927 Ang Awtoridad ng Diyos ay ang Batas ng Langit na Hindi Malalampasan ni Satanas
I
Kitang-kita ni Satanas ang katayuan ng Diyos,
tunay na nauunawaan ang awtoridad ng Diyos,
at mga prinsipyo sa paggamit
ng kapangyarihan Niya.
‘Di nangangahas labagin o ‘di pansinin ito,
o gumawa ng anuman
upang labagin ang awtoridad ng Diyos,
o sa anumang paraa’y hamunin ang galit Niya.
Kahit ito’y masama’t mapagmataas,
‘di kailan nangahas si Satanas
na lumampas sa hangganan ng Diyos.
‘Di kailanman nangahas si Satanas
na suwayin ang awtoridad ng Diyos.
Ito’y laging sumusunod sa utos ng Diyos
at nakikinig nang mabuti sa Kanya.
‘Di kailanman nangahas baguhin
ang mga utos ng Diyos,
ni nangahas na tumutol dito.
Itinakda ng Diyos ang hangganang ‘to kay Satanas,
siyang ‘di kailanman lumampas dito.
II
Sa milyun-milyong taon si Satanas
ay sumunod sa hangganan ng Diyos,
sumunod sa bawat utos na bigay ng Diyos,
‘di kailanman lumampas
sa hangganang bigay ng Diyos.
Kahit ito’y malisyoso,
mas matalino pa rin si Satanas
kaysa sa tiwaling tao,
dahil kilala nito’ng Lumikha,
alam din nito ang saklaw
ng sarili nitong hangganan.
Kahit ito’y masama’t mapagmataas,
‘di kailan nangahas si Satanas
na lumampas sa hangganan ng Diyos.
‘Di kailanman nangahas si Satanas
na suwayin ang awtoridad ng Diyos.
Ito’y laging sumusunod sa utos ng Diyos
at nakikinig nang mabuti sa Kanya.
‘Di kailanman nangahas baguhin
ang mga utos ng Diyos,
ni nangahas na tumutol dito.
Itinakda ng Diyos ang hangganang ‘to kay Satanas,
siyang ‘di kailanman lumampas dito.
III
Mula sa pagpapasakop ni Satanas,
makikitang awtoridad ng Diyos
ay ‘di maaaring malabag ni Satanas;
ito’y utos na makalangit.
Dahil sa pagiging natatangi
at kapangyarihan ng Diyos,
bagay ay lumalago’t nababago nang maayos,
at tao’y makapamumuhay, makapagpaparami
sa landas na inilatag ng Diyos.
Walang bagay o tao’ng
makasisira sa batas na ito,
ni makapagbabago sa batas na ito,
‘pagka’t ito’y galing sa kamay ng Lumikha,
sa awtoridad at atas Niya.
‘Di kailanman nangahas si Satanas
na suwayin ang awtoridad ng Diyos.
Ito’y laging sumusunod sa utos ng Diyos
at nakikinig nang mabuti sa Kanya.
‘Di kailanman nangahas baguhin
ang mga utos ng Diyos,
ni nangahas na tumutol dito.
Itinakda ng Diyos ang hangganang ‘to kay Satanas,
siyang ‘di kailanman lumampas dito.
Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I