Ang Pinsalang Dulot ng Pagiging Pabasta-Basta

Disyembre 11, 2022

Ni Xing Zi, Italya

Noong Oktubre 2021, nagsimula akong magsagawa ng pagdidilig sa mga baguhan. Nang mag-isang linggo na, napagtanto ko na napakarami kong kailangang matutunan. Kailangan kong sangkapan ang sarili ko ng katotohanan ng mga pangitain, at kailangan ko ring isagawa ang pagbabahagi sa katotohanan para malutas ang kanilang mga isyu, pero mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan at hindi ako magaling sa pakikipag-usap. Sa tingin ko’y talagang mahirap ang tungkulin na ito. Nang gustuhin ng lider ng grupo na lutasin ko kaagad ang mga isyu ng mga baguhan, lalo ‘yong mahirap para sa akin. Ang lahat ng baguhan ay may marami-raming problema, kaya kailangan kong maghanap ng naka-target na mga katotohanan para malutas ‘to, at mag-isip kung paano magbabahagi nang malinaw. Kailangan nito ng matinding pagsisikap. Kaya sinabi ko sa lider ng grupo na wala akong kakayahan at hindi ko ito magagawa nang maayos. Nagbahagi sa akin ang lider ng grupo at sinabing kailangan kong umako ng pasanin sa aking tungkulin at ‘di dapat matakot na magdusa. Mabigat sa loob na sumang-ayon ako matapos marinig ang pagbabahagi niya, pero sa puso ko, ayokong magbayad ng halaga. Sa mga pagtitipon, patuloy akong nagbabahagi sa mga baguhan gaya ng dati, at dahil ‘di ko naiintindihan ang mga paghihirap nila, nagpapaliguy-ligoy lang ako at walang natatamong resulta, kaya kumonti ang mga baguhang regular na dumadalo sa mga pagtitipon. Nang makakita ng mga problema ang lider ng grupo, hiniling niya sa’kin na tumulong na suportahan sila kaagad, pero naisip ko, “Maraming beses na silang binahaginan ng nag-eebanghelyo sa katotohanan ng mga pangitain, kaya kung hindi pa rin sila dumadalo sa mga pagtitipon, may magagawa pa ba ako? ‘Tsaka, lahat ng baguhang ‘yon ay ‘di nakikipagtipon kamakailan, kaya siguradong matatagalan ang pagbabahagi sa kanila, na nakakapagod.” Sa isiping ‘yon, pinadalhan ko na lang sila ng mga mensahe para mangumusta, at isinantabi ‘yong mga hindi sumasagot, ‘di sila pinapansin. ‘Yong mga may mas maraming problema, inihuhuli ko sa listahan ko ng babahaginan, o ipinapasa sila sa mga nag-eebanghelyo para masuportahan. Hindi nagtagal, humintong makipagtipon ang ilang baguhan dahil matagal nang hindi nalulutas ang mga isyu nila. Nakokonsensya ako at nababahala sa tuwing napapansin kong hindi nakikipagtipon ang mga baguhan, na dapat akong mas magbayad ng halaga para matugunan ang mga isyu nila. Pero nang maisip kong abala lang ito, hinayaan ko na lang.

Naaalala ko ang isang baguhan na dating Katoliko, na nagkaroon ng mga kuru-kuro sa pagkakatawang-tao at paggawa ng Diyos sa mga huling araw, at huminto sa pakikipagtipon. Kahit anong mensahe o tawag ko sa kanya, hindi niya ako pinansin. Pagkalipas ng dalawang araw, nagmensahe siya: “Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya. Katoliko ako mula pa nung bata ako, at 64 na taon na ngayon. Sa Panginoong Jesus lang ako naniniwala—hindi na ako pwedeng maniwala sa Makapangyarihang Diyos.” Ang sagot ko ay: “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang tanging paraan para makapasok sa kaharian ng Diyos ay ang tanggapin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw.” Pero, hindi siya sumagot. Ilang beses ko pa siyang hinanap, pero hindi niya ako pinansin. Kaya ipinasa ko ang problemang ‘to sa lider ng grupo, at nagulat ako nang padalhan niya ako ng ilang nauugnay na sipi ng mga salita ng Diyos, hinihiling sa akin na hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Nang makita kong kailangan kong sangkapan ang sarili ng maraming katotohanan at pag-isipan kung paano magbahagi para magkaroon ng mga resulta, naramdaman kong sobrang nakakapagod ito. Hindi sumasagot sa’kin ang baguhan at kahit na gumugol ako ng panahon na sangkapan ko ang sarili ko, baka hindi pa rin siya makikinig sa pagbabahagi ko, kaya isinantabi ko na lang siya at hindi siya pinansin. May isang baguhan na talagang abala sa trabaho araw-araw, at ‘di siya kailanman dumalo sa mga pagtitipong inimbitahan ko siya. Pinapadalhan ko siya ng mga salita ng Diyos at himno araw-araw nung una, pero sumasagot lang siya ng “Amen,” at hindi nagpapakita sa mga pagtitipon. Sa huli, tumigil ako sa pagpapadala ng mga salita ng Diyos sa kanya. Tingin ko’y napakaabala niya sa trabaho, at na ito ang realidad niya, at kahit gaano karaming oras ang igugol ko, hindi ko malulutas ang problemang ‘yon. Alam kong dapat kong planuhin ang mga oras ng pagtitipon batay sa mga suliranin niya, at maghanap ng mga nauugnay na sipi ng mga salita ng Diyos para magbahagi sa kanyang mga kuru-kuro, at ito lang ang paraan para magtamo ng mga resulta. Tingin ko’y masyadong kumplikado at nakakaabala na gawin ito, kaya ayokong magbayad ng ganitong halaga. Pero kung hindi ko ‘yon ibabahagi at malaman ng lider, iwawasto niya ako sa hindi paggawa ng tunay na gawain. Kaya pinilit ko ang sarili ko na magbahagi sa baguhan nang dalawang beses, at nang makitang hindi pa rin siya dumadalo sa mga pagtitipon, pakiramdam ko’y hindi siya nananabik sa katotohanan, at na hindi ako ang nagkulang. Kaya sa huli, binalewala ko na lang siya. Palagi akong pabasta-basta sa tungkulin ko, iniiwasan ang lahat ng paghihirap. Kapag nakakatagpo ako ng mga baguhang may kuru-kuro o totoong suliranin, ayokong pagsikapang isipin kung paano lutasin ang mga isyu nila, at ipinapasa ko lang sila sa lider ng grupo. Pagkaraan ng ilang buwan, kakaunti na lang ang mga baguhang regular na nakikipagtipon. Iwinasto ako ng lider ng iglesia matapos niyang matuklasan ito. Sabi niya, pabasta-basta ako sa tungkulin ko at na kailangan kong magbago kaagad. Kaya sumumpa ako na tatalikdan ang aking laman at didiligan nang maayos ang mga baguhan. Pero nang maharap sa mga baguhang maraming isyu, hindi pa rin ako handang magbayad ng halaga sa paglutas ng kanilang mga problema. Sinabi ko lang na wala akong kakayahan at hindi akma para sa tungkuling iyon. Nanatili akong pabasta-basta, ‘di nagbago, at ‘di nagbunga ang tungkulin ko, kaya malupit akong iwinasto ng lider: “Masyado kang pabasta-basta sa tungkulin mo. Hindi ka kailanman nagtatanong tungkol sa mga paghihirap ng mga baguhan, at kahit kapag may kaunti kang nalalaman dito, hindi ka nagsisikap lutasin ang mga ‘yon. Paano ‘yon naging paggawa ng isang tungkulin? Ipinapahamak mo lang ang mga baguhan. Kung hindi ka magbabago, matatanggal ka!” Nakonsensya at natakot ako nang maiwasto at mabalaan nang gano’n. Nagsimula akong magnilay sa sarili: Bakit hindi ko magawa nang maayos ang tungkuling ito, at tingin ko lagi ay napakahirap nito?

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay walang anumang prinsipyo kapag gumaganap ng tungkulin nila, lagi nilang sinusunod ang sarili nilang mga hilig at kumikilos nang na lang. Ito ay pagiging padalus-dalos at pabasta-basta, hindi ba? Dinadaya ng mga taong ito ang Diyos, hindi ba? At isinaalang-alang na ba ninyo ang kahihinatnan ng mga ito? Kung hindi ninyo binibigyang-pansin ang kalooban ng Diyos kapag ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, kung wala kayong konsiyensiya, kung hindi kayo epektibo sa lahat ng ginagawa ninyo, kung ganap kayong hindi makakilos nang buong puso at buong lakas ninyo, makakamit ba ninyo ang pagsang-ayon ng Diyos? Maraming tao ang gumaganap sa kanilang tungkulin nang may lubos na pag-aatubili, at hindi nila ito kinakaya. Hindi nila matiis ang pagdurusa, kahit na kaunti, at laging nararamdaman na malaking kawalan sa kanila ang magdusa, ni hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang anumang paghihirap. Masusundan ba ninyo ang Diyos hanggang sa huli sa ganitong pagganap sa inyong tungkulin? Ayos lang ba na maging walang ingat at pabasta-basta sa anumang ginagawa ninyo? Magiging katanggap-tanggap ba ito, mula sa perspektibo ng inyong konsiyensiya? Kahit na sukatin ayon sa pamantayan ng tao, hindi ito kasiya-siya—kaya pwede ba itong maituring na kasiya-siyang pagganap sa tungkulin? Kung gagampanan mo ang tungkulin mo sa ganitong paraan, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan. Ni hindi ka makakagawa ng serbisyo nang kasiya-siya. Kung magkagayon, paano mo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos? Maraming tao ang takot sa paghihirap kapag ginagampanan ang kanilang tungkulin, masyado silang tamad, ninanasa nila ang mga kaginhawahan ng laman, at hindi kailanman nagsusumikap na matutunan ang mga kasanayan na pang-espesyalista, ni hindi nila sinusubukan at pinagninilayan ang mga katotohanan ng mga salita ng Diyos; iniisip nila na ang pagiging pabasta-basta sa ganitong paraan ay nakakabawas ng abala: Hindi nila kailangang magsiyasat ng kahit ano o magtanong kaninuman, hindi nila kailangang gamitin ang utak nila o mag-isip—talagang nakakatipid ito ng lakas at hindi sila dumaranas ng anumang pisikal na paghihirap, at nagagawa pa rin nilang matapos ang gawain. At kung iwawasto mo sila, lumalaban sila at nagpapalusot: ‘Hindi ako tamad o umiiwas, nagawa na ang gawain—bakit masyado kang nagiging maselan? Hindi ba paghahanap lamang ito ng mali? Maayos na ang paggawa ko sa ganitong pagganap sa tungkulin ko, paanong hindi ka pa nasisiyahan?’ Tingin ba ninyo ay makakausad pa ang ganitong mga tao? Palagi silang pabasta-basta kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, at marami pa rin silang palusot, at kapag may nangyayaring mga problema ay hindi nila pinagsasalita ang sinuman. Anong disposisyon ito? Ito ang disposisyon ni Satanas, hindi ba? Magagampanan ba ng mga tao ang kanilang tungkulin nang kasiya-siya kapag sinunod nila ang ganitong disposisyon? Mapapalugod ba nila ang Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Isang Tao na Gumaganap sa Kanyang Tungkulin nang Buong Puso, Isipan, at Kaluluwa ang Nagmamahal sa Diyos). Inilalantad ng Diyos ang maraming tao dahil sa pagiging napakatamad sa kanilang tungkulin, sa laging pananabik sa kaginhawahan ng laman, kawalan ng kasipagan, at pagiging kontento sa pagmumukhang abala. Hinding-hindi mo magagawa nang maayos ang tungkulin mo nang ganoon. Napagtanto ko na ang dahilan kaya hindi ako nagkakaresulta sa aking tungkulin ay ‘di dahil sa wala akong kakayahan, kundi, dahil tamad ako, at takot na magdusa para sa tungkulin ko. Pakiramdam ko’y kailangan marami akong alam na katotohanan ‘pag magdidilig ng mga baguhan, na kailangan kong matutuhang lutasin ang iba’t ibang problema nila, at na dahil do’n, talagang nakakapagod ang tungkuling ‘yon, kaya iniraos ko na lang. Ginusto ng lider ng grupo na asikasuhin ko kaagad ang mga isyu ng mga baguhan, at nagawa ko sana ‘yon kung nagsikap ako. Pero nang makita kong kakailanganin nito ng mas maraming oras at lakas ko, ipinasa ko ito sa lider ng grupo at sa mga nag-eebanghelyo. Nakikita ko na hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan dahil may mga kuru-kuro sila o nahaharap sila sa mga suliranin, pero wala akong pakialam. Hindi ako kumilos nang sabihin sa akin ng iba ang mga paraan ng paglutas. Minsan nagpapadala ako sa mga baguhan ng mga salita ng Diyos o mga himno, pero pagkalipas ng ilang araw, hindi ko naipagpapatuloy, at binabalewala ko na lang. Nakita kong tamad talaga ako, sakim sa kasiyahan ng laman, at na hindi ako tapat sa tungkulin ko. Naging mapanlinlang lang ako, ginugulo lang ang iglesia. Masyado akong kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos!

Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos nun. “Kakaunti ang mga oportunidad sa ngayon para gumanap sa isang tungkulin, kaya dapat mong sunggaban ang mga iyon kung kaya mo. Kapag naharap ka sa isang tungkulin, doon ka mismo dapat magsumikap; doon mo dapat ialay ang sarili mo, gugulin ang sarili mo para sa Diyos, at doon mo kinakailangang magbayad ng halaga. Huwag kang maglihim, magkimkim ng anumang mga pakana, maging maluwag, o magpalusot. Kung ikaw ay nagiging maluwag, tuso, o madaya at traydor, malamang na hindi maging maganda ang trabaho mo. Ipagpalagay na sabihin mong, ‘Walang nakakita na nandaya ako. Ang galing!’ Anong klaseng pag-iisip ito? Akala mo ba nalinlang mo ang mga tao, at pati na ang Diyos? Ngunit sa totoo lang, alam ba ng Diyos kung ano ang nagawa mo o hindi? Alam Niya. Sa katunayan, malalaman ng sinumang nakikipag-ugnayan sa iyo sa maikling panahon ang iyong katiwalian at kasamaan, at bagama’t hindi nila iyon sasabihin nang tahasan, susuriin ka nila sa kanilang puso. Marami nang taong inilantad at pinalayas dahil napakaraming iba pa ang nakaunawa sa mga ito. Nang mahalata ng lahat ang diwa ng mga ito, ibinunyag nila ang tunay na pagkatao ng mga taong iyon at pinatalsik ang mga ito. Kaya, hinahangad man nila ang katotohanan o hindi, dapat gawin nang maayos ng mga tao ang kanilang tungkulin, sa abot ng kanilang makakaya; dapat nilang gamitin ang kanilang konsensya sa paggawa ng mga praktikal na bagay. Maaaring mayroon kang mga depekto, ngunit kung kaya mong maging epektibo sa pagganap sa iyong tungkulin, hindi ito aabot sa pagpapalayas sa iyo. Kung lagi mong iniisip na ayos ka lang, na nakatitiyak kang hindi ka palalayasin, at hindi ka pa rin nagninilay o nagsisikap na kilalanin ang iyong sarili, at binabalewala mo ang iyong mga wastong gawain, lagi kang walang-ingat at pabasta-basta, kapag talagang nawalan na ng pasensya sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos, ilalantad nila ang iyong tunay na pagkatao, at malamang talaga na palalayasin ka. Iyon ay dahil nahalata ka na ng lahat at nawalan ka na ng dangal at integridad. Kung walang nagtitiwala sa iyo, maaari ka bang pagtiwalaan ng Diyos? Tumitingin ang Diyos sa kaibuturan ng puso ng tao: talagang hindi Niya mapagkakatiwalaan ang gayong tao. … Ang mga taong mapagkakatiwalaan ay mga taong may pagkatao, at ang mga taong may pagkatao ay nagtataglay ng konsiyensiya at katinuan, at tiyak na napakadali para sa kanila ang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, dahil itinuturing nila ang kanilang tungkulin bilang kanilang obligasyon. Ang mga taong walang konsiyensiya o katinuan ay malamang na hindi gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, at wala silang pagpapahalaga sa responsibilidad sa kanilang tungkulin kahit ano pa ito. Kailangan ay lagi silang inaalala ng iba, pinangangasiwaan sila, at kinukumusta ang kanilang pag-usad; kung hindi, maaaring magulo ang mga bagay-bagay habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, maaaring may mangyaring mali habang ginagawa nila ang isang gampanin, na magiging mas abala pa kaysa sa pakinabang nito. Sa madaling salita, kailangang palaging pagnilayan ng mga tao ang kanilang sarili kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin: ‘Maayos ko bang natupad ang tungkuling ito? Isinapuso ko ba ito? O iniraos ko lamang ito?’ Kung palagi kang walang ingat at pabasta-basta, nasa panganib ka. Nangangahulugan itong wala ka man lang kredibilidad, at hindi ka mapagkakatiwalaan ng mga tao. Ang mas malala pa, kung palagi mo lang iniraraos ang paggawa ng iyong tungkulin, at kung palagi mong nililinlang ang Diyos, nasa malaking panganib ka! Ano ang mga kahihinatnan ng pagiging sadyang mapanlinlang? Nakikita ng lahat na sinasadya mong lumabag, na namumuhay ka nang ayon sa walang iba kundi sa sarili mong tiwaling disposisyon, na ikaw ay walang iba kundi walang ingat at pabasta-basta, na hindi mo isinasagawa ang katotohanan—na ginagawa kang walang pagkatao! Kung namamalas ito sa iyo hanggang sa huli, kung iniiwasan mo ang malalaking pagkakamali pero hindi tinitigilan ang maliliit, at hindi nagsisisi mula sa simula hanggang sa huli, kung gayon ay isa ka sa masasama, isang walang pananampalataya, at dapat na paalisin. Ang mga ganitong kinahihinatnan ay kasuklam-suklam—ganap kang mabubunyag at mapapalayas bilang isang walang pananampalataya at masamang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang kumpletuhin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensya at dapat kang parusahan. Ito ay inorden ng Langit at kinilala ng lupa na dapat kumpletuhin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila; ito ang kanilang pinakamataas na responsibilidad, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, nagtataksil ka sa Kanya sa pinakamalalang paraan; sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Judas, at dapat na sumpain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Nahaharap sa pagbubunyag ng mga salita ng Diyos, nararamdaman ko ang Kanyang pagkasuklam at pagkapoot para sa mga taong pabasta-basta sa kanilang tungkulin. Wala silang konsensya, katwiran, karakter, at dignidad, at ganap na hindi mapagkakatiwalaan. Kung patuloy silang hindi magsisisi, sila ay masasamang tao, walang pananampalataya, at dapat na mapalayas. Mahalagang trabaho ang pagdidilig ng mga baguhan. Katatanggap lang nila sa bagong gawain ng Diyos, kaya kailangan nila ng mas maraming pagdidilig para magkapundasyon sa tunay na daan, upang hindi sila nakawin ni Satanas. ‘Tsaka, walang sinumang tumatanggap sa gawain ng Diyos ang madaling nakakagawa nito, at kailangang magbayad ng halaga ang ilang tao sa pagdidilig at pagtulong sa kanila. Saka lamang sila maihaharap sa Diyos. Bilang tagapagdilig, responsibilidad kong diligan ang mga baguhan. Lalo na nang makita kong nahihirapan ang mga baguhan, dapat sana nagmadali ako at hinanap ang katotohanan para malutas ang mga isyung ito. Pero sa halip, iniwasan ko ang mahihirap na trabaho at naging tuso ako. Kapag nakikita kong nahihirapan ang mga baguhan, palagi kong pinipili ang mga problemang madaling lutasin, at isinasantabi ang mahihirap na isyu at binabalewala ito. Ang mas malala pa, malinaw na nagiging mapanlinlang at iresponsable ako sa aking tungkulin, dahilan kaya hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang baguhan at humihinto pa nga, pero iniwasan ko ang responsibilidad sa pagsasabing hindi sila nananabik sa katotohanan, o kung hindi, sinasabi kong wala akong kakayahan at hindi ko kayang lutasin ang kanilang mga problema para linlangin ang iba at ipawalang-sala ang sarili ko sa pagiging pabasta-basta. Hindi ba’t ginagawa ko ang tungkulin ko tulad ng isang hindi mananampalataya na nagtatrabaho para sa kanyang amo? Nanlilinlang ako, iniraraos lang ang mga araw ko, nang walang konsensya o kamalayan. Matapos ang lahat ng taon ng aking pananampalataya, sinubukan ko pa ring lokohin ang Diyos nang wala man lang pag-aalala. Sobra akong tuso at mapanlinlang! Wala man lang akong pagkatao. Noong una kong tinanggap ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, abala ako sa trabaho araw-araw, at hinahadlangan ng mga magulang ko ang aking pananampalataya. Talagang na-stress ako no’n at inisip pa nga na bumitaw sa mga pagtitipon. Pero matiyagang ibinahagi sa akin ng mga kapatid ang katotohanan at nagsaayos ng mga pagtitipon na angkop sa iskedyul ko. Minsan hindi ako nakakadalo dahil abala ako sa trabaho, kaya’t mahabang oras na nagbibisikleta ang mga kapatid para bahaginan ako ng salita ng Diyos, para tulungan at suportahan ako. Noon ko lang natutuhan ang tungkol sa gawain ng Diyos, at nakita na ang tanging paraan para maligtas ay ang hangarin ang katotohanan. Pagkatapos ay naging handa akong dumalo sa mga pagtitipon at tumanggap ng tungkulin. Palaging binibigyang-diin ng iglesia na kailangan ng pasensya at labis na pagsasaalang-alang sa kanilang mga paghihirap ang pagdidilig ng mga baguhan, na kailangan natin silang hikayatin na dumalo sa mga pagtitipon para magkapundasyon sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Nakita ko na puno ng pagmamahal at awa ang Diyos para sa atin, at na inililigtas Niya tayo hangga’t maaari. Siya’y matapat sa bawat tao na nagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi Siya susuko kung may kaunting pag-asa man lang. Pero ako, naging malamig ako at walang pagpapahalaga sa responsibilidad sa mga baguhan. Wala akong pakialam sa buhay nila, kaya hindi nalutas kaagad ang mga problema nila, at ayaw na ng ilan na dumalo sa pagtitipon. Base sa pag-uugali ko, paano ‘yon naging paggawa ng isang tungkulin? Gumagawa lang ako ng masama, sinusubukang lokohin at dayain ang Diyos! Labis akong nakonsensya nang matanto ito at kinamuhian ko ang sarili ko sa kawalan ng pagkatao.

Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos kalaunan: “Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Ang mga patay ba na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? … Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Nang mabasa ang mga salita ng Diyos na pinapanagot tayo, nakonsensya ako at sinisi ang sarili. Para linisin at baguhin ang ating mga tiwaling disposisyon, para bigyan tayo ng pagkakataong maligtas, taimtim tayong tinustusan ng Diyos ng napakaraming katotohanan, at detalyado Siyang nagbahagi sa bawat aspeto ng katotohanan, sa takot na hindi natin ito maunawaan. Nagbayad ng napakalaking halaga ang Diyos para sa atin. Ang sinumang may pagkatao ay dapat magsumikap na hangarin ang katotohanan at maging tapat sa kanyang tungkulin. Pero wala talaga akong konsensya. Hindi ko hinahangad ang katotohanan, tanging pisikal na kaginhawahan lang ang iniisip ko, at namumuhay pa rin ayon sa mga satanikong pilosopiya, tulad ng “Mabuhay nang hindi nag-iisip o kumikilos,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya.” Tingin ko’y kailangan nating tratuhin nang maayos ang ating sarili sa ilang dekada natin sa mundo, at huwag masyadong pagurin ang ating sarili. Dapat nating gawing masaya ang buhay natin. Ginagawa ko ang isang tungkulin sa kondisyon na hindi ako dapat dadanas ng paghihirap o kapaguran ng laman. Ginagawa ko kung ano ang pinakamadali. Sa anumang oras na kailangan kong mag-isip nang husto, nagiging tutol ako at umiiwas, ipinapasa ang problema sa iba, isinasantabi o binabalewala ito. Hindi ko sineseryoso ang tungkulin ko, kaya hindi nalutas ang mga isyu ng ilang baguhan at hindi na sila nakikipagtipon. Noon ko lang nakita na mas lalo akong ginawang masama ng mga satanikong pilosopiyang ‘yon. Para akong isang baboy, nananabik sa kaginhawahan at hindi hinahangad ang katotohanan, ginugulo ang aking tungkulin, at hindi man lang nag-aalala rito. Pinapabayaan ko ang aking mga tungkulin, hindi nagkakamit ng mga katotohanang dapat ko sanang nakamit, at hindi tumutupad ng aking mga responsibilidad. Hindi ba’t ganap akong walang silbi? Naranasan ko talaga na pinipinsala ako ng pananabik sa kaginhawahan ng laman at sinisira ang pagkakataon kong maligtas. Ang totoo’y isang magandang pagkakataon ang pagdanas ng paghihirap sa tungkulin para sumandal sa Diyos at hanapin ang katotohanan. Ang mga paghihirap na pumipilit sa akin na hanapin ang katotohanan at matutunang sundin ang mga prinsipyo sa aking tungkulin ay magagandang paraan para hangarin ko ang katotohanan at pagpasok sa buhay. Pero tinatrato ko ang mga bagay na ito na istorbo, isang pasanin na dapat isantabi. Nang matanto ‘yon, pinagsisihan ko talaga kung paanong binigyang-layaw ko ang aking laman, at nawalan ng napakaraming magagandang pagkakataon na malaman ang katotohanan. Ayokong patuloy na iniraraos lang ang tungkulin. Kailangan kong talikdan ang laman at isapuso ang aking tungkulin.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na mas nagpaunawa sa akin sa mga kahihinatnan ng pagiging pabasta-basta sa aking tungkulin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Sabihin nang may isang trabaho na maaaring makumpleto sa isang buwan ng isang tao. Kung aabutin ng anim na buwan para magawa ang trabahong ito, hindi ba’t magiging kawalan ang limang buwan doon? Pagdating sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, handa ang ilang tao na isaalang-alang ang tunay na daan at kailangan lang ng isang buwan upang mapagbalik-loob, pagkatapos ay umaanib na sila sa iglesia at patuloy na nadidiligan at natutustusan. Anim na buwan lamang ang kailangan para magkaroon sila ng pundasyon. Pero kung ang saloobin ng taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ay saloobing walang pakialam at pabasta-basta, at ang mga lider at manggagawa ay walang pagpapahalaga sa responsabilidad, at sa huli ay inabot ng kalahating taon para mapagbalik-loob ang taong iyon, hindi ba’t katumbas ng kalahating taon na ito ang nawala sa buhay nila? Kapag naharap sila sa isang malaking sakuna at wala silang pundasyon, malalagay sila sa panganib, at hindi ba’t magkakautang ka sa kanila? Ang ganitong kawalan ay hindi nasusukat sa pinansyal, o sa paggamit ng pera. Inantala mo ang pagkaunawa nila sa katotohanan nang kalahating taon, pinatagal mo ang pagkakaroon nila ng pundasyon at pagganap sa tungkulin nila nang kalahating taon. Sino ang mananagot para dito? Kaya bang akuin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad para dito? Ang responsabilidad para sa buhay ng isang tao ay lagpas sa kakayahang pumasan ng kahit sino(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsibilidad ng mga Lider at Manggagawa). Ang ibinunyag ng mga salita ng Diyos ay talagang nakakabalisa at mahirap. Katulad lang ako ng isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, pabaya sa aking mga tungkulin at iresponsable, dahilan kaya hindi nakikipagtipon ang mga baguhan, at ang ilan ay umalis pa sa pananampalataya dahil hindi nalutas ang kanilang mga isyu. Hindi ba’t pinipinsala lang ng ganoong pagdidilig ang mga baguhan? Bagamat hindi umalis ang iba sa pananampalataya, napinsala naman ang buhay nila dahil kumapit sila sa mga kuru-kuro at hindi nakipagtipon nang mahabang panahon. Hindi ako makakabawi sa pinsalang iyon. Kung hindi ko masyadong inalala ang aking laman, nakapagbayad ng halaga, at sineryoso ang mga problema ng bawat baguhan, baka nagkapundasyon sana ang ilan sa tunay na daan at nalaman ang katotohanan nang mas maaga, namuhay ng buhay-iglesia, gumawa ng tungkulin, at nakaipon ng mabubuting gawa nang mas maaga, at hindi sana ganoon ang mangyayari. Pero sa puntong iyon, huli na para sa anumang sasabihin. Habang iniisip ang mga baguhang iyon na ayaw dumalo sa mga pagtitipon, talagang sumasama ang loob ko at nakokonsensya, at labis na nakakaramdam ng pagkakautang sa Diyos. Isa ‘yong paglabag, isang mantsa sa tungkulin ko! Napuno ako ng pagsisisi at takot. Pakiramdam ko’y nagdulot ako ng malalaking problema at nalabag ang disposisyon ng Diyos. Umiiyak akong nanalangin, “Diyos ko, lagi kong ninanasa ang ginhawa at pabasta-basta ako sa tungkulin ko, na kinasusuklaman Mo. Gusto kong magsisi sa Iyo at bumawi sa aking mga paglabag sa pamamagitan ng mga praktikal na gawa. Pakiusap, suriin Mo po ang puso ko, at kung patuloy akong magiging pabasta-basta, pakiusap ituwid at disiplinahin Mo po ako.”

Pagkatapos ay hinanap ko ang mga baguhan na negatibo, mahina, at hindi dumadalo sa mga pagtitipon, at nagsimulang maghanap ng mga salita ng Diyos para lutasin ang kanilang mga isyu. Tinanong ko rin ang mga sister na mahusay magdilig tungkol sa mga prinsipyo at diskarte. Tapos ay hinanap ko ang baguhan na may mga kuru-kurong panrelihiyon, na hindi nakikipagtipon. Nagpadala ako sa kanya ng ilang mensahe pero ni isa ay hindi niya sinasagot. Medyo nasiraan ako ng loob at pakiramdam ko dapat ko na lang itong kalimutan. Tutal, siya naman ang huminto sa pagsagot—totoo ito. Nagpadala rin ako ng isa pang mensahe sa baguhan na abala sa trabaho, at nang makitang tinanggihan niya ang imbitasyon ko na magtipon, ayoko nang magbayad ng halaga sa pagsuporta sa kanya. Tapos ay naisip ko ang panalangin ko sa Diyos, pati na ang mga salita Niyang ito: “Kapag ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, ginagawa nila sa katunayan ang dapat nilang gawin. Kung ginagawa mo ito sa harap ng Diyos, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa Diyos nang may pag-uugali ng katapatan at may puso, hindi ba’t mas magiging tama ang ugaling ito? Kaya paano mo dapat gamitin ang ugaling ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Dapat mong gawing realidad mo ang ‘pagsamba sa Diyos nang may puso at katapatan.’ Tuwing gusto mong magpakakupad at iraos lamang ang gawain, tuwing gusto mong kumilos sa tusong paraan at maging tamad, at tuwing naaabala ka o mas ginugustong magpakasaya na lamang, dapat mong pag-isipan iyan: ‘Sa pagkilos nang ganito, ako ba ay nagiging di-mapagkakatiwalaan? Ganito ba ang pagsisikap kong gawin ang aking tungkulin? Ako ba ay nagiging di-tapat sa paggawa nito? Sa paggawa nito, nabibigo ba akong tuparin ang inaasahan sa akin sa atas na naipagkatiwala ng Diyos sa akin?’ Ganito ka dapat magnilay sa sarili mo. Kung malalaman mo na ikaw ay laging walang-ingat at pabasta-basta sa iyong tungkulin, at hindi tapat, at na nasaktan mo ang Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihing, ‘Nadama ko sa sandaling iyon na may mali rito, pero hindi ko ito itinuring na problema; walang-ingat ko lang iyong pinahapyawan. Ngayon ko lang natanto na talagang ako ay naging walang-ingat at pabasta-basta, na hindi ko natupad ang aking responsibilidad. Talagang wala akong konsensya at katwiran!’ Natuklasan mo ang problema at nakilala mo nang kaunti ang iyong sarili—kaya ngayon, dapat mong baguhin nang lubusan ang sarili mo! Ang iyong saloobin sa pagganap sa iyong tungkulin ay mali. Nawalan ka ng ingat doon, gayundin sa dagdag na trabaho, at hindi mo isinapuso iyon. Kung muli kang walang-ingat at pabasta-basta na katulad nito, dapat kang manalangin sa Diyos at magpadisiplina at magpawasto sa Kanya. Dapat magkaroon ang isang tao ng kagustuhang gampanan ang kanyang tungkulin. Saka lamang siya tunay na makapagsisisi. Nababago lamang nang lubusan ng isang tao ang kanyang sarili kapag malinis ang kanyang konsensya at nagbago na ang kanyang saloobin sa pagganap sa kanyang tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay Tungkol sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na makita na hindi mahirap gawin nang maayos ang isang tungkulin, na dapat tayong maging tapat, tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, at gawin ang ating makakaya para isakatuparan ang ating nalalaman, ang ating makakaya, hindi gumamit ng panlilinlang o maging pabasta-basta, at na kailangan natin ng ganitong uri ng saloobin para magawa nang maayos ang ating tungkulin. Kaya nagpasya ako na hindi ko na muling bibiguin ang Diyos sa pagkakataong ito. Kailangan kong ipakita sa Diyos ang aking pagsisisi, na tunay akong masipag at taos-puso, at kahit na hindi dumalo sa mga pagtitipon ang mga baguhang ‘yon pagkatapos ng tulong at suporta ko, matutupad ko pa rin ang responsibilidad ko, at hindi ako makokonsensya.

Nakipag-usap ako sa isa pang sister na naghahanap ng landas ng pagsasagawa at hinanap ko rin ang baguhang iyon na may mga kuru-kurong panrelihiyon para bahaginan. Nagtapat ako sa kanya tungkol sa sarili kong landas ng pananampalataya. Sa gulat ko, sinagot niya ang mga mensahe ko. Ang totoo’y nasiyahan siya sa mga pagtitipon, pero may ilan siyang di-nalulutas na kuru-kuro at pagkalito. Naantig talaga ako sa mga taos-pusong salita ng baguhang ito at nagbahagi ako nang nakatutok sa mga kuro-kuro niya. Sa huli, pumayag siyang dumalo sa mga pagtitipon at hindi nagtagal, tumanggap siya ng tungkulin. ‘Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang makita kong naging ganoon ang mga bagay-bagay. Parehong galak at pagsisisi ang naramdaman ko. Kung wala ang kaliwanagan ng mga salita ng Diyos na nagpapahintulot sa akin na makilala ang sarili at baguhin ang aking saloobin sa aking tungkulin, nakagawa na naman sana ako ng panibagong paglabag. Pagkatapos nun, hinanap ko na naman ang baguhang abala sa trabaho. Dati, palagi ko siyang pinipilit na dumalo sa mga pagtitipon nang hindi isinasaalang-alang ang mga paghihirap niya. Sa pagkakataong ito, nagbahagi ako sa mga salita ng Diyos para tulungan siya batay sa kanyang aktwal na sitwasyon, at iniangkop ang mga oras ng pagtitipon. Kapag wala siyang oras para makipagtipon, binabasahan ko siya ng mga salita ng Diyos kapag may libre siyang oras, at matiyagang nagbabahagi. Tapos ay naging handa siyang magtapat sa’kin at magtalakay ng mga salita ng Diyos na nabasa niya. Masaya rin niyang sinabi sa akin na kahit anong mangyari, hindi siya basta-bastang bibitaw sa pagtitipon, o sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Pagkatapos nun, wala na siyang pinalampas na pagtitipon, at gaano man kaabala ang trabaho niya, naglaan siya ng oras sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos. Kalaunan, sinuportahan ko ang marami pang baguhan, ibinabalik sila sa grupo. Nang ituwid ko ang saloobin ko, sumandal sa Diyos, at tunay na nagsumikap, nagkaroon ako ng mas magagandang resulta sa tungkulin ko.

Lagi akong mapanlinlang at pabasta-basta sa tungkulin ko noon. Bagamat hindi ako pisikal na nagdurusa, palagi akong namumuhay sa paghihirap. Hindi ko naramdaman ang patnubay ng Diyos, paunti nang paunti ang natatamo ko sa aking tungkulin, lubos na walang kaliwanagan, at palagi akong nag-aalala na pababayaan at palalayasin ako ng Diyos. Masyado akong nanlumo at nasaktan. Sa sandaling isinapuso ko ang aking tungkulin, naramdaman ko ang presensya at patnubay ng Diyos. Umusad din ako sa aking tungkulin at nagkamit ako ng kapayapaan at kaginhawahan. Talagang naranasan ko kung gaano kahalaga ang saloobin mo sa iyong tungkulin. Sa pagharap sa mga suliranin, sa pamamagitan lang ng pagbabayad ng tunay na halaga at pagsunod sa kalooban ng Diyos natin makakamit ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at magkakaroon ng mga pakinabang sa ating tungkulin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Maging Mahigpit sa Sarili Upang Madisiplina ang Iba

Kapag may mga bagay na nangyari dapat alamin natin muna ang ating mga sarili, at gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga kaguluhan sa loob natin. Sa pagpapabuti ng ating kalagayan, nilulutas natin ang ating mga suliranin, at sa ganoon ay maaari nating lutasin ang mga suliranin ng ibang tao. Nguni’t hindi ko kailanman inalam ang sarili kapag may naganap, at itinutok ang mga mata ko sa iba, naghahanap ng kamalian sa kanila kailanma’t maaari.

Ang Lihim na Nakatanim nang Malalim sa Puso Ko

Salamat sa Diyos para sa pagliliwanag na ito, na ibinangon ako mula sa pagkakabulag. Kung hindi, marahil ay nililinlang pa rin ako ng aking sariling kasinungalingan—nagpapagewang-gewang kasama ng bulag na ambisyon patungo sa aking sariling napipintong pagbagsak. Talaga namang nakakatakot! Sa prosesong ito, napagtanto ko ring sa loob ng pagpapalit sa akin, pinoprotektahan ako ng Diyos at pinagkalooban ako ng kaligtasan.