Paano Ko Nalampasan ang mga Paghadlang ng Aking Ama

Oktubre 13, 2022

Ni Thalia, Mexico

Noong Nobyembre 18, 2021, nakilala ko sa internet ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa kanilang pagbabahagi, nakumbinsi ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tuwang-tuwa ako, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gusto kong ibahagi agad ang masayang balita na ito sa pamilya ko, lalo na sa tatay ko. Isa na siyang Kristiyano mula pa no’ng trenta anyos siya. Ngayon ay sesenta na siya, at sa buong panahong ‘yon ay inasam niya ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kapag nalaman niya na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, sigurado akong masaya niyang tatanggapin ito gaya ko. Sa ‘di inaasahan, matapos kong sabihin sa tatay ko ang balitang nagbalik na ang Panginoon, sinabi niya sa aking huwag itong paniwalaan. “Hindi sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay babalik nang nasa katawang-tao,” sabi niya. “Sinasabi ng Bibliya na bababa ang Diyos sakay ng ulap para iakyat ang mga mananampalataya sa kaharian ng langit.” Sabi ko sa kanya, “Tay, ang totoo, maraming beses na sinabi ng Panginoong Jesus na sa mga huling araw ay babalik Siya bilang ang Anak ng tao. Halimbawa, ‘Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). ‘Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:37). ‘Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). Binabanggit ng lahat ng talatang ito ng Bibliya na ang Panginoon ay paparito bilang ang Anak ng tao. Nangangahulugan ito na paparito ang Diyos sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao—” Bago pa man ako matapos, sumingit na ang tatay ko at sinabing, “Ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao. Imposibleng bumalik Siya bilang ang Anak ng tao. Paparito lang ang Panginoon sakay ng ulap para dalhin tayo sa kaharian ng langit.” Sabi ko, “Ang pagparito sakay ng ulap ay hindi lang ang tanging paraan ng pagbabalik ng Panginoon. May dalawang paraan ng Kanyang pagbabalik na ipinropesiya sa Bibliya. Paparito Siya sa katawang-tao nang palihim at pagkatapos ay paparito nang hayagan sakay ng ulap. Ipinropesiya ng Pahayag, ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw(Pahayag 3:3). At sinasabi sa Mateo 25:6, ‘Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.”’ Sinasabi ng lahat ng propesiyang ito na paparito ang Panginoong Jesus tulad ng isang magnanakaw. Nangangahulugan ito na tahimik Siyang paparito, nang walang sinumang nakakaalam. Kung hayagang pumarito ang Panginoong Jesus, sakay ng isang puting ulap sa kalangitan, makikita Siya ng lahat. Kaya paano matutupad ang mga propesiyang ito? Sa mga huling araw, palihim munang paparito ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong Anak ng tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at sinasalubong ang Panginoon, sila ay hinahatulan at ginagawang dalisay ng mga salita ng Diyos, at ginagawang mga mananagumpay ng Diyos. Pagkatapos, mag-uumpisang maganap ang malalaking sakuna, at ang yugto ng lihim na gawain ng Diyos sa katawang-tao ay magtatapos. Pagkatapos ng malalaking sakuna, bababa ang Diyos sakay ng ulap at hayagang magpapakita sa lahat. Tutuparin nito ang propesiya sa Pahayag, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7).” Sabi ko sa tatay ko, “Tay, isipin mo. Malinaw na kapag bumalik ang Panginoong Jesus sakay ng ulap, magiging masaya ang lahat sa pagparito ng Tagapagligtas. Kaya bakit sinasabi nito na ‘at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya’? Dahil kapag gumagawa ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong Anak ng tao, kinukumpleto niya ang gawain ng paghatol at pagdadalisay. ‘Yong mga naghihintay lang na pumarito ang Panginoon sakay ng ulap at nilalabanan at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos ay mapapalagpas ang pagkakataong matanggap ang paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw, at pagparito ng Panginoon sakay ng ulap para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama, mahuhulog sila sa mga sakuna at mapait na tatangis.” Nung matapos ako, ipinakita ko sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang isang video ng pagpapatotoo ng ebanghelyo, pero kumapit pa rin siya sa pananaw niya. Sobrang mapagmataas at galit na galit siya sa akin at sinabihan akong huwag manalig sa Makapangyarihang Diyos.

Kalaunan, nakita niya na madalas akong dumadalo sa mga pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya bilang palusot para pigilan ako, sinabi niyang, “Ginugugol mo ang halos buong araw mo sa pagdalo sa mga pagtitipon gamit ang cellphone mo. Kailangan kong magtrabaho ka at kumita ng pera para mabayaran ang mga gastusin sa bahay. Hindi na kita bibigyan ng pera mula ngayon! Kung hindi ka makakahanap ng trabaho, makakaalis ka na sa pamamahay na ito!” Labis akong pinag-alala ng sinabi ng tatay ko. Kung kailangan kong magtrabaho, mawawalan ako ng oras para dumalo sa mga pagtitipon at magbasa ng mga salita ng Diyos. Pero kung hindi ako makakahanap ng trabaho, palalayasin ako ng tatay ko, at wala na akong matitirhan. Takot na takot ako, kaya naghanapbuhay ako at nagtrabaho mula alas-sais ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon. Habang lumilipas ang panahon, nagsisimula ko nang mapabayaan ang tungkulin ko. Dahil hindi ko magamit ang cellphone ko habang nagtatrabaho, hindi ako makapagdilig ng mga baguhan. Araw-araw, pagkauwi ko ng bahay galing sa trabaho, patang-pata ako, kaya pagod na pagod ako sa mga pagtitipon. Nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na magbukas ng isang daan para magawa ko ang tungkulin ko. Makalipas ang ilang araw, nagbitiw ako sa trabahong iyon. Nakakuha ako ng trabaho na maglinis ng bahay kung saan kailangan ko lang magtrabaho sa loob ng apat na oras sa isang araw. Kahit na hindi gano’n kalaki ang kita ko, may oras akong dumalo sa mga pagtitipon at gawin ang tungkulin ko. Itinuloy ng aking ama ang pakikialam no’ng nakita niyang regular na ulit akong dumadalo sa mga pagtitipon. Madalas na may ipinapagawa siya sa akin bago ako makadalo sa pagtitipon, at minsan, kapag nakikita niya akong dumadalo sa mga pagtitipon online, nagpapasama siya sa akin sa labas. Hindi ko masyadong naunawaan kung anong nangyayari nung una. Ang iniisip ko lang, dahil tatay ko siya, kailangan kong sumunod, pero naging mahirap para sa akin, dahil ayokong palagpasin ang mga pagtitipon. Isang beses, nagpasama ulit siya sa akin sa labas, at sinabi ko sa kanyang may pagtitipon ako, na labis niyang hindi ikinatuwa. Hindi ko alam kung paano haharapin ang mga bagay na ito nung una.

Kalaunan, sa isang pagtitipon, nagbasa ng ilang salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga kapatid na nakatulong sa akin na makita ang mga bagay-bagay nang mas malinaw. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Matapos basahin ang salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mga pakana ni Satanas. Kapag gustong iligtas ng Diyos ang isang tao, sinusubukan ni Satanas ang lahat ng paraan at ginagamit ang lahat ng tao at bagay para pigilan siyang makamit ng Diyos. Nangyayari ito sa akin. Matapos malaman ng tatay ko na nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para pigilan at guluhin ako. Ginawa niyang dahilan na kailangan kong magtrabaho, at inuutusan akong gumawa ng mga bagay-bagay tuwing bago ako magsimula sa pagtitipon, at sadyang ginagambala ang mga pagtitipon ko para magpasama sa akin sa kanyang mga lakad. Ang lahat ng ito ay paggamit ni Satanas sa tatay ko para guluhin ako para mahirapan talaga akong dumalo sa mga pagtitipon o magbasa ng salita ng Diyos nang normal. Wala akong pagkakilala sa mga pakana ni Satanas, kaya no’ng pagbantaan ako ng tatay ko, nakinig ako kasi natakot akong mapalayas sa bahay. Nadala ako sa panunukso ni Satanas, kaya hindi ako regular na makadalo sa mga pagtitipon, at hindi magawa nang maayos ang tungkulin ko. Ngayon, nauunawaan ko nang ginagamit ni Satanas ang mga panggugulo ng tatay ko para ilayo ako sa Diyos at mawalan ako ng pagliligtas ng Diyos. Napakasama ni Satanas. Pero ang karunungan ng Diyos ay ginagamit batay sa mga pakana ni Satanas. Sa pagdanas ng kapaligirang ito, nagawa kong mahanap ang katotohanan, matuto ng mga aral, matutong makilala ang mga pakana ni Satanas, at manindigan sa aking patotoo at maipahiya si Satanas. Tanging sa pagbibigay-liwanag at patnubay lang ng Diyos ako nagkamit ng kaunting pagkakilala sa tunay na kalagayan ng mga bagay-bagay. Kinailangan kong manindigan sa patotoo ko, at huwag nang mahulog sa mga bitag ni Satanas.

Pagkatapos nun, ipinagpilitan kong dumalo sa mga pagtitipon at gawin ang tungkulin ko. Patuloy akong hinadlangan at ginambala ng tatay ko, at ilang beses pa nga niya akong gustong palayasin sa bahay. Galit na galit siya sa akin na ayaw na niya akong kausapin. Anuman ang gawin niya sa’kin, alam kong kailangan ko siyang kausapin. Isang araw, tinanong ko siya, “Tay, bakit ayaw mo akong kausapin? Bakit gusto mo akong palayasin sa bahay?” Sabi niya, “Puro pagtitipon na lang ang iniintindi mo at napakasuwail mo.” Sabi ko, “Sinabi ng Diyos na igalang natin ang ating mga magulang, kaya hindi ako titigil na makipag-usap sa’yo, pero hindi rin ako titigil sa pagdalo sa mga pagtitipon.” Tahimik siya, at hindi na ako kinausap pagkatapos nun. Kalaunan, ipinangaral ko ang ebanghelyo sa stepmother ko. Nagandahan siya rito, at dumalo siya sa mga pagtitipon sa loob ng isang buwan. Pero nung malaman ito ng tatay ko, pinagbawalan siya nitong dumalo at gusto akong palayasin sa bahay. Ikinalungkot ko ito. Ayokong masira ang relasyon ko sa tatay ko. Isang umaga, nagbabasa ako ng salita ng Diyos sa cellphone ko. Pinagalitan ako ng tatay ko nang makita niya ito, “Kapag dumalo ka pa sa mga pagtitipon sa cellphone mo, kukunin ko ito!” Tapos, sinubukan niyang kunin ang cellphone ko mula sa kamay ko. Ayoko itong bitiwan, kaya galit niyang sinabi, “Kung hindi mo ako susundin, pwede mo nang kunin ang mga gamit mo at lisanin ang pamamahay na ito!” Nakakadurog ito ng puso. Noon naman ay laging maganda ang relasyon ko sa tatay ko. Hindi ko kailanman ginusto na iwan siya o ang kanyang bahay, pero ang pag-uugali ng tatay ko sa akin at ang masasakit na salitang ito ay nakakasugat ng damdamin sa ‘di ko mailawarang paraan. Kapag pinalayas ako sa bahay, wala akong ibang mapupuntahan. Wala rin akong pera. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napaiyak ako, at nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Dahil sa paghadlang at pang-aabala ng tatay ko, nagtiis ako ng labis na pagkabalisa, at sobra akong nanghina at nahirapan. Ayokong patuloy na harapin ang mga paghihirap at pagpipiliang ito, kaya naisip ko ang pagpapatiwakal.

Alam kong mali ang iniisip ko, kaya nagdasal ako sa Diyos para maghanap at sinabi ko sa mga kapatid ko ang tungkol sa kalagayan ko. Nagbahagi sila ng mga salita ng Diyos sa akin. “Kung maraming bagay ang sumasapit sa iyo na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro ngunit nagagawa mong isantabi ang mga iyon at magtamo ng kaalaman tungkol sa mga kilos ng Diyos mula sa mga bagay na ito, at kung sa gitna ng mga pagpipino ay ipinapakita mo ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos, ito ay pagtayong saksi. Kung mapayapa ang iyong tahanan, natatamasa mo ang mga kaginhawahan ng laman, walang umuusig sa iyo, at sinusunod ka ng iyong mga kapatid sa iglesia, maipapakita mo ba ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos? Mapipino ka ba ng sitwasyong ito? Makikita ang iyong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan lamang ng pagpipino, at magagawa kang perpekto sa pamamagitan lamang ng mga bagay na nangyayari na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro. Sa pamamagitan ng maraming salungat at negatibong bagay, at paggamit ng lahat ng uri ng pagpapamalas ni Satanas—mga kilos nito, mga paratang, mga paggambala at panlilinlang—malinaw na ipinapakita ng Diyos sa iyo ang nakakatakot na mukha ni Satanas, at sa gayo’y ginagawang perpekto ang iyong kakayahang makilala si Satanas, upang kamuhian mo si Satanas at talikuran ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). “Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi sila minamahal ng Diyos, at ang kanilang hinaharap ay malabo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang sukdulan, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! … Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang daan tungo sa kaharian ay hindi madali. Kailangan nating magbayad ng halaga at matagalan ang pagsubok ng lahat ng uri ng mahihirap na kapaligiran para matanggap ang pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos. Sa landas ng pananalig sa Diyos, kung walang pagdurusa at pagpipino, hindi tayo makakabuo ng tunay na pagmamahal para sa Diyos. Tinututulan ako ng tatay ko dahil nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos. Sinubukan niya akong pigilan at guluhin ang mga pagtitipon ko at tungkulin, at ilang beses pa ngang gusto akong palayasin sa bahay. Napakasakit nito para sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan ng Diyos na pagdusahan ko ang gano’ng paghihirap, pero hindi ko hinanap ang kalooban ng Diyos o kung paano mararanasan ang kapaligirang ito. Sa halip, sumama lang ang loob ko, namighati at nag-alala, at natakot ako sa mga paghihirap na haharapin ko kapag pinalayas ako. Napakahina ko, hanggang umabot sa punto na naisip kong ang pinakamabuting solusyon ay kamatayan. Ganap akong nakontrol ng mga negatibo kong kaisipan. Ngayon, mula sa salita ng Diyos, nalaman ko kung gaano talaga kamali ang mga ideya ko. Isa akong duwag. Dapat naging matapang ako at naging matatag na harapin ang anumang paghihirap, dahil gustong perpektuhin ng Diyos ang pananampalataya ko sa pamamagitan ng mga sitwasyong ito, magawa akong sumunod at tanggapin ang anumang paghihirap na makakaharap ko, at magawa akong magdasal at umasa sa Diyos para makapanindigan sa aking patotoo at maipahiya si Satanas. Habang pinagninilayan ko ang salita ng Diyos, lumiwanag ang puso ko. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan kong sumulong, dahil kasama ko ang Diyos, at tutulungan ako ng Diyos. Kaya hindi ako tumigil sa pagdalo sa mga pagtitipon at paggawa ng tungkulin ko.

Makalipas ang ilang araw, bumalik ang kuya ko. Pinatotohanan ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa kanya at inimbitahan siyang dumalo sa mga pagtitipon, at tinanggap niya ang imbitasyon ko. Pero nung tumagal-tagal, nalaman ito ng tatay ko at sinimulan nitong hadlangan at guluhin siya, kaya tumigil ang kuya ko sa pagdalo sa mga pagtitipon. Binalaan din ako ng tatay ko na huwag na ulit ipangaral ang ebanghelyo sa pamilya ko. Medyo nalungkot ako, pero alam ko na sa panlabas, paghadlang ito ng tatay ko, pero ang totoo, ito’y panggugulo ni Satanas, kaya sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Kalaunan, sa salita ng Diyos, nabasa ko ito, “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala. Gayunman, para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaang ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan. Huwag magsikap na maging isang bagay sa harap ng ibang mga tao; hindi ba’t mas mahalaga at matimbang ang bigyan Ako ng kasiyahan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahanap ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban. Ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot sa Diyos, at naghihimagsik laban sa Diyos—ito ang mga taong kinamumuhian ng Diyos, at dapat din natin silang kamuhian. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. Kung hindi naniniwala sa Diyos ang iyong mga magulang, kung alam na alam nila na ang pananampalataya sa Diyos ang tamang landas, at na maaari itong humantong sa kaligtasan, subalit ayaw pa rin nila itong tanggapin, walang duda na sila ay mga taong nayayamot sa katotohanan, na namumuhi sa katotohanan, at walang duda na sila ang mga lumalaban sa Diyos, at namumuhi sa Diyos—at natural lang na kinamumuhian at kinasusuklaman sila ng Diyos. Magagawa mo bang kamuhian ang gayong mga magulang? Malamang na labanan at lapastanganin nila ang Diyos—kung magkagayon, tiyak na sila ay mga demonyo at Satanas. Magagawa mo rin ba silang kasuklaman at sumpain? Mga totoong katanungan ang lahat ng ito. Kung hinahadlangan ka ng iyong mga magulang na manalig sa Diyos, paano mo sila dapat tratuhin? Gaya ng hinihingi ng Diyos, dapat mong mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ ‘Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina’ (Mateo 12:48, 50). Umiiral na ang kasabihang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi napapahalagahan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Matapos basahin ang salita ng Diyos, naalala ko ang iba’t ibang ginawa ng tatay ko simula nung tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Maraming beses ko siyang binasahan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pinatotohanan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kahit hindi ako mapabulaanan ng tatay ko, kumapit siya sa kanyang mga kuru-kuro at hindi talaga naghanap, itinanggi at kinondena niya ang gawain ng Diyos, at sinubukan niya ang lahat ng paraan para pigilan ako at ang iba na manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ngayon, malinaw ko nang nakita, na tinututulan at inuusig kami ng tatay ko dahil hindi niya mahal ang katotohanan; kinamumuhian niya ito. Tulad lang siya ng mga Pariseo na lumaban sa Panginoong Jesus. Nung narinig nilang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa ng bagong gawain, sa halip na maghanap at magsiyasat, nilabanan at kinondena nila ito, na ganap na nagbubunyag sa kanilang kalikasan ng pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Mahigit tatlumpung taon nang nananalig ang tatay ko sa Diyos, pero nung naharap sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, mahigpit niyang kinapitan ang kanyang mga kuru-kuro, at walang pagnanais na maghanap, tumanggi siyang makinig sa tinig ng Diyos, at sinubukan kaming pigilan. Hindi siya tutol sa amin, nilalabanan niya ang katotohanan at ang Diyos. Hindi siya tupa ng Diyos, at hindi siya sinang-ayunan ng Diyos. Walang pakialam ang Diyos kung gaano katagal ka nang nananalig sa Panginoon, kung may katayuan ka, o kung gaano mo kaalam ang Bibliya. Ang tinitingnan ng Diyos ay kung kaya mong mapagpakumbabang hanapin ang katotohanan, kung nauunawaan mo ang tinig ng Diyos at tinatanggap ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Ang tatay ko ay hindi isang taong tunay na nananalig sa Diyos at naghahanap sa katotohanan. Gaano man karaming taon na siyang nananalig sa Panginoon, kung hindi niya tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at lalaban at magkokondena siya tulad nito, hindi niya kailanman matatanggap ang pagliligtas ng Diyos, at kokondenahin at isusumpa siya ng Diyos. Salita ng Diyos ang nagbigay ng kaliwanagan at gumabay sa akin, nagpaunawa sa akin ng ilang katotohanan, at nagbigay sa akin ng pagkakilala sa kalikasan at diwa ng tatay ko. Hindi na ako pwedeng kumilos ayon sa dikta ng damdamin. Kailangan kong kumilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at sa salita ng Diyos, panindigan ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, at maging tapat sa Diyos.

Matapos maranasan ang kapaligirang ito, mas nagkaroon ako ng pagkakilala sa tatay ko, at sa tuwing hinahadlangan niya ako, nagdarasal at umaasa ako sa Diyos. Nagbabahagi rin sa akin ang mga kapatid ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para tulungan ako, na nagpaunawa sa akin sa kalooban ng Diyos at nagbigay sa akin ng pananampalataya na sundin ang Diyos. Naramdaman ko ang pagmamahal ng Diyos, kaya masayang-masaya ako, at lubos akong nagpapasalamat sa Diyos. Kapag hinahadlangan at ginugulo ako ng tatay ko pagkatapos nun, hindi na ako napipigilan. Kaya ko nang manindigan sa kanya at sabihin sa kanya na anuman ang mangyari, patuloy akong mananalig sa Makapangyarihang Diyos at dadalo sa mga pagtitipon, na alam ko kung ano ang responsibilidad ko, na kailangan kong unahin ang tungkulin ko, at na kailangan kong ipalaganap ang ebanghelyo at gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Kalaunan, nakabasa pa ako ng mga salita ng Diyos. “Ngayon, minamahal Ko ang sinumang maaaring gumawa ng Aking kalooban, ang sinumang maaaring magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking mga pasanin, at ang sinumang maaaring magbigay ng kanilang lahat-lahat para sa Akin nang taos-puso at tapat, at patuloy Ko silang liliwanagan, at hindi Ko sila hahayaang makalayo sa Akin. Malimit Kong sabihing, ‘Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.’ Ano ang tinutukoy ng ‘pagpapalain’? Alam mo ba? Sa konteksto ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, tumutukoy ito sa mga pasaning ibinibigay Ko sa iyo. Para sa lahat ng nagagawang bumalikat ng pasanin para sa iglesia, at taos na inaalay ang kanilang sarili sa Akin, ang kanilang mga pasanin at kanilang kasigasigan ay kapwa mga pagpapalang nagmumula sa Akin. Dagdag pa rito, ang Aking mga paghahayag sa kanila ay isa ring pagpapala mula sa Akin(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 82). “Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, ‘Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.’ Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin(Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 70). Matapos kong basahin ang salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagdadala ng pasanin sa iyong tungkulin at pagiging tapat ay napakahalaga. Tinanong ko ang sarili ko, “Talaga bang dedikado ako sa pangangaral ng ebanghelyo ng kaharian? Natupad ko ba ang tungkulin ko ayon sa mga hinihingi ng Diyos?” Alam kong hindi ako hahayaan ng tatay ko na gumugol ng mas marami pang oras sa mga pagtitipon at tungkulin ko kapag nasa bahay ako, dahil palagi niyang sinusubukang hadlangan at guluhin ako. Kung gusto kong ganap na ialay ang sarili ko sa gawain ng ebanghelyo, kailangan kong umalis ng bahay at pumunta sa ibang lugar para ipangaral ang ebanghelyo. Gusto ng Diyos na maipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian sa pinakamabilis na paraan nang sa gayon ay parami nang parami ang taong makatanggap sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. May responsibilidad akong ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos para mas maraming tao ang makarinig sa tinig ng Diyos at makasalubong sa Panginoon. Kaya umalis ako ng bahay dala ang maleta ko at pumunta sa isang bagong bayan, at sa wakas ay malaya na akong mangaral ng ebanghelyo. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...

Leave a Reply