Ang Landas Tungo sa Kaharian ng Diyos ay Hindi Palaging Madali (I)
Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya, at sinundan ko ang mga magulang ko sa pananalig sa Panginoon. Madalas din akong pumupunta sa mga pagpupulong sa iglesia at nakikilahok sa iba’t ibang aktibidad sa iglesia. Isang araw noong Marso ng 2020, nakilala ko ang isang kapatid sa Facebook. Pinagkwentuhan namin ang tungkol sa pananampalataya sa Panginoon, at naramdaman kong ang mga bagay na sinasabi ng kapatid na ito ay sobrang bago. Halimbawa, tinanong niya ako kung alam ko ang pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit, at mabilis na pinukaw ng paksang ito ang kuryusidad ko. Naisip ko, “Matagal na akong nananalig sa Panginoon, pero hindi kailanman tinalakay ng mga pastor at elder ang pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit. Hindi ko rin kailanman naisip kung makakapasok kami sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pananalig gaya ng ginagawa namin.” Ito ang unang pagkakataong narinig ko ang tungkol sa paksang ito, at gusto kong malaman ang sagot. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan kong matapos gawing tiwali ni Satanas, mayroon tayong makasalanang kalikasan sa loob natin, at madalas tayong nagkakasala. Kapag hindi natin tinanggal ang makasalanang kalikasang ito, hindi natin matatakasan ang kasalanan. Yong marurumi at tiwali ay hindi nararapat na makapasok sa kaharian ng langit, dahil ang Diyos ay matuwid at banal, at hindi makikita ng mga tao ang Diyos kung hindi sila banal. Sabi rin niya sa akin, “Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na bilang ang Makapangyarihang Diyos, para ipahayag ang katotohanan, at gawin ang gawain ng paghatol at pagpapadalisay ng mga tao. Ginagawa Niya ito para tanggalin ang ating mga makasalanang kalikasan at ganap tayong iligtas mula sa kasalanan. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at pagiging nadalisay sa ating katiwalian tayo magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit.” Binasahan niya rin ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Noong panahong iyon, pinagnilayan ko ang mga salitang ito, at inisip ko ang mga ginawa ko at ng mga kapatid. Aaminin ko na nanalig kami sa Panginoon at gumawa ng ilang mabubuting gawa, mabait kami, at hindi namin sinaktan o pinagalitan ang iba, pero madalas pa rin kaming nakapagsisinungaling at nagkakasala, mapagmataas kami at minamaliit ang iba, naiinggit pa rin kami at kinamumuhian ang iba, at nakikipagkumpetensya kami sa iba para sa kasikatan at pakinabang. Kaming lahat ay nakakulong sa paulit-ulit na pagkakasala at pagtatapat, at madalas kaming nakikibaka sa kasalanan. Pagkatapos lang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos saka ko naunawaan na ito ay dahil ang makasalanang kalikasan sa loob natin ay hindi pa natatanggal. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nahanap ko rin ang paraan para makatakas mula sa kasalanan at mailigtas ng Diyos. Yon ay, dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kapag lang nalinis na ang ating katiwalian saka tayo magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Naisip ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakaganda at praktikal. Pinasigla ng Kanyang mga salita ang puso ko at pinaunawa sa akin ang ilang katotohanan na hindi ko pa narinig kahit kailan. Pagkatapos noon, masigasig akong nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, aktibong dumalo sa mga online na pagtitipon, nagbahagi sa iba tungkol sa kaalaman at pagkaunawa sa salita ng Diyos, at sa tuwing nagkikita-kita kami, nagbibigay-kasiyahan at kaengga-engganyo ito para sa akin. Makalipas ang kaunting panahon, marami akong naunawaan na katotohanan at misteryo na hindi ko naunawaan noon sa aking pananampalataya sa Panginoon, tulad ng kung ano ang pagkakatawang-tao, kung paano malalaman ang tunay na Cristo mula sa mga huwad, ang misteryo ng pangalan ng Diyos, ang layon ng plano ng pamamahala ng Diyos, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang tao, paano hakbang-hakbang na gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, paano naisasakatuparan ang kaharian ng Diyos sa lupa, at iba pa. At saka, ‘yong mga katanungan na hindi ko nauunawaan dati kapag nagbabasa ako ng Biblia, nahanap ko ang mga kasagutan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Napagtanto ko na ang mga misteryong ito ay maibubunyag lang ng Diyos Mismo. Kaya natukoy kong ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Noong panahong iyon, sabik na sabik ako. Sinabi ko sa maraming kaibigan ang mabuting balita ng pagbabalik ng Panginoon, at sinabihan ko silang siyasatin din ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Pero ‘di nagtagal, ang pinakamataas at pinaka-maaawtoridad na Kristiyanong simbahan sa aming lugar—ang Baptist Church sa Northeast India—ay nagsimulang magpakalat ng mga dokumento sa mga mananampalataya na gawa-gawa ng mga relihiyosong pastor para kondenahin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga dokumentong ito ay nagtataglay ng paninirang-puri at pagpaparatang ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagsasabing ang Iglesiang ito ay nangangaral na ang Diyos ay nagbalik sa katawang-tao, at na Siya ay isang babae, na sumasalungat sa Biblia. Sinabihan nila ang lahat ng mananampalataya na huwag dumalo sa mga pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang nilalaman na ito ay pinalabas din sa malalaking estasyon ng telebisyon sa India. Sa sandaling buksan mo ang telebisyon o computer at panoorin ang balita, makikita mo ang ganitong uri ng negatibong propaganda. Di nagtagal ay kumalat ito sa buong bansa. Ang makita ang mga pastor at elder na ito na lantarang binabaliko ang mga katotohanan, nagpapakalat ng mga maling paniniwala, at sinisiraan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos ay sobrang nagpagalit at nagpalungkot sa akin. Marami sa mga kasama kong nagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang umatras mula sa grupo dahil nalinlang sila. Ang ilan pa nga ay sinubukan akong hikayatin, sinasabing ito ay isang iglesia na kinokondena ng CCP, at hindi dapat paniwalaan. Dismayado akong makita silang isinusuko ang tamang daan. Naisip ko, ang CCP ay isang ateistang rehimen. Hindi ito naniniwala sa Diyos ni paano man, at palagi nitong inuusig ang mga paniniwala sa relihiyon. Bakit mas gusto ng mga taong ito na maniwala sa CCP, na isang ateistang politikal na partido, sa halip na makinig sa tinig ng Diyos o siyasatin ang gawain ng Diyos? Sa sandaling iyon, nakita ng isang kaibigan ko sa aking bayan ang laman ng Whatsapp feed ko na nagsasabing “Ang Panginoon ay nagbalik na, at ang kaharian ni Cristo ay pumarito na sa lupa,” at tinanong niya ako kung dumalo ba ako sa mga pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ko, “Oo.” Sinabi niya sa’kin na hindi ako dapat maniwala rito. Pinadalhan niya rin ako ng mga mapanirang pahayag at maling paniniwala tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinabing, “Binalaan kami ng pastor na huwag sundin ang Makapangyarihang Diyos. Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay hindi maaaring bilang katawang-tao, kaya hindi kami pwedeng dumalo sa mga pagpupulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.” Nang sabihin ‘yon ng kaibigan mo, naapektuhan ka ba? Hindi naman, dahil sa panahong iyon, ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naibahagi na sa akin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Sabi nila, ang Panginoon ay babalik sa mga huling araw bilang katawang-tao, na matagal nang pinlano ng Diyos, at pinatunayan ng mga propesiya ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). Nang pinropesiya ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, maraming beses Niyang binanggit “ang pagparito ng Anak ng tao,” “ang Anak ng tao ay darating”, at “ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan.” Dito, “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa katawang-tao. Ang Makapangyarihang Diyos ay pumarito na sa mga huling araw at nagpahayag ng maraming katotohanan. Siya ang pagparito ng Anak ng tao, ang pagpapakita ng Tagapagligtas, na tumutupad sa mga propesiya ng Panginoong Jesus. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking mga kapatid, nalaman ko rin na tanging Diyos lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kung kayang ipahayag ng isang tao ang katotohanan at ang salita ng Diyos, at kayang gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang taong ito ay malamang na ang Diyos na nagkatawang-tao. Gaano man kaordinaryo ang Kanyang hitsura, o kung may katayuan man Siya o kapangyarihan, ang Kanyang mga salita at gawain ang pinakamahalaga. Ito ang pinakamagandang paraan para patunayan ang Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Habang iniisip ito, sinabi ko sa kaibigan ko ang naunawaan ko at sinabi ko sa kanyang, “Ang Diyos ay ang Lumikha, kayang gawin ng Diyos ang kahit anong gusto Niya. Ang dapat nating gawing mga tao ay maghanap, hindi hatulan at tukuyin ang Diyos. Tinutulungan ako ng mga pagpupulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na maunawaan ang maraming katotohanan, kaya hindi ako titigil sa pagpunta sa mga pagpupulong. Kapag nananalig tayo sa Diyos, dapat tayong makinig sa tinig ng Diyos, hindi pikit-matang sundan ang mga tao. Sinasabi ng Biblia, ‘Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao’ (Mga Gawa 5:29).” Matapos itong marinig ng kaibigan ko, seryosong-seryoso niyang sinabi sa akin, “Kung patuloy kang mananalig sa Makapangyarihang Diyos, pagbalik mo sa iyong bayan, kukwestyunin ka ng Kataas-taasang Konseho. Hindi ka hahayaang manalig ng pastor, at tatanggihan ka ng mga taganayon. Naisip mo ba ang mga bagay na ito?” Sabi ko, “Hindi nakakatakot na tanggihan ng tao. Ang nakakatakot ay ‘yong hindi makasabay sa mga yapak ng Diyos at matalikdan ng Diyos. Naisip mo na ba na kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at hindi natin ito tatanggapin, ay mahuhulog tayo sa mga sakuna, iiyak tayo, at magngangalit ang ating mga ngipin? Isang mahalagang bagay ang pagbabalik ng Panginoon, kaya bakit ayaw mong maghanap at magsiyasat?” Noong sandaling iyon, tinanggihan pa rin niya ang payo ko.
Kalaunan, sinabi ng kaibigan ko sa mga magulang ko ang tungkol sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos. Sa isang buong linggo pagkatapos nun, araw-araw akong tinawagan at pinagalitan ng mga magulang ko, sinasabing, “Sinabihan kami ng pastor na pigilan ka sa pagdalo sa mga pagpupulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kailangan mong tumigil sa pagpunta sa mga pagpupulong at iwan ang Iglesiang ito!” Sabi ko sa kanila, “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi tulad ng sinasabi ng pastor. Ang pagdalo sa kanilang mga pagpupulong ay nagturo sa akin ng maraming katotohanang hindi ko nauunawaan dati. Ito ang tamang daan, at hindi ako naligaw.” Gusto kong patotohanan sa kanila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, pero sobra na silang nalinlang ng mga sabi-sabi na hindi na nila ako pinagsalita pa. Nang maglaon, dahil sa epidemya, umuwi ako ng bahay mula sa eskwela. Nang makita ng mga magulang ko na madalas akong dumadalo sa mga online na pagpupulong, sinubukan nila akong paghigpitan. Pinag-uusapan din ako ng mga kapitbahay namin, sinasabing nabaliw na ako sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos at pagbabalewala sa pastor. Sinabi pa nga ng ilan na sinasapian daw ako ng isang demonyo. Mas nagalit pa ang mga magulang ko nang marinig nila ang mga bagay na ito. Pinagalitan nila ako pagkauwi nila ng bahay, “Alam mo ba kung anong sinasabi ng mga taganayon tungkol sa’yo? Babalewalain mo ba ang sinasabi namin sa iyo at pupunta ka pa rin sa mga pagpupulong na iyon?” Sabi ko, “Opo, dadalo pa rin ako sa mga pagpupulong.” Galit na galit ang mga magulang ko, at mas lalo pa akong sinubukang pigilan. Madalas nila akong ginagambala tuwing may mga pagpupulong, na nagpapahirap na makadalo nang payapa. Naalala ko minsan, nagdarasal ako pagkatapos ng isang pagpupulong. Pagmulat ko, bigla kong nakita na nakatayo sa tabi ko ang Papa ko, na gumulat sa akin. Tapos galit siyang sumigaw, “Putulin mo ang internet at itigil mo ang iyong mga pagpupulong ngayon din!” Sabi ko sa kanila, “Ang Panginoong Jesus ay talagang nagbalik na, bilang ang Makapangyarihang Diyos, para gawin ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Kung ‘di tayo sasabay sa mga yapak ng Diyos at tatanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos, at kung hindi tayo makatatakas sa kasalanan, hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos, at sa huli, mahuhulog tayo sa mga sakuna at parurusahan.” Pero hindi man lang nakinig sa akin ang mga magulang ko sa halip ay inulit-ulit nila ang mga kuru-kurong ipinapangaral ng pastor. Sinabi nilang imposibleng nagkatawang-tao ang Diyos bilang isang babae. Naisip ko ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos na binasa sa akin ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. “Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginagawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Naalala kong ibinahagi nila na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapag nagsuot ng laman ang Espiritu ng Diyos at naging pangkaraniwang tao, kaya kahit na lalaki man Siya o babae, Siya ay ang Diyos Mismo, at kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng Diyos. Ang Panginoong Jesus ay lalaki. Siya ay ipinako sa krus para sa sangkatauhan at pinasan ang mga kasalanan ng tao, sa gayon ay kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, nagkakatawang-tao ang Diyos bilang isang babae, at sa batayan ng gawain ng Panginoong Jesus, nagpapahayag ng lahat ng katotohanang kinakailangan para iligtas ang sangkatauhan, at ginagawa ang gawain ng pagpapadalisay sa tao. Samakatuwid, lalaki man o babae ang Diyos na nagkatawang-tao, ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag at ang gawain na Kanyang ginagawa ay ang gawain ng Espiritu ng Diyos, at kaya ng lahat ng ito na tubusin at iligtas ang sangkatauhan. Bukod doon, sa mga huling araw, kung paparito sa katawang-tao ang Diyos bilang isang babae para gumawa, hindi tutukuyin ng mga tao ang Diyos sa pamamagitan ng pag-iisip na lalaki ang Diyos at hindi maaaring maging babae. Habang iniisip ito, nagbahagi ako sa mga magulang ko, “Ang Diyos ay isang Espiritu, at walang paghahati ng kasarian. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae ayon sa sarili Niyang imahe, kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay natural na pwedeng maging lalaki o babae. Hindi mahalaga kung ano ang kanyang pisikal na anyo. Ang mahalaga ay kaya Niyang magpahayag ng katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, at Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos, ng Diyos Mismo.” Hindi mapabulaanan ng mga magulang ko ang mga salita ko, kaya sabi nila, “Sinasabi mong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, pero hindi kami naniniwala rito. Tatanggapin namin ito kapag tinanggap na ito ng mga pastor at elder. Sinasabi ng pastor na ang Makapangyarihang Diyos ay isang pangkaraniwang tao na ipinanganak sa isang pangkaraniwang pamilya, kaya hindi maaaring ito ang pagkakatawang-tao ng Diyos.” Bilang tugon dito, sinabi ko sa kanilang, “Nung pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, ang mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo ng Judaismo ay hindi Siya kinilala bilang ang Diyos dahil sa pangkaraniwan niyang kapanganakan at hitsura. Sabi nila, ‘Hindi ba’t ito ang anak ng karpintero? Hindi ba’t ang pangalan ng Kanyang ina ay Maria?’ Ang mga Fariseong ito ay tumingin lamang sa hitsura ng Panginoong Jesus. Hindi sila nagsiyasat kung ang Kanya bang mga salita at gawain ay nagmula sa Diyos. Hinusgahan nila gamit ang kanilang mga mapagmataas na disposisyon na Siya ay isang pangkaraniwang tao at hindi ang Diyos. Siniraan at kinondena rin nila ang Panginoong Jesus. Sinamba at sinunod sila ng mga mananampalataya ng Judaismo, kung kaya’t sumunod ang mga ito sa kanila sa pagpapapako sa krus sa Panginoon. Sa huli, nawalan sila ng pagliligtas ng Diyos at pinarusahan sila. Gano’n din ngayon. Hindi sinisiyasat ng mga pastor at elder na ito kung ang mga salita bang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Pikit-mata nilang hinuhusgahan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos, sinasabi na ang Makapangyarihang Diyos ay isang pangkaraniwang tao, at kinukwestiyon ang Kanyang pinagmulan at nakaraan. Hindi ba’t katulad lang ito nung kinondena ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus?” Sa puntong ito, may naalala akong isang sipi ng mga salita ng diyos na binasa sa akin ng mga kapatid. “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Tapos sinabi ko sa mga magulang ko, “Ang ating pagtukoy kung ito ba ay ang Diyos na nagkatawang-tao ay ayon dapat sa kung may kakayahan Siyang magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan, hindi sa Kanyang hitsura. Isipin ninyo, nananalig ba tayo sa Panginoong Jesus dahil sa Kanyang imahe sa katawang-tao? Hindi. Tinanggap natin ang Panginoong Jesus dahil nabasa natin ang Kanyang mga salita sa Biblia, at nakita na ang Kanyang mga salita ay ang katotohanan, na tinubos ng Kanyang gawain ang buong sangkatauhan, at tinamasa natin ang maraming biyaya ng Panginoon, at noon lang tayo nanalig. Nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos ngayon dahil nakita ko na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan. May awtoridad at kapangyarihan ang mga ito, at ang mga ito ang tinig ng Diyos. Noon lang ako nanalig na Siya nga ang Diyos na nagkatawang-tao, ang nagbalik na Panginoong Jesus.” Pagkasabi nito, pinayuhan ko sila, “Dapat n’yo ring basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Huwag kayong pikit-matang makinig sa mga salita ng pastor at maniwala sa kung anong sinasabi ng pastor. Kung tatahakin nila ang maling landas, lalabanan ang Diyos, at kokondenahin ang Diyos, susundan n’yo ba sila sa paglaban at pagkondena sa Diyos?” Nung marinig ng mga magulang ko na sabihin ko ito, galit na galit sila. Pinagalitan nila ako, “Kailangan bang maging napakatigas ng ulo mo na nilalabanan mo ang buong mundo ng relihiyon? Kung maglalakas-loob kang kalabanin ang mga pastor at elder, itataboy ka ng mga taganayon. Kapag nangyari iyon, saan ka pupunta? Hindi ka namin matutulungan kapag nangyari iyon! Tigilan mo na ang pagsasabi ng mga bagay na ito, at huwag mong patotohanan ang Makapangyarihang Diyos sa iba. Kapag tinanggap ito ng mga pastor at elder, tatanggapin namin ito. Sa ngayon, ‘wag kang gumawa ng gulo para sa sarili mo.” Gaano man ako magbahagi sa kanila, hindi talaga sila nakikinig, at marahas nila akong sinasaway. Sabi nila, “Gumugol kami ng napakalaking pera para sa pag-aaral mo, sa pagkain at mga damit mo, pero napakasuwail mo. Dismayado kami sa iyo.” Noong panahong iyon, ang dalawa kong kapatid ay kampi rin sa mga magulang ko. Walang sinuman sa pamilya ko ang nakinig sa payo ko. Sinubukan kong sabihin sa kanila na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag na ng maraming katotohanan, at sinubukan kong ibahagi sa kanila ang natamo ko, pero anuman ang sabihin ko, ayaw pa rin nila itong pakinggan. Naging maganda ang trato sa akin ng mga magulang ko at ng mga taganayon noon, pero ngayon, dahil lang nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos, nagbago ang kanilang pakikitungo sa akin. Naging isa akong kontrabida at isang itinakwil sa kanilang paningin. Kahit sa bahay, hindi ko maramdaman ang pagmamalasakit sa akin ng pamilya ko. Nalungkot ako at naging miserable. Pero alam kong hindi ko pwedeng isuko ang pagdalo sa mga pagtitipon anuman ang mangyari, dahil kapag hindi ako dumalo sa mga pagtitipon at hindi ko maihanda ang aking sarili gamit ang katotohanan, magiging imposibleng makayanan ang gano’ng kapaligiran. Nang maglaon, para maiwasan ang mga ‘di kinakailangang pagtatalo, kinailangan kong magtago sa kanila at palihim na pumunta sa mga pagtitipon. Hindi ako makapagsalita at makapagbahagi. Sa text lang ako nakakapagbahagi sa iba.
Naalala ko isang gabi, biglang pumunta sa bahay ang pastor at ang isang katrabaho. Ang mga kapitbahay at ilang taganayon ay pumunta rin para manood. Sabi ng pastor, “Anong pinag-usapan n’yo sa mga pagpupulong na ito ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Sabi ko, “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay pinatototohanan na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, at Siya ang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos na ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Pinag-usapan din namin kung anong klase ng tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, paano maghahanap para makamit ang kaligtasan, at iba pang mga usapin.” Sabi ng pastor, “Kung gayon, sabihin mo sa akin kung anong klase ng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit.” Ang kanyang tono ay mapanlait. Sinagot ko siya, “Sinasabi ng Biblia, ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit’ (Mateo 7:21). ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal’ (Levitico 11:45). Mula sa mga talatang ito, makikita natin na kung gusto nating makapasok sa kaharian ng langit, dapat tayong makalaya sa kasalanan at maging malinis mula sa mga tiwaling disposisyon, at maging mga taong ginagawa ang kalooban ng Diyos. Ngayon, ang lahat ay namumuhay pa rin sa kasalanan. Madalas tayong nagsisinungaling at nagkakasala, at nabibigo tayong isagawa ang mga salita ng Diyos, kaya hindi tayo pwedeng pumasok sa kaharian ng langit.” Sinabi ko rin sa kanya, “Naguguluhan ako dati kung bakit ‘di tayo makaalis sa paulit-ulit na pagkakasala, pagtatapat, at pagkakasalang muli. Bakit hindi natin matakasan ang gapos ng kasalanan? Pagkabasa lang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos saka ko naunawaan na kapag nananalig tayo sa Panginoon, ang ating mga kasalanan ay pinatatawad, pero ang ating makasalanang kalikasan, ang ugat ng ating kasalanan, ay hindi pa natatanggal, kaya madalas pa rin tayong nagsisinungaling at nagkakasala. Sinasabi ng Biblia, ‘Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Ang Panginoon ay banal, kaya kung nagkakasala at lumalaban pa rin tayo sa Diyos, hindi tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ngayon, nagbalik na ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan na nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan’ (Juan 16:12–13). Nagpahayag na ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos. Hindi lang Niya ibinubunyag ang misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, ibinubunyag din Niya ang pinakaugat ng kasalanan ng tao, hinahatulan at ibinubunyag Niya ang makasalanang kalikasan ng mga tao, tulad ng kayabangan, panlilinlang, kasamaan, at iba pa, at ibinubunyag Niya ang iba’t ibang nagpaparumi sa ating pananalig sa Diyos at ang maling pananaw na manalig sa Diyos para lang makapasok sa kaharian ng langit. ‘Yong mga nasa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nararanasan ang paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unting napapagtanto ang katotohanan tungkol sa kanilang sariling katiwalian at ang diwa ng kanilang kalikasan, gumagawa ng tunay na pagsisisi, at dinadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Ito ang epektong nakakamit ng salita ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Kung gusto nating makapasok sa kaharian ng langit, kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at kapag lang nalinis na ang ating katiwalian saka tayo magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos.” Pagkatapos kong magsalita, sinabi ng pastor, “Alam kong inaasam mong hanapin ang katotohanan, pero bata ka pa. Hindi mo nauunawaan ang Biblia, kaya madali kang malinlang. Mas makabubuti sa’yong tumigil na sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, ipagtapat ang iyong mga kasalanan sa Panginoon, magsisi, at tumigil na sa pagdalo sa kanilang pagpupulong.” Mayamaya, nakita ng pastor na hindi ko siya pinansin at sinabi niyang, “Ikaw ay aking tupa. Ang lakas ng loob mong suwayin ako? Dapat kang magsisi ngayon, umatras mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at tumigil na sa pagdarasal sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos.” Sabi ko sa kanya, “Hindi ako kailanman titigil sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos.” Galit na galit siya, at binalaan ako, “Itinalaga ako ng Kataas-taasang Konseho ng simbahan para ‘bantayan’ ka. Kung hindi ka titigil, dadalhin ka sa harap ng Kataas-taasang Konseho para tanungin. Dapat mong malaman, na oras na mangyari ‘yon, bukod sa maaapektuhan nito ang pag-aaral mo, magkakaroon ka rin ng masamang reputasyon sa simbahan. Baka hindi ka pa makahanap ng trabaho sa hinaharap. Bakit mo kailangang magpakahirap? Dapat kang magtuon sa pag-aaral mo!” Noong panahong iyon, nung sinabi ito ng pastor, nakaramdam ako ng matinding pressure, dahil alam ko na oras na kwestyunin ako ng Kataas-taasang Konseho ng simbahan, hindi nila ako titigilan. Kapag hindi ako tumigil sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, kapag nangailangan ako ng certificate sa hinaharap, hindi ito pipirmahan para sa akin ng pinuno ng nayon, at baka hindi pa ako makahanap ng trabaho. Pinagkolehiyo ako ng mga magulang ko para makahanap ako ng magandang trabaho ‘pag nakatapos na ako. Kung hindi ako makakahanap ng trabaho, siguradong lalo pa akong pipigilan ng mga magulang ko na manalig sa Makapangyarihang Diyos. Isa pa, kakasimula ko pa lang manalig sa Makapangyarihang Diyos, at kaunting katotohanan pa lang ang nauunawaan ko. Kung dadalhin ako para tanungin, at haharap ako sa isang grupo ng mga taong umaatake sa akin, makakayanan ko ba ito? Kung ipipilit kong manalig sa Makapangyarihang Diyos, patatalsikin ba nila ako sa eskwelahan? Sasabihan ba nila ang lahat ng iba pang mananampalataya na tanggihan ako? Nang maisip ko ito, sobra akong nag-alala, kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos at hiniling sa Diyos na akayin ako, at sinabing nais kong manindigan sa pagpapatotoo.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.