53 Lulupigin ng Diyos ang mga Tao sa Lahat ng Bansa
Ⅰ
Sa panahon ng paglikha,
Diyos ay nagpasiya na magwawakas
gawain Niya sa lupa sa huling panahon,
at kasabay niyon sa kalawakan gawa Niya’y makikita.
Kikilalanin ng mga tao Kanyang nagawa,
at sa harap ng “hukuman,”
Kanyang mga gawa’y patutunayan,
tatanggapin ng lahat ng tao sa lupa na susuko.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin, ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Kaaway Niya sa lupa’y lulupigin,
kaaway Niya sa langit tatalunin. Plano Niya ‘to,
plano Niya ‘to at himala ng Kanyang gawain.
Ⅱ
At isang proyekto ang Kanyang sisimulan
na ‘di pa naisagawa kailanman.
Ihahayag Niya Kanyang
mga gawa paisa-isa, paisa-isa,
upang Kanyang karunungan at pagka ‘di maarok
kilalanin at mapatunayan sa buong lipunan.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin, ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Kaaway Niya sa lupa’y lulupigin,
kaaway Niya sa langit tatalunin. Plano Niya ‘to,
plano Niya ‘to at himala ng Kanyang gawain.
Ⅲ
Kikilalanin ng lahat mga gawa Niya.
Ito ang sandaling Siya’y lul’walhatiin sa lupa.
Ito ang sandaling Siya’y makikita ng tao.
Ito ang sandaling Siya’y hindi na nakatago.
Di pa sukdulan gawa Niya. Ito’y sumusulong pa.
Darating ang sandaling ‘to’y nasa tugatog na.
Yon ang sandaling gawai’y kukumpletuhin Niya.
Yon ang sandaling matatapos iyon.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin, ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Lahat ng tao Kanyang lulupigin, ang hayop, paaamuin.
Ang pulang dragon, gaya ng mga tao,
susuko sa Diyos sa pagkatalo.
Kaaway Niya sa lupa’y lulupigin,
kaaway Niya sa langit tatalunin.
Plano Niya ‘to, plano Niya ‘to
at himala ng Kanyang gawain.
Plano Niya ‘to, plano Niya ‘to
at himala ng Kanyang gawain.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 42