5 Ang Anak ng Tao’y Nagpakita Na Nang may Kaluwalhatian

I

Nagpakita na ang Diyos sa lahat,

sa lahat ng iglesia.

Espiritu ang nagsasalita,

isang apoy na nagngangalit,

isang maharlika, Siya’y humahatol.

Totoo ngang Siya ang Anak ng tao,

may suot na damit hanggang paa,

may bigkis ang dibdib

na isang pamigkis na ginto.

Ang ulo Niya at buhok

ay mapuputing gaya ng lana.


Mga mata Niya’y gaya ng apoy,

mga paa’y gaya ng tanso sa pugon.

Tinig Niya’y gaya ng lagaslas

ng maraming tubig.

Siya’y may pitong bituin sa kamay,

may dalawang-talim na tabak sa bibig.

Mukha Niya’y gaya ng araw

na matinding sumisikat.


Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat

ay nagpapamalas sa espirituwal na katawan,

nang walang laman o dugong

nagdurugtong mula ulo hanggang paa.

Siya’y higit pa sa mundong sansinukob,

nakaluklok sa maluwalhating trono,

at nangangasiwa sa lahat ng bagay

mula sa luklukan Niya sa ikatlong langit.


II

Ang Anak ng tao’y napatotohanan na,

at ang Diyos ay nahayag na sa lahat.

Tulad ng napakainit na araw,

kaluwalhatian Niya’y lumabas na.

Ang maluwalhati Niyang mukha’y nagniningning,

nakakasilaw sa mata ng lahat.

Walang mga mata

ang mangangahas na labanan ito.

Mamamatay ang sinumang lalaban.


Lumaban man sa kaisipan o sa mga salita,

o makita man ito sa kilos,

‘di magpapakita ang Diyos ng awa, makikita niyo

na ang matatamo niyo ay paghatol.


Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat

ay nagpapamalas sa espirituwal na katawan,

nang walang laman o dugong

nagdurugtong mula ulo hanggang paa.

Siya’y higit pa sa mundong sansinukob,

nakaluklok sa maluwalhating trono,

at nangangasiwa sa lahat ng bagay

mula sa luklukan Niya sa ikatlong langit.


III

Ang lahat ng bagay sa sansinukob

ay nasa kamay ng Diyos.

‘Pag inorden Niya, sa gayon ito’y mangyayari.

Si Satanas ay nasa ilalim ng mga paa ng Diyos,

nasa walang-hanggang hukay.

Nadaig na ng Diyos ang mga masasama.

Kapag lumalabas ang tinig ng Diyos,

mundo’y mauuwi sa wala,

langit at lupa’y maglalaho.

Mapaninibago ang lahat, ‘di na ‘to mababago.

Nadaig na ng Diyos ang mundo.


At ngayon Siya’y nakaupo rito’t

nangungusap sa inyo.

Ang lahat ng may tainga ay dapat makinig.

Ngayong ang Diyos ay nakaupo rito,

nangungusap sa inyo,

yaong nabubuhay ay dapat tanggapin

ang mga salita Niya.


Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat

ay nagpapamalas sa espirituwal na katawan,

nang walang laman o dugong

nagdurugtong mula ulo hanggang paa.

Siya’y higit pa sa mundong sansinukob,

nakaluklok sa maluwalhating trono,

at nangangasiwa sa lahat ng bagay

mula sa luklukan Niya sa ikatlong langit,

mula sa luklukan Niya sa ikatlong langit, langit!


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Sinundan: 4 Dumako sa Sion na may pagpupuri

Sumunod: 6 Nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos Bilang Araw ng Pagiging Matuwid

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito