Bakit Ginagawa ng Diyos ang Gawain ng Paghatol sa Mga Huling Araw?
Sa kasalukuyan, lumalaganap ang epidemya sa buong mundo, at patindi nang patindi ang mga sakuna. Nakakita na tayo ng mga lindol, taggutom, at mga digmaan, at ang lahat ng mananampalataya ay sabik na inaabangan ang pagparito ng Tagapagligtas na Panginoong Jesus, na maiangat sa alapaap para salubungin ang Panginoon, at matakasan ang pagdurusa sa mga sakunang ito sa lalong madaling panahon. Subalit matapos maghintay sa loob ng napakaraming taon, hindi pa rin nila nakikita ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus, na bumababa mula sa mga ulap, at lalong hindi pa sila nakakita ng sinuman na naiangat sa alapaap para salubungin ang Panginoon, na ikinadismaya ng marami. Lubos na ikinagulat ng mga tao na sa halip na salubungin ang pagdating ni Jesus sakay ng mga ulap, nakita nila ang Kidlat ng Silanganan na paulit-ulit na nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon bilang Makapangyarihang Diyos, na naghahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol. Ang patotoong ito ay nakakakuha ng pansin ng mga tao, upang makita nila ito nang husto. Gayunman, dahil sa nagngangalit sa galit na pagpigil at pag-aresto ng CCP at walang-habas na paglapastangan at paninirang-puri ng mga anticristong puwersa sa mundo ng relihiyon, binalewala at isinantabi ng mga tao ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi inaasahan na sa loob lamang ng ilang taon, ang Anak ng tao, na labis na hinamak, ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan, at ang patuloy na dumaraming tao na nakarinig sa tinig ng Diyos ay nanindigang lahat para sundin ang Makapangyarihang Diyos. Hindi lamang nito niyanig ang buong mundo ng relihiyon, kundi ang buong mundo. Nagniningning ang “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” tulad ng isang tunay na liwanag mula sa silangan patungong kanluran, tinatanglawan ang buong mundo, at ang mga nagmamahal sa katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos ay lumalapit sa liwanag, naririnig ang tinig ng Diyos, at dumadalo sa piging ng kasal ng Cordero. Ang mga katotohanang ito ay gumulat sa lahat: Anong klaseng tao ito? Saan Siya nagmula? Paano Niya nagawa ang isang bagay na napakamakapangyarihan? Maraming tao ang nagtanong: Ang Kidlat ng Silanganan ba talaga ang pagpapamalas at gawain ng Diyos? Maaari kayang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tinig ng Lumikha na nagsasalita sa sangkatauhan? “Imposible,” sa isip nila, “pagbalik ng Panginoon, ang unang bagay na gagawin Niya ay ang itaas ang mga mananampalataya para salubungin Siya sa alapaap. Hindi Niya kailanman pahihintulutan ang mga mananampalataya na masadlak sa sakuna at magsasalita Siya para gawin ang gawain ng paghatol. Hindi maaaring mangyari ‘yan.” Sa kasalukuyan, maraming tao ang nanonood ng mga video ng pelikula, himno, at patotoo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang pinakamahalaga, ng mga pagbasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Mayroong umaapaw na balon ng nilalaman, at isa talagang napakagandang karanasan ang buhay sa Canaan. Dahil sa katotohanang ito ay napipilitan ang mga tao na aminin na tanging ang gawain ng Banal na Espiritu, at walang sinumang tao, ang maaaring makagawa nito. Kung wala ang pagpapakita at gawain ng Diyos, walang sinumang tao ang makakagawa ng ganoon kadakilang mga bagay. Dahil dito’y nagtataka ang maraming mananampalataya sa Panginoon: Bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Napatawad na tayo sa ating mga kasalanan, at nabigyang-katwiran na tayo ng Diyos, kaya bakit kailangan nating dumanas ng paghatol at pagkastigo? Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay dapat na nakatuon sa mga hindi mananampalataya, kaya bakit nagsisimula ang paghatol sa sambahayan ng Diyos? Bakit nga ba ganito? Pagtutuunan natin ang paksang ito sa pagbabahagian natin ngayon.
Bago tayo magsimula ng ating pagbabahagian, linawin muna natin, na ang katotohanang pumarito ang nagkatawang-taong Diyos bilang Anak ng tao sa mga huling araw para gawin ang gawain ng paghatol, ay isang bagay na matagal nang isinaayos ng Diyos. Anuman ang mga haka-haka ng mga tao o gaano man kalaki ang mga hadlang, hindi maaaring mabago ng kalooban ng tao ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at hindi ito maaaring mapigilan ng anumang bansa o puwersa. Kaya, itatanong ng ilan, batay ba sa Biblia ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Siyempre, batay ito sa Biblia, at talagang malakas na batayan ito. Mayroong hindi bababa sa dalawang daang reperensya sa “paghatol” sa buong Biblia, at personal na nagpropesiya rin ang Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw bilang nagkatawang-taong Anak ng tao para magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain ng paghatol. Ngayon, ilista natin ang ilang bahagi ng propesiya ng Panginoong Jesus. “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Sapagkat ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol. … At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagkat Siya’y Anak ng tao” (Juan 5:22, 27). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Nariyan din ang 1 Pedro 4:17, “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Napakalinaw ng mga salitang ito: “Ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw,” “ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol,” “pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos,” at “papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.” Nakikita natin na ang Panginoon ay paparito bilang Anak ng tao pagbalik Niya sa mga huling araw, para magpahayag ng katotohanan at magsagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Hindi ito makukuwestiyon. Sa kasalukuyan, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng napakaraming katotohanan at nagsasakatuparan ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, upang hatulan at dalisayin ang lahat ng lumalapit sa harapan ng trono ng Diyos, at patnubayan ang hinirang na mga tao ng Diyos sa pagpasok sa lahat ng katotohanan. At bumuo ang Diyos ng isang grupo ng mananagumpay bago ang sakuna. Ipinapakita sa atin nito na ang mga propesiyang ito ay lubusang natupad at tinubos.
Kaya, magtatanong ang ilan, napatawad na ang ating mga kasalanan dahil naniniwala tayo sa Panginoon, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw? Inihahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang misteryong ito ng katotohanan, kaya tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. … Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim, at kailangan niyang umasa sa paghatol ng salita upang makamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang gawain ng pagtubos. Kung naniniwala tayo sa Panginoon, nagtatapat ng ating mga kasalanan, at nagsisisi, ang ating mga kasalanan ay napapatawad. Hindi na tayo kinokondena at pinapatay dahil sa paglabag sa batas, at nagagawa nating tamasahin ang masaganang biyaya ng Panginoon. Pero ang ibig sabihin ba ng mapatawad sa kasalanan ay malaya na tayo sa kasalanan at nagawa na tayong banal? Ang ibig sabihin ba ng kapatawaran sa kasalanan ay nakamit na natin ang tunay na pagsunod sa Diyos? Hinding-hindi. Kitang-kita natin na nagkakasala ang mga mananampalataya sa araw, at nagtatapat ng kanilang mga kasalanan sa gabi. Namumuhay tayong hindi makawala sa siklong ito, madalas ay nagkakasala tayo nang hindi sinasadya, at nagdarasal tayong lahat sa Panginoon para sabihing, “Talagang nagdurusa po ako, bakit hindi ko po mapalaya ang aking sarili mula sa mga gapos ng kasalanan?” Nais nating lahat na mapalaya ang ating sarili sa mga gusot ng mundo at gumugol para sa Panginoon, gusto nating tunay na mahalin ang Panginoon at mahalin ang ating kapwa tulad ng ating sarili, pero ang ginagawa natin ay hindi sinasadya, at hindi nga natin malutas ang problema ng madalas na pagsisinungaling. Bakit ganito? Dahil ang mga tao ay mayroong mga makasalanang kalikasan at tiwaling disposisyon, at ito ang ugat ng kasalanan. Kung hindi natin lulutasin ang ugat ng kasalanan, kahit na subukan pa nating pigilan ang ating sarili, nagkakasala pa rin tayo nang hindi sinasadya. Bagama’t ang ilang tao ay maaaring tapat na gumugugol para sa Panginoon, nagdurusa, nagsasakripisyo, at nagtitiis nang walang reklamo, ngunit sa kaibuturan ng kanilang puso, kaya ba talaga nilang sumunod sa Diyos? Mahal ba talaga nila ang Diyos? Hindi malinaw na nakikita ng maraming tao ang usaping ito. Para magtamo ng mga pagpapala, makapasok sa kaharian ng langit, at magtamo ng mga gantimpala, maaaring gumawa ang mga tao ng maraming mabubuting bagay, ngunit anong mga dumi ang nahahalo sa mabubuting gawang ito? Narurumihan ba ang mga ito ng anumang transaksyon o layunin? Kung dumating ang sakuna, at hindi tayo naiangat, kundi sa halip ay nasadlak dito, magrereklamo ba tayo laban sa Diyos? Sisisihin at ikakaila ba natin ang Diyos? Kapag ang gawain ng Diyos ay nakaayon sa mga haka-haka ng tao, nagpapasalamat at pinupuri natin ang Diyos, ngunit kung ang gawain ng Diyos ay hindi nakaayon sa ating mga haka-haka at hindi ito ang gusto natin, hahatulan at kokondenahin ba natin ang Diyos? Halimbawa, kapag sinasabi ng Panginoong Jesus sa mga nangangaral at nagpapalayas ng mga demonyo sa Kanyang pangalan, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23) ang mga tao bang ito ay magkakaroon ng mga haka-haka at lalabanan at kokondenahin ang Panginoon? Isipin na kung ang Panginoong Jesus ay naparito pa rin sa wangis ng Judiong Anak ng tao, para magpahayag ng katotohanan sa mga iglesia, gaano karaming tao sa mundo ng relihiyon ang magkakaila at lalayo sa Panginoon? Gaano karaming tao ang tatanggap sa katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus at magsasabing Siya ang nag-iisang tunay na Diyos? Gaano karaming tao ang magkokondena sa Panginoong Jesus bilang tao sa halip na Diyos? Sulit na pagnilayan ang mga katotohanang ito. Ang mga Fariseo ng Judaismo ay mga taong naniwala sa Diyos sa loob ng maraming henerasyon, at madalas na nagbigay ng mga alay para sa kasalanan sa Diyos. Nang nagkatawang-tao at naging Panginoong Jesus ang Diyos na si Jehova, bakit hindi nalaman ng mga Fariseo na Siya ang pagpapakita ng Diyos na si Jehova? Bakit nila kinondena ang Panginoong Jesus, na nagpahayag ng katotohanan? Bakit ipinako sa krus ang Panginoong Jesus? Ano ang diwa ng problema rito? Bakit hindi nalaman ng mga Fariseo ang pagpapakita at gawain ng Diyos, kahit na naniwala sa Diyos ang kanilang mga ninuno sa loob ng maraming henerasyon? Bakit kinondena at nilabanan pa rin nila ang Diyos? Nakita na nating lahat na ang Diyos ay nagpakita na at gumagawa bilang nagkatawang-taong Anak ng tao sa mga huling araw at nagpahayag ng napakaraming katotohanan. Kaya bakit napakaraming tao sa mundo ng relihiyon ang galit na galit na lumalaban, kumokondena, at lumalapastangan pa nga sa Makapangyarihang Diyos? Kung bumalik na ang Panginoong Jesus, at mayroon pa ring wangis ng isang Judiong Anak ng tao, at nagpahayag ng katotohanan sa mundo ng relihiyon, paaalisin kaya Siya ng iglesia, o ipakukulong at ipapapatay pa? Ang lahat ng ito’y talagang posible. Ang paraan ng pagpapahayag ng katotohanan ng Makapangyarihang Diyos ay katulad ng sa Panginoong Jesus, at ang dalawa ay mga normal at karaniwang Anak ng tao. Galit na galit na nilalabanan ng mundo ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, kaya magiging mas bukas kaya sila sa Panginoong Jesus na nasa wangis ng Anak ng tao? Bakit patuloy na hinahatulan ng mundo ng relihiyon ang mga tao na sumusunod sa Makapangyarihang Diyos bilang mga mananampalataya sa isang tao sa halip na sa Diyos? Kung ipinanganak sila sa panahon ng Panginoong Jesus, hindi ba nila huhusgahan ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus bilang mga mananampalataya ng isang tao at hindi ng Diyos? Ano mismo ang diwa ng problemang ito? Nangyayari ito dahil ang lahat ng tiwaling tao ay mayroong mga satanikong kalikasan, at tayong lahat ay namumuhay ayon sa ating mga satanikong disposisyon. Ito ang dahilan kung bakit hindi talaga kakaiba na nilalabanan at kinokondena natin ang Diyos. Hindi ito malinaw na nakikita ng maraming tao. Iniisip nila na kapag napatawad na ang ating mga kasalanan at hindi na tayo itinuturing ng Diyos na maysala, tayo ay nagiging banal. Iniisip nila na kapag napatawad na tayo sa ating mga kasalanan, nakukuha na natin ang pagsang-ayon ng Diyos sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa. Napakamali ng mga pananaw na ito. Sapat na ang katotohanang nilabanan at kinondena ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus para malinaw na makita na ang mga tao ay mayroong mga satanikong kalikasan at tiwaling disposisyon, kaya gaano man katagal tayong naniniwala sa Diyos, gaano man natin nauunawaan ang Biblia, o anong kapanahunan man tayo ipinanganak, tayo’y namumuhi pa rin sa katotohanan, lumalaban sa Diyos, kinokondena ang Diyos, at napopoot sa Diyos. Para sa kadahilanang ito lamang, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay napakahalaga! Dahil sa ating satanikong kalikasan, dapat tanggapin ng tiwaling sangkatauhan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kung wala ang paghatol at pagkastigo, dahil tayo nga’y tiwali, palagi tayong magkakasala at lalaban sa Diyos, hindi tayo kailanman magiging tunay na masunurin sa Diyos o nababagay sa Diyos, at hindi tayo kailanman magiging marapat na pumasok sa kaharian ng langit. Bagama’t nalalaman at nauunawaan nating lahat na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, walang sinumang nakakakita ng nakakatakot na kalagayan ng ating malalim na katiwaliang dulot ni Satanas, kung hanggang anong antas natin kayang labanan ang Diyos, o kung gaano natin kamumuhian ang Anak ng tao na nakapagpapahayag ng katotohanan, na sa madaling salita ay ang antas ng ating kakayahang kamuhian ang katotohanan. Hindi makita ng mga tao ang anuman sa mga bagay na ito nang malinaw. Kaya nga palagi tayong mayroong mga haka-haka at pagdududa tungkol sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Iniisip ng lahat na nagiging banal tayo dahil napatawad tayo sa ating mga kasalanan. Kung hindi tayo itinuturing na makasalanan ng Diyos, tayo ay banal, nakumpleto na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at hindi na kailangan ng Diyos na gawin ang gawain ng paghatol. Pagbalik ng Panginoong Jesus, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit, at kapag nasa langit na tayo, garantisadong tayo’y susunod sa Diyos at sasamba sa Diyos magpakailanman. Pero hindi ba maliwanag na walang katuturan ito? Naniniwala ang mga tao sa Diyos sa lupa at tinatamasa ang biyaya ng Diyos, pero hinuhusgahan at kinokondena pa rin nila ang Diyos, kaya paano nila susundin at sasambahin ang Diyos sa langit? Walang pasubaling imposible ito. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Ang pangungusap na ito ay ang katotohanan, at ang panuntunan ng langit! Ngayo’y dapat nating maunawaan kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sa panghuling pagsusuri, naparito ang Diyos para lubusang iligtas ang mga tao, na ang ibig sabihin ay pagpapadalisay at pagbabago ng ating mga tiwaling disposisyon, gayundin ay lubusan tayong sagipin mula sa kasalanan at sa kapangyarihan ni Satanas. Sa kasalukuyan, nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng lahat ng katotohanang kailangan para madalisay at maligtas ang sangkatauhan, at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Marami sa hinirang na mga tao ng Diyos ang nakaranas na ng paghatol ng Diyos, nagdalisay ng kanilang mga tiwaling disposisyon, at ngayon ay pinupuri ang pagiging matuwid at banal ng Diyos mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Nakita na nila kung gaano kalalim na nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung ano mismong mga kasalanan ang magagawa nila, at hanggang sa anong antas nila malalabanan ang Diyos. Nagtamo na sila ng tunay na pagkaunawa ng kanilang sarili, at nakita na nila ang kapangitan ng kanilang satanikong katiwalian, at nadarama nilang lahat na kung hindi nila naranasan ang paghatol at pagpapadalisay ng Diyos, at sa halip ay namuhay ayon sa kanilang satanikong disposisyon, nilalabanan nila ang Diyos, pinagtataksilan ang Diyos, namumuhay sila bilang mga diyablo, at ipadadala sa impiyerno at parurusahan ng Diyos, at hindi magiging marapat na mamuhay sa harapan ng Diyos, kaya nakadarama sila ng labis na pighati, kinamumuhian ang kanilang sarili, at nakapagsasagawa ng tunay na pagsisisi at pagbabago. Kapag naranasan lamang natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos natin malalaman na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay ang Kanyang dakilang pagliligtas at dakilang pag-ibig para sa sangkatauhan.
Maraming tao ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at iniisip na matapos kumpletuhin ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, lubos nang naligtas ang sangkatauhan at ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay natapos na, ngunit napakalaking pagkakamali nito! Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang tumapos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kasabay nito, sinimulan nito ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang isang aspeto ng paghatol sa mga huling araw ay upang lubusang dalisayin at iligtas ang mga tao, palayain tayo mula sa kasalanan at sa kapangyarihan ni Satanas, at pahintulutan tayong maging lubos na nakamit ng Diyos. Ang isa pang aspeto ay ang ilantad ang bawat uri ng mga tao at paghiwa-hiwalayin sila ayon sa kanilang uri, wasakin ang lahat ng puwersa ng kasamaan na lumalaban sa Diyos, at wakasan ang madilim at masamang lumang kapanahunang ito. Ito ang kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Basahin natin ang isang pang sipi mula sa Makapangyarihang Diyos. “Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay isang pagkastigo at paghatol, kung saan inihahayag Niya ang lahat ng di-matuwid, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto ang mga nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay pagbubukud-bukurin ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng sangkatauhan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para mailantad ang kanilang pagsuway at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kalalabasan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang buong sangkatauhan ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kalalabasan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sasailalim sa pamamahala ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing pinagsama ng pagkastigo at paghatol at inihahayag sa mga huling araw, ang ganap na babago at bubuo sa tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay makapagbibigay nang matinding parusa sa lahat ng hindi matuwid. … Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapaghihiwalay sa tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa tao sa isang bagong kaharian. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay dadalhin sa katapusan sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol, na nagbubunyag ng bawat uri ng mga saloobin ng mga tao sa katotohanan at sa Diyos. Ang mga nagmamahal sa katotohanan at naghahangad ng pagmamahal para sa Diyos, ay ang mga target ng pagliligtas at pagpeperpekto ng Diyos. Naririnig nila ang tinig ng Diyos, bumabalik sa Kanyang trono, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw, nararanasan nila ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos, napalaya sa wakas mula sa paggapos at pagkontrol ng kasalanan, nakamit ang pagpapadalisay at pagbabago ng kanilang mga tiwaling disposisyon, at pagkatapos ay ginawang perpekto ng Diyos at naging mga mananagumpay, na ang ibig sabihin ay mga unang bunga. Ngunit ang mga namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos ay mga target ng pag-abandona at pag-aalis ng Diyos. Mapagmatigas silang kumakapit sa mga teksto sa Biblia, at naghihintay lamang sa pagparito ng Panginoon sakay ng mga ulap habang galit na galit na nilalabanan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos. Sa paggawa nito, pinalalampas nila ang pagkakataon na maiangat bago ang sakuna, at masasadlak sila sa malaking kapahamakan, tatangis at magngangalit ng kanilang mga ngipin. Mayroon namang iba na naghahangad lamang ng mga pagpapala at atubiling tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos para makaiwas sa mga sakuna. Naniniwala lamang sila sa salita, at ang kanilang mga kalikasan ay ang mamuhi sa katotohanan. Maraming taon na silang naniniwala sa Diyos, pero hindi nila kailanman isinagawa ang katotohanan, tumatanggi silang tanggapin o sundin ang paghatol, pagkastigo, pagtabas, at pagwawasto ng Diyos, at ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay hindi kailanman nagbago nang kahit kaunti. Ang ganitong mga tao’y mga walang pananampalataya at gumagawa ng masasama na napahalo sa sambahayan ng Diyos, at malalantad at mapapaalis silang lahat. Ipinapakita nito na ibinunyag na ng gawain ng paghatol sa mga huling araw ang bawat uri ng tao. Ang matatalinong dalaga at ang mga hangal na dalaga, ang mga umiibig sa katotohanan at ang mga naghahangad lamang na busugin ang kanilang tiyan ng tinapay, ang mga trigo at damo, at ang mga kambing at tupa ay napaghiwa-hiwalay na sa magkakaibang kategorya. Sa huli, gagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at parurusahan ang masama, at gagantihan ang bawat tao ayon sa kanilang ginawa. Lubos nitong ipinapakita ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at tinutupad din ang mga propesiya sa Pahayag, “Ang liko, ay hayaang magpakaliko pa: at ang marumi, ay hayaang magpakarumi pa: at ang matuwid, ay hayaang magpakatuwid pa: at ang banal, ay hayaang magpakabanal pa” (Pahayag 22:11). “Narito, Ako’y madaling pumaparito; at ang Aking gantimpala ay nasa Akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawat isa ayon sa kanyang gawa” (Pahayag 22:12).
Sa kasalukuyan, nakalikha na ang Makapangyarihang Diyos ng isang grupo ng mananagumpay bago ang sakuna, at ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos ay nagkaroon na ng malaking tagumpay. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay kumalat na sa lahat ng bansa sa lupa at niyanig ang mundo, patunay na natalo na ng Diyos si Satanas at Siya’y nagtamo na ng kaluwalhatian. Kasunod nito, magpapadala ang Diyos ng malaking kapahamakan at magsisimula ng paghatol sa lahat ng bansa at tao. Ang pagdating ng malaking kapahamakan ay paghatol ng Diyos sa masamang kapanahunang ito at pagliligtas din sa sangkatauhan. Ginagamit ng Diyos ang sakuna para puwersahin ang mga tao na hanapin at siyasatin ang tunay na daan, hanapin ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, lumapit sa Diyos, at tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kasabay nito, ginagamit din Niya ang sakuna para lutasin ang lahat ng masasamang puwersa at ang masasama na lumalaban sa Diyos at upang lubusang wakasan ang masamang kapanahunang ito kung kailan ay may kapangyarihan si Satanas. Sa huli, ang lahat ng mga nakaranas ng paghatol ng Diyos at nadalisay ay poprotektahan ng Diyos sa gitna ng sakuna, at pagkatapos ay dadalhin Niya sila sa isang magandang hantungan. Sa ganitong paraan makukumpleto ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos no’n, sa isang bagong mundo, ang kaharian ni Cristo ay lubos na maitatatag sa lupa.
Bilang wakas, panoorin natin ang isang video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na masunuring magpasakop sa pagpapahatol, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Pariseo, sapagkat pinagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na wasakin ang kanilang katawang laman ayon sa gusto ng mga ito, at ang kanilang katawan ay mangangamoy bangkay. Iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto ng mga ito, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya bumabagsak sila sa pakikipagsosyo sa mga masasama at nagiging bahagi ng kanilang magulong grupo; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o hindi kailanman naglaan ng anumang pagsisikap nila, at pupuksain Niya silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos, ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian, ay ibinibilang sa mga yaong naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang ang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga nagbigay ng serbisyo na hindi umabot sa pamantayan. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos, at pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Sila ang magiging bunga ng paglilinis na mula sa gawain ng Diyos. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga di-mananampalataya—at tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).
“Ang mga nagagawang tumayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ang siyang makakapasok sa pangwakas na pahinga sa tabi ng Diyos. Samakatuwid, nakatakas na sa impluwensya ni Satanas ang lahat ng mga pumasok sa pahinga at nakuha na sila ng Diyos pagkatapos sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito, na sa wakas ay natamo na ng Diyos, ay papasok sa huling pahinga. Ang layunin ng gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ay sa diwa’y upang dalisayin ang sangkatauhan, alang-alang sa huling pahinga. Kung walang ganitong paglilinis, wala sa sangkatauhan ang maaaring maiuri sa magkakaibang mga kategorya ayon sa uri, o pumasok sa pahinga. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa pahinga. Tanging ang paglilinis ng Diyos ang magtatanggal ng kawalan ng katuwiran ng mga tao, at tanging ang gawain Niya ng pagkastigo at paghatol ang magdadala sa liwanag sa mga masuwaying bahagi ng sangkatauhan, naghihiwalay sa mga maaaring maligtas mula sa mga hindi maaari, at ang mga mananatili mula sa mga hindi. Kapag natapos ang gawaing ito, ang lahat ng mga taong pinayagang manatili ay lilinisin at papasok sa isang mas mataas na kalagayan ng sangkatauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kamangha-manghang ikalawang buhay sa lupa; sa madaling salita, uumpisahan nila ang kanilang araw ng pahinga, at mabuhay kasama ang Diyos. Matapos makastigo at mahatulan ang mga hindi pinapayagang manatili, ang kanilang tunay na mga kulay ay ganap na maihahayag, pagkatapos nito ay wawasakin silang lahat at, kagaya ni Satanas, hindi na pahihintulutang mabuhay sa lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na magsasama ng alinman sa ganitong uri ng mga tao. Hindi angkop na pumasok sa lupain ng huling pahinga ang ganitong mga tao, at hindi sila angkop na sumali sa araw ng pahingang pagsasaluhan ng Diyos at ng sangkatauhan, dahil sila ang puntirya ng kaparusahan at mga makasalanan, hindi matuwid na mga tao. Tinubos sila nang minsan, at hinatulan at kinastigo na rin sila. Minsan din silang nagbigay ng paglilingkod sa Diyos. Subalit, pagdating ng huling araw, aalisin at wawasakin pa rin sila dahil sa kasamaan nila at bilang bunga ng kanilang pagsuway at kawalang kakayahang matubos. Hindi sila kailanman muling iiral sa mundo ng hinaharap, at hindi na mamumuhay kasama ang lahi ng tao sa hinaharap. … Ang buong layunin sa likod ng huling gawain ng Diyos na pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti ay upang lubusang maging dalisay ang lahat ng mga tao upang maaari Siyang magdala ng isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang pahinga. Ang yugtong ito sa gawain Niya ang pinakamahalaga. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang pamamahala” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.