271 Nililigtas ng Diyos ang Sumasamba sa Kanya at Lumalayo sa Kasamaan
I
Sa panahon ni Noe, tao’y lumihis na,
naging lubhang tiwali,
at nawalan ng biyaya ng Diyos,
‘di na pinangalagaan ng Diyos,
nawalan ng ‘pinangako Niya.
‘Pag wala’ng liwanag Niya,
sila’y namuhay sa kadiliman,
naging likas na mahalay,
iniwan sa karumaldumal na katiwalian.
Si Noe lang ang umiwas sa kasamaa’t
sumamba sa Diyos,
kaya nagawa niyang marinig ang tinig,
at mga tagubilin ng Diyos,
‘tinatayo ang arko ayon sa utos ng Diyos.
Tinipon Niya ang lahat ng buhay na nilalang
ng bawat uri, klase at katangian.
Nang maihanda na ang lahat,
sinimulan ng Diyos ang pagwasak sa mundo.
II
Sila’y naging lugmok kung kaya’t
‘di na sila makatatanggap ng pangako ng Diyos.
‘Di sila karapat-dapat sumaksi sa mukha Niya,
o marinig ang tinig ng Diyos.
‘Pagkat tinalikuran nila’ng Diyos,
isinantabi’ng ibinigay Niya.
At lahat ng turo Niya’y iniwan at kinalimutan nila.
Si Noe lang ang umiwas sa kasamaa’t
sumamba sa Diyos,
kaya nagawa niyang marinig ang tinig,
at mga tagubilin ng Diyos,
‘tinatayo ang arko ayon sa utos ng Diyos.
Tinipon Niya ang lahat ng buhay na nilalang
ng bawat uri, klase at katangian.
Nang maihanda na ang lahat,
sinimulan ng Diyos ang pagwasak sa mundo.
III
Napakalaki ng kasamaa’t paglihis nila.
Nawalan sila ng diwa ng katwiran at pagkatao.
Kasamaan nila’y napakalubha’t ubod ng sama
kung kaya’t naging malapit sila sa kamatayan.
Sila’y naging mas malayo sa landas ng Diyos,
kaya nahulog sila sa kaparusahan at poot Niya.
Si Noe lang ang umiwas sa kasamaa’t
sumamba sa Diyos,
kaya nagawa niyang marinig ang tinig,
at mga tagubilin ng Diyos,
‘tinatayo ang arko ayon sa utos ng Diyos.
Tinipon Niya ang lahat ng buhay na nilalang
ng bawat uri, klase at katangian.
Nang maihanda na ang lahat,
sinimulan ng Diyos ang pagwasak sa mundo.
Si Noe’t pamilya niya’ng nanatiling buhay,
siya lang at ang pitong miyembro
ng pamilya niya’ng nakaligtas.
Dahil si Noe’y sumamba kay Jehova’t
umiwas sa kasamaan,
oo, sumamba si Noe kay Jehova’t
umiwas sa kasamaan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan