Bakit Ayaw Kong Magdala ng Pasanin?
Noong Oktubre ng 2021, nagsasagawa ako bilang superbisor sa paggawa ng video. Naging katuwang ko sina Brother Leo at Sister Claire. Pareho silang mas matagal nang gumagawa ng tungkuling ito kaysa sa akin at mas marami silang karanasan, at pinangungunahan nila ang pagsusubaybay at pag-aasikaso sa maraming gawain. Kasisimula ko pa lamang magsagawa at hindi ko pa nauunawaan ang maraming aspeto ng gawain, kaya natural na tumanggap lang ako ng maliit na papel. Pakiramdam ko, hangga’t walang anumang problema sa gawain ko, magiging maayos ang mga bagay-bagay at pwede namang tumulong ang iba at lutasin ang lahat ng iba pang bagay. Sa ganoong paraan, hindi na ako gaanong mag-aalala at hindi ako papapanagutin ng sinuman. Unti-unti, pabawas nang pabawas ang dinadala kong pasanin at humantong akong walang gaanong nauunawaan at hindi gaanong nakikibahagi sa gawain nilang dalawa. Sa tuwing pinag-uusapan namin ang gawain, hindi ako nagpapahayag ng anumang opinyon, at sa bakante kong oras, naghihinay-hinay lang ako at nanonood ng mga sekular na video. Pakiramdam ko ay ayos lang na gawin ang tungkulin ko nang ganito.
Isang araw, bandang tanghali, biglang lumapit sa akin ang isang lider at sinabing may pupuntahan sina Leo at Claire para gawin ang kanilang tungkulin, at na kailangan kong magpasan ng higit na responsibilidad, mas magsikap, at mangasiwa sa paggawa ng video. Saglit akong natigilan sa biglaang pagbabagong ito. Bago pa lang ako sa tungkuling ito, at napakaraming gawaing dapat masubaybayan, hindi ba ito napakalaking presyur? Medyo komplikado ang gawaing responsibilidad nila at nangangailangan ito ng palagiang atensyon. Kakailanganin kong maghanap ng mga materyal para gabayan ang mga kulang sa kasanayan. Napakagaling nina Leo at Claire at karaniwan ay napakaabala nila. Dahil kasisimula ko pa lang, siguradong kailangan kong maglaan ng mas marami pang oras. Magkakaroon pa kaya ako ulit ng oras ng pahinga? Kung hindi ko mapapasan ang responsibilidad na ito at maaantala ang gawain, hindi ba ako gagawa ng paglabag? Naisip ko na mas mabuting maghanap ang lider ng mas angkop para sa responsibilidad na ito. Nang makitang wala akong sinasabi, tinanong ng lider kung ano ang nasa isip ko. Nakaramdam ako ng matinding pagtutol at ayaw kong magsabi ng kahit ano. Pagkatapos naming pag-usapan ang gawain, basta na lang akong umalis. Nang maisip ko ang tungkol sa lahat ng problema at paghihirap na kakailangan kong pasanin nang ako lang, para akong nasasakal sa presyur at pakiramdam ko, hindi ko kakayanin ang mga susunod na araw ko. Kahit paano ko ito tingnan, pakiramdam ko pa rin ay hindi ko kaya ang trabahong ito. Pagkatapos ay pinadalhan ako ng lider ng isang mensahe na nagtatanong tungkol sa kalagayan ko, na agad kong sinagot: “Pakiramdam ko ay hindi ko kaya ang gawaing ito. Baka pwede kang maghanap ng mas nababagay?” Pagkatapos ay tinanong ako ng lider: “Anong batayan mo sa paghusga na hindi ka angkop?” Hindi ko talaga alam kung paano sasagutin ang tanong na ito. Hindi ko pa nga nasubukan, at hindi ko alam kung kaya ko ang gawain. Pero inisip ko ang presyur ng gawain at ang magiging pagdurusa ng katawan ko, kaya gusto ko itong tanggihan. Hindi ba ito pag-iwas sa responsibilidad at pagtanggi sa tungkulin ko? Pagkatapos ay naisip ko kung paanong pinahihintulutan ng Diyos ang lahat ng bagay na kinakaharap ko araw-araw at na dapat akong magpasakop. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, inililipat ang dalawa kong katuwang at naiwan ako para asikasuhin ang lahat ng gawain nang ako lang. Nakakaramdam ako ng pagtutol at hindi ako handang magpasakop. Alam kong mali ang kalagayang ito, pero hindi ko nauunawaan ang kalooban Mo. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako, para makilala ko ang aking sarili at makapagpasakop po ako.”
Kalaunan, pinadalhan ako ng isang sister ng isang sipi ng salita ng Diyos na talagang nagbunyag sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayunpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat silang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat nilang gampanan, at magsikap na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang pagganap nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para palugurin ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin. Kung hindi mo isasakatuparan ang iyong nalalaman at nauunawaan, at kung 50 o 60 porsyento lang ng iyong pagsisikap ang iyong ibinibigay, kung gayon ay hindi mo ibinibigay rito ang buong puso at lakas mo. Sa halip, ikaw ay tuso at nagpapakatamad. Matatapat ba ang mga taong gumaganap sa kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Walang silbi sa Diyos ang gayong mga tuso at mapanlinlang na tao; dapat silang palayasin. Matatapat na tao lamang ang ginagamit ng Diyos para gumanap ng mga tungkulin. Kahit ang mga debotong tagapagserbisyo ay kailangang maging matapat. Ang mga taong palaging pabaya, pabasta-basta, tuso at naghahanap ng paraan para magpakatamad ay pawang mapanlinlang, at mga demonyo silang lahat. Wala sa kanila ang tunay na nananalig sa Diyos, at palalayasin silang lahat. Iniisip ng ibang tao, ‘Ang pagiging matapat na tao ay tungkol lamang sa pagsasabi ng totoo at hindi pagsisinungaling. Sa totoo lang, madali lang maging matapat na tao.’ Ano ang palagay mo sa sentimyentong ito? Napakalimitado nga ba ng saklaw ng pagiging matapat na tao? Hinding-hindi. Dapat mong ilantad ang iyong puso at ibigay ito sa Diyos; ito ang saloobin na dapat mayroon ang isang matapat na tao. Iyon ang dahilan kung bakit napakahalaga ng isang matapat na puso. Ano ang implikasyon nito? Ito ay na kaya ng isang pusong tapat na kontrolin ang iyong asal at baguhin ang kalagayan mo. Magagabayan ka nitong gumawa ng mga tamang desisyon, at magpasakop sa Diyos at makamit ang Kanyang pagsang-ayon. Ang ganitong puso ay tunay na mahalaga. Kung mayroon kang matapat na pusong gaya nito, dapat kang mamuhay sa ganoong kalagayan, ganoon ka dapat umasal, at ganoon mo dapat igugol ang iyong sarili” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sobra akong napahiya sa salita ng Diyos. Kapag nahaharap sa kanilang tungkulin, ang matatapat na tao ay hindi nababahala tungkol sa panganib na maaaring idulot ng paggawa ng kanilang tungkulin, lalong hindi nila iniiwasan o tinatanggihan ang kanilang tungkulin dahil natatakot sila sa pagdurusa. Sa halip, nagsisimula sila sa pamamagitan ng pagtanggap nito at pagbibigay ng lahat nila para dito. Ito lang ang isang matapat na saloobin. Pagkatapos ay naisip ko ang saloobin ko sa tungkulin ko. Sa sandaling nabalitaan ko na inililipat ang dalawa kong katuwang, nag-alala ako na dadami ang trabaho ko, na dadami ang aking mga alalahanin, at lalaki ang presyur sa akin. Kung hindi magagawa nang maayos ang gawain, kakailanganin kong managot para dito, at kaya sinubukan kong magdahilan na hindi ako kwalipikado para iwasan ang aking responsibilidad. Talagang mapanlinlang ako at walang konsensya. Naisip ko kung paanong sa panalangin, lagi akong nangangako na isasaalang-alang ko ang mga pasanin ng Diyos, pero nang talagang dumating ito, ang aking laman ang isinaalang-alang ko, hindi isinagawa ang alinman sa mga katotohanan, at gumamit lang ng mga walang kabuluhang salita para linlangin ang Diyos. Kung talagang sinunod ko ang kalooban ng Diyos, alam na hindi ko kaya ang gawain, at hindi makahanap ng iba pang taong nababagay, dapat sana ay pinag-ibayo ko ang paghahasa ng mga kasanayan ko at nakipagtulungan sa iba para maiwasang maapektuhan ang paggawa ng video. Ito ang dapat gawin ng isang taong may konsensya at pagkatao. Kung sa huli ay talagang hindi ko kaya ang gawain at mailipat ako o matanggal, magpapasakop na lang ako sa mga pagsasaayos ng Diyos. Tanging ganitong pagsasagawa ang makatwiran. Medyo mas huminahon ako sa isiping ito.
Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa saloobing mayroon ako sa aking tungkulin. Sabi ng Diyos: “Ang lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan ay ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang taglay ang pag-iisip ng pagiging iresponsable. ‘Kung may mamumuno, susunod ako; saan man sila pumunta, pupunta ako. Gagawin ko ang anumang ipagagawa nila sa akin. Para naman sa pag-ako ng responsabilidad at alalahanin, o mas pag-aabala na gawin ang isang bagay, paggawa ng isang bagay nang buong puso at lakas ko—hindi ako interesado roon.’ Ang mga taong ito ay ayaw magbayad ng halaga. Handa lamang silang pagurin ang sarili nila, hindi umako ng responsabilidad. Hindi ito ang saloobin ng tunay na pagganap sa tungkulin ng isang tao. Ang isang tao ay dapat na matutong isapuso ang pagganap sa kanyang tungkulin, at ang taong may konsiyensiya ay kayang isakatuparan ito. Kung ang isang tao ay hindi kailanman isinasapuso ang paggampan sa kanyang tungkulin, nangangahulugan iyon na wala siyang konsiyensiya, at ang mga walang konsiyensiya ay hindi makakamit ang katotohanan. Bakit Ko sinasabing hindi nila makakamit ang katotohanan? Hindi nila alam kung paano manalangin sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, ni kung paano magpakita ng konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, ni isapuso ang pagninilay sa mga salita ng Diyos, ni hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan, at paano hangaring maunawaan ang mga hinihingi ng Diyos at ang Kanyang kalooban. Ito ang kahulugan ng hindi magawang hanapin ang katotohanan. Naranasan mo na ba ang mga kalagayan kung saan, ano man ang mangyari o anong uri ng tungkulin ang iyong ginagampanan, madalas mong napapatahimik ang iyong sarili sa harap ng Diyos, at naisasapuso ang pagninilay sa Kanyang mga salita, at paghahanap sa katotohanan, at pagsasaalang-alang kung paano ninyo dapat gampanan ang inyong tungkulin upang umayon sa kalooban ng Diyos, at kung aling mga katotohanan ang dapat ninyong taglayin para maayos na magampanan ang tungkuling iyon? Marami bang pagkakataon kung saan hinahanap ninyo ang katotohanan sa ganitong paraan? (Wala.) Ang pagsasapuso ng inyong tungkulin at pagkakaroon ng kakayahang umako ng responsibilidad ay nangangailangan ng inyong pagdurusa at pagbabayad ng halaga—hindi sapat ang pag-usapan lamang ang mga bagay na ito. Kung hindi mo isasapuso ang iyong tungkulin, sa halip ay palagi mong gustong magtrabaho, siguradong hindi magagawa nang maayos ang iyong tungkulin. Tatapusin mo lamang ito nang hindi nag-iisip at wala nang iba pa, at hindi mo malalaman kung nagawa mo ba nang maayos ang iyong tungkulin o hindi. Kung isasapuso mo ito, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan; kung hindi, hindi mo ito mauunawaan. Kapag isasapuso mo ang pagganap sa iyong tungkulin at hahangarin ang katotohanan, unti-unti mong mauunawaan ang kalooban ng Diyos, matutuklasan ang sarili mong katiwalian at mga kakulangan, at maiintindihan ang iyong iba-ibang kalagayan. Kapag ang pinagtutuunan mo lang ay ang pagsusumikap, at hindi mo isinasapuso ang pagninilay-nilay sa iyong sarili, hindi mo matutuklasan ang tunay na mga kalagayan sa iyong puso at ang napakaraming reaksyon at mga pagpapakita ng katiwalian na mayroon ka sa iba’t ibang kapaligiran. Kung hindi mo alam kung ano ang mga kahihinatnan kapag hindi nalutas ang mga problema, kung gayon, ikaw ay nasa malaking alanganin. Ito ang dahilan kung bakit hindi magandang manampalataya sa Diyos nang nalilito. Dapat kang mamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, sa lahat ng lugar; anuman ang mangyari sa iyo, dapat lagi mong hanapin ang katotohanan, at habang ginagawa mo ito, dapat mo ring pagnilayan ang iyong sarili at alamin kung ano ang mga problema na mayroon sa iyong kalagayan, agad na hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Sa gayon mo lamang magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin at maiiwasan ang pag-antala sa gawain. Bukod sa magagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, ang pinakamahalaga ay na magkakaroon ka rin ng buhay pagpasok at malulutas mo ang iyong mga tiwaling disposisyon. Sa gayon ka lamang makapapasok sa katotohanang realidad. Kung ang madalas mong pagnilayan sa iyong puso ay hindi mga bagay na nauugnay sa iyong tungkulin, o mga bagay na may kinalaman sa katotohanan, at sa halip ay nasasangkot ka sa mga panlabas na bagay, iniisip ang iyong mga gawain ng laman, mauunawaan mo ba ang katotohanan? Magagampanan mo ba nang maayos ang iyong tungkulin at makapamumuhay sa harap ng Diyos? Tiyak na hindi. Hindi maliligtas ang taong tulad nito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Talagang ako ang pinatutungkulan ng Diyos sa Kanyang paglalantad sa ganitong uri ng saloobin. Nang magsimula ako sa tungkuling ito, hindi ako umako ng anumang responsibilidad. Nakita ko na mas marami ang karanasan ng mga katuwang ko kaysa sa akin, kaya sumunod na lang ako sa kanila, at pakiramdam ko ay maayos naman ang mga bagay-bagay hangga’t nasisiguro kong walang nangyayaring mali sa sarili kong gawain. Kung gagawin ko ito, magmumukha akong kagalang-galang at hindi ko kakailanganing pagurin ang sarili ko, kaya tumuon lang ako sa sarili kong gawain at hindi ako kailanman nagkaroon ng pakialam sa gawaing responsibilidad nila, ni hindi ko sineryoso ang mga problema o paghihirap na lumitaw rito. Nang tanungin ng lider kung bakit masyadong hindi epektibo ang gawain ng aming grupo, wala akong naisagot. Ang ganitong uri ng saloobin ay kapareho ng pagtrato ng mga hindi mananampalataya sa kanilang mga trabaho. Sa anong paraan ako sumusunod sa kalooban ng Diyos sa aking tungkulin? Kapag nagkakaproblema sa gawain, hindi ko hinahanap ang katotohanan o ibinubuod ang mga paglihis, ni hindi ko iniisip kung paano madagdagan ang kahusayan ko. Pakiramdam ko palagi na hangga’t kaya ito ng mga kapwa ko manggagawa, pwede akong maghinay-hinay nang bahagya. Sa tuwing nagkakaroon ako ng oras, pinapalayaw ko ang aking laman o nanonood ako ng mga sekular na video. Pasama ako nang pasama at mas lalong napapalayo sa Diyos. Nakita ko na wala akong sipag sa tungkulin ko. Tinatrato ko lang ito na parang trabaho. Paano ko magagampanan nang maayos ang tungkulin ko nang ganito? Sa puntong ito ay napagtanto ko sa wakas na mga pagsasaayos ng Diyos ang nagsanhing umalis ang “mga inaasahan kong tao” para bigyan ako ng pagkakataong magsagawa, matutong magmalasakit, aktibong pumasan ng responsibilidad, umasa sa Diyos sa mga paghihirap, at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Higit sa lahat, nagbigay-daan ito na makilala ko na ang tamad at iresponsable kong pag-uugali sa tungkulin ko ay kinasusuklaman ng Diyos. Dahil sa mga presyur sa gawain, mapipilitan ako ngayon na maging mas masigasig sa aking tungkulin, at magsisikap ako na gampanan nang sapat ang aking tungkulin. Nang maunawaan ang mga layunin ng Diyos, naging handa akong magpasakop sa mga sitwasyong ito. Sa mga sumunod na araw, sinadya kong mas magsikap sa aking gawain. Sa sandaling matuklasan ko ang marami pang isyu sa paggawa ng video, itinala ko ang mga ito at hinangad na lutasin ang mga ito. Gumawa ako ng study plan at sinikap kong akuin ang gawain sa lalong madaling panahon. Nang maiayos na ang kalagayan ko, nagkaroon ako ng mas maraming oras para sa gawain ko, at ginugol ko ang mga araw ko nang mas payapa ang pakiramdam.
Kalaunan, ipinareha ako sa isa pang sister. Sa simula, isinasaisip ko pa rin ang pagiging mas responsable, pero pagtagal-tagal, natuklasan kong napakahusay niya at na mayroon siyang higit na propesyonal na kadalubhasaan kaysa sa akin, kaya ipinasa ko sa kanya ang ilang gampanin at pagkatapos ay hindi na ako nangialam pa. Kung minsan, para mapanatili ang aking reputasyon, nakikilahok ako sa mga talakayan pero umiiwas akong magbigay ng mga mungkahi, iniisip na: “Nakikita ko naman na kaya mo ang mga bagay-bagay, hindi ko na kailangang mag-alala at makapagpapahinga ako sandali.” Pinaalalahanan ako ng lider ko na magpakita ng higit na pagmamalasakit sa gawain, at sa loob ng ilang araw pagkatapos niyang sabihin ito, ginawa ko iyon, pero hindi nagtagal, bumalik ako sa dati kong gawi. Kung minsan, nagpapadala sa amin ng mensahe ang mga kapatid tungkol sa mga lumitaw na nakakalitong isyu sa gawain na kailangang malutas kaagad, pero sa sandaling makita kong gawain ito na pangunahing sinusubaybayan ng sister ko, ayaw ko nang mag-abala pa. Sadya kong minamarkahan ang mensahe bilang hindi pa nababasa at nagkukunwaring hindi ko ito nakita, iniisip na maaasikaso ito ng sister ko kalaunan. Bagamat nadama kong iresponsable ito, dahil normal naman ang pag-usad ng gawain, hindi ko na ito gaanong pinag-isipan. Pagkalipas ng ilang buwan, naging responsable kami para sa magkakahiwalay na bahagi ng paggawa ng video. Sa pagkakataong ito, wala akong makakatulong at alam kong tiyak na mahaharap ako sa maraming paghihirap at problema. Pero nang maisip ko ang kawalan ko ng responsibilidad sa aking tungkulin, at kung paanong maaari itong makabuti sa akin, sinabi ko sa sarili ko na dapat akong magsimula sa pagpapasakop. Pero nang aktuwal na talaga akong magsimula, nalaman ko na bigla na lang mas dumami ang dapat kong subaybayan, at parang walang katapusan ang dami ng mga bagay na kailangan kong asikasuhin araw-araw. Higit pa roon, hindi mahusay ang mga propesyonal kong kasanayan at parami nang parami ang mga problema na patuloy na kusang nalalantad. Bawat video na ginawa namin ay nakatanggap ng mga mungkahi at kinailangan kong pag-isipan ang pagtugon sa bawat isa. Unti-unting naubos ang kaunting sigasig na mayroon ako, at madalas kong isipin, “Nagsusumikap na ako nang husto pero marami pa ring isyu, siguro mas makakabuti kung maghahanap ang lider ng isang taong mas nababagay.” Hindi nagtagal pagkatapos niyon, ilan sa mga video namin ay sunud-sunod na ibinalik para ulitin ang paggawa at mas lalo akong nanlumo. Ayaw ko nang lutasin ang mahihirap na isyu na kinakaharap ko at lalo kong hinanap-hanap ang mga araw na iyon noong may mga katuwang ako sa aking tungkulin, noong pwede akong basta-basta na lang magtago sa likod nila, at hindi ko kailangang magdala ng napakatinding presyur. Wala akong ganang gawin ang tungkulin ko, kapag naglalakad ako, parang ang bigat ng mga binti ko. Noon ko napagtanto na hindi ko pwedeng patuloy na gawin ang tungkulin ko sa ganitong kalagayan, kaya nanalangin ako sa Diyos. Sa pamamagitan ng paghahanap, bigla kong naalala si Noe. Naharap siya sa maraming paghihirap at kabiguan habang itinatayo niya ang arka, pero hindi siya kailanman sumuko, at nagpatuloy sa loob ng 120 taon, hanggang sa natapos niya ang arka at nakompleto ang atas ng Diyos. Pero sa harap ng kaunti kong paghihirap, gusto kong ibsan ang aking pasanin at tumakas. Hindi ba’t nagiging duwag lang ako? Sa isiping ito, medyo natauhan ako at nagawa kong harapin nang tama ang mga problema ko sa gawain.
Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang siping ito ng salita ng Diyos: “Ang lahat ng huwad na lider ay hindi kailanman gumagawa ng praktikal na gawain, at umaakto sila na parang ang kanilang papel sa pamumuno ay isang opisyal na posisyon, lubos na tinatamasa ang mga pakinabang ng kanilang katayuan. Ang tungkuling nararapat gampanan at gawaing nararapat gawin ng isang lider ay itinuturing nilang isang hadlang, isang abala. Sa puso nila, nag-uumapaw ang paglaban nila sa gawain ng iglesia: Kung hihilingin mo sa kanila na bantayan ang gawain o alamin ang mga isyung umiiral dito na kinakailangang masubaybayan at malutas, sila ay mapupuno ng pag-aatubili. Ito ang gawain na dapat ginagawa ng mga lider at manggagawa, ito ang trabaho nila. Kung hindi mo ito gagawin—kung ayaw mong gawin ito—bakit gusto mo pa ring maging lider o manggagawa? Ginagampanan mo ba ang iyong tungkulin para isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, o para maging isang opisyal at magtamasa sa mga palamuti ng katayuan? Hindi ba’t kahiya-hiyang maging isang lider kung nais mo lang na humawak ng kung anong opisyal na katungkulan? Wala nang mas mababa pa ang karakter—ang mga taong ito ay walang paggalang sa sarili, wala silang kahihiyan. Kung nais mong magtamasa ng kaginhawahan ng laman, magmadali kang bumalik sa mundo at pagsumikapan ito, sunggaban ito, at hablutin ito hanggang sa kaya mo. Walang makikialam. Ang sambahayan ng Diyos ay isang lugar para ang mga hinirang na tao ng Diyos ay magampanan ang kanilang mga tungkulin at masamba Siya; isa itong lugar para sa mga tao na hangarin ang katotohanan at mailigtas. Hindi ito lugar para magpakasasa ang kahit sino sa kaginhawahan ng laman, lalong hindi ito lugar na nagpapalayaw ng mga tao. … Anumang gawain ang ginagawa ng ilang tao o anumang tungkulin ang ginagampanan nila, hindi nila kayang magtagumpay roon, napakabigat niyon para sa kanila, hindi nila kayang tuparin ang anuman sa mga obligasyon o responsibilidad na nararapat tuparin ng mga tao. Hindi ba basura sila? Karapat-dapat pa rin ba silang tawaging mga tao? Maliban sa mga utu-uto, may kapansanan sa pag-iisip, at may mga pisikal na kapansanan, mayroon bang nabubuhay na hindi nararapat gampanan ang kanilang mga tungkulin at tuparin ang kanilang mga responsibilidad? Ngunit ang ganitong uri ng tao ay palaging nakikipagsabwatan at nandaraya, at ayaw tuparin ang kanilang mga responsibilidad; ang implikasyon ay na ayaw nilang umasal na tulad ng isang mabuting tao. Binigyan sila ng Diyos ng kakayahan at mga kaloob, binigyan Niya sila ng oportunidad na maging tao, subalit hindi nila magamit ang mga ito sa pagganap sa kanilang tungkulin. Wala silang ginagawa, ngunit nais nilang tamasahin ang lahat. Angkop bang tawaging tao ang gayong tao? Anumang gawain ang ibigay sa kanila—mahalaga man iyon o pangkaraniwan, mahirap o simple—lagi silang walang ingat at pabasta-basta, laging tamad at tuso. Kapag nagkakaroon ng mga problema, sinisikap nilang ipasa ang kanilang responsibilidad sa ibang mga tao; ayaw nilang managot, na ninanais na patuloy na mabuhay na parang mga linta. Hindi ba mga walang-silbing basura sila? Sa lipunan, sino ang hindi umaasa sa kanilang sarili para mabuhay? Kapag lumaki na ang isang tao, kailangan na niyang tustusan ang kanyang sarili. Natupad na ng kanyang mga magulang ang kanilang responsibilidad. Kahit handa ang kanyang mga magulang na suportahan siya, maaasiwa siya roon, at dapat magawa niyang kilalanin na, ‘Natapos na ng aking mga magulang ang trabaho nilang magpalaki ng mga anak. Nasa hustong gulang na ako, at malusog ang katawan ko—dapat magawa kong mamuhay nang hindi umaasa sa iba.’ Hindi ba ito ang pinakamababang pag-unawa na nararapat taglayin ng isang taong nasa hustong gulang? Kung talagang matino ang isang tao, hindi niya kakayaning patuloy na samantalahin ang kabaitan ng kanyang mga magulang; matatakot siya na pagtawanan ng iba, na mapahiya. Kaya, matino ba ang isang taong tatamad-tamad lamang? (Hindi.) Lagi niyang gustong makuha ang isang bagay nang walang kapalit, ayaw niyang managot kailanman, naghahanap siya ng libreng tanghalian, gusto niyang makakain nang tatlong beses sa isang araw—at pagsilbihan siya ng iba, at maging masarap ang pagkain—nang wala siyang ginagawang anuman. Hindi ba ganito ang pag-iisip ng isang parang linta? At may konsiyensya ba at katinuan ang mga taong parang linta? Mayroon ba silang dignidad at integridad? Talagang wala; lahat sila ay mga walang silbi na nakaasa sa iba, lahat ay mga hayop na walang konsiyensya o katwiran. Walang sinuman sa kanila ang angkop na manatili sa sambahayan ng Diyos” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). Ang salita ng Diyos ay nagtulak sa akin na magnilay-nilay: Trabaho ng isang lider at manggagawa ang sumubaybay at umunawa sa mga problema sa gawain, at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito, pero itinuturing ito ng mga huwad na lider bilang isang pabigat. Ipinapakita nito na hindi sila naririto para gampanan ang kanilang tungkulin, bagkus ay para tamasahin ang mga pakinabang ng pagiging opisyal. Nakita ko na ganito rin ang ugali ko. Dapat ay inako ko ang responsibilidad at nilutas ang mga problema at paghihirap na lumitaw, dapat sinamantala ko ang pagkakataong ito para hanapin ang katotohanan at makabawi sa sarili kong mga pagkukulang, na magbibigay-daan sana sa akin na mas mabilis na umusad. Pero ginusto kong tanggihan ang tungkulin ko dahil napakaraming paghihirap niyon. Bilang superbisor, hindi ako gumawa ng anumang tunay na gawain o lumutas ng anumang totoong problema. Hindi ba’t ninanasa ko lang ang mga pakinabang ng katayuan? Sa pagbabalik-tanaw sa pag-uugali ko, bagamat mukhang gumagawa ako ng gawain noong mayroon akong mga katuwang, ang totoo ay hinati sa amin ang gawain, at hindi ako gaanong responsable sa lahat ng iyon. Madali lang ang tungkulin ko, kaya sa totoo lang ay talagang nadadalian ako. Noong inilipat ang dalawa kong katuwang, talagang dumami ang presyur sa gawain, kinailangan kong magdusa para pasanin ang responsibilidad ko, at kaya naging mapanlaban ako, hanggang sa punto pa ngang gusto kong ipagkanulo ang Diyos at tanggihan ang tungkulin ko. Kalaunan, bagamat binago ko ang aking kalagayan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, nang ipinareha ako sa isang sister na mas marami ang karanasan kaysa sa akin, kaunti na naman ang responsibilidad na tinanggap ko, at ginugol ko ang mga araw ko nang maluwag na ginagampanan ang aking tungkulin, ayaw bigyan ng alalahanin ang sarili ko. Nang itinalaga akong nag-iisang responsable para sa paggawa ng video sa pagkakataong ito at dumami ang mga paghihirap, gusto ko na namang tumakas. Nakita ko na napakataksil ng saloobin ko sa tungkulin ko at na handa akong umiwas sa unang tanda pa lang ng paghihirap ng katawan o pananagutan. Noon pa man ay gusto kong lumipat sa isang madali at walang stress na trabaho, pero ang totoo, lahat ng trabaho ay may mga paghihirap, at kung hindi ko lulutasin ang tiwali kong disposisyon, hindi ko magagawa nang tama ang anumang tungkulin. Nakita ko na likas akong nayayamot sa katotohanan at hindi ko minamahal ang mga positibong bagay. Naroon ako hindi para tumupad ng tungkulin, kundi para tamasahin ang mga pagpapala. Sa huli, walang mapapala sa ganitong uri ng pananampalataya! Partikular kong nabasa sa salita ng Diyos na: “Lagi niyang gustong makuha ang isang bagay nang walang kapalit, ayaw niyang managot kailanman, naghahanap siya ng libreng tanghalian, gusto niyang makakain nang tatlong beses sa isang araw—at pagsilbihan siya ng iba, at maging masarap ang pagkain—nang wala siyang ginagawang anuman. Hindi ba ganito ang pag-iisip ng isang parang linta?” Ako mismo ang uri ng taong inihahayag ng Diyos, gusto ko lang umani pero ayaw na ayaw magtanim, at gustong tamasahin ang mga bunga ng pagtatrabaho ng iba. Hindi ba’t isa lang akong basura? Habang mas naiisip ko ito, mas nasusuka ako sa sarili ko. Noon, ang mga taong pinakakinaiinisan ko ay iyong mga mapagsamantala na nanghihingi pa rin sa kanilang mga magulang, mga nasa hustong gulang na hindi lumalabas ng bahay, na nagsasamantala sa kanilang mga magulang, at walang inaakong responsibilidad. Mga wala silang kuwenta. Pero paanong naiiba ang kasalukuyan kong pag-uugali sa kanila? Sa aking paninisi sa sarili, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos, sa wakas ay nakita ko nang tunay akong makasarili at hindi sinsero sa aking tungkulin. Sarili kong laman ang tanging iniisip ko at gusto kong maging isang linta. Talagang natatakot ako sa masasamang kaisipang ito. Napakaraming gawain sa iglesia na nangangailangan ng agarang pagtutulungan, ngunit hindi ako nagsisikap na umusad o umako ng anumang mga pasanin. Isa akong basura.”
Nagpatuloy ako sa pag-iisip-isip. Bakit ba gusto ko laging tumakas at tumanggi sa tungkulin ko sa tuwing dumarami ang presyur at paghihirap sa gawain ko? Ano nga ba mismo ang ugat nito? Sa aking paghahanap, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ngayon, hindi mo pinaniniwalaan ang mga salitang Aking sinasabi, at hindi mo binibigyang-pansin ang mga iyon; kapag dumating na ang araw para ang gawaing ito ay lumaganap, at nakita mo ang kabuuan nito, magsisisi ka, at sa sandaling yaon ikaw ay matitigilan. Mayroong mga pagpapala, gayunman ay hindi mo alam kung paano magtamasa sa mga yaon, at naroon ang katotohanan, gayunman ay hindi mo ito hinahabol. Hindi ka ba nagdadala ng sumpa sa iyong sarili? Ngayon, bagaman magsisimula pa lamang ang susunod na hakbang sa gawain ng Diyos, walang anumang katangi-tangi tungkol sa mga hinihingi sa iyo at sa kung ano ang ipinasasabuhay sa iyo. Napakalaki ang gawain, at napakarami ang katotohanan; ang mga yaon ba ay hindi karapat-dapat na malaman mo? Hindi ba kayang gisingin ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ang iyong espiritu? Hindi ba kaya ng pagkastigo at paghatol ng Diyos na tulutan kang kamuhian ang iyong sarili? Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Ang mga patay ba na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Mula sa mahigpit na mga salita ng Diyos, naramdaman ko na nagtataglay ang Diyos ng sukdulang pagkasuklam at pagkamuhi para sa mga taong nagnanasa ng kaginhawahan, na para sa Kanya, mga hayop lang sila. Sila ay mga tambay na walang ginagawa, ayaw magtrabaho para umusad, mahilig mag-aksaya ng oras, at sa huli, hindi nila ginagampanan nang tama ang tungkulin at wala silang nakakamit na katotohanan. Mga basura sila. Ganito rin ako. Gusto ko na madali ang takbo ng tungkulin ko, at hangga’t may tungkulin ako at hindi ako natatanggal o napapalayas, ayos na ang lahat. Pero sa sandaling nahaharap ako sa mga paghihirap na kailangan kong magdusa o magbayad ng halaga, umuurong ako. Gusto ko lang pumili ng mga trabahong simple at diretsahan, at itinaguyod ko ang mga satanikong prinsipyo ng buhay na “Magsaya ka habang nabubuhay” at “Tratuhin mong mabuti ang sarili mo.” Dahil sa paghahari ng mga kasisipan at pananaw na ito, palagi akong nagnanasa ng kaginhawahan at naiinis sa tuwing dumarami ang gawaing responsibilidad ko, nag-aalala na mababawasan nito ang oras ko ng paglilibang. Kapag kailangan kong matuto ng marami pang kasanayan, hindi talaga ako nagbabayad ng halaga para dito. Bilang resulta, pagkaraan ng ilang panahon, hindi pa gaanong humusay ang mga kasanayan ko at hindi ko kayang asikasuhin ang gawain. Minsan pa nga ay napapabayaan ko ang mga tungkulin ko at nanonood ako ng mga sekular na video sa ilalim ng pagkukunwaring nag-aaral ng mga kasanayan, nagiging mas lalong manhid at madilim ang espiritu ko. Bilang isang superbisor, kapag lumilitaw ang mga problema sa gawain, dapat ay aktibo kong sinusubaybayan at nilulutas ang mga ito, pero sa sandaling nakikita ko na medyo mahirap harapin ang mga problema, nililinlang ko ang sarili para huwag pansinin ang mga ito, inaantala ang pag-usad ng gawain. Ang mas malubha pa ay ang patuloy kong pagnanais na makahanap ng isang taong papalit sa akin at papawi sa nararamdaman kong presyur. Alam ko na napakahalaga ng paggawa ng mga video, pero pinapalugod ko ang aking laman at tumatakas sa bawat napakahalagang sandali, hindi umaako ng anumang responsibilidad. Para lang akong isang bata na pinalaki ng kanyang mga magulang hanggang sa pagtanda, pero pagdating ng panahon na kailangang magsakripisyo para sa kanilang pamilya, natatakot silang magdusa at hindi handang umako ng responsabilidad. Ang ganitong uri ng tao ay walang konsensya at walang utang na loob. Naisip ko kung paanong ganitong-ganito ang naging ugali ko. Pinatnubayan ako ng Diyos hanggang sa puntong ito at biniyayaan Niya rin ako, pinahintulutan akong gampanan ang ganoon kahalagang tungkulin, pero palagi akong natatakot na magdusa at pinakikinggan lang ang aking laman. Wala akong anumang konsensya! Palagi akong nagrereklamo tungkol sa mga paghihirap sa tungkulin ko at nasusuklam na mawalay sa aking mga pisikal na kaginhawahan. Hindi lang ako nawawalan ng pagkakataong makamit ang katotohanan, kundi ginugulo ko rin ang tungkulin ko at walang ibang iniiwan kundi mga paglabag. Sa huli, tiyak na itatakwil at palalayasin ako ng Diyos!
Nagsimula akong maghanap ng landas ng pagsasagawa. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ipagpalagay nang binigyan ka ng iglesia ng gagawing trabaho, at sinabi mong, ‘Isang pagkakataon man ang trabahong ito na mamukod-tangi o hindi—dahil ibinigay sa akin ito, gagawin ko ito nang maayos. Tatanggapin ko ang responsabilidad na ito. Kung itatalaga ako sa pagsalubong sa mga panauhin, gagawin ko ang lahat para maasikaso nang maayos ang mga tao; aasikasuhin ko nang husto ang mga kapatid, at gagawin ko ang makakaya ko para mapanatili ang kaligtasan ng lahat. Kung itatalaga ako na magpalaganap ng ebanghelyo, sasangkapan ko ang sarili ko ng katotohanan at mapagmahal kong ipapalaganap ang ebanghelyo at gagampanan nang mabuti ang tungkulin ko. Kung aatasan akong mag-aral ng isang wikang banyaga, masigasig kong pag-aaralan iyon at pagsusumikapan ko iyon, at aaralin ko iyon nang husto sa lalong madaling panahon, sa loob ng isa o dalawang taon, upang makapagpatotoo ako sa Diyos sa mga dayuhan. Kung hihilingin sa akin na magsulat ng mga artikulo ng patotoo, maingat kong sasanayin ang sarili ko na gawin iyon at tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo; pag-aaralan ko ang wika, at bagama’t maaaring hindi ako makasulat ng mga artikulong may magandang prosa, kahit paano ay magagawa kong maiparating nang malinaw ang aking mga patotoo batay sa karanasan, komprehensibong magbahagi tungkol sa katotohanan, at magbigay ng tunay na patotoo para sa Diyos, nang sa gayon kapag binasa ng mga tao ang aking mga artikulo, sisigla sila at makikinabang. Anumang trabaho ang iatas sa akin ng iglesia, tatanggapin ko iyon nang buong puso at lakas. Kung mayroon akong hindi maunawaan o magkaroon ng problema, mananalangin ako sa Diyos, hahanapin ang katotohanan, lulutasin ang mga problema ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at gagawin ko nang maayos ang bagay na iyon. Anuman ang tungkulin ko, gagamitin ko ang lahat ng mayroon ako para magampanan iyon nang maayos at mapalugod ko ang Diyos. Dahil anuman ang aking makamit, gagawin ko ang makakaya ko para akuin ang lahat ng responsabilidad na dapat kong pasanin, at kahit paano, hindi ako sasalungat sa konsiyensya at katwiran ko, o magiging pabaya at pabasta-basta, o magiging tuso at batugan, o tatamasahin ang mga bunga ng pagsisikap ng iba. Wala akong gagawin na hindi aabot sa mga pamantayan ng konsiyensya.’ Ito ang pinakamababang pamantayan ng asal ng tao, at ang taong gumaganap sa kanyang tungkulin sa gayong paraan ay maaaring maituring na isang taong matapat at makatwiran. Dapat kahit papaano ay malinis ang konsiyensya mo sa pagganap sa iyong tungkulin, at dapat kahit papaano ay madama mong karapat-dapat ka sa kinakain mo tatlong beses sa isang araw at hindi mo hinihingi ang mga iyon. Ang tawag dito ay pagpapahalaga sa responsabilidad. Mataas man o mababa ang iyong kakayahan, at nauunawaan mo man ang katotohanan o hindi, dapat mong taglayin ang saloobing ito: ‘Dahil ipinagagawa sa akin ang gawaing ito, dapat ko itong seryosohin; dapat kong alalahanin ito at gawin ito nang maayos, nang buong puso at lakas ko. Tungkol sa kung magagawa ko ba ito nang napakaayos, hindi ko maaaring ipagpalagay na garantisado iyon, ngunit ang saloobin ko ay na gagawin ko ang makakaya ko para matiyak na magawa iyon nang maayos, at tiyak na hindi ako magpapabaya at magpapabasta-basta tungkol dito. Kung magkaroon ng problema sa gawain, dapat kong tanggapin ang responsabilidad, at tiyakin na matuto ako ng aral mula rito at gampanan nang maayos ang aking tungkulin.’ Ito ang tamang saloobin. Ganito ba ang inyong saloobin?” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). Talagang nagbigay-inspirasyon sa akin ang mga salita ng Diyos. Dahil itinalaga ako ng iglesia na mangasiwa sa gawaing ito, kailangan kong tanggapin ang lahat ng responsibilidad na kayang gampanan ng isang taong nasa hustong gulang. Gaano man kataas ang kakayahan ko, gaano man ako kagaling sa gawain ko, o gaano man karami ang mga paghihirap na kinakaharap ko sa aking tungkulin, hindi ako pwedeng umurong, kailangan kong magpatuloy at gawin ang lahat ng makakaya ko sa pag-ako ng gawaing ito. Kalaunan, sa tuwing tinatapos namin ang paggawa ng video at nakatatanggap kami ng mga mungkahi ng iba, isa man itong problema na hindi ko namamalayan o na isang hindi ko alam kung paano asikasuhin, palagi akong aktibong naghahanap ng landas para malutas ito o sinusubukang maghanap ng ilang taong may karanasan na pwede kong konsultahin. Unti-unti, naging mas pamilyar ako sa mga kasanayang ito at mas nalinawan sa mga prinsipyo. Dati, tuwing nagkakaroon ng mahirap na problema, nakagawian kong ipasa ito sa isa sa mga katuwang ko para maasikaso, hindi kaagad tumugon sa mga mensahe sa group chat, at nagpapaliban. Ngayon, nagagawa ko nang aktibong umako ng responsibilidad at magdala ng higit na pasanin sa aking tungkulin. Bagamat magkakaroon ng mga paghihirap sa takbo ng aming pakikipagtulungan, kapag masigasig akong umasa sa Diyos, at sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan sa lahat, nagiging mas malinaw ang landas na dapat naming tahakin.
Pagkatapos lang ng karanasang ito ko napagtanto kung gaano ako kamakasarili at kamapanlinlang, na taksil at tamad ako sa aking tungkulin, hindi handang pumasan ng responsibilidad. Nang ayusin ko ang aking saloobin, at naging handang isaisip ang pasanin ng Diyos at ibigay ang lahat ko sa pakikipagtulungan, nakita ko ang pamumuno at patnubay ng Diyos, nagkaroon ako ng pananampalataya sa loob ko, at naging handa akong isagawa ang pagiging makatwiran at matapat na tao na tumutupad sa kanyang mga tungkulin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.