288 Itatama ng Diyos ang mga Kaapihan ng Mundo ng Tao
Ⅰ
Ililipat ng Diyos Kanyang trono,
Kanyang trono sa lupa.
Personal Niyang gagawin Kanyang mga gawain,
binabawalang bayan Niya ay saktan ni Satanas,
ni gawin ng mga kaaway ang nais nila.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Papayukuin Niya ang lahat ng kaaway.
Sila ay aamin sa mga krimen na nagawa.
May lungkot at galit, tatapakan Niya ang sansinukob
at sisindakin lahat ng Kanyang mga kaaway.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Wawasakin ng Diyos ang buong lupa.
Pababagsakin Niya ang mga kaaway,
upang ‘di na magawang tiwali ang sangkatauhan.
Itatama ng Diyos ang kaapihan.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Ⅱ
Buo na ang plano ng Diyos,
walang sinumang maaaring magbago nito.
Kapag Siya ay maringal na naglibot sa sansinukob,
mababago at sisigla ang lahat.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Magagalak Kanyang puso
kapag wala nang umiiyak,
at ‘di na sila sisigaw ng tulong sa Diyos.
Mga tao ay babalik upang Siya ay ipagbunyi,
magsasaya ang buong sansinukob.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Ginagawa ng Diyos ang gawaing
itinakda Niyang tuparin.
Siya’y kumikilos sa gitna ng sangkatauhan,
ginagawa’ng lahat ayon sa plano.
Binubuwag ng tao ang mga bansa
ayon lang sa kalooban Niya.
Itatama ng Diyos ang kaapihan sa mundo.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Ⅲ
Tao’y nakatuon sa kani-kanilang hantungan,
pagka’t papalapit ang araw
at trumpeta’y pinapatunog.
Wala nang mga antala, at lahat ng nilikha ay
magsisimulang sumayaw sa kagalakan.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Sino’ng makapagpapalawig ng araw ng Diyos?
Di taga-lupa, o mga anghel o mga bituin.
Kapag Diyos ay nagsalita upang iligtas ang Israel,
malapit na’ng Kanyang araw sa sangkatauhan.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Tao’y takot sa pagbabalik ng Israel,
yan ang araw ng Kanyang kaluwalhatian,
at araw na’ng lahat ay mapapanibago.
Itatama ng Diyos ang kaapihan sa mundo.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Magiging Hari ang Diyos sa lupa.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27