Nang Sinubukan ng Pamilya Ko na Pigilan Akong Manalig sa Diyos

Oktubre 13, 2022

Ni Jin Yue, Malaysia

Noong Marso ng 2018, ipinangaral sa akin ng mga kamag-anak ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at inimbitahan akong dumalo sa isang online na pagtitipon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at naparito upang lubusang linisin at iligtas ang mga tao, palayain ang mga tao sa kasalanan, at dalhin sila sa kaharian ng Diyos. Bagamat nananalig ako sa Panginoon noon, at aktibo akong nakilahok sa church service, ginugol ko ang aking mga araw sa isang siklo ng pagkakasala at pagtatapat, hindi ko maisagawa ang salita ng Panginoon, at namuhay ako sa pasakit. Ngayon, sa wakas nakahanap na ako ng paraan para malinis ako sa katiwalian, kaya tuwang-tuwa ako, at natitiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Nagsimula akong dumalo sa mga online na pagtitipon kasama ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinabi ko sa nanay ko ang tungkol sa liwanag na nakamit ko sa mga pagtitipon. Sinabi niya na kapaki-pakinabang ang sinabi ko sa kanya, at interesado siya sa mga sermon na narinig ko online, kaya niyaya ko siyang dumalo sa mga online na pagtitipon kasama ko. Sa hindi inaasahan, huminto siya sa pakikinig sa kalagitnaan, at pagkatapos ay sinubukan akong pigilan sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos.

Isang araw, bigla akong tinanong ng nanay ko, “Ang pagbabahagi ba sa pagtitipon nung isang araw ay isang sermon ng Kidlat ng Silanganan?” Sa biglaang tanong ng nanay ko, hindi ko alam kung paano ako sasagot noong una. Naisip ko, “Laging nakikinig ang aking nanay sa pastor. Kung tinatanong niya sa akin ito, nalinlang ba siya ng mga tsismis ng pastor na kumokondena sa Kidlat ng Silanganan?” Gaya nga ng naisip ko, nang matapos akong magsalita, sinabi niya sa nag-aakusang tono, “Isipin mo ang sinasabi ng Bibliya, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Maraming beses na binanggit ng pastor ang mga talatang ito. Sa mga huling araw, maraming huwad na Cristo ang lilitaw para linlangin ang mga tao. Lalo na sa kaso ng Kidlat ng Silanganan, nagpapatotoo sila na ang Panginoong Jesus ay nagbalik nang nagkatawang-tao. Siguradong hindi ito totoo. Sinabi sa atin ng pastor na huwag nating paniwalaan ito, at huwag makinig sa mga sermon nila! Dapat mo ring gawin ang sinasabi ng pastor. Tumigil ka na sa pakikinig sa mga sermon na ‘yan!” Nagalit ako nang marinig kong sabihin iyon ni nanay. Hindi pa narinig ng pastor ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos o nasiyasat ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Paano niya nagawang kondenahin nang ganoon kadali ang pagbabalik ng Panginoon? Hindi pa rin nabasa ng ina ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Paano siya naging hindi mapanuri, at basta na lang sumunod sa sinasabi ng pastor na hindi ito totoo? Maraming taos-pusong mananampalataya sa Panginoon ang nakabasa na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakilala ito bilang tinig ng Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naramdaman ko rin ang awtoridad at kapangyarihan ng mga ito. Galing ang mga ito sa parehong pinagmulan ng mga salita ng Panginoong Jesus, at ito ang tinig ng Diyos Mismo. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Paano nila nasabing Siya ay isang huwad na Cristo na nilinlang ang mga tao?

Si Brother Cheng na mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagbahagi sa aspetong ito ng katotohanan, at binasa niya sa akin ang ilang salita ng Diyos, “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Paunang Salita). “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Nagbahagi rin sa akin si Brother Cheng tungkol sa salita ng Diyos, sinasabing, “Sa pagtukoy sa pagitan ng tunay na Cristo at mga huwad na Cristo, dapat muna nating tingnan kung kaya nilang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang pinakamahalaga at pangunahing prinsipyo. Si Cristo lang ang nakakapagpahayag ng katotohanan, at ang isang taong hindi nakakapagpahayag ng katotohanan ay tiyak na hindi si Cristo. Ang mga huwad na Cristo ay hindi nagtataglay ng diwa ng Diyos at hindi nakakapagpahayag ng katotohanan. Kaya lamang nilang gayahin ang Panginoong Jesus at magpakita ng mga simpleng tanda at kababalaghan para linlangin ang mga magulo ang isip at walang pagkakilala. Kaya, kung may sinumang nagsasabi na siya ang pagparito ni Cristo, pero hindi nakakapagpahayag ng katotohanan kahit kaunti, at nakakapagpakita lang ng mga tanda at kababalaghan, isa siyang masamang espiritung nanggagaya at huwad na Cristo na nanlilinlang sa mga tao. Tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at Siya lamang ang nakakapagpahayag ng katotohanan at nakakagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang Panginoong Jesucristo ay nagpahayag ng maraming katotohanan noong nagpakita Siya at gumawa, binigyan Niya ang mga tao ng landas ng pagsisisi at tinubos ang buong sangkatauhan, at sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang dahilan kung bakit nakikilala nating lahat na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo. Sa mga huling araw, pumarito ang Makapangyarihang Diyos upang ipahayag ang lahat ng katotohanang kailangan sa pagliligtas ng tiwaling sangkatauhan. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may awtoridad at kapangyarihan, at ang inihahayag ng mga ito ay ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos. Binubuksan Niya ang balumbon, binubuksan ang pitong tatak, inihahayag ang mga misteryo ng Bibliya, winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya, sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian, at ginagawa ang gawain ng paghatol upang ganap na iligtas ang sangkatauhan. Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na nagpapatunay na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao, ang pagpapakita ni Cristo sa mga huling araw.” Nang maisip ito, lumiwanag ang puso ko. Sinabi ko sa nanay ko, “Bakit ba masyado kang naniniwala sa mga salita ng pastor? Nananalig tayo sa Panginoon, kaya dapat nating pakinggan ang Kanyang mga salita. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig(Juan 10:27). Malinaw na ibinabahagi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan tungkol sa tunay na Cristo at sa mga huwad. Si Cristo ay Diyos na nagkatawang-tao bilang Anak ng tao. Dahil si Cristo ay Diyos Mismo, nakakapagpahayag Siya ng katotohanan at nakakagawa upang iligtas ang mga tao. Ang mga huwad na Cristo ay mga tiwaling tao, mga imitasyon, na hindi nakakapagpahayag ng katotohanan o nakakapagligtas ng sangkatauhan, at nakakapagpakita lamang ng mga tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Sa mga huling araw, pumarito ang Makapangyarihang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol, ibig sabihin ay ipinapahayag Niya ang katotohanan upang lubusang linisin at iligtas ang mga tao. Kung mas babasahin pa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, matutukoy natin ang tunay na Cristo sa mga huwad, at maririnig natin ang tinig ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. …” Bago pa ako matapos, huminto na sa pakikinig ang nanay ko. Gusto kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa nanay ko pero galit siyang umalis. Matapos marinig ng mga kapatid ko ang tungkol dito, sinabi nila sa’kin na nalinlang ng pastor ang nanay ko at hindi naunawaan ang katotohanan ng pagtukoy sa tunay na Cristo at sa mga huwad, kaya nagkamali siya ng pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Sinabi rin nila sa akin na mas ibahagi ko ang katotohanan sa kanya at mapagmahal na lutasin ang kanyang mga kuru-kuro at kalituhan. Pagkatapos nun, nakahanap ako ng pagkakataong magbahagi sa kanya kung paano tukuyin ang tunay na Cristo at mga huwad. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko, naramdaman niyang may katuturan ito at naaayon sa Bibliya, hindi na siya gaanong tutol sa mga online na pagtitipon ko, at sinabi niyang gusto niyang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Napakasaya ko dahil dito, kaya nag-download ako ng app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sa nanay ko at inimbitahan siya sa isang pagtitipon. Pero bago ang pagtitipon, nakakita siya ng mga tsismis ng pastor na naka-post online at sinimulan na naman akong hadlangan.

Isang araw, habang nasa trabaho ako, pinadalhan ako ng nanay ko ng isang screenshot ng video ng mga relihiyosong pastor na nilalapastangan at kinokondena ang Iglesia, at hiniling sa akin na panoorin ko ang video. Pagtingin ko sa screenshot, galit na galit ako. Bakit walang ni katiting na takot sa Diyos ang mga relihiyosong pastor na ito? Nagpapakalat sila ng mga kasinungalingan at tsismis para kondenahin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at hadlangan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Napakasama nila! Hindi ko maintindihan. Bilang mga pinuno ng relihiyon, ang mga pastor ay mga taong naglilingkod sa Diyos sa simbahan. Bakit, nang pumarito ang Panginoong Jesus, hindi nila sinasalubong ang Panginoon, kundi sa halip ay nilalabanan nang ganito ang pagbabalik ng Panginoon? Nanalangin ako sa Diyos para maghanap. Pagkatapos magdasal, naalala ko ang katagang, “Ang tunay na daan ay inuusig mula pa noong sinaunang panahon.” Napagtanto ko kaagad na sa Kapanahunan ng Biyaya, nang pumarito ang Panginoong Jesus upang gumawa, sumailalim din Siya sa pag-uusig at pagkondena ng mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Pariseo ng relihiyong Hudyo. Iyon ang mga taong nagpaliwanag ng mga Kasulatan at naglingkod sa Diyos sa mga sinagoga. Habang naiisip ko ito, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na ang ugat ng paglaban at pagkondena ng mga Pariseo sa Panginoong Jesus ay ang kanilang kalikasan at diwa ng pagkapoot sa katotohanan at pagkalaban sa Diyos. Hindi sila natakot sa Diyos o naghanap ng katotohanan. Malinaw nilang nakita na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihan, pero dahil hindi ito umaayon sa kanilang mga kuru-kuro, itinatwa, tinanggihan, siniraan, at kinondena nila ang Panginoong Jesus, at sa huli ay ipinako ang Panginoon sa krus. Pagdating sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang mga pastor at elder sa kasalukuyang mundo ng relihiyon ay matigas ding kumakapit sa mga kuru-kurong panrelihiyon. Gaano man karaming katotohanan ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, o gaano man kamaawtoridad ang Kanyang mga salita, kung hindi ito umaayon sa kanilang mga kuru-kuro, matindi nilang nilalabanan at kinokondena ito, at nagpapakalat sila ng mga tsismis para pigilan tayong magsiyasat, umaasang lubusan nila tayong makokontrol at pinipigilan tayo na marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon. Napakalupit nila! Hindi ba’t ito rin ang diwa ng mga Pariseo na lumalaban at kumokondena sa Panginoong Jesus? Mas malubha nilang nilalabanan ang Diyos kaysa sa mga Pariseo! Nakita ko rin ang katunayan na dahil ang diwa ng mga anticristo sa mundo ng relihiyon ay pagkamuhi sa katotohanan, anuman ang kapanahunan o saanman nagpapakita at gumagawa ang Diyos, lagi nila Siyang tatanggihan at lalabanan. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, “Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Naintindihan ko na ang puntong ito, hindi na ako nalilito, at nagpasya akong bigyan ng maayos na pagbabahagi ang nanay ko pagkauwi ko.

Nang makauwi na ako, galit na galit ang nanay ko nang malaman niyang hindi ko pinanood ang video na pinadala niya, at bago pa ako makapagpaliwanag, paulit-ulit niya akong tinanong kung bakit hindi ko ito pinanood. Bilang sagot, tinanong ko siya, “Napakalinaw na nagsasalita ang Makapangyarihang Diyos, pero hindi ka naghahanap o nagsisiyasat. Bakit mo pinapanood ang mga kalapastanganang video na ito?” Sa puntong ito, lalo siyang nagalit at inakusahan ako ng maling paniniwala. Nalungkot ako nang husto nang makita siyang galit na galit. Ang dahilan kung bakit pilit akong hinahadlangan ng nanay ko na manalig sa Makapangyarihang Diyos ay na nalinlang siya ng mga tsismis ng pastor. Dahil dito, lalo akong namuhi sa mga pastor. Katulad sila mismo ng sinabi ng Panginoong Jesus nang sumpain Niya ang mga Pariseo, “Datapuwat sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Pagkatapos nun, hinimok ko ang nanay ko na makinig sa mga salita ng Diyos, hindi sa mga salita ng mga tao, kung hindi ay madali niyang maiwawala ang pagliligtas ng Diyos, at sinabi kong hinding-hindi ako titigil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Nang makitang wala akong balak sumuko, napalitan ng pag-aalala ang tono ng nanay ko, at hiniling niya sa akin na huminto ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Sinubukan ko ang lahat ng uri ng paraan para magbahagi sa nanay ko, pero hindi siya nakinig sa anumang sinabi ko, at sinabi niyang hindi niya matanggap ang katunayang bumalik na ang Panginoon. Maya-maya ay tinakpan niya ang mukha niya at nagsimulang umiyak. Labis akong nabalisa nang makita ko siyang umiiyak. Sa aking paglaki, wala na akong mas kinatatakutan pa kaysa makita siyang umiiyak at nalulungkot. Sa paningin ng nanay ko, palagi akong isang masunuring anak, pero ngayon ay nag-aalala at nalulungkot siya dahil sa’kin. Naisip ko na marahil ay mas mabuti kung makinig ako sa kanya at tumigil muna sa pagdalo sa mga pagtitipon. Pero kung iisipin pa, noong nanalig ako sa Panginoon dati, palagi kong inuuna ang paglilingkod sa simbahan at pangalawa ang sarili kong kapakanan. Ngayon ay tinanggap ko na ang bagong gawain ng Diyos, mas lalong mahalaga higit kailanman na unahin ko ang Diyos. Wala akong masyadong nauunawaan na katotohanan, kaya lalong kailangan kong dumalo sa mga pagtitipon. Kung walang mga pagtitipon, hindi ko makukuha ang tulong at suporta ng mga kapatid ko. Ano ang gagawin ko kung natukso ako o ginulo at hindi makapanindigan? Pero kung hindi ako hihinto sa pagdalo sa mga pagtitipon, napakahirap para sa’kin na makitang masyadong nalulungkot ang nanay ko araw-araw! Naipit ako, kaya nanalangin ako sa Diyos para hilingin sa Kanya na gabayan akong pumili nang tama.

Sa pagtitipon ko nung gabing ‘yon, sinabi ko sa isang sister ang kalagayan ko, at pinadalhan niya ako ng isang sipi ng salita ng Diyos. “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Nagbahagi siya, “Ang nangyayari sa’yo ay maaaring mukhang tila ginagambala at hinahadlangan ka ng pamilya mo habang sinusunod mo ang Makapangyarihang Diyos, pero nasa likod nito ang pagmamanipula ni Satanas. Isa itong espirituwal na labanan. Ang Diyos ay pumarito na nagkatawang-tao sa mga huling araw upang iligtas ang mga tao, pero ayaw ni Satanas na makamit ng mga tao ang kaligtasan ng Diyos, kaya ginagamit nito ang mga tao sa paligid natin para guluhin at hadlangan tayo, para itatwa at ipagkanulo natin ang Diyos, at sa huli ay sinasakop tayo, kinokontrol, at hinihila tayo pababa sa impiyerno kasama nito. Katulad na lang ng panahong ito, katatanggap mo lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at inaatake at ginugulo ka ni Satanas sa pamamagitan ng nanay mo, para sundin mo ang nanay mo, isuko ang pananalig mo sa Diyos, at maiwala ang kaligtasan ng Diyos. Ito ang masamang layunin ni Satanas. Kailangan nating mahalata ang mga panlilinlang ni Satanas at umasa sa Diyos para manindigan. Isipin mo si Job. Nang gamitin ni Satanas ang mga reklamo ng asawa niya upang talikdan niya ang Diyos, pinanatili ni Job ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos, nanindigan siya sa kanyang patotoo sa Diyos, at ipinahiya si Satanas. Sa huli, natamo ng pananampalataya ni Job ang pagsang-ayon ng Diyos. Kailangan din nating magkaroon ng pananalig na manindigan at hindi mahulog sa mga panlilinlang ni Satanas!” Labis na nakakaantig ang pagbabahagi ng sister ko sa salita ng Diyos. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, maraming balakid ang kinaharap ko sa bawat hakbang, at iyon pala ay may espirituwal na labanan sa likod nito. Alam ni Satanas na maalalahanin ako sa nanay ko at nakikinig ako sa kanya, kaya ginamit nito ang nanay ko para paulit-ulit akong guluhin, punuin ako ng mga kuru-kuro at maling paniniwala, magkalat ng mga tsismis para linlangin ako, at pilitin akong huminto sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos. Talagang tuso at masama ang mga layunin ni Satanas. Hindi ko pwedeng hayaan ang sarili kong malinlang ni Satanas. Nagpasya ako na paano man ako guluhin ng nanay ko, patuloy akong mananalig sa Diyos at makikipagtipon sa mga kapatid ko upang hanapin at unawain pa ang katotohanan.

Sa sumunod na ilang araw, mukhang malungkot ang nanay ko at naghihimutok araw-araw, at kapag nakikita niya akong nakikipagtipon online, sinusungitan niya ako. Kapag nakikitang ganito ang nanay ko, medyo napipigilan pa rin ako, pero alam kong hindi ako pwedeng makipagkompromiso sa usapin ng pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Naalala ko ang mga salita ng Diyos, “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala. Gayunman, para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaang ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Lubos na napalinaw ng mga salita ng Diyos ang isipan ko. Napagtanto ko na dumating na naman sa akin ang mga pakana ni Satanas. Nakita ni Satanas na hindi ko isinuko ang pananalig ko sa Diyos, kaya ginagamit pa rin nito ang nanay ko para atakihin at guluhin ako, para imposibleng makahanap ako ng katahimikan para makadalo nang maayos sa mga pagtitipon. Kailangan kong umasa sa Diyos upang mapagtagumpayan ang tukso ni Satanas, at ganap na ipahiya si Satanas. Pagkatapos nun, aktibo kong kinakausap ang aking ina araw-araw, ipinapakita sa kanya ang karaniwan kong pag-aalala at pagmamalasakit, pero sinusubukan ko siyang iwasan kapag oras na para sa mga pagtitipon at pagbabasa ng salita ng Diyos. Unti-unti, tumigil ang nanay ko sa masyadong pakikialam sa pananalig ko sa Diyos, at ni hindi na nagsasalita ng kahit ano kapag nakikita niya akong nakikipagtipon online. Lubos akong nagpapasalamat sa patnubay ng Diyos sa pagdaig ko sa tukso ni Satanas.

Pero sa hindi inaasahan, makalipas ang ilang panahon, nalaman ng tatay ko at kapatid kong lalaki na nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos, at sinubukan nila akong hadlangan at pabalikin sa relihiyon. Isang araw, galit na galit ang kapatid ko at inakusahan ako, “Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Nag-aalala at nalulungkot si nanay tungkol sa pananalig mo sa Diyos. Paanong hindi ka nakokonsensya? Ang buong pamilya natin ay hindi sumasang-ayon sa pananalig mo sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ka ba pwedeng sumuko na lang para mapasaya sina nanay at tatay?” Nang maharap sa mga maling pagkaunawa at akusasyon ng pamilya ko, pakiramdam ko’y tinatrato ako nang masama, at hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Gusto ko talagang sabihin sa kanila ang lahat ng nakamit ko sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos, pero inakusahan at pinagalitan nila ako sa bawat salitang binibigkas nila. Hindi ko maiwasang medyo manghina. Tahimik akong tumawag sa Diyos, humihiling sa Diyos na bigyan ako ng pananalig na manindigan. Pagkatapos kong manalangin, naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin(Mateo 10:37). “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios, Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay(Lucas 18:29–30). Ngayon ay hinahadlangan ako ng pamilya ko na manalig sa Diyos. Kung gusto kong sundin ang Diyos, kailangan kong pumili. Hindi ako pwedeng huminto sa pagsunod sa Diyos dahil lang sa panghahadlang ng pamilya ko at kabiguan nilang maunawaan ako. Naisip ko si Pedro. Nang sumunod siya sa Panginoong Jesus, inusig at hinadlangan din siya ng kanyang mga magulang, pero pinili pa rin niyang sundin ang Panginoon nang walang pag-aalinlangan. Minahal niya ang Diyos nang higit sa anupaman, at alam kong dapat kong tularan ang kanyang halimbawa. Sa pag-iisip nito, medyo kumalma ako. Gusto ko silang makausap nang maayos para ipaalam sa kanila na ang Makapangyarihang Diyos na sinasampalatayaan ko ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, pero hindi ako hinayaan ng tatay at kapatid ko, at pinilit akong bumalik sa simbahan para manalig sa Panginoon. Pakiramdam ko’y wala akong magawa. Nang maisip kung paano ako paulit-ulit na hinahadlangan ng pamilya ko sa pananalig sa Diyos, naalala ko rin na inalagaan at minahal ako ng mga magulang at kapatid ko mula pagkabata. Ngayon ay pinagagalitan at pinagtutulungan nila ako, at mahirap itong tiisin. Bakit napakahirap manalig sa Diyos? Hindi ko talaga alam kung ano ang susunod nilang gagawin para hadlangan ako. Ano ang dapat kong gawin? Pagkatapos, bigla kong naalala ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Sa yugtong ito ng gawain ay hinihingi sa atin ang lubusang pananampalataya at pag-ibig. Maaari tayong matisod mula sa pinakamaliit na kapabayaan, dahil ang yugtong ito ng gawain ay iba mula sa lahat ng mga nakaraan: Ang pineperpekto ng Diyos ay ang pananampalataya ng sangkatauhan, na kapwa di-nakikita at di-nahahawakan. Ang ginagawa ng Diyos ay na maging pananampalataya, pag-ibig, at buhay ang mga salita. Dapat makarating ang mga tao sa isang punto kung saan sila ay nakapagtiis na ng daan-daang pagpipino at nagtataglay ng pananampalatayang mas dakila kaysa sa pananampalataya ni Job. Dapat silang magtiis ng di-kapani-paniwalang pagdurusa at ng lahat ng uri ng pagpapahirap nang hindi humihiwalay sa Diyos magpakailanman. Kapag sila ay masunurin hanggang sa kamatayan, at may dakilang pananampalataya sa Diyos, sa gayon ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay kumpleto na(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Landas … 8). Ang salita ng Diyos ang nagpaunawa sa akin. Pinagtutulungan ako ng pamilya ko, pero pinahintulutan ng Diyos na mangyari sa’kin ang sitwasyong ito para bigyan ako ng katotohanan at pagkakilala, at upang gawing perpekto ang pananampalataya ko. Paulit-ulit, pinipigilan ako ng pamilya ko na manalig sa Diyos, at bagamat nalungkot at nanghina ako, hindi ako iniwan ng Diyos, at inaakay at ginagabayan ako gamit ang mga salita Niya, na nagbigay-daan sa akin na manindigan sa harap ng paggambala at paghadlang ng pamilya ko. Matapos itong pagdaanan, naunawaan ko ang ilang katotohanan, natukoy ko ang diwa ng paglaban ng mga relihiyosong pastor sa Diyos at ang masasamang layunin ni Satanas, at nadagdagan ang aking pananampalataya sa Diyos. Ang gawain ng Diyos ay napakatalino at napakapraktikal. Anumang paghihirap ang mararanasan ko sa hinaharap, hindi ko kailangang mag-alala o matakot. Naniniwala ako na kung tunay akong aasa sa Diyos, aakayin at gagabayan Niya ako. Nang maisip ito, mas lumakas pa ang pagnanais kong sundan ang Diyos.

Isang araw, malakas na kumatok ang tatay ko sa pintuan ko, at pagkabukas ko pa lang ng pinto, umiyak na ang nanay ko habang sinasabi niyang, “Mahal ko, ihinto mo na ang pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Makinig ka na lang sa pastor, hindi ba’t pareho lang naman kung nananalig ka sa Panginoon sa simbahan?” Nagalit at nalungkot ako nang makita ko siyang ganito. Ang nanay ko, sa harap ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ay hindi nagpakita ng saloobin ng paghahanap o pagtanggap. Lubusan siyang nakinig sa pastor, at tinanggap ang mga salita ng pastor bilang katotohanan. Tinanggihan niya ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, at ginawa ang kanyang makakaya para guluhin at hadlangan ako sa pagsunod sa Diyos. Nakita ko na ang nanay ko ay hindi isang taong tunay na nananalig sa Diyos, sumusunod siya sa mga tao. Sa mga huling araw, ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay talagang nagbubunyag ng lahat ng uri ng tao. Ang trigo at ang mapanirang damo ay pinaghihiwalay, tulad ng mga tunay at huwad na mananampalataya. Bagamat pamilya kami, dahil sa iba-ibang saloobin namin sa katotohanan, magkaiba ang tinahak naming landas. Kung tumatanggi pa rin ang nanay ko na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung gayon ay magkaibang landas ang tinatahak namin. Ngayon, kailangan kong manindigan, hindi magpakontrol sa aking mga emosyon, at umasa sa Diyos para manindigan sa aking patotoo. Kaya, kinalma ko ang sarili ko at sinabi sa nanay ko, “Bilang mga mananampalataya, hindi ba’t pinananabikan natin ang pagparito ng Panginoon? Ngayon ang Panginoon ay nagbalik na, at ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagsimula na, kaya sana’y magsiyasat ka rin nang mabuti, at huwag palaging makinig sa mga salita ng pastor. Kung mawawala sa atin ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw, tuluyan nang mawawala ang pagkakataon natin na mailigtas.” Natahimik sandali ang nanay ko, pero nagalit ang tatay ko at sinabing, “May isang tanong lang ako sa iyo. Hihinto ka ba sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos?” Tumingin ako sa kanya at determinadong sumagot, “Hindi.” Nang sabihin ko ito, nakaramdam ako ng matinding kapayapaan at katiwasayan. Sa wakas ay nakapagpahayag na ako ng matatag na paninindigan. Lalong nagalit ang tatay ko at napakaseryosong sinabing, “Masyado ka nang matanda para kontrolin ko pa. Pwede kang pumili ng sarili mong landas. Siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa huli.” Napagtanto ko sa sinabi ng tatay ko na malaki na ako, at oras na para umako ng responsibilidad sa buhay ko. Ngayon, tinanggap ko na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sinundan ang mga yapak ng Diyos, kaya dapat kong sundin ang aking landas nang walang pag-aalinlangan.

Pagkatapos nun, hindi na nakialam ang mga magulang ko sa pananalig ko sa Diyos. Nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala mula sa panggugulo ng aking pamilya, at naunawaan ko ang ilang katotohanan. Nadama ko talaga na ang Diyos ay makapangyarihan at matalino, nakita ko na si Satanas ay kasuklam-suklam at masama, at tunay kong naramdaman na ang Diyos ang aking sandigan. Ngayon, gusto kong wastong hangarin ang katotohanan at sundan ang Diyos hanggang wakas!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Pambihirang Tagumpay

Ni Fangfang, Tsina Nananalig ang buong pamilya namin sa Panginoong Jesus, at samantalang isa lang akong karaniwang mananampalataya sa...

Pagtakas sa mga Usap-usapan

Ni William, USANoong Oktubre ng 2016, dumating ako sa New York, at kalaunan ay bininyagan sa ngalan ng Panginoong Jesus sa isang simbahang...

Leave a Reply