Ang Katotohanan sa Likod ng Kawalang-ingat

Pebrero 24, 2024

Ni Victor, Timog Korea

Noong nakaraang Oktubre, natapos naming gawin ang isang video. Pinagsikapan namin iyon nang husto, at naglaan ng maraming oras at lakas, pero ang nakakagulat, habang sinusuri iyon ng lider, may itinuro siyang detalyadong mga problema. Hindi raw nagawa nang maayos ang video na ito, na hindi iyon mas maganda kaysa sa mga nakaraang video, at na kinailangan iyong ulitin. Nang marinig ko ito, nabigla ako. Hindi ko inakala kailanman na magkakaroon ng gayon kalalaking isyu. Hindi ba nangangahulugan iyon na nawalan ng kabuluhan ang lahat ng pagsisikap at hirap namin? Mukhang isang malaking pagsasayang iyon.

Medyo nalito ako. Hindi ko alam kung paano malalampasan ang sitwasyong iyon, o kung anong aral ang kailangan kong matutunan. Iniisip ko noon na ilang beses nang na-edit ang video na iyon, kung kailan napanood na iyon ng lider, pero hindi niya kailanman binanggit ang mga isyung iyon. Nadama ko na kulang ako sa kakayahan, kaya normal lang na hindi ko mapansin ang gayong mga problema. Pero patuloy kong pinag-isipan iyon, at parang mayroong hindi tama roon. Dahil lang ba sa kulang ang kakayahan ko kaya nagkaroon ng gayon kalalaking problema? Ang paggawa ko sa tungkulin ay talagang hindi maayos; ano ang dahilan ng problemang ito? Tapos ay naalala ko ang isang bagay na sinabi dati ng lider, na sinuri lang niya ang mga konsepto at daloy ng video, pero hindi iyon nangangahulugan na walang mga isyu. Sinabi na niya sa amin na pag-isipan iyon nang detalyado, suriing maigi iyon, at ayusin ang anumang mga problemang nakita namin. Pero hindi iyon ang ginawa ko. Naisip ko na dahil nakita na ng lider ang video, dapat ay ayos na iyon, kaya sa produksyon ay hindi ko iyon nirepasong mabuti o pinag-isipang maigi. Lubos na walang ingat at walang gana ang naging saloobin ko. Tapos nang lumitaw ang mga problema, sinabi ko na narepaso na iyon ng lider. Hindi ba ipinapasa ko ang responsibilidad? Masyado akong wala sa katwiran. Tapos ay naisip ko na tiyak na may aral doon para sa akin, kaya nagdasal ako at humingi ng tulong, na hinihiling sa Diyos na gabayan ako sa pagkilala sa sarili ko.

Makalipas ang ilang araw, hiniling sa akin ng sister na katrabaho ko na repasuhin namin ang isang natapos na video. Ipinaalam ko ang ilang problemang napansin ko sa pagrerepaso ko, pero sinabi niya na napanood na iyon ng lider, at binanggit niya na nagustuhan daw nito ang konsepto, at na dapat naming tapusin iyon kaagad. May mga mungkahi ako sa pagbabago niyon, pero hindi ako nangahas na banggitin ang mga iyon matapos kong marinig na napanood na iyon ng lider at sinabing nagustuhan niya iyon. Nangamba ako na mali ang naging paghusga ko, at nakagawa kami ng ilang pagbabago na lumabas na mali pala. Kung gayon ay makakasagabal lang ako. Pero nakita ko na may ilang isyu talaga sa video, kaya hiniling ko sa isa pang brother na panoorin iyon, at sumang-ayon siya sa nadama ko. Naisip ko na dapat kong banggitin iyon ulit. Pero naisip ko, kung babaguhin namin iyon at nagkaproblema ang mga edit na iminungkahi ko, kapag nagtanong ang lider kung sino ang gumawa niyon, hindi ba’t magiging responsibilidad ko iyon? Hindi ba ako iwawasto? Kung sumige kami at tinanong ang lider, at sinabi niyang ayos lang iyon, hindi na kakailanganing i-edit pa ulit iyon. Hindi na kami mahihirapan, at hindi na namin kailangang pag-usapan pa iyon. Kaya iminungkahi ko sa sister na kapartner ko na tanungin namin ang lider, para mapayapa ang isipan namin. Pero sa sandaling lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon, naramdaman ko na mayroong mali. Napaka-pamilyar sa akin ng sitwasyong ito, at iisa lang ang tugon ko palagi kapag may naririnig akong ibang opinyon: tanungin ang lider at hayaang siya ang magpasya. Kung sumang-ayon ang lider, hindi na kami kailangang mag-alala tungkol doon at maaari na kaming magpatuloy; kung hindi, kung sinabi niyang may mga problema, nag-edit kami. Iyon ang ginawa namin palagi. Sa katunayan, hindi iyon dahil sa hindi kami pamilyar sa mga prinsipyo at kinakailangan para sa mga video. Puwede kaming maghanap ng katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo para sa gayong uri ng mga problema, at nalinaw na ng lider na ang pagrerepaso niya ay mas malawak lang na pagtingin sa video, samantalang kinailangan naming tingnan at ayusin ang anumang mas maliliit na isyu. Iyon ang responsibilidad na dapat kong tuparin, at trabaho ko iyon. Kaya bakit hindi ko talaga isinasapuso iyon? Sa harap ng mga isyu o pagkakaiba ng opinyon, hindi ko hinahanap ang mga prinsipyo kasama ang mga kapatid para may mapagkasunduan kami at maging responsable, sa halip ay ipinapasa ko iyon sa lider, at hindi ko ginagawa ang tungkulin ko. Pagkatapos ay naalala ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay laging napakapasibo sa kanilang mga tungkulin, laging nakaupo at naghihintay at umaasa sa iba. Anong uri ng pag-uugali iyan? Pagiging iresponsable. … Nagsasalita ka lang tungkol sa mga salita at doktrina at sinasabi mo lang ang mga bagay na masarap pakinggan, ngunit wala kang ginagawang praktikal na gawain. Kung ayaw mong gampanan ang iyong tungkulin, dapat kang magbitiw. Huwag kang manatili sa iyong posisyon at walang anumang gawin doon. Hindi ba’t sa paggawa nito ay pinipinsala mo ang mga taong hinirang ng Diyos at ikinokompromiso ang gawain ng iglesia? Sa paraan ng iyong pagsasalita, tila nauunawaan mo ang lahat ng klase ng doktrina, pero kapag hinilingan kang gampanan ang isang tungkulin, pabaya ka at walang interes, at hindi matapat kahit kaunti. Ganyan ba ay taos-pusong paggugol ng sarili para sa Diyos? Hindi ka sinsero pagdating sa Diyos, pero nagkukunwari sinseridad. Kaya mo ba Siyang linlangin? Sa paraan ng iyong karaniwang pagsasalita, tila mayroong malaking pananampalataya; gusto mong maging haligi ng iglesia at maging sandigan nito. Ngunit kapag ginagampanan mo ang isang tungkulin, mas wala kang silbi kaysa sa isang patpat ng posporo. Hindi ba’t ito ay panlilinlang sa Diyos nang nang buong kusa? Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa iyo sa pagtatangkang linlangin ang Diyos? Kasusuklaman, itatakwil at palalayasin ka Niya! Lahat ng tao ay nabubunyag sa pagganap sa kanilang mga tungkulin—italaga lang ang isang tao sa isang tungkulin, at hindi magtatagal ay mabubunyag kung siya ba ay isang matapat na tao o isang mapanlinlang na tao at kung siya ba ay nagmamahal sa katotohanan o hindi. Iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay kayang taos-pusong gampanan ang kanilang mga tungkulin at itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos; iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi itinataguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos ni bahagya, at iresponsable sila sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Ito ay agad na malinaw sa mga taong may matalas na pang-unawa. Walang sinumang hindi maayos ang pagganap sa tungkulin ang nagmamahal sa katotohanan o isang matapat na tao; ang mga gayong tao ay lahat mabubunyag at mapapalayas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Sinasabi ng Diyos na kailangang magkaroon tayo ng responsibilidad sa ating tungkulin at gumawa ng praktikal na gawain. Iyon lang ang paraan para magawa natin nang maayos ang ating tungkulin. Kung hindi natin isasapuso ang ating tungkulin, at sa halip ay iraraos lang ito nang walang interes, nang hindi sineseryoso ang mga problema o inaako ang responsibilidad, laging nagnanais na ipasa iyon sa iba, at paimbabaw lang ang trabahong ginagawa natin, hindi natin magagawa nang maayos ang ating tungkulin, at hindi malulugod ang Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang gayong mga tao ay walang silbi, at hindi karapat-dapat na gumanap sa isang tungkulin. Nakita kong katulad lang ako ng inilantad ng Diyos. Nang nagkaproblema ako sa tungkulin ko, kung isinapuso ko iyon, ipinagdasal, nagtanong at nakipagbahaginan sa iba pang mga kapatid tungkol sa mga prinsipyo, nagkasundo sana kami at nakahanap ng solusyon. Pero naisip ko na istorbo lang iyon, at ayaw kong magpakahirap. Kaya ginusto kong dumiretso sa lider, na iniisip na hindi gaanong istorbo kung siya na ang magdedesisyon. Hindi na kami mahihirapan. Kung hindi, mag-uusap-usap lang kami nang napakatagal, at baka hindi pa rin kami makahanap ng solusyon. Kaya marami akong ipinasang problema sa lider. Bilang lider ng grupo, hindi ko inaako ang mga responsibilidad ko ni hindi ako nagpapakahirap na siyang nararapat sa akin. Bukod pa riyan, sa mga talakayan namin tungkol sa trabaho, kung minsan ay may napapansin akong mga isyu o nagkakaroon ako ng kaunting kaliwanagan ng Banal na Espiritu, pero kapag ipaliwanag ko iyon, kung nagpahayag ng ibang opinyon ang isang brother o sister, bigla akong humihinto sa pagsasalita. Natatakot ako na baka sabihin ng iba na mayabang ako, at ang mas nakakatakot pa sa akin ay na kung may mga problema, kailangan kong akuin ang responsibilidad. Pakiramdam ko, yamang naibahagi ko na ang opinyon ko, bahala na silang pag-isipan iyon, at kung hindi kami magkasundo, puwede naming tanungin ang lider. Sa gayong paraan, kung may lumitaw na problema, kahit paano ay hindi lang ako ang mananagot. Hindi ko hinahangad kung paano kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, lalong hindi ko iniisip kung ano ang magiging kapaki-pakinabang sa iglesia. Ayaw kong mahirapan ni katiting, at nagiging iresponsable ako. Sa tingin ay nakakakita at naglalahad ako ng mga isyu, pero hindi ko nilulutas ang mga iyon. Lagi kong hinahayaan ang iba na magpasya, at hindi ako gumagawa ng mga desisyon. Hindi ba nanlilinlang ako, nagiging makasarili, at kasuklam-suklam? Hindi ko itinataguyod ang mga interes ng iglesia. Dati-rati, tuwing magkakaproblema kami, lagi akong nagtatanong sa lider, na iniisip na makatwirang magtanong kapag hindi ako nakaunawa, sa halip na pikit-mata akong magtiwala sa sarili ko. Sa paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakikita ko na nagiging iresponsable ako, walang-ingat sa aking tungkulin, at hindi tapat. Ngayong natanto ko na iyon, nakita ko na talagang naging mangmang ako at manhid. Sa harap ng mga sitwasyong ito, hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan o natutunan ang aral. Nilulusutan ko lang palagi ang tungkulin ko, nang hindi inaako ang responsibilidad. Lubhang mapanganib ang paraang iyon ng paggawa ng tungkulin ko. Ngayon ay nakakita ako ng mga problema at may ibang mga ideya ang kapartner ko. Kung hindi ko hinanap ang mga katotohanang prinsipyo kasama niya para may mapagkasunduan kami o makahanap ng solusyon, bagkus ay nagtanong lang ako sa lider, malinaw na pagdaraos lang iyon ng trabaho nang walang interes. Natanto ko na kailangan kong baguhin ang aking kalagayan, na kung nagpatuloy ako na walang pinapanigan at naging iresponsable, sadya akong gumagawa ng mali. Kaya iminungkahi ko sa kapartner ko na gumawa kami ng isa pang bersyon at ikumpara ang dalawa, tapos ay iparepaso sa lider iyong sa tingin namin ay mas maganda. Pumayag siya sa kasunduang ito. Matapos itong maisagawa, talagang gumaan ang pakiramdam ko.

Kalaunan, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Duwag ba ang isang taong natatakot humawak ng responsabilidad sa pagganap ng kanyang tungkulin, o may problema ba sa kanyang disposisyon? Dapat matukoy mo ang pagkakaiba. Ang totoo, hindi ito isang isyu ng karuwagan. Kung kayamanan ang habol ng taong iyon, o gumagawa siya ng isang bagay para sa sarili niyang interes, paano siya naging napakatapang? Susuungin niya ang anumang panganib. Pero kapag gumagawa siya ng mga bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, hindi man lang siya sumusugal. Ang gayong mga tao ay makasarili at masama, ang pinakataksil sa lahat. Sinumang hindi tumatanggap ng responsabilidad sa pagganap ng tungkulin ay hindi man lang matapat sa Diyos kahit kaunti, lalo namang wala silang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magdala ng mabigat na pasanin? Isang taong nangunguna at matapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali ng gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi takot pumasan ng mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding hirap, kapag nakikita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ang isang taong matapat sa Diyos, isang mabuting kawal ni Cristo. Tama ba na ang lahat ng natatakot managot sa kanilang tungkulin ay natatakot dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Hindi sila makatarungan o wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad, sila ay mga makasarili at masasamang tao, hindi mga taos na mananampalataya sa Diyos, at hindi man lang nila tinatanggap ang katotohanan. Sa kadahilanang ito, hindi sila maaaring maligtas. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay kailangang magbayad ng malaking halaga upang matamo ang katotohanan, at makahaharap nila ang maraming balakid sa pagsasagawa niyon. Kailangan nilang talikdan ang mga bagay-bagay, abandonahin ang kanilang mga interes para sa laman, at magtiis ng ilang pagdurusa. Saka lamang nila maisasagawa ang katotohanan. Kaya, maisasagawa ba ng isang taong takot humawak ng responsabilidad ang katotohanan? Tiyak na hindi niya maisasagawa ang katotohanan, lalo na ang makamit ito. Takot siyang isagawa ang katotohanan, na magdulot ng kawalan sa kanyang mga interes; takot siya na mapahiya, mahamak, at mahatulan, at hindi siya nangangahas na isagawa ang katotohanan. Dahil dito, hindi niya matatamo ito, at kahit ilang taon pa siyang naniniwala sa Diyos, hindi niya matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Ang mga maaaring gumanap ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay dapat mga taong tumatanggap ng pasanin para sa gawain ng iglesia, tumatanggap ng responsabilidad, nagtataguyod sa mga katotohanang prinsipyo, at kayang magdusa at magbayad ng halaga. Kung nagkukulang ang isang tao sa mga aspetong ito, hindi siya akmang gumanap sa isang tungkulin, at hindi niya tinataglay ang mga kundisyon sa pagganap ng tungkulin. Maraming taong natatakot tumanggap ng responsabilidad na gumanap sa isang tungkulin. Ang kanilang takot ay naipapamalas sa tatlong pangunahing paraan. Ang una ay na pinipili nila ang mga tungkuling walang kaakibat na responsabilidad. Kung isinasaayos ng isang lider ng iglesia na gampanan nila ang isang tungkulin, tinatanong muna nila kung dapat ba silang tumanggap ng responsabilidad para doon: Kung magkagayon, hindi nila iyon tinatanggap. Kung hindi nila kailangang umako ng responsabilidad at maging responsable para doon, tinatanggap nila iyon nang may pag-aatubili, pero kailangan pa rin nilang tiyakin kung nakakapagod o malaking abala ang gawain, at sa kabila ng kanilang atubiling pagtanggap ng tungkulin, wala silang ganang gampanan iyon nang maayos, na mas gusto pa ring maging hindi maingat at walang interes. Libangan, walang trabaho, at walang pagod sa katawan—ito ang kanilang prinsipyo. Ang pangalawa ay na kapag nahihirapan sila o nagkakaproblema, ang unang ginagawa nila ay iulat iyon sa isang lider at ipaasikaso at ipalutas iyon sa lider, sa pag-asa na maging madali iyon sa kanila. Wala silang pakialam kung paano nilulutas ng lider ang isyu at hindi ito pinapansin—basta’t hindi sila mismo ang responsable, ayos ang lahat sa kanila. Katapatan ba sa Diyos ang gayong pagganap sa tungkulin? Ang tawag dito ay pagpapasa ng responsabilidad, pagpapabaya sa tungkulin, panloloko. Puro salita lamang ito; wala naman silang anumang tunay na ginagawa. Sinasabi nila sa kanilang sarili, ‘Kung ako ang lulutas sa bagay na ito, paano kung magkamali ako? Kapag siniyasat nila kung sino ang may kasalanan, hindi ba’t haharapin nila ako? Hindi ba sa akin muna babagsak ang responsabilidad para dito?’ Ito ang ipinag-aalala nila. Pero naniniwala ka ba na sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay? Lahat ay nagkakamali. Kung ang isang taong tama ang layunin ay walang karanasan at hindi pa nakapag-asikaso ng ganitong klaseng bagay dati, pero nagawa nila ang lahat ng makakaya nila, nakikita iyan ng Diyos. Dapat kang maniwala na sinusuring mabuti ng Diyos ang lahat ng bagay at ang puso ng tao. Kung ni hindi ito pinaniniwalaan ng isang tao, hindi ba isa siyang walang pananalig? Anong kabuluhan ang maaaring mayroon sa gayong tao na gumaganap sa tungkulin? … May isa pang paraan kung saan naipapamalas ang takot ng isang tao sa pagtanggap ng responsabilidad. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, ang ilang tao ay gumagawa lang ng kaunting mababaw at simpleng gawain, gawaing walang kaakibat na pagtanggap ng responsabilidad. Ang gawaing may kaakibat na mga paghihirap at pagtanggap ng responsabilidad ay ibinabato nila sa iba, at kung may mangyaring mali, ipinapasa nila ang sisi sa mga taong iyon at iniiwasang madamay sa gulo. … Kung wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad sa pagganap ng kanilang tungkulin, paano nila magagampanan nang mabuti ang kanilang tungkulin? Ang mga hindi tunay na gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos ay hindi makakagampan nang maayos sa anumang tungkulin, at ang mga natatakot tumanggap ng responsabilidad ay maaantala lamang ang mga bagay-bagay kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Ang gayong mga tao ay hindi mapagkakatiwalaan o maaasahan; ginagampanan lang nila ang kanilang tungkulin para makakain sila(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Talagang tumimo sa puso ko ang salita ng Diyos, at pakiramdam ko ay inilalarawan ng Diyos ang mismong kalagayan ko sa oras na iyon. Sa paggawa ng gawain na ipinagkatiwala ng iglesia, hindi ako gumagawa sa mga katotohanang prinsipyo o umaasa sa Diyos para magawa ko ang aking makakaya. Sa halip, tinatakbuhan ko ang mga problema at iniiwasan ang responsibilidad, na ibinibigay ang pasanin sa lider para siya ang humarap sa mga iyon. Ginagawa ko ang anumang sabihin ng lider, na iniisip na kung hindi ito nagawa nang maayos sa huli, hindi ako ang responsable roon, at hindi ako iwawasto. Hindi ba panloloko iyon? Naniwala pa ako na matalinong paraan ito ng paggawa ng mga bagay-bagay. Pero sa mga salita ng Diyos, nakita ko na inaalis ko sa sarili ko ang responsibilidad, nagpapabaya ako sa tungkulin, at nagiging tuso. Nagiging tuso ako at mapanlinlang sa Diyos sa aking tungkulin. Palagi kong ipinupuwera ang sarili ko, para makaiwas ako sa responsibilidad. Hindi ako tapat o totoong nagpapakahirap, ni hindi ko sinusubukang gawin ang lahat ng aking makakaya. Nagpapalusot lang ako at nagsisinungaling, at kahit naglilingkod ako, hindi ako tapat. Hindi ako karapat-dapat sa isang tungkulin. Natanto ko na, kapag nakatapos kaming gawin ang isang video, basta’t sinabi ng lider na ayos na ang paunang pagrerepaso, hindi ko ito seryosong nirepaso o talagang pinag-isipan. Kahit nagmungkahi ang iba habang ginagawa iyon, hindi ko sila masyadong pinansin. Mabilis ko lang iyong tiningnan at sinabi kong ayos na iyon. Napakairesponsable ko. Dahil dito, ang ilan sa natapos nang mga video ay nagkaroon ng mga problema at kinailangang ibalik para baguhin. Kung minsan hindi nagkakasundo ang grupo tungkol sa isang video, samantalang nakita ko ang problema, pero wala akong ipinasyang anuman, sa halip ay dinala ko iyon sa lider para siya ang magdesisyon. Kung minsan hindi talaga namin naintindihan ang mga prinsipyo ng isang problema, hindi namin matiyak na nagawa ang mga bagay-bagay ayon sa pamantayan, at kinailangan namin ang patnubay ng lider para tulungan kaming itama ang mga pagkakamali. Pero ang ilan sa mga problema ay malinaw naming naintindihan, pero nakakita lang ako ng butas, hindi ko ginagawa ang isang bagay na kaya kong gawin. Hindi ko pinaghirapan o pinag-isipan iyon na siyang nararapat, at sa halip ay tinakbuhan ko lang iyon. Hindi ko hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo o talagang isinasaalang-alang ang mga isyung nakita ko. Ni hindi ko sinusubukang ibuod o matuto ng mga aral mula sa mga paglihis at kabiguan. Nakasanayan ko nang gawin ang mga bagay sa ganitong paraan. Iniisip ko pa nga na lahat ay nagkakamali sa kanilang tungkulin, kaya kung nakaligtaan ko nga ang ilang problema, iyon ay dahil kulang ang kakayahan ko. Isinasantabi kung nakakakita ako ng mga problema o hindi, ni hindi ko naramdaman ang pagiging responsable na dapat kong taglayin. Para maprotektahan ang sarili ko, naging walang-ingat at iresponsable ako sa pagsasagawa ng aking tungkulin, at ipinasa ko pa ang responsibilidad sa lider nang maglitawan ang mga problema. Binabaluktot ko ang katotohanan, na ginagawang problema ng iba ang lahat ng bagay. Ngayon ay nakita ko nang hindi ito tungkol sa kakayahan, kundi isang problema sa pagkatao ko.

Tapos ay nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung pinoprotektahan mo ang sarili mo sa tuwing may nangyayari sa iyo at nag-iisip ka ng paraan para makatakas, isang lihim na paraan, isinasagawa mo ba ang katotohanan? Hindi ito pagsasagawa ng katotohanan—ito ay pagiging tuso. Ginagampanan mo ang iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon. Ano ang unang prinsipyo sa pagganap ng isang tungkulin? Iyon ay ang kailangan mo munang gampanan ang isang tungkulin nang buong puso mo, nang ginagawa ang lahat, at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang katotohanang prinsipyo na dapat mong isagawa. Ang pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng paraan para makatakas, isang lihim na paraan, ay ang prinsipyo ng pagsasagawa na sinusunod ng mga hindi nananalig, at ang pinakamataas nilang pilosopiya. Isinasaalang-alang muna ang sarili sa lahat ng bagay at inuuna ang sariling mga interes bago ang lahat, hindi iniisip ang iba, walang pakialam sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa mga interes ng iba, iniisip muna ang sariling mga interes at pagkatapos ay iniisip kung paano makakatakas—hindi ba ganyan ang isang hindi nananalig? Ganyan mismo ang isang hindi nananalig. Ang ganitong uri ng tao ay hindi angkop na gumanap ng isang tungkulin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Talagang nakaantig sa akin ang mga salita ng Diyos. Hindi ko inakala kailanman na ang pananaw ko sa pagganap sa tungkulin ko ay tulad ng sa isang hindi nananalig, at na sa mga mata ng Diyos ay mukha lang akong isang hindi mananampalataya. Kapag nahaharap sa mga problema, lagi kong inuunang isipin ang sarili kong mga interes, sa takot na baka panagutin lang ako sa anumang mga problema. Kaya ipinakita ko na ginagawa ko ang tungkulin ko, pero ang totoo ay hindi ko kailanman ibinigay ang lahat dito, hinanap ang katotohanan, o kumilos ayon sa mga prinsipyo, ni hindi ko inisip ang mga interes ng iglesia. Bukod pa riyan, masaya na ako sa paggawa lang ng kaunting trabaho sa tungkulin ko, na iniraraos ang trabaho nang walang gana araw-araw. Hindi ba katulad lang iyon ng isang hindi nananalig na nagtatrabaho para sa isang amo? Kapag nagkaiba ang opinyon namin ng kapartner ko, bakit ko gustong ipasa sa lider ang pagdedesisyon? Dahil ayaw kong umako ng responsibilidad. Kaya kahit malinaw kong nakita ang ilang tunay na isyu, ipinasa ko sa lider ang pagdedesisyon, at pakiramdam ko pa nga ay ayos lang iyon. Nakita ko na ang hindi pag-ako ng responsibilidad ay naging likas na paghahayag ng aking likas na pagkatao. Talagang tuso ako at makasarili, at lubos na hindi maaasahan. Nanloko ako, naging tuso, at walang anumang wangis ng pagiging tapat. Hindi talaga karapat-dapat na gumanap sa isang tungkulin ang mga taong katulad niyon. Sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay hindi tumatanggap ng anumang pananagutan kapag gumaganap sila sa kanilang tungkulin, lagi silang pabaya at walang interes. Kahit nakikita nila ang problema, ayaw nilang maghanap ng solusyon at takot silang mapasama ang loob ng mga tao, kaya nga nagmamadali silang gawin ang mga bagay-bagay, na ang resulta ay kailangang ulitin ang gawain. Dahil ikaw ang gumaganap sa tungkuling ito, dapat mong panagutan ito. Bakit hindi mo ito sineseryoso? Bakit wala kang interes at pabaya ka? At wala ka bang ingat sa iyong mga responsabilidad kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin sa ganitong paraan? Kahit sino pa ang may pangunahing responsabilidad, responsable ang lahat ng iba pa sa pagbabantay sa mga bagay-bagay, ang lahat ay dapat may ganitong pasanin at ganitong pagpapahalaga sa pananagutan—pero wala ni isa man sa inyo ang nagbibigay ng anumang pansin, talagang wala kayong interes, wala kayong katapatan, wala kayong ingat sa inyong mga tungkulin! Hindi naman sa hindi ninyo nakikita ang problema, kundi ay ayaw ninyong tumanggap ng pananagutan—ni ayaw ninyong pansinin ang bagay na ito kapag nakikita naman ninyo ang problema, ayos na sa inyo ang ‘sapat na.’ Hindi ba’t ang pagiging pabaya at walang interes sa ganitong paraan ay pagtatangkang linlangin ang Diyos? Kung, kapag gumagawa at nagbabahagi ako sa inyo tungkol sa katotohanan, pakiramdam ko ay katanggap-tanggap ang ‘sapat na,’ kung gayon, batay sa inyong mga kakayahan at paghahangad, ano ang makakamit ninyo mula roon? Kung pareho ng sa inyo ang saloobin Ko, wala kayong mapapala. Bakit Ko ito sinasabi? Sa isang banda ito ay dahil wala kayong anumang ginagawa na taos-puso, at sa isa pang banda ay dahil medyo mahihina ang kakayahan ninyo, medyo manhid kayo. Dahil nakikita Kong lahat kayo ay manhid at walang pagmamahal sa katotohanan, at hindi ninyo hinahangad ang katotohanan, dagdag pa ang mahihina ninyong kakayahan, kaya kailangan Kong magsalita nang detalyado. Dapat Kong sabihin nang malinaw ang lahat, at unti-untiin at himay-himayin ang mga ito sa Aking pananalita, at mangusap tungkol sa mga bagay-bagay mula sa bawat anggulo, sa anupamang paraan. Saka lamang kayo nakakaunawa nang kaunti. Kung pabasta-basta Ako sa inyo, at nagsalita nang kaunti ukol sa anumang paksa, sa tuwing maibigan Ko, nang hindi ito pinag-iisipan nang mabuti ni pinagsisikapan, nang hindi ito isinasapuso, hindi nagsasalita kapag hindi Ko gustong magsalita, ano ang mapapala ninyo? Sa kakayahan na katulad ng sa inyo, hindi ninyo mauunawaan ang katotohanan. Wala kayong makakamit, lalo namang hindi ninyo matatamo ang kaligtasan. Pero hindi Ko magagawa iyon, dapat Akong magsalita nang detalyado. Dapat akong maging detalyado at magbigay ng mga halimbawa ukol sa mga kalagayan ng bawat uri ng tao, sa mga saloobin ng mga tao sa katotohanan, at sa bawat uri ng tiwaling disposisyon; saka lamang ninyo maiintindihan ang sinasabi Ko, at mauunawaan ang naririnig ninyo. Anumang aspeto ng katotohanan ang ibinabahagi, nagsasalita Ako sa iba’t ibang kaparaanan, na may mga estilo ng pagbabahagi para sa mga nasa hustong gulang at para sa mga bata, at sa anyo rin ng mga katwiran at kuwento, gumagamit ng mga teorya at pagsasagawa, at nagkukuwento ng mga karanasan, upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan at makapasok sa realidad. Sa ganitong paraan, iyong mga may kakayahan at may puso ay magkakaroon ng pagkakataong maunawaan at tanggapin ang katotohanan at maligtas. Ngunit noon pa man ang saloobin ninyo sa inyong tungkulin ay pagkapabaya at kawalan ng interes, ng pagpapaliban ng mga bagay-bagay, at wala kayong pakialam kung gaano katagal ang antalang idinudulot ninyo. Hindi ninyo pinagninilayan kung paano hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema, hindi ninyo iniisip kung paano gampanan ang inyong tungkulin nang maayos upang makapagpatotoo sa Diyos. Ito ay pagpapabaya sa inyong tungkulin. Kaya napakabagal ng paglago ng inyong buhay, pero hindi kayo nababalisa sa dami ng oras na nasayang ninyo. Sa katunayan, kung gagawin ninyo ang inyong tungkulin nang maingat at responsable, hindi man lang aabutin ng lima o anim na taon bago ninyo magagawang magkuwento ng inyong mga karanasan at magpatotoo sa Diyos, at ang iba’t ibang gawain ay napakaepektibong maisasakatuparan—pero ayaw ninyong isaisip ang kalooban ng Diyos, ni ayaw ninyong pagsikapang alamin ang katotohanan. May ilang bagay na hindi ninyo alam kung paano gawin, kaya’t binibigyan Ko kayo ng mga tiyak na tagubilin. Hindi ninyo kailangang mag-isip, kailangan niyo lamang makinig at magpatuloy. Iyan lang ang katiting na responsabilidad na dapat ninyong akuin—ngunit kahit iyan ay lampas sa inyo. Nasaan ang inyong katapatan? Hindi ito makita kahit saan! Ang tanging ginagawa ninyo ay magsabi ng mga bagay na masarap pakinggan. Sa puso ninyo, alam ninyo ang dapat ninyong gawin, pero hindi lang ninyo isinasagawa ang katotohanan. Ito ay pagsuway sa Diyos, at ang ugat nito ay kawalan ng pagmamahal sa katotohanan. Alam na alam ninyo sa puso ninyo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan—hindi lang talaga ninyo isinasagawa ito. Malubhang problema ito; nakatitig kayo sa katotohanan nang hindi ito isinasagawa. Hindi talaga kayo isang taong sumusunod sa Diyos. Para gumanap ng tungkulin sa sambahayan ng Diyos, dapat ninyong hanapin at isagawa man lang ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Kung hindi mo naisasagawa ang katotohanan sa iyong pagganap sa tungkulin, saan mo ito maaaring isagawa? At kung hindi mo isinasagawa ang anuman sa katotohanan, isa kang walang pananalig. Ano ba talaga ang layon mo, kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan—lalo nang hindi mo isinasagawa ang katotohanan—at kumikilos lang nang pabaya sa sambahayan ng Diyos? Nais mo bang gawing tahanan mo ng pagreretiro ang sambahayan ng Diyos, o isang bahay-kawanggawa? Kung oo, nagkakamali ka—ang sambahayan ng Diyos ay hindi nag-aalaga ng mga mapagsamantala, ng mga walang silbi. Sinumang masama ang pagkatao, na hindi masayang gumagampan sa kanyang tungkulin, na hindi akmang gumanap ng isang tungkulin, ay dapat paalisin lahat; lahat ng walang pananalig na hindi talaga tinatanggap ang katotohanan ay dapat palayasin. Nauunawaan ng ilang tao ang katotohanan pero hindi nila ito maisagawa sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Kapag may nakikita silang problema, hindi nila ito nilulutas, at kahit alam nilang responsabilidad nila ito, hindi nila ibinubuhos ang lahat ng makakaya nila. Kung hindi mo man lang isinasakatuparan ang mga responsabilidad na kaya mong gawin, anong halaga o epekto ang maidudulot ng pagganap mo sa inyong tungkulin? Makabuluhan bang manalig sa Diyos sa ganitong paraan? Ang isang taong nakakaunawa ng katotohanan pero hindi ito kayang isagawa, na hindi kayang pasanin ang mga paghihirap na marapat niyang pasanin—ang gayong tao ay hindi angkop na gumanap ng tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsiyensiya at Katwiran). Hiyang-hiya ako matapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos. Tapat na tapat ang Diyos sa Kanyang pagtrato sa mga tao. Para mailigtas tayo, gumagamit Siya ng lahat ng uri ng paraan para makapagbahagi sa atin, na nagbibigay sa atin ng napakadetalyadong pagbabahagi tungkol sa iba’t ibang aspeto ng katotohanan, at lubos Siyang mapagpasensya habang ginagawa ito. Binibigyan Niya tayo ng maraming halimbawa para gabayan tayo kung sakaling hindi tayo nakakaunawa, at binabahaginan tayo palagi ng mga katotohanan para diligan at tustusan tayo, at dinanas ang pinakadakilang paghihirap. Pinagnilayan ko ang aking saloobin sa pagganap sa aking tungkulin, at natanto ko na ipinagkakatiwala sa akin ng iglesia ang isang napakahalagang tungkulin, pero hindi ako umaako ng responsibilidad. Tinrato ko iyon nang walang-ingat, na nagtatamad-tamaran hangga’t maaari, nanloloko pa at nagiging tuso. Nasaan ang pagkatao ko? Naging tapat ang Diyos sa atin, pero ang iginanti ko lang sa Kanya ay panlilinlang. Dati ay may nabasa ako sa mga salita ng Diyos tungkol sa ilang taong may masamang pagkatao, pero hindi ko iniugnay iyon sa sarili ko. Tapos ay nakita ko na masama nga ang pagkatao ko, at wala akong konsensya. Mukhang ginagawa ko ang tungkulin ko araw-araw at nagpapakahirap nang kaunti, at iniraos kong lahat ang gawain nang walang gana. Pero hindi nakaharap ang puso ko sa Diyos. Hindi ko sinikap na gawin ang lahat ng makakaya ko sa tungkulin ko, na ibigay ang lahat ko roon, na maging maalalahanin at matapat. Sa halip ay nagtrabaho lang ako nang walang interes at walang gana. Hindi ako gumagawa ng isang tungkulin—ni hindi ako umaabot sa pamantayan ng paggawa ng serbisyo. Alam ko na hindi ako makakabawi sa mga kawalang idinulot sa gawain ng aking pagiging iresponsable. Nagdasal ako sa Diyos, hilingin sa Kanya na bigyan ako ng isang pagkakataon para magsisi, at mula noon ay nagpasya na akong baguhin ang saloobin ko sa aking tungkulin. Hindi ako puwedeng patuloy na maging walang-ingat.

Tapos ay nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, madalas silang mapagwalang-bahala at walang ingat kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Isa ito sa mga pinakaseryosong problema sa lahat. Kung gagampanan nang maayos ng mga tao ang kanilang mga tungkulin, dapat muna nilang lutasin ang problemang ito ng pagiging mapagwalang-bahala at kawalang ingat. Hangga’t may gayong ugali sila na mapagwalang-bahala at walang ingat, hindi nila magagampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin, na nangangahulugang lubhang mahalagang lutasin ang problema ng pagiging mapagwalang-bahala at kawalang ingat. Paano sila dapat magsagawa? Una, dapat nilang lutasin ang problema sa lagay ng kanilang pag-iisip; dapat nilang harapin nang tama ang kanilang mga tungkulin, at gawin ang mga bagay nang may kaseryosohan at may pagpapahalaga sa responsabilidad. Hindi nila dapat balaking maging mapanlinlang o pabasta-basta. Ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin para sa Diyos, hindi para sa sinumang tao; kung magagawa ng mga taong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, magkakaroon sila ng tamang lagay ng pag-iisip. Higit pa rito, pagkatapos gawin ang isang bagay, dapat suriin ito ng mga tao, at pagnilay-nilayan ito, at kung makadama sila ng kaunting pagkabalisa sa kanilang puso, at matapos ang masusing inspeksyon, napag-alaman nilang may problema nga, dapat silang gumawa ng mga pagbabago; kapag nagawa na ang mga pagbabagong ito, mapapanatag na sila sa kanilang puso. Kapag nababalisa ang mga tao, pinatutunayan nitong may problema, at dapat nilang masusing suriin ang mga nagawa nila, lalo na sa mga mahahalagang yugto. Ito ay isang responsableng pag-uugali sa pagganap ng tungkulin. Kapag ang isang tao ay makakayang maging seryoso, umako ng responsabilidad, at ibigay ang kanyang buong puso at lakas, magagawa nang maayos ang gawain. Minsan ikaw ay wala sa tamang lagay ng pag-iisip, at hindi ka makahanap o makatuklas ng isang napakalinaw na pagkakamali. Kung ikaw ay nasa tamang lagay ng pag-iisip, sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu, magagawa mong tukuyin ang usapin. Kung ginabayan ka ng Banal na Espiritu at binigyan ka ng kamalayan, tinutulutan kang makaramdam ng kalinawan sa puso at na malaman kung saan may mali, magagawa mo nang itama ang paglihis at pagsumikapan ang mga katotohanang prinsipyo. Kung ikaw ay nasa maling lagay ng pag-iisip, at tuliro at pabaya, mapapansin mo kaya ang mali? Hindi mo mapapansin. Ano ang makikita mula rito? Ipinapakita nito na upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin nila, napakahalaga na nakikipagtulungan ang mga tao; napakahalaga ng lagay ng kanilang mga pag-iisip, at napakahalaga ng kung saan nila itinutuon ang kanilang mga iniisip at ideya. Sinisiyasat at nakikita ng Diyos kung ano ang lagay ng pag-iisip ng mga tao, at kung gaano karaming lakas ang ginagamit nila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Napakahalaga na inilalagay ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa kanilang ginagawa. Napakahalagang sangkap ang kanilang pakikipagtulungan. Tanging kung nagsisikap ang mga tao na walang pagsisihan tungkol sa mga tungkuling kanilang naisagawa at mga bagay na kanilang nagawa, at hindi magkaroon ng pagkakautang sa Diyos, na makakikilos sila nang buong puso at lakas. Kung palagian kang nabibigong ilagay ang buong puso at lakas mo sa pagganap sa iyong tungkulin, kung lagi ka na lang pabaya at walang interes, at nagdudulot ng malaking pinsala sa gawain, at lubhang nagkukulang sa mga epektong hinihingi ng Diyos, isang bagay lang ang maaaring mangyari sa iyo: Palalayasin ka. At magkakaroon pa ba ng panahon para magsisi, kung magkagayon? Hindi magkakaroon. Ang mga kilos na ito ay magiging isang walang-hanggang panaghoy, isang mantsa! Ang pagiging laging pabaya at walang interes ay isang mantsa, ito ay isang malubhang paglabag—oo o hindi? (Oo.) Dapat magsikap kang isagawa ang iyong mga obligasyon, at ang lahat ng nararapat mong gawin, nang buong puso at lakas mo, dapat ay hindi ka pabaya at walang interes, o mag-iwan ng pagsisisihan. Kung magagawa mo iyan, kikilalanin ng Diyos ang tungkuling ginagampanan mo. Iyong mga bagay na kinikilala ng Diyos ay mabubuting gawa. Ano, kung gayon, ang mga bagay na hindi kinikilala ng Diyos? (Mga paglabag at masasamang gawa.) Maaaring hindi mo tanggapin na masasamang gawa ang mga ito kung inilalarawan ang mga ito nang gayon sa ngayon, ngunit kapag dumating ang araw na may malubha nang kahihinatnan sa mga bagay na ito, at nagdulot ang mga ito ng negatibong impluwensiya, kung gayon ay madarama mo na ang mga bagay na ito ay hindi lamang mga paglabag sa pag-uugali bagkus ay masasamang gawa. Kapag napagtanto mo ito, magsisisi ka, at iisipin sa sarili: ‘Dapat ay pinili ko nang umiwas bago pa nangyari! Kung mas nag-isip at nagsikap pa ako nang kaunti sa simula, naiwasan sana ang kinahinatnang ito.’ Walang makabubura ng walang-hanggang mantsa na ito sa iyong puso, at kung ilalagay ka nito sa permanenteng pagkakautang, magkakaproblema ka. Kaya ngayon ay dapat kang magsikap na ilagay ang iyong buong puso at lakas sa atas na ibinigay sa iyo ng Diyos, na gampanan ang bawat tungkulin nang may malinis na konsensiya, walang anumang pagsisisi, at sa isang paraang kinikilala ng Diyos. Anuman ang ginagawa mo, huwag maging pabaya at pabasta-basta. Kung pabigla-bigla kang gumagawa ng mali at isa itong malubhang paglabag, ito ay magiging walang-hanggang mantsa. Kapag nagkaroon ka na ng mga pagsisisi, hindi ka na makakabawi para sa mga ito, at magiging mga permanenteng pagsisisi ang mga ito. Ang dalawang landas na ito ay dapat makita nang malinaw. Alin ang dapat mong piliin, upang matamo ang papuri ng Diyos? Ginagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at lakas, at naghahanda at nagtitipon ng mabubuting gawa, nang walang anumang pagsisisi. Anuman ang gawin mo, huwag kang gumawa ng masama na makagagambala sa pagganap ng iba sa kanilang mga tungkulin, huwag kang gumawa ng anumang labag sa katotohanan at laban sa Diyos, at huwag kang gumawa ng mga bagay na habambuhay mong pagsisisihan. Anong mangyayari kapag ang isang tao ay nakagawa ng napakaraming paglabag? Tinitipon nila ang galit ng Diyos sa kanila sa Kanyang presensya! Kung lumabag ka nang lumabag, at higit na tumindi ang poot ng Diyos sa iyo, sa huli, ikaw ay parurusahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Bago iyon, inamin ko nang wala akong gana sa tungkulin ko, pero hindi ko kailanman natanto ang mga puwedeng ibunga nito sa akin, o kung ano ang magiging tingin at paglalarawan ng Diyos sa isang taong katulad niyon. Ngayon ay nakita ko na mula sa salita ng Diyos na mukhang hindi gumagawa ng malaking kasamaan ang gayong mga tao, pero kasuklam-suklam sa Diyos ang saloobin nila sa kanilang tungkulin, at kung hindi sila magsisisi, sa huli ay mawawala ang pagkakataon nilang maligtas. Nang malantad ako sa ganitong sitwasyon, nakita ko kung gaano kalubha ang problema ko dahil sa pagdaraos ng aking tungkulin nang walang gana at pagiging iresponsable ko. Dahil sa pagiging iresponsable ko kaya nangailangan ng karagdagang pag-edit ang video na iyon, na nakaantala sa lahat ng trabaho namin. Isang paglabag iyon. Kung hindi ko itinama kaagad ang kalagayan ko, at patuloy akong naging walang-ingat at iresponsable, puwede akong magkasala sa disposisyon ng Diyos at mapaaalis anumang oras, kung kailan magiging huli na ang lahat para magsisi. Mula sa mga salita ng Diyos, nakakita kami ng isang landas ng pagsasagawa para malutas ang aming kawalang-ingat sa tungkulin namin. Una, kailangan ay mayroon kaming tamang pag-iisip, magpasan kami ng responsibilidad, at tanggapin namin ang pagsusuri ng Diyos. Tapos ay kailangan naming repasuhing mabuti ang mga bagay at hindi pagtakpan ang mga problemang natatagpuan namin.

Kalaunan, isinagawa namin ang mga salita ng Diyos. Ibinuod namin ang mga dahilan ng aming mga kabiguan, at masigasig na siniyasat ang mga video batay sa mga prinsipyo, na hindi hinahayaang makalagpas ni isang detalye. Sama-sama naming hinanap ang mga katotohanang prinsipyo at pinag-usapan kung paano isasagawa ang mga pag-edit. Ang pakikipagbahaginan at pakikipagtalakayang ito sa mga kapatid ay mas naipaunawa sa amin ang mga prinsipyo, at natanto namin na kahit maraming beses na naming narepaso ang ilang video, ngayong mas alam na namin, natuklasan namin ang iba pang mga detalye ng mga isyu. Mas malinaw nitong ipinakita kung gaano kalubha ang problema namin na nilulusutan lang namin sa aming tungkulin noon. Tapos ay sinuri namin kung paano namin dapat i-edit ang mga video na ito batay sa mga prinsipyong iyon, kinumpleto namin ang lahat ng pag-edit na kaya naming gawin, tapos ay ibinigay namin ang mga iyon sa lider para repasuhin kapag wala na kaming nakitang anumang mga isyu. Mas gumaan ang pakiramdam ng lahat matapos naming isagawa iyon. Pagkatapos i-edit ang mga video na iyon, ipinasa namin ang mga iyon sa lider para marepaso. Sabi niya, “Napakaganda nito, at wala akong nakikitang anumang mga isyu. Maayos ang ginawa ninyo ngayon.” Nang sabihin iyon ng lider, hindi ko napigilang taos-pusong magpasalamat sa Diyos. Alam kong hindi iyon dahil sa nakagawa kami ng magandang trabaho. Sa halip, ginabayan at binigyang-liwanag kami ng Diyos noong medyo naging handa kaming magbago at magsisi, at tumigil sa pagiging walang-ingat. Talagang ipinakita sa akin ng karanasang ito na kung talagang isinasapuso mo ang isang tungkulin, saka lang magiging makabuluhan iyon at makadarama ka ng kapayapaan. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Sanga-sangang Daan

Ni Wang Xin, South Korea Dati akong may masayang pamilya, at ang asawa ko ay napakabuti sa akin. Nagbukas kami ng isang restawran na...

Ang Katanyagan ay Isang Sumpa

Ni Xiaoen, Spain Noong nakaraan, isang superbisor na namamahala sa iglesia ay inilipat dahil sa pangangailangan sa gawain at kailangang...