201 Ang Diyos sa Katawang-tao Ay Isang Buhay na Bukal ng Buhay
Ⅰ
Ang pinakamahalagang gawain
para sa tiwaling tao
ay ang nagbibigay ng tumpak na mga salita,
malinaw na mga layunin upang itaguyod,
at maaaring makita at mahawakan,
maaaring makita at mahawakan.
Tanging ang makatotohanang
gawain at gabay na napapanahon
ang bagay na angkop sa mga panlasa ng tao.
Oo, praktikal na gawain lamang
ang nagliligtas sa tao mula sa kanyang
tiwali at masamang disposisyon.
Ⅱ
Karamihan sa mga tao ay naging mga kaaway,
kaaway ng Diyos, dahil sa katawang-tao na ito.
Nguni’t kapag winakasan Niya
ang Kanyang gawain,
titigil sila sa pagiging mga kaaway,
hindi na nila Siya tututulan.
Sa halip, sila ay magiging mga saksi Niya,
lahat na nilupig Niya,
naging kaayon, sila’y kaayon Niya
at hindi maaaring mawalay sa Kanya.
Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao lamang
ang makakagawa nito,
magligtas sa tao mula sa kanyang kasamaan
at tiwaling disposisyon.
Ipapakita Niya sa tao ang kahalagahan
ng Kanyang gawa sa pamamagitan
ng Kanyang katawang-tao,
upang malaman ng tao ang kahalagahan,
ang kabuluhan ng katawang-taong ito
sa pinakakahulugan ng pag-iral ng tao,
malalaman ang tunay na halaga Niya
sa paglago ng buhay ng tao.
At, higit pa rito, malalaman na
ang katawang-tao na ito ay magiging
isang buhay na bukal ng buhay,
kung saan ‘di nais mawalay ng tao,
kung saan ‘di nais mawalay ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao