Ang Pinakamakabuluhang Pasya

Oktubre 24, 2022

Ni Víctor, Uruguay

Noong kabataan, sinunod ko ang mga magulang ko sa pananalig sa Panginoon. Nang lumaki na ako, nagtrabaho ako sa konstruksyon at nagbukas ng paaralan ng karate. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho sa paglipas ng mga taon, palagi kong hinangad na mas marami pang maunawaan tungkol sa Diyos, kaya naman pinanood ko ang maraming pastor na nangangaral sa TV. Kung minsan nag-aaral din ako ng Bibliya kasama ang pastor at mga kaibigan ko, at regular din akong nagba-browse ng mga Christian page sa Facebook. Noong 2020, dahil sa pandemya, kinailangang pansamantalang magsara ang aking paaralan ng karate, na nagbigay sa akin ng mas maraming oras para maghanap ng impormasyon tungkol sa Diyos online.

Isang araw noong Disyembre ng taong iyon, nagba-browse ako sa Facebook gaya ng dati, nang biglang may natanggap akong mensahe. Isang sister mula Taiwan ang nagtanong sa’kin kung gusto kong dumalo sa isang pagtitipon at makinig sa salita ng Diyos. Masaya akong pumayag. Pagkatapos ng ilang panahon ng mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na inihahayag ng mga salitang ito ang misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, inihahayag ang ugat ng pagbagsak, katiwalian, at kasalanan ng tao, at itinuturo din ang landas para maalis ng sangkatauhan ang kanilang kasalanan at malinis sila. Hindi ko pa narinig o nakita kailanman ang mga misteryong ito ng katotohanan, at sa puso ko, sigurado ako na ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos, at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Sabik na sabik ako. Hindi ko kailanman akalain na mabubuhay ako para marinig ang tinig ng Diyos at sasalubungin ang Panginoon sa buhay ko. Nakaramdam ako ng labis na karangalan. Matapos tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, pakiramdam ko’y marami akong nakakamit sa bawat pagtitipon. Kung may mga pagkakataong hindi ako makadalo sa mga pagtitipon dahil may mga lakad ako o iba pang inaasikaso, kinabukasan, binabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ipinadala sa grupo ng pagtitipon, at tinutulungan din ako ng mga kapatid na maunawaan ang nilalaman ng pagtitipon. Nagpatuloy ito nang mga dalawa o tatlong buwan, pagkatapos ay sinabi sa akin ng kapatid na namamahala sa pagdidilig, “Brother Victor, nakikita namin na sabik na sabik kang naghahangad, at gusto mong maunawaan ang katotohanan. Nais ka naming anyayahan na mangasiwa sa isang grupo ng pagtitipon. Interesado ka ba?” Pero mahirap magsabi ng oo noong panahong iyon, dahil naisip ko na kailangan ko na muling buksan ang aking paaralan ng karate. Kung ako ang mamamahala sa isang grupo ng pagtitipon, magkakaproblema rito at sa oras ng pagtuturo ko. Paano kung maapektuhan ang reputasyon ng paaralan? Kaya sinabi ko sa brother, “Sa tingin ko’y hindi ko matatanggap ang tungkuling ito dahil malapit na akong magturo ng mga klase sa karate. Ang pagtuturo ang pinakamahalagang bagay para sa akin, at hindi ko mahahayaang may makasagabal dito. Labing-isang taon ko nang pinatatakbo ang paaralang ito. Ito ang resulta ng lahat ng taon ko ng pagsusumikap, at ipinagkakatiwala sa akin ng lahat ng magulang ang pagsasanay ng kanilang mga anak. Kailangang-kailangan nila akong lahat, kaya hindi ako pwedeng mamahala sa isang grupo ng pagtitipon.”

Kalaunan, sa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na ibinahagi ng isang brother, “Kung ikaw ay isang tao na isinasaisip ang kalooban ng Diyos, magkakaroon ka ng tunay na pasanin para sa iglesia. Sa katunayan, sa halip na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iglesia, mas mainam na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iyong sariling buhay, dahil ang layunin ng pasaning ito na binubuo mo para sa iglesia ay para magamit mo ang gayong mga karanasan upang maperpekto ka ng Diyos. Samakatuwid, sinuman ang nagdadala ng pinakamabigat na pasanin para sa iglesia, at sinuman ang nagdadala ng isang pasanin para makapasok sa buhay—sila ang magiging mga taong pineperpekto ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Nakikita natin mula sa salita ng Diyos na inaasahan ng Diyos na ang mga tao ay magagawang tumindig, makipagtulungan sa Diyos, at gampanan ang kanilang mga tungkulin. Habang lalo mong ginagawa ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan ang mauunawaan mo, at mas lalo kang magagawang perpekto. Isa itong mahalagang sandali para sa paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Bilang unang grupo ng mga tao sa Uruguay na tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, dapat tayong tumindig para tumulong sa pagdidilig ng mga baguhang katatanggap lang nito at gawin ang ating mga tungkulin. Sa pakikipagbahaginan sa lahat tungkol sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Medyo napahiya akong isipin na tinanggihan ko ang tungkulin ko, kaya sinabi ko sa superbisor, “Handa na akong gawin ang tungkulin ko.” Pero nang tanungin ako ng superbisor kung kailan ako may oras, nahirapan na naman ako. Naisip ko, kung maglalaan ako ng ilang araw sa isang linggo para mag-host ng mga pagtitipon, sa sandaling magbukas na ang paaralan, makakasagabal ito sa mga klase ko. Nasa kalagitnaan din ako ng pagreremodel ng paaralan. Gusto kong matiyak na magagawa ito nang maayos at makaakit ng mas maraming tao na mag-aral at magsanay, na lalong makakabuti sa negosyo ko. Sinabi ko sa superbisor, “Masyado akong abala. May oras lang ako para mag-host ng mga pagtitipon tuwing Martes.” At kaya, sinimulan kong gawin ang tungkulin ko. Pagkatapos nun, madalas akong tinutulungan at pinalalakas ang loob ng aking mga kapatid. Sinimulan ko ring taimtim na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at madalas na makinig sa mga himno at manood ng mga pelikula sa app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nung panahong ‘yon, parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kaya tinanong ako ng superbisor kung pwede ba akong mag-host ng mas maraming pagtitipon at magdilig ng mga bagong kapatid. Medyo nabahala ako, pero dahil hindi pa nagsisimula ang mga klase sa paaralan, naisip kong pwede akong pansamantalang mag-host pa, Kaya pumayag ako. Pero sinabi ko rin sa superbisor Na hindi ako magkakaroon ng oras sa tungkulin ko kapag nagsimula na uli ang mga klase ko. Akala ko ito ang tamang gawin no’ng panahong iyon Dahil wala akong naisip na mas mahalaga pa kaysa sa aking paaralan ng karate. ‘Yon ay hanggang sa isang araw, nang mabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagpabago sa isipan ko.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay pawang nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawa’t tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal, kung saan ay nagiging sanhi na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga patakaran nito upang mabuhay, at magtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘katanyagan’ at ‘pakinabang’. Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang maliwanag, ang matuwid, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Lubusang sinusuri ng Diyos ang mga pamamaraan ni Satanas sa pagkontrol ng mga tao gamit ang kasikatan at pakinabang. Napakatotoo ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Namumuhay talaga ako nang ganoon. Ang palagi kong hinahangad ay ang mamukod-tangi at magkaroon ng matagumpay na karera, iniisip na mas masisiyahan ako sa buhay kung mayroon ako ng mga bagay na ito, at pwede akong tingalain at hangaan ng iba. Bagamat nagkaroon ako ng trabaho sa konstruksyon at sapat na ang kita ko para mamuhay, para mas mapayaman ko ang sarili ko, tingalain ako ng mas maraming tao, at tamasahin ang kasiyahan ng kasikatan at kayamanan, nagbukas ako ng paaralan ng karate at ibinuhos ang lahat ng lakas ko sa pagpapatakbo nang maayos sa paaralan. Pagkatapos manalig sa Makapangyarihang Diyos, kahit dumadalo pa rin ako sa mga pagtitipon, prayoridad ko pa rin ang paaralan ng karate. Nang dumating sa akin ang tungkulin ko, natakot akong maantala ang mga klase ko at maapektuhan ang epekto at reputasyon ng paaralan, kaya tinanggihan ko ito. Bagamat nagho-host ako ng mga pagtitipon at gumagawa ng tungkulin ko, akala ko pansamantala lang ‘yon, at hinihintay kong matanggal na ang lockdown para maipagpatuloy ko ang pagpapatakbo ng aking paaralan ng karate. Nang mapagtanto ko ito, napahiya ako. Napagtanto kong itinuring ko ang kasikatan at kayamanan bilang ang pundasyon ng pananatili kong buhay, at inisip ko na ang pagpapatakbo ng aking negosyo ay mas mahalaga kaysa sa pananalig ko sa Diyos at sa aking tungkulin, hanggang sa puntong muntik na akong magkamali ng desisyon sa paghahangad ng kasikatan at kayamanan at mawalan ng pagkakataong magawa ang tungkulin ko at makamit ang katotohanan. Ngayon ay naiintindihan ko na na ang pagkamit sa mga pangarap at pagpapatakbo ng negosyo ay mukhang mga lehitimong hangarin, pero ang nasa likod nito ay ang mga panlilinlang ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan, kayamanan, at katayuan para tuksuhin at gawing tiwali ang mga tao. Dahil do’n, hinangad ko ang mga ito nang buong puso, at gusto kong magkamit ng higit pa pagkatapos kong magkaroon ng sapat na. Ngayon ay nasilo ako nito, hindi sinasadyang nakontrol at nagapos ni Satanas. Naging alipin ako nito, at palayo ako nang palayo sa Diyos hanggang sa masira ako ng kasikatan at kayamanan.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Inuubos ng tao ang panghabambuhay na halaga ng enerhiya sa paglaban sa kapalaran, ginugugol ang lahat ng kanyang panahon sa pagiging abala para buhayin ang kanyang pamilya at nagpapabalik-balik sa pagitan ng kayamanan at katayuan. Ang mga bagay na pinakaiingat-ingatan ng mga tao ay ang pamilya, salapi, at katanyagan at itinuturing nila ang mga bagay na ito na pinakamahahalagang bagay sa buhay. Lahat ng tao ay nagrereklamo tungkol sa kanilang mga kapalaran, subalit isinasantabi pa rin nila sa kanilang mga isip ang mga usapin na pinakamahalagang suriin at unawain: bakit buhay ang tao, paano dapat mabuhay ang tao, ano ang kahalagahan at kahulugan ng buhay. Gaano man karaming taon sila magtatagal, ginugugol lamang nila ang buong buhay nila sa pagiging abala sa paghahanap ng katanyagan at mabuting kapalaran, hanggang sa lumipas na ang kabataan nila at maging matanda at kulubot na sila. Nabubuhay sila nang ganito hanggang sa makita nila na hindi mapapahinto ng katanyagan at mabuting kapalaran ang pagdausdos nila tungo sa katandaan, na hindi maaaring punan ng salapi ang kahungkagan ng puso, na walang sinuman ang malilibre mula sa mga batas ng pagsilang, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, na hindi matatakasan ninuman ang kapalarang nakalaan sa kanila. Tanging kapag napilitan lamang silang harapin ang huling sugpungan ng buhay nila tunay na nauunawaan na kahit na magmay-ari ang isang tao ng napakalaking kayamanan at napakaraming ari-arian, kahit marami siyang pribilehiyo at may mataas na katayuan, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan at bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kapag malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Matapos basahin ang salita ng Diyos, naisip ko, “Bagamat nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos, hindi ako tumutuon sa paghahangad ng katotohanan o pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha. Buong puso ko pa ring hinahangad ang kasikatan, kayamanan, at materyal na kasiyahan. Sinasayang ko ang mahalaga kong oras at lakas sa mga bagay na ito. Ano ba ang makakamit ko sa pananalig sa Diyos sa ganitong paraan? Sa ngayon, sa gitna ng pandemya, maraming tao ang namamatay sa buong mundo. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa buhay ko, at tila ba paunti nang paunti ang mga pagkakataong mahanap ang katotohanan at magawa ang aking tungkulin. Siguro hindi pa huli ang lahat para hanapin ang katotohanan, pero sa bingit ng kamatayan, magiging huli na ang lahat. Mapalad akong matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong hanapin ang katotohanan at maligtas, pero hindi ko ito pinahahalagahan, at hindi ako handang gumugol ng mas maraming oras at lakas sa paghahanap sa katotohanan. Napakabulag ko! Noon, sa paghahangad ng makamundong kasikatan at kayamanan, matindi akong nagsikap para maitayo ang paaralang ito. Napakaganda nitong tingnan, napakakaakit-akit, at nagtamo na ako ng kaunting kasikatan, kayamanan, at materyal na kasiyahan, pero napakahungkag pa rin ng puso ko, at pakiramdam ko’y walang saysay na mamuhay nang ganito. Ngayon, ayoko na talagang sayangin ang buhay ko sa mga bagay na ito. Maraming mayayaman sa mundo, mga taong may kasikatan at katayuan, pero malayo sila sa Diyos at itinatatwa ang Diyos, at pagdating ng sakuna, mamamatay pa rin sila. Hindi nabibili ng kayamanan ang buhay, at walang silbi ang kasikatan at tagumpay sa harap ng kamatayan. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad at pagkakamit ng katotohanan natin makakamit ang proteksyon ng Diyos at maililigtas ng Diyos.” Gaya nga ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Totoo. Kahit na magtamo ka ng kasikatan at kayamanan sa mundo, at tingalain at hangaan ng mga tao, hindi makapagbibigay sa iyo ng buhay ang mga bagay na ito. Mailalayo ka lang nito sa Diyos at mawawalan ka ng pagkakataong maligtas. Habang ginagawa ko ang tungkulin ko at hinahanap ang katotohanan sa panahong ito, nakamit ko ang isang bagay na hindi ko kailanman nakamit dati. Naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, nagsimula akong magbago nang paunti-unti, at natupad ko ang mga responsibilidad ko sa iglesia. Nahanap ko na ang kabuluhan ng buhay. Gusto kong hangarin ang katotohanan, sumunod sa Diyos, mamuhay na tinutupad ang tungkulin ko bilang isang nilikha, at hindi na mamuhay para kay Satanas.

Pagkaraan ng ilang panahon, natapos na ang pag-renovate sa aking paaralan ng karate, tapos na ang lockdown, at oras na para muling magbukas, pero hindi na ako nasasabik dito tulad ng dati, dahil sa panahong ito, marami na akong nabasang salita ng Makapangyarihang Diyos, at alam kong nais ng Diyos na hangarin natin ang katotohanan at gawin ang ating tungkulin para tayo ay maligtas sa halip na hangarin ang kasikatan at kayamanan sa mundo at malinlang ni Satanas. Kaya, nagpasya akong tuluyan nang isara ang paaralan ng karate. Naisip ko na iyon ang pinakamagandang desisyon para sa’kin. Nang ipahayag ko ang desisyong ito sa grupo ng mga magulang at tagapagturo, hindi makapaniwala ang ilang taong malapit sa akin, dahil alam nila kung gaano kahalaga sa akin ang paaralang ito. Marami ring estudyante at magulang ang nagpadala ng mga mensahe na hinihikayat akong ipagpatuloy ang negosyo. Sabi ng ilang magulang, “Victor, nasisiyahan talaga ang mga anak ko sa mga klase mo. Hindi ka na ba talaga magtuturo ng karate?” Sabi ng ilang estudyante, “Sensei, hindi ba’t sinabi mo na ang karera mo ang pinakamahalagang bagay, na ito ang buhay mo?” Nang marinig ko ang mga salitang ito, medyo nabalisa ako. Kakatapos ko lang magsikap nang husto sa pagre-renovate ng paaralan, pero ni minsan hindi ko pa ito nagamit. Isasara ko na lang ba talaga ito nang tuluyan? Nawala na lang ba ang negosyong maraming taon kong pinaghirapang maitayo? Nung oras na iyon, talagang medyo ‘di ako mapalagay, pero pagkatapos ay nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Bilang isang normal na tao, na naghahangad ng pag-ibig sa Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Matapos basahin ang salita ng Diyos, mas kumalma ako. Naunawaan ko na ang paghahangad ng kasikatan at kayamanan ay walang halaga o kabuluhan. Hindi materyal na kasiyahan o kasikatan at kayamanan sa buhay ang makakapagpalaya sa’kin mula sa kahungkagang nasa puso ko o makakapagbigay-daan sa akin na mailigtas ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan, paghahangad na mahalin ang Diyos, at pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha ako makakapamuhay ng isang makabuluhang buhay, at ito talaga ang buhay na gusto ko. Bagamat malaki pa rin ang panghihinayang ko sa aking paaralan ng karate, hindi nabago ng mga salita ng mga kaibigan at estudyante ko ang desisyon ko dahil alam kong mas mahalaga ang salita ng Diyos kaysa anupaman. Ang paghahangad sa pagliligtas ng Diyos ay mas mahalaga kaysa anupaman. Ayoko nang magpatuloy sa pagpapatakbo ng paaralan. Gusto kong gumugol ng mas maraming oras at lakas sa paggawa ng tungkulin ko, dahil alam kong ito ang pinakamakabuluhang gawin. Hanggang ngayon, pilit pa rin akong hinihikayat ng ilan sa mga kaibigan ko na buksan ang paaralan, pero desidido na ako sa aking pasya. Kahit na iniwan ko na ang aking buhay na bulgar at mapaghanap ng kasiyahan, at nawala na sa’kin ang makamundong kasikatan at mataas na pagtingin ng iba, sa paggawa ko ng tungkulin ko kasama ang mga kapatid ko araw-araw, mas marami na akong oras para basahin ang mga salita ng Diyos at makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, at mula rito, naunawaan ko ang ilang katotohanan at malinaw na nakita ang ilang bagay, lalo na ang mga kahihinatnan ng paghahangad ng kasikatan at kayamanan, at nagsimula na akong hangarin ang katotohanan at tahakin ang tamang landas sa buhay. Ito ang pinakamalaking pakinabang ko sa panahong ito. Ang nakamit ko ay higit na mas mahalaga kaysa sa kasikatan sa mundo at paggalang ng iba. Ngayon, madalas ko ring ipinapangaral ang ebanghelyo, at natutunan ko nang gamitin ang salita ng Diyos para tulungan at pangalagaan ang mga katatanggap pa lang ng ebanghelyo. Umaasa ako na mas maraming tao ang makakaharap sa Diyos at magkakaroon ng pagkakataong mailigtas ng Diyos. Sa tingin ko, ang pamumuhay nang ganito ay napakatiwasay at napakamakabuluhan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Sandali ng Pagpili

Ni Li Yang, TsinaIsinilang ako sa isang nayon na sakahan at lumaki ako sa isang mahirap na pamilya. Mga simpleng magsasaka lang ang aking...