935 Ang Diwa ng Diyos ay Kapwa Makapangyarihan sa Lahat at Praktikal

1 Kalakip sa lahat ng mga ginagawa ng Diyos ang Kanyang bahaging makapangyarihan sa lahat pati na rin ang Kanyang bahaging praktikal. Diwa ng Diyos ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat, ngunit ang Kanyang pagiging praktikal ay diwa rin Niya; ang dalawang aspetong ito ay hindi mapaghihiwalay. Ang paggawa ng Diyos ng mga gawa sa isang totoo at praktikal na paraan ay ang paggana ng Kanyang praktikal na aspeto, at ipinapakita rin ng kakayahan Niyang gumawa sa ganitong paraan ang Kanyang aspetong makapangyarihan sa lahat. Nakapaloob sa kahit na anong ginagawa ng Diyos ang parehong aspeto—ang Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat at ang Kanyang pagiging praktikal—at ang lahat ay ginagawa batay sa Kanyang diwa; ito ay isang pagpapahayag ng disposisyon Niya at isa ring pagbubunyag ng diwa Niya at kung ano Siya.

2 Ang kakayahan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain nang aktwal at praktikal, at linisin at lutasin ang katiwalian ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan, pati na ang kakayahan Niyang direktang pamunuan ang mga tao—ipinapakita ng mga bagay na ito ang Kanyang pagiging praktikal. Ipinahahayag Niya ang sarili Niyang disposisyon at kung ano Siya, at anumang gawaing hindi magagawa ng tao ay magagawa Niya; makikita rito ang Kanyang bahaging makapangyarihan sa lahat. Taglay ng Diyos ang awtoridad na pairalin ang sinasabi Niya, na gawing matatag ang mga utos Niya, at ang sinasabi Niya ay magaganap. Habang bumibigkas ang Diyos, nabubunyag ang Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat. Pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay, minamaniobra si Satanas upang paglingkuran Siya, isinasaayos ang mga kapaligiran upang subukin at pinuhin ang mga tao, at dalisayin at baguhin ang mga disposisyon nila—ang lahat ng ito ay mga pagpapakita ng pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Ang diwa ng Diyos ay parehong makapangyarihan sa lahat at praktikal, at nababagay sa isa’t isa ang dalawang aspetong ito. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon at pagbubunyag ng kung ano Siya. Kabilang sa kung ano Siya ang Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat, Kanyang katuwiran, at Kanyang kamahalan.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 934 Diyos ang Pinuno ng Lahat ng mga Bagay

Sumunod: 936 Pinamumunuan ng Diyos ang mga Batas na Nagpapanatiling Buhay sa Lahat ng Mga Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

660 Awit ng mga Mananagumpay

1 Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito