Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao

Sa tao, hindi posible para sa mga inapo ni Moab na gawing buo at sila ay hindi karapat-dapat na gawing gayon. Ang mga anak na lalaki ni David, sa kabilang dako, ay tiyak na mayroong pag-asa at sila ay tiyak na gagawing buo. Basta’t ang isang tao ay isang inapo ni Moab, kung gayon sila ay hindi maaaring gawing buo. Maging sa kasalukuyan, hindi mo pa rin nalalaman ang kahalagahan ng gawain na ginagawa sa gitna ninyo; hanggang sa kasalukuyang yugtong ito ay nanghahawak pa rin kayo sa inyong hinaharap na mga inaasahan sa inyong mga puso at tumututol na talikuran ang mga ito. Walang sinuman ang nababahala kung bakit pinili ka ng Diyos--ang pinakawalang-kabuluhang grupo--para pasulungin, kaya ang gawain bang ito ay mali? Ang gawain bang ito ay isang panandaliang pagkalingat? Bakit ang Diyos ay bumaba nang walang kinikilingan upang gumawa sa inyong kalagitnaan, samantalang matagal na Niyang alam na kayo ay mga anak na lalaki ni Moab? Hindi ka ba kailanman nag-iisip ng ganito? Hindi ba ito kailanman isinaalang-alang ng Diyos kapag Kanyang ginagawa ang Kanyang gawain? Gumagawa ba Siya ng ganitong uri ng biglaang pagdedesisyon? Hindi ba Niya nalalaman na kayo ang mga inapo ni Moab sa pasimula pa lamang? Hindi mo ba nalalaman kung paano isaalang-alang ang mga bagay na ito? Saan na napunta ang iyong mga “pagkaintindi”? Ang iyo bang malusog na pag-iisip ay naging balisa? Saan na napunta ang iyong katalinuhan at karunungan? Ito ba ay dahil mayroon kang gayong mapagbigay-loob na tindig kaya hindi mo pinapansin ang gayong kaliit na bagay? Ang inyong mga kaisipan ay napakasensitibo sa mga bagay kagaya ng iyong mga inaasahan sa hinaharap at iyong sariling kapalaran, ngunit tungkol sa anupamang bagay ang mga ito ay manhid at mabagal umunawa at lubos na mangmang. Ano ba talaga ang iyong pinaniniwalaan? Ang iyong mga inaasahan sa hinaharap? O Diyos? Hindi ka ba naniniwala lamang sa iyong mabuting hantungan? Ang iyo lamang hinaharap na inaasahan? Gaano karami sa paraan ng pamumuhay ang ngayon ay naiintindihan mo na? Gaano na karami ang iyong natamo? Iniisip mo ba na ang gawain na ginagawa ngayon sa mga inapo ni Moab ay ginawa upang hiyain ka? Ito ba ay sinadyang gawin upang ibunyag ang iyong kapangitan? Ito ba ay sinadyang gawin upang matanggap mo ang pagkastigo at sa gayon ay upang ihagis ka sa lawa ng apoy? Hindi Ko kailanman sinabi na wala kang kinabukasan, lalong hindi na kailangan kang wasakin o mamatay; hayagan Ko bang inilantad ang gayong bagay? Sinasabi mo na ikaw ay walang pag-asa, ngunit ito ba ay hindi mo sariling palagay? Hindi ba ito ang epekto ng iyong sariling kaisipan? Ang iyo bang sariling kuro-kuro ay mahalaga? Kung sinasabi mo na ikaw ay hindi pinagpala kung gayon tiyak na ikaw ay magiging pakay para sa pagkawasak, at kung sasabihin Ko na ikaw ay pinagpala kung gayon tiyak na hindi ka wawasakin. Sinasabi Ko lamang ngayon na ikaw ay inapo ni Moab. Hindi Ko sinabi na ikaw ay wawasakin. Lamang ang mga inapo ni Moab ay isinumpa, at isang uri ng tiwaling sangkatauhan. Ang kasalanan ay tinukoy na noong una, hindi ba kayo lahat makasalanan? Ang mga makasalanan ba ay hindi lahat ginawang tiwali ni Satanas? Ang mga makasalanan ba ay hindi lahat lumaban at naghimagsik laban sa Diyos? Yaon bang mga lumalaban sa Diyos ay hindi ang mga pakay ng sumpa? Hindi ba kailangang wasakin lahat ang mga makasalanan? Kung gayon, sino sa kanilang may laman at dugo ang maaaring maligtas? Paano ka nakaligtas hanggang sa kasalukuyan? Kayo ay negatibo sapagkat kayo ay mga inapo ni Moab, at hindi ba kayo kabilang sa mga makasalanan ng sangkatauhan? Paano ka nakatagal hanggang sa kasalukuyan? Kapag ang pagka-perpekto ay binabanggit ikaw ay nagiging masaya. Narinig mo na kailangan mong maranasan ang malaking kapighatian, at iniisip mo na ito ay lalo pang pinagpala. Iniisip mo na sa pamamagitan ng kapighatian maaari kang maging isang mananagumpay, at ito ay lalong malaking pagpapala ng Diyos, at Kanyang dakilang pagpaparangal sa iyo. Kapag si Moab ay binabanggit, ang kaguluhan ay bumabangon sa inyo. Ang mga bata’t matatanda ay nakadarama ng lubos na kalungkutan at ang inyong mga puso ay puno ng kabalisahan, lahat kayo ay nagsisisi sa inyong kapanganakan. Hindi mo naiintindihan ang kahalagahan kung bakit ang yugtong ito ng gawain ay ginagawa sa mga inapo ni Moab; ang tanging nalalaman mo lang ay ang maghangad para sa mataas na kalagayan, at ikaw ay bumabalik sa dating pamumuhay kapag naiisip mo na wala kang pag-asa. Kapag binabanggit ang pagka-perpekto at ang hinaharap na hantungan, nakadarama ka ng kaligayahan. Ang iyong paniniwala sa Diyos ay upang magtamo ng mga pagpapala, at nang upang makapagtaglay ka ng mabuting hantungan. Ang ilang mga tao ngayon ay nakadadama ng pangamba dahil sa kanilang kalagayan. Sapagkat sila ay mayroong isang mababaw na halaga, at isang mababang kalagayan, sila kung gayon ay hindi naghahangad na gawing perpekto. Ang Diyos ay unang nagsalita tungkol sa pagka-perpekto, at pagkatapos ay tinukoy ang mga inapo ni Moab, kaya inayawan ng mga tao ang landas ng pagka-perpekto na sinundan nila noong una. Ito ay dahil hindi ninyo kailanman nalaman ang kahalagahan ng gawaing ito, ni ipinagmalasakit ang tungkol sa kahalagahan nito. Ang inyong mga tayog ay masyadong maliit at hi hindi ninyo matagalan ang babahagyang kaguluhan. Kapag nakikita ninyo na ang inyong sariling kalagayan ay masyadong mababa nakadadama kayo ng negatibo, at wala kayong taglay na pananampalataya na magpatuloy sa paghahangad. Ibinibilang lamang ng mga tao ang pagtatamo ng biyaya at ang pagtatamasa ng kapayapaan bilang mga sagisag ng paniniwala sa Diyos, at ang paghahangad sa mga biyaya bilang batayan sa kanilang paniniwala sa Diyos. Masyadong kakaunting tao ang naghahangad na makilala ang Diyos o naghahangad ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang paniniwala ng mga tao sa Diyos ay naghahangad upang mabigyan sila ng Diyos ng isang angkop na hantungan, upang ibigay sa kanila ang lahat ng biyaya sa ilalim ng araw, upang gawin ang Diyos na kanilang tagapaglingkod, upang mapanatili ng Diyos ang isang mapayapa, palakaibigang ugnayan sa kanila, at upang hindi magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Iyon ay, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay kinakailangang mangako ang Diyos na tutuparin ang lahat ng kanilang mga kahilingan, upang ipagkaloob sa kanila ang anumang kanilang ipanalangin kagaya ng sinasabi sa Biblia “pakikinggan Ko ang lahat ng iyong mga panalangin.” Inoobliga nila ang Diyos na huwag hatulan ang sinuman o pakitunguhan ang sinuman, sapagkat ang Diyos ay palaging ang mabait na Tagapagligtas na si Jesus, na pinananatili ang isang mabuting ugnayan sa mga tao sa lahat ng mga panahon at sa lahat ng mga dako. Ang paraan ng kanilang paniniwala ay ganito: Sila ay palaging walang kahihiyang humihiling sa Diyos para sa mga bagay, at ipagkakaloob na lamang ng Diyos sa kanila ang lahat pikit-mata, sila man ay mapaghimagsik o masunurin. Ang mga tao ay patuloy lamang sa paghingi ng “kabayaran” mula sa Diyos at ang Diyos ay kailangang magbayad nang walang pagtutol, at magbayad ng doble, nakakuha man ang Diyos sa kanila ng anuman o hindi. Siya ay maaari lamang kaawaan nila; hindi Niya maaaring basta-basta na lamang mapapangasiwaan ang mga tao, lalong hindi Niya mabubunyag ang Kanyang sinaunang tagong karunungan at matuwid na disposisyon sa mga tao gustuhin man Niya, Kung wala ang kanilang pahintulot. Ikinukumpisal lamang nila ang kanilang mga kasalanan sa Diyos at inaabswelto lamang sila ng Diyos, at hindi maaaring magsawa ukol rito, at ito ay nagpapatuloy magpakailanman. Inuutusan lamang nila ang Diyos at sumusunod lamang Siya, sapagkat ito ay nakasaad sa Biblia na nagsasabing ”Ang pagdating ng Diyos ay hindi upang papaghintayin ang tao sa Kanya, ngunit para maghintay Siya sa tao. Siya ay dumating upang paglingkuran ang tao.” Hindi ba noon pa ma’y naniniwala ka sa ganitong paraan? Kapag hindi ka nagkakamit ng anumang bagay mula sa Diyos kung gayon nagnanais kang lumayo. At kapag hindi mo naiintindihan ang isang bagay ikaw ay nagiging masyadong mapaghinanakit, at ikaw ay umabot pa hanggang sa pagpupukol ng lahat ng uri ng pang-aabuso. Hindi ninyo basta-basta na lamang hahayaan ang Diyos Sarili Niya na lubusang ipahayag ang Kanyang karunungan at kagilalasan, ngunit sa halip gusto ninyo lamang tamasahin ang panandaliang kapahingaan at kaaliwan. Hanggang sa ngayon, ang inyong saloobin sa inyong pananampalataya sa Diyos ay ang dati pa ring lumang mga pananaw. Kung ipinakikita ng Diyos sa inyo ang kapiraso lamang na kamahalan kayo ay nagiging malungkot; nakikita na ba ninyo ngayon nang husto kung gaano ang inyong tayog? Huwag iisipin na kayong lahat ay tapat sa Diyos samantalang ang totoo ang inyong mga lumang pananaw ay hindi nagbago. Kapag walang anumang masama ang sumapit sa iyo, iniisip mo na ang lahat ng bagay ay maayos at iniibig mo ang Diyos sa pinakamataas na antas. Ngunit kapag ang isang bagay na maliit ay sumapit sa iyo, ikaw ay bumabagsak sa Hades. Ikaw ba ito na nagiging tapat sa Diyos?

Kung ang panghuling yugto ng gawain ng paglupig ay sisimulan sa Israel, kung gayon ang gawain ng paglupig ay walang kahulugan. Ang gawain ay pinakamahalaga kung ito ay isasagawa sa bansang ito, kapag ito ay isasagawa sa inyong mga tao. Kayo ang mga taong pinakamababa ang loob, ang mga tao na may pinakamaliit na kalagayan. Kayo ang mga taong nasa pinakamababang antas sa lipunang ito at kayo ay yaong mga pinakamababa ang pagkilala sa Diyos sa simula. Kayo ang mga taong lumayo nang napakalayo mula sa Diyos, at yaong mga pinakanapinsala nang husto. Sapagkat ang yugtong ito ng gawain ay para lamang sa kapakanan ng paglupig, hindi ba pinakaangkop na piliin ka upang sumaksi sa darating? Kung ang unang hakbang ng gawain sa paglupig ay hindi gagawin sa inyong mga tao kayo, kung gayon magiging mahirap isulong ang gawaing panlulupig na darating, sapagkat ang gawain ng panlulupig na susunod ay magkakamit ng mga resulta batay sa katotohanan ng gawaing ito na isinasagawa sa kasalukuyan. Ang gawain ng panlulupig sa kasalukuyan ay ang simula pa lamang ng kabuuang gawaing panlulupig. Kayo ang unang grupo na lulupigin; kayo ang mga kinatawan para sa buong sangkatauhan na nalupig. Kung may sinuman na mayroong tunay na pagkaunawa, makikita nila na ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos ay dakila, na hindi lamang hinahayaan ng Diyos na malaman ang kanilang sariling pagiging mapaghimagsik ibinubunyag din Niya ang inyong kalagayan. Ang layunin at kahulugan ng Kanyang mga salita ay hindi upang gawing negatibo ang mga tao, ni hindi ito para maging dahilan para bumagsak ang mga tao. Ito ay nang upang makapagkamit sila ng pagbubunyag at maligtas sa pamamagitan ng Kanyang mga salita; ito ay upang gisingin ang espiritu ng tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Mula sa panahon ng paglikha ng mundo hanggang sa ngayon, ang tao ay palaging nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, nang hindi nalalaman na mayroong isang Diyos at hindi naniniwalang mayroong isang Diyos. Na ang mga taong ito ay maaaring makabilang sa dakilang pagliligtas ng Diyos at lubhang maibangon ng Diyos ay talagang nagpapakita ng pag-ibig ng Diyos; yaong mga tunay na nakaunawa ay mag-iisip lahat sa ganitong paraan. Paano mag-iisip ang mga taong iyon na walang pagkaunawa? “Ah, sinasabi ng Diyos na kami ang mga inapo ni Moab. Sinabi Niya Sarili Niya na tayo ang mga inapo ni Moab. Maaari pa ba kaming mapabuti? Sino ang nagtulot sa aming maging mga inapo ni Moab? Sino ang nagtulot noong una na labanan namin Siya nang husto? Ang Diyos ay dumating upang kami ay hatulan; hindi mo ba nakikita kung paanong palagi kaming hinahatulan ng Diyos mula pa sa simula? Dahil nilabanan namin ang Diyos tamang kami ay kastiguhin sa ganitong paraan.” Ang mga salita bang ito ay tama? Sa kasalukuyan hinahatulan ka ng Diyos, at kinakastigo ka, at pinarurusahan ka, ngunit talastasin na ang pagpaparusa sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Ang paggawad ng hatol, pagsumpa, paghatol, pagkastigo— lahat ng mga ito ay upang malaman mo ang iyong sarili, nang upang ang iyong disposisyon ay magbago, at, higit sa rito, nang upang malaman mo ang iyong halaga, at makita na ang lahat ng mga pagkilos ng Diyos ay matuwid, at alinsunod sa Kanyang disposisyon at ang mga pangangailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na iniibig ang tao, at inililigtas ang tao, at Siyang humahatol at kumakastigo sa tao. Kung nalalaman mo lamang na mababa ang iyong kalagayan, at na ikaw ay tiwali at masuwayin, ngunit hindi nalalaman na ninanais ng Diyos na gawing karaniwan ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo sa kasalukuyan, kung gayon ay wala kang paraan ng pagdanas, lalong hindi ka makapagpapatuloy nang pasulong. Ang Diyos ay hndi dumating upang pumatay, o magwasak, ngunit para humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Bago sa pagtatapos ng Kanyang 6,000 taon ng plano sa pamamahala--bago Niya gawing karaniwan ang bawat kategorya ng tao--ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa kapakanan ng kaligtasan, ang lahat ay nang upang gawing lubos na buo yaong mga umiibig sa Kanya, at dalhin sila pabalik sa Kanyang dominyon. Hindi alintana kung paano magliligtas ng mga tao ang Diyos, ang lahat ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtulot sa kanila na humiwalay mula sa kanilang lumang mala-satanas na kalikasan; iyon ay, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng papangyarihin sa kanila na hangarin ang buhay. Kung hindi nila hahangarin ang buhay kung gayon ay hindi sila magkakaroon ng paraan upang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Ang pagliligtas ay gawain ng Diyos Sarili Niya at ang paghahangad sa buhay ay isang bagay na dapat taglayin ng tao nang upang tanggapin ang kaligtasan. Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, pagsumpa; ang kaligtasan ay kailangang mayroong taglay na pag-ibig, awa, at, higit pa rito, ng mga salita ng kasiyahan, at kailangang taglayin ang walang hanggang mga pagpapala na ipinagkakaloob ng Diyos. Ang mga tao ay naniniwala na kapag inililigtas ng Diyos ang tao ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila at tulutan sila na ibigay ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala at biyaya. Iyon ay upang sabihin, kapag hinihipo Niya ang mga tao inililigtas Niya ang mga ito. Ang kaligtasan na kagaya nito ay kaligtasan kung saan ang isang pakikipagkalakalan ay ginagawa. Kapag pinagkalooban pa lamang sila ng Diyos ng sandaang beses saka pa lamang lalapit ang tao sa ilalim ng pangalan ng Diyos, at magsisiskap na gumawang mabuti para sa Diyos at dalhan Siya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay dumating upang gumawa sa lupa nang upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan-walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Sa nakaraan, ipinakikita ng Kanyang mga paraan sa pagliligtas ang sukdulang pag-ibig at awa, anupa’t ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay walang kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol nang upang ang tao ay lalong mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng iyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, ngunit talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumapit sa iyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa iyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay ka sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan? Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong kapinuhan at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang makatuwirang paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong kapinuhan ay nang upang linisin ang tao, ang masasakit na mga salita at ang pagtutuwid ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang makatuwirang paraan ng paghatol ay ililigtas ka, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan--at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natatamasa ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan? Pareho ninyong nakita ang Diyos na nagkatawang-tao at napagtanto ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan; higit sa rito, naranasan ninyo ang paulit-ulit na paghampas at disiplina. Ngunit hindi rin ba kayo tumanggap ng pinakadakilang biyaya? Ang inyong mga pagpapala ay hindi ba higit na malaki kaysa sa sinuman? Ang inyong mga biyaya ay higit na sagana kaysa sa kaluwalhatian at mga kayamanang tinamasa ni Solomon! Pag-isipan ninyo ito: Kung ang Aking layunin sa pagdating ay upang hatulan at parusahan kayo, at hindi upang iligtas kayo, maaari kayang nagtagal ang inyong mga araw? Magawa ninyo kayang, ang mga makasalanang nilalang na ito ng laman at dugo, makatagal hanggang sa kasalukuyan? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagpaparusa sa inyo, bakit kailangan Kong maging katawang-tao at magsimula sa gayong kalaking proyekto? Hindi ba kakailanganin lamang ng isang salita upang parusahan kayong mga mortal lamang? Magbabalak pa ba Akong wasakin ka pagkatapos Kitang parusahan? Hindi mo pa rin ba paniniwalaan ang mga salita Kong ito? Maililigtas Ko ba ang tao sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at awa? O magagamit Ko lamang ang pagkakapako sa krus upang iligtas ang tao? Ang Akin bang matuwid na disposisyon ay hindi higit na kaaya-aya sa paggawa sa tao na maging lubos na masunurin? Hindi ba nito nagagawang lalong ganap na maligtas ang tao?

Bagamat ang Aking mga salita ay maaaring maging mahigpit, ang mga ito ay sinasabing lahat para sa kaligtasan ng tao, sapagkat Ako ay nagsasabi lamang ng mga salita at hindi pinarurusahan ang laman ng tao. Ang mga salitang ito ay naging dahilan sa tao upang mabuhay sa liwanag, upang malaman na ang liwanag ay umiiral, upang malaman na ang liwanag ay napakahalaga, lalong higit pa upang malaman kung gaano kapaki-pakinabang ang mga salitang ito sa tao, at upang malaman na ang Diyos ay kaligtasan. Bagamat nakapagsalita Ako ng maraming mga salita ng pagkastigo at paghatol, ang mga ito ay hindi nangyari sa inyo sa gawa. Ako ay dumating upang gawin ang Aking gawain, upang sabihin ang Aking mga salita, at bagamat mahigpit ang Aking mga salita, ang mga ito ay sinasalita sa paghatol sa iyong katiwalian at pagiging mapaghimagsik. Ang layunin sa paggawa Ko nito ay nananatiling upang iligtas ang tao sa sakop ni Satanas, upang gamitin ang aking mga salita upang iligtas ang tao; ang Aking layunin ay hindi upang saktan ang tao sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang aking mga salita ay mahigpit nang upang ang mga resulta ay makamit mula sa Aking gawain. Sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganitong paraan maaaring makilala ng tao ang kanilang mga sarili at maaaring humiwalay mula sa kanilang mapaghimagsik na disposisyon. Ang pinakadakilang kahalagahan ng gawain sa mga salita ay ang pagpapahintulot sa tao na isagawa ang katotohanan pagkatapos maintindihan ang katotohanan, magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, at makamit ang pagkakilala sa kanilang mga sarili at ang gawain ng Diyos. Ang mga pamamaraan lamang ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasalita ang maaaring makapaghayag sa ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao, ang mga salita lamang ang makapagpapaliwanag sa katotohanan. Ang paggawa sa ganitong paraan ay ang pinakamahusay na paraan ng paglupig sa tao; bukod sa pagbigkas ng mga salita, wala ng iba pang paraan ang may kakayahang magbigay sa tao ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at sa gawain ng Diyos. At kaya sa Kanyang panghuling yugto ng gawain, ang Diyos ay nagsasalita sa tao nang upang buksang lahat sa tao ang mga katotohanan at mga hiwaga na hindi nila naiintindihan, magpapahintulot sa kanila na matamo ang tunay na daan at ang buhay mula sa Diyos, at sa gayo’y mapalulugod ang kalooban ng Diyos. Ang layunin ng gawain ng Diyos sa tao ay upang kanilang mapalugod ang kalooban ng Diyos at ito lahat ay ginagawa upang iligtas ang tao, kung gayon sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao hindi Niya ginagawa ang gawain ng pagpaparusa sa tao. Sa panahon ng kaligtasan ng tao, hindi pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, ni hindi Niya ibinubunyag ang mga hantungan para sa lahat ng ibat-ibang mga uri ng mga tao. Sa halip, pagkatapos lamang na ang panghuling yugto ng gawain ng Diyos ay matapos saka Niya gagawin ang gawain ng pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti, at saka pa lamang Niya ibubunyag ang mga katapusan ng lahat ng mga uri ng mga tao. Yaong mga pinarusahan ay hindi talaga magagawang iligtas, samantalang yaong mga iniligtas ay yaong mga nagkamit ng pagliligtas ng Diyos sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos ng pagliligtas, lahat ng mga maaaring iligtas ay ililigtas sa sukdulang limitasyon, wala sa kanila ang itatapon, dahil ang layon ng gawain ng Diyos ay ang iligtas ang tao. Lahat silang mga, sa panahon ng pagliligtas ng Diyos sa tao, ay hindi nagawang makamit ang isang pagbabago sa kanilang disposisyon, lahat silang mga hindi nagawang sumunod nang lubos sa Diyos, lahat ay magiging mga pakay para sa kaparusahan. Ang yugtong ito ng gawain--ang gawain sa mga salita--ay magbubukas sa tao sa lahat ng mga paraan at mga misteryo na hindi nila naiintindihan, nang upang mgawang maintindihan ng tao ang kalooban ng Diyos at ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao, nang upang taglayin nila ang mga kalagayan upang isagawa ang mga salita ng Diyos at magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon. Ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita upang gawin ang Kanyang gawain, at hindi pinarurusahan ang mga tao sapagkat sila ay may kaunting pagkamapaghimagsik, sapagkat nagayon ang panahon ng gawain ng pagliligtas. Kung sinuman na naging mapaghimagsik ay pinarusahan, kung gayon walang sinuman ang magkakaroon ng pagkakataon na maligtas; silang lahat ay parurusahan at babagsak sa Hades. Ang layunin ng mga salita sa paghatol sa tao ay upang tulutan sila na malaman ang kanilang mga sarili at sundin ang Diyos; hindi para sa kanila ang maparusahan sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita. Sa panahon ng gawain ng mga salita, maraming tao ang malalantad ang kanilang pagiging mapaghimagsik at paglaban, at ilalantad nila ang kanilang pagsuway tungo sa nagkatawang-taong Diyos. Ngunit hindi Niya parurusahan ang lahat ng mga taong ito dahil dito, sa halip itatakwil lamang Niya yaong mga tiwali sa kaibuturan at sinong hindi maaaring iligtas. Ibibigay Niya ang kanilang laman kay Satanas, at sa ilang pagkakataon, wakasan ang kanilang laman. Yaong mga natira ay magpapatuloy na susunod at mararanasan ang pakikitungo at pagpungos. Kung habang sila ay sumusunod hindi pa rin nila maaaring tanggapin ang pakikitungo at pagpungos at sila ay lalong sumama nang sumama, kung gayon mawawala ng mga taong ito ang kanilang pag-asa para sa kaligtasan. Ang bawat isang tao na tinanggap ang paglupig ng mga salita ay magkakaroon nang sapat na pagkakataon para sa kaligtasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa bawat isa sa mga taong ito ay nagpapakikita sa kanila ng kanyang sukdulang pagkamaawain, nangangahulugang sila ay pinakitaan ng sukdulang pagpaparaya. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa maling landas, hangga’t sila ay nakapagsisisi, kung gayon bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon na makamtan ang Kanyang pagliligtas. Nang ang mga tao ay unang naghimagsik laban sa Diyos, walang pagnanais ang Diyos na ilagay sila sa kamatayan, ngunit sa halip ginagawa ang Kanyang magagawa upang sila ay iligtas. Kung ang sinuman ay wala talagang puwang sa kaligtasan, kung gayon sila ay itatakwil ng Diyos. Ang pagiging banayad ng Diyos sa pagparusa sa sinuman ay dahil gusto Niyang mailigtas ang lahat ng maaaring mailigtas. Siya ay humahatol, nililiwanagan at ginagabayan ang mga tao sa mga salita lamang, at hindi siya gumagamit ng isang pamalo upang ilagay sila sa kamatayan. Ang paggamit ng mga salita upang iligtas ang mga tao ay ang layunin at ang kahalagahan ng pinakahuling yugto ng gawain.

Sinundan:Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Sumunod:Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?

Baka Gusto Mo Rin