33 Ang Paghatol ng Diyos ay Lubos na Naihayag
I
Isang malakas na tinig,
yumayanig sa buong sansinukob,
nakabibingi sa mga tao, mahirap iwasan.
Ang ilan ay napatay, ang ilan ay nawasak,
at ang ilan ay nahatulan.
Wala pang nakakita ng ganitong tanawin.
Makinig, may tunog ng pagtangis sa dagundong.
Ito ay mula sa Hades, mula sa impiyerno.
Ito ay pagtangis ng mga nahatulan ng Diyos,
tunog ng mga anak ng paghihimagsik.
Yaong ‘di nakinig sa sinasabi ng Diyos
at ‘di nagsagawa ng mga salita ng Diyos
ay mga lubhang nahatulan
at nakatanggap ng sumpa ng Kanyang poot.
Ang tinig ng Diyos ay paghatol, ito’y poot,
walang habag,
‘di nagpapakita ng awa kaninuman,
‘pagkat Siya’ng matuwid na Diyos Mismo,
taglay ang poot, pagsunog,
paglinis, at pagwasak.
Walang naitatago o madamdamin sa Kanya;
lahat ay bukas, matuwid, walang kinikilingan.
II
Dahil ang Kanyang mga panganay na anak
ngayo’y nasa trono na,
kasama Siyang namumuno
sa lahat ng bansa’t lahat ng tao,
yaong ‘di makatarungan,
‘di matuwid na mga tao’t bagay
ay sinisimulan nang mahatulan Niya.
Isa-isa silang sisiyasatin ng Diyos,
walang palalampasin at lahat ibubunyag.
Kanyang paghatol
ay ganap nang nabunyag, nabuksan,
at walang itinirang anuman.
Itatapon Niya ang anumang
‘di ayon sa kalooban Niya
upang masawi,
masunog sa walang hanggang hukay.
Ito ang Kanyang katuwiran,
Kanyang pagiging matuwid.
Walang makapagbabago nito;
lahat ay nasa ilalim ng utos Niya.
Yaong ‘di nakinig sa sinasabi ng Diyos
at ‘di nagsagawa ng mga salita ng Diyos
ay mga lubhang nahatulan
at nakatanggap ng sumpa ng Kanyang poot.
Ang tinig ng Diyos ay paghatol, ito’y poot,
walang habag,
‘di nagpapakita ng awa kaninuman,
‘pagkat Siya’ng matuwid na Diyos Mismo,
taglay ang poot, pagsunog,
paglinis, at pagwasak.
Walang naitatago o madamdamin sa Kanya;
lahat ay bukas, matuwid, walang kinikilingan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 103