Tanging Ang Pagtingin sa Mga Tao sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos ang Tama

Oktubre 24, 2022

Ni Shan Xin, South Korea

Isang araw, noong Marso ng taong ito, bigla kong nabalitaan na ibinukod ng iglesia ang nakatatanda kong sister para sa pagninilay. Nabigla ako. Hindi ko mapaniwalaan ang narinig ko. Magmula nang sumampalataya ako sa Diyos, ang nakatatanda kong sister ang naging mabuting halimbawa sa akin, at hinangaan at tiningala ko siya. Pakiramdam ko ay tunay siyang sumasampalataya sa Diyos at naghahanap sa katotohanan, at tiyak na maliligtas siya. Ang pagkakabukod sa kanya para sa pagninilay ay parang isang malaking pagkabigla sa akin. Paano ito naging posible? Magaling siyang mangaral ng ebanghelyo. Mula nang sumampalataya, napagbalik-loob na siya ng maraming tao, at nagawa niyang magdusa at magbayad ng halaga. Kung may kinakailangan para sa gawain ng iglesia, maagap niya iyong ginagawa at kailanman ay hindi siya tumatanggi. Mula umaga hanggang gabi ay ginagawa niya ang kanyang tungkulin, at napaka-aktibo niya. Madalas din niyang sinasabi sa akin na magdasal nang mas madalas at makipaglapit sa Diyos, at nakikita ko na ganito siya magsagawa. Ang una niyang ginagawa sa umaga ay magdasal sa Diyos, nakikinig siya sa mga himno sa tuwing may panahon siya, at kahit bago matulog, nakikinig siya sa mga pagbigkas ng salita ng Diyos. Talagang hinahanap niya ang katotohanan, kaya paanong ibinukod siya para sa pagninilay? Nagkamali ba ang lider? Paulit-ulit kong iniisip, “Kung ang isang taong masigasig maghanap ay hindi kwalipikado sa paningin ng Diyos, wala na akong pag-asang maligtas ng Diyos. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na gawin nila ang kanilang tungkulin nang buong puso, isip, at lakas, na isang bagay na hindi ko pa nagagawa. Ibubukod din kaya ako para sa pagninilay? Kung mangyayari iyon, paano ko dapat harapin ang bagay na iyon? Magagawa ko bang ipagpatuloy ang pananampalataya sa Diyos?” Habang mas iniisip ko ito, lalo akong hindi mapakali, para bang nabalot ako ng pakiramdam ng pagkataranta. Noon pa man ay pakiramdam ko nang isang araw ay mapalalayas ako. Sa panahong ito, napakalungkot ko rin. Nagsimula akong mag-ingat laban sa Diyos, mapagod sa aking tungkulin, at hindi magnais na magbahagi sa mga pagtitipon. Nangaral siya ng ebanghelyo nang walang mga prinsipyo at kumilos nang basta-basta. Ang ilan sa mga taong pinangaralan niya ay may masamang pagkatao, at ang ilang ay hindi taimtim na sumampalataya sa Diyos, kundi mga manghuhuthot lang. Ang ginawa niya ay hindi talaga nakaayon sa mga prinspiyo. Maraming beses siyang pinaalalahanan at tinulungan ng mga kapatid, pero tumanggi lang siyang tanggapin iyon. Nakipagtalo rin siya, sinasabi na, “Pumunta ang mga tao, kaya bakit hindi ako mangangaral sa kanila?” Minsan ay mukhang tinatanggap niya ang mga bagay-bagay, pero hindi pa rin niya sinusunod ang mga prinsipyo at ipinagpapatuloy ang paggawa sa mga bagay-bagay sa sarili niyang paraan, na nagreresulta sa pagkagambala ng gawain ng ebanghelyo. Kapag may mga nangyayari, hindi siya natututo ng mga aral, palagi siyang nakikipagtalo, at nagpapakalat ng pagiging negatibo at mga kuru-kuro. Minsan, sa isang pagtitipon ng baguhan, sinabi niya, “Para magampanan ko ang aking tungkulin, iniwan ko ang aking pamilya at aking negosyo, at nagdusa ako at nagbayad ng halaga, pero marami pa ring paghihirap sa aking buhay. Bakit hindi ako pinakikitaan ng biyaya at pinagpapala ng Diyos?” Nagkaroon din ng mga kuru-kuro ang ilang baguhan matapos iyong marinig at sumunod sila sa kanya sa pagrereklamo tungkol sa Diyos. Dahil palagi siyang walang prinsipyo at pabaya sa kanyang pangangaral, nagpakalat ng pagiging negatibo at mga kuru-kuro para manlinlang ng mga tao, na nakagambala sa gawain ng iglesia, at dahil tumanggi siyang magsisi, ibinukod siya para sa pagninilay sa sarili.

Nagulat ako nang mabalitaan ko ang tungkol sa pag-uugali niya. Hindi ako makapaniwalang totoo iyon. Lahat ba ng mabubuting pag-uugaling nakita ko sa kanya noon ay ilusyon lang? Kalaunan, nakabasa ako ng isang sipi ng salita ng Diyos. “Sinasabi ng ilang tao, ‘Nagpapakita ba ng paghahangad sa katotohanan kung ang isang tao ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at nagbabahagi tungkol sa katotohanan araw-araw, at nagagawa nang normal ang kanyang tungkulin? Kung ginagawa ng isang tao ang anumang isinasaayos ng sambahayan ng Diyos at hindi kailanman nagsasanhi ng kaguluhan o pagkagambala, at bagama’t maaaring may mga pagkakataon na nalalabag niya ang mga prinsipyo ng katotohanan, hindi naman niya iyon ginagawa nang kusa o sinasadya?’ Magandang tanong ito. Iyon ang iniisip ng karamihan sa mga tao. Una sa lahat, dapat ninyong maunawaan kung magagawa ba ng isang tao na magtamo ng pagkaunawa sa katotohanan at makamit ang katotohanan sa pamamagitan ng palaging pagsunod sa gayong pagsasagawa. Magagawa ba niya? Ano ang masasabi ninyo? (Tama lahat ang gayong pagsasagawa, ngunit tila mas kahalintulad iyon ng ritwal na panrelihiyon. Pagsunod iyon sa mga tuntunin. Hindi ito maaaring humantong sa pagkaunawa sa katotohanan o sa pagkakamit ng katotohanan.) Kaya, anong uri talaga ng mga pag-uugali ang mga ito? (Ang mga ito ay uri ng paimbabaw na mabubuting pag-uugali.) Gusto Ko ang sagot na iyan. Mabubuting pag-uugali lamang ang mga iyon na nagmumula sa pundasyon ng konsensya at katwiran ng isang tao, bilang resulta ng pagkakaroon nila ng magandang pinag-aralan. Ngunit mabubuting pag-uugali lamang ang mga iyon, at malayo sa paghahangad sa katotohanan. Ano, kung gayon, ang ugat na dahilan sa likod ng mga pag-uugaling iyon? Ano ang sanhi ng mga iyon? Nagmumula ang mga iyon sa konsensya at katwiran ng tao, sa kanyang pananaw sa moralidad, sa kanyang magagandang damdamin tungkol sa paniniwala sa Diyos, at sa kanyang pagpipigil sa sarili. Dahil nga mabubuting pag-uugali ang mga iyon, walang kaugnayan ang mga iyon sa katotohanan; ganap na hindi magkapareho ang mga iyon. Ang mabuting pag-uugali ay hindi kapareho ng pagsasagawa ng katotohanan, at ang isang taong maayos ang pag-uugali ay hindi nangangahulugan na sinasang-ayunan siya ng Diyos. Ang mabuting pag-uugali at ang pagsasagawa ng katotohanan ay dalawang bagay na magkaiba, at walang kinalaman sa isa’t isa. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay hinihingi ng Diyos at lubos na naaayon sa Kanyang kalooban; ang mabuting pag-uugali ay nagmumula sa kagustuhan ng tao at nagtataglay ng mga intensyon at motibo ng tao. Isang bagay iyon na sa tingin ng tao ay mabuti. Bagama’t ang mabuting pag-uugali ay hindi masamang gawa, salungat ito sa mga prinsipyo ng katotohanan at walang kinalaman sa katotohanan. Ang mabuting pag-uugali ay walang kaugnayan sa katotohanan, paano man ito naging mabuti, o paano man ito naaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, kaya gaano man kabuting pag-uugali ay hindi masasang-ayunan ng Diyos. Dahil gayon ang pakahulugan sa mabuting pag-uugali, malinaw na hindi sangkot dito ang pagsasagawa ng katotohanan. … Ang mga pag-uugaling ito ay nagmumula sa mga personal na pagsisikap ng tao, sa kanyang mga kuru-kuro, sa kanyang mga kagustuhan, at kanyang pagkukusa; ang mga iyon ay hindi pagpapamalas ng pagsisisi na kasunod ng tunay na pagkakilala ng tao sa kanyang sarili na bunga ng pagtanggap sa katotohanan at paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ni hindi mga pag-uugali o kilos ang mga ito ng pagsasagawa ng katotohanan na nagmumula sa pagtatangkang magpasakop sa Diyos. Nauunawaan ba ninyo iyan? Ibig sabihin, ang mga pag-uugaling ito ay hindi kinasasangkutan sa anumang paraan ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao, o ng bunga ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, o ng tunay na pagsisisi na nagmumula sa isang tao na nalaman ang kanyang sariling tiwaling disposisyon. Lalo namang hindi ito kinasasangkutan ng tunay na pagpapasakop ng tao sa Diyos at ng katotohanan, lalong hindi ng isang pusong nagpipitagan at nagmamahal sa Diyos. Ang mabuting pag-uugali ay wala talagang kinalaman sa mga bagay na ito; isang bagay lamang ito na nagmumula sa tao, at na nakikita ng tao na mabuti. Subalit maraming taong ang tingin sa mabubuting pag-uugaling ito ay isang tanda ng pagsasagawa ng katotohanan. Malaking pagkakamali ito, walang katotohanan at maling pananaw at pagkaunawa. Ang mabubuting pag-uugaling ito ay pagtatanghal lamang ng seremonyang panrelihiyon, isang paraan para iraos lang ang mga bagay-bagay. Wala ni katiting na kaugnayan ito sa pagsasagawa ng katotohanan. Maaaring hindi tahasang kinokondena ng Diyos ang mga ito, ngunit hindi Niya sinasang-ayunan ang mga ito—makatitiyak ka rito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ano ba ang Paghahangad ng Katotohanan (1)). Natutuhan ko mula sa salita ng Diyos na dahil lang kaya ng isang tao na talikdan ang kanyang sarili, gumugol, magdusa, magbayad ng halaga, at gumawa ng kaunting kabutihan, ay hindi nangangahulugang hinahanap at isinasagawa na niya ang katotohanan. Ang mga pagpapakitang ito ay walang kalakip na pagbabago sa disposisyon. Mga gawain lang ito na batay sa personal na pagsisikap, mga kuru-kuro at kagustuhan ng mga tao. Nakita ko lang ang sister ko na nagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, madalas na nagdarasal, at nagdurusa at nagbabayad ng halaga sa kanyang tungkulin, pero hindi ko tiningnan ang kanyang mga motibo sa pagdurusa at paggugol, o kung siya ay nagbago, o kung siya ay nagtamo ng magagandang resulta sa pamamagitan ng kanyang tungkulin. Batay sa sarili kong mga guni-guni, inakala kong taimtim siyang sumasampalataya sa Diyos at naghahanap sa katotohanan. Napakahangal ko! Sa panlabas, mukhang abala siya sa kanyang tungkulin araw-araw, at ginagawa niya ang anumang isaayos ng iglesia, pero ginagawa niya ang kanyang tungkulin nang walang mga prinsipyo, mapagmataas siya, at kumikilos nang basta-basta. Maraming beses siyang pinaalalahanan at tinulungan ng mga kapatid, pero hindi niya talaga tinanggap ang mga bagay na ito, ni hindi niya pinagnilayan ang kanyang sarili, at nagpakalat siya ng mga kuru-kuro sa iglesia at ginambala ang buhay iglesia. Paano ito naging paggawa ng kanyang tungkulin? Malinaw na paggawa ito ng masama. Dati, dahil hindi ko nauunawaan ang katotohanan at wala akong pagkakilala, itinuring ko siya bilang isang mabuting halimbawa. Ngayon, sa pamamagitan ng paggamit sa salita ng Diyos, nakita kong ang kanyang panlabas na gawain, pagtalikod sa sarili, at paggugol ay walang iba kundi mabuting pag-uugali. Wala iyong kinalaman sa pagsasagawa ng katotohanan. Maraming taon na siyang sumasampalataya sa Diyos, pero kahit kaunti ay hindi niya isinagawa ang katotohanan, at kaya niyang magpakalat ng mga negatibong ideya at gambalain ang gawain ng iglesia. Kahit kaunti ay hindi siya isang taong naghahanap o tumatanggap sa katotohanan.

Kalaunan, nakabasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagtamo ng kaunting pagkakilala sa kanyang disposisyon at diwa ng panlulupaypay sa katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga pangunahing paraan na naipapamalas ang pagiging sawa na sa katotohanan ay hindi lamang pagkasuya sa katotohanan kapag naririnig ito ng isang tao; kabilang din dito ang pag-ayaw na isagawa ang katotohanan. Kapag oras na para isagawa ang katotohanan, umaatras ang taong iyon, at walang kinalaman ang katotohanan sa kanya. Kapag nagbabahaginan ang ilang tao sa mga pagtitipon, parang masiglang-masigla sila, gusto nilang inuulit-ulit ang mga salita ng mga doktrina at nagsasalita ng matatayog na pahayag para linlangin ang iba at makuha ang loob ng mga ito; dahil dito ay nagmumukha silang mabuti, at gumaganda ang kanilang pakiramdam, at nagpapatuloy sila nang walang katapusan. At nariyan naman ang mga taong abala buong araw sa mga bagay na may kinalaman sa pananampalataya: nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagdarasal, nakikinig sa mga himno, nagtatala, na para bang hindi nila kayang mawalay sa Diyos kahit sandali. Mula bukang-liwayway hanggang kalaliman ng gabi, abala sila sa pagganap sa kanilang mga tungkulin. Kung gayon ay talaga bang minamahal ng mga taong ito ang katotohanan? Wala ba silang disposisyon na yamot na rito? Kailan makikita ng isang tao ang kanilang tunay na kalagayan? (Pagdating ng oras na isasagawa na ang katotohanan, iniiwasan nila iyon, at kapag sila ay nahaharap sa pagwawasto at pagpupungos, ayaw nilang tanggapin iyon.) Dahil kaya ito sa hindi nila nauunawaan ang narinig nila o dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan kaya ayaw nilang tanggapin iyon? Wala sa mga ito—kontrolado sila ng kanilang likas na pagkatao, at ang problema ay ang kanilang disposisyon. Sa puso nila, alam na alam nila na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at mga positibong bagay, na ang pagsasagawa ng katotohanan ay makapaghahatid ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao at maghihikayat sa isang tao na bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos, ngunit hindi lang talaga nila tinatanggap o isinasagawa ang mga ito. Ganyan ang maging sawa na sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili). Noon pa man ay pakiramdam ko nang kung kaya ng isang taong tumalikod, gumugol, at gumawa ng isang tungkulin, hinahanap niya ang katotohanan. Ngayon ay nakita ko nang hindi alinsunod ang pananaw na ito sa katotohanan. Kung gaano man katinding magmukhang nagdurusa at gumugugol ang isang tao, kung hindi niya kailanman tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan kapag may mga nangyayari, matigas ang ulong inaasahan ang sarili niyang kalooban, at hindi ginagawa ang kanyang tungkulin alinsunod sa mga prinsipyo, siya ay isang taong nanlulupaypay sa katotohanan, at hindi siya magbabago, gaano man siya katagal sumampalataya sa Diyos. Inihahambing ito sa pag-uugali ng sister ko, kahit na mukha siyang dedikado sa panlabas, at madalas siyang magbasa ng salita ng Diyos, makinig sa mga himno, magdasal, magdusa at magbayad ng halaga sa kanyang tungkulin, at mukha siyang isang taong tunay na sumasampalataya sa Diyos at naghahanap sa katotohanan, sa katunayan ay hindi talaga niya tinatanggap ang katotohanan. Palagian siyang gumagawa nang kahit paano lang at kumikilos nang basta-basta sa kanyang tungkulin. Kapag ipinaaalam ng mga kapatid ang kanyang mga problema, palagi siyang nakikipagtalo at nagdadahilan, kailanman ay hindi niya pinagninilayan ang kanyang sarili, hindi nagbago ang kanyang disposisyon matapos sumampalataya sa Diyos sa loob ng ilang taon. Isa siya sa mga walang pananampalatayang nanlulupaypay sa katotohanan na inilarawan ng Diyos. Kaya niyang talikdan ang kanyang sarili, gumugol, magdusa, at magbayad ng halaga, pero ginawa niya ang mga bagay na ito kapalit ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Kapag ang mga kapaligirang isinaayos ng Diyos ay hindi gaya ng ninanais niya, umaangal at nagrereklamo siya, at nagpapakalat siya ng pagiging negatibo at ginagambala niya ang mga kapatid. Malinaw na wala siyang ni katiting na paggalang sa Diyos. Kapag gumugugol siya para sa Diyos, nakikipagtransaksyon siya at nililinlang niya ang Diyos. Tinitingnan ng mga tao ang hitsura ng iba. Kapag nakikita natin na kaya ng iba na magdusa at gumawa ng mga kabutihan, ipinagpapalagay natin na mabubuting tao sila. Pero tinitingnan ng Diyos ang mga puso at diwa ng mga tao, pati na ang kanilang saloobin sa katotohanan. Kung kayang tanggapin ng isang tao ang katotohanan, at kapag nahaharap siya sa pagtatabas at pagwawasto, kung kaya niyang hanapin ang katotohanan, pagnilayan ang kanyang sarili, magtamo ng tunay na pagkakilala at pagkapoot sa kanyang sarili, at magkaroon ng tunay na pagsisisi, sa gayon ay isa itong tao na naghahanap at nagmamahal sa katotohanan, at isa itong tao na ililigtas ng Diyos. Kung ang kalikasan ng isang tao ay matigas ang ulo at nanlulupaypay sa katotohanan, at ni katiting ay hindi nagbago ang kanyang disposisyon matapos sumampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, sa gayon ay kahit na sa panlabas ay gumawa siya ng maraming kabutihan, ang mga bagay na ito ay pagpapaimbabaw at pagpapanggap. Mukhang dedikado ang mga Fariseo at gumawa sila ng maraming kabutihan, pero ang kalikasan nila ay manlupaypay sa at kasuklaman ang katotohanan. Nang ipahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at gumawa para magligtas ng mga tao, nagkukumahog silang labanan at kondenahin Siya, at sa huli, ipinako nila Siya sa krus, kung saan sila ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Noon ko lang naunawaan na kung wala ang katotohanan, wala tayong kabatiran, hindi natin makikita nang malinaw ang diwa ng mga tao, at hindi natin maiintindihan kung anong uri ng mga tao ang gusto ng Diyos o kung anong uri ng mga tao ang Kanyang inililigtas. Noong una kong malaman na ibinukod ang sister ko para sa pagninilay, hindi ko iyon naunawaan. Inisip ko na iyon ay dahil hindi nagsiyasat ang lider at na isa iyong pagkakamali. Sa pamamagitan ng paggamit sa salita ng Diyos ay saka ko lang nakita nang malinaw na ang pagkakabukod sa aking sister dahil sa kanyang mga kilos ay nakaayon sa mga prinsipyo, at hindi nagkamali ang lider. Sa sandaling ito, nakadama ako ng matinding kaginhawahan.

Kalaunan, nagsimula akong mag-isip: Nang malaman kong ibinukod ang aking sister para sa pagninilay, kahit na alam kong dapat akong tumanggap mula sa Diyos, at na matuwid ang Diyos, awtomatiko pa rin akong nagkaroon ng maraming alalahanin at pangamba. Nangamba ako na maikling panahon pa lang akong sumsampalataya sa Diyos, at hindi ko nagawa nang mabuti ang aking tungkulin, kaya mapaaalis at mapalalayas ba ako isang araw? Kaya nagsimula akong magkaroon ng maling pagkaunawa at mag-ingat laban sa Diyos. Pero alam ko rin na may mga aral na kailangan kong matutuhan dito, kaya nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako sa pag-unawa sa Kanyang kalooban. Minsan, sa isang pagtitipon, nakabasa ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos. “Kung nais mong gawing perpekto ng Diyos, dapat mong matutuhan kung paano danasin ang lahat ng bagay, at makamit ang kaliwanagan sa lahat ng mangyayari sa inyo. Mabuti man ito o masama, dapat itong magdala ng kapakinabangan sa iyo, at dapat hindi ka gawing negatibo. Anupaman, dapat mong maisaalang-alang ang mga bagay habang nakatayo sa panig ng Diyos, at hindi suriin o aralin ang mga ito mula sa pananaw ng tao (ito ay magiging isang paglihis sa karanasan mo). Kung ganito ka dumanas, mapupuno ang puso mo ng mga pasanin ng buhay mo; palagi kang mamumuhay sa liwanag ng anyo ng Diyos, na hindi madaling malilihis ng landas sa pagsasagawa mo. May magandang kinabukasan ang ganitong mga tao sa hinaharap(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pangako sa Yaong mga Nagawang Perpekto). “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan nang gayon para sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko, sa harap ng pagkakabukod sa aking sister, ang kalooban ng Diyos ay dapat akong matuto ng mga aral at pagkakilala, matutong tingnan ang mga tao at mga bagay alinsunod sa salita ng Diyos, at maunawaan kung sino ang gusto ng Diyos at sino ang kinapopootan Niya. Pero nang malaman kong ibinukod ang aking sister para sa pagninilay, nagkaroon ako ng mga maling pagkaunawa at alinlangan, at namuhay ako sa pagiging negatibo at sa kahinaan. Nag-alala ako na dahil maikling panahon pa lang akong sumasampalaya sa Diyos at hindi ako nagdusa o nagbayad ng halaga nang kasing tindi ng aking sister, baka mapalayas din ako. Ngayon ay naunawaan ko na hindi tinutukoy ng Diyos ang katapusan ng isang tao batay sa kung gaano siya katagal sumampalataya o kung gaano siya katinding nagdusa. Ginagawa Niya iyon batay sa kung, sa pamamagitan ng kaniyang paniniwala sa Diyos ay matatamo ng mga tao ang katotohanan sa huli at matututuhang tunay na sundin at sambahin ang Diyos. Ang totoo, gaano man karaming taon gumawa ang isang tao o gaano man siya katinding tumalikod sa sarili, gumugol, at magbayad ng halaga, kung hindi niya natatamo ang katotohanan at hindi kailanman nagbabago ang kanyang tiwaling disposisyon, sa huli ay hindi siya maliligtas. Kung gumagawa siya ng maraming kasamaan at hindi kailanman nagsisisi, maparurusahan siya ng Diyos. Ito ang pagiging matuwid ng Diyos. Maraming taong gumawa si Pablo at nagdusa nang matindi, nagkamit ng maraming tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, at nagtatag ng maraming iglesia, pero kahit katiting ay hindi nagbago ang kanyang disposisyon sa buhay. Sa halip, lalo siyang naging mapagmataas, sa huli ay hayagan niyang sinabi na namuhay siyang tulad ni Cristo, at siya ay kinondena at pinarusahan ng Diyos. Si Pablo ang klasikong halimbawa na nagpapakita sa atin na ang kasiglahan, pagtalikod sa sarili, at paggugol lamang ay hindi sapat sa ating paniniwala sa Diyos. Ang mahalaga ay ang paghahanap sa katotohanan at pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon. Ito ang pamantayan na tumutukoy kung maililigtas ang mga tao. Ginagawa ng sambahayan ng Diyos ang gawain ng paglilinis at nagpapadala ito ng partikular na mga tao para sa pagbubukod at pagninilay para mapigilan silang ipagpatuloy ang paggawa ng masama at panggugulo sa buhay-iglesia. Proteksyon ito para sa kanila, at makatutulong din ito sa gawain ng iglesia. Pero ang kanilang ganap na kahihinatnan ay lubos na natutukoy ng kanilang kalikasan at diwa, kung hinahanap nila ang katotohanan, at ang landas na kanilang tinatahak. Kapag nabibigo at nadadapa ang mga tao, kung kaya nilang pagnilayan ang kanilang mga sarili at tunay na magsisi, magkakaroon pa rin sila ng tsansang mailigtas ng Diyos. Kung mananatili silang hindi nagsisisi, patuloy na mamumuhay sa mga tiwaling disposisyon, magdudulot ng mga paggambala, at gagawa ng masama, o kung susukuan nila ang kanilang mga sarili, o magiging negatibo at lalaban, kung ganoon, sila ay mga tunay na walang pananampalataya at masasamang tao, sila ay nahahayag at napalalayas, at hindi sila inililigtas ng Diyos. Naging depensibo ako at nagkaroon ng mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos dahil hindi ko alam ang mga prinsipyo ng Diyos sa pagsusuri sa mga tao, hindi ko alam ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at masyado akong nakatuon sa aking hinaharap at kapalaran. Sa pamamagitan ng pagkakabukod ng aking sister, nagtamo ako ng kaunting pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nakita ko na kahit na magmukhang nagdurusa at gumugugol ang mga tao sa kanilang paniniwala, kung kailanman ay hindi nila tinatanggap ang katotohanan, hindi ito isinasagawa, at hindi nila ginagawa ang kanilang tungkulin alinsunod sa mga prinsipyo, sa huli ay hindi sila maliligtas, at mahahayag at mapalalayas sila ng Diyos. Ang paglilinis ng iglesia ay isa ring nagbababalang hudyat na nagpahintulot sa aking pagnilayan ang aking sarili at magsisi sa tamang panahon, iwasan ang pagtahak sa landas ng kabiguan, tumuon sa paghahanap sa katotohanan, at gawin ang aking tungkulin nang maayos alinsunod sa mga prinsipyo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sa Gitna ng Panganib

Ni Li Xin, TsinaNoong Disyembre 2011, sunud-sunod na inaresto ang mga kapatid na mula sa iba’t ibang iglesia. Isinaayos ng aming iglesia na...