375 Nararapat Ba Talaga Kayong Maging Isa sa mga Tao ng Diyos?
1 Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating likas na pagkatao ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking mga tao sa Tsina, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking tao, at sa lahat ng Aking anak, ibig sabihin, sa lahat ng Aking napili mula sa buong sangkatauhan, kabilang kayo sa pinakamababang grupo. Dahil dito, ginugol Ko na ang pinakamatinding lakas sa inyo, ang pinakamatinding pagsisikap. Hindi pa rin ba ninyo itinatangi ang pinagpalang buhay na tinatamasa ninyo ngayon? Pinatitigas pa rin ba ninyo ang inyong puso para maghimagsik laban sa Akin at itakda ang sarili ninyong mga plano?
2 Kung hindi sa patuloy Kong awa at pagmamahal, matagal na sanang nabihag ni Satanas ang buong sangkatauhan at ginawa silang “masasarap na subo” sa bibig nito. Ngayon, sa gitna ng lahat ng tao, yaong mga tunay na gumugugol ng kanilang sarili para sa Akin at tunay Akong minamahal ay bihira pa rin kaya mabibilang sa mga daliri ng isang kamay. Ngayon, maaari kayang maging personal na pag-aari ninyo ang titulong “Aking mga tao”? Talaga bang naging kasinlamig na ng yelo ang konsiyensya mo? Talaga bang karapat-dapat kang makabilang sa mga tao na Aking kinakailangan? Gunitain mo ang nakaraan, at tingnan mong muli ang kasalukuyan—sino sa inyo ang nakapagpalugod na sa puso Ko? Sino sa inyo ang nagpakita na ng tunay na malasakit sa Aking mga layon? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, kundi mananatili pa rin kayong parang naninigas, at muli, na para bang tulog sa taglamig.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 13