212 Tanging ang mga Tumatanggap ng Katotohanan ang Makaririnig ng Tinig ng Diyos

I

Kung saan man mayroong pagpapakita ng Diyos,

may pagpapahayag ng katotohana’t ng tinig Niya.

Ang mga tumatanggap lamang ng katotohanan

ang makaririnig sa Diyos at makakakita sa Kanya.

Alisin ang mga pananaw na “imposible”!

Ang iniisip na imposible ay maaaring maganap.

Ang karunungan ng Diyos

ay mas mataas sa kalangitan.

Higit sa isip ng tao ang Kanyang gawai’t kaisipan.


Habang mas imposible ang isang bagay,

mas may katotohanang mahahanap.

Habang mas higit sa isip ng tao,

mas may kalooban ng Diyos.

Saan man Siya magpakita,

ang Diyos ay Diyos pa rin,

ang Diyos ay Diyos pa rin.

At ang diwa Niya’y ‘di magbabago

sa’n man o pa’no man Siya nagpakita.


Isantabi ang ‘yong kuru-kuro,

patahimikin ‘yong puso,

basahin ang mga salitang ito.

Kung hangad mo’y katotohanan,

ipapaalam sa’yo ng Diyos

Kanyang kalooba’t mga salita.


II

Ang disposisyon ng Diyos

ay nananatiling gano’n pa rin,

sa’n man Kanyang mga yapak,

Siya ang Diyos ng sangkatauhan.

Si Jesus ay Diyos ng mga Israelita,

Diyos ng Asya, Europa,

at ng buong sansinukob.

Hanapin ang kalooban ng Diyos

mula sa Kanyang pahayag,

tuklasin pagpapakita Niya,

sundan Kanyang mga yapak.

Ang Diyos ang katotohanan,

ang daan, at ang buhay.

Mga salita’t pagpapakita Niya’y sabay na umiiral.


Ang Kanyang disposisyon at mga yapak

ay laging naipababatid sa tao.

Mga kapatid, sana’y inyong makita

ang pagpapakita Niya sa mga salitang ‘to.

Sundan Siya sa bagong panahon,

sa bagong langit at lupang

inihanda sa mga naghihintay

sa pagpapakita ng Diyos.


Isantabi ang ‘yong kuru-kuro,

patahimikin ‘yong puso,

basahin ang mga salitang ito.

Kung hangad mo’y katotohanan,

ipapaalam sa’yo ng Diyos Kanyang kalooban.

Isantabi ang ‘yong kuru-kuro,

patahimikin ‘yong puso,

basahin ang mga salitang ito.

Kung hangad mo’y katotohanan,

ipapaalam sa’yo ng Diyos

Kanyang kalooban at mga salita.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

Sinundan: 211 Paano Malalaman ang Pagpapakita at Gawain ng Cristo ng mga Huling Araw

Sumunod: 213 Narinig na Ba Ninyong Magsalita ang Banal na Espiritu?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito