsensiya, kaya mapanghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon. Kung hindi mababago ang katinuan at pananaw ng tao, hindi posible ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at ganoon din ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kung hindi maayos ang katinuan ng tao, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya akmang gamitin ng Diyos. Tumutukoy “ang normal na katinuan” sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging ganap tungo sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Tumutukoy ito sa pagiging isa sa puso at isip tungo sa Diyos, at hindi pasadyang lumalaban sa Diyos. Hindi ganito ang pagkakaroon ng lihis na katinuan. Mula noong ginawang tiwali ni Satanas ang tao, nakabuo na siya ng mga kuru-kuro ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan sa Diyos o paghahangad sa Kanya, at lalo na ang pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Sadyang sinasalungat at hinahatulan ng tao ang Diyos, at, bukod pa riyan, pumupukol sa Kanya ng mga pagtuligsa sa Kanyang likuran. Hinahatulan ng tao ang Diyos nang patalikod, nang may malinaw na kaalamang Siya ang Diyos; walang intensiyon ang tao na sundin ang Diyos, at gumagawa lamang ng mga bulag na kahilingan at pakiusap sa Kanya. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahang makilala ang sarili nilang pag-uugaling kasuklam-suklam o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapanghimagsik. Kung may kakayahan ang mga taong makilala ang mga sarili nila, bahagya nilang nabawi na ang kanilang katinuan; habang mas naghihimagsik sa Diyos ang mga taong hindi pa nakakikilala sa mga sarili nila, mas wala sa ayos ang kanilang katinuan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 302
Walang ibang pinagmumulan ang pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao kundi ang mapurol niyang konsensiya, ang malisyoso niyang kalikasan, at ang katinuan niyang wala sa ayos; kung muling makababalik sa normal ang konsensiya at katinuan ng tao, magiging akma siyang magamit sa harap ng Diyos. Dahil lamang sa ang konsensiya ng tao ay manhid na noon pa man, at dahil ang katinuan ng tao, na hindi kailanman naging maayos, ay patuloy na mas pumupurol anupa’t lalo pang nagiging mapanghimagsik ang tao sa Diyos, kaya ipinako pa nga niya si Jesus sa krus at hindi pinapapasok sa kanyang tahanan ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw, at kinukondena ang katawang-tao ng Diyos, at mababa ang tingin sa katawang-tao ng Diyos. Kung mayroon kahit kaunting pagkatao ang tao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawang-tao ng Diyos; kung mayroon siyang kahit kaunting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos; kung mayroon siyang kahit kaunting konsensiya, hindi siya “magpapasalamat” sa nagkatawang-taong Diyos sa ganitong paraan. Nabubuhay ang tao sa panahon na ang Diyos ay nagkakatawang-tao, nguni’t hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng gayon kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinusumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya dito at nababagot dito. Anuman ang pagtrato ng tao sa pagdating ng Diyos, ang Diyos, sa madaling sabi, ay matiyaga nang nagpapatuloy sa Kanyang gawain noon pa man—kahit wala ni katiting na pagtanggap ang tao sa Kanya, at walang taros na humihiling sa Kanya. Naging sukdulang malupit na ang disposisyon ng tao, naging lubos na mapurol na ang kanyang katinuan, at lubusang niyurakan na ng masamang nilalang ang kanyang konsensiya at matagal nang tumigil na maging orihinal na konsensiya ng tao. Hindi lamang walang utang na loob ang tao sa nagkatawang-taong Diyos para sa pagkakaloob Niya ng kayraming buhay at biyaya sa sangkatauhan, bagkus ay naghihinakit pa nga sa Diyos dahil sa pagbibigay sa kanya ng katotohanan; dahil wala ni kaunting interes sa katotohanan ang tao kaya naghihinakit siya sa Diyos. Bukod sa hindi magawa ng taong ialay ang kanyang buhay para sa nagkatawang-taong Diyos, sinusubukan din niyang makakuha ng mga pabor mula sa Kanya, at humihingi ng interes na dose-dosenang beses na mas malaki kaysa sa naibigay na ng tao sa Diyos. Iniisip ng mga taong may gayong konsensiya at katinuan na hindi ito mahalagang bagay, at naniniwala pa rin na masyado na nilang iginugol ang sarili nila para sa Diyos, at na masyadong kakaunti ang naibigay na ng Diyos sa kanila. May mga tao na, matapos magbigay sa Akin ng isang mangkok ng tubig, inilalahad ang kanilang mga kamay at humihiling na bayaran Ko sila para sa dalawang mangkok ng gatas, o, matapos makapagbigay sa Akin ng isang kuwarto para sa isang gabi, humihiling na magbayad Ako ng renta para sa maraming gabi. Sa gayong pagkatao at sa gayong konsensiya, paano ninyo nagagawa pa ring naising magkamit ng buhay? Anong kasuklam-suklam na masasama kayo! Ang ganitong uri ng pagkatao sa tao at ganitong uri ng konsensiya sa tao ang dahilan kung bakit nagpapagala-gala sa buong lupain ang nagkatawang-taong Diyos, na walang mahanap na lugar para masilungan. Silang mga tunay na nagtataglay ng konsensiya at pagkatao ay dapat sumamba at buong pusong maglingkod sa nagkatawang-taong Diyos hindi dahil sa dami ng gawaing nagawa na Niya, nguni’t kahit na wala Siyang ginawang anumang gawain. Ito ang dapat gawin ng mga may maayos na katinuan, at ito ang tungkulin ng tao. Naghahayag pa ang karamihan ng mga tao ng mga kundisyon sa kanilang paglilingkod sa Diyos: Wala silang pakialam kung Siya man ay Diyos o tao, at binabanggit lamang nila ang sarili nilang mga kundisyon, at hinahangad lamang na mabigyang kasiyahan ang sarili nilang mga pagnanais. Kapag nagluluto kayo para sa Akin, naniningil kayo ng bayad para sa serbisyo, kapag tumatakbo kayo para sa Akin, naniningil kayo ng bayad para sa pagtakbo, kapag nagtatrabaho kayo para sa Akin, naniningil kayo ng sahod, kapag nilalabhan ninyo ang Aking mga damit, naniningil kayo ng bayad para sa paglalaba, kapag nagbibigay kayo sa simbahan, naniningil kayo ng pambawi sa gastos, kapag nagsasalita kayo, naniningil kayo ng bayad para sa pagsasalita, kapag namimigay kayo ng mga libro naniningil kayo ng bayad para sa pamamahagi, at kapag nagsusulat kayo, naniningil kayo ng bayad para sa pagsusulat. Yaong pinakitunguhan Ko na ay naniningil pa nga ng kabayaran mula sa Akin, samantalang ang mga napauwi na ay naniningil ng bayad-pinsala para sa pagkasira ng kanilang pangalan; yaong hindi pa kasal ay naniningil ng dote, o ng kabayaran para sa nawala nilang kabataan; yaong kumakatay ng manok ay naniningil ng bayad para sa mangangatay, yaong nagpiprito ng pagkain ay naniningil ng bayad para sa pagpiprito, at yaong nagluluto ng sopas ay naniningil rin ng bayad para rito…. Ito ang inyong matayog at makapangyarihang pagkatao, at ito ang mga pagkilos na idinidikta ng inyong masiglang konsensiya. Nasaan ang inyong katinuan? Nasaan ang inyong pagkatao? Hayaang sabihin Ko sa inyo! Kung magpatuloy kayong gaya nito, titigil Ako sa paggawa sa piling ninyo. Hindi Ako gagawa sa piling ng kawan ng mga hayop na nakadamit-pantao, samakatuwid ay hindi Ako magpapakasakit para sa gayong pangkat ng mga tao na ang magagandang mukha ay nagtatago ng mababangis na puso, hindi Ako magtitiis para sa gayong kawan ng mga hayop na wala ni katiting na posibilidad ng kaligtasan. Ang araw na talikuran Ko kayo ay ang araw na mamamatay kayo, ito ang araw na darating sa inyo ang kadiliman, at ang araw na itatakwil kayo ng liwanag. Hayaang sabihin Ko sa inyo! Hindi Ako kailanman magiging mabait sa isang pangkat na katulad ninyo, isang pangkat na mas mababa pa sa mga hayop! May mga hangganan ang Aking mga salita at pagkilos, at sa ganyan ninyong pagkatao at konsensiya, hindi na Ako gagawa pa, sapagka’t sobrang kulang kayo sa konsensiya, nagdulot na kayo ng matinding sakit sa Akin, at lubos Kong kinasusuklaman ang inyong pag-uugaling nakaririmarim. Hindi kailanman magkakaroon ng pag-asa sa kaligtasan ang mga taong kulang na kulang sa pagkatao at konsensiya; hindi Ko kailanman ililigtas ang gayong walang puso at walang utang na loob na mga tao. Pagdating ng araw Ko, walang hanggan Akong magpapaulan ng Aking nakalalapnos na mga apoy sa mga anak ng pagsuway na minsang pumukaw sa matindi Kong poot, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsang pumukol ng pagtuligsa sa Akin at tinalikdan Ako, susunugin Kong magpakailanman sa mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagsuway na minsang kumain at namuhay kasama Ko nguni’t hindi naniwala sa Akin, na ininsulto at pinagtaksilan Ako. Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat ng pumukaw ng Aking galit, ibubuhos Ko ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na iyon na minsang nagnais na tumayo sa Aking tabi bilang mga kapantay Ko subali’t ay hindi sumamba o sumunod sa Akin; ang tungkod na Aking hinahataw sa tao ay lalapat sa mga hayop na minsang nagtamasa ng Aking kalinga at minsang nasiyahan sa mga hiwagang Aking sinabi, at minsang nagtangkang kumuha ng mga kasiyahang materyal mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong palalampasin sa mga nagtatangka na mang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, nananatili kayong malaya mula sa kapahamakan at patuloy na umaabuso sa mga kahilingang inilalatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng poot, hindi na kayo hihiling pa sa Akin; sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong “magpakasaya” hanggang sa gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa, at hindi na kayo muling makababangon! Hindi magtatagal, “babayaran” Ko kayo sa pagkakautang na ito—at umaasa Akong matiyaga kayong naghihintay sa pagdating ng araw na ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 303
Nabibigo ang taong makamit ang Diyos hindi dahil sa ang Diyos ay may emosyon, o dahil ayaw ng Diyos na makamit Siya ng tao, kundi dahil ayaw makamit ng tao ang Diyos, at dahil hindi agarang hinahanap ng tao ang Diyos. Paanong isusumpa ng Diyos ang isa sa mga tunay na naghahanap sa Diyos? Paanong isusumpa ng Diyos ang isang may maayos na katinuan at sensitibong konsensiya? Paanong lalamunin ng mga apoy ng Kanyang poot ang isang tunay na sumasamba at naglilingkod sa Diyos? Paanong palalayasin sa bahay ng Diyos ang isang masaya na sumunod sa Diyos? Paanong mabubuhay sa kaparusahan ng Diyos ang isang hindi masagad-sagad ang pag-ibig sa Diyos? Paanong walang matitirang kahit ano sa isang taong masaya na talikdan ang lahat para sa Diyos? Ayaw ng taong hangarin ang Diyos, ayaw gugulin ang kanyang mga ari-arian para sa Diyos, at ayaw maglaan ng habambuhay na pagsisikap para sa Diyos; sa halip, sinasabi niyang sumobra na ang Diyos, na napakaraming tungkol sa Diyos ang salungat sa mga kuru-kuro ng tao. Sa ganitong uri ng pagkatao, hindi pa rin ninyo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos kahit na kayo ay walang humpay sa inyong mga pagsisikap, bukod pa sa katotohanan na hindi ninyo hinahanap ang Diyos. Hindi ba ninyo alam na kayo ang depektibong produkto ng sangkatauhan? Hindi ba ninyo alam na walang pagkatao ang mas mababa pa kaysa sa inyo? Hindi ba ninyo alam kung ano ang bansag sa inyo ng iba upang parangalan kayo? Tinatawag kayo ng mga tunay na umiibig sa Diyos na ama ng lobo, ina ng lobo, anak ng lobo, at apo ng lobo; kayo ang mga inapo ng lobo, ang mga tao ng lobo, at dapat ninyong malaman ang sarili ninyong pagkakakilanlan at huwag itong kalimutan kailanman. Huwag ninyong isiping kayo ay kung sinong nakahihigit na tao: Kayo ang pinakamasamang pangkat ng mga hindi-tao sa piling ng sangkatauhan. Hindi ba ninyo alam ang alinman dito? Hindi ba ninyo alam kung gaano kalaking panganib ang sinuong Ko na sa paggawa sa piling ninyo? Kung hindi muling makababalik sa normal ang inyong katinuan, at hindi gumagana nang normal ang inyong konsensiya, hindi ninyo kailanman maiwawaksi ang bansag na “lobo,” hindi ninyo kailanman matatakasan ang araw ng sumpa at hindi kailanman matatakasan ang araw ng inyong kaparusahan. Isinilang kayong mas mababa, isang bagay na walang anumang halaga. Kayo ay likas na pangkat ng gutom na mga lobo, isang tumpok ng latak at basura, at, hindi kagaya ninyo, hindi Ako gumagawa sa inyo upang magkamit ng mga pabor, kundi dahil sa pangangailangan ng gawain. Kung magpapatuloy kayo sa pagiging mapanghimagsik sa ganitong paraan, ititigil Ko ang Aking gawain, at hindi na kailanman gagawang muli sa inyo; sa kabaligtaran, ililipat Ko ang Aking gawain sa isa pang pangkat na nagpapalugod sa Akin, at sa ganitong paraan ay iiwan kayo magpakailanman, sapagka’t ayaw Kong masilayan ang mga nakikipag-alitan sa Akin. Kaya kung gayon, nais ba ninyong maging kaayon sa Akin, o makipag-alitan laban sa Akin?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 304
Inaasam ng lahat ng tao na makita ang totoong mukha ni Jesus, at hangad ng lahat na makapiling Siya. Palagay Ko’y hindi sasabihin ng sinumang kapatid na ayaw nilang makita o makapiling si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus—bago ninyo nakita ang Diyos na nagkatawang-tao—malamang ay pumasok sa inyong isipan ang lahat ng uri ng mga ideya, halimbawa, tungkol sa pagpapakita ni Jesus, sa Kanyang paraan ng pagsasalita, sa Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Ngunit kapag nakita ninyo Siya talaga, mabilis na magbabago ang inyong mga ideya. Bakit ganito? Nais ba ninyong malaman? Hindi maaaring kaligtaan ang pag-iisip ng tao, na siya namang totoo—ngunit higit pa riyan, ang diwa ni Cristo ay hindi magpaparaya sa pagbabago ng tao. Iniisip ninyo na si Cristo ay isang imortal o isang pantas, ngunit hindi Siya itinuturing ninuman na isang normal na taong may diwang pagka-Diyos. Sa gayon, marami sa mga nananabik araw at gabi na makita ang Diyos ay talagang mga kaaway ng Diyos, at hindi Niya kaayon. Hindi ba isang pagkakamali ito sa panig ng tao? Kahit ngayon ay iniisip pa rin ninyo na ang inyong paniniwala at katapatan ay sapat na upang maging karapat-dapat kayong mamasdan ang mukha ni Cristo, ngunit pinapayuhan Ko kayo na sangkapan ang inyong sarili ng mas maraming bagay na praktikal! Sapagkat noong araw, ngayon, at sa hinaharap, marami sa mga nakakaugnay ni Cristo ay nabigo o mabibigo; lahat sila ay gumaganap sa papel ng mga Pariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito ay dahil mismo sa mayroon sa mga kuru-kuro ninyo na isang Diyos na matayog at nararapat hangaan. Ngunit ang katotohanan ay hindi naaayon sa nais ng tao. Hindi lamang sa hindi matayog si Cristo, kundi talagang maliit Siya; hindi lamang Siya isang tao, kundi isa Siyang ordinaryong tao; hindi lamang Siya hindi maaaring umakyat sa langit, kundi ni hindi Siya makagala nang malaya sa lupa. At dahil dito, itinuturing Siya ng mga tao na tulad sa isang ordinaryong tao; kaswal ang pakikitungo nila sa Kanya kapag Siya ay kapiling nila, at kinakausap nila Siya nang walang ingat, samantalang naghihintay pa rin sa pagdating ng “totoong Cristo.” Itinuturing ninyo na ang Cristong dumating na ay isang ordinaryong tao, at ang Kanyang salita ay sa isang ordinaryong tao. Dahil dito, wala pa kayong natatanggap na anuman mula kay Cristo, at sa halip ay ganap na nalantad sa liwanag ang inyong sariling kapangitan.
Bago nakaugnayan si Cristo, maaaring naniniwala ka na ang iyong disposisyon ay lubos nang nabago, na isa kang tapat na tagasunod ni Cristo, at wala nang ibang mas karapat-dapat na tumanggap ng mga pagpapala ni Cristo maliban sa iyo—at na, dahil maraming landas ka nang nalakbay, maraming gawain ka nang nagawa, at naghatid ka na ng maraming bunga, siguradong magiging isa ka sa mga tatanggap ng korona sa huli. Subalit may isang katotohanang hindi mo alam: Ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang pagkasuwail at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang pagkasuwail at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay mas ganap at lubusang nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ang Anak ng tao—isang Anak ng tao na nagtataglay ng normal na pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang pagkasuwail ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at sa napakalinaw na detalye. Kaya sinasabi Ko na nahukay ng pagparito ni Cristo ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan at nabigyan ng malinaw na kaginhawahan ang likas na pagkatao ng sangkatauhan. Ito ay tinatawag na “pag-akit sa tigre na bumaba ng bundok” at “pag-akit sa lobo na lumabas ng yungib nito.” Nangangahas ka bang ipalagay na masasabi mong tapat ka sa Diyos? Nangangahas ka bang ipalagay na masasabi mong nagpapakita ka ng lubos na pagsunod sa Diyos? Nangangahas ka bang ipalagay na masasabi mong hindi ka suwail? Sasabihin ng ilan: “Kapag inilalagay ako ng Diyos sa isang bagong kapaligiran, palagi akong nagpapasakop nang hindi bubulung-bulong, at bukod pa rito ay hindi ako nakikinig sa mga kuru-kuro tungkol sa Diyos.” Sasabihin ng ilan: “Anuman ang ipinagagawa sa akin ng Diyos ginagawa ko sa abot ng aking kakayahan at hindi ako kailanman nagpapabaya.” Kung gayon, ito ang tanong Ko sa inyo: Makakaayon ba kayo kay Cristo kapag namumuhay kayong kasama Niya? At gaano katagal kayong magiging kaayon Niya? Isang araw? Dalawang araw? Isang oras? Dalawang oras? Maaaring kapuri-puri nga ang inyong pananampalataya, ngunit hindi kayo gaanong matatag. Kapag talagang namumuhay ka na kasama ni Cristo, ang iyong pagmamagaling at pagpapahalaga sa sarili ay malalantad sa pamamagitan ng iyong mga salita at kilos, nang paunti-unti, at ang iyong labis na mga pagnanasa, iyong masuwaying isipan at kawalan ng kasiyahan ay likas ding mabubunyag. Sa huli, ang iyong kayabangan ay lalo pang titindi, hanggang sa labis mong kakalabanin si Cristo na tulad ng paglaban ng tubig sa apoy, at sa gayon ay ganap na malalantad ang iyong likas na pagkatao. Sa pagkakataong iyon, ang iyong mga kuru-kuro ay hindi na mapagtatakpan, ang iyong mga reklamo ay likas ding lalabas, at ang iyong abang pagkatao ay lubos na malalantad. Magkagayunman, patuloy ka pa ring tumatangging aminin ang sarili mong pagkasuwail, sa halip ay naniniwala ka na ang isang Cristong tulad nito ay hindi madaling tanggapin ng tao, na napakahigpit Niya sa tao, at na lubos kang magpapasakop kung Siya ay mas mabait na Cristo. Naniniwala kayo na makatarungan ang inyong pagkasuwail, na sumusuway lamang kayo sa Kanya kapag sobra-sobra na ang pamimilit Niya sa inyo. Ni minsan ay hindi ninyo naisip na hindi ninyo itinuturing na Diyos si Cristo, at wala kayong hangaring sundin Siya. Sa halip, ipinagpipilitan mong gumawa si Cristo alinsunod sa sarili mong mga inaasam, at sa sandaling gumawa Siya ng isang bagay na laban sa sarili mong iniisip, naniniwala ka na hindi Siya Diyos kundi isang tao. Hindi ba marami sa inyo ang nakipagtunggali sa Kanya sa ganitong paraan? Sino ba ito, kung tutuusin, na pinaniniwalaan ninyo? At sa anong paraan kayo naghahanap?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 305
Lagi ninyong inaasam na makita si Cristo, ngunit hinihimok Ko kayo na huwag ninyong masyadong pahalagahan nang husto ang inyong sarili; maaaring makita ng sinuman si Cristo, ngunit sinasabi Ko na walang sinuman ang karapat-dapat na makita si Cristo. Dahil ang likas na pagkatao ng tao ay punung-puno ng kasamaan, kayabangan, at pagkasuwail, sa sandaling makita mo si Cristo, ang iyong likas na pagkatao ay wawasakin at susumpain ka hanggang kamatayan. Ang iyong pakikisama sa isang kapatid na lalaki (o babae) ay maaaring walang gaanong maipakita tungkol sa iyo, ngunit hindi gayon kasimple kapag nakisama ka kay Cristo. Anumang oras, maaaring yumabong ang iyong mga kuru-kuro, magsimulang umusbong ang iyong kayabangan, at magbunga ng mga igos ang iyong pagkasuwail. Paano ka magiging marapat na makisama kay Cristo kung ganoon ang pagkatao mo? Talaga bang nagagawa mo Siyang tratuhin bilang Diyos sa bawat sandali ng bawat araw? Talaga bang magkakaroon ka ng realidad ng pagpapasakop sa Diyos? Sinasamba ninyo ang matayog na Diyos sa kaibuturan ng inyong puso bilang si Jehova samantalang itinuturing ninyong tao ang Cristong nakikita. Napakaliit ng inyong katinuan at napakababa ng inyong pagkatao! Hindi ninyo kayang ituring palagi si Cristo bilang Diyos; paminsan-minsan lamang kayo nangungunyapit sa Kanya, kapag gusto ninyo, at sumasamba sa Kanya bilang Diyos. Ito ang dahilan kaya Ko sinasabi na hindi kayo mga mananampalataya ng Diyos, kundi isang barkadahan ng magkakasabwat na lumalaban kay Cristo. Kahit ang mga taong nagpapakita ng kabaitan sa iba ay sinusuklian, subalit si Cristo, na nakagawa ng gayong gawain sa inyo, ay hindi natanggap ang pagmamahal ng tao ni ang kanyang kabayaran at pagpapasakop. Hindi ba ito nakakadurog ng puso?
Maaaring sa lahat ng taon ng pagsampalataya mo sa Diyos, hindi ka pa nakasumpa ng sinuman o nakagawa ng masama kailanman, subalit sa pakikisama mo kay Cristo, hindi mo kayang magsabi ng katotohanan, kumilos nang tapat, o sumunod sa salita ni Cristo; kung gayon, sinasabi Ko na ikaw ang pinakamasama at mapaminsalang tao sa mundo. Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang maayos, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa rin, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang. Huwag mong isiping nakaayon ka kay Cristo dahil lamang sa kasundo mo ang iba at gumagawa ka ng ilang mabubuting gawa. Akala mo ba makukuha mo nang may pandaraya ang pagpapala ng Langit dahil sa iyong mapagkawanggawang hangarin? Akala mo ba ang paggawa ng ilang mabubuting gawa ay kapalit ng iyong pagsunod? Walang isa man sa inyo ang nagagawang tumanggap ng pagwawasto at pagtatabas, at nahihirapan kayong lahat na tanggapin ang normal na pagkatao ni Cristo, sa kabila ng patuloy ninyong pagbabandera ng inyong pagsunod sa Diyos. Ang pananampalatayang tulad ng sa inyo ay magbababa ng isang angkop na ganti. Tigilan ninyo ang paglulunoy sa kasiya-siyang mga ilusyon at pag-asam na makita si Cristo, sapagkat napakaliit ng inyong tayog, kaya nga ni hindi kayo karapat-dapat na makita Siya. Kapag ganap ka nang nalinis mula sa iyong pagkasuwail, at kaya mo nang umayon kay Cristo, sa sandaling iyon ay natural na magpapakita ang Diyos sa iyo. Kung makikipagkita ka sa Diyos nang hindi pa sumasailalim sa pagtatabas o paghatol, siguradong magiging kalaban ka ng Diyos at nakatadhana kang wasakin. Ang pagkatao ng tao ay likas na palaban sa Diyos, sapagkat lahat ng tao ay sumailalim na sa pinakamatinding pagtitiwali ni Satanas. Kung susubukan ng tao na makisama sa Diyos sa gitna ng sarili niyang katiwalian, tiyak na walang buti itong maibubunga; ang kanyang mga kilos at salita ay siguradong ilalantad ang kanyang katiwalian sa bawat pagkakataon, at sa pakikisama sa Diyos ang kanyang pagkasuwail ay mabubunyag sa lahat ng aspeto nito. Hindi namamalayan, dumarating ang tao upang kalabanin si Cristo, linlangin si Cristo, at talikuran si Cristo; kapag nangyari ito, mas manganganib ang tao at, kung magpapatuloy ito, magiging pakay siya ng kaparusahan.
Maaaring naniniwala ang ilan na, kung masyadong mapanganib ang makisama sa Diyos, mas mabuti pa sigurong manatiling malayo sa Diyos. Ano ang posibleng mapala ng mga taong kagaya nito? Maaari ba silang maging tapat sa Diyos? Panigurado, napakahirap makisama sa Diyos—ngunit iyan ay dahil tiwali ang tao, hindi dahil hindi nagagawang makisama ng Diyos sa kanya. Ang pinakamabuting gawin ay maglaan kayo ng higit na pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi kayo nagugustuhan ng Diyos? Bakit kasuklam-suklam sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang galit? Sa sandaling magpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; hinahamak ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagsunod, at nawawalan kayo ng galang sa Diyos kapag may simpleng gawain kayong naisasakatuparan. Sa pagtanggap sa Diyos, humihingi kayo ng pera, mga regalo, at mga papuri. Masakit sa inyo ang magbigay ng isa o dalawang barya; kapag nagbigay kayo ng sampu, umaasam kayo ng mga pagpapala at nais ninyong kilalanin kayo. Ang pagkataong katulad ng sa inyo ay positibong masakit sabihin o pakinggan. Mayroon bang anumang kapuri-puri sa inyong mga salita at kilos? Yaong mga gumaganap sa kanilang tungkulin at yaong mga hindi; yaong mga namumuno at yaong mga sumusunod; yaong mga tumatanggap sa Diyos at yaong mga hindi; yaong mga nag-aabuloy at yaong mga hindi; yaong mga nangangaral at yaong mga tumatanggap ng salita, at iba pa: lahat ng taong iyon ay pinupuri ang kanilang sarili. Hindi ba ito nakakatawa sa inyo? Lubos na nababatid na naniniwala kayo sa Diyos, magkagayunman ay hindi kayo nakaayon sa Diyos. Lubos na nababatid na hindi kayo karapat-dapat, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na nabawasan na nang kaunti ang inyong katinuan kaya wala na kayong kontrol sa sarili? Sa ganitong katinuan, paano kayo angkop na makaugnay sa Diyos? Hindi ba kayo natatakot para sa inyong mga sarili sa puntong ito? Lumala na ang inyong disposisyon hanggang sa hindi na ninyo makayang umayon sa Diyos. Dahil dito, hindi ba nakakatawa ang inyong pananampalataya? Hindi ba kahibangan ang inyong pananampalataya? Paano mo haharapin ang iyong kinabukasan? Paano ka pipili kung anong landas ang iyong tatahakin?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 306
Nakapagpahayag na Ako ng napakaraming salita, at naipahayag Ko na rin ang kalooban at disposisyon Ko, ngunit kahit ganoon, walang kakayahan pa rin ang mga tao na makilala Ako at manalig sa Akin. O, maaaring sabihin, walang kakayahan pa rin ang mga tao na sumunod sa Akin. Yaong mga nabubuhay sa loob ng Bibliya, yaong mga nabubuhay sa saklaw ng batas, yaong mga nabubuhay sa krus, yaong mga nabubuhay ayon sa doktrina, yaong mga nabubuhay sa gitna ng mga gawaing ginagawa Ko ngayon—sino sa kanila ang kaayon Ko? Iniisip lamang ninyo na tumanggap ng mga pagpapala at mga gantimpala, ngunit hindi pa ninyo kailanman inisip kung paano talaga magiging kaayon Ko, o kung paano mapipigilan ang mga sarili ninyo na maging laban sa Akin. Sobra Akong dismayado sa inyo, dahil napakarami Ko nang naibigay sa inyo, ngunit napakakaunti ng nakamit Ko mula sa inyo. Ang inyong panlilinlang, kayabangan, kasakiman, labis-labis na mga paghahangad, pagkakanulo, at pagsuway—alin sa mga ito ang hindi Ko mapapansin? Pabaya kayo sa Akin, niloloko ninyo Ako, nilalait ninyo Ako, nililinlang ninyo Ako, sinisingil ninyo Ako at kinikikilan ninyo Ako para sa mga sakripisyo—paano makaiiwas sa kaparusahan Ko ang gayong kasamaan? Ang lahat ng paggawa ng masama na ito ay isang patunay ng pagkapoot ninyo sa Akin at patunay ng inyong hindi pagkakatugma sa Akin. Ang bawat isa sa inyo ay naniniwalang ang sarili ninyo ay sobrang kaayon Ko, ngunit kung ganoon nga, kanino mailalapat ang gayong hindi mapabubulaanang patunay? Naniniwala kayong tinataglay ng mga sarili ninyo ang sukdulang kataimtiman at katapatan sa Akin. Iniisip ninyong kayo ay napakabait, napakamahabagin, at naglaan na nang sobra para sa Akin. Iniisip ninyong higit sa sapat na ang nagawa ninyo para sa Akin. Ngunit sinuri na ba ninyo ito kailanman kumpara sa sarili ninyong mga kilos? Sinasabi Kong kayo ay napakamapagmataas, napakasakim, napakawalang interes; ang mga panlalansing ginagamit ninyo upang lokohin Ako ay napakatuso, at marami kayong kasuklam-suklam na layunin at kasuklam-suklam na pamamaraan. Masyadong katiting ang katapatan ninyo, masyadong kaunti ang sigasig ninyo, at ang budhi ninyo ay higit pang mas salat. Mayroong labis na paghahangad ng masama sa puso ninyo, at may masama kayong hangarin sa lahat, maging sa Akin. Pinagsasarhan ninyo Ako para sa kapakanan ng inyong mga anak, o ng inyong asawa, o para mapangalagaan ninyo ang inyong sarili. Sa halip na magmalasakit sa Akin, nagmamalasakit kayo sa pamilya ninyo, sa mga anak ninyo, sa katayuan ninyo, sa kinabukasan ninyo, at sa sarili ninyong kasiyahan. Kailan pa ninyo Ako naisip habang nagsasalita o kumikilos kayo? Sa napakalalamig na araw, bumabaling ang isip ninyo sa inyong mga anak, sa inyong asawa, o sa inyong mga magulang. Sa napakaiinit na araw, wala rin Akong lugar sa isip ninyo. Kapag ginagampanan mo ang tungkulin mo, iniisip mo ang sarili mong kapakanan, ang sarili mong kaligtasan, ang mga kasapi ng pamilya mo. Ano ba ang nagawa mo na kailanman para sa Akin? Kailan mo ba Ako naisip? Kailan mo ba nailaan ang sarili mo, anuman ang kapalit, para sa Akin at sa gawain Ko? Nasaan ang katibayan na kaayon Kita? Nasaan ang realidad ng katapatan mo sa Akin? Nasaan ang realidad ng pagsunod mo sa Akin? Kailan ba na ang mga layunin mo ay hindi naging alang-alang sa pagkamit mo ng mga pagpapala Ko? Niloloko at nililinlang ninyo Ako, pinaglalaruan ninyo ang katotohanan, itinatago ninyo ang pag-iral ng katotohanan, at ipinagkakanulo ang diwa ng katotohanan. Ano ang naghihintay sa inyo sa hinaharap sa paglaban sa Akin sa ganitong paraan? Naghahangad lamang kayong maging kaayon ng isang malabong Diyos, at naghahangad lamang ng isang malabong paniniwala, ngunit hindi kayo kaayon ni Cristo. Hindi ba magdudulot ang kasamaan ninyo ng kaparehong ganti na kagaya ng nararapat sa masasama? Sa oras na iyon, mapagtatanto ninyo na walang sinumang di-kaayon ni Cristo ang makatatakas sa araw ng poot, at matutuklasan ninyo kung anong uri ng ganti ang ibibigay sa yaong mga laban kay Cristo. Pagdating ng araw na iyon, ang mga pangarap ninyong mapagpala dahil sa pananalig ninyo sa Diyos at na makapasok sa langit ay mawawasak lahat. Gayunman, hindi magiging ganoon para sa yaong mga kaayon ni Cristo. Bagaman nawalan sila ng napakarami, bagaman nagdusa sila ng matinding paghihirap, tatanggapin nila ang lahat ng pamanang iiwan Ko sa sangkatauhan. Sa huli, maiintindihan ninyong Ako lamang ang matuwid na Diyos, at na Ako lamang ang may kakayahang dalhin ang sangkatauhan sa kanilang magandang hantungan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 307
Malaki ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao at nagsalita na rin Siya tungkol sa kanilang pagpasok sa di-mabilang na mga paraan. Ngunit dahil ang kakayahan ng mga tao ay lubhang mahina, marami sa mga salita ng Diyos ang nabigong mag-ugat. Iba-iba ang dahilan ng mahinang kakayahang ito, tulad ng katiwalian sa kaisipan ng tao at moralidad, at kakulangan ng tamang pagpapalaki; pyudal na mga pamahiin na lubhang nakahawak sa puso ng tao; ubod ng sama at bulok na mga paraan ng pamumuhay na nagbunga ng maraming kasamaan sa pinakamalalim na mga sulok ng puso ng tao; mababaw na kaalaman sa kultura, kung saan halos siyamnapu’t walong porsiyento ng mga tao ang kulang sa kaalaman sa kultura at, higit pa rito, iilan lamang ang nakatatanggap ng mas mataas na antas ng edukasyong pangkultura. Kaya nga walang ideya ang mga tao kung ano ang kahulugan ng Diyos o ng Espiritu, at sa halip ay mayroon lamang isang malabo at hindi maliwanag na larawan ng Diyos na nakuha mula sa pyudal na mga pamahiin. Ang mga mapanirang impluwensya ng libu-libong taon na “matayog na diwa ng pagiging makabayan” ay malalim na tumimo sa puso ng tao, at pati na rin ang pyudal na pag-iisip kung saan ang mga tao ay nakatali at nakakadena, wala ni gatuldok na kalayaan, walang kagustuhang maghangad o magtiyaga, walang pagnanais na umunlad, at sa halip ay nananatiling walang-pagkilos at paurong, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin, at iba pa—ang obhetibong mga salik na ito ay nag-iwan ng di-mabuburang bakas ng karumihan at kapangitan sa ideolohikal na pananaw, mga huwaran, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang madilim na mundo ng terorismo, na hindi hinahangad na malampasan ng sinuman sa kanila, at hindi iniisip na iwan ng sinuman sa kanila para sa isang huwarang mundo; sa halip, kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay, sa paggugol ng kanilang mga araw sa panganganak at pagpapalaki ng mga anak, pagsusumikap, pagpapapawis, sa pagtapos ng mga gawain, pangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng pagmamahal ng asawa, ng paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ng kagalakan sa kanilang katandaan habang matiwasay na namumuhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang perpektong buhay, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at nang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang naghanap na sa kalooban ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng sangkatauhan na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao, kaya napakahirap na isakatuparan ang gawain ng Diyos, at lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon. Kung anuman, sa tingin Ko ay ayos lamang sa mga tao ang pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay tungkol sa kasaysayan ng libu-libong taon. Ang pagsasalita tungkol sa kasaysayan ay pagsasalita tungkol sa mga bagay na napatunayan at, higit pa rito, mga iskandalo na alam na alam na ng lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katunayan? Pero naniniwala rin Ako na kapag nakita ang mga salitang ito ng mga taong may matinong pag-iisip ay magigising at magsisikap sila para umunlad. Umaasa ang Diyos na ang mga tao ay makakapamuhay at makagagawa sa kapayapaan at kasiyahan habang kasabay na minamahal ang Diyos. Kalooban ng Diyos na ang buong sangkatauhan ay maaaring makapasok sa kapahingahan; higit pa rito, dakilang hangarin ng Diyos na mapuspos ng kaluwalhatian ng Diyos ang buong lupain. Nakakalungkot lamang na ang mga tao ay nananatiling nakalubog sa pagkalimot at di-napupukaw, labis na nagawang tiwali ni Satanas na ngayon ay wala na silang wangis ng mga tao. Kaya ang kaisipan, moralidad at edukasyon ng tao ay bumubuo ng isang mahalagang ugnayan, kasama ng pagsasanay sa kamulatan sa kultura na bumubuo ng ikalawang ugnayan, para mas mahusay na maitaas ang kakayahan sa kultura ng mga tao at mabago ang kanilang espirituwal na pananaw.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 308
Sa mga karanasan ng tao sa kanilang buhay, madalas nilang naiisip sa kanilang sarili: “Isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong makita ang kabuuan nito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Marami ang ibinigay ko sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at labis na nagdusa—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naalala ba Niya ang aking mabubuting gawa? Ano ang magiging katapusan ko? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? …” Ang bawat tao ay madalas na gumagawa ng ganitong mga pagkalkula sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng mga bagay na nagtataglay ng kanilang mga motibasyon, ambisyon, at transaksiyonal na pag-iisip. Ibig sabihin, sa kanyang puso, ang tao ay patuloy na sinusubukan ang Diyos, patuloy na gumagawa ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nangangatwiran sa Diyos para sa kanyang sariling katapusan, at sinusubukang makakuha ng pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng paghahangad sa Diyos, hindi itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Palagi niyang sinusubukang makipagtawaran sa Diyos, walang hinto sa paghingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, tinatangkang humingi nang higit pa matapos mapagbigyan nang kaunti. Kasabay ng pagsisikap na makipagtawaran sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating na mga pagsubok sa kanila o kaya ay nalagay sila mismo sa ilang sitwasyon, madalas na sila ay nagiging mahina, pasibo, at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Magmula ng ang tao ay magsimulang maniwala sa Diyos, itinuturing ng tao ang Diyos na isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang pagsisikap na makakuha ng mga pagpapala at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang ang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang tao at magbigay ng pangtustos sa kanya. Ganito ang pangunahing pagkaunawa sa “paniniwala sa Diyos,” ng lahat ng taong naniniwala sa Diyos, at ito ang kanilang pinakamalalim na pagkaunawa sa konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa kalikasan at diwa ng tao hanggang sa kanyang pansariling hangarin, wala sa mga ito ang may kinalaman sa takot sa Diyos. Hindi maaari na ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Ibig sabihin, hindi kailanman itinuring o naintindihan ng tao na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng ganitong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halatang-halata. At ano ang diwa na ito? Ito ay ang puso ng tao na may masamang hangarin, nagkikimkim ng pagtataksil at panlilinlang, walang pagmamahal sa pagiging patas at pagiging matuwid, o sa mga bagay na positibo, at ito ay kamuhi-muhi at sakim. Ang puso ng tao ay hindi na magiging mas sarado pa sa Diyos; hindi pa talaga niya ito ibinigay sa Diyos. Hindi pa kailanman nakita ng Diyos ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Gaano man kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano man karaming gawain ang Kanyang ginagawa, o gaano man karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan mismo ang kanyang puso, gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundan ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, o sundin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 309
Hindi ba maraming taong kumokontra sa Diyos at humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at malawak na gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, dahil napakaliit ng taglay nilang kaalaman at doktrina para sukatin ang gawain ng Banal na Espiritu? Bagama’t mababaw ang mga karanasan ng gayong mga tao, mayabang at likas silang mapagpalayaw at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, binabalewala ang mga pagdidisiplina ng Banal na Espiritu at, bukod pa riyan, ginagamit nila ang kanilang mga walang-kuwentang lumang argumento upang “pagtibayin” ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagkukunwari din sila, at lubos na kumbinsido sa sarili nilang natutuhan at kaalaman, at kumbinsido na nakakapaglakbay sila sa buong mundo. Hindi ba kinasusuklaman at inaayawan ng Banal na Espiritu ang gayong mga tao, at hindi ba sila aalisin pagsapit ng bagong kapanahunan? Hindi ba mga kasuklam-suklam na taong mangmang at kulang sa kaalaman yaong mga humaharap sa Diyos at lantaran Siyang kinokontra, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa taglay nilang kaunting kaalaman tungkol sa Bibliya, sinisikap nilang magwala sa “akademya” ng mundo; taglay ang isang mababaw na doktrina para turuan ang mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu at tinatangkang paikutin ito sa sarili nilang proseso ng pag-iisip. Dahil hindi nila alam ang mangyayari, sinusubukan nilang masdan sa isang sulyap ang 6,000 taon ng gawain ng Diyos. Walang anumang katinuan ang mga taong ito na dapat banggitin! Sa katunayan, kapag mas maraming kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, mas mabagal silang manghusga sa Kanyang gawain. Bukod pa riyan, katiting lamang ang binabanggit nilang kaalaman nila tungkol sa gawain ng Diyos ngayon, ngunit hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghusga. Kapag mas kakaunti ang alam ng mga tao tungkol sa Diyos, mas mayabang sila at labis ang tiwala nila sa sarili at mas walang-pakundangan nilang ipinapahayag ang katauhan ng Diyos—subalit ang binabanggit nila ay teorya lamang, at wala silang ibinibigay na tunay na katibayan. Walang anumang halaga ang gayong mga tao. Yaong mga itinuturing na laro ang gawain ng Banal na Espiritu ay mga bobo! Yaong mga hindi maingat kapag nakakatagpo sila ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, na walang-tigil magsalita, mabilis humusga, malayang hinahayaan ang kanilang pag-uugali na tanggihan ang pagiging tama ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto at nilalapastangan din ito—hindi ba mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu ang ganoon kawalang-galang na mga tao? Bukod pa riyan, hindi ba sila mga taong mayayabang, likas na mapagmataas at pasaway? Kahit dumating ang araw na tanggapin ng gayong mga tao ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak yaong mga gumagawa para sa Diyos, kundi nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang gayong desperadong mga tao ay hindi patatawarin, sa kapanahunang ito man o sa darating na kapanahunan, at mapapahamak sila sa impiyerno magpakailanman! Ang gayong walang-galang at maluhong mga tao ay nagkukunwaring naniniwala sa Diyos, at kapag mas ganito ang mga tao, mas malamang na labagin nila ang mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba tumatahak sa landas na ito ang lahat ng mayabang na talagang hindi mapigil, at hindi pa sumunod kahit kanino kailanman? Hindi ba nila kinokontra ang Diyos bawat araw, ang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 310
Naisara nang mahigpit ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura at kasaysayan na sumasaklaw sa ilang libong taon ang pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao at ang pananaw ng kanyang isipan kaya hindi tinatablan at hindi nalulusaw ang mga ito.[1] Naninirahan ang mga tao sa ikalabing-walong ikot ng impiyerno, para lamang silang naitaboy ng Diyos sa mga bartolina, kung saan maaaring hindi kailanman makita ang liwanag. Naapi na nang husto ng pyudal na pag-iisip ang tao kaya halos hindi sila makahinga at naghahabol sila ng hininga. Wala sila ni katiting na lakas upang lumaban; ang ginagawa lamang nila ay tahimik na magtiis nang magtiis…. Walang sinumang nangahas kailanman na magpumiglas o ipagtanggol ang katuwiran at katarungan; talagang namumuhay lamang ang mga tao ng isang buhay na mas masahol pa sa hayop, sa ilalim ng mga paghampas at pang-aabuso ng pyudal na moralidad, araw-araw, at taun-taon. Hindi nila naisip kailanman na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa mundo ng tao. Para bagang napabagsak na ang mga tao hanggang sa maging para silang mga dahong nalaglag sa taglagas, lanta, tuyot, at manilaw-nilaw na kayumanggi. Matagal nang nawala ang alaala ng mga tao; kaawa-awa silang naninirahan sa impiyerno na tinatawag na mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang sama-sama silang mamatay sa impiyernong ito, na para bang ang huling araw na pinakahihintay nila ang araw na tatamasahin ng tao ang payapang kapahingahan. Nadala na ng pyudal na moralidad ang buhay ng tao sa “Hades,” na lalong nagpahina sa kapangyarihan ng tao na lumaban. Lahat ng uri ng pang-aapi ang nagtutulak sa tao, nang paunti-unti, na mahulog nang mas malalim sa Hades, palayo nang palayo sa Diyos, hanggang sa siya ay maging isa nang ganap na estranghero ngayon sa Diyos at nagmamadaling iwasan Siya kapag sila ay nagkatagpo. Hindi Siya pinakikinggan ng tao at iniiwan Siyang nakatayong mag-isa sa isang tabi, na para bang hindi pa Siya nakilala ng tao kailanman, na hindi pa Siya nakita dati. Subalit matagal nang naghihintay ang Diyos sa tao sa mahabang paglalakbay sa buhay, na hindi kailanman ipinupukol ang Kanyang di-mapigilang galit sa kanya, tahimik lamang na naghihintay, nang walang imik, na magsisi ang tao at magsimulang muli. Matagal nang pumarito ang Diyos sa mundo ng tao upang makibahagi sa mga pagdurusa ng tao sa mundo. Sa lahat ng taon na namuhay Siya sa piling ng tao, wala pang nakatuklas sa Kanyang pag-iral. Tahimik lamang na tinitiis ng Diyos ang paghihirap ng pagiging hamak sa mundo ng tao habang isinasakatuparan ang gawaing personal Niyang dinala. Patuloy Siyang nagtitiis para sa kapakanan ng kalooban ng Diyos Ama at ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, na nagdaranas ng mga pagdurusang hindi kailanman naranasan ng tao. Sa presensya ng tao tahimik Siyang naglingkod sa kanya, at sa presensya ng tao Siya ay nagpakumbaba, para sa kapakanan ng kalooban ng Diyos Ama at maging sa kapakanan ng mga pangangailangan ng sangkatauhan. Ang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay parang balewalang ninakaw ang tao mula sa presensya ng Diyos at ipinasa siya sa hari ng mga diyablo at sa mga inapo nito. Nadala na ng Apat na Aklat at Limang Klasiko[a] ang pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao sa isa pang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pa niyang sambahin ang mga sumulat ng Aklat/Klasiko ng mga Dokumento, at bilang resulta upang lalo pang palalain ang kanyang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Walang kaalam-alam ang tao, walang-awang pinalayas ng hari ng mga diyablo ang Diyos mula sa kanyang puso at pagkatapos ay tuwang-tuwang matagumpay niya mismong inokupa iyon. Mula noon, nag-angkin na ang tao ng pangit at masamang kaluluwa at ng mukha ng hari ng mga diyablo. Napuno ng poot sa Diyos ang kanyang dibdib, at lumaganap ang galit na kasamaan ng hari ng mga diyablo sa kalooban ng tao araw-araw hanggang sa lubos siyang lamunin nito. Wala na ni katiting na kalayaan ang tao at walang paraang makalaya mula sa mga bitag ng hari ng mga diyablo. Wala siyang nagawa kundi magpabihag noon mismo, sumuko at magpatirapa sa pagpapasakop sa presensya nito. Noong araw, nang bata pa ang puso’t kaluluwa ng tao, itinanim doon ng hari ng mga diyablo ang binhi ng tumor ng ateismo, na nagtuturo sa kanya ng mga kamaliang gaya ng “mag-aral ng siyensya at teknolohiya; alamin ang Apat na Modernisasyon; at walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, ipinapahayag nito sa bawat pagkakataon, “Umasa tayo sa ating kasipagan para makabuo tayo ng sarili nating magandang bayan,” na hinihiling sa bawat tao na maging handa mula sa pagkabata na matapat na makapaglingkod sa kanilang bansa. Dinala ang tao, nang walang kamalay-malay, sa presensya nito, kung saan walang pag-aatubiling kinamkam nito ang buong karangalan (ibig sabihin ay ang karangalang nauukol sa Diyos sa pagpigil sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay) para sa sarili nito. Hindi ito nagkaroon ng anumang kahihiyan kailanman. Bukod pa rito, hindi ito nahiyang agawin ang mga tao ng Diyos at hilahin sila pabalik sa bahay nito, kung saan tumalon ito na parang daga papunta sa ibabaw ng mesa at pinasamba ang tao rito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Iskandaloso itong sumisigaw ng mga bagay na nakakagulat, tulad ng: “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay nagmumula sa mga pagbabago ayon sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay dumarating kapag sumisingaw ang tubig, na sumasalubong sa malalamig na temperatura, bumabagsak bilang mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa mga pagbabagong nangyayari dito; ang tagtuyot ay dulot ng pagkatuyo ng hangin kapag gumalaw ang pinakagitna sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay mga kababalaghan ng kalikasan. Nasaan, sa lahat ng ito, ang gawain ng Diyos?” Mayroon pa ngang mga sumisigaw ng mga pahayag na gaya ng sumusunod, mga bagay na hindi dapat ipahayag: “Ang tao ay nagmula sa unggoy noong unang panahon, at ang mundo ngayon ay nagmumula sa sunud-sunod na mga sinaunang lipunan na nagsimula humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pag-unlad o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng mga mamamayan nito.” Sa likod nito, isinasabit ito ng tao sa dingding o ipinapatong ito sa mesa upang pagpitaganan at alayan iyon. Kasabay ng pagsigaw nito ng, “Walang Diyos,” itinataas nito ang sarili bilang Diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa, samantalang nakatayo sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Hindi na talaga makatwiran! Dahil dito, sagad sa buto ang pagkamuhi rito ng tao. Tila mortal na magkaaway sila ng Diyos, at hindi maaaring magkasama silang dalawa. Nagbabalak itong itaboy ang Diyos palayo samantalang ito ay malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas.[2] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hangga’t hindi nito nagugulo ang gawain ng Diyos at iniiwan itong ganap na magulo,[3] na para bang nais nitong labanan ang Diyos hanggang sa huli, hanggang sa mamatay ang mga isda o masira ang lambat, na sadyang nilalabanan ang Diyos at palapit pa nang palapit. Matagal nang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha, ngayo’y lamog at bugbog[4] na ito at nasa kakila-kilabot na kalagayan, subalit hindi pa rin maglulubag ang loob nito sa pagkamuhi sa Diyos, na para bang huhupa lamang ang pagkamuhing tinimpi sa puso nito kapag nilamon na nito nang buo ang Diyos sa isang subuan. Paano natin matitiis ito, ang kaaway na ito ng Diyos! Tanging ang pagpuksa at ganap na paglipol lamang dito matutupad ang inaasam natin sa buhay. Paano ito mapapayagang patuloy na magpakalat-kalat? Nagawa nitong tiwali ang tao hanggang sa hindi na alam ng tao ang langit-araw, at naging manhid at walang pakiramdam. Nawalan na ng normal na katwiran ang tao. Bakit hindi natin ialay ang buo nating pagkatao para sirain at sunugin ito upang maalis ang lahat ng alalahanin sa hinaharap at tulutan ang gawain ng Diyos na umabot sa walang-katumbas na kaningningan sa lalong madaling panahon? Naparito sa mundo ng mga tao ang grupong ito ng mga tampalasan at ginulo ito nang husto. Nadala na nila ang buong sangkatauhan sa bingit ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak sila pababa para magkaluray-luray upang malamon nila ang kanilang bangkay pagkatapos. Walang saysay silang umaasang sirain ang plano ng Diyos at makipagkumpitensya sa Kanya, na sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan.[5] Hindi madaling gawin iyon! Kunsabagay ay nakahanda na ang krus para sa hari ng mga diyablo, na may kagagawan ng pinakamasasamang krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus. Itinabi na Niya ito para sa diyablo. Matagal nang nanalo ang Diyos at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan, ngunit maghahatid Siya ng kaligtasan sa buong sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7
Mga Talababa:
1. Ang “hindi nalulusaw” ay nilayon bilang panunudyo dito, na ibig sabihin ay maigting ang mga tao sa kanilang kaalaman, kultura, at espirituwal na pananaw.
2. Ang “malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas” ay nagpapahiwatig na nagagalit at naghuhuramentado ang diyablo.
3. Ang “ganap na magulo” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanang tingnan ang marahas na pag-uugali ng diyablo.
4. Ang “lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.
5. Ang ibig sabihin ng “sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan” ay itaya ang lahat ng pera ng isang tao sa pag-asang manalo sa huli. Ito ay isang metapora para sa masama at karumal-dumal na mga pakana ng diyablo. Ginagamit ang pahayag na ito nang patuya.
a. Ang Apat na Aklat at Limang Klasiko ay mapagkakatiwalaang tumpak na mga aklat ng Confucianism sa China.
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 311
Mula itaas hanggang ibaba at mula simula hanggang wakas, ginagambala na ni Satanas ang gawain ng Diyos at kumikilos laban sa Kanya. Lahat ng pag-uusap na ito tungkol sa “sinaunang pamanang kultura,” mahalagang “kaalaman tungkol sa sinaunang kultura,” “mga turo ng Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics at mga seremonyang pyudal” ay dinala na ang tao sa impiyerno. Ang mas maunlad na makabagong-panahong siyensya at teknolohiya, pati na ang lubhang maunlad na industriya, agrikultura, at pagnenegosyo ay hindi makita kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga ritwal na pyudal na ipinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, labanan, at lansagin ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito patuloy na sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais pa nitong lunukin nang buo[1] ang tao. Ang paghahatid ng moral at etikal na mga turo ng pyudalismo at ang pagpapasa ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay matagal nang nahawahan ang sangkatauhan, at ginawa silang mga diyablong malalaki at maliliit. Iilan lamang ang masayang tatanggap sa Diyos, at buong kagalakang sasalubong sa Kanyang pagdating. Ang mukha ng buong sangkatauhan ay puno ng layuning pumatay, at sa lahat ng lugar, ramdam ang layuning pumatay. Hangad nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; hawak ang mga kutsilyo at espada, inaayos nila ang kanilang sarili sa pakikipaglaban upang “puksain” ang Diyos. Sa buong lupaing ito ng diyablo, kung saan palaging itinuturo na walang Diyos, nagkalat ang mga diyus-diyusan, at nakakalat sa hangin sa ibabaw ang nakakasukang amoy ng nasusunog na papel at insenso, na masyadong makapal kaya mahirap huminga. Para iyong amoy ng putik na sumisingaw pataas sa pagpulupot ng makamandag na ahas, kaya hindi mapigil ng tao na masuka. Bukod dito, bahagyang maririnig ang ingay ng masasamang demonyo na sabay-sabay na sinasambit ang mga banal na kasulatan, isang ingay na tila nanggagaling sa malayong impiyerno, kaya hindi mapigil ng tao na manginig. Sa lahat ng dako ng lupaing ito ay may nakalagay na mga diyus-diyusan na kakulay ng bahaghari, na ginagawang isang mundo ng mahahalay na kasiyahan ang lupain, samantalang patuloy na humahalakhak nang buong kasamaan ang hari ng mga diyablo, na para bang nagtagumpay na ang masamang balak nito. Samantala, nananatili itong lubos na wala sa loob ng tao, at ni wala rin siyang kamalay-malay na nagawa na siyang tiwali ng diyablo hanggang sa punto kung saan nawalan na siya ng pakiramdam at nakayuko dahil sa pagkatalo. Nais nitong palisin, sa isang iglap, ang lahat ng tungkol sa Diyos, at muli Siyang pasamain at paslangin; hangad nitong ibagsak at guluhin ang Kanyang gawain. Paano nito matutulutan ang Diyos na makapantay sa katayuan? Paano nito matitiis na “humadlang” ang Diyos sa gawain nito sa mga tao sa lupa? Paano nito matutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito matutulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paano mapapayagan ng diyablong ito, na nagpupuyos ang galit, na makontrol ng Diyos ang maharlikang hukuman nito sa lupa? Paano nito matatanggap nang maluwag ang nakahihigit na kapangyarihan Niya? Nabunyag na ang kasuklam-suklam nitong mukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng tao kung tatawa siya o iiyak, at talagang mahirap itong banggitin. Hindi ba ito ang diwa nito? May pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin ito na di-kapani-paniwala ang kagandahan nito. Ang grupong ito ng magkakasabuwat sa krimen![2] Bumababa sila sa mundo ng mga mortal upang magpakasaya at magsanhi ng kaguluhan, na ginugulo nang husto ang mga bagay-bagay kaya nagiging salawahan at pabagu-bago ang mundo at natataranta at hindi mapakali ang puso ng tao, at napaglaruan nila nang husto ang tao kaya nagmukha siyang isang malupit na hayop sa parang, napakapangit, at wala na ang pinakahuling bakas ng orihinal na taong banal. Bukod pa rito, nais pa nilang kunin ang pinakamataas na kapangyarihan sa lupa. Hinahadlangan nila nang husto ang gawain ng Diyos kaya hindi ito halos makasulong, at sinasarhan nila ang tao nang kasinghigpit ng mga pader na tanso at bakal. Dahil napakaraming nagawang kasalanan at nagsanhi ng napakaraming kalamidad, may inaasahan pa ba silang iba maliban sa pagkastigo? Naghuhuramentado na ang mga demonyo at masasamang espiritu sa lupa, at nasarhan na kapwa ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos kaya hindi na sila mapasok. Totoo, mortal na kasalanan ito! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong hindi mapopoot ang Diyos? Matindi na nilang hinadlangan at kinalaban ang gawain ng Diyos: Napakasuwail! Pati mga demonyong iyon, na malalaki at maliliit, ay kumikilos na parang mga asong-gubat sa mga sakong ng leon, at sumusunod sa daloy na kasamaan, nagbabalak na manggulo sa kanilang pagdaan. Batid ang katotohanan, sadya nila itong nilalabanan, nitong mga anak ng suwail! Para bang, ngayong nakaakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukan ng hari, naging mayabang sila at kampante, na tinatrato ang lahat ng iba pa nang may pag-alipusta. Ilan sa kanila ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop, walang ipinagkaiba sa mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw, iwinawagwag ang kanilang ulo nang buong kayabangan para batiin ang kanilang sarili at nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo,[3] sa gitna ng isang tumpok ng dumi ng hayop. Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakadakilang hari sa lahat, nang hindi natatanto na sila mismo ay katulad ng mababahong langaw. Subalit, sinasamantala nila ang kapangyarihan ng mga baboy at aso na taglay nila para siraan ng mga magulang ang pag-iral ng Diyos. Bilang maliliit na langaw, naniniwala sila na kasinlaki ng mga asul na balyena[4] ang kanilang mga magulang. Hindi nila alam na, samantalang sila man ay maliliit, ang kanilang mga magulang ay maruruming baboy at aso na milyun-milyong beses na mas malaki kaysa sa kanila. Walang kamalay-malay sa sarili nilang kaabahan, pinanghahawakan nila ang baho ng kabulukang nagmumula sa mga baboy at asong iyon para maghuramentado, walang saysay na iniisip na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon, nang hindi nahihiya! May berdeng mga pakpak sa kanilang likod (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), hambog sila at ipinagyayabang nila sa lahat ng dako ang sarili nilang kagandahan at pang-akit, samantalang lihim nilang inihahagis sa tao ang karumihan sa sarili nilang katawan. Bukod pa rito, labis silang nasisiyahan sa kanilang sarili, na para bang magagamit nila ang isang pares ng mga pakpak na kakulay ng bahaghari para itago ang sarili nilang karumihan, at sa pamamagitan nito ay isinisisi nila ang kanilang kaapihan sa pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa nangyayari sa likod ng mga tagpo sa daigdig ng relihiyon). Paano malalaman ng tao na, nakabibighani man ang ganda ng mga pakpak ng isang langaw, ang langaw mismo ay isa ring maliit na nilikha, na puno ng dumi ang tiyan at balot ng mga mikrobyo ang katawan? Sa lakas ng mga baboy at aso na taglay nila para sa mga magulang, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa paraan kung saan umaasa ang mga opisyal ng relihiyon na umuusig sa Diyos sa malakas na suporta ng gobyerno ng bansa upang labanan ang tunay na Diyos at ang katotohanan), na walang pumipigil sa kanilang kalupitan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Hudyong Pariseo na kasama ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nagsimula na sila ng isa pang pag-uusig, na itinutuloy ang kanilang gawain ilang libong taon na ang nakararaan. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na masasawi sa lupa sa huli! Lalabas na, pagkaraan ng ilang libong taon, naging mas tuso at mandaraya pa ang karumal-dumal na mga espiritu. Palagi silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sa marami nilang panloloko at panlilinlang, nais nilang ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan, hanggang sa halos mapasigaw ang Diyos. Halos hindi Niya mapigil ang Kanyang Sarili na magbalik sa ikatlong langit upang lipulin sila. Para mahalin ng tao ang Diyos, kailangan niyang maunawaan ang Kanyang kalooban, malaman ang Kanyang mga kagalakan at kalungkutan, at maunawaan kung ano ang Kanyang kinasusuklaman. Ang paggawa nito ay lalong mag-uudyok sa pagpasok ng tao. Kapag mas mabilis ang pagpasok ng tao, mas mabilis na masisiyahan ang kalooban ng Diyos, mas malinaw na makikilala ng tao ang hari ng mga diyablo, at mas mapapalapit siya sa Diyos, upang matupad ang Kanyang hangarin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7
Mga Talababa:
1. Ang “lunukin” ay tumutukoy sa marahas na pag-uugali ng hari ng mga diyablo, na sinasaklot nang buo ang mga tao.
2. Ang “magkakasabuwat sa krimen” ay kapareho ng uri ng “isang grupo ng mga butangero.”
3. Ang “nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at nilalabanan ng demonyong mga tao ang gawain ng Diyos.
4. Ang “mga asul na balyena” ay ginagamit nang patuya. Ito ay isang metapora para sa kung paanong napakaliliit ng mga langaw kaya mukhang kasinlaki ng mga balyena ang mga baboy at aso.
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 312
Sa loob ng libu-libong taon, ito ang naging lupain ng karumihan. Hindi matitiis ang karumihan nito, napakalungkot dito, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[1] walang-awa at malupit, niyuyurakan ang bayang ito ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[2] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatakpan nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwala na ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay di-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; samantala, ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, at iiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kaya nakita kailanman ng mga taong nakatira sa ganitong bayan ng mga multo ang Diyos? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang sinimulang tratuhing kaaway ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinututulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang nakayakap na sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis na ng kanilang buhay o nagpadanak na ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, basta na lamang inalipin ng inaliping tao ang Diyos—paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nakaukit sa puso ang libu-libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwala, at huwag na itong hayaang mamuno bilang isang diktador! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang pagsisikap at binayaran ang bawat halaga para dito, upang punitin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at tulutan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na bumangon mula sa kanilang pasakit at talikuran ang masama at matandang diyablong ito. Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayon katinding pananabik sa Diyos? Bakit patatawagin ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Sa madilim na lipunang ito, bakit hindi hinahayaan ng nakakaawang mga asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya? Bakit hindi naiintindihan ng tao, ng taong nabubuhay sa gitna ng pasakit at pagdurusa? Alang-alang sa inyo, nagtiis na ang Diyos ng matinding paghihirap, taglay ang matinding pasakit, ibinigay na Niya ang Kanyang minamahal na Anak, ang Kanyang laman at dugo, sa inyo—kaya bakit nagbubulag-bulagan pa rin kayo? Kitang-kita ng lahat, tinatanggihan ninyo ang pagdating ng Diyos, at tinatanggihan ang pakikipagkaibigan ng Diyos. Bakit napakawalang-katwiran ninyo? Nahahanda ba kayong magtiis ng kawalang-katarungan sa madilim na lipunang tulad nito? Bakit, sa halip na pinupuno ninyo ang inyong tiyan ng libu-libong taon ng poot, ay pinapalamnan ninyo ang inyong mga sarili ng “dumi” ng hari ng mga diyablo?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8
Mga Talababa:
1. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.
2. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 313
Kung tunay na nakikita nang malinaw ng mga tao ang tamang landas ng pantaong buhay, pati na rin ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan, hindi nila panghahawakan ang kanilang indibidwal na kinabukasan at kapalaran bilang isang kayamanan sa kanilang puso. Hindi na nila kung gayon nanaising magsilbi sa kanilang mga magulang, na mas masahol pa sa mga baboy at mga aso. Hindi ba’t ang kinabukasan at kapalaran ng tao ay mismong ang kasalukuyang sinasabing “mga magulang” ni Pedro? Ang mga ito ay katulad lamang ng laman at dugo ng tao. Ano ba talaga ang magiging hantungan at kinabukasan ng laman? Ito ba ay ang makita ang Diyos habang nabubuhay pa, o para sa kaluluwa na makatagpo ang Diyos pagkatapos ng kamatayan? Hahantong ba ang laman sa hinaharap sa isang malaking pugon ng mga kapighatian, o sa mapaminsalang sunog? Hindi ba’t ang mga tanong na gaya nito na tungkol sa kung ang laman ng tao ay magtitiis ng kasawian o magdurusa ang pinakamalaking balita na lubhang inaalala ng sinuman sa daloy na ito na may utak at nasa tamang pag-iisip? (Dito, ang pagdurusa ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga pagpapala; ibig sabihin nito na ang mga pagsubok sa hinaharap ay makabubuti para sa hantungan ng tao. Ang kasawian ay tumutukoy sa pagiging hindi kayang tumayo nang matatag, o pagiging nalinlang; o, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay makakatagpo ng di-kanais-nais na mga sitwasyon at mamamatay sa gitna ng sakuna, at na walang naaangkop na hantungan para sa kanyang kaluluwa.) Kahit na ang mga tao ay may matinong katwiran, marahil ang kanilang iniisip ay hindi lubos na tumutugma sa kung ano ang dapat na maisangkap sa kanilang katwiran. Ito ay dahil sa sila ay medyo nalilito at mistulang bulag na sumusunod sa mga bagay-bagay. Silang lahat ay dapat na magkaroon ng lubusang pagkatarok sa kung ano ang dapat nilang pasukin, at sa partikular, dapat nilang uriin kung ano ang dapat na mapasok sa panahon ng kapighatian (iyon ay, sa panahon ng pagpipino sa pugon), at kung ano ang dapat na maisangkap sa kanila sa panahon ng pagsubok ng apoy. Huwag palaging pagsilbihan ang iyong mga magulang (nangangahulugang ang laman) na parang mga baboy at mga aso at mas masahol pa sa mga langgam at mga insekto. Ano ang punto ng paghihirap para rito, pag-iisip nang sobra, at pagpapahirap sa iyong utak? Ang laman ay hindi sa iyo, kundi nasa mga kamay ng Diyos, na hindi lamang kumokontrol sa iyo kundi nag-uutos din kay Satanas. (Nangangahulugan ito na ang laman ay orihinal na pag-aari ni Satanas. Dahil si Satanas ay nasa mga kamay rin ng Diyos, ito ay masasabi lamang sa ganitong paraan. Ito ay dahil mas mapanghikayat na sabihin ito sa ganoong paraan; ito ay nagmumungkahi na ang mga tao ay hindi ganap na nasa ilalim ng sakop ni Satanas, kundi nasa mga kamay ng Diyos.) Ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng pagpapahirap ng laman—subali’t ang laman ba ay sa iyo? Ito ba ay nasa ilalim ng iyong kontrol? Bakit ka nag-aabalang pahirapan ang iyong utak dahil dito? Bakit ka nag-aabalang patuloy na magsumamo sa Diyos alang-alang sa iyong bulok na laman, na matagal nang nahatulan, isinumpa, at nadungisan ng maruruming espiritu? Bakit mo kailangang palaging panatilihin ang mga kasamahan ni Satanas na napakalapit sa iyong puso? Hindi ka ba nag-aalala na maaaring sirain ng laman ang iyong tunay na kinabukasan, ang iyong magagandang inaasahan, at ang tunay na hantungan ng iyong buhay?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 314
Ngayon, ang nagawa ninyong maunawaan ay mas mataas kaysa kaninumang tao sa buong kasaysayan na hindi ginawang perpekto. Ang kaalaman mo man sa mga pagsubok o ang paniniwala mo sa Diyos, lahat ng iyon ay mas mataas kaysa kaninumang nananampalataya sa Diyos. Ang mga bagay na inyong nauunawaan ang siyang nalalaman ninyo bago kayo sumailalim sa mga pagsubok ng mga sitwasyon, ngunit ang inyong tunay na tayog ay ganap na hindi kasundo ng mga iyon. Ang inyong nalalaman ay mas mataas kaysa inyong isinasagawa. Bagama’t sinasabi ninyo na ang mga taong naniniwala sa Diyos ay dapat mahalin ang Diyos, at dapat magsumikap hindi para sa mga pagpapala kundi para lamang matugunan ang kalooban ng Diyos, ang ipinapakita sa inyong buhay ay napakalayo rito, at narungisan na nang husto. Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kapayapaan at iba pang mga pakinabang. Kung hindi ka makikinabang, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka makatatanggap ng mga biyaya ng Diyos, nagmamaktol ka. Paano magiging iyong tunay na tayog ang nasabi mo? Pagdating sa di-maiiwasang mga pangyayari sa pamilya tulad ng pagkakasakit ng mga anak, pagkaospital ng mga mahal sa buhay, mahinang ani ng mga pananim, at pag-uusig ng mga kapamilya, kahit ang mga bagay na ito na nangyayari araw-araw ay mabigat para sa iyo. Kapag nangyayari ang gayong mga bagay, natataranta ka, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na kinutya ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong gayong mga saloobin? Palagay mo ba bihira lamang mangyari sa inyo ang gayong mga bagay? Ginugugol ninyo ang bawat araw sa pamumuhay sa gitna ng gayong mga kaganapan. Hindi ninyo iniisip ni katiting ang tagumpay ng inyong pananampalataya sa Diyos, at kung paano ninyo matutugunan ang kalooban ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakababa, mas mababa pa kaysa sa munting sisiw. Kapag nalugi ang negosyo ng inyong pamilya nagrereklamo kayo tungkol sa Diyos, kapag natatagpuan ninyo ang inyong sarili sa isang sitwasyon na walang proteksyon ng Diyos nagrereklamo pa rin kayo tungkol sa Diyos, at nagrereklamo kayo kahit kapag namatay ang isa sa inyong mga sisiw o nagkasakit ang isang matandang baka sa kulungan. Nagrereklamo kayo kapag panahon na para mag-asawa ang inyong anak na lalaki ngunit walang sapat na pera ang inyong pamilya; nais ninyong gampanan ang tungkulin ng punong-abala, ngunit hindi ninyo kayang gastusan iyon, at pagkatapos ay nagrereklamo ka rin. Punung-puno ka ng mga reklamo, at kung minsan ay hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, kung minsan ay nagiging negatibo ka sa loob ng mahabang panahon. Walang nangyayari sa iyo ngayon na may kinalaman sa iyong mga inaasam o kapalaran; ang mga bagay na ito ay mangyayari din kahit hindi ka naniwala sa Diyos, ngunit ngayon ay ipinapasa mo sa Diyos ang responsibilidad para sa mga ito, at pilit mong sinasabi na inalis ka na ng Diyos. Paano na ang paniniwala mo sa Diyos? Naihandog mo ba talaga ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang mga pagsubok na dinanas ni Job, walang isa man sa inyo na sumusunod sa Diyos ngayon ang makakayang manindigan, lahat kayo ay babagsak. At malaki ang pagkakaiba, sa simpleng pananalita, sa pagitan ninyo at ni Job. Ngayon, kung sinamsam ang kalahati ng inyong mga ari-arian, mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung kinuha ang inyong anak na lalaki o babae mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa kalye na sumisigaw ng ilegal iyan; kung ang tanging paraan mo para kumita ay wala nang patutunguhan, susubukan mong makipagtalo sa Diyos; itatanong mo kung bakit Ako nagpahayag ng napakaraming salita sa simula para takutin ka. Walang anumang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon. Ipinakikita nito na hindi pa kayo nagtamo ng anumang tunay na mga kabatiran, at wala kayong tunay na tayog. Sa gayon, ang mga pagsubok sa inyo ay napakalaki, sapagkat napakarami ninyong alam, ngunit ang inyong tunay na nauunawaan ay ni wala pa sa isa sa isanlibo ng inyong nalalaman. Huwag tumigil sa pagkaunawa at kaalaman lamang; ang pinakamainam ay tingnan ninyo kung gaano karami ang tunay ninyong maisasagawa, gaanong kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu ang nakamit mula sa pawis ng inyong pagsusumikap, at sa ilan sa inyong mga pagsasagawa ninyo napagtanto ang sarili ninyong matibay na pagpapasya. Dapat mong seryosohin ang iyong tayog at pagsasagawa. Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka dapat magtangkang gumawa nang wala sa loob para kaninuman—matatamo mo man ang katotohanan at buhay sa huli o hindi ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 315
Pinapalamutihan ng ilan ang kanilang mga sarili nang maganda, nguni’t paimbabaw lang: pinapalamutihan ng kababaihan ang kanilang mga sarili na kasingganda ng mga bulaklak, at nagdadamit ang kalalakihan na parang mga prinsipe o makikisig at mayayamang binata. Inaasikaso lang nila ang mga panlabas na bagay, gaya ng mga bagay na kinakain at isinusuot nila; sa loob, sila’y mga dukha at wala ni katiting na kaalaman tungkol sa Diyos. Ano kaya ang ibig sabihin nito? At mayroon namang ilan na nakadamit na parang kaawa-awang mga pulubi—mukha talaga silang mga alipin na taga-Silangang Asya! Talaga bang hindi ninyo nauunawaan ang itinatanong ko sa inyo? Mag-usap-usap kayo: Ano ba ang totoong natamo ninyo? Ilang taon na kayong naniniwala sa Diyos, subali’t ito lang lahat ang napala ninyo—hindi ba kayo napapahiya? Hindi ba kayo nahihiya? Ilang taon na kayong naghahanap ng tunay na daan, subali’t ngayon ay mas mababa pa rin sa isang maya ang inyong tayog! Tingnan ninyo ang mga dalaga sa gitna ninyo, kasingganda ng mga larawan sa inyong damit at kolorete, ikinukumpara ang inyong mga sarili sa isa’t isa—at ano ang ikinukumpara ninyo? Ang inyong kasiyahan? Ang inyong mga hinihingi? Palagay ba ninyo naparito ako para mangalap ng mga modelo? Wala kayong hiya! Nasaan ang inyong buhay? Hindi ba ang hinahangad ninyo ay ang sarili lamang ninyong maluhong pagnanasa? Akala mo napakaganda mo, nguni’t kahit maaaring napakagara ng damit mo, hindi ba sa katotohanan ay isa ka lamang malikot na uod, na isinilang sa isang tumpok ng dumi? Ngayon, mapalad mong natatamasa ang makalangit na mga pagpapalang ito hindi dahil sa maganda mong mukha, kundi dahil nagtatangi ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabangon sa iyo. Hindi pa rin ba malinaw sa iyo kung saan ka nagmula? Sa pagbanggit ng buhay, tikom ang iyong bibig at wala kang imik, pipi na parang rebulto, subali’t ang lakas pa rin ng loob mong manamit nang magara! Mahilig ka pa ring magpapula ng pisngi at magpulbos sa mukha! At tingnan ninyo ang makikisig na binata sa gitna ninyo, suwail na mga lalaki na ginugugol ang buong maghapon na palakad-lakad lang, walang disiplina, makikita sa mukha na wala silang pakialam sa mundo. Ganito ba dapat umasal ang isang tao? Ano ang pinagkakaabalahan ng bawa’t isa sa inyo, lalaki o babae, sa buong araw? Alam ba ninyo kung kanino kayo umaasa para pakainin ang sarili ninyo? Tingnan mo ang pananamit mo, tingnan mo kung ano ang napala mo sa mga kamay mo, haplusin mo ang tiyan mo—ano ang napala mo mula sa halaga ng dugo at pawis na naibayad mo sa lahat ng mga taon na ito ng pagsampalataya? Iniisip mo pa ring magliwaliw, iniisip mo pa ring gayakan ang iyong umaalingasaw na laman—mga walang-kuwentang paghahabol! Inuutusan kang maging isang taong normal, subali’t ngayon ay hindi ka lang basta abnormal, kakaiba ka pa. Paano nagkaroon ng tapang ang gayong tao na humarap sa Akin? Sa ganitong pagkatao, ipinaparada mo ang iyong kariktan at ipinapasikat ang iyong laman, palaging namumuhay sa loob ng mga pagnanasa ng laman—hindi ka ba isang inapo ng maruruming demonyo at masasamang espiritu? Hindi Ko papayagan ang gayong maruming demonyo na manatiling umiiral nang matagal! At huwag mong ipalagay na hindi Ko alam kung ano ang iniisip mo sa iyong puso. Maaari mong mahigpit na pigilan ang iyong pagnanasa at iyong laman, nguni’t paanong hindi Ko malalaman ang mga kaisipan na kinakandili mo sa iyong puso? Paanong hindi Ko malalaman ang lahat ng hinahangad ng iyong mga mata? Kayong mga dalaga, hindi ba nagpapaganda kayo nang husto para iparada ang inyong laman? Ano ang pakinabang ninyo sa mga lalaki? Talaga bang maililigtas nila kayo mula sa dagat-dagatan ng pagdurusa? Para naman sa inyong makikisig na binata, nagbibihis kayong lahat para magmukha kayong maginoo at marangal, nguni’t hindi ba iyon isang pakana para mapansin ang inyong kakisigan? Para kanino ninyo ginagawa ito? Ano ang pakinabang ninyo sa mga babae? Hindi ba sila ang pinagmumulan ng inyong kasalanan? Kayong kalalakihan at kababaihan, marami na Akong nasabi sa inyo, subali’t iilan lang ang nasunod ninyo sa mga iyon. Mahina ang mga pandinig ninyo, lumabo na ang inyong mga mata, at matigas ang inyong puso hanggang sa puntong wala nang natira kundi pagnanasa sa inyong katawan, kaya nasisilo kayo nito, at hindi kayo makatakas. Sino ang gustong lumapit sa inyo na mga uod, kayo na namimilipit sa karumihan at putikan? Huwag ninyong kalimutan na wala kayong pinagkaiba sa mga pinalaki ko mula sa tumpok ng dumi, na dati ay wala kayong normal na pagkatao. Ang hinihiling ko sa inyo ay ang normal na pagkatao na dati ay wala kayo, hindi ang iparada ninyo ang inyong pagnanasa o bigyan ng kalayaan ang inyong nabubulok na laman, na nasanay na ng diyablo sa loob ng napakaraming taon. Kapag ganoon kayo manamit, hindi ba kayo natatakot na baka mas lalo kayong masilo? Hindi ba ninyo alam na dati kayong makasalanan? Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay punung-puno ng pagnanasa kaya tumatagos pa iyon sa inyong damit, na naghahayag ng inyong mga kalagayan bilang napakapapangit at napakaruruming demonyo? Hindi ba alam na alam ninyo ito nang mas malinaw kaysa sinuman? Ang inyong mga puso, ang inyong mga mata, ang inyong mga labi—hindi ba narungisang lahat ang mga ito ng maruruming demonyo? Hindi ba marumi ang mga bahagi mong ito? Palagay mo ba basta’t hindi ka kumikilos, ikaw na ang pinakabanal? Palagay mo ba maitatago ng magagandang bihis ang inyong nakakadiring mga kaluluwa? Hindi uubra iyan! Ipinapayo Ko sa inyo na maging higit na makatotohanan: Huwag kayong maging madaya at huwad, at huwag ninyong iparada ang inyong mga sarili. Ipinapasikat ninyo ang inyong pagnanasa sa isa’t isa, nguni’t kapalit nito ang tatanggapin lamang ninyo ay walang-hanggang pagdurusa at walang-habas na pagpaparusa! Bakit ninyo kailangang magpapungay ng mga mata sa isa’t isa at mag-ibigan? Ito ba ang sukat ng inyong integridad, ang hangganan ng inyong pagiging matuwid? Kinamumuhian Ko yaong mga nakikisangkot sa inyo sa masasamang panggagamot at pangkukulam; kinamumuhian Ko ang mga binata’t dalaga sa inyo na nagmamahal sa sarili nilang laman. Makabubuting pigilan ninyo ang inyong mga sarili, dahil kinakailangan na ninyo ngayong magtaglay ng normal na pagkatao, at hindi kayo pinapayagang ipasikat ang inyong pagnanasa—subali’t ginagawa ninyo ito sa bawa’t oportunidad na kaya ninyo, sapagka’t ang inyong laman ay napakasagana, at ang inyong pagnanasa ay napakalaki!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 316
Ngayon, kung naging epektibo man o hindi ang inyong paghahabol ay nasusukat sa pamamagitan ng kung ano ang kasalukuyan ninyong taglay. Ito ang ginagamit para maalaman ang inyong kalalabasan; ibig sabihin, ang inyong kalalabasan ay nahahayag sa mga sakripisyo at mga bagay na nagawa ninyo. Ang inyong kalalabasan ay malalaman sa pamamagitan ng inyong paghahabol, inyong pananampalataya, at inyong nagawa. Sa inyong lahat, marami ang wala nang pag-asang mailigtas, sapagka’t ngayon ang araw ng paghahayag ng mga kalalabasan ng mga tao, at hindi Ako magiging lito sa Aking gawain; hindi Ko aakayin yaong mga lubos na walang pag-asang mailigtas tungo sa susunod na kapanahunan. Magkakaroon ng panahon na tapos na ang Aking gawain. Hindi Ko gagawaan yaong mababaho at walang espiritung mga bangkay na hindi man lang maililigtas; ngayon ang mga huling araw ng pagliligtas sa tao, at hindi Ako gagawa ng gawaing walang silbi. Huwag magalit sa Langit at lupa—darating na ang katapusan ng mundo. Hindi ito maiiwasan. Umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, at wala ka nang magagawa bilang tao para pigilin ang mga ito; hindi mo mababago ang mga bagay-bagay ayon sa gusto mo. Kahapon, hindi ka nagsikap na habulin ang katotohanan at hindi ka naging tapat; ngayon, dumating na ang panahon, wala ka nang pag-asang mailigtas; at bukas, aalisin ka na, at wala nang magiging palugit para sa iyong kaligtasan. Kahit malambot ang Aking puso at ginagawa Ko ang lahat ng makakaya Ko para iligtas ka, kung hindi ka nagpupunyagi o nag-iisip para sa sarili mo, ano ang kinalaman nito sa Akin? Yaong mga nag-iisip lamang tungkol sa kanilang laman at nagtatamasa ng kaginhawahan; yaong mga mukhang naniniwala nguni’t hindi talaga naniniwala; yaong mga nakikilahok sa masasamang panggagamot at pangkukulam; yaong mga walang delikadesa, gula-gulanit at nanlilimahid; yaong mga nagnanakaw ng mga alay kay Jehova at ng Kanyang mga pag-aari; yaong mga nagmamahal sa mga suhol; yaong mga nangangarap nang walang ginagawa na makaakyat sa langit; yaong mga mapagmataas at palalo, na nagpupunyagi lamang para sa personal na katanyagan at yaman; yaong mga nagkakalat ng mga salitang walang katuturan; yaong mga lumalapastangan sa Diyos Mismo; yaong mga walang ginagawa kundi husgahan at siraang-puri ang Diyos Mismo; yaong mga naggugrupu-grupo at naghahangad na maging malaya; yaong mga dinadakila ang kanilang sarili nang higit sa Diyos; yaong walang-kuwentang mga kabataan, mga may-edad at matatandang kalalakihan at kababaihan na nasilo sa kahalayan; yaong kalalakihan at kababaihan na nagtatamasa ng personal na katanyagan at yaman at naghahabol ng personal na katayuan sa gitna ng iba; yaong mga taong hindi nagsisisi na nabitag sa kasalanan—hindi ba sila, lahat sila, ay walang pag-asang maligtas? Ang kahalayan, pagiging makasalanan, masamang panggagamot, pangkukulam, pagmumura, at walang-katuturang mga salita ay lahat talamak sa inyo; at ang katotohanan at mga salita ng buhay ay tinatapakan sa gitna ninyo, at ang banal na pananalita ay dinudungisan sa gitna ninyo. Kayong mga Hentil, na sobra sa karumihan at pagkasuwail! Ano ang kalalabasan ninyo sa huli? Paano naaatim ng mga nagmamahal sa laman, gumagawa ng pangkukulam ng laman, at nabibitag sa mahalay na kasalanan na patuloy na mabuhay! Hindi mo ba alam na ang mga taong katulad ninyo ay mga uod na walang pag-asang maligtas? Ano ang nagbigay sa inyo ng karapatang humingi ng kung anu-ano? Sa ngayon, wala ni katiting na pagbabago sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan at nagmamahal lamang sa laman—paano maliligtas ang gayong mga tao? Yaong mga hindi minamahal ang daan ng buhay, mga hindi dumadakila sa Diyos at nagpapatotoo sa Kanya, mga nagpapakana alang-alang sa sarili nilang katayuan, na nagtataas sa kanilang mga sarili—hindi ba’t ganoon pa rin sila, kahit ngayon? Ano ang kabuluhan ng pagliligtas sa kanila? Kung maliligtas ka ay hindi depende sa kung gaano ka na katanda o ilang taon ka nang nagtatrabaho, at lalo nang hindi ito depende sa kung gaano karami ang mga kredensyal mo. Bagkus, depende ito sa kung nagbunga na ang iyong paghahabol. Kailangan mong malaman na yaong mga naliligtas ay ang “mga puno” na nagbubunga, hindi ang mga puno na may malalagong dahon at saganang bulaklak subali’t hindi nagbubunga. Kahit nakagugol ka na ng maraming taon sa paggala-gala sa mga lansangan, ano ang halaga niyon? Nasaan ang iyong patotoo? Ang iyong pagpipitagan sa Diyos ay napakababaw kumpara sa pagmamahal mo sa iyong sarili at sa iyong mga mahahalay na pagnanasa—hindi ba napakasama ng ganitong klaseng tao? Paano sila magiging uliran at huwaran para sa pagliligtas? Ang iyong kalikasan ay hindi na mababago, napakasuwail mo, wala ka nang pag-asang maligtas! Hindi ba ang gayong mga tao ang aalisin? Hindi ba ang oras na matatapos ang Aking gawain ang siyang oras ng pagdating ng huling araw mo? Napakarami Kong nagawang gawain at napakarami Kong nasambit na salita sa gitna ninyo—gaano karami nito ang tunay na nakapasok sa inyong mga tainga? Gaano karami nito ang nasunod ninyo kahit kailan? Kapag natapos ang Aking gawain, iyon ang magiging oras na titigil kang kontrahin Ako, na titigil kang kalabanin Ako. Habang Ako’y gumagawa, patuloy kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo sumusunod sa Aking mga salita kahit kailan. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling “gawain,” gumagawa ng sarili mong munting kaharian. Kayo’y walang iba kundi mga soro at mga aso, ginagawa ang lahat para kontrahin Ako! Palagi ninyong sinusubukang yakapin yaong mga naghahandog sa inyo ng kanilang buong pagmamahal—nasaan ang inyong pagpipitagan? Lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang! Wala kayong pagsunod o pagpipitagan, at lahat ng ginagawa ninyo ay mapanlinlang at lapastangan! Maliligtas ba ang ganyang klaseng tao? Ang mga taong sekswal na imoral at mahalay ay palaging gustong akitin ang makikiring haliparot sa kanila para sa sarili nilang kasiyahan. Hindi Ko talaga ililigtas ang gayong sekswal na imoral na mga demonyo. Kinamumuhian Ko kayong maruruming demonyo, at ang inyong kahalayan at pagiging haliparot ay magsasadlak sa inyo sa impiyerno. Ano ang masasabi ninyo para sa inyong mga sarili? Nakakadiri kayong maruruming demonyo at masasamang espiritu! Nakasusuklam kayo! Paano maliligtas ang gayong klaseng basura? Maliligtas pa rin ba sila na nabibitag sa kasalanan? Ngayon, ang katotohanang ito, ang daang ito, at ang buhay na ito ay hindi umaakit sa inyo; bagkus, naaakit kayo sa pagkakasala; sa pera; sa reputasyon, katanyagan at pakinabang; sa mga kasiyahan ng laman; sa kaguwapuhan ng mga lalaki at kariktan ng mga babae. Ano ang nagbibigay ng karapatan sa inyo na pumasok sa Aking kaharian? Ang inyong larawan ay higit pa kaysa sa Diyos, ang inyong katayuan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, maliban pa sa inyong kabantugan sa mga tao—naging idolo na kayo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba kayo naging ang arkanghel? Kapag inihahayag na ang mga kalalabasan ng mga tao, na kung kailan rin malapit nang matapos ang gawain ng pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na wala nang pag-asang maligtas at kailangang alisin. Sa oras ng gawain ng pagliligtas, Ako ay mabait at mabuti sa lahat ng tao. Kapag natapos na ang gawain, ang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao ay mahahayag, at sa oras na iyon, hindi na Ako magiging mabait at mabuti, sapagka’t ang mga kalalabasan ng mga tao ay mahahayag na, at bawa’t isa ay pagsasama-samahin ayon sa kanilang uri, at mawawalan na ng saysay ang paggawa ng anumang iba pang gawain ng pagliligtas, dahil ang kapanahunan ng pagliligtas ay nakalipas na, at, dahil nakalipas na, hindi na ito babalik.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 317
Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkakabalot ng impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang hindi makakatakas. At ang disposisyon niya, pagkatapos itong maproseso ni Satanas, ay nagiging lalo at lalo pang tiwali. Maaaring masabi na ang tao ay noon pa namumuhay kasama ang kanyang tiwali at malasatanas na disposisyon, at walang kakayahang tunay na ibigin ang Diyos. Yamang ganito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang matanggalan ng kanyang pagmamagaling, labis na pagpapahalaga sa sarili, pagmamataas, kapalaluan, at iba pang gaya nito—lahat ng mula sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang hindi dalisay na pag-ibig, isang pag-ibig kay Satanas, at isa na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang ginagawang perpekto, pinakikitunguhan, binabasag, tinatabas, dinidisiplina, itinutuwid, at pinipino ng Banal na Espiritu, walang sinuman ang tunay na nakakaibig sa Diyos. Kung sinasabi mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin nang tunay ang Diyos, isa ka na mayabang magsalita at nahihibang. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang likas na kalikasan ng tao ay hindi kayang direktang kumatawan sa Diyos; kailangang alisin ng tao ang katutubong kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos at saka lamang—sa pamamagitan lamang ng pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa mga layunin ng Diyos at higit pa rito ay pagpapasailalim sa gawain ng Banal na Espiritu—na masasang-ayunan ng Diyos ang kanyang isinasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang kayang direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi masasabi na ganap na kumakatawan sa Diyos; masasabi lamang na ang kanyang isinasabuhay ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi kayang kumatawan sa Diyos.
Kahit na ang disposisyon ng tao ay itinatalaga ng Diyos—ito ay hindi mapag-aalinlanganan at maituturing na isang positibong bagay—ito ay naproseso na ni Satanas. Samakatuwid, ang buong disposisyon ng tao ay disposisyon ni Satanas. Sinasabi ng ilang tao na ang disposisyon ng Diyos ay ang maging tuwiran sa paggawa ng mga bagay-bagay, at na ito rin ay ipinamamalas nila, na ang kanilang karakter ay ganito rin, at kaya, sinasabi nila na ang kanilang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos. Anong klaseng tao ang mga ito? Kaya bang katawanin ng tiwali at malasatanas na disposisyon ang Diyos? Sinumang nagpapahayag na ang kanyang disposisyon ay kumakatawan sa Diyos ay lumalapastangan sa Diyos at iniinsulto ang Banal na Espiritu! Ipinapakita ng paraan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu na ang gawain ng Diyos sa lupa ay tanging ang gawain ng paglupig. Ito ang dahilan kung bakit ang maraming tiwaling satanikong disposisyon ng tao ay hindi pa nalilinis at kung bakit ang isinasabuhay ng tao ay ang larawan pa rin ni Satanas. Ito ang pinaniniwalaan ng tao na mabuti at kumakatawan ito sa mga gawa ng laman ng tao, o, para maging mas tumpak, ito ay kumakatawan kay Satanas at walang-pasubali na hindi kayang kumatawan sa Diyos. Kahit na ang isang tao ay umiibig na sa Diyos hanggang sa puntong natatamasa na niya ang buhay ng langit sa lupa, kayang makapagbitaw ng mga pahayag na tulad ng: “O Diyos! Hindi Kita maiibig nang sapat,” at narating na ang pinakamataas na dako, hindi pa rin masasabi na isinasabuhay niya ang Diyos o kumakatawan sa Diyos, dahil ang diwa ng tao ay hindi katulad ng sa Diyos, at hindi kailanman maisasabuhay ng tao ang Diyos, lalo na ang maging Diyos. Ang naipatnubay ng Banal na Espiritu sa tao na isabuhay ay alinsunod lamang sa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao.
Ang lahat ng kilos at gawa ni Satanas ay nakikita sa tao. Ngayon, ang lahat ng kilos at gawa ng tao ay pagpapahayag ni Satanas at samakatuwid ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang tao ang pagsasakatawan ni Satanas, at ang disposisyon ng tao ay hindi kayang kumatawan sa disposisyon ng Diyos. Ang ilang tao ay may mabuting karakter; ang Diyos ay maaaring gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng karakter ng mga naturang tao at ang gawain na kanilang ginagawa ay ginagabayan ng Banal na Espiritu. Nguni’t ang kanilang disposisyon ay hindi kayang kumatawan sa Diyos. Ang gawain na ginagawa ng Diyos sa kanila ay paggawa lamang at pagpapalawak ng kung ano na ang umiiral sa loob. Mga propeta man mula sa mga nakaraang kapanahunan o mga taong ginagamit ng Diyos, walang sinuman ang kayang direktang kumatawan sa Kanya. Ang mga tao ay naiibig lamang ang Diyos dahil napipilitan sa mga nangyayari, at wala ni isa ang kusang nagsisikap upang makipagtulungan. Ano ang mga positibong bagay? Ang lahat ng direktang nanggagaling sa Diyos ay positibo. Gayunman, ang disposisyon ng tao ay naproseso na ni Satanas at hindi kayang kumatawan sa Diyos. Tanging ang pag-ibig, ang kahandaan na magdusa, ang katuwiran, pagpapasakop, at pagpapakumbaba at pagkatago ng nagkatawang-taong Diyos ang direktang kumakatawan sa Diyos. Ito ay dahil noong Siya ay pumarito, Siya ay dumating nang walang makasalanang kalikasan at direktang dumating mula sa Diyos, nang hindi naproseso ni Satanas. Si Jesus ay kawangis lamang ng makasalanang laman at hindi kumakatawan sa kasalanan; samakatuwid, ang Kanyang mga kilos, gawa, at salita, hanggang sa panahon bago ang Kanyang pagtupad ng gawain sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus (kabilang ang sandali ng Kanyang pagpapapako sa krus), ay lahat direktang kumakatawan sa Diyos. Ang halimbawa ni Jesus ay sapat na upang patunayan na ang sinumang tao na may makasalanang kalikasan ay hindi kayang kumatawan sa Diyos, at na ang kasalanan ng tao ay kumakatawan kay Satanas. Ang ibig sabihin nito, ang kasalanan ay hindi kumakatawan sa Diyos at ang Diyos ay walang kasalanan. Kahit ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa tao ay maituturing lamang na nagabayan ng Banal na Espiritu at hindi masasabi na ginawa ng tao sa ngalan ng Diyos. Nguni’t para sa tao, ang kanyang kasalanan man o ang kanyang disposisyon ay hindi kumakatawan sa Diyos. Sa pagtingin sa gawaing nagawa ng Banal na Espiritu sa tao mula noon hanggang ngayon, nakikita ng isang tao na taglay ng tao kung ano ang kanyang isinasabuhay dahil lamang gumawa sa kanya ang Banal na Espiritu. Lubhang kakaunti lamang ang nagagawang isabuhay ang katotohanan matapos ang pakikitungo at pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Ang ibig sabihin nito, tanging ang gawain ng Banal na Espiritu ang naroroon; ang kooperasyon sa panig ng tao ay wala. Malinaw mo na ba itong nakikita ngayon? Yamang ganito, paano mo gagawin ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan sa Kanya at tuparin ang iyong tungkulin kapag gumagawa ang Banal na Espiritu?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 318
Ang iyong paniniwala sa Diyos, ang iyong paghahangad sa katotohanan, at maging ang iyong asal ay dapat nakabatay lahat sa katotohanan: Dapat maging praktikal ang anumang ginagawa mo, at hindi ka dapat maghangad ng mga hindi tunay at imahinatibong bagay. Walang halaga ang umasal nang ganito, at, bukod pa rito, walang kabuluhan sa gayong buhay. Dahil ang iyong paghahangad at buhay ay ginugugol sa gitna ng kasinungalingan at panlilinlang lamang, at dahil hindi ka naghahangad ng mga bagay na may halaga at kabuluhan, ang tanging nakakamit mo ay mga katawa-tawang pangangatuwiran at doktrinang lihis sa katotohanan. Walang kaugnayan ang gayong mga bagay sa kabuluhan at halaga ng iyong pag-iral, at maaari lamang magdala sa iyo sa hungkag na lupain. Sa ganitong paraan, ang buong buhay mo ay mawawalan ng anumang halaga o kabuluhan—at kung hindi ka naghahangad ng isang makabuluhang buhay, maaari kang mabuhay nang isang daang taon at ang lahat ng ito ay mawawalan ng silbi. Paano iyan matatawag na buhay ng tao? Kung tutuusin, hindi ba’t iyan ay buhay ng isang hayop? Gayundin, kung sinusubukan ninyong sundan ang landas ng paniniwala sa Diyos, ngunit walang pagtatangkang maghangad sa Diyos na nakikita at sa halip ay sumasamba sa isang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos, hindi ba’t ang gayong paghahangad ay lalo pang walang-saysay? Sa huli, ang iyong paghahangad ay magiging isang bunton ng mga guho. Ano ang pakinabang sa iyo ng gayong paghahangad? Ang pinakamalaking suliranin sa tao ay minamahal lamang niya ang mga bagay na hindi nakikita o nahahawakan, mga bagay na labis na mahiwaga at kamangha-mangha at hindi lubos na mawari ng tao at hindi kayang maabot ng mga mortal lamang. Habang lalong hindi makatotohanan ang mga bagay na ito, lalong susuriin ang mga ito ng mga tao, at hinahangad pa ang mga iyon ng mga tao na walang pakialam sa ibang mga bagay, at tatangkaing makamtan ang mga iyon. Habang lalong hindi makatotohanan ang mga iyon, lalong malapitang bubusisiin at sisiyasatin ng mga tao ang mga iyon, na aabot pa nga sa paggawa ng mga sarili nilang puspusang kaisipan tungkol sa mga ito. Taliwas dito, habang higit na makatotohanan ang mga bagay, higit na hindi ito binibigyang-pansin ng mga tao; minamaliit lamang at hinahamak pa nga nila ang mga ito. Hindi ba’t ito ang inyong tunay na saloobin sa makatotohanang gawain Ko ngayon? Habang higit na makatotohanan ang gayong mga bagay, higit na kumikiling kayo laban sa mga ito. Hindi kayo nagbibigay ng panahon para suriin ang mga iyon, sa halip ay hindi na lamang ninyo pinapansin ang mga iyon; hinahamak ninyo ang mga ganitong pangangailangan na makatotohanan at may mababang pamantayan, at nag-iingat pa nga kayo ng napakaraming kuru-kuro tungkol sa Diyos na pinakatunay, at basta walang kakayahang tanggapin ang Kanyang pagiging tunay at karaniwan. Sa ganitong paraan, hindi ba’t isang malabong paniniwala ang inyong pinanghahawakan? Mayroon kayong hindi natitinag na paniniwala sa hindi malinaw na Diyos ng nakalipas na panahon, at walang pagkawili sa tunay na Diyos ng kasalukuyan. Hindi ba’t ito ay dahil sa ang Diyos ng kahapon at ang Diyos ng kasalukuyan ay mula sa dalawang magkaibang panahon? Hindi rin ba’t ito ay dahil sa ang Diyos ng kahapon ay ang mabunying Diyos ng kalangitan, samantalang ang Diyos ng kasalukuyan ay isa lamang maliit na tao sa lupa? Dagdag pa, hindi ba’t ito ay dahil sa ang Diyos na sinasamba ng tao ay ang siyang kinatha ng kanyang mga kuru-kuro, samantalang ang Diyos ng kasalukuyan ay totoong katawang-tao na iniluwal sa lupa? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, hindi ba’t ito ay dahil sa ang Diyos ng kasalukuyan ay totoong-totoo kaya’t hindi Siya hinahangad ng mga tao? Sapagka’t ang hinihingi sa mga tao ng Diyos ng kasalukuyan ay yaong sadyang pinakaayaw gawin ng mga tao, at yaong nakapagpaparamdam sa kanila ng kahihiyan. Hindi ba’t ginagawa lamang nitong mahirap para sa mga tao ang mga bagay? Hindi ba nito inilalantad ang mga pilat ng mga tao? Sa ganitong paraan, maraming tao ang hindi hinahanap ang tunay na Diyos, ang praktikal na Diyos, kaya naman nagiging kaaway sila ng nagkatawang-taong Diyos, na ang ibig sabihin, ay mga anticristo sila. Hindi ba’t ito ay isang malinaw na katunayan? Sa nakalipas, noong hindi pa nagkakatawang-tao ang Diyos, ikaw marahil ay naging isang relihiyosong tao o isang debotong mananampalataya. Pagkaraang magkatawang-tao ang Diyos, marami sa mga gayong debotong mananampalataya ang naging mga anticristo nang hindi nila namamalayan. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka nagtutuon ng pansin sa realidad o naghahangad sa katotohanan, bagkus ay nahuhumaling sa mga kabulaanan—hindi ba’t ito ang pinakamalinaw na pinagmumulan ng iyong pakikipag-alitan sa Diyos na nagkatawang-tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, kaya hindi ba’t anticristo ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao? Kaya tunay ba na ang iyong pinaniniwalaan at minamahal ay ang Diyos na nagkatawang-tao? Ito nga ba ang buhay, humihingang Diyos na pinakatotoo at bukod-tanging karaniwan? Ano ba ang talagang layunin ng iyong paghahangad? Ito ba ay nasa langit o nasa lupa? Ito ba ay isang kuru-kuro o ito ang katotohanan? Ito ba ay ang Diyos o isang nilalang na supernatural? Sa katunayan, ang katotohanan ang pinakatunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas sa gayong mga talinghaga sa buong sangkatauhan. Sapagkat ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao, at ang gawaing personal na ginagampanan ng Diyos, kaya’t tinatawag itong “talinghaga ng buhay.” Hindi ito isang talinghagang binuo mula sa kung anong bagay, o hindi rin ito isang tanyag na panipi mula sa isang dakilang tao. Sa halip, ito ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng bagay; hindi ito ilang salita na nilagom ng tao, kundi ang likas na buhay ng Diyos. Kaya nga ito ang tinatawag na “pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.” Ang paghahangad ng mga tao na isagawa ang katotohanan ay pagganap sa kanilang tungkulin—ibig sabihin, ito ay ang paghahangad na tugunan ang hinihingi ng Diyos. Ang diwa ng hinihinging ito ang pinakatunay sa lahat ng katotohanan, at hindi doktrinang walang katuturan na hindi makakamtan ng sinuman. Kung ang iyong paghahangad ay doktrina lamang at walang nilalamang realidad, hindi ba’t naghihimagsik ka laban sa katotohanan? Hindi ka ba isang tao na sumasalakay sa katotohanan? Paano mangyayari na ang gayong tao ay maging isang may pagnanais na mahalin ang Diyos? Ang mga taong walang realidad ay yaong mga nagkakanulo sa katotohanan, at lahat sila ay likas na mapanghimagsik!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 319
Ninanais ninyong lahat na magantimpalaan sa harap ng Diyos at paboran ng Diyos; umaasa ang bawat isa sa mga ganoong bagay kapag nagsimula na silang maniwala sa Diyos, sapagkat abala ang bawat isa sa pagkakamit ng mas matataas na bagay, at walang sinumang ibig mahuli sa iba. Ganito lamang talaga ang mga tao. Dahil mismo sa pag-iisip na ito kaya marami sa inyo ang patuloy na sumusubok magpalakas sa Diyos na nasa langit, subalit sa totoo lang, ang katapatan at pagiging bukas ninyo sa Diyos ay higit na mababa kaysa sa katapatan at pagiging bukas ninyo sa inyong mga sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat hindi Ko kinikilala ni katiting ang katapatan ninyo sa Diyos at, higit pa rito, itinatatwa Ko ang pagkakaroon ng Diyos na nasa mga puso ninyo. Ibig sabihin, ang Diyos na sinasamba ninyo, ang malabong Diyos na hinahangaan ninyo, ay hindi talaga totoo. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang may katiyakan ay dahil napakalayo ninyo sa tunay na Diyos. Ang diyos-diyosan sa mga puso ninyo ang dahilan ng katapatan ninyo; samantala, para sa Akin, ang Diyos na tinitingnan ninyo na hindi dakila o hamak ay kinikilala lamang ninyo sa mga salita. Kapag sinabi Kong malayo kayo sa Diyos, ang ibig Kong sabihin ay malayo kayo sa tunay na Diyos, habang tila malapit lamang ang malabong Diyos. Kapag sinabi Kong, “hindi dakila,” tumutukoy ito sa kung paanong ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ngayon ay lumalabas na tao lamang na walang mga kahanga-hangang kakayahan, isang taong hindi gaanong dakila. At kapag sinabi Kong, “hindi hamak,” ang ibig sabihin nito ay bagama’t hindi kayang tawagin ng taong ito ang hangin at utusan ang ulan, nagagawa pa rin Niyang tawagin ang Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing yayanig sa kalangitan at lupa, na nagdudulot sa mga tao na lubos na malito. Sa panlabas, mukha kayong napakamasunurin sa Cristong ito na nasa lupa, subalit sa diwa, wala kayong pananampalataya sa Kanya, ni hindi ninyo Siya minamahal. Ibig sabihin, ang malabong Diyos na iyon ng inyong mga damdamin ang tunay ninyong pinaniniwalaan, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos na inyong ninanasa sa gabi at sa araw, subalit hindi pa kailanman nakikita nang harapan. Hindi lubos ang inyong pananampalataya, at wala ang pagmamahal ninyo sa Cristong ito. Paniniwala at pagtitiwala ang kahulugan ng pananampalataya; pagsamba at paghanga sa puso ng isang tao ang ibig sabihin ng pagmamahal, na hindi kailanman mawawalay. Subalit kulang na kulang nito ang pananampalataya at pagmamahal ninyo sa Cristo ng ngayon. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo nananampalataya sa Kanya? Pagdating sa pagmamahal, sa paanong paraan ninyo Siya minamahal? Wala talaga kayong pagkaunawa sa disposisyon Niya, at mas lalong kaunti ang pagkaalam ninyo sa Kanyang diwa, kaya paano kayo nananampalataya sa Kanya? Totoo ba ang inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang realidad ng inyong pagmamahal sa Kanya?
Marami ang sumusunod sa Akin nang walang pag-aatubili hanggang ngayon. Gayundin, dumanas kayo ng labis na pagkapagod sa nakaraang ilang taon. Malinaw na malinaw Kong nauunawaan ang likas na katangian at mga gawi ng bawat isa sa inyo; labis na nakakapagod ang pakikipag-ugnayan sa bawat isa sa inyo. Ang nakakalungkot ay bagama’t nauunawaan Ko ang maraming bagay tungkol sa inyo, wala kayong nauunawaan sa Akin. Hindi nakapagtataka na sinasabi ng mga tao na napaniwala kayo ng panlilinlang ng kung sino sa isang sandali ng kalituhan. Tunay ngang wala kayong naiintindihan sa Aking disposisyon, at mas lalong hindi ninyo maaarok kung ano ang nasa Aking isipan. Ngayon, tumitindi ang mga maling pagkaunawa ninyo tungkol sa Akin, at nananatiling litong pananampalataya ang pananampalataya ninyo sa Akin. Sa halip na sabihin na may pananampalataya kayo sa Akin, mas nababagay sabihing sinusubukan ninyong lahat na magpalakas at mambola sa Akin. Napakapayak ng mga motibo ninyo: Susundin ko ang sinumang kayang maggantimpala sa akin, at maniniwala ako sa sinumang nagtutulot sa aking makatakas sa malalaking sakuna, Diyos man siya o anumang partikular na Diyos. Wala sa mga ito ang alalahanin Ko. Marami sa inyo ang ganitong klase ng tao, at napakalubha ng kalagayang ito. Kung, isang araw, may isang pagsubok upang malaman kung ilan sa inyo ang may pananampalataya kay Cristo dahil sa kabatiran sa Kanyang diwa, mangangamba Akong wala ni isa man sa inyo ang magiging kasiya-siya sa Akin. Kaya’t hindi na masama para sa bawat isa sa inyo na isaalang-alang ang tanong na ito: Napakalaki ng pagkakaiba sa Akin ng Diyos na pinaniniwalaan ninyo, at yamang ganito, ano kung gayon ang pinakadiwa ng pananampalataya ninyo sa Diyos? Habang mas pinaniniwalaan ninyo ang inyong tinaguriang Diyos, mas lalo kayong lumalayo sa Akin. Kung gayon, ano ang pinakadiwa ng usaping ito? Tiyak na wala ni isa man sa inyo ang nagsaalang-alang kailanman sa katanungang tulad nito, ngunit naisip ba ninyo ang bigat nito? Sumasagi ba sa isipan ninyo ang kahihinatnan ng patuloy na paniniwala sa ganitong paraan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 320
Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung malamang na pagdudahan mo ang Diyos at sinasadya mong gumawa ng haka-haka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao. Nag-iisip-isip ka kung maaaring maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, mababaw ang pagkatao, salat sa pagiging makatarungan at katwiran, walang pagkaunawa sa katarungan, mahilig sa mapanirang mga kaparaanan, taksil at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni bahagyang kaalaman sa Diyos? Kasalanan talaga ang ganitong uri ng pananampalataya! Mayroon pa ngang ibang naniniwala na ang mga nagbibigay-lugod sa Akin ay ang mga nambobola at sumisipsip, at hindi tatanggapin sa tahanan ng Diyos at mawawalan ng lugar doon ang mga walang kasanayan sa ganoong mga bagay. Ito lamang ba ang tanging kaalamang nakuha ninyo pagkatapos ng maraming taon? Ito ba ang nakamit ninyo? At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang kaalaman ninyo sa Akin; mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at pinagmumukha ninyong masama sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at higit pang pagsalungat sa Akin ang pananampalatayang tulad ng sa inyo. Sa loob ng maraming taon ng gawain, marami na kayong nakitang katotohanan, ngunit alam ba ninyo kung ano ang narinig ng Aking mga tainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga ng katotohanan, ngunit ilan sa inyo ang tunay na nagdusa para sa katotohanan? Walang iba kundi pagiging hindi matuwid ang nasa mga puso ninyo, na nagpapaisip sa inyo na ang lahat, maging sino man sila, ay parehong mapanlinlang at buktot—hanggang sa puntong naniniwala pa nga kayo na ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng karaniwang tao, ay maaaring walang mabuting puso o mapagmalasakit na pagmamahal. Higit pa riyan, naniniwala kayo na sa Diyos na nasa langit lamang umiiral ang isang marangal na katangian at isang mahabagin at mapagmalasakit na kalikasan. Naniniwala kayong walang santong tulad nito, na tanging kadiliman at kasamaan ang naghahari sa lupa, samantalang ang Diyos ay isang bagay na pinaglalagakan ng mga tao ng kanilang pananabik sa mabuti at maganda, isang maalamat na nilalang na gawa-gawa lamang nila. Sa inyong mga isipan, ang Diyos na nasa langit ay lubhang marangal, matuwid, at dakila, karapat-dapat sa pagsamba at paghanga; samantala, itong Diyos na nasa lupa ay panghalili lamang, at isang kasangkapan, ng Diyos na nasa langit. Naniniwala kayo na hindi magiging kapantay ng Diyos na nasa langit ang Diyos na ito, at lalong hindi Siya dapat mabanggit nang tulad ng pagbanggit sa Kanya. Pagdating sa kadakilaan at karangalan ng Diyos, tumutukoy ito sa kaluwalhatian ng Diyos na nasa langit, ngunit pagdating sa kalikasan at sa katiwalian ng tao, mga katangian ito na may bahagi ang Diyos na nasa lupa. Walang-hanggang matayog ang Diyos na nasa langit, samantalang magpakailanmang hamak, mahina, at walang kakayahan ang Diyos na nasa lupa. Hindi nadadala ng bugso ng damdamin ang Diyos na nasa langit, kundi sa pagiging matuwid lamang, samantalang may makasariling dahilan lamang at walang anumang pagkamakatarungan o katwiran ang Diyos na nasa lupa. Wala kahit bahagyang kabuktutan at tapat magpakailanman ang Diyos na nasa langit, samantalang laging may mapandayang katangian ang Diyos na nasa lupa. Mahal na mahal ng Diyos na nasa langit ang tao, samantalang nagpapakita ng hindi sapat na pag-aaruga sa tao ang Diyos na nasa lupa, at lubos pa nga itong pinababayaan. Matagal na sa mga puso ninyo ang maling kaalamang ito at maaari rin itong maipagpatuloy sa hinaharap. Tinitingnan ninyo ang lahat ng gawa ni Cristo mula sa pananaw ng mga hindi matuwid at sinusuri ang lahat ng Kanyang gawain, gayundin ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa, mula sa pananaw ng mga buktot. Nakagawa kayo ng matinding pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi pa kailanman nagagawa ng mga nauna sa inyo. Ibig sabihin, pinaglilingkuran lamang ninyo ang dakilang Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo, at hindi kayo kailanman nagsisilbi sa Diyos na itinuturing ninyo na napakahamak kaya hindi ninyo Siya nakikita. Hindi ba’t ito ay inyong kasalanan? Hindi ba ito isang karaniwang halimbawa ng pagkakasala ninyo laban sa disposisyon ng Diyos? Sinasamba ninyo ang Diyos na nasa langit. Sinasamba ninyo ang matatayog na larawan at pinahahalagahan ang mga bantog dahil sa kanilang kahusayang magsalita. Nagagalak kang mautusan ng Diyos na pumupuno sa iyong mga kamay ng mga yaman, at pinananabikan nang labis ang Diyos na makatutupad ng bawat nais mo. Ang Diyos na ito na hindi matayog ang tanging hindi mo sinasamba; ang pakikisama sa Diyos na hindi kayang igalang ng sinuman ang nag-iisang bagay na kinapopootan mo. Ang paglingkuran ang Diyos na hindi kailanman nagbigay sa iyo ng kahit isang sentimo ang tanging bagay na hindi mo handang gawin, at ang hindi kaibig-ibig na Diyos na ito ang Siyang natatangi na hindi magawang panabikin ka sa Kanya. Walang kakayahan ang ganitong Diyos na mapalawak ang mga pananaw mo, na maiparamdam sa iyo na tila ba may natagpuan kang kayamanan, at lalong hindi Niya matutupad ang nais mo. Kung gayon, bakit mo Siya sinusunod? Napag-isipan mo na ba ang mga katanungang tulad nito? Sa ginagawa mo ay hindi ka lamang nagkakasala sa Cristong ito; mas mahalaga, nagkakasala ka sa Diyos na nasa langit. Sa palagay Ko, hindi ito ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 321
Inaasam ninyo na kalugdan kayo ng Diyos, subalit napakalayo ninyo sa Diyos. Ano ang problema rito? Ang mga salita lamang Niya ang tinatanggap ninyo, ngunit hindi ang pagwawasto at pagtatabas Niya, lalong hindi ninyo magawang tanggapin ang bawat pagsasaayos Niya, ang magkaroon ng ganap na pananampalataya sa Kanya. Kung gayon, ano ang problema rito? Sa huling pagsusuri, ang inyong pananampalataya ay isang basyong balat ng itlog, iyong hindi kailanman makabubuo ng sisiw. Sapagkat hindi nakapagdala sa inyo ng katotohanan o nakapagbigay sa inyo ng buhay ang inyong pananampalataya, bagkus ay nakapagbigay ito sa inyo ng mapanlinlang na pakiramdam ng pagtustos at pag-asa. Itong pakiramdam ng pagtustos at pag-asa ang layunin ng paniniwala ninyo sa Diyos, hindi ang katotohanan at ang buhay. Kaya’t sinasabi Ko na ang landas ng inyong pananampalataya sa Diyos ay walang iba kundi ang subukang magpalakas sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapaalipin at kawalan ng kahihiyan, at sa kahit anong paraan ay hindi maipapalagay na totoong pananampalataya. Paano isisilang ang isang sisiw sa pananampalatayang tulad nito? Sa madaling salita, ano ang magagawa ng pananampalatayang tulad nito? Ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos ay gamitin Siya upang makamit ang inyong mga layunin. Hindi ba ito dagdag na katotohanan na nagkakasala kayo laban sa disposisyon ng Diyos? Naniniwala kayo na mayroong Diyos na nasa langit at itinatatwa ninyo ang Diyos na nasa lupa, subalit hindi Ko kinikilala ang mga pananaw ninyo; pinapupurihan Ko lamang ang mga taong pinananatili ang mga paa nila sa lupa at naglilingkod sa Diyos na nasa lupa, ngunit hindi kailanman ang mga hindi kumikilala sa Cristo na nasa lupa. Gaano man katapat sa Diyos na nasa langit ang ganitong mga tao, sa huli ay hindi pa rin nila matatakasan ang Aking kamay na nagpaparusa sa masasama. Masasama ang mga taong ito; sila ang mga masasamang sumasalungat sa Diyos at hindi kailanman masayang sumunod kay Cristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi nakakikilala, at, dagdag pa rito, hindi kumikilala kay Cristo. Naniniwala ka ba na maaari mong itrato si Cristo ayon sa iyong kagustuhan hangga’t tapat ka sa Diyos na nasa langit? Mali! Kamangmangan sa Diyos na nasa langit ang kamangmangan mo kay Cristo. Gaano ka man katapat sa Diyos na nasa langit, walang kabuluhang pagsasalita at pagkukunwari lamang ito, dahil ang Diyos na nasa lupa ay hindi lamang nakatutulong sa pagtanggap ng tao sa katotohanan at sa pagkakaroon ng mas malalim na karunungan, ngunit higit pa riyan ay nakatutulong sa pagkondena ng tao at, pagkatapos, sa pagsunggab sa mga katotohanan upang parusahan ang masasama. Naintindihan mo ba rito ang mga pakinabang at mga nakapipinsalang kalalabasan? Naranasan mo ba ang mga ito? Hiling Ko para sa inyo na maintindihan mo balang-araw ang katotohanang ito: Para makilala ang Diyos, kailangan ninyong makilala hindi lamang ang Diyos na nasa langit kundi, higit pang mahalaga, ang Diyos na nasa lupa. Huwag kayong malito sa inyong mga prayoridad o hayaang mahalinhan ng pangalawa ang pangunahin. Tanging sa ganitong paraan ka lamang tunay na makabubuo ng magandang ugnayan sa Diyos, magiging higit na malapit sa Diyos, at higit na mailalapit ang puso mo sa Kanya. Kung isa kang mananampalataya sa loob ng maraming taon at matagal nang nauugnay sa Akin, subalit nananatiling malayo sa Akin, kung gayon ay sinasabi Ko na iyan ay dahil madalas kang nagkakasala sa disposisyon ng Diyos, at magiging napakahirap kalkulahin ang katapusan mo. Kung ang maraming taon ng kaugnayan mo sa Akin ay hindi lamang nabigong baguhin ka para maging isang taong nagtataglay ng pagkatao at ng katotohanan, ngunit, bukod dito ay naitanim ng mga ito ang masama mong mga gawi sa iyong kalikasan, at hindi lamang may makadalawang ulit na pagmamataas ka kaysa dati, kundi dumami rin ang mga maling pagkakaintindi mo sa Akin, kaya’t tinitingnan mo na Ako ngayon bilang abang alalay, kung gayon ay sinasabi Ko na hindi na lamang paimbabaw ang sakit mo ngunit tumagos na sa mismong mga buto mo. Ang nalalabi na lamang ay hintayin mong matapos ang pagsasaayos ng iyong libing. Hindi mo na kailangang magsumamo sa Akin upang maging Diyos mo, dahil nakagawa ka ng kasalanang nararapat sa kamatayan, isang kasalanang walang kapatawaran. Magkaroon man Ako ng habag sa iyo, igigiit ng Diyos na nasa langit na kunin ang buhay mo, dahil hindi pangkaraniwang suliranin ang pagkakasala mo laban sa disposisyon ng Diyos, ngunit isang may napakalubhang kalikasan. Pagdating ng oras, huwag mo Akong sisisihin na hindi Kita kaagad sinabihan. Bumabalik ang lahat dito: Kapag nakipag-ugnayan ka kay Cristo—ang Diyos na nasa lupa—bilang pangkaraniwang tao, ibig sabihin, kung naniniwala kang walang iba kundi isang tao lamang ang Diyos na ito, ay saka ka lamang na mamamatay ka. Ito lamang ang babala Ko sa inyong lahat.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 322
Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong kaunti ang nauunawaan ng tao at ang tao mismo ay malaki ang kakulangan; ang pananampalataya niya sa Akin ay wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya, ni kung bakit may pananampalataya siya sa Akin, patuloy siyang labis-labis na naniniwala sa Akin. Ang hinihiling Ko sa tao ay hindi lamang para labis-labis na tumawag sa Akin sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang mababaw na paraan, sapagkat ang gawaing Aking ginagampanan ay upang makita Ako ng tao, at makilala Ako, hindi upang humanga ang tao at tingnan Ako nang may ibang pagkaunawa. Dati Akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at gumawa ng maraming milagro, at pinakitaan Ako ng mga Israelita noong panahong iyon ng matinding paghanga at lubhang iginalang ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, ang tingin ng mga Hudyo sa Aking kapangyarihang magpagaling ay pagka-dalubhasa, pambihira—at dahil sa Aking maraming gawa, iginalang nila Akong lahat, at nakadama sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya naman, lahat ng nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan Ako nang mabuti, sa gayon ay napalibutan Ako ng libu-libo upang panoorin Akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas Ako ng napakaraming tanda at himala, ngunit itinuring lamang Ako ng mga tao bilang isang dalubhasang manggagamot; naghayag din Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit itinuring lamang nila Akong isang gurong nakahihigit sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang mga pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon na Ako’y isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At kinilala nila Ako bilang mahabaging Panginoong Jesucristo. Yaong mga nagbibigay kahulugan sa mga banal na kasulatan ay maaaring nalampasan na ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na nadaig na ngayon ang kanilang guro, ngunit ang ganoong mga tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay itinuturing Ako na napakababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang palagay sa Akin ng mga tao ay isa lamang manggagamot na walang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sinundan Ako saan man Ako magtungo. Ang mga ignoranteng taong ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay naghahangad lamang na makita ang mga tanda at himala na ipinamalas Ko. Itinuring nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakadakilang milagro. Kung kaya, noong nagpapalayas Ako ng mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap-usap sila: Sinasabi nilang Ako si Elias, na Ako si Moises, na Ako ang pinaka-sinauna sa lahat ng propeta, na Ako ang pinakamagaling sa lahat ng manggagamot. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na Ako ang buhay, ang daan, at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking persona o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos din Mismo. Bukod sa Aking sariling pagsasabi na dadalhin Ko ang kaligtasan sa buong sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaaalam na Ako ang Manunubos ng sangkatauhan, at kilala lang Ako ng mga tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sariling pagpapaliwanag ng lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakikilala sa Akin, at walang naniniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Gayon ang pananampalataya ng tao sa Akin, at sa gayong paraan Ako sinusubukang linlangin. Paano sila makapagpapatotoo sa Akin kung ganoon ang taglay nilang pananaw tungkol sa Akin?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 323
Matagal nang naniniwala ang mga tao sa Diyos, subalit karamihan sa kanila ay hindi nauunawaan ang ibig sabihin ng salitang “Diyos,” at sumusunod lamang sila nang may pagkalito. Wala silang kaalam-alam kung bakit talaga dapat maniwala ang tao sa Diyos, o kung ano ang Diyos. Kung ang alam lamang ng tao ay maniwala at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, at kung hindi rin nila kilala ang Diyos, hindi ba napakalaking biro lamang nito? Kahit, malayo na ang narating, maraming nasaksihan ang mga tao na makalangit na mga hiwaga, at nakarinig ng malalim na kaalamang hindi kailanman naunawaan ng tao noon, wala silang alam tungkol sa karamihan sa pinakapayak na mga katotohanang hindi napag-isipan ng tao noon. Maaaring sabihin ng ilan na, “Maraming taon na kaming naniniwala sa Diyos. Paanong hindi namin malalaman kung ano ang Diyos? Hindi ba kami minamaliit ng tanong na ito?” Gayunman, ang totoo, kahit sinusunod Ako ng mga tao ngayon, wala silang alam tungkol sa anuman sa gawain sa ngayon, at bigo silang maintindihan kahit ang pinakamalilinaw at pinakamadadaling tanong, maliban pa sa napakakumplikadong mga bagay na tulad ng tungkol sa Diyos. Dapat mong malaman na ang mga katanungang walang kinalaman sa iyo, na hindi mo pa natutukoy, ang siyang pinakamahalagang maunawaan mo, sapagkat ang alam mo lamang ay sumunod sa karamihan, nang hindi pinapansin at walang pakialam kung ano ang dapat mong isangkap sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang taong may pananampalataya sa Diyos, kung bigo kang unawain ang mga bagay na ito, hindi ka ba nawawalan ng dignidad ng isang mananampalataya sa Diyos? Ang gawain Ko ngayon ay ito: ang ipaunawa sa mga tao ang pinakadiwa nila, ipaunawa ang lahat ng Aking ginagawa, at ipaalam ang tunay na mukha ng Diyos. Ito ang gawaing tatapos sa Aking plano ng pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawain. Kaya sinasabi Ko sa inyo nang maaga ang lahat ng hiwaga ng buhay, upang matanggap ninyong lahat ito mula sa Akin. Dahil ito ang gawain sa huling kapanahunan, kailangan Kong sabihin sa inyo ang lahat ng katotohanan ng buhay na ayaw ninyong pakinggan noon, bagama’t wala kayong kakayahang unawain o pasanin ang mga ito dahil sadyang salat na salat kayo at labis na di-nasasangkapan. Wawakasan Ko ang Aking gawain; kukumpletuhin Ko ang gawaing dapat Kong gawin, at ipapaalam Ko sa inyo ang lahat ng naipagbilin Ko sa inyo, kung hindi ay baka muli kayong maligaw ng landas at mahulog sa mga pakana ng diyablo kapag nagsimulang dumilim. Maraming paraang hindi ninyo nauunawaan, maraming bagay kayong hindi nalalaman. Napakamangmang ninyo; alam na alam Ko ang inyong tayog at inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit maraming salitang hindi ninyo kayang unawain, handa pa rin Akong sabihin sa inyo ang lahat ng katotohanang ito na ayaw ninyong pakinggan noon, dahil lagi Akong nag-aalala kung nagagawa ninyo, sa inyong kasalukuyang tayog, na manindigan sa inyong patotoo sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo; mababangis na hayop kayong lahat na kailangan pang sumailalim sa Aking pormal na pagsasanay, at hindi Ko talaga makita kung gaano kalaki ang kaluwalhatiang nasa inyo. Bagama’t nagpagod na Ako nang husto sa paggawa sa inyo, tila talagang walang mga positibong elementong umiiral sa inyo, at mabibilang sa daliri ang mga negatibong elemento at nagsisilbing mga patotoo lamang na naghahatid ng kahihiyan kay Satanas. Halos lahat ng iba pang nasa inyo ay lason ni Satanas. Ang tingin Ko sa inyo ay parang hindi na kayo maaaring iligtas. Sa lagay ng mga bagay-bagay, tinitingnan Ko ang iba’t ibang pagpapahayag at kilos ninyo, at sa wakas, alam Ko na ang tunay ninyong tayog. Kaya palagi Akong nag-aalala sa inyo: Mag-isang namumuhay, talaga kayang ang kalagayan ng mga tao ay mas mabuti o maikukumpara sa kalagayan nila ngayon? Hindi ba kayo nababahala sa kababaan ninyo? Talaga bang maaari kayong makatulad ng mga taong hinirang sa Israel—tapat sa Akin, at sa Akin lamang, sa lahat ng oras? Ang nakikita sa inyo ay hindi ang kapilyuhan ng mga batang napalayo sa kanilang mga magulang, kundi ang kabangisang lumalabas mula sa mga hayop na hindi abot ng mga latigo ng kanilang mga amo. Dapat ninyong malaman ang inyong likas na pagkatao, na siya ring kahinaan ninyong lahat; ito ay isang sakit na karaniwan sa inyong lahat. Sa gayon, ang payo Ko lamang sa inyo ngayon ay manindigan kayo sa inyong patotoo sa Akin. Anuman ang sitwasyon, huwag ninyong tulutang bumalik ang dati ninyong sakit. Ang pinakamahalaga ay magpatotoo—ito ang buod ng Aking gawain. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanya sa isang panaginip: sa paniniwala, at pagkatapos ay pagsunod. Ito lamang ang maituturing na pagiging malinis. Sapagkat kayo ang pinakamadalas na makarinig sa Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Ibinigay Ko na sa inyo ang lahat ng mahahalagang pag-aari Ko, lubos Ko nang ipinagkaloob sa inyo ang lahat, subalit lubhang naiiba ang katayuan ninyo sa mga tao ng Israel; talagang malayung-malayo kayo. Ngunit kumpara sa kanila, mas marami kayong natanggap; samantalang desperado silang naghihintay sa Aking pagpapakita, masasaya ang mga araw ninyo sa piling Ko, nakikibahagi sa Aking kabutihan. Dahil sa pagkakaibang ito, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatan na putakan at kataluhin Ako at hingin ang inyong bahagi ng Aking mga pag-aari? Hindi ba marami na kayong natanggap? Napakarami Kong ibinibigay sa inyo, ngunit ang iginaganti ninyo sa Akin ay makabagbag-damdaming kalungkutan at pagkabalisa, di-mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Napakasama ninyo—subalit nakakaawa rin kayo, kaya wala Akong ibang magagawa kundi lunukin ang lahat ng sama ng loob Ko at iparating ang mga inaayawan Ko sa inyo nang paulit-ulit. Sa nakalipas na ilang libong taon ng gawain, hindi Ako tumutol kailanman sa sangkatauhan dahil natuklasan Ko na, sa buong pag-unlad ng sangkatauhan, ang “mga manloloko” lamang sa inyo ang kilalang-kilala, na parang mahahalagang pamanang iniwan sa inyo ng sikat na mga ninuno noong unang panahon. Galit na galit Ako sa mga taong mas masahol pa kaysa mga baboy at aso. Masyado kayong walang konsiyensya! Napakababa ng pagkatao ninyo! Napakatigas ng puso ninyo! Kung nadala Ko ang mga salita at gawaing ito sa mga Israelita, matagal na sana Akong nagtamo ng kaluwalhatian. Ngunit sa inyo ay hindi ito posibleng makamit; sa inyo, mayroon lamang malupit na kapabayaan, inyong pagbabalewala, at inyong mga pagdadahilan. Masyado kayong walang pakiramdam, at walang halaga!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 324
Dapat nauunawaan na ninyong lahat ngayon ang totoong kahulugan ng pananampalataya sa Diyos. Nauugnay sa positibong pagpasok ninyo ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos na dati Ko nang nabanggit. Iba ngayon: Ngayon, nais Kong suriin ang diwa ng pananampalataya ninyo sa Diyos. Siyempre, ginagabayan kayo nito mula sa isang negatibong aspeto; kung hindi Ko ito gagawin, hindi ninyo kailanman malalaman ang tunay ninyong mukha, at magpakailanmang ipagyayabang ang pagkamaka-Diyos at katapatan ninyo. Makatarungang sabihing kung hindi Ko inilantad ang kapangitan sa kaibuturan ng mga puso ninyo, maglalagay ng korona sa ulo ang bawat isa sa inyo at sasarilinin ang lahat ng kaluwalhatian. Ang mapagmataas at palalong mga kalikasan ninyo ang nagtutulak sa inyo na ipagkanulo ang sarili ninyong mga konsensya, na maghimagsik at lumaban kay Cristo, at upang ibunyag ang kapangitan ninyo, sa gayo’y inilalantad ang inyong mga balak, mga kuru-kuro, mga magagarbong pagnanais, at mga matang puno ng kasakiman. Gayunpaman ay patuloy kayong dumadaldal tungkol sa habambuhay ninyong silakbo ng damdamin para sa gawain ni Cristo, at inuulit-ulit ang mga katotohanang matagal nang sinabi ni Cristo. Ito ang “pananampalataya” ninyo—ang inyong “pananampalatayang walang karumihan.” Tinrato Ko ang tao sa mahigpit na pamantayan sa buong panahon. Kung may kaakibat na mga balak at kondisyon ang katapatan mo, mas nanaisin Ko pang wala ang tinatawag mong katapatan, sapagkat nasusuklam Ako sa mga nanlilinlang sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga balak at nangingikil sa Akin sa pamamagitan ng mga kondisyon. Hiling Ko lamang na maging lubos na tapat sa Akin ang tao, at gawin ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng—at para patunayan ang—isang salita: pananampalataya. Kinamumuhian Ko ang paggamit ninyo ng mga pambobola upang subukang pasayahin Ako, sapagkat palagi Ko kayong pinakitunguhan nang may sinseridad, at kaya ninanais Ko ring pakitunguhan ninyo Ako nang may totoong pananampalataya. Pagdating sa pananampalataya, maaaring iniisip ng marami na sumusunod sila sa Diyos sapagkat may pananampalataya sila, kung hindi ay hindi sila magtitiis ng gayong pagdurusa. Kaya ito ang tanong Ko sa iyo: Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos, bakit hindi mo Siya iginagalang? Kung naniniwala ka sa pag-iral ng Diyos, bakit wala ka ni katiting na takot sa Kanya sa puso mo? Tinatanggap mong si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit bakit hinahamak mo Siya? Bakit ka lapastangang umaasal sa Kanya? Bakit lantaran mo Siyang hinahatulan? Bakit palagi mong minamanmanan ang Kanyang mga pagkilos? Bakit hindi ka nagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos? Bakit hindi ka kumikilos nang naaayon sa Kanyang salita? Bakit mo sinusubukang kikilan at pagnakawan Siya ng mga alay para sa Kanya? Bakit ka nagsasalita mula sa kinatatayuan ni Cristo? Bakit mo hinuhusgahan kung tama ba ang gawain at salita Niya? Bakit ka nangangahas na lapastanganin Siya sa Kanyang likuran? Ang mga ito ba at ang iba pa ang bumubuo sa pananampalataya ninyo?
Sa mga salita at pag-uugali ninyo ay nahahayag ang mga elemento ng kawalan ninyo ng paniniwala kay Cristo. Lumalaganap ang kawalan ng paniniwala sa mga motibo at mga layon ng lahat ng ginagawa ninyo. Maging ang pakiramdam ng titig ninyo ay naglalaman ng kawalan ng paniniwala kay Cristo. Maaaring sabihing sa bawat minuto, nagkikimkim ang bawat isa sa inyo ng mga elemento ng kawalan ng paniniwala. Ibig sabihin, sa bawat sandali, kayo ay nanganganib na ipagkanulo si Cristo, sapagkat ang dugong nananalaytay sa katawan ninyo ay nanunuot sa kawalan ng paniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, sinasabi Kong hindi tunay ang mga yapak na iniiwan ninyo sa landas ng pananampalataya sa Diyos; habang tinatahak ninyo ang landas ng pananampalataya sa Diyos, hindi ninyo itinatayo nang matatag ang mga paa ninyo sa lupa—kayo ay wala sa loob na kumikilos lamang. Kailanman ay hindi ninyo lubos na pinaniwalaan ang salita ni Cristo at walang kakayahang isagawa ito kaagad. Ito ang dahilan kung bakit wala kayong pananampalataya kay Cristo. Ang palaging pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya ay isa pang dahilan kaya wala kayong pananampalataya sa Kanya. Magpakailanmang nagdududa tungkol sa gawain ni Cristo, hinahayaang nababalewala ang salita ni Cristo, pagkakaroon ng opinyon sa kung anumang gawain ang ginagawa ni Cristo at hindi maunawaan nang tama ang gawaing ito, nahihirapang isaisantabi ang mga kuru-kuro ninyo kahit ano pang paliwanag ang matanggap ninyo, at iba pa—ang lahat ng ito ang mga elemento ng kawalan ng paniniwalang nakahalo sa mga puso ninyo. Kahit na nasusundan ninyo ang gawain ni Cristo at hindi kailanman napag-iiwanan, masyadong maraming paghihimagsik ang nakahalo sa mga puso ninyo. Ang paghihimagsik na ito ay isang karumihan sa paniniwala ninyo sa Diyos. Marahil ay iniisip ninyong hindi kayo ganoon, ngunit kung hindi ninyo kayang mabatid ang mga balak ninyo mula rito, siguradong magiging isa kayo sa mga mapapahamak, sapagkat ginagawang perpekto lamang ng Diyos ang mga totoong naniniwala sa Kanya, hindi iyong mga nagdududa sa Kanya, at pinakalalong hindi iyong mga atubiling sumusunod sa Kanya sa kabila ng hindi paniniwala kailanman na Siya ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 325
Hindi nagagalak sa katotohanan ang ilang tao, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ganoon ay tinatawag na mga mapaghanap ng kapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya, at hinahanap lamang nila ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Bagaman tinanggap na nila ang daan ng katotohanan, hindi sila lubos na naniniwala; wala silang kakayahang ibigay ang lahat ng puso at isip nila, ang mga bibig nila ay nagsasalita ng paggugol ng mga sarili nila para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa mga dakilang pastor at guro, at hindi nila binibigyan si Cristo ng karagdagang pansin. Nakatuon ang kanilang mga puso sa katanyagan, kayamanan, at karangalan. Hindi sila naniniwalang ang isang ganoon kaliit na tao ay may kakayahang lupigin ang napakarami, na ang isang hindi kapansin-pansin ay mapeperpekto ang tao. Iniisip nilang imposibleng ang mga hamak na kasama ng alikabok at mga tambak ng dumi ay ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala silang kung ang gayong mga tao ang mga pakay ng pagliligtas ng Diyos, ang langit at lupa ay mababaliktad, at ang lahat ng tao ay tatawa nang tatawa. Naniniwala silang kung pinili ng Diyos ang gayong mga hamak upang perpektuhin, kung gayon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang mga pananaw nila ay may bahid ng kawalan ng paniniwala; higit pa sa hindi paniniwala, sila ay mga hibang na hayop lamang. Sapagkat pinahahalagahan lamang nila ang katayuan, katanyagan, at kapangyarihan, at pinahahalagahan lamang nila ang malalaking grupo at denominasyon. Wala silang ni katiting na pagmamalasakit para sa mga inakay ni Cristo; sila ay mga taksil lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.
Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang hinahangaan mo, kundi ang mga huwad na pastol na may bantog na katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, kundi iyong mahahalay na nakalublob sa karumihan ng mundo. Tinatawanan mo ang pasakit ni Cristo na walang lugar na mapagpapahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na naghahanap ng mga alay at namumuhay sa kabuktutan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masayang inihahagis ang sarili sa mga bisig ng mga walang habas na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang impluwensya. Gayunpaman patuloy kang nagtataglay ng saloobin na nahihirapan kang paniwalaan ang gawain ni Cristo at mabigat sa kalooban mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong kulang ka sa pananampalataya upang kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Sa mga puso ninyo, sila ay kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Wala Siyang halaga sa puso mo magpakailanman, at hindi karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagkat napakakaraniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa pagiging napakatayog.
Magkagayunman, sinasabi Kong ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga walang pananampalataya at mga taksil sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pagsang-ayon ni Cristo. Natukoy mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang kawalan ng paniniwalang nasa kalooban mo, at kung gaano kalaki ang pagtataksil kay Cristo na mayroon ka? Ikaw ay Aking pinapayuhan nang ganito: Dahil pinili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag maging salawahan o mahina ang loob. Dapat mong maunawaan na ang Diyos ay hindi nabibilang sa mundo o sa sinumang tao, kundi sa lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, sa lahat ng sumasamba sa Kanya, at sa lahat ng nagmamahal at tapat sa Kanya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 326
Sa kanilang pananampalataya, hinahangad ng mga tao na hikayatin ang Diyos na bigyan sila ng angkop na hantungan at lahat ng biyayang kailangan nila, na gawing alipin nila ang Diyos, na gawin Siyang magpanatili ng isang mapayapa at magandang relasyon sa kanila nang sa gayon, anumang oras, ay hindi magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Ibig sabihin, sa kanilang pananalig sa Diyos, kailangan Siyang mangako na tugunan ang lahat ng kanilang kahilingan at ipagkaloob Niya sa kanila ang anumang kanilang ipinagdarasal, tulad ng mga salitang nabasa nila sa Bibliya, “Pakikinggan Ko ang lahat ng inyong mga panalangin.” Inaasahan nila na hindi hahatulan o pakikitunguhan ng Diyos ang sinuman, sapagkat noon pa man ay Siya na ang maawaing Tagapagligtas na nagpapanatili ng mabuting kaugnayan sa mga tao sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar. Ganito ang paraan kung paano nananalig ang mga tao sa Diyos: Hindi sila nahihiyang humiling sa Diyos, naniniwala na mapanghimagsik man sila o masunurin, ipagkakaloob na lang Niya ang lahat sa kanila nang pikit-mata. Patuloy lamang silang “naniningil ng mga utang” mula sa Diyos, naniniwala na kailangan Niya silang “bayaran” nang walang anumang pagtutol at, bukod pa riyan, magbayad nang doble; iniisip nila, kung may nakuha man ang Diyos sa kanila o wala, maaari lamang nila Siyang manipulahin, hindi Niya maaaring basta-basta isaayos ang mga tao, lalong hindi Niya ihahayag sa mga tao ang Kanyang karunungan at matuwid na disposisyon, na maraming taon nang nakatago, tuwing gusto Niya at nang walang pahintulot nila. Ikinukumpisal lamang nila sa Diyos ang kanilang mga kasalanan, naniniwala na pawawalang-sala na lamang sila ng Diyos, na hindi Siya magsasawang gawin ito, at na magpapatuloy ito magpakailanman. Inuutus-utusan lamang nila ang Diyos, naniniwala na susunod na lamang Siya sa kanila, dahil nakatala sa Bibliya na hindi pumarito ang Diyos para paglingkuran ng mga tao, kundi para paglingkuran Niya sila, at na narito Siya upang maging lingkod nila. Hindi ba ganito ang paniniwala ninyo noon pa man? Tuwing wala kayong nakakamit na anuman mula sa Diyos, gusto ninyong lumayo; kapag may hindi kayo nauunawaan, masyado kayong naghihinanakit, at binabato pa ninyo Siya ng lahat ng klase ng pang-aabuso. Ayaw ninyo talagang tulutan ang Diyos Mismo na lubos na maipahayag ang Kanyang karunungan at hiwaga; sa halip, gusto lamang ninyong tamasahin ang panandaliang kaalwanan at ginhawa. Hanggang ngayon, ang saloobin ninyo sa inyong pananalig sa Diyos ay binubuo lamang ng dati pang mga pananaw. Kung kakatiting lamang ang ipinakikita sa inyo ng Diyos na kamaharlikahan, nalulungkot kayo. Nakikita na ba ninyo ngayon kung gaano talaga kataas ang inyong tayog? Huwag ninyong ipalagay na kayong lahat ay tapat sa Diyos samantalang ang totoo ay hindi pa nagbabago ang inyong mga dating pananaw. Kapag walang sumasapit sa iyo, naniniwala ka na maayos ang lahat, at nasa rurok ang pagmamahal mo sa Diyos. Kapag may nangyari sa iyo na di-gaanong masakit, bumabagsak ka sa Hades. Ganito ba ang pagiging tapat sa Diyos?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 327
Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibidwal na mga kuru-kuro, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para iwasto ang inyong pagnanais na magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at mga kuru-kuro ay pawang mga halimbawang kumakatawan ng satanikong disposisyon. Umiiral ang mga ito sa puso ng mga tao dahil palaging sinisira ng lason ni Satanas ang isipan ng mga tao, at palaging hindi maiwaksi ng mga tao ang mga tuksong ito ni Satanas. Nakasadlak sila sa kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan iyon, at iniisip pa rin nila: “Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at angkop na isaayos ang lahat para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan makalamang kami sa iba, at kailangan magkaroon kami ng mas magandang katayuan at kinabukasan kaysa sa iba. Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hanggang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.” Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang naging sandigan ng mga tao para manatiling buhay ay sumisira na sa kanilang puso hanggang sa sila ay maging taksil, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila walang malakas at matibay na pagpapasya, kundi sila rin ay naging ganid, mapagmataas at sutil. Walang-wala silang anumang paninindigan na dumaraig sa sarili, at higit pa riyan, wala silang katiting na tapang na iwaksi ang mga paghihigpit ng mga impluwensiyang ito ng kadiliman. Ang saloobin at buhay ng mga tao ay bulok na bulok kaya ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos ay napakapangit pa rin, at kahit kapag nagsasalita ang mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, talagang hindi iyon matitiis pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kakayahan, kasuklam-suklam, at marupok. Wala silang nadaramang pagkasuklam para sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat upang maalis ang mga ito. Hindi ba ganito rin ang inyong kasalukuyang mga iniisip at pananaw? “Dahil naniniwala ako sa Diyos dapat akong buhusan ng mga pagpapala at dapat matiyak na ang aking katayuan ay hindi bababa kailanman at na mananatili itong mas mataas kaysa sa mga walang pananampalataya.” Hindi ka nagkikimkim ng ganyang klaseng pananaw sa iyong kalooban sa loob ng isa o dalawang taon lamang, kundi sa loob ng maraming taon. Sobra-sobra ang pag-iisip mong makipagkasundo. Bagama’t nakarating ka na sa hakbang na ito ngayon, hindi ka pa rin bumibitiw sa katayuan kundi palagi mong pinipilit na alamin ang tungkol dito, at inoobserbahan ito araw-araw, nang may malaking takot na balang araw ay mawala ang iyong katayuan at masira ang iyong pangalan. Hindi pa isinasantabi ng mga tao ang pagnanais nilang guminhawa. Kaya nga, habang hinahatulan Ko kayo nang ganito ngayon, anong antas ng pagkaunawa ang tataglayin ninyo sa huli? Sasabihin ninyo na bagama’t hindi mataas ang inyong katayuan, nasiyahan pa rin kayo sa pagtataas ng Diyos. Dahil hamak ang inyong pagsilang ay wala kayong magandang katayuan, ngunit nagtatamo kayo ng magandang katayuan dahil itinataas kayo ng Diyos—ito ay isang bagay na ipinagkaloob Niya sa inyo. Ngayon ay personal ninyong nagagawang tumanggap ng pagsasanay ng Diyos, ng Kanyang pagkastigo, at ng Kanyang paghatol. Ito, higit pa, ay Kanyang pagtataas. Nagagawa ninyong personal na tumanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsunog. Ito ay dakilang pagmamahal ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan wala ni isang tao ang nakatanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsunog, at wala ni isang tao ang nagawang perpekto ng Kanyang mga salita. Ang Diyos ay nakikipag-usap sa inyo ngayon nang harapan, dinadalisay kayo, ibinubunyag ang pagkasuwail ng inyong kalooban—tunay na ito ay Kanyang pagtataas. Anong mga kakayahan ang taglay ng mga tao? Mga anak man sila ni David o mga inapo ni Moab, sa kabuuan, ang mga tao ay mga nilalang na walang nararapat na ipagmayabang. Dahil kayo ay mga nilalang ng Diyos, kailangan ninyong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang. Wala nang iba pang mga hinihiling sa inyo. Ganito kayo dapat manalangin: “Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. Itinalaga Mo na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng mga taong ito, at ang dapat ko lamang gawin ay maging ganap na masunurin sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil lahat ay nakapaloob sa Iyong naitalaga. Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilalang. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilalang. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilalang. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilalang. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilalang. Isa lamang akong napakaliit na nilalang na nilikha ng Panginoon ng paglikha, isa lamang sa lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at muli Mo ako ngayong inilagay sa Iyong mga kamay upang gawin sa akin ang gusto Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong panghambing dahil lahat ay kung ano ang Iyong naitalaga. Walang sinuman na maaaring baguhin ito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay.” Kapag dumating ang panahon na hindi mo na iniisip ang katayuan, makakalaya ka na roon. Saka mo lamang magagawang maghanap nang may tiwala at tapang, at saka lamang magiging malaya ang puso mo sa anumang mga paghihigpit. Kapag napalaya na ang mga tao mula sa mga bagay na ito, mawawalan na sila ng mga alalahanin. Ano ang mga alalahanin ng karamihan sa inyo ngayon mismo? Lagi kayong nasisikil ng katayuan at palagi kayong nag-aalala tungkol sa sarili ninyong mga inaasam. Palagi ninyong binubuklat ang mga pahina ng mga pahayag ng Diyos, sa pagnanais na basahin ang mga sinasabi tungkol sa hantungan ng sangkatauhan at sa kagustuhang malaman kung ano ang inyong maaasahan at inyong magiging hantungan. Iniisip ninyo, “Mayroon ba talaga akong anumang maaasahan? Inalis na ba ng Diyos ang mga iyon? Sinasabi lamang ng Diyos na ako ay isang panghambing; kung gayo’y ano ang aking maaasahan?” Mahirap para sa inyo na isantabi ang inyong mga inaasam at tadhana. Kayo ngayon ay mga alagad, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan naghahanap kayong mabuti, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahanap. Palagi ninyong iniisip ang mga pagpapala ng katayuan. Bakit hindi maialis ng karamihan sa mga tao ang pagiging negatibo? Hindi kaya dahil palaging malabo ang mga maaasahan? Sa sandaling inilabas na ang mga pahayag ng Diyos nagmamadali kayong makita kung ano talaga ang inyong katayuan at identidad. Inuuna ninyo ang katayuan at identidad, at pumapangalawa lamang sa inyo ang pangitain. Nasa pangatlo ang isang bagay na dapat ninyong pasukin, at nasa pang-apat ang kasalukuyang kalooban ng Diyos. Tinitingnan muna ninyo kung nagbago na ang titulo ng Diyos para sa inyo na “mga panghambing” o hindi pa. Basa kayo nang basa, at kapag nakita ninyo na naalis na ang titulong “panghambing,” sumasaya kayo at panay ang pasasalamat ninyo sa Diyos at pinupuri ninyo ang Kanyang dakilang kapangyarihan. Ngunit kung nakita ninyo na mga panghambing pa rin kayo, nagagalit kayo at agad na napapawi ang sigla sa puso ninyo. Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang iwasto at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang iwasto at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian? Kung ang pakay ng iyong paghahangad ay hindi para hanapin ang katotohanan, mabuti pang samantalahin mo ang pagkakataong ito at bumalik ka sa sanlibutan upang subukang gawin iyon. Ang pagsasayang ng iyong panahon sa ganitong paraan ay talagang hindi sulit—bakit mo pahihirapan ang iyong sarili? Hindi ba totoo na maaari mong matamasa ang lahat ng uri ng bagay sa magandang sanlibutan? Pera, magagandang babae, katayuan, kahambugan, pamilya, mga anak, at iba pa—hindi ba ang mga produktong ito ng sanlibutan ang pinakamagagandang bagay na maaari mong matamasa? Ano ang silbi ng paggala-gala rito sa paghahanap ng isang lugar kung saan ka magiging masaya? Ang Anak ng tao ay walang mahimlayan ng Kanyang ulo, kaya paano ka magkakaroon ng isang lugar na maginhawa? Paano Siya lilikha ng isang magandang lugar na maginhawa para sa iyo? Posible ba iyon? Bukod sa Aking paghatol, ang matatanggap mo lamang ngayon ay ang mga turo tungkol sa katotohanan. Hindi ka makatatamo ng kaginhawahan mula sa Akin at hindi mo maaaring matamo ang maginhawang sitwasyong kinasasabikan mo gabi’t araw. Hindi Ko ipagkakaloob sa iyo ang mga yaman ng sanlibutan. Kung tapat kang naghahanap, handa Akong ibigay sa iyo nang buong-buo ang daan ng buhay, upang maging tulad ka ng isang isda na naibalik sa tubig. Kung hindi ka tapat na naghahanap, babawiin Ko itong lahat. Hindi Ako handang ibigay ang mga salitang nagmumula sa Aking bibig sa mga yaong ganid sa kaginhawahan, na katulad lamang ng mga baboy at aso!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 328
Tingnan ninyo ang inyong sarili upang makita kung isinasagawa ninyo ang pagkamatuwid sa lahat ng inyong ginagawa, at kung inoobserbahan ng Diyos ang lahat ng pagkilos ninyo: Ito ang prinsipyo na ginagamit ng mga naniniwala sa Diyos sa paggawa ng kanilang mga gawain. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagpeperpekto, at ang mga nakamit Niya, ay mga matuwid, at tinitingnan Niya silang lahat nang may pagtatangi. Mas tinatanggap ninyo ang mga kasalukuyang salita ng Diyos, mas magagawa ninyong tanggapin at unawain ang kalooban ng Diyos, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga salita ng Diyos at matutugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Ito ang tagubilin ng Diyos para sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong lahat na makamtan. Kung ginagamit ninyo ang mga sarili ninyong kuru-kuro upang sukatin at limitahan ang Diyos, na parang ang Diyos ay isang di-nababagong estatuwa na gawa sa luwad, at kung ganap na nililimitahan ninyo ang Diyos sa loob ng Bibliya at inilalagay Siya sa isang limitadong saklaw ng gawain, ito ay nagpapatunay na hinatulan na ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, itinuring ng mga Hudyo sa kapanahunan ng Lumang Tipan ang Diyos bilang isang idolo na hindi nagbabago ang anyo, na para bang ang Diyos ay matatawag lamang na Mesiyas, at tanging Siya lamang na tinawag na Mesiyas ang Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba ng sangkatauhan ang Diyos na para bang Siya ay isang (walang-buhay na) estatuwang gawa sa luwad, ipinako nila ang Jesus ng panahong iyon sa krus, hinahatulan Siya ng kamatayan—ang walang-kasalanang Jesus ay sa gayon hinatulan ng kamatayan. Walang nagawang krimen ang Diyos, ngunit tumanggi ang tao na patawarin Siya, at nagpumilit na hatulan Siya ng kamatayan, at sa gayon, ipinako si Jesus sa krus. Laging naniniwala ang tao na di-nagbabago ang Diyos, at binibigyang-kahulugan Siya base lamang sa iisang aklat, ang Bibliya, na tila ba may perpektong pagkaunawa ang tao sa pamamahala ng Diyos, na tila ba ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay nasa mga kamay na ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, sukdulan ang pagmamataas, at lahat sila ay mahilig sa eksaherasyon. Gaano man kadakila ang kaalaman mo sa Diyos, sinasabi Ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, na ikaw ay isa na pinakatumututol sa Diyos, at na hinatulan mo ang Diyos, dahil lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at lumalakad sa landas ng paggawang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga pagkilos ng tao? Sapagka’t hindi kilala ng tao ang Diyos, sapagka’t napakarami niyang kuru-kuro, at sapagka’t ang kanyang kaalaman sa Diyos ay hindi sumasang-ayon sa anumang paraan sa realidad, ngunit sa halip ay inuulit-ulit lang ang parehong tema nang walang pagbabago at ginagamit ang parehong paraan sa bawat sitwasyon. Kaya, yamang naparito sa lupa ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako ng tao sa krus. Malupit na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pag-aagawan at paghahablutan sa isa’t isa, ang pagkukumahog para sa reputasyon at kayamanan, ang pagpapatayan—kailan ba ito matatapos? Bagama’t nakapagsalita na ang Diyos ng daang-libong mga salita, walang isa man ang natatauhan. Ang mga tao ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, inaasahan, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa pagkain, damit, at sa laman. Ngunit mayroon bang sinuman na ang mga pagkilos ay talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lamang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos para sa kapakanan ng kanilang sariling mga interes? Ilan ang hindi nang-aapi at nagtatakwil ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan na ng kamatayan nang hindi mabilang na beses, at di-mabilang na mababangis na hukom ang humatol na sa Diyos at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang natatawag na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?
Ganoon ba kadaling magawang perpekto sa harap ng Diyos gaya ng isang banal o isang taong matuwid? Isang katotohanan na “walang matuwid sa ibabaw nitong lupa, ang mga matuwid ay wala rito sa mundo.” Kapag haharap kayo sa Diyos, isaalang-alang ninyo ang inyong kasuotan, ang inyong bawa’t salita at pagkilos, ang lahat ng inyong mga iniisip at mga ideya, maging ang mga pangarap na pinapangarap ninyo araw-araw—lahat ng mga iyon ay para sa inyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan ng mga bagay-bagay? Ang “pagkamatuwid” ay hindi nangangahulugang pagbibigay ng limos sa iba, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi ito nangangahulugan ng pag-iwas sa pag-aaway at pagtatalo o pagnanakaw at pag-uumit. Ang pagkamatuwid ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang atas ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang mga pagsasaayos ng Diyos bilang isang tungkulin mula sa langit, kailan man o saan man, tulad lamang ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang pagkamatuwid na sinabi ng Diyos. Maaaring tawaging matuwid si Lot dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi alintana kung ano ang natamo niya o nawala sa kanya; masasabi lamang na ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Dahil lamang nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel, ngunit hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumatawan sa pagkamatuwid. Kaya sinasabi Ko na “walang matuwid sa ibabaw nitong lupa.” Kahit sa kalagitnaan ng mga nasa daloy ng pagbuti, walang sinuman ang matatawag na matuwid. Gaano man kahusay ang iyong mga pagkilos, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, o nagnanakaw o nang-uumit sa iba, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang gayong mga bagay ay maaangkin ng sinumang normal na tao. Ngayon, ang mahalaga ay hindi mo kilala ang Diyos. Masasabi lamang na sa ngayon ay mayroon kang maliit na normal na pagkatao, subali’t ikaw ay salat sa pagkamatuwid na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang makapagpapatunay na kilala mo ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 329
Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, basta-basta lang kumilos ang tao. Ngayon, nakasama na ng Diyos ang tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam—ngunit basta pa rin gumagawa lamang ang tao para sa Diyos, at sinusubukang linlangin Siya. Hindi ba sukdulang paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito kay Hudas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi na ng mga kasinungalingan si Hudas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at kahit matapos dumating si Jesus ay hindi pa rin nagbago si Hudas; wala siya kahit katiting na pagkakilala kay Jesus, at sa huli ipinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi pa rin ninyo kilala ang Diyos, kung gayon posible na maging isa na naman kayong Hudas, at sunod dito ang trahedya ng pagkapako ni Jesus sa krus sa Kapanahunan ng Biyaya, dalawang libong taon na ang nakaraan, ay muling mangyayari. Hindi ba kayo naniniwala rito? Ito ay isang katunayan! Sa ngayon, ang karamihan ng tao ay nasa parehong kalagayan—maaaring sinasabiito nang medyo masyadong maaga—at ang gayong mga tao ay mga karakter na gumaganap sa papel ni Hudas. Hindi nagsasalita nang mababaw, kundi ayon sa katunayan—at ikaw ay mapapaniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa kanilang mga puso ay walang iba kundi di-umaagos na tubig, at kanal ng mabahong tubig. Sa ngayon, sobrang daming ganito sa mga iglesia, at iniiisip ninyo na ganap na hindialam ito? Ngayon, ang Aking Espiritu ang nagpapasya para sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Iniisip mo ba na wala Akong alam? Iniisip mo bang wala Akong naiintindihan sa mapanlinlang na kaisipan sa inyong mga puso, ang mga bagay na nakatago sa inyong mga puso? Ang Diyos ba ay napakadaling malinlang? Iniisip mo ba na matratrato mo Siya sa anumang paraan na iyong naisin? Sa nakaraan, nag-alala Ako na baka malimitahan kayo, kaya’t patuloy na nagbigay Ako sa inyo ng kalayaan, ngunit ang sangkatauhan ay hindi magawang matanto na Ako ay nagiging mabuti sa kanila, at nang binigyan Ko sila ng isang pulgada kumuha sila ng isang yarda. Tanungin ninyo ang isa’t isa: Hindi Ako nakitungo sa halos kahit kanino, at halos kailanman ay hindi kaagad-agad pinagagalitan ang sinuman—gayong napakalinaw Ko sa lahat ng motibo at mga kuru-kuro ng tao. Iniisip mo ba na ang Diyos Mismo, kung kanino nagpapatotoo nagpatototoo ang Diyos, ay isang hangal? Kung gayon nga, sinasabi Kong ikaw ay lubhang bulag! Hindi kita ilalantad, ngunit tingnan lang natin kung gaano ka magiging tiwali. Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng mga panlalansi mo, o kung maililigtas ka ng iyong pinakamahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi kita hahatulan; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita kung paano ang Kanyang pagganti sa iyo. Wala Akong oras para sa walang-kabuluhang pakikipag-usap sa iyo sa ngayon, at ayaw kong patagalin ang Aking lalong dakilang gawain para sa iyong kapakanan. Ang isang uod na tulad mo ay hindi karapat-dapat sa panahon na kakailanganin ng Diyos para pakitunguhan ka—kaya tingnan natin kung paano ka magpalayaw sa iyong sarili. Ang ganitong mga tao ay hindi naghahabol ng kahit katiting na pagkakilala sa Diyos, at wala sila ni katiting na pag-ibig sa Diyos, at nagnanais pa rin silang matawag na matuwid ng Diyos—hindi ba ito isang biro? Sapagka’t talagang kaunti lamang ang bilang ng mga tao na tapat, ang iintindihin Ko ay walang iba kundi ang pagpapatuloy sa pagbibigay-buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang nararapat tapusin ngayon, ngunit sa hinaharap, ang kagantihan ay ipapataw Ko sa bawa’t tao alinsunod sa kanyang nagawa. Nasabi Ko na ang lahat ng nararapat Kong sabihin, sapagka’t sapagkat ito ang mismong gawain na Aking ginagawa Aking gawain. Ginagawa Ko lang ang nararapat Kong gawin, at hindi ang hindi Ko dapat gawin. Gayunpaman, umaasa Akong maglalaan kayo ng higit pang panahon sa pagbubulay-bulay: Gaano karami sa mga kaalaman mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ka ba sa mga yaon na muling nagpapako sa Diyos sa krus? Sa huli, sinasabi Ko ito: Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 330
Habang naglalakad ka sa landas ng ngayon, ano ang pinakaangkop na klase ng pagsisikap? Sa iyong pagsisikap, anong klase ng tao ang dapat mong makita sa sarili mo? Dapat mong malaman kung paano mo dapat harapin ang lahat ng sumasapit sa iyo ngayon, mga pagsubok man ito o paghihirap, o walang awang pagkastigo at pagsumpa. Habang nahaharap sa lahat ng bagay na ito, dapat mong bigyan ang mga ito ng maingat na pagsasaalang-alang sa lahat ng pagkakataon. Bakit Ko sinasabi ito? Sinasabi Ko ito dahil ang mga bagay na sumasapit sa iyo ngayon, sa kabila ng lahat, ay maiikling pagsubok na paulit-ulit na nangyayari; marahil para sa iyo, hindi mo itinuturing na partikular na mabigat ang mga ito sa espiritu, kaya hinahayaan mo na lang na likas na magdaan at lumipas ang mga bagay na ito, at hindi mo itinuturing ang mga ito na napakahalagang yaman sa pagsisikap na sumulong. Masyado kang walang pagpapahalaga! Sobrang walang pagpapahalaga na ipinapalagay mo na isang ulap ito na nakalutang sa harap ng iyong mga mata; at hindi mo pinahahalagahan ang malulupit na hagupit na bumubuhos paminsan-minsan—mga hagupit na maiikli, at para sa iyo, tila hindi mabigat—kundi basta minamasdan mo ang mga ito nang walang pagpapahalaga, nang walang kaseryosohan, na itinuturing lamang ang mga ito na paminsan-minsang paghagupit lamang. Napakayabang mo! Sa malulupit na pag-atakeng ito, mga pag-atake na katulad ng mga unos na dumarating paminsan-minsan, nagpapakita ka lang ng walang-galang na pagwawalang-bahala; kung minsan, umaabot pa sa punto na malamig pa ang ngiti mo, na naghahayag ng iyong lubos na pagwawalang-bahala—sapagkat hindi mo naisip kailanman sa iyong sarili kung bakit patuloy kang nagdurusa ng gayong “mga kasawian.” Maaari kayang ito ay dahil lubha Akong hindi makatarungan sa tao? Hinahanapan ba kita ng mali? Bagama’t maaaring hindi kasing seryoso ang mga problema sa pag-iisip mo na tulad ng nailarawan Ko, sa ipinapakita mong pagkakalmado, matagal ka nang nakalikha ng perpektong imahe ng niloloob mo. Hindi Ko na kailangang sabihin sa iyo na ang tanging nakatago sa kaibuturan ng puso mo ay ang magaspang na pagtuligsa at katiting na bahid ng kalungkutang halos hindi makita ng iba. Dahil sa palagay mo ay lubhang hindi makatarungan na magdusa ka ng gayong mga pagsubok, nagmumura ka; at dahil ipinadarama sa iyo ng mga pagsubok na ito ang kapanglawan ng mundo, napupuno ka ng kalungkutan. Sa halip na ituring na pinakamainam na proteksyon ang paulit-ulit na paghagupit at disiplinang ito, ang tingin mo sa mga ito ay walang katuturang panggugulo ng Langit, o dili kaya’y angkop na paghihiganti sa iyo. Napakamangmang mo! Walang awa mong itinago sa dilim ang magagandang panahon; sa bawat pagkakataon, itinuring mong pag-atake ng iyong mga kaaway ang magagandang pagsubok at pagdidisiplina. Wala kang kakayahang makibagay sa iyong kapaligiran; at lalo nang ayaw mong gawin iyon, sapagkat ayaw mong magtamo ng anuman mula sa paulit-ulit—at para sa iyo ay malupit—na pagkastigo. Hindi ka nagtatangkang maghanap o magsiyasat, at basta ka na lang sumusuko sa iyong kapalaran, pumupunta kung saan ka dalhin nito. Hindi nabago ng sa tingin mo ay mababagsik na pagkastigo ang puso mo, ni hindi naghari ang mga ito sa puso mo; sa halip, sinasaksak ng mga ito ang puso mo. Ang tingin mo sa “malupit na pagkastigo” na ito ay kaaway mo lamang sa buhay na ito, at kaya wala kang natutuhan. Masyado kang nag-aakalang mas matuwid ka sa iba! Madalang kang maniwala na nagdaranas ka ng ganitong mga pagsubok dahil napakasama mo; sa halip, iniisip mo na napakamalas mo, at sinasabi mo pa bukod rito na palagi kitang hinahanapan ng mali. At ngayon na ang mga bagay-bagay ay dumating na sa sitwasyong ito, gaano ba talaga karami ang alam mo tungkol sa Aking sinasabi at ginagawa? Huwag mong isipin na likas kang matalino, medyo mas mababa lamang kaysa sa kalangitan ngunit walang hanggan na mas mataas kaysa sa lupa. Hindi ka talaga mas matalino kaysa sa iba—at masasabi pa nga na talagang kahanga-hanga na mas hangal ka kaysa sinumang iba pang mga tao sa lupa na may katwiran, sapagkat napakataas ng tingin mo sa iyong sarili, at hindi ka nakaramdam kailanman na mas mababa ka sa iba; na tila nahihiwatigan mo ang pinakamaliit na detalye ng Aking mga kilos. Sa katunayan, isa kang tao na wala talagang katwiran, sapagkat wala kang ideya kung ano ang Aking gagawin, at lalong wala kang alam kung ano ang Aking ginagawa ngayon. Kaya sinasabi Ko na hindi ka man lamang kapantay ng isang matandang magsasaka na nagtatrabaho sa lupain, isang magsasaka na wala ni katiting na pagkaunawa sa buhay ng tao subalit lubos na umaasa sa mga pagpapala ng Langit habang nagbubungkal ng lupa. Hindi ka nag-uukol ng kahit isang segundo para pag-isipan ang iyong buhay, wala kang alam na dapat ipagbunyi, at lalo nang wala kang alam tungkol sa sarili mo. Masyado kang “mapagmataas”!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang: Hindi Ba Sila mga Hayop?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 331
Tungkol naman sa mga turong ibinigay Ko sa inyo nang paulit-ulit, matagal na ninyong kinalilimutan ang mga ito, hanggang sa punto na itinuturing pa ninyong laruan ang mga ito para punan ang inyong bakanteng oras. Lagi ninyong itinuturing ang lahat ng ito na sarili ninyong “bantay na anting-anting.” Kapag inakusahan kayo ni Satanas, nagdarasal kayo; kapag negatibo kayo, natutulog kayo nang mahimbing; kapag masaya kayo, takbo kayo nang takbo; kapag pinangangaralan Ko kayo, yumuyuko kayo at nagkakamot; at pagkatapos, kapag iniiwan ninyo Ako, humahagalpak kayo sa katatawa. Sa tingin mo ay mas mataas ka sa lahat ng iba pa, pero hindi mo nakita ang iyong sarili kailanman na pinakamayabang sa lahat, napakatayog mo lamang palagi, kampante at napakamapagmataas. Paano ituturing ang Aking mga salita bilang isang napakahalagang yaman ng gayong “mga binatilyo,” “mga dalagita,” “mga binata” at “mga dalaga,” na hindi natututo at nananatiling mangmang? Tinatanong kitang muli: Ano ba talaga ang natutuhan mo mula sa Aking mga salita at sa Aking gawain sa loob ng napakahabang panahon? Nagtamo ka ba ng mas mahusay na kasanayan sa iyong panlilinlang? O naging mas sopistikado sa iyong katawan? O mas nawalan ng paggalang sa iyong saloobin sa Akin? Sasabihin Ko sa iyo nang diretsahan: Ang lahat ng gawaing ito na Aking ginawa ang mas nagpatapang sa iyo na may tapang ng isang daga noon. Ang iyong takot sa Akin ay nababawasan bawat araw, sapagkat napakamaawain Ko, at hindi Ko kailanman pinarusahan ang iyong laman gamit ang karahasan. Marahil, sa tingin mo, nagbibitiw lang Ako ng mababagsik na salita—ngunit higit na mas madalas na nakangiti Ako sa iyo, at halos hindi kita pinuna nang harapan kailanman. Bukod pa riyan, lagi Kong pinatatawad ang iyong kahinaan, at dahil lamang dito kaya mo Ako tinatrato na tulad ng pagtrato ng ahas sa mabait na magsasaka. Malaki ang paghanga Ko sa sukdulang galing at katalinuhan sa kapangyarihan ng tao na magmasid! Hayaan mong sabihin Ko sa iyo ang isang katotohanan: Ngayon ay hindi mahalaga kung may pagpipitagan ang iyong puso o wala; hindi Ako kinakabahan o kaya’y nababalisa tungkol diyan. Ngunit kailangan Ko ring sabihin ito sa iyo: Ikaw na “mahusay na taong” ito, na hindi natututo at nananatiling mangmang, sa dakong huli ay ibabagsak ka ng iyong katalinuhang humahanga sa sarili at mababaw—ikaw ang magdurusa at makakastigo. Hindi Ako ganoon kahangal para samahan kang patuloy na magdusa sa impiyerno, sapagkat hindi Ako kauri mo. Huwag mong kalilimutan na ikaw ay isang nilikha na Aking sinumpa, subalit tinuruan at iniligtas Ko rin, at walang anumang bagay sa iyo na mag-aatubili Akong bitawan. Tuwing Ako ay gumagawa, hindi Ako napipigilan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o bagay. Hindi pa rin nagbabago ang Aking mga pag-uugali at opinyon sa sangkatauhan. Hindi kita masyadong gusto, sapagkat dagdag ka lang sa Aking pamamahala, at hindi talaga katangi-tangi kumpara sa anupamang ibang nilalang. Ito ang payo Ko sa iyo: Sa lahat ng oras, tandaan na isa ka lamang nilalang ng Diyos! Bagama’t maaaring mabuhay ka sa piling Ko, dapat mong malaman ang iyong sariling pagkakakilanlan; huwag mong ipalagay na napakataas mo. Kahit hindi kita sinasaway o iwinawasto, at hinaharap kita nang may ngiti, hindi ito sapat para mapatunayan na ikaw ay kauri Ko. Ikaw—dapat mong malaman na isa ka sa mga naghahangad ng katotohanan, hindi ang katotohanan mismo! Dapat ay handa ka sa lahat ng oras na magbago ayon sa Aking mga salita. Hindi mo ito matatakasan. Pinapayuhan kita na magsikap at matuto ng isang bagay sa napakahalagang panahong ito, habang mayroon ka ng bihirang pagkakataong ito. Huwag mo Akong lokohin; hindi mo Ako kailangang bolahin para linlangin Ako. Kapag hinahanap mo Ako, hindi iyon para lamang sa Aking kapakanan, kundi sa halip ay para sa iyo!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Natututo at Nananatiling Mangmang: Hindi Ba Sila mga Hayop?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 332
Ngayon mismo, bawat araw na pinagdaraanan ninyo ay lubhang mahalaga, at pinakamahalaga sa inyong kahahantungan at kapalaran, kaya’t dapat ninyong itangi ang lahat ng mayroon kayo ngayon, at pahalagahan ang bawat minutong lumilipas. Kailangan ninyong bigyan ng oras ang inyong sarili na matuto nang husto upang hindi mawalan ng saysay ang buhay ninyo. Maaaring nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang mga ito. Sa totoo lang, ni hindi Ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo, dahil hindi kayo ngayon katulad ng mga inaasahan Ko sa inyo. Kaya’t ito ang masasabi Ko: Bawat isa sa inyo ay nasa bingit ng kapahamakan, at ang mga dati ninyong paghingi ng tulong at hangaring patuloy na hanapin ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay malapit nang magwakas. Ito ang inyong huling pagpapakita ng pagbabayad, at ito ay isang bagay na hindi Ko inaasahan. Hindi Ko nais magsalita nang salungat sa mga katotohanan, dahil labis ninyo Akong nabigo. Marahil ay ayaw ninyong tanggapin ito nang walang laban, ayaw ninyong harapin ang realidad—ngunit tapatan Kong itatanong ito sa inyo: Sa nagdaang mga taon na ito, ano ba talaga ang nakapuspos sa puso ninyo? Kanino matapat ang mga ito? Huwag ninyong sabihin na bigla na lamang lumabas ang mga tanong na ito, at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit Ako nagtanong ng ganito. Dapat ninyong malaman ito: Ito ay dahil kilalang-kilala Ko kayo, labis Ko kayong pinagmamalasakitan, at ipinuhunan Ko na ang malaking bahagi ng puso Ko sa inyong kilos at mga gawa kaya pinanagot Ko kayo nang walang humpay at pinagbata ng matitinding paghihirap. Ngunit wala kayong iginaganti sa Akin kundi pagwawalang-bahala at napakasakit na pagkikibit-balikat. Labis ninyo Akong nakaligtaan; posible bang hindi Ko malaman iyon? Kung ito ang pinaniniwalaan ninyo, lalo itong nagpapatunay na hindi mabuti ang pagtrato ninyo sa Akin. Kaya nga, sinasabi Ko na umiiwas kayo. Masyado kayong tuso kaya ni hindi ninyo alam ang inyong ginagawa—kaya ano ang gagamitin ninyo para managot sa Akin?
Ang katanungang lubos na nakababahala sa Akin ay kung kanino talaga matapat ang puso ninyo. Umaasa rin Ako, na sisikapin ng bawat isa sa inyo na ayusin ang inyong pag-iisip, at itanong ninyo sa inyong sarili kung kanino kayo matapat at para kanino kayo nabubuhay. Marahil ay hindi pa ninyo napag-isipang mabuti ang mga katanungang ito, kaya ano kaya kung ihayag Ko sa inyo ang mga kasagutan?
Sinumang nakakaalala ay kikilalanin ang katotohanang ito: Ang tao ay nabubuhay para sa kanyang sarili at matapat sa kanyang sarili lamang. Hindi Ako naniniwala na tama ang lahat ng sagot ninyo, dahil may kanya-kanyang buhay ang bawat isa sa inyo at nahihirapan sa sarili ninyong pagdurusa. Sa gayon, matapat kayo sa mga taong mahal ninyo at sa mga bagay na nagpapasaya sa inyo; hindi lubos ang katapatan ninyo sa inyong sarili. Dahil bawat isa sa inyo ay iniimpluwensyahan ng mga tao, pangyayari, at bagay sa inyong paligid, hindi kayo talaga matapat sa inyong sarili. Sinasabi Ko ito hindi para ayunan ang katapatan ninyo sa inyong sarili, kundi upang ilantad ang katapatan ninyo sa anumang bagay, dahil sa lumipas na napakaraming taon, hindi kailanman naging matapat sa Akin ang sinuman sa inyo. Sumunod na kayo sa Akin sa mga nakalipas na taon, ngunit hindi ninyo Ako nabigyan ni katiting na katapatan kailanman. Sa halip, napainog ninyo ang inyong buhay sa mga taong mahal ninyo at sa mga bagay na nagpapasaya sa inyo—kaya sa tuwina, at saanman kayo magpunta, pinanatili ninyo silang malapit sa puso ninyo at hindi sila pinabayaan kailanman. Tuwing kinasasabikan o kinagigiliwan ninyo ang anumang bagay na gustung-gusto ninyo, nangyayari ito habang sumusunod kayo sa Akin, o kahit habang nakikinig kayo sa Aking mga salita. Kaya nga, sinasabi Ko na ginagamit ninyo ang katapatang hinihingi Ko sa inyo upang sa halip ay maging matapat sa inyong mga “paborito” at itangi ang mga ito. Magsakripisyo man kayo ng isa o dalawang bagay para sa Akin, hindi ito kumakatawan sa lahat ng maibibigay ninyo, at hindi nagpapakita na sa Akin kayo talaga matapat. Nakikibahagi kayo sa mga gawaing gustung-gusto ninyo: Matapat ang ilang tao sa mga anak na lalaki at babae, ang iba naman sa kanilang asawa, kayamanan, trabaho, nakatataas, katayuan, o kababaihan. Hindi kayo nagsasawa o nayayamot kailanman sa mga bagay na matapat kayo; sa halip, lalo pa kayong nasasabik na magkaroon ng mas marami ng mga bagay na ito na mas mataas ang kalidad, at hindi kayo sumusuko kailanman. Ako at ang Aking mga salita ay palaging nahuhuli sa mga bagay na gustung-gusto ninyo. At wala kayong magagawa kundi ihuli ang mga ito. Mayroon pang mga tao na inihuhuli ito para sa mga bagay na matapat sila na kailangan pa nilang tuklasin. Kailanma’y wala ni katiting na bakas Ko sa puso nila. Maaari ninyong isipin na napakarami Kong hinihingi sa inyo o mali Ako sa pag-akusa sa inyo—ngunit naisip na ba ninyo kahit kailan ang katotohanan na habang masaya kayong gumugugol ng oras sa piling ng inyong pamilya, ni minsan ay hindi kayo naging matapat sa Akin? Sa ganitong mga pagkakataon, hindi ba kayo nasasaktan? Kapag puspos ng kagalakan ang inyong puso, at ginantimpalaan kayo para sa inyong mga pagpapagal, hindi ba kayo nalulungkot na hindi ninyo napagkalooban ang inyong sarili ng sapat na katotohanan? Kailan kayo naiyak dahil hindi ninyo natanggap ang Aking pagsang-ayon? Nag-iisip kayong mabuti at lubhang nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga anak na lalaki at babae, ngunit hindi pa rin kayo nasisiyahan; naniniwala pa rin kayo na hindi kayo nagpakasipag para sa kanila, na hindi pa ninyo nagagawa ang lahat ng kaya ninyo para sa kanila. Gayunman, sa Akin, lagi kayong nagpapabaya at walang-ingat; nasa alaala lamang ninyo Ako, ngunit hindi Ako nananatili sa puso ninyo. Ang Aking debosyon at mga pagsisikap ay hindi ninyo nadarama palagi, at hindi kayo kailanman nagkaroon ng pagpapahalaga sa mga iyon. Nagninilay-nilay lamang kayo sandali at naniniwala na sasapat na ito. Hindi ganito ang “katapatan” na matagal Ko nang pinananabikan, kundi ito yaong matagal Ko nang kinasusuklaman. Gayon pa man, anuman ang sabihin Ko, isa o dalawang bagay lamang ang patuloy ninyong inaamin; hindi ninyo ito lubos na matanggap, dahil masyadong “tiwala” kayong lahat, at lagi ninyong pinipili ang tatanggapin ninyo sa mga sinabi Ko. Kung ganito pa rin kayo ngayon, mayroon Akong ilang pamamaraan sa pagharap sa tiwala ninyo sa sarili—at, bukod pa riyan, ipapakita Ko sa inyo na lahat ng salita Ko ay totoo, at na wala ni isa sa mga ito ang nagbabaluktot sa mga katotohanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 333
Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, ito ang pipiliin ninyong lahat, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang pabagu-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa mga paligsahan sa pagitan ng positibo at ng negatibo, ng itim at ng puti, siguradong alam ninyo ang mga pagpiling nagawa ninyo sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng kapayapaan at ng pagkagambala, ng kayamanan at ng kahirapan, ng katayuan at ng pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maipagtabuyan, at iba pa. Sa pagitan ng tahimik na pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip;[a] sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, muli ninyong pinili ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa katigasan ng puso ninyo. Mukhang walang anumang idinulot sa Akin ang maraming taon ng dedikasyon at pagsisikap kundi ang inyong pagpapabaya at kawalang-pag-asa, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto? May kaunting pag-aalab pa rin kaya sa puso ninyo? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko? Sa sandaling ito, ano ang pipiliin ninyo? Magpapasakop ba kayo sa Aking mga salita o magsasawa sa mga ito? Nailatag na ang araw Ko sa harapan ninyo mismo, at nahaharap kayo sa isang bagong buhay at bagong simula. Gayunman, kailangan Kong sabihin sa inyo na ang simulang ito ay hindi pagsisimula ng nakaraang bagong gawain, kundi pagwawakas ng dati. Ibig sabihin, ito ang huling yugto. Palagay Ko naiintindihan ninyong lahat kung ano ang kakaiba sa simulang ito. Gayunman, hindi magtatagal at mauunawaan ninyo ang tunay na kahulugan ng simulang ito, kaya’t sama-sama nating lagpasan ito at salubungin ang pagdating ng katapusan! Gayunman, ang patuloy Kong inaalala tungkol sa inyo ay, kapag naharap kayo sa kawalang-katarungan at katarungan, lagi ninyong pinipili ang una. Gayunman, lahat ng ito ay nakaraan ninyo. Inaasam Ko ring makalimutan ang lahat ng nakaraan ninyo, bagama’t napakahirap gawin nito. Gayunman, mayroon Akong napakagandang paraan ng paggawa nito: Hayaang palitan ng hinaharap ang nakaraan, at iwaksi ang mga alaala ng inyong nakaraan kapalit ng totoong kayo ngayon. Kaya naman kailangan Ko kayong abalahin na muling pumili: Kanino ba talaga kayo matapat?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?
Talababa:
a. Magbago ng isip: isang Chinese idiom na ang ibig sabihin ay “tumalikod sa masasamang gawi.”
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 334
Sa tuwing binabanggit ang hantungan, itinuturing ninyo ito nang may espesyal na kaseryosohan; higit pa riyan, kayong lahat ay partikular na sensitibo tungkol sa bagay na ito. May ilang taong hindi makapaghintay na iyukod ang kanilang mga ulo hanggang lupa, yumuyuko nang mababa sa harap ng Diyos para lamang makapagkamit ng magandang hantungan. Nakikilala Ko ang inyong pagiging masigasig, na hindi na kailangang ilahad pa sa pamamagitan ng mga salita. Ito’y dahil lamang ayaw ninyong humantong ang inyong laman sa kapahamakan, at bukod pa rito, ayaw ninyong mahulog sa walang hanggang kaparusahan sa hinaharap. Kayo ay umaasa lamang na tulutan ang inyong sarili na mabuhay nang higit na malaya at maalwan. Kaya kayo ay lalong higit na nagiging maligalig sa tuwing nababanggit ang hantungan, lubos na nangangamba na kapag hindi kayo naging sapat na maingat, maaaring magkasala kayo sa Diyos at makatatanggap kung gayon ng nararapat na parusa. Hindi kayo nag-alinlangan na makipagkompromiso para lamang sa inyong hantungan, at maging ang marami sa inyo na dating mapanlinlang at walang galang ay bigla na lamang naging napakamalumanay at tapat; ang anyo ng inyong katapatan ay nakapangingilabot sa mga tao. Gayon pa man, lahat kayo’y may mga “tapat” na puso, at patuloy ninyong ibinabahagi sa Akin ang mga lihim ng inyong mga puso nang walang anumang itinatago, maging ito man ay hinaing, panlilinlang o pamimintuho. Sa kabuuan, napakamatapat ninyong “ikinumpisal” sa Akin ang napakahalagang mga bagay na nasa kaibuturan ng inyong pagiging tao. Mangyari pa, hindi Ko iniwasan kailanman ang gayong mga bagay, dahil naging napakapamilyar na ang mga ito sa Akin. Mas nanaisin pa ninyong pumasok sa dagat ng apoy alang-alang sa inyong huling hantungan kaysa mawalan ng isa mang hibla ng buhok para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Hindi sa Ako ay nagiging masyadong dogmatiko sa inyo; kayo ay labis na nagkukulang lamang sa pusong namimintuho upang harapin ang lahat ng Aking ginagawa. Maaaring hindi ninyo naiintindihan kung ano ang kapapahayag Ko lamang, kaya hayaan ninyo Akong magbigay sa inyo ng payak na paliwanag: Ang kailangan ninyo ay hindi ang katotohanan at buhay; ni ang mga prinsipyo kung paano kayo kikilos, lalong hindi ang Aking maingat na paggawa. Sa halip, ang kailangan ninyo ay ang lahat na taglay ng inyong laman—kayamanan, katayuan, pamilya, buhay may-asawa, at iba pa. Lubos ninyong ipinagwawalang-bahala ang Aking mga salita at gawain, kung kaya’t malalagom Ko ang inyong pananampalataya sa iisang salita: padaskol. Gagawin ninyo ang kahit ano upang matamo lamang ang mga bagay na inyong pinipintuho nang labis, ngunit natuklasan Kong hindi ninyo ito gagawin alang-alang sa mga bagay na tungkol sa inyong paniniwala sa Diyos. Sa halip, kayo ay bahagyang nakatuon, at bahagyang masigasig. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang mga taong walang pusong may sukdulang katapatan ay mga bigo sa kanilang paniniwala sa Diyos. Pag-isipan ninyong mabuti—marami bang mga bigo sa inyong hanay?
Dapat ninyong malaman na natatamo ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos bilang resulta ng sariling mga kilos ng mga tao; kapag hindi nagtatagumpay ang mga tao bagkus ay nabibigo, iyon din ay dahil sa sarili nilang mga kilos, at walang papel na ginagampanan ang anupamang bagay. Naniniwala Ako na gagawin ninyo ang lahat ng maaaring gawin para makamit ang isang bagay na mas mahirap at nangangailangan ng higit na pagdurusa kaysa paniniwala sa Diyos, at ituturing ninyo ito na napakaseryoso, kung kaya’t hindi ninyo pahihintulutan ang anumang mga pagkakamali; ito ang mga uri ng walang-humpay na pagsisikap na ibinubuhos ninyo sa sarili ninyong mga buhay. Kaya pa nga ninyong linlangin ang Aking katawang-tao sa mga pagkakataon kung saan hindi ninyo lilinlangin ang sarili ninyong pamilya. Ito ang inyong palagiang pag-uugali at ang prinsipyong ipinamumuhay ninyo. Hindi ba’t nagkukunwari pa rin kayo para linlangin Ako alang-alang sa inyong hantungan, upang ang inyong hantungan ay maging lubos na maganda at ayon sa lahat ng inyong hinahangad? Batid Kong panandalian lamang ang inyong pamimintuho, gayundin ang inyong katapatan. Hindi ba’t ang inyong paninindigan at ang halagang ibinabayad ninyo ay para lamang sa ngayon at hindi para sa hinaharap? Nais lamang ninyong magbuhos ng huling pagsisikap para matiyak ang isang magandang hantungan, na ang tanging layunin ay makipagpalitan. Hindi ninyo ginagawa ang pagsisikap na ito upang maiwasan ang pagkakautang sa katotohanan, at lalong hindi upang bayaran Ako sa halagang pinagbayaran Ko. Sa madaling salita, handa lamang kayong gumamit ng mga tusong pakana upang makamit ang inyong gusto, pero hindi ang ipaglaban ito. Hindi ba’t ito ang pinakaninanais ng inyong puso? Hindi kayo dapat magbalatkayo, o magpagod sa pag-iisip tungkol sa inyong hantungan hanggang sa puntong hindi na kayo makakain o makatulog. Hindi ba totoo na ang kahihinatnan ninyo ay naitakda na sa huli? Dapat ninyong gawin ang inyong sariling tungkulin sa abot ng inyong makakaya nang may bukas at tapat na mga puso, at maging handang magbayad ng anumang kinakailangang halaga. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pababayaan ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad para sa Kanya. Ang ganitong uri ng matibay na paniniwala ay karapat-dapat panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi Ko makakayang ipagpalagay ang Aking isipan, at magpakailanman kayong magiging mga layon ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensya, at ibibigay ang inyong lahat para sa Akin, nang walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay na pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba? Nakapanghihinayang na ang tanging nagagawa ninyo ay hamak at katiting na bahagi lamang ng Aking inaasahan. Yamang ganito ang kalagayan, ano’t may lakas kayo ng loob na hingin sa Akin ang inyong inaasam?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 335
Napakahalaga sa inyo ng inyong hantungan at kapalaran—ang mga ito ay ipinag-aalala ninyo nang lubos. Naniniwala kayong kapag hindi ninyo ginawa ang mga bagay nang maingat, magiging katumbas ito ng hindi pagkakaroon ng hantungan at ng pagkawasak ng inyong kapalaran. Subalit naisip na ba ninyo kailanman na ang mga taong nagsusumikap para lamang sa kanilang hantungan ay nagpapakapagod nang walang saysay? Hindi tunay ang gayong mga pagsisikap—huwad at mapanlinlang ang mga iyon. Kung gayon, ang mga taong nagsisikap para lamang sa kanilang hantungan ay nasa bungad na ng kanilang pangwakas na pagkatalo, dahil ang kabiguan sa paniniwala ng isang tao sa Diyos ay dulot ng panlilinlang. Nasabi Ko na noon na hindi Ko ninanais na Ako ay bolahin o kunwari’y hangaan, o pakitunguhan Ako nang may lubos na kasiglahan. Nais Ko na ang mga matapat na tao ay humarap sa Aking katotohanan at Aking mga inaasahan. Higit pa rito, naiibigan Ko sa tuwing ang mga tao ay nakakayang magpakita ng lubos na pangangalaga at pagsasaalang-alang sa Aking puso, at kapag nagagawa pa nilang isuko ang lahat para sa Aking kapakanan. Sa ganitong paraan lamang maaaring mabigyan ng kaginhawahan ang Aking puso. Sa ngayon, ilang bagay tungkol sa inyo ang hindi Ko nagugustuhan? Ilang bagay tungkol sa inyo ang nagugustuhan Ko? Maaari kayang walang sinuman sa inyo ang nakapagtanto na ng lahat ng iba’t ibang pagpapakita ng kapangitang inyong ginawa alang-alang sa inyong hantungan?
Sa Aking puso, hindi Ko ninanais makasakit sa kanino mang puso na positibo at naghahangad paitaas, at lalong ayaw Kong mabawasan ang sigla ng sinumang tapat na ginagawa ang kanyang tungkulin. Gayunpaman, kailangan Kong paalalahanan ang bawat isa sa inyo tungkol sa inyong mga pagkukulang at ang maruming kaluluwa na nasa kaibuturan ng inyong mga puso. Ginagawa Ko ito sa pag-asang magagawa ninyong ihandog ang inyong tunay na puso sa pagharap sa Aking mga salita, dahil ang pinakakinasusuklaman Ko ay ang panlilinlang ng mga tao sa Akin. Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, maibibigay ninyo ang inyong pinakamahusay na pagganap, at mailalaan ninyo ang inyong mga sarili nang buong puso, hindi na kalahati lamang. Mangyari pa, umaasa rin Ako na lahat kayo ay magkakaroon ng isang magandang hantungan. Gayunpaman, mayroon pa rin Akong kinakailangan, at ito ay ang magawa ninyo ang pinakamahusay na desisyon na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may isang tao na walang ganitong natatanging pamimintuho, tiyak na siya ay isang iniingatang pag-aari ni Satanas, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya kundi pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang. Malaking tulong sa inyo ang Aking gawain; ang inaasahan Kong makuha sa inyo ay pusong tapat at naghahangad paitaas, ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring laman ang Aking mga kamay. Pakaisipin ninyo ito: Kung pagdating ng araw ay naaagrabyado pa rin Ako, na walang sapat na mga salitang makapaglarawan dito, ano ang Aking magiging saloobin sa inyo noon? Magiging magiliw pa rin kaya Ako sa inyo katulad ngayon? Magiging ganito pa rin kaya kapayapa ang Aking puso? Nauunawaan ba ninyo ang damdamin ng isang taong matapos maingat na magsaka sa bukid ay hindi man lamang umani ng kahit na isang butil? Nauunawaan ba ninyo kung gaano kalaki ang pinsala sa puso ng isang taong nakaranas ng matinding dagok? Nalalasahan ba ninyo ang pait ng taong noon ay puno ng pag-asa, na kailangang lumayo nang may hidwaan? Nakita na ba ninyo ang poot na nagmumula sa taong pinukaw ang damdamin? Kaya ba ninyong malaman ang pananabik sa paghihiganti ng isang taong pinakitunguhan nang may poot at panlilinlang? Kung naiintindihan ninyo ang pag-iisip ng mga taong ito, sa tingin Ko ay hindi magiging mahirap para sa inyo na maisip ang saloobin ng Diyos sa panahon ng Kanyang pagganti! Bilang pangwakas, umaasa Akong lahat kayo ay lubos na nagsisikap para sa inyong sariling hantungan; bagama’t makabubuting hindi kayo gumamit ng mapanlinlang na mga paraan sa inyong mga pagsusumikap, kung hindi ay patuloy Akong madidismaya sa inyo sa Aking puso. At saan humahantong ang gayong pagkadismaya? Hindi ba ninyo nililinlang ang inyong mga sarili? Ang mga taong iniisip ang kanilang hantungan ngunit sinisira ito ay ang mga taong pinakamaliit ang kakayahang mailigtas. Kahit na mayamot at magalit ang gayong tao, sino ang magkakaroon ng simpatya sa ganoong klaseng tao? Sa kabuuan, ninanais Ko pa rin na magkaroon kayo ng hantungang kapwa nararapat at mabuti, at, higit pa rito, umaasa Akong walang sinuman sa inyo ang mahuhulog sa kapahamakan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan