Ang mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Kinakailangang mga Matapat na Tao

Mayo 16, 2018

Cheng Mingjie Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi

Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy. Sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga tao may posibilidad akong maging medyo prangka. Madalas, nadaraya ako o kinukutya dahil sa madaling pagtitiwala sa iba. Pagkatapos lamang nang magsimula akong magpunta sa iglesia na naramdaman kong nakatagpo ako ng isang lugar na matatawag kong akin. Akala ko sa sarili ko: “Dati ang hindi ko pandaraya ay naglagay sa akin sa kawalan at ginawa akong mahina sa pandaraya ng iba; pero sa iglesia gusto ng Diyos ang matatapat na tao, kaya hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa pagiging sobrang hindi madaya.” Naramdaman kong lalo akong naaliw nang marinig kong mahal ng Diyos ang mga matapat at simple, at ang matapat lamang ang tatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Nang makita ko kung paano naging balisa ang aking mga kapatid na babae at lalaki habang nagsimula silang makilala ang kanilang mapanlinlang na kalikasan ngunit hindi ito mababago, naramdaman kong mas maginhawa, sa pagiging matapat at prangka, na hindi ko kailangang tahakin ang gayong pagkabalisa. Gayunman, isang araw, pagkatapos na matanggap ang isang pagbubunyag mula sa Diyos, sa wakas ay natanto ko na hindi ako ang matapat na tao na sa akala ko ay ako.

Isang araw, narinig kong sinabi ng Diyos sa Kanyang pagbabahagi: “Ang mga taong matapat ay may taglay na katotohanan, hindi sila kaawa-awa, hamak, estupido, o walang-muwang. … Kaya, huwag ilagay ang koronang ito sa ulo mo, na iniisip na ikaw ay matapat dahil nagdurusa ka sa lipunan, tinatrato nang hindi-patas, at ipinagtutulakan at dinadaya ng lahat ng taong nakikilala mo. Ito ay talagang mali. … Ang pagiging tapat ay hindi katulad ng iniisip ng mga tao: Hindi tapat ang mga tao dahil lamang sa prangka sila at simpleng makiharap. Ang ilang tao ay maaaring likas na diretsahang magsalita, ngunit ang diretsahang pagsasalita ay hindi nangangahulugan na hindi sila nanlilinlang. Ang panlilinlang ay mga motibasyon at disposisyon ng mga tao. Kapag nabubuhay ang mga tao sa mundong ito, sa ilalim ng impluwensya ng katiwalian ni Satanas, imposible silang maging matapat; mas lalo lamang silang magiging mapanlinlang(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay ganap na paglalarawan ng aking sitwasyon. Sa katunayan, palagi kong naisip na dahil hindi ako nagsasalita sa paraang paliguy-ligoy at madalas akong nadaraya ng iba, na ito kahit papaano ay nangangahulugan na wala sa aking pagkatao ang mapanlinlang o tuso. Bilang resulta, hindi ako kailanman naka-ugnay nang personal sa paglalantad ng Diyos sa kataksilan at katusuhan ng tao, sa halip ay pagpaparangal sa sarili ko bilang ganap na halimbawa ng katapatan. Akala ko na ang lahat ay mapanlinlang at ako kahit paano ay iba, na isinilang ako na may likas na katapatang ito. Namumuhi ang aking pag-iisip sa Diyos. Sa puntong ito, naalala ko ang isa pang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso mo sa Diyos, pagiging wagas sa Diyos sa lahat ng mga bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi pagtatago kailanman ng katotohanan, hindi pagsusubok na malinlang yaong mga nasa itaas at nasa ibaba mo, at hindi paggawa ng mga bagay upang manuyo lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa mga kilos at mga salita mo, at hindi paglilinlang sa Diyos o sa tao. … Kung tadtad ng mga palusot at walang halagang mga pangangatwiran ang mga salita mo, sinasabi Kong isa kang taong kinasusuklamang isagawa ang katotohanan. Kung marami kang mga nakatagong kaalamang atubili kang ibahagi, kung lubos kang tutol na ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isang kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaahon mula sa kadiliman. Kung nakalulugod sa iyong mabuti ang paghahanap sa daan ng katotohanan, isa kang taong palaging nananahan sa liwanag. Kung lubhang nagagalak kang maging isang tagapaglingkod sa tahanan ng Diyos, na gumagawa nang masigasig at matapat sa di-katanyagan, palaging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, sinasabi Kong isa kang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at nagsisikap lamang na maging tapat na tao. Kung handa kang maging matapat, kung handa kang gugulin ang lahat ng nasa iyo, kung kaya mong isakripisyo ang buhay mo para sa Diyos at tumayong matatag sa patotoo mo, kung tapat ka hanggang sa puntong pagbibigay-kasiyahan lamang sa Diyos ang alam mo at hindi pagsaalang-alang ng sarili mo o pagkuha para sa sarili mo, sinasabi Kong ang ganitong mga tao ay yaong mga pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay kailanman sa kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Napagtanto ko sa pamamagitan ng salita ng Diyos na ang talagang ibig sabihin ng Diyos sa katapatan, ay isang tao na ibinibigay ang kanyang puso sa Diyos na walang iniisip sa kanyang personal na pagsulong o mga plano sa hinaharap. Walang ginagawang pangangalakal sa Diyos, walang hinihinging kabayaran: Ang taong matapat ay sukdulang matapat sa Diyos at hindi kailanman sinusubukang linlangin Siya. Sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sila ay masigasig at hindi kailanman sinusubukang dayain ang kanilang paraan sa mga bagay-bagay o gawin ang isang bagay nang madalian. Inilalantad ng matapat na tao ang lahat ng bagay sa harap ng Diyos, at nakahanda ring ibahagi ang kanilang mga pribadong usapin at mga personal na problema sa kanilang mga kapatid na babae at lalaki. Ang matatapat na tao ay hindi nagpapahayag ng hindi gaanong epektibong bersiyon ng kuwento, sinasabi nila ang katotohanan tungkol sa isang bagay. Pinanghahawakan ng matapat na tao ang katotohanan at makatao. Para sa akin, hindi ko lang nakuha kung ano ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao. Sa aking makamundong paghusga sa mga bagay-bagay, ang “matapat na tao” ng Diyos ay kung ano ang itinuturing natin sa hindi relihiyosong mundo bilang isang “taong hindi madaya.” Hindi ko alam na ang “matapat na tao” ng Diyos at ang aking “matapat na tao” ay katiting lang ang pagkakapareho. Naging mangmang ako, salungat sa katwiran!

Pinasama ni Satanas ang tao sa loob ng libo-libong taon: Lahat tayo ay lumaki sa isang kapaligiran na laganap ang pagkamuhi at kasamaan ni Satanas. Ang ating mga salita at pag-uugali, ang paraan kung paano tayo kumikilos sa lipunan, lahat ay sumasailalim sa pag-anyaya ni Satanas. “Mag-isip bago ka magsalita at pagkatapos magsalita nang may pasubali,” “Ang lahat ng tao ay para sa kanyang sarili at natatamo ng demonyo ang kadulu-duluhan,” “Nagsasalita mula sa magkabilang panig ng bibig,” ang mga pinakakilalang kasabihan na ito ni Satanas ay natanim na nang sama-sama na walang kamalayan sa tao: Mahalagang bahagi sila ng ating buhay habang hinihimok tayo sa kataksilan at katusuhan. Kung ganoong lahat ng sangkatauhan ay nagdurusa dahil sa kataksilan at katusuhan, bakit ko naisip na kahit papaano ako ay hindi tinatablan, o likas na matapat? Nagsasalita ako nang tapat at walang kasinungalingan dahil ako ay prangka at tahasang tao. Madalas akong nadaraya ng iba dahil ako ay mangmang at hangal, ngunit hindi ibig sabihin nito na ako ay talagang isang matapat na tao. Kapag inisip ko ang nakaraan, ilang beses ko bang ginamit ang panlilinlang at mga kasinungalingan para mapanatili ang aking reputasyon at katayuan? Ilang beses ba akong nalublob sa pagkabalisa dahil sa aking mga inaasahan sa hinaharap sa halip na maniwala sa Diyos na may malinis at tanging puso? Natakot ako na sa pagsusuko ng lahat ng bagay para sa Diyos, ay walang matitira sa akin, kaya lagi kong nais ang pangako mula sa Diyos, isang pangako na balang araw ako ay makakapasok sa Kanyang kaharian. Sa ganoong paraan lang ako makapaghahanap ng katotohanan nang buong puso at hindi nag-aalala. Ilang beses ba akong hindi naging tapat sa Diyos, naliligalig sa maliliit na nawala at natamo sa proseso ng pagtupad sa aking mga tungkulin? At ilang beses ba akong gumawa at nilabag ang mga pagtitika, nagsasalita ng “mga salitang parang mahalaga ngunit walang laman” upang ayusin ang biyaya ng Diyos? Ilang beses ko bang pinigilan ang sarili ko na buksan ang aking sarili sa aking mga kapatid na lalaki at babae at ibahagi ang aking mga personal na problema at pansariling kapakanan sa kanila dahil sa takot na hahamakin nila ako? Ilang beses ko bang sinabi kung ano ang pinaniniwalaan ko lang na magbibigay sa akin ng personal na pakinabang, nag-iingat at naghihinala sa iba? … Sa pagbabalik-tanaw, tila lahat ng aking mga saloobin, salita at kilos ay napuno ng kataksilan at pandaraya. Bilang resulta, ang pagkaunawa ko sa pananampalataya, ang aking mga kontribusyon, ang aking mga pakikipag-ugnayan sa ibang tao at sa Diyos at ang aking pagtupad sa aking mga tungkulin lahat ay nahawaan ng kataksilan. Maaari mong sabihin na nabubuhay ako sa bawat sandali ayon sa pinakadiwa ng kataksilan. Hindi ako malayong matapat na tao.

Salamat Diyos sa pagpapaliwanag mo sa akin, sa pagtuturo mo sa akin na ang matapat na tao ay hindi lamang basta prangkang magsalita at hindi madaya, ngunit sa halip ay mga nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Salamat din sa pagpapakita sa akin na hindi ako matapat ayon sa pakahulugan ng Diyos, subalit isang taong naliligalig ng mapanlinlang na kalikasan ni Satanas, isang kataksilan na inilatad ng Diyos. Mahal na Diyos, mula ngayon gugugulin ko ang sarili ko sa pagiging isang taong matapat. Hinihiling ko sa Iyo na ilantad mo ako at payagan ako na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa aking sariling mapanlinlang na kalikasan, upang kamuhian ko ang aking sarili, tanggihan ang aking laman, at malapit nang maging isang taong matapat na taglay ang katotohanan at pagkatao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Sugat na Hindi Gumagaling

Ni Li Zhen, Tsina Alas-singko noon nang umaga noong Nobyembre ng 2018 bigla akong nakarinig ng malakas na pagkatok sa pinto. Nang buksan...