17 Ang Diyos ay Nasa Trono

Nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos upang magtrabaho at bumigkas ng Kanyang mga salita,

isinasagawa ang paghatol ng mga huling araw at dinadala ang Kapanahunan ng Kaharian.

Ang mga hinirang ng Diyos ay itinaas sa harapan Niya,

at nagpapatirapa kaming lahat sa pagsamba sa Diyos.

Ang Diyos ay nasa maluwalhating trono na ngayon!

Napakamaluwalhati at napakaganda Niya!

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Nag-iisa na ngayon at noon, ay namumuno bilang Hari sa lupa.

Tinatanglawan ang madilim na mundo ng mga salita ng Diyos, ang tunay na liwanag.

Ang lahat ng tao ay pupunta sa liwanag, magpapasakop sa harap ng Diyos.

Nakaupo ang Diyos sa Kanyang trono ng kaluwalhatian, tinatamasa ang Kanyang pamamahinga.


Ang mga salita ng Diyos ay nagkakaloob sa amin ng tubig ng buhay.

Kami ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, harap-harapan sa Kanya,

at sa wakas ay dumadalo kami sa piging.

Hinihiwalay kami ng Diyos mula sa tiwaling mundo.

Pagkatapos ay inaalis namin sa aming mga sarili ang mga makamundong pagkakagapos,

at pumapasok sa pagsasanay ng kaharian.

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Nag-iisa na ngayon at noon, ay namumuno bilang Hari sa lupa.

Tinatanglawan ang madilim na mundo ng mga salita ng Diyos, ang tunay na liwanag.

Ang lahat ng tao ay pupunta sa liwanag, magpapasakop sa harap ng Diyos.

Nakaupo ang Diyos sa Kanyang trono ng kaluwalhatian, tinatamasa ang Kanyang pamamahinga.


Nagsimula na ang paghatol sa Sambahayan ng Diyos,

ibinubunyag ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos.

Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita Niya

ay nililinis kami at ginagawa kaming bagong mga tao.

Nagtatrabaho ang Makapangyarihang Diyos upang iligtas kami,

upang maaari kaming magbago at maglingkod sa harap ng trono ng Diyos.

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Nag-iisa na ngayon at noon, ay namumuno bilang Hari sa lupa.

Tinatanglawan ang madilim na mundo ng mga salita ng Diyos, ang tunay na liwanag.

Ang lahat ng tao ay pupunta sa liwanag, magpapasakop sa harap ng Diyos.

Nakaupo ang Diyos sa Kanyang trono ng kaluwalhatian, tinatamasa ang Kanyang pamamahinga.


Ang Diyos ay marunong at makapangyarihan sa lahat sa Kanyang gawain,

ginagamit ang malaking pulang dragon upang gumawa ng serbisyo.

Ang mga salita ng Diyos ngayon ay ipinapakita sa amin ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat,

lumulupig, gumagawa ng isang grupo ng mananagumpay.

Inaakay kami ng Diyos na tumayong saksi sa mga paghihirap,

natalo na ng Diyos si Satanas at nakamit ang lahat ng kaluwalhatian.

Ang Makapangyarihan sa lahat, ang Nag-iisa na ngayon at noon, ay namumuno bilang Hari sa lupa.

Tinatanglawan ang madilim na mundo ng mga salita ng Diyos, ang tunay na liwanag.

Ang lahat ng tao ay pupunta sa liwanag, magpapasakop sa harap ng Diyos.

Nakaupo ang Diyos sa Kanyang trono ng kaluwalhatian, tinatamasa ang Kanyang pamamahinga.

Sinundan: 16 Makapangyarihang Diyos, ang Hari ng Kaluwalhatian

Sumunod: 18 Tumunog na ang Trumpeta ng Tawag ng Paghatol

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito