Kung Bakit Napakayabang Ko Noon
Ni Joanne, Timog KoreaIsang araw, binanggit sa akin ng dalawang lider ng iglesia ang isang isyu. Sinabi nila na si Isabella, na siyang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Lumaki kami ng asawa ko sa iisang nayon at sumasampalataya kami sa Panginoong Jesus kasama ng mga magulang namin mula pa noong maliit kami. Pagkatapos naming ikasal, nagbukas ako ng medical clinic, at nagtrabaho siya bilang TV reporter. Nagkaroon kami ng dalawang kagiliw-giliw na anak at isang mapayapa at masayang buhay pamilya. Noong katapusan ng 2008, tinanggap namin ng aking biyenan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi iyon tinanggap ng asawa ko—abala siya sa kanyang propesyon. Pero sinuportahan niya ang pananampalataya ko. Sa pamamagitan ng pakikipagtipon at pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na pumarito sa piling natin ang ating Tagapagligtas halos dalawampung taon na ang nakalipas, nagpapahayag ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan. Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, at ito ang tanging pagkakataon natin na mailigtas. Isa itong napakahalaga at panandaliang pagkakataon. Pagsisisihan ko ito habambuhay kung mapapalampas ko ito. Kaya para isagawa ang aking pananampalataya at tumupad ng isang tungkulin, isinara ko ang klinika at nagsimulang ipalaganap ang ebanghelyo kasama ang iba pang mga kapatid.
Noong 2010, para supilin at puksain ang mga relihiyosong paniniwala, ginamit ng Partido Komunista ng China ang TV, radyo, mga pahayagan at iba pang media para siraan at pabulaanan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Inaresto at inusig nila ang mga Kristiyano. Sa takot na madamay ko siya, nagsimulang humadlang ang asawa ko sa aking pananampalataya. Isang araw sinabi niya sa akin, “Hindi papayagan ng Partido ang relihiyon at sinasabi nitong inaabandona ng mga mananampalataya ang mga pamilya nila. Isuko mo na lang ang pananampalataya mo. Kung maaaresto ka dahil dito, mawawasak ang pamilya natin. Hindi ba’t pareho lang naman lahat kung magsisimba na lang tayo tulad ng dati?” Sabi ko sa kanya, “Sa lahat ng taong ito bilang mananampalataya, nakita mo na ba na inabandona ko ang pamilya natin? Lahat ito ay mga kasinungalingang gawa-gawa ng Partido para apihin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Paano mo nagagawang maniwala sa mga kasinungalingan nila? Nagbalik na ang Diyos at gumagawa ng bagong gawain. Ang mga taong patuloy lang na pumupunta sa mga lumang simbahang iyon ay hindi magkakamit ng katotohanan o buhay, kahit pa sumunod sila hanggang sa huli. Sigurado ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus at sinusundan ko ang mga yapak ng Diyos. Hindi ko isusuko ang tunay na daan.” Nang makita kung gaano ako kadeterminado, binalaan niya ako, “Ano’t anuman, hindi mo maaaring panatilihin ang pananampalataya mo at hindi ka pwedeng pumunta sa mga pagtitipon!” Pagkatapos niyon, ang nagagawa ko lang ay bumangon nang maaga at magtago sa kusina para basahin ang mga salita ng Diyos at ibahagi ang ebanghelyo sa pamilya at mga kaibigan kapag nakatalikod siya.
Isang gabi noong 2012, pagkatapos ng isang pagtitipon, nakita ko ang asawa ko na nakaupo sa entrada ng bodega sa ibabang silid. Nang makita niya akong pumasok, inipit niya ako sa sahig gamit ang sandamakmak na sipa at suntok. Buong lakas akong kumawala at tumakbo sa itaas, pero naabutan niya ako, sinampal niya ako sa mukha, at marahas na sinabi, “Bawal ka nang dumalo pa sa mga pagtitipon!” Nahihilo ako, at dumudugo ang mga sulok ng bibig ko. Ito ang unang beses na sinaktan niya ako sa mahigit sampung taong pagsasama namin bilang mag-asawa. Hindi ko akalain na bubugbugin niya ako nang matindi dahil lang sa pananampalataya ko. Medyo nanghihina at natatakot ako sa oras na iyon. Naisip ko, dapat ba akong huminto sandali sa pagtitipon at paggawa ng tungkulin, kung sakaling bugbugin niya ulit ako? Alam kong wala ako sa tamang kalagayan, kaya dali-dali akong nanalangin sa Diyos, humihingi sa Kanya ng pananalig at lakas. Pagkatapos ay naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi ka dapat matakot sa ganito at ganyan; gaano man karaming hirap at panganib ang maaari mong harapin, kaya mong manatiling hindi natitinag sa Aking harapan, hindi nahahadlangan ng anumang balakid, upang ang Aking kalooban ay maisagawa nang walang sagabal. Ito ang iyong tungkulin…. Huwag matakot; sa suporta Ko, sino ang makakahadlang sa daan? Tandaan ito! Huwag kalimutan! Ang lahat ng nagaganap ay sa pamamagitan ng Aking mabuting hangarin, at ang lahat ay nasa ilalim ng Aking pagmamasid. Masusunod mo ba ang Aking salita sa lahat ng sinasabi at ginagawa mo? Kapag ang mga pagsubok ng apoy ay sumapit sa iyo, luluhod ka ba at tatawag? O yuyukod ka ba at hindi na kakayaning sumulong?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Oo, talagang nasa mga kamay ng Diyos ang lahat. Kung walang pahintulot ng Diyos, walang magagawa sa akin ang asawa ko. Hinayaan ng Diyos na mangyari iyon sa akin noong araw na iyon. Kung hindi ako mangangahas na gawin ang tungkulin ko dahil sa takot na mabugbog o masigawan, hindi ba ako mawawalan ng patotoo? Kailangan kong manindigan sa aking patotoo gaano man ako apihin ng asawa ko. Patuloy akong pumupunta sa mga pagtitipon at gumagawa ng tungkulin gaya ng dati.
Noong huling bahagi ng 2012, mas tumindi ang pang-aapi ng Partido Komunista sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagsasagawa sila ng malawakang pagsupil at pag-aresto sa mga hinirang ng Diyos. Isang araw, inaresto ako kasama ng ilang iba pa habang nasa isang pagtitipon. Hawak nila ako sa loob ng sampung araw sa paratang na paggambala sa kaayusan ng lipunan. Nang umuwi ako pagkatapos mapalaya, galit na galit ang asawa ko: “Alam mo ba? Nagtanong ang lahat ng amo at kasamahan ko tungkol sa pagkakaaresto mo dahil sa iyong pananampalataya. Hindi ko maipagmalaki ang sarili ko roon. Sobrang nakakahiya!” Sinabi ko sa kanya, “Tama at natural ang pagkakaroon ng pananampalataya. Ang pakikipagtipon at pagbabahagi ng ebanghelyo ay isang marangal na bagay na dapat gawin. Ang Partido ang masama, ipinipilit na arestuhin at usigin ang mga Kristiyano. Inuusig sa loob ng mahabang panahon ang tunay na daan. Inuusig ng mga pwersa ni Satanas ang mga nasa landas na ito. Hindi ba’t naaresto ang mga santo ng maraming kapanahunan dahil sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos?” Galit na galit siyang tumugon, “Linawin natin ang isang bagay. Kung mangangako kang titigil sa pananalig, magkakaroon tayo ng magandang buhay. Kung pananatilihin mo ang pananampalataya mo, maghihiwalay tayo! Hindi ako hahadlang sa kalayaan mong pumili!” Nakakagalit at nakakakilabot ang pananakot niyang hihiwalayan ako para isuko ko ang aking pananampalataya. Hindi ko akalain na itatapon niya ang mahigit sampung taong pagsasama namin dahil sa paniniil ng Partido Komunista. Kung magdidiborsyo man nga kami, tiyak na masasaktan ang mga anak namin. Ayaw kong makipagdiborsyo, pero mas lalo namang ayaw kong ipagkanulo ang Diyos at mawala ang pagkakataon kong sundin Siya at mailigtas. Hindi ko alam kung paano lalampasan ang sitwasyong ito. Nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na gabayan ako. Naisip ko ang siping ito ng Kanyang mga salita: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa pagsasaalang-alang sa mga salita ng Diyos, nakita ko na bagamat tila pang-aapi ito ng asawa ko, sa likod niyon, ginagamit siya ni Satanas para pigilan ako, para pilitin akong ipagkanulo ang Diyos at mawalan ako ng pagkakataong maligtas. Hindi ko pwedeng hayaang manaig ang pakana ni Satanas. Hinadlangan lang ako ng asawa ko dahil naniniwala siya sa mga sabi-sabi ng CCP. Kung ilalantad ko ang mga kasinungalingan nila sa kanya at magkaroon siya ng pagkakilala, baka tumigil na siya sa pang-aapi sa akin. Kaya sinabi ko sa kanya, “Ang kalapastanganan at paninira ng Partido sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mga tsismis lang na gawa-gawa nila. Pagkatapos ng lahat ng taong ito bilang reporter, hindi ba’t ikaw ang pinakanakakaalam sa totoong kwento ng pekeng balita ng Partido? Hindi ba lagi mong sinasabi na hindi kapani-paniwala ang Partido? Sino sa mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos na kilala natin ang nag-abandona sa kanilang mga pamilya? Matagal na akong nananampalataya, at hindi ko ba inaalagaang mabuti ang mga magulang at mga anak natin?” Hindi niya mapabulaanan ang sinabi ko, kaya galit na lang niyang sinabi, “Mukhang hindi ka matitinag. Sige, bahala kang manalig sa Diyos mo!” Pagkatapos ay malakas niyang isinara ang pinto at umalis.
Pagkatapos niyon, sa gulat ko, pumunta siya sa korte para mag-file ng diborsyo. Sinabihan kami ng huwes na dumaan sa isang tagapamagitan. Kinuha ng asawa ko ang payroll card ko at mga bank card ko, at palaging nananatili sa bahay pagkagaling ng trabaho para bantayan ako kaya hindi ako makapunta sa mga pagtitipon o makagawa ng tungkulin ko. Isang araw, tumawag ang pinuno ng nayon ng bayan namin at sinabi na ipinaalam ng pulisya sa komite ng nayon na tiyaking hindi ko susundin ang pananalig ko o ipapalaganap ang ebanghelyo at na bantayan ako ng asawa ko. Kung hindi, kung maaaresto ako, madadawit sila. Nang marinig ito, mas lalo akong pinaghigpitan ng asawa ko. Minsan, tahimik kaming nagbabahaginan ng biyenan ko sa mga salita ng Diyos sa kuwarto, pero narinig kami ng asawa ko, tapos ay sumugod at sumigaw siya, “Nananalig ka pa rin! Sarili mo lang ang iniisip mo, at hindi mo ako iniisip o ang mga anak natin. Kung maaaresto ka, madadamay kami!” Pagkasabi nito ay hinampas niya ako. Takot na takot ang mga bata kaya nagtago sila sa kanilang mga silid, hindi nangahas na lumabas, at umiyak sa lungkot ang biyenan ko. Galit na galit ako noon. Dahil lang sa pananampalataya ko, tinatakot ng Partido Komunista ang pamilya ko para hadlangan ako, na nakakasindak para sa aking 80-taong-gulang na biyenan at sa mga anak ko. Naging ganito na lang ang isang masayang-masayang pamilya. Sobra akong nalungkot at tumamlay. Palaging ginagamit ng asawa ko ang pananampalataya ko para magsimula ng away. Hindi ako makapagtipon o makagawa ng tungkulin ko. Nakakapagbasa lang ako ng mga salita ng Diyos kapag wala siya sa bahay. Talagang nangulila ako sa mga araw na nakakapagtipon ako kasama ang mga kapatid at nakakagawa ng tungkulin, pero ngayon ay naging isang kulungan na ang bahay ko. Dalawang buwan na akong nagtitiis sa panlalamig at mga panunumbat ng asawa ko araw-araw. Sobra akong miserable at nanlulumo. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos. Nang umabot sa isang partikular na punto ang paghihirap ko, nanalangin ako, “Makapangyarihang Diyos, sobra po akong nahihirapan at miserable. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang sitwasyong ito. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo po ako, para maunawaan ko ang kalooban Mo.” Nabasa ko ang mga salita ng Diyos pagkatapos kong manalangin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa loob ng libu-libong taon, ito ang naging lupain ng karumihan. Hindi matitiis ang karumihan nito, napakalungkot dito, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan, walang-awa at malupit, niyuyurakan ang bayang ito ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; ang amoy ng pagkabulok ay bumabalot sa lupain at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan. Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatakpan nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwala na ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay di-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; samantala, ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, at iiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kaya nakita kailanman ng mga taong nakatira sa ganitong bayan ng mga multo ang Diyos? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang sinimulang tratuhing kaaway ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinututulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang Partido Komunista ay isang pagsasakatawan ni Satanas, isang demonyong pumarito sa lupa. Sinasabi nito sa mundo sa labas na pinapayagan nito ang kalayaan sa relihiyon, pero sa likod niyon, galit na galit nitong sinasalungat ang Diyos at pinagmamalupitan ang Kanyang mga hinirang. Sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan ang Diyos na nagkatawang-tao para iligtas ang sangkatauhan. Natatakot ang Partido na kung mababasa ng mga tao ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mauunawaan nila ang katotohanan at makikita ang mala-demonyong mukha nito, at pagkatapos ay itatakwil at tatalikdan ito. Kung magkagayon ay habambuhay na masisira ang matinding ambisyon nito na kontrolin ang mga tao. Kaya ito galit na galit at nahihibang na tinutugis ang mga Kristiyano, inaaresto at inuusig ang mga hinirang ng Diyos nang sabay-sabay. Nag-iimbento ito ng lahat ng uri ng kasinungalingan para paratangan at siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, inililigaw ang maraming tao na hindi alam ang katotohanan, para hindi sila maglakas-loob na tanggapin ang tunay na daan. Maraming miyembro ng pamilya ng mga Kristiyano ang naniniwala sa mga kasinungalingan nito at pagkatapos ay inuusig ang mga hinirang ng Diyos kasama nito. Sa huli, dahil sa paglaban sa Diyos, mapupunta rin sila sa impiyerno. Habang mas iniisip ko ito, mas nakikita ko na talagang isang demonyo na napopoot sa Diyos at namiminsala ng mga tao ang Partido Komunista. Mahigpit itong kaaway ng Diyos at namumuhi ako rito mula sa kaibuturan ng puso ko. Nanumpa rin ako na tatalikdan at itatakwil ko ito, at susundin ko ang Diyos hanggang sa wakas.
May iba pa akong nabasa sa mga salita ng Diyos. “Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, sa lupaing ito, yaong mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pang-aapi…. Dahil ito ay sinimulan sa isang lupain na lumalaban sa Diyos, lahat ng gawain ng Diyos ay nahaharap sa malalaking balakid, at nangangailangan ng mahaba-habang panahon ang pagsasakatuparan sa marami sa Kanyang mga salita; sa gayon, ang mga tao ay pinipino dahil sa mga salita ng Diyos, na bahagi rin ng pagdurusa. Napakahirap para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon—ngunit sa pamamagitan ng paghihirap na ito ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, na nagpapamalas ng Kanyang karunungan at kamangha-manghang mga gawa, at ginagamit ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na dahil gumagawa ang Partido laban sa Diyos at kaaway Niya ito, tayong mga nananalig na nasa China ay tiyak na dadanas ng matinding pang-aapi at paghihirap. Inorden na ito ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mahihirap na sitwasyong ito para gawing perpekto ang ating pananampalataya, at para magkaroon din tayo ng pagkakilala sa malaking pulang dragon, at magawa natin itong kamuhian at itaboy, at hindi na mailigaw o mapinsala nito. Pero hindi ko alam ang kalooban ng Diyos. Naging negatibo ako, nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng laman, at hindi ko hinanap ang katotohanan o natuto ng aral. Napakarebelde ko. Ang Diyos ang pinakakataas-taasan pero tinitiis Niya ang gayong pasakit at kahihiyan para lang iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Nagkatawang-tao at pumarito Siya sa piling natin para magsalita at gumawa, patuloy na tinitiis ang pagtugis at pag-uusig ng masamang Partido Komunista at ang pagkondena ng mundo ng relihiyon. Pero hindi kailanman sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Patuloy Siyang nagpapahayag ng mga katotohanan, nagdidilig at nagtutustos sa atin. Tiniis ng Diyos ang lahat ng kahihiyan at pasakit na ito alang-alang sa ating kaligtasan. At ngayong medyo nahihirapan ako na sundin ang Diyos at hangarin ang kaligtasan, wala akong tunay na pananalig at pagsunod sa Diyos sa puso ko. Napakaliit ng tayog ko. Sa puntong ito, napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsensya, at nagpasya ako na paano man ako tratuhin ng asawa ko, hindi ako patuloy na magpapatalo sa mga kahinaan ng laman, bagkus ay aasa ako sa Diyos para manindigan, at hinding-hindi padadaig o susuko kay Satanas. Pagkatapos niyon, kahit na inaapi pa rin ako ng asawa ko at hinahadlangan ako, nanalangin at sumandal ako sa Diyos, at hindi na ako gaanong nasasaktan dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos.
Minsan, nang malaman ng asawa ko na ibinahagi ko ang ebanghelyo sa isang dating kaklase, umuwi siya at pinagalitan ako, “Sinasabi ng Partido na sinisira ng ipinapangaral mo ang mga pamilya ng mga tao. Binabalaan kita, mas mabuting huwag kang magpatuloy sa pag-eebanghelyo sa mga kaklase at kaibigan mo, o wala na akong mukhang maihaharap.” May mga sinabi rin siya na lumalapastangan sa Diyos. Nagngingitngit ako nang makita ko ang mabangis niyang hitsura ng pagkamuhi sa Diyos. Ibinabahagi namin ang ebanghelyo para magkaroon ng pananampalataya ang mga tao at matanggap ang pagliligtas ng Diyos, pero binabaliktad ng Partido ang mga bagay-bagay. Nag-iimbento sila ng lahat ng uri ng kasinungalingan, sinasabing pinaghihiwalay namin ang mga pamilya ng mga tao. Masama ito at walang kahihiyan! Sa loob ng maraming taon, gumagawa na ang Partido Komunista laban sa Diyos, inaaresto ang mga mananampalataya, nagsasanhi ng pagkaaresto at pagkakulong ng napakaraming Kristiyano. Maraming Kristiyano ang tumatakas para maiwasan ang pag-aresto at hindi na sila makauwi. Napakaraming pamilya ang nagkawatak-watak, nagkahiwalay ang mga magulang at mga anak. Ang Partido ang may kasalanan sa lahat ng pagkawasak ng mga Kristiyanong pamilyang ito! Ang makita ang asawa ko na nalinlang ng mga kasinungalingan ng Partido, hindi matukoy ang tama sa mali, sobrang namumuhi sa Diyos at sa mga taong may pananampalataya, ay nagpaalala sa akin sa mga salita ng Diyos: “Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. … Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). “Bakit minamahal ng isang lalaki ang kanyang asawa? Bakit minamahal ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga layon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang layon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanasa?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang sumusuway-sa-Diyos na kalikasan at diwa ng asawa ko. May pananampalataya ako at nagbabahagi ako ng ebanghelyo, kaya ginamit niya ang lahat ng paraan para apihin ako, pigilan ako, at magsabi ng mga bagay na lumalapastangan sa Diyos. Kung titingnan, parang ako ang pinupuntirya nito, pero sa katunayan, ang kinamumuhian niya ay ang katotohanan, at ang Diyos. Hindi ko nakita ang diwa ng asawa ko noon. Sa buong pagsasama namin, naging mapagmalasakit at maasikaso siya sa akin, at nakasama ko siya sa lahat ng bagay, kaya inakala kong mabait siya sa akin. Hindi ko kailanman naisip na sa sandaling makita niya na sinusupil ng Partido ang pananampalataya ko at maaapektuhan nito ang reputasyon at kinabukasan niya, ganap siyang magiging ibang tao—sinisimulan akong bugbugin, ginagamit ang lahat ng paraan para ilayo ako sa aking pananampalataya, at nilalapastangan ang Diyos. Pagpapamalas ito ng isang demonyo. Noong una, nag-iilusyon ako na nailigaw lang siya ng mga kasinungalingan ng Partido Komunista, at kung magkakaroon siya ng pagkakilala sa mga ito, siguro ay hindi siya magiging masyadong mapang-api. Ngayon alam kong mali ako. Reporter ang asawa ko, kaya alam na alam niya ang tagong kwento ng pag-iimbento ng Partido ng pekeng balita, pero pinaniwalaan pa rin niya ang mga kasinungalingan nila at inusig ang aking pananampalataya. Sa diwa, isa siyang demonyo na napopoot sa Diyos. Malinaw ko ring nakita na naging mabuti siya sa akin noon para lang gamitin ako upang isilang ang mga anak niya at alagaan ang mga bata at matatanda sa pamilya. Hindi talaga ito tunay na pagmamahal. Ipinaalala nito sa akin ang mga salita ng Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Isa akong mananampalataya—sinusunod ko ang Diyos, hinahangad ang katotohanan, at nasa tamang landas ako. Sinusunod ng asawa ko ang Partido Komunista at nasa landas siya na laban sa Diyos. Hindi pareho ang tinatahak naming landas. Nagsasama kami nang walang anumang pagmamahalan—likas na masakit iyon. Nang maging malinaw na iyon, binitawan ko na ang lahat ng ilusyon ko tungkol sa kanya. Noong panahong iyon, limitado ang pagkakataon kong magbasa ng mga salita ng Diyos at hindi ako makadalo sa mga pagtitipon, lalong hindi ako makagawa ng tungkulin. Napakamiserable ko. Sa loob ng ilang araw na iyon, taimtim akong nagdarasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na magbukas ng landas.
Pagkatapos isang gabi, sinabi ng asawa ko, “Pumunta ako sa isang manghuhula ngayong araw para magtanong tungkol sa propesyon ko, at kung kailan magiging pabor sa akin ang mga bagay-bagay.” Nang hindi nag-iisip, sabi ko, “Anong klaseng mananampalataya ka—naniniwala ka sa masamang basurang iyan?” Nagulat ako ng biglang magbago ang mukha niya at sinuntok niya ako sa tiyan. Naghihisterya siyang bumulyaw, “Kung igigiit mong panatilihin ang pananalig mo, lumayas ka sa bahay na ito!” Sa sandaling iyon, napakasakit nito na parang natanggal sa kinalalagyan ang mga lamang-loob ko. Napahiga ako sa sahig, hawak ang tiyan ko sa sakit. Iniisip ko na sa bahay na iyon, araw-araw akong inaapi ng asawa ko. Hindi ako makapagbasa ng mga salita ng Diyos, makadalo sa mga pagtitipon o makagawa ng isang tungkulin. Kung magpapatuloy iyon, hindi ko mahahanap ang katotohanan, at mapapahamak lang ako sa huli. Ngayon ay nagiging bayolente na siya sa akin at pinagbabantaan akong palalayasin. Hindi ko na kayang tiisin ang pasakit na iyon, ang paghihirap na iyon. Nagpasya akong iwan siya, para palayain ang sarili ko mula sa bilangguan ng tahanang iyon, para makawala sa impiyernong buhay na iyon. Noong gabing iyon, nakahiga ako sa kama habang umiiyak sa pighati. Habang tinitingnan ang bahay na pinaghirapan naming itayo, iniisip ang pagsasama namin ng mahigit sampung taon na malapit nang gumuho, ang napakagandang pamilya na sinira ng Partido Komunista, napuno ako ng panghihina, lalo na nang maisip ko kung ano ang magiging kalagayan ng mga anak namin—kayang alagaan ng aming panganay na anak na babae ang kanyang sarili, pero apat na taong gulang pa lang ang bunso namin at may mga problema siya sa kalusugan. Buong-puso ko siyang inaalagaan sa loob ng maraming taon. Hindi siya kailanman nawalay sa akin. Tumatanda na rin ang biyenan ko. Sino ang mag-aalaga sa mga bata kung maghihiwalay kami? Nakakadurog ng puso ang isiping ito. Nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na bigyang-liwanag ako at tulungan akong maunawaan ang Kanyang kalooban. Naisip ko ang ilan sa mga salita ng Diyos pagkatapos manalangin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanyang paglaki hanggang sa kanyang pagtanda. Sa prosesong ito, walang nakadarama na lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na lumalaki siya sa ilalim ng mapagmahal na pangangalaga ng kanyang mga magulang, at na ang likas na pag-uugali niya sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng kanyang pag-iral, at na mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang naaalala ang tao, kaya nga inaaksaya niya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala ni isa sa sangkatauhang ito na pinangangalagaan ng Diyos gabi’t araw ang nagkukusang sambahin Siya. Patuloy lang ang Diyos sa paghubog sa tao, nang walang anumang inaasahan, tulad ng naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa kanyang panaginip at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang katumbas ng lahat ng naibigay ng Diyos sa kanya, at ang sabik na kahilingan ng Diyos na bumalik ang tao sa Kanya” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang sapat na paniniwala sa Akin? O ito ba’y dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo? Bakit ka laging nag-aalala sa pamilya ng iyong laman? Lagi kang nasasabik sa iyong mga mahal sa buhay! Mayroon ba Akong puwang sa puso mo?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na Siya ang pinagmumulan ng buhay ng tao, at Siya ang naghahari sa ating mga kapalaran. Lumaki mang ligtas at maayos ang mga anak natin ay wala sa ilalim ng ating kontrol bilang mga magulang, kundi lahat ito ay itinakda ng Diyos. Ang kalusugan ng bunso kong anak na babae, kung ano ang kakaharapin niya sa buhay, at kung anong uri ng kapalaran ang mayroon siya ay pauna nang itinakda lahat ng Diyos. Anuman ang isinasaayos ng Diyos ay magiging pinakamainam, pinakaangkop. Pero kulang ang pananalig ko sa Diyos. Palagi kong iniisip na kailangan ako ng mga anak ko sa kanilang tabi, inaalagaan sila para lumaki silang malusog. Hindi ko sila ipinagkakatiwala sa Diyos. Mayabang ako at mangmang. Bilang isang ina, kung nasa tabi ako ng anak ko, ang magagawa ko lang ay panatilihin siyang may naisusuot at nakakain, pero hindi ko kayang kontrolin ang kapalaran niya. Ngayon ay kailangan kong magpasakop sa pamumuno at pagsasaayos ng Diyos at ipagkatiwala siya sa Diyos, bitawan ang lahat ng alalahanin ko, sundin ang Diyos, ibahagi ang ebanghelyo, at gawin ang aking tungkulin. Napakalaya ng pakiramdam ko na maunawaan ang kalooban ng Diyos.
Inasikaso namin ng asawa ko ang mga paglilitis sa diborsyo kinabukasan. Nang malaman ng opisyal na dahil ito sa isa akong mananampalataya, pinayuhan niya ako, “Dahil tungkol ito sa relihiyon, kapag pumirma ka na, mawawala na ang asawa mo, mga anak, at bahay. Mas mabuting sigurado ka.” Nang marinig ko ito, medyo nag-atubili ako. Bagamat nakita ko na ang laban-sa-Diyos na diwa ng asawa ko at handa na akong ipagkatiwala ang mga anak ko sa Diyos, nag-alinlangan ako sa isiping mawawala ang bahay ko, mga anak ko at ang lahat sa pagpirmang ito. Nang mapagtantong wala ako sa tamang kalagayan, tahimik akong nagdasal, pagkatapos ay naisip ko ito mula sa mga salita ng Diyos: “Isa kang nilalang—mangyari pa ay dapat mong sambahin ang Diyos at mamuhay nang makahulugan. Kung hindi mo sasambahin ang Diyos kundi mamumuhay ka ayon sa iyong maruming laman, hindi ba isang hayop ka lamang na nakasuot ng damit ng tao? Dahil isa kang tao, dapat mong gugulin ang sarili mo para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang masaya at may katiyakan ang kaunting pagdurusang pinagdaraanan mo ngayon at mamuhay ka nang makahulugan, kagaya nina Job at Pedro. … Kayo ay mga taong patuloy na naghahanap sa tamang landas, yaong mga naghahangad ng paglago. Kayo ay mga taong naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). Agad na nakapagbibigay-liwanag ang mga salita ng Diyos. Totoo ito—isa akong nilikha, at ang pagsamba sa Diyos ay isang hindi ko maiiwasang tungkulin. Ang isuko lahat para sundin ang Diyos, hangarin ang katotohanan at buhay ay ang tamang landas sa buhay. Iyon ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay. Nagpakita na ang Diyos at gumagawa sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan, na isang napakahalagang pagkakataon. Ang maging mapalad na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos at makamit ang pagtustos ng Kanyang mga salita ay biyaya at awa ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay malapit nang matapos ngayon. Dapat kong isantabi ang lahat, gugulin ang sarili ko para sa Diyos, at gawin ang aking tungkulin. Kung hindi, mapapalampas ko ang pagkakataon kong mailigtas, na magiging panghabambuhay na pagsisisi. Pero sumunod ang asawa ko sa Partido Komunista, ginagawa ang lahat para hadlangan at apihin ako, tinatrato ako na parang kaaway. Binubugbog niya ako sa mismong pagbanggit lang ng salitang “Diyos.” Habang nasa bahay na iyon, hindi ako makapagbasa ng mga salita ng Diyos, o makalabas para dumalo sa mga pagtitipon o gumawa ng tungkulin. Ang pakikipagdiborsiyo ang tanging paraan para makapanampalataya at makasunod ako sa Diyos. Hindi ba’t magiging walang kabuluhan ang mamuhay nang ganoon? Mapupunta lang ako sa impiyerno, mapaparusahan kasama si Satanas. Nahaharap sa mga katunayan, malinaw na malinaw na ang asawa at tahanan ko ay hindi ang aking sandigan. Mga kasangkapan ang mga ito, mga kadena na ginamit ni Satanas para saktan ako at sirain ako. Tanging ang Diyos ang aking sandigan, at ang Diyos lang ang panustos sa buhay ko. Ang pagsunod sa Diyos at paggawa ng tungkulin ng isang nilikha ay ang tanging paraan para mailigtas ng Diyos at magkaroon ng magandang kapalaran at hantungan. Naisip ko si Pedro, na kumawala sa mga paghadlang ng kanyang mga magulang na manampalataya siya, at nakamit ang katotohanan at buhay. Isinuko niya ang lahat para sundan ang Panginoong Jesus. Kailangan kong tularan ang halimbawa ni Pedro, kumawala sa mga gapos ng aking demonyong asawa at buong-pusong sundan ang Makapangyarihang Diyos. At kaya, pinirmahan ko ang mga papeles ng diborsyo nang walang pag-aalinlangan.
Pagdating ko sa bahay, sabi ng panganay ko, “‘Nay, tama ang manalig sa Diyos, pero kung tinatrato ka ni Itay nang ganyan, ayaw kong magdusa ka. Suportado ko ang hiwalayan ninyo.” Labis na nagpalakas ng loob ko ang marinig siyang sabihin iyon. Nang mabalitaan ng mga kaibigan ko ang tungkol sa diborsyo, halos dalawampu sa kanila ang magkakasamang dumating, iginigiit na isuko ko ang aking pananampalataya. Matatag at may matibay na paniniwalang sinabi ko sa kanila, “Ang pananalig sa Diyos ang tamang landas. Inalagaan ko nang mabuti ang mga magulang at mga anak ko, pero naniwala siya sa mga kasinungalingan ng Partido at humadlang sa aking pananampalataya. Binugbog niya ako at sinigawan, at pinilit ako sa hiwalayang ito. Namumuhay ako nang walang integridad o dignidad. Wala na akong magagawa. Ang Partido Komunista ang sumira sa pamilya namin!” Wala silang masabi bilang tugon.
Pagkatapos niyon, umalis ako ng bahay at sumama sa mga gumagawa ng kanilang tungkulin. Sinimulan kong ipalaganap ang ebanghelyo kasama ang mga kapatid, magbasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, magbahagi sa katotohanan, at tamasahin ang pagtustos ng mga salita ng Diyos. Panatag at payapa ang pakiramdam ko. Matapos usigin ng Partido Komunista, at apihin ng aking asawa, nakita ko nang husto ang masamang mukha ng pagkapoot sa Diyos at pagwasak sa mga tao ng Partido. Ito talaga ang pagsasakatawan ni Satanas, at ang mahigpit na kaaway ng Diyos. Kinamumuhian at tinatanggihan ko ito mula sa kaibuturan ng aking puso. Nagkamit din ako ng pagkakilala sa tunay na laban-sa-Diyos na diwa ng asawa ko at nakawala sa kulungan ng tahanang iyon. Lahat iyon ay pagliligtas ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Joanne, Timog KoreaIsang araw, binanggit sa akin ng dalawang lider ng iglesia ang isang isyu. Sinabi nila na si Isabella, na siyang...
Hu Qing Lungsod ng Suzhou, Lalawigan ng Anhui Nang makita ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Laging gusto niyaong mga naglilingkod...
Ni Yang Mei, Tsina Noong 2007 bigla akong nagkasakit ng di-gumagaling na sakit sa bato. Nang marinig nila ang balita, ang Kristiyano kong...
Ni Zhang Cheng, Lalawigan ng Shandong Sa bawa’t pagkakataon na nakita ko ang ilang lider at kapwa manggagawa sa iglesia na nagiging...