Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos

Upang maunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos, kung ano ang bungang makakamit sa pagiging tao, at ang kalooban ng Diyos tungo sa tao, ito ang dapat makamit ng bawat taong sumusunod sa Diyos. Ang kulang ngayon sa lahat ng tao ay ang kaalaman sa gawa ng Diyos. Hindi ganap na nauunawaan ni naiintindihan ng tao kung ano ang bumubuo sa mga gawa ng Diyos sa tao, ang lahat ng gawa ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos simula nang likhain ang mundo. Ang ganitong kakulangan ay hindi lamang nakikita saan mang dako ng relihiyosong mundo, kundi higit pa, sa lahat ng mananampalataya ng Diyos. Kapag dumating ang araw na tunay ngang mamasdan mo ang Diyos, at maunawaan ang karunungan ng Diyos; kapag namasdan mo ang lahat ng gawa ng Diyos at nakilala kung ano ang Diyos at ang kung ano ang mayroon Siya; kapag namasdan mo ang Kanyang kasaganaan, karunungan, himala, at lahat ng Kanyang mga gawa sa tao, ay saka mo makakamit ang matagumpay na pananampalataya sa Diyos. Nang sabihin na ang Diyos ay pumapaligid at lubhang masagana, ano ang ibig sabihin ng pumapaligid? Ano ang ibig sabihin ng kasaganaan? Kung hindi mo ito naunawaan, hindi ka maaaring ipalagay na mananampalataya ng Diyos. Bakit ko sinasabing ang mga nasa relihiyosong mundo ay mga hindi nananampalataya sa Diyos at mga manggagawa ng kasamaan, at yaong mga kauri ng demonyo? Kapag sinabi kong sila ay manggagawa ng kasamaan, ito ay dahil hindi nila maintindihan ang kalooban ng Diyos o makita ang Kanyang karunungan. Hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang gawa sa kanila; sila’y mga bulag na hindi nakikita ang mga gawa ng Diyos. Sila yaong mga tinalikdan ng Diyos at walang taglay na kalinga at pag-iingat ng Diyos, lalo pa ang gawa ng Banal na Espiritu. Yaong mga walang gawa ng Diyos ay manggagawa ng kasamaan at naninindigan sa mga sumasalungat sa Diyos. Yaong mga sinasabi ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa tiwaling disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang tiwaling disposisyon. Sa panahon bago naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay kung tinutupad niya ang kautusang inihayag ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa kautusan ni Jehovah ay yaong mga sumalungat sa Diyos; ang sinumang nagnakaw ng mga alay para kay Jehovah, at ang sinumang nanindigan laban sa mga pinaboran ni Jehovah ay yaong sumalungat sa Diyos at yaong pupukulin ng bato hanggang sa mamatay; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa ay yaong hindi tumutupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehovah ay yaong nanindigan na labanan Siya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, na ang sinumang nanindigan laban kay Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos, at ang sinumang hindi sumunod sa mga salitang sinabi ni Jesus ay yaong nanindigan laban sa Diyos. Sa panahong ito, ang pagpasyang “pagsalungat sa Diyos” ay higit pang natukoy nang malinaw at tunay. Sa panahong hindi pa naging tao ang Diyos, ang batayan ng kung ang tao ay sumalungat sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at gumalang sa hindi nakikitang Diyos na nasa langit. Ang kahulugan ng “pagsalungat sa Diyos” sa panahong iyon ay hindi lubusang totoo, dahil ang tao noon ay hindi maaaring makita ang Diyos ni malaman ang kanyang anyo o paano gumawa at magsalita ang Diyos. Walang mga pananaw ang tao sa Diyos at may kalabuan ang paniniwala sa Diyos, dahil hindi pa Siya nagpakita sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala ang tao sa Diyos sa kanilang imahinasyon, hindi pinarusahan ng Diyos ang tao o humingi ng higit pa mula sa tao, sapagkat hindi talaga nakikita ng tao ang Diyos. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namasdan ang Diyos at napakinggan ang Kanyang mga salita, at nakita ng lahat ang gawain ng Diyos sa laman. Sa panahong iyon, ang lahat ng mga pananaw ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa laman, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi dapat parusahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong itinuturing na kalaban ng Diyos. Sila ang mga taong antikristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. Sila na may mga pananaw tungkol sa Diyos ngunit may kagalakang sumusunod ay hindi parurusahan. Pinarurusahan ng Diyos ang tao batay sa kanyang mga layunin at mga kilos, hindi kailanman sa kanyang mga kaisipan at mga ideya. Kung ang tao ay parurusahan sa ganitong batayan, ay wala ni isa ang makatatakas sa mabagsik na mga kamay ng Diyos. Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay dapat maparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pananaw tungkol sa Kanya, na nagbunga ng kanilang paggambala sa gawa ng Diyos. Yaong ang mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawa ng Diyos. Hindi lamang sila mayroong mga pananaw sa Diyos, subalit ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawa, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay dapat parusahan. Yaong mga hindi kasama sa kusang-loob na paggambala sa gawa ay hindi dapat parusahan bilang makasalanan, sapagkat nagawa nilang sadyang sumunod at hindi gumawa ng paninira at paggambala. Yaon ang mga taong hindi dapat parusahan. Gayunpaman, kung ang mga tao sa maraming taon ay naranasan ang gawa ng Diyos, at kung tinataglay pa rin nila ang kanilang mga pananaw sa Diyos at hindi pa rin kayang malaman ang gawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa kabila ng maraming taong karanasan, ay pinagpapatuloy pa rin nilang panghawakan ang maraming pananaw sa Diyos at hindi pa rin kayang kilalanin ang Diyos, at kahit hindi sila gumawa ng gulo nang mayroong maraming pananaw sa Diyos sa kanilang mga puso, at kahit ang mga pananaw na iyon ay hindi lumitaw, yaon ang mga taong wala ring paglilingkod sa gawa ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo o maging saksi sa Diyos; sila ang mga taong walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila kilala ang Diyos at hindi nila kayang iwaksi ang kanilang mga pananaw sa Diyos, sila ay mapaparusahan. Maari itong sabihin nang ganito: Hindi kaiba sa mga baguhan sa pananampalataya ang magkaroon ng pananaw sa Diyos o pagkakaroon ng kawalang-alam sa Kanya, ngunit di-pangkaraniwan sa mga may paniniwala nang maraming taon at maraming karanasan sa gawa ng Diyos ang pagkakaroon ng ganitong mga pananaw, at mas lalo na para sa mga naturang tao ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos. At ang bunga ng ganitong di-pangkaraniwang kalagayan ng mga tao ay dapat silang maparusahan. Yaong ganoong mga di-pangkaraniwang tao ay mga walang silbi; sila yaong sukdulang sumasalungat sa Diyos at sila yaong nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. Sila yaong mga taong dapat alisin sa katapusan!

Ang sinumang hindi nauunawaan ang layunin ng gawa ng Diyos ay yaong naninindigan laban sa Diyos, at lalo na yaong mga alam ang layunin ng gawa ng Diyos ngunit hindi hinahangad na bigyang kasiyahan ang Diyos. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at sagabal na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “malulusog na laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay antikristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin? Yaong mga pinararangalan ang kanilang sarili sa harap ng Diyos ay yaong pinakamababang uri ng tao, samantalang silang mga nagpapakumbaba ang pinakamarangal. At yaong mga nag-iisip na alam nila ang gawa ng Diyos at naghahayag ng gawa ng Diyos sa kapwa nang may kahambugan habang ang kanilang mga mata ay nakatuon sa Kanya—sila ang pinakahangal na tao. Sila yaong walang patotoo ng Diyos, at yaong mga mapagmataas at mayayabang. Yaong mga naniniwala na kakaunti ang kanilang kaalaman sa Diyos sa kabila ng kanilang kasalukuyang karanasan at praktikal na kaalaman sa Diyos ay yaong pinakamamahal Niya. Yaong mga taong tulad nito ang tunay na may patotoo at tunay na nagawang perpekto ng Diyos. Yaong mga hindi maintindihan ang kalooban ng Diyos ay mga kalaban ng Diyos; yaong mga naiintindihan ang kalooban ng Diyos ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan ay mga kalaban ng Diyos; yaong kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ngunit tinututulan ang diwa ng mga salita ng Diyos ay mga kalaban ng Diyos; yaong mga may mga pananaw sa Diyos na nagkatawang-tao at sinasadyang maghimagsik ay mga kalaban ng Diyos; yaong mga hinahatulan ang Diyos ay mga kalaban ng Diyos; at ang sinumang hindi makakilala sa Diyos at hindi magpatotoo sa Kanya ay kalaban ng Diyos. Kaya pakinggan ang Aking pangaral: Kung tunay ngang mayroon kayong pananampalataya na tahakin ang landas na ito, ipagpatuloy ang pagsunod dito. Kung hindi ninyo kayang umiwas sa pagsalungat sa Diyos, ang pinakamabuti ay lumakad kayong palayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung hindi, tunay ngang ito’y naghuhudyat ng masama kaysa mabuti, sapagkat ang inyong kalikasan ay labis na tiwali. Wala kayong kahit katiting na katapatan o pagsunod, o pusong uhaw sa pagkamatuwid at katotohanan. At wala kayong ni katiting na pag-ibig para sa Diyos. Maaring sabihin na ang inyong kalagayan sa harap ng Diyos ay sobrang malala na. Hindi ninyo kayang panatalihin ang nararapat o sabihin ang nararapat. Hindi ninyo kayang isagawa kung ano ang nararapat, at hindi ninyo magampanan ang nararapat ninyong tungkulin. Wala kayong katapatan, konsensya, pagsunod, o pagpasya na nararapat. Hindi pa ninyo natiis ang pagdurusa na nararapat ninyong taglayin, at wala ang pananampalatayang nararapat ninyong taglay. Lubos ang inyong kasalatan sa kabutihan; mayroon ba kayong paggalang sa inyong sarili upang patuloy na mamuhay? Hinihimok ko kayong mas mabuti pang isara ninyo ang inyong mga mata upang mamahinga nang walang hanggan, nang sa gayon ay matulungan ang Diyos mula sa pag-aalala sa inyo at pagtiis ng pagdurusa para sa inyong kapakanan. Naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi ninyo alam ang Kanyang kalooban; kumakain at umiinom kayo ng mga salita ng Diyos ngunit hindi ninyo nagawang panatilihin ang mga hinihingi ng Diyos. Naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi ninyo Siya kilala, at nabubuhay kahit walang kayong layon na pagsisikapan. Wala kayong prinsipyo at walang layunin. Nabubuhay kayo bilang tao ngunit wala kahit anong konsensya, katapatan, o kahit kaunting kredibilidad. Paano kayo maituturing na tao? Naniniwala kayo sa Diyos ngunit dinadaya ninyo Siya. Bukod dito, kinukuha ninyo ang salapi ng Diyos at kinakain ang mga alay sa Kanya, ngunit, sa katapusan, hindi maipakita ang pagsasaalang-alang sa damdamin ng Diyos o ang konsensya tungo sa Diyos. Maging ang pinakasimpleng kahilingan ng Diyos ay hindi ninyo masumpungan. Paano kayo maituturing na tao? Ang pagkain na inyong kinakain at ang hangin na inyong hinihinga ay galing sa Diyos, nagagalak kayo sa Kanyang biyaya, ngunit sa katapusan, wala kayo ni kaunting kaalaman sa Diyos. Taliwas dito, kayo ay naging walang silbing sumasalungat sa Diyos. Kaya, kayo ba ay isang hayop na ni hindi hihigit sa isang aso? Mayroon pa bang hayop na may mas masamang hangarin kaysa sa inyo?

Yaong mga pastor at nakatatanda na tumatayo sa matataas na pulpito para magturo sa tao ay kalaban ng Diyos at kaanib ni Satanas; hindi ba yaong mga hindi tumatayo sa matataas na pulpito para magturo sa tao ang mas higit na kalaban ng Diyos? Higit pa rito, hindi ba kayo kasabwat ni Satanas kung ganoon? Yaong mga hindi naiintindihan ang layunin ng gawa ng Diyos ay hindi alam kung paano maging kaayon sa puso ng Diyos. Tiyak, hindi ba ito magiging totoo sa mga nakakaintindi ng layunin ng Kanyang gawain? Ang gawa ng Diyos ay hindi kailanman nagkamali; sa halip, ang gawain ng tao ang may kasiraan. Hindi ba yaong masasamang tao na kusang-loob na sumasalungat sa Diyos ang mas nakakatakot at may masamang hangarin kaysa sa mga pastor at nakatatanda? Marami yaong mga sumasalungat sa Diyos, at sa mga taong iyon, mayroong iba’t-ibang uri ng pagsalungat laban sa Diyos. Gaya ng mayroong lahat ng uri ng mananampalataya, mayroon ding lahat ng uri ng mga sumasalungat sa Diyos, ang bawat isa ay kaiba sa kapwa. Wala isa man sa mga hindi malinaw ang pagkilala sa layunin ng gawa ng Diyos ang maliligtas. Hindi alintana kung paano maaaring sumalungat ang tao sa Diyos sa nakaraan, kapag naunawaan ng tao ang layunin ng gawa ng Diyos at inihandog niya ang kanyang pagsisikap upang mabigyang kasiyahan ang Diyos, ang kanyang mga dating kasalanan ay malilinis at papawiin ng Diyos. Hangga’t ang tao ay naghahanap ng katotohanan at isinasagawa ang katotohanan, hindi aalalahanin ng Diyos ang kanyang mga nagawa. Sa halip, itinutuwid ng Diyos ang tao batay sa pagsasagawa ng tao ng katotohanan. Ito ang pagkamatuwid ng Diyos. Bago makita ng tao ang Diyos o maranasan ang Kanyang gawa, paano man kumilos ang tao tungo sa Diyos, hindi ito ang isinasaisip Niya. Subalit, kapag nakita ng tao ang Diyos at naranasan ang Kanyang gawa, ang lahat ng mga gawa at mga kilos ng tao ay maisusulat sa “mga salaysay” ng Diyos, dahil nakita na ng tao ang Diyos at nabuhay na napapaloob sa Kanyang gawa.

Kapag tunay na nakita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nakita ang Kanyang kataas-taasan, at tunay na lumapit upang malaman ang gawa ng Diyos, higit pa rito, kapag ang dating disposisyon ng tao ay nagbago, ay saka lang tuluyang maiwawaksi ang kanyang mapanghimagsik na disposisyon na sumasalungat sa Diyos. Maaaring sabihin na minsan ang bawat tao ay sumalungat sa Diyos at ang bawat tao ay minsan ring naghimagsik laban sa Diyos. Gayunman, kung sasadyain mong sumunod sa Diyos na nagkatawang-tao, at buhat noon ay magbibigay kasiyahan sa puso ng Diyos sa pamamagitan ng iyong katapatan, isagawa ang katotohanan na nararapat, tutuparin ang nararapat na tungkulin, at panatilihin ang nararapat na tuntunin, ay ikaw nga ang kusang-loob na magsasantabi ng iyong paghihimagsik upang bigyang kasiyahan ang Diyos at siyang maaaring gawing perpekto ng Diyos. Kung tatanggihan mong matanto ang iyong pagkakamali at walang pusong nagsisisi; kung ipagpipilitan mo ang iyong mga mapanghimagsik na paraan at walang anumang pusong gumawa kasama ang Diyos at bigyang kasiyahan ang Diyos, ay ganitong suwail na matigas ang ulo ang katulad mong siguradong mapaparusahan at hindi kailanman magiging isa sa mga gagawing perpekto ng Diyos. Kung ganoon, ikaw ay kalaban ng Diyos ngayon at bukas, at mananatili ring kalaban ng Diyos sa susunod na araw; habambuhay kang kalaban ng Diyos at kaaway ng Diyos. Paano ka ipawawalang-sala ng Diyos? Likas na sa tao ang sumalungat sa Diyos, ngunit hindi maaaring sadyaing hanapin ang “mga lihim” sa pagsalungat sa Diyos dahil ang pagbago sa kanyang kalikasan ay gawaing di-malulutas. Kung ganito ang kalagayan, marapat lang na lumakad kayo palayo habang hindi pa huli ang lahat, upang ang inyong pagkastigo sa hinaharap ay hindi na lumala pa, at upang ang inyong malupit na kalikasan ay hindi na lumitaw pa at maging mahirap pamahalaan hanggang ang inyong panlaman na katawan ay tapusin ng Diyos sa katapusan. Naniniwala kayo sa Diyos upang pagpalain; kung sa katapusan, kasawian laman ang darating sa inyo, iyon ay hindi magiging kapaki-pakinabang. Pinapayuhan ko kayo na mainam nang bumuo ng ibang plano; kahit anong ibang pagsasanay ay mas mabuti pa kaysa sa inyong pananalig sa Diyos. Sigurado bang may iba pang landas bukod dito? Hindi ba kayo magpapatuloy na mamuhay nang ganoon din nang hindi naghahanap ng katotohanan? Bakit mamumuhay nang may gusot sa Diyos sa ganitong paraan?