Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating Na ang Milenyong Kaharian”

Ano ang palagay ninyo tungkol sa pangitain ng Milenyong Kaharian? Madalas iniisip ito ng ilang tao, at sinasabi nila: “Tatagal ng isang libong taon sa lupa ang Milenyong Kaharian, kaya kung walang asawa ang mga nakatatandang miyembro ng iglesia, dapat ba silang mag-asawa? Walang pera ang pamilya ko, dapat ba akong magsimulang kumita ng pera? …” Ano ang Milenyong Kaharian? Alam ba ninyo? Salat sa pag-iintindi sa hinaharap ang mga tao at nagdurusa ng isang matinding pagsubok. Sa katunayan, hindi pa opisyal na dumating ang Milenyong Kaharian. Habang nasa yugto ng paggawang perpekto sa mga tao, baguhan pa lamang ang Milenyong Kaharian; sa oras ng Milenyong Kahariang sinabi ng Diyos, nagawa nang perpekto ang tao. Dati, sinabing magiging tulad ng mga banal ang mga tao at maninindigang matatag sa lupain ng Sinim. Tanging kapag ginawang perpekto ang mga tao—kapag sila ay naging mga banal na sinabi ng Diyos—ay darating ang Milenyong Kaharian. Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, dinadalisay Niya sila, at kung mas dalisay sila mas ginagawa silang perpekto ng Diyos. Kapag pinatalsik ang karumihan, pagiging-mapanghimagsik, pagsalungat, at ang mga bagay ng laman sa loob mo, kapag dinalisay ka na, magiging sinisinta ka ng Diyos (sa madaling salita, magiging isang banal ka); kapag nagawa kang perpekto ng Diyos at naging isang banal, mapupunta ka sa Milenyong Kaharian. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian panghahawakan ng mga tao ang mga salita ng Diyos upang mabuhay, at mapasasailalim sa pangalan ng Diyos ang lahat ng mga bansa, at darating ang lahat upang basahin ang mga salita ng Diyos. Sa oras na iyon, tatawag ang ilan gamit ang telepono, magpa-fax ang ilan … gagamitin nila ang bawat paraan upang makuha ang mga salita ng Diyos, at kayo rin ay mapasasailalim sa mga salita ng Diyos. Ang lahat ng ito ang nangyayari matapos gawing perpekto ang mga tao. Ngayon, ginagawang perpekto ang mga tao, pinipino, nililiwanagan, at ginagabayan sa pamamagitan ng mga salita; ito ang Kapanahunan ng Kaharian, ito ang yugtong ginagawang perpekto ang mga tao, at wala itong kaugnayan sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian. Habang nasa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, nagawa nang perpekto ang mga tao at dinalisay na ang mga tiwaling disposisyon sa loob nila. Sa oras na iyon, gagabayan ng mga salitang sinabi ng Diyos ang mga tao sa bawat hakbang, at ibubunyag ang lahat ng mga hiwaga ng gawain ng Diyos mula sa oras ng sanglikha hanggang ngayon, at sasabihin ng mga salita Niya sa mga tao ang mga kilos ng Diyos sa bawat kapanahunan at bawat araw, kung paano Niya ginagabayan sa loob ang mga tao, ng gawaing ginagawa Niya sa espiritwal na dako, at sasabihin sa kanila ang mga dinamika ng espiritwal na dako. Doon lamang ito magiging tunay na Kapanahunan ng Salita; nasa baguhang kalagayan pa lamang ito ngayon. Kung hindi magagawang perpekto at dalisay ang mga tao, wala silang paraang mabuhay ng isang libong taon sa lupa, at hindi maiiwasang mabulok ang laman nila; kung dinadalisay sa loob ang mga tao, at hindi na sila kay Satanas at sa laman, mananatili silang buhay sa lupa. Salat ka pa din sa pag-iintindi sa hinaharap sa yugtong ito, at ang lahat ng nararanasan ninyo ay ang pagmamahal sa Diyos at pagpapatotoo sa Kanya para sa bawat araw na nabubuhay kayo sa lupa.

Isang propesiya ang “Dumating Na ang Milenyong Kaharian,” kahalintulad ito sa panghuhula ng isang propeta, isang kung saan ipinopropesiya ng Diyos kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Hindi pareho ang mga salitang sinasabi ng Diyos sa hinaharap at ang mga salitang sinasabi Niya ngayon: Gagabay sa kapanahunan ang mga salita ng hinaharap, samantalang ang mga salitang sinasabi Niya ngayon ay ginagawang perpekto ang mga tao, pinipino sila, at pinakikitunguhan sila. Naiiba mula sa Kapanahunan ng Salita ngayon ang Kapanahunan ng Salita sa hinaharap. Ngayon, ang lahat ng salitang sinasabi ng Diyos—hindi alintana ang mga paraan sa kung saan Siya magsasalita—ay upang gawing perpekto ang mga tao, upang dalisayin kung saan marumi sa loob nila, upang gawin silang banal, at gawin silang matuwid sa harap ng Diyos. Dalawang magkahiwalay na bagay ang mga salitang sinasabi ngayon at ang mga salitang sasabihin sa hinaharap. Ang mga salitang sinasabi sa Kapanahunan ng Kaharian ay upang gawing pumasok ang mga tao sa lahat ng pagsasanay, upang dalhin ang mga tao sa tamang landas sa lahat ng bagay, upang patalsikin ang lahat ng hindi dalisay sa kanila. Ganoon ang ginagawa ng Diyos sa kapanahunang ito. Lumilikha siya ng isang saligan ng mga salita Niya sa bawat tao, ginagawa Niyang buhay ng bawat tao ang mga salita Niya, at ginagamit Niya ang mga salita Niya upang palaging liwanagan at gabayan sila sa loob nila. At kapag hindi sila maalumana sa kalooban ng Diyos, magiging nasa loob nila ang mga salita ng Diyos upang sawayin at disiplinahin sila. Ang mga salita ng ngayon ay upang maging buhay ng tao; tuwiran silang nagbibigay ng lahat ng kailangan ng tao, ibibigay ng mga salita ng Diyos ang lahat ng salat ka sa loob, at ang lahat ng yaong mga tatanggapin ang mga salita ng Diyos ay nililiwanagan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita Niya. Ginagabayan ng mga salitang sasabihin ng Diyos sa hinaharap ang mga tao sa buong sansinukob; ngayon, sinasabi lamang sa Tsina ang mga salitang ito, at hindi sila kumakatawan sa yaong mga sinasabi sa buong sansinukob. Magsasalita lamang ang Diyos sa buong sansinukob kapag dumarating na ang Milenyong Kaharian. Alaming ang mga salitang sinasabi ng Diyos ngayon ay lahat upang gawing perpekto ang mga tao; ang mga salitang sinasabi ng Diyos sa yugtong ito ay upang magbigay para sa mga pangangailangan ng mga tao, hindi upang hayaan kang mabatid ang mga hiwaga o makita ang mga himala ng Diyos. Na nagsasalita Siya sa pamamagitan ng maraming paraan ay upang magbigay para sa mga pangangailangan ng mga tao. Hindi pa dumarating ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian—ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian na pinag-uusapan ay ang araw ng luwalhati ng Diyos. Matapos mabuo ang gawain ni Jesus sa Judea, inilipat ng Diyos ang gawain Niya sa pangunahing lupaing Tsina at lumikha ng isa pang plano. Gumagawa Siya sa inyo ng isa pang bahagi ng gawain Niya, ginagawa Niya ang gawaing gawing perpekto ang mga tao gamit ang mga salita, at gumagamit Siya ng mga salita upang magsanhi sa mga tao na magdusa ng labis na kirot at pati na rin ang makamit ang maraming biyaya ng Diyos. Ang yugtong ito ng gawain ay lilikha ng isang pangkat ng mga mananagumpay, at matapos Niyang gawin ang pangkat na ito ng mga mananagumpay, magagawa nilang magpatotoo sa mga gawa Niya, magagawa nilang maisabuhay ang realidad, at talagang makapagbibigay-kasiyahan sila sa Kanya at magiging tapat sa Kanya hanggang kamatayan, at sa paraang ito ang Diyos ay magtatamo ng kaluwalhatian. Kapag ang Diyos ay nagtatamo ng kaluwalhatian—iyon ay, kapag nagawa na Niyang perpekto ang pangkat na ito ng mga tao, iyon ang magiging Kapanahunan ng Milenyong Kaharian.

Nasa lupa si Jesus sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpapapako sa krus, at nakamit ng Diyos ang isang bahagi ng luwalhati Niya sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao, nagawa Niyang maging mapagpakumbaba at nakatago, at makapagtiis sa matinding pagdurusa. Bagamat Siya ang Diyos Mismo, tiniis pa rin Niya ang bawat kahihiyan at ang bawat panlalait, at tiniis Niya ang matinding sakit sa pagkakapako sa krus upang matapos ang gawain ng pagtutubos. Matapos mabuo ang yugtong ito ng gawain, bagamat nakita ng mga tao na nakapagkamit ng dakilang luwalhati ang Diyos, hindi ito ang kabuuan ng luwalhati Niya; isang bahagi lamang ito ng luwalhati Niya, na nakamit Niya mula kay Jesus. Bagamat nagawang tiisin ni Jesus ang bawat hirap, na maging mapagpakumbaba at nakatago, na maipako sa krus para sa Diyos, natamo lamang ng Diyos ang isang bahagi ng luwalhati Niya, at nakamit ang luwalhati Niya sa Israel. May isa pang bahagi ng luwalhati ang Diyos: pagparito sa lupa upang praktikal na gumawa at gawing perpekto ang isang pangkat ng mga tao. Sa panahon ng yugto ng gawain ni Jesus, gumawa Siya ng ilang kahima-himalang mga bagay, ngunit hindi lamang upang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan ang yugtong iyon ng gawain. Ito, una sa lahat, ay upang ipakita na maaaring magdusa si Jesus, at maipako sa krus para sa Diyos, na nakayanang magdusa ni Jesus ng matinding sakit sapagkat mahal Niya ang Diyos at na, bagamat tinalikuran Siya ng Diyos, handa pa ring Siyang iaalay ang buhay Niya para sa kalooban ng Diyos. Matapos mabuo ng Diyos ang gawain Niya sa Israel at ipinako sa krus si Jesus, nagtamo ng kaluwalhatian ang Diyos, at Siya ay nagpatotoo sa harap ni Satanas. Ni hindi ninyo nababatid o nakikita kung paanong naging katawang-tao ang Diyos sa Tsina, kaya paano ninyo makikita na ang Diyos ay nagtamo ng kaluwalhatian? Kapag gumagawa ang Diyos ng maraming gawain ng paglupig sa inyo, at matatag na naninindigan kayo, matagumpay ang yugtong ito ng gawain ng Diyos, at bahagi ito ng luwalhati ng Diyos. Ito lamang ang nakikita ninyo, at hindi pa kayo nagagawang perpekto ng Diyos, hindi pa ninyo lubusang ibinibigay ang puso ninyo sa Diyos. Hindi pa ninyo lubos na nakikita ang luwalhating ito; nakikita ninyo lamang na nalupig na ng Diyos ang puso ninyo, na hindi ninyo kailanman kayang iwan Siya, at susundan ang Diyos hanggang sa pinakahuli at hindi magbabago ang puso ninyo, at na ito ang luwalhati ng Diyos. Saan mo nakikita ang luwalhati ng Diyos? Sa mga dulot ng gawain Niya sa mga tao. Nakikita ng mga tao na napakaganda ng Diyos, nasa mga puso nila ang Diyos, at atubili silang iwan Siya, at ito ang luwalhati ng Diyos. Kapag umusbong ang lakas ng mga lalaking kapatid at mga babaeng kapatid ng mga iglesia, at maaari nilang mahalin ang Diyos mula sa mga puso nila, makita ang sukdulang kapangyarihan ng gawaing ginawa ng Diyos, ang walang kawangis na kapangyarihan ng mga salita Niya, kapag nakita nilang may dalang awtoridad ang mga salita Niya at na makapagsisimula Siya sa gawain Niya sa pinabayaang bayan ng Tsinong pangunahing lupain, kapag, bagaman mahina ang mga tao, yumuyukod pababa sa harapan ng Diyos ang mga puso nila at handa silang tanggapin ang mga salita ng Diyos, at kapag, bagamat sila ay mahina at hindi karapat-dapat, nagagawa nilang makita na napakakagiliw-giliw ng mga salita ng Diyos, at napakakarapat-dapat sa pagmamahal nila, kung gayon ito ang luwalhati ng Diyos. Kapag dumating ang araw kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, at nagagawang sumuko sa harap Niya, at ganap na makasusunod sa Diyos, at iiwanan sa mga kamay ng Diyos ang mga pag-asam at kapalaran nila, kung gayon lubos na nakakamit ang ikalawang bahagi ng luwalhati ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ganap na nabuo na ang gawain ng praktikal na Diyos, magwawakas na ang gawain Niya sa pangunahing lupaing Tsina. Sa madaling salita, kapag nagawa nang perpekto yaong mga itinalaga at hinirang ng Diyos, magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos. Sinabi ng Diyos na dinala na Niya ang ikalawang bahagi ng luwalhati Niya sa Silangan, subalit ito ay hindi nakikita ng mata. Dinala na ng Diyos sa Silangan ang gawain Niya: dumating na Siya sa Silangan, at luwalhati ito ng Diyos. Ngayon, bagamat hindi pa ganap ang gawain Niya, sapagkat nagpasya ang Diyos na gumawa, tiyak na magagawa ito. Nakapagpasya na ang Diyos na gagawin Niyang ganap ang gawaing ito sa Tsina, at nakapagpasya na Siya na gagawin kayong ganap. Kaya naman, hindi ka Niya bibigyan ng daan palabas—nalupig na Niya ang mga puso ninyo, at dapat kang magpatuloy maging nais mo man o hindi, at kapag nakamit na kayo ng Diyos, nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos. Ngayon, hindi pa ganap na natatamo ng Diyos ang kaluwalhatian, sapagkat hindi pa kayo nagagawang perpekto. Bagamat nagbalik na sa Diyos ang mga puso ninyo, marami pa ring mga kahinaan sa laman ninyo, wala kayong kakayahang bigyang kasiyahan ang Diyos, hindi ninyo nagagawang maging maalumana sa kalooban ng Diyos, at taglay pa rin ninyo ang maraming mga negatibong bagay na dapat ninyong alisin sa mga sarili ninyo at dapat pa rin kayong sumailalim sa maraming mga pagsubok at mga pagpipino. Tanging sa ganoong paraan maaring magbago ang mga disposisyon mo sa buhay at maaaring makamit ka ng Diyos.

Sinundan: Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Sumunod: Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger