Isang Tagumpay sa Gitna ng Pagsubok ni Satanas

Setyembre 18, 2023

Ni David, Benin

Ang pangalan ko ay David, at ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya. Sumasampalataya ako sa Panginoon kasama ang mga magulang ko mula pa noong maliit ako. Paglaki ko, naglingkod ako bilang sekretarya ng youth fellowship at interpreter para sa pastor. Lumahok din ako sa koro at iba’t ibang uri ng gawaing ministeryo. Pero kalaunan ay natanto ko na bagamat mukha talagang masigasig ang simbahan namin, lahat ay tigang sa espirituwal. Walang kabuluhan ang mga sermon ng pastor at elder at kulang sa bagong kaliwanagan at walang sinuman ang nagkakamit ng panustos. Maraming tao ang nawalan ng pananalig at nakakatulog pa nga sa mga sermon. May ilang tao pa nga na nagdadala ng mga bagay sa simbahan para ibenta at pinag-uusapan nila ang mga sekular na bagay. Nakita ko na walang anumang tunay na panustos na makukuha sa simbahan. Ang magagawa ko lang ay maghanap ng mga Kristiyanong video online.

Noong Enero 2019, nagba-browse ako ng mga video sa YouTube tulad ng dati nang makakita ako ng clip mula sa Pananabik, isang pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na tinatawag na Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon, masyado akong natuwa: Sinasabi ba ng video na ito na nagbalik na ang Panginoong Jesus? Pinindot ko ito kaagad. Nalaman ko mula sa video na ito na ang Panginoong Jesus ay may dalawang paraan ng pagbabalik sa mga huling araw. Una, Siya ay nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao at pumaparito nang palihim, at pagkatapos ay hayagan Siyang nagpapakita sakay ng isang ulap, pumaparito para makita ng lahat. Pinatotohanan din ng video na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na Siya ay nagkatawang-tao bilang Makapangyarihang Diyos. Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang pagbabalik ng Panginoon, at medyo napukaw rin ang kuryosidad ko. Pakiramdam ko’y talagang nakapagbibigay-liwanag ang pagbabahagi nila at gusto ko itong higit na saliksikin. Pagkatapos nun, nanood ako ng marami-rami pang pelikula, tulad ng Pananalig sa Diyos, Kaligtasan, Nakamamatay Na Kamangmangan, at Kumawala sa Bitag. Pakiramdam ko’y talagang namulat ako rito. Sa panonood ng mga pelikulang ito ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko kung bakit napakapanglaw ng simbahan namin at natutuhan ko ang maraming aspeto ng katotohanan, gaya ng, ano ang tunay na pananampalataya, anong uri ng tao ang makapapasok sa kaharian ng langit, at na sa mga huling araw, nililinis at inililigtas ng Makapangyarihang Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol ng Kanyang mga salita. Lahat ito ay misteryo at katotohanan na hindi ko pa narinig kahit kailan, at talagang nakapagtutustos sa akin. Nagustuhan ko talaga ang mga pelikula—malaki ang naitulong ng mga ito sa akin. Sa mga pelikulang iyon, napansin kong nagbabasa sila mula sa isang aklat, na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, kaya sinubukan kong hanapin ito online. Kalaunan ay nahanap ko ang app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, dinownload ito, tapos ay nagbasa ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salita Niya ay napakamaawtoridad, at habang mas binabasa ko ang mga ito ay mas nararamdaman kong ito ay mga salita ng Diyos, na tinig talaga ito ng Diyos, isang pagpapahayag ng katotohanan, walang duda. Namangha ako, at kaagad na nakipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng app. Sa loob ng ilang araw ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga pagtitipon at pakikinig sa pagbabahaginan at patotoo ng mga kapatid, nakatiyak ako na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nagbalik na talaga ang Panginoon! Natuwa ako, labis na nasabik, at nadama kong lubos akong pinagpala. No’ng sandaling ‘yon, isa lang ang gusto ko, na ipahayag ang pagbabalik Niya sa lahat ng dako para malaman ng lahat ng mananampalataya ang magandang balita. Naisip ko ang madalas na sinasabi sa amin ng mga pastor ng aming simbahan na magbantay at maghintay kami sa pagbabalik ng Panginoon at naisip ko na matutuwa sila ‘pag nalaman nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Gusto kong magmadaling pumunta at ibahagi sa kanila ang ebanghelyo para marinig nila ang tinig ng Panginoon at masalubong Siya kaagad. Una kong naisip sina Pastor Gilbert at Elder Romain sa aming simbahan. Talagang nagsisikap sila para sa Panginoon sa simbahan, at magiliw, mapagmahal, at matiyaga sila sa mga kapatid, madalas nilang tinutulungan ang mga ito. Lalo na si Pastor Gilbert na binitiwan ang kanyang trabaho para pumasok sa isang Bible college at mag-aral para maging pastor. Naisip ko na dahil mabubuting mangangaral sila, magagawa nilang tanggapin ang gawain ng Diyos. Ibinahagi ko muna kay Elder Romain ang ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon.

Noong araw na iyon, magkasama kaming nanood ng isang pelikula ng ebanghelyo mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nagpatotoo ako sa kanya na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Akala ko’y marami siyang itatanong sa akin, pero ang nakapagtataka, wala siyang sinabi, bagkus ay naging napakalamig niya at wala siyang pagnanais na maghanap o pag-usapan ito. Nag-alala ako na hindi ko ito naipaliwanag nang malinaw, kaya ipina-install ko sa kanya ang app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para masiyasat niya ito mismo, pero ayaw niyang gawin. Matapos siyang paulit-ulit na anyayahan na dumalo sa mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, atubili siyang sumang-ayon. Pero sumali lang siya nang wala sa loob sa isang online na pagtitipon at tapos ay umalis nang walang sinasabi. Hindi na siya muling sumali sa isa pang pagtitipon. Sadya na akong iniwasan ni Romain pagkatapos nun at hindi na siya kailanman dumaan sa bahay ko. Medyo naguluhan ako sa ganoong ugali niya. Naging maayos naman ang pagsasama namin noon, kaya bakit naging napakalayo ng loob niya sa’kin nang sabihin ko sa kanya na nagbalik na ang Panginoon? Sa mga sermon niya, lagi niyang sinasabi sa amin na magbantay at maghintay sa pagparito ng Panginoon. Bakit hindi siya naghahanap at nagsisiyasat ngayong nagbalik na ang Panginoong Jesus? Bago ko pa maunawaan ang mga bagay na ito, may nangyaring hindi ko inaasahan.

Makalipas ang ilang araw, bigla akong ipinatawag ni Pastor Gilbert sa kanyang opisina. Nakaramdam ako ng kaunting pag-iingat. Pagdating na pagdating ko roon, tinanong ako ni Pastor Gilbert, “David, mukhang nakahanap ka ng ilang kaibigan at nakikipag-ugnayan ka sa kanila online. Napakainteresante nun. Sino sila? Saang simbahan sila kabilang?” Dahil may magiliw siyang ugali, inakala ko na gusto niya itong siyasatin, kaya sinabi ko sa kanya na ito ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinulat niya ang pangalan ng iglesia at buong pagmamalaking sinabi sa akin na, “Nakita ko na sila, at hindi tayo dapat makinig sa kanila. Malinaw na sinasabi sa atin ng Bibliya na maraming huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw na magliligaw sa maraming tao.” Pagkasabi nito, binuksan niya ang isang Bibliya at binasa ito mula sa unang Tesalonica 4:16–17. “Sapagkat ang Panginoon Mismo ang bababa mula sa langit, kasabay ang isang sigaw, ang tinig ng arkanghel, at ang trumpeta ng Diyos: at ang nangamatay kay Cristo ang unang mabubuhay muli; Pagkatapos, tayong mga buhay at mga natira ay dadalhin kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid: at sa gayon ay makasasama na natin ang Panginoon magpakailanman.” Matapos basahin ang mga talatang ito, ipinaliwanag niya sa akin nang may pagmamalaki, “Malinaw na sinasabi sa atin ng mga talatang ito na pagdating ng Panginoon, hihipan ng mga anghel ang mga trumpeta, bubuhaying muli ang mga patay, at iaakyat tayo sa mga ulap upang makita ang Panginoon. Kung ang sinuman ay nagsasabi na nagbalik na ang Panginoon, ngunit tayo ay nasa lupa pa rin at hindi pa nadadala sa langit, ‘yan ay huwad! Pagparito ng Panginoon, aalis tayo sa lupa at maninirahan sa kalangitan kasama Niya magpakailanman.” Pero talagang natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Sinasabi ng mga talatang binasa niya na bababa ang Panginoon sakay ng mga ulap, pero nagbahagi ang mga pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa Kanyang pagkakatawang-tao nang palihim. Ano ang nangyayari doon? Medyo nalito ako. Sa Bibliya, ipinropesiya ng Panginoong Jesus “ang pagpaparito ng Anak ng tao” at “pumaparito ang Anak ng tao” nang maraming beses. Ito ay tungkol sa pagiging Anak ng tao ng Panginoon at pagparito nang palihim. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na tayo ay iaakyat sa mga ulap. Kaya bakit salungat ang sinabi ni Pablo sa sinabi ng Panginoong Jesus? Tungkol saan ba talaga ‘yon? Ang Makapangyarihang Diyos ba talaga ang pagbabalik ng Panginoon? Kung hindi Siya, paanong naglalaman ng napakaraming katotohanan ang Kanyang mga salita, at punong-puno ng awtoridad at kapangyarihan? Hindi ko talaga maintindihan iyon. Nagtanong agad si Pastor Gilbert pagkatapos nun at mas nagpakwento pa sa akin tungkol sa mga natutuhan ko sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. May sinabi rin siyang ilang bagay na mapanlait at mapanirang-puri. Tapos natanto ko na ang motibo niya sa pagtatanong sa akin ay hindi para maghanap at magsiyasat, kundi ito ay para makakuha ng karagdagang impormasyon upang mapigilan niya akong magsiyasat sa tunay na daan. Nung oras na ‘yon, naalala ko ang pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na Kumawala sa Bitag, na nagtatalakay tungkol sa mga modernong Pariseo. Hindi kailanman siniyasat ng mga pastor at elder sa pelikula ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, bagkus ay pikit-mata itong kinondena, nag-iimbento ng maling impormasyon para hadlangan ang mga taong nagsasaliksik sa tunay na daan at sumusunod sa Diyos. Ngayon ay ginagawa rin ito ni Pastor Gilbert. Nais niyang makakuha ng karagdagang impormasyon para magkalat ng mga usap-usapan kalaunan, upang pigilan ang mga tupa ng Diyos na marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon. Sa puso ko, nagsumamo ako sa Diyos na bigyan ako ng karunungan para tumugon kay Pastor Gilbert. Sabi ko sa kanya, “Wala akong masasabi sa’yo sa ngayon. Sinisiyasat ko pa ito. Masasabi ko sa’yo kapag nakakuha na ako ng karagdagang impormasyon.” Sa huli ay sinabi niyang hindi siya gagawa ng anumang paghahanap kasama ko, at tinapos na niya ang aming pag-uusap. Pero medyo nalilito pa rin ako sa pahayag na paparito ang Panginoon at dadalhin tayo sa langit.

Nang umalis ako sa opisina ng pastor no’ng araw na ‘yon, nanalangin ako sa Diyos sa puso ko, hinihiling sa Kanya na gabayan at bigyang-liwanag ako. Kalaunan, paulit-ulit kong inisip ang tungkol sa mga talatang iyon sa unang Tesalonica 4:16–17. Pagkatapos itong pag-isipan nang husto, napagtanto ko na ang mga talatang iyon na binasa ni Pastor Gilbert ay nagmula kay Pablo, iyon ay mga sinabi ni Pablo. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na dadalhin Niya ang mga mananampalataya sa mga ulap sa Kanyang pagbabalik, at hindi Niya kailanman sinabi na ang kaharian ng langit ay nasa langit. Kalaunan, sa patuloy kong pagdarasal at paghahanap, napanood ko ang isa pang pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na Paggising Mula sa Panaginip, na talagang nagbigay-liwanag sa akin. Ilan sa mga nilalaman ng pelikula ay malinaw na ipinaliwanag ang mga katanungan ukol sa rapture at kung ang kaharian ay nasa langit. Sinabi ng mga taong nagbabahagi ng ebanghelyo sa pelikula na iniisip ng lahat ng tao na ang kaharian ng langit ay nasa langit dahil sa kanilang sariling mga kuru-kuro. Pero totoo ba talaga ‘to? Makikita natin na sinabi ito ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit, sambahin nawa ang pangalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:9–10). Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa, hindi sa langit: Gawin nawa ang kalooban ng Diyos sa lupa, gaya ng ginagawa sa langit. Ngayon, tingnan natin ang Pahayag 21:2–3: “At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos…. Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila.” At Pahayag 11:15: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman.” Binabanggit ng mga propesiyang ito “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos,” at “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo.” Pinatutunayan nito na itatatag ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa, na mamumuhay Siya kasama ng mga tao. Ang mga kaharian sa lupa ay dapat na maging kaharian ni Cristo, at sa kawalang-hanggan. Kung susundin natin ang ating mga guniguni, iniisip na ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, at dadalhin tayo ng Panginoon sa langit pagparito Niya, hindi ba’t magiging walang kabuluhan lahat ng mga salitang ito mula sa Diyos? Kung gayon ay ano ang pagdadala? Karamihan sa mga tao ay hindi ito alam. Ang misteryo ng mga banal na nadadala ay hindi nahayag hanggang sa dumating ang Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang ‘matipon’ ay hindi nangangahulugan na madadala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar, gaya ng maaaring iniisip ng mga tao; malaking pagkakamali iyan. Ang ‘matipon’ ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagkatapos ay pagpili. Nakaukol ito sa lahat ng Aking itinalaga at pinili. … Lubha itong hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao. Sila na magkakaroon ng bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng natipon sa Aking harapan. Ito ay walang pasubaling totoo, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga ay matitipon sa harap Ko(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 104). Napakalinaw ng Makapangyarihang Diyos. Ang pagdadala ay ‘di gaya ng naiisip natin, na kinukuha mula sa lupa pataas sa langit para makatagpo ang Panginoon sa mga ulap. Ito ay tungkol sa pagbabalik ng Diyos upang magsalita at gumawa sa lupa, naririnig ng mga tao ang tinig ng Diyos at tumatayo para sundin ang Diyos, at nagpapasakop sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang tunay na kahulugan ng pagdadala paakyat sa harap ng trono ng Diyos. Lahat ng nakakikilala sa tinig ng Panginoon, na nakatutuklas at nakatatanggap ng katotohanan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at bumabaling sa Kanya ay ang matatalinong dalaga. Ang mga taong ito ay ang “mahahalagang bato” na “ninakaw” pabalik sa sambahayan ng Diyos na nakatatanggap lahat ng katotohanan at nakauunawa sa tinig ng Diyos. Tunay silang na-rapture, at sila’y isang grupo ng mga tao na ginagawang perpekto ng Diyos upang maging mga mananagumpay sa pagparito Niya nang palihim upang gumawa sa mga huling araw. Mula nang magsimula ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, parami nang parami sa mga tunay na nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang nakakilala na sa tinig ng Diyos mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Itinaas na sila sa harap ng trono ng Diyos para makita Siya, at pinakakain at dinidiligan ng mga salita ng Diyos. Nagkamit na sila ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, nalinis na ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at isinasabuhay nila ang realidad ng mga salita ng Diyos. Nakatanggap sila ng dakilang kaligtasan mula sa Diyos. Naging mga mananagumpay na sila bago ang mga sakuna. Sila ang naging unang mga hinog na bunga na nakamit ng Diyos. Pero ang mga taong kumakapit sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, na hangal na naghihintay sa Panginoon na dalhin sila sa langit at tumatangging tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang mga hangal na dalaga na palalayasing lahat ng Diyos. Sa huli, masasadlak sila sa mga sakuna, iiyak at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Iyon ay katunayan.

Matapos mapanood ang pelikula, nakita ko na hindi natin pwedeng literal na bigyang-kahulugan ang pagdadala. Pangunahing tumutukoy ito sa mga taong nakaririnig sa tinig ng Diyos, sumasalubong sa Panginoon, at lumalapit sa harap ng trono ng Diyos. Iyan ang pagdadala. Ang mga tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang matatalinong dalaga na dinadala sa harap ng trono ng Diyos. Sila ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at tumatanggap sa paghatol at paglilinis sa kanila. Ito ay pagdalo sa piging ng kasal ng Kordero. Ang ma-rapture nang ganito ay napakapraktikal. Napakatalino ng gawain ng Diyos, napakamakahalugan! Nakita ko na ang panahon ko sa pakikipagtipon at pakikipag-usap sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay talagang katulad nun, Namumuhay sila nang normal sa mundo katulad lang natin. Ang kaibahan ay kumakain at umiinom sila ng mga salita ng Diyos, at ang pagbabahagi nila sa katotohanan ay may kabatiran at kaliwanagan. Ang pananaw nila sa mga bagay-bagay at mga perspektibo sa pananampalataya ay labis na nakapagpapalakas. Kapag nakararanas sila ng mga isyu, hindi nila iniisip kung paano magmakaawa para sa biyaya ng Diyos, kundi naghahanap sila at nagbabahagi kung paano magmahal at magpasakop sa Diyos, kung paano makilala at malutas ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, at kung paano isagawa ang katotohanan at isabuhay ang mga salita ng Diyos. Naramdaman ko talaga na nasa bagong mundo sila, na nakapasok sila sa isang bagong kapanahunan at ganap na bago ang uri ng pamumuhay nila. ‘Di pa ako kailanman nakatagpo ng ibang mga taong tulad nila dati. Masyado na nilang napag-iwanan tayong mga mananampalataya ng Panginoon. Dahil dito, lalo pa akong nasabik na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na maranasan ang Kanyang gawain ng paghatol, na mamuhay tulad nila. Pagkatapos ay lalo pang naging malinaw sa akin na sinabi ni Pablo ang mga bagay na ito dahil lamang sa kanyang sariling mga kuru-kuro, at kailangan kong maniwala na ang mga salita ng Panginoon, hindi ang mga salita ni Pablo, ang katotohanan, dahil si Pablo ay isang tao. Sa isang bagay na kasinghalaga ng pagsalubong sa Panginoon, ang manalig sa isang tao ay napakamapanganib. Lalo na kapag ang mga salita ng tao at mga salita ng Panginoon ay magkasalungat, hindi natin pwedeng gawing batayan ang mga salita ng tao. Muntik na akong malinlang, mailigaw ng paggamit ng pastor sa mga salita ni Pablo. Sa lahat ng taong ‘yon, walang sinumang nakaunawa sa misteryo ng mga banal na nadadala, at walang sinuman ang may pagkakilala sa mga salita ni Pablo, na puno ng mga haka-haka. Iyon pala, ganap na salungat ang mga ito sa mga salita ng Panginoong Jesus. Nilinaw nito ang mga bagay-bagay para sa akin.

Nagkamit ako ng kaunting pagkakilala sa mga pastor sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagbabahaginan. Bihasa sila sa Bibliya, pero wala silang alam kung ang pagsalubong sa Panginoon ay dapat na nakabatay sa mga salita ng Diyos, o sa mga salita ng tao. Hindi talaga nila kilala ang Diyos. Isang gabi pagkaraan ng ilang araw, nakasalubong ko si Pastor Gilbert malapit sa isang soccer field sa aming nayon. Sinusubukan pa rin niyang baguhin ang isip ko. Sa pagkakataong ito ay sinisikap niyang gumamit ng mga demonstrasyon, gaya ng pag-akto sa isang palabas. Itinaas niya ang mga kamay niya at tumingala siya sa langit, tapos ay nagsimulang ihakbang ang mga paa niya sa lupa, na parang umaakyat ng hagdan. Sabi nya, “Magagawa nating maglakad sa mga ulap. Pero kung hindi ka puspos ng Banal na Espiritu sa araw na ‘yon, hindi mo magagawa iyon.” Lalo pa akong nakumbinsi nitong pambatang akto ni Pastor Gilbert na ang kwento ng pagdadala pataas sa mga ulap ay ganap na imahinasyon lang ng tao. Sobra itong kakatwa at nakakatawa na gusto kong mapahalakhak. Ito’y pambata katulad ng paniniwalang talagang dumarating si Santa Claus tuwing December 25 para magdala ng mga regalo sa mga bata. Mula noong araw na ‘yon, hindi na ako naniniwala sa pantasyang ‘yon, bagkus ay nakatuon na lang ako sa realidad, at patuloy kong sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Kalaunan, tinanggap namin ng nakababatang kapatid ni Pastor Gilbert ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nakakuha kami ng mga kopya ng aklat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Talagang tuwang-tuwa at sabik na sabik kaming dalawa. Galit na galit si Pastor Gilbert nang malaman niya, at hindi lamang niya hinadlangan ang pananampalataya ng kapatid niya, kundi kinuha pa niya ang mga aklat nito at ipinadala ang ilan sa mga iyon kay Elder Romain. Alam kong hindi nila kinuha ang mga aklat ng Makapangyarihang Diyos para hanapin ang katotohanan, kundi para hanapan nila iyon ng mali, upang gamitin ‘yon para kondenahin ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at sa huli ay kumbinsihin kami na ipagkanulo ang Makapangyarihang Diyos. Wala silang mabubuting layunin. At iyon talaga ang nangyari.

Isang araw, sinabi sa akin ni Elder Romain, “Walang espesyal sa aklat na ito. Lahat ng ito ay mga bagay na nasa Bibliya—wala namang bago.” Nadismaya na naman ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya. Sinabi ko sa sarili ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakamaawtoridad at napakamakapangyarihan, at nagpapahayag ng mga misteryo ng katotohanan. Hindi ba’t ang pagsisinungaling nang ganoon, pagsasabing walang bago, ay isang bagay na masasabi lang ng isang malademonyong tao? Inihahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryo ng 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos, ng pagkakatawang-tao, ng mga pangalan ng Diyos, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, at iba pa. Marami ring iba pang misteryo at katotohanan. Ang lahat ng ito ay mga bagay na wala sa Bibliya, at mga bagay na hindi natin kailanman naunawaan sa mga taon natin ng pananampalataya. Paano niya nasasabing wala siyang nakitang anumang bago sa aklat? Talagang kakatwa ‘yon. Hindi ako magpapaloko sa kanya. Ipinakita rin nito sa akin na nayayamot siya sa katotohanan at hindi niya talaga nauunawaan ang tinig ng Diyos. Ganoon din kay Pastor Gilbert. Hindi lang niya ito hindi siniyasat, kundi lalo pa niya itong kinontra at kinondena, pinalala ang pagkakalat niya ng mga relihiyosong kuru-kuro sa mga pagsamba, sinasabi sa mga kapatid na ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya, at walang anumang salitang mula sa Diyos sa labas nito. Sinabi niya na dapat na bumaba ang Panginoong Jesus sakay ng ulap, at ang sinumang nagsasabing ang Panginoon ay pumarito na ay nagsisinungaling. Noong panahong ‘yon, naglilingkod pa rin ako bilang interpreter sa simbahan. Sumama ang loob ko. Iniisip ko na ang pagsasalin ng mga maling paniniwalang ‘yon na nanlilinlang at nanliligaw sa mga tao ay tiyak na pakikibahagi sa kasamaan. Hindi ba’t nakikibahagi ako sa paglaban at kalapastanganan ng mga pastor? Ipinaalala sa’kin ng mga ginagawa nilang ito ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Masdan mo ang mga lider ng bawat denominasyon—lahat sila ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Bibliya nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Lahat sila ay umaasa sa mga kaloob at karunungan sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila ay wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kunsabagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para linlangin ang mga tao at dalhin sila sa harapan nila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga lider. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.’ Tingnan kung paanong kailangan pa rin ng mga tao ang pagpayag at pagsang-ayon ng iba kapag naniniwala sila sa Diyos at tinatanggap ang tunay na daan—hindi ba ito problema? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Pariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na pinipigilan ng mga pastor ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw gamit ang pagkukunwaring nangangaral at gumagawa para sa Panginoon, pinoprotektahan ang Kanyang kawan. Binibitag nila ang mga miyembro ng simbahan, kinokontrol ang mga ito sa kanilang pagkakahawak upang makamit ang kanilang layunin na dominahin ang mga ito. Hindi nila tunay na inaasam ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kundi sila ay mga makabagong-panahong Pariseo. Likas silang namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos. Lumayo ako sa pastor pagkatapos nun at huminto sa paglilingkod bilang interpreter niya. Talagang nakadama ako ng paglaya sa desisyong ito, na para bang isa akong munting ibon na nakawala sa hawla nito.

Pero hindi tumigil sa panggugulo sa’kin ang mga pastor ng simbahan. Isang Linggo pagkatapos ng pagsamba, pumunta si Elder Romain sa bahay ko at tinanong ako kung bakit nagpasya akong huminto sa pagiging interpreter ng simbahan. Sinabi ko sa kanya na hindi ako sang-ayon sa ilang bagay na ipinangangaral ng pastor kamakailan. Sinabi nito na paparito ang Panginoon sakay ng ulap, at kung merong anumang pahayag na pumarito na si Cristo, pero hindi pa tayo nadadala pataas sa langit, tungkol ito sa isang huwad na Cristo. Pero meron bang anumang batayan para doon sa mga salita ng Panginoong Jesus? Kung wala, hindi ba’t itinatanggi nito na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon? Pagpapakalat iyon ng mga usap-usapan para iligaw ang mga tao. Sinabi ni Elder Romain, “Ano ang mali roon? Talagang sinasabi ng Bibliya na paparito ang Panginoon sakay ng mga ulap sa mga huling araw.” Sabi ko, “Sinasabi nga ng Bibliya na darating ang Panginoon sakay ng mga ulap sa mga huling araw, pero marami ring propesiya sa Bibliya ng pagkakatawang-tao ng Panginoon bilang Anak ng tao at pagparito nang palihim sa mga huling araw.” Kumuha ako ng Bibliya at nagbasa ng ilang talata para sa kanya. “Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). “Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:37). Sinabi ko sa kanya, “‘Ang pagparito ng Anak ng tao’ ay tumutukoy sa pagparito ng Panginoon sa katawang-tao, nang palihim. ‘Ang Anak ng tao’ ay tumutukoy sa pagkakapanganak sa tao, pagiging sa katawang-tao at pagtataglay ng normal na pagkatao. Ang Panginoong Jesus ay tinawag na Anak ng tao, at Cristo. Sa panlabas, Siya ay mukhang isang normal na normal na tao. Kumakain, nagbibihis at namumuhay Siya gaya ng isang ordinaryong tao. Wala sa Espiritu ng Diyos o sa espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ang tinatawag na ‘ang Anak ng tao.’ Kaya ‘ang pagparito ng Anak ng tao’ na binanggit sa mga propesiyang ito ay nangangahulugan na ang Panginoon ay babalik sa katawang-tao nang palihim, bilang ang Anak ng tao.” Sumagot si Elder Romain, “Totoo ‘yan.” Kaya nagpatuloy ako, “Sa katunayan, matagal na Siyang dumating nang palihim—Siya ang Makapangyarihang Diyos. Naipahayag Niya ang mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol, at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna. Nagsimula na ang malalaking sakuna, at kapag lumipas na ang mga sakuna, hayagang darating ang Diyos sakay ng isang ulap, magpapakita sa lahat ng tao at lahat ng bansa. Tapos ay matutupad ang lahat ng propesiya tungkol sa pagparito ng Anak ng tao at sa pagpapakita ng Diyos sakay ng ulap. Ganap itong naaayon sa Bibliya, kaya bakit ayaw mo itong hanapin at siyasatin? Bakit binabasa mo lang ang mga propesiya ng pagparito ng Panginoon sakay ng ulap? Hindi ba’t baluktot ‘yon na pag-unawa sa mga salita ng Panginoon, maling pakahulugan sa mga ito? Sa pamamagitan ng palaging pagpapaliwanag sa mga propesiya batay sa sarili mong imahinasyon, sa pag-iisip na paparito lang ang Panginoon sakay ng isang ulap, katulad ka lang din ng mga Pariseo na nagpaliwanag sa mga propesiya ng pagdating ng Mesiyas batay sa kanilang sariling mga kuro-kuro at imahinasyon. Akala nila ang Mesiyas ay magiging tulad ng isang hari, na may marangal na pagpapakilala, ipinanganak sa isang maharlikang pamilya, at ililigtas Niya ang mga tao mula sa paghahari ng mga Romano. Pero nang dumating ang Mesiyas, Siya ay isang karaniwang tao na ipinanganak sa sabsaban. Pangkaraniwan ang pamilya Niya, wala Siyang anumang katayuan sa lipunan, at hindi rin Niya iniligtas ang mga tao mula sa paghahari ng mga Romano. Ipinako pa nga Siya sa krus. Hindi talaga tumugma sa mga kuru-kuro ng mga Pariseo ang hitsura at gawain ng Panginoong Jesus. Kaya katulad nun, paano natin masusunod ang sarili nating mga imahinasyon at masasabing pumaparito ang Panginoon sakay ng ulap?” Binasa ko ang isa pang talata sa Bibliya para sa kanya. “Sapagkat ang Aking pag-iisip ay hindi ang inyong mga pag-iisip, ang inyong mga landas ay hindi rin ang Aking mga landas, sabi ni Jehova. Sapagkat kung paanong ang langit ay mas nakatataas kaysa sa lupa, gayundin ang Aking mga gawi ay mas nakatataas kaysa sa inyong mga gawi, at ang Aking pag-iisip kaysa sa inyong mga pag-iisip(Isaias 55:8–9). “Malinaw nating nakikita mula sa Kasulatan na hinding-hindimaaarok nang maaga ng mga tao kung ano ang gagawin ng Diyos dahil ang Diyos ay isang matalinong Diyos at ang mga propesiya Niya ay nakakubli. Hindi mapapakahulugan at maiintindihan ng mga tao ang mga ito hangga’t hindi ito nagaganap. Binigyang-pakahulugan ng mga Pariseo ang mga propesiya ayon sa sarili nilang mga kuro-kuro at nagkaroon sila ng mga maling konklusyon tungkol sa pagdating ng Mesiyas. Bilang resulta, nang dumating ang Panginoong Jesus, nilabanan at kinondena nila Siya at sa huli ay pinarusahan at isinumpa sila ng Diyos. Ngayon, ang pagbibigay-pakahulugan sa mga propesiya ayon sa sarili nating mga kuru-kuro ay hindi tama. Sa katunayan, mauunawaan lamang natin ang mga propesiya pagkatapos matupad ng mga ito. Ngayong nagbalik na ang Panginoong Jesus at ang lahat ng propesiya sa pagparito ng Panginoon ay natupad na, nauunawaan na natin kung ano talaga ang mga ito.” Marami akong sinabi kay Elder Romain noong araw na iyon, pero ayaw niyang pakinggan ang anuman dito.

Ang talagang ikinagulat ko ay hindi lang tumangging maghanap sina Pastor Gilbert at Elder Romain, kundi mas tinutulan pa nila ang pananampalataya ko. Isang Linggo nang nasa simbahan ang lahat ng pastor at elder ng aming simbahan, tinanong nila ako tungkol sa lagay ng pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ko sila binigyan ng anumang impormasyon tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil alam kong susubukan nilang maghanap ng mali rito para mag-imbento ng mga usap-usapan. Wala akong gaanong sinabi, pero sinabi ko lang na sinisiyasat ko pa rin ito. Hindi sumang-ayon ang pastor at pinapili niya ako. Kung hindi ako titigil sa pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, susulat sila sa lahat ng simbahan para sabihin sa mga ito na napatalsik ako. Naisip ko na kung patatalsikin ako, iisipin ng lahat sa paligid ko na tinahak ko ang maling landas, tapos ay hahamakin at itataboy nila akong lahat. Natakot ako sa mga kahihinatnang naisip ko. Pero alam ko na kung susuko ako sa pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos dahil natatakot akong mapahiya, mawawalan ako ng pagkakataong salubungin ang Panginoon, tapos ay hinding-hindi ako magkakamit ng katotohanan o maliligtas. Malubhang kahihinatnan ang mga ‘yon. Medyo nagtalo ang kalooban ko. Noong oras na ‘yon, pinagbantaan ako ng pastor, sinasabing isusumpa nila ako kung hindi ko gagawin ang sinabi nila. Pakiramdam ko’y isa itong malademonyong bagay para sabihin at hindi na talaga ako tumugon. May naisip ako mula sa Bibliya: “At siya’y sumigaw nang may malakas na tinig, sinasabing, ‘Naguho, naguho na ang dakilang Babilonia’(Pahayag 18:2). “At narinig ko ang isa pang tinig na mula sa langit, na nagsasabing, ‘Magsilabas kayo mula sa kanya, bayan Ko, upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan, at upang hindi ninyo matanggap ang kanyang mga salot’(Pahayag 18:4). Naisip ko ang isang pelikula ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na napanood ko at nalaman ko na ang dakilang Babylonia ay tumutukoy sa mundo ng relihiyon. Napakalinaw ng mga talatang ito, para lisanin ang Babylonia, lisanin ang mundo ng relihiyon, at hindi makibahagi sa kasalanan nito. Sa puntong iyon ay nakita ko na dapat kong lisanin ang simbahan, lisanin ang mundo ng relihiyon, at sundin ang Diyos. Nakita ko kung gaano kapanglaw ang mundo ng relihiyon, na walang sinumang naghahanap sa katotohanan, lahat ng pastor ay nakikipaglaban para sa karangalan at katayuan, wala sa simbahan ang gawain ng Banal na Espiritu, at puno ito ng kasalanan at karumihan. Nang marinig ng mga lider ng relihiyon ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito hinanap, kundi nilabanan at kinondena nila ito, gamit ang lahat ng uri ng mga taktika para pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Wala sa mga iyon ang naaayon sa mga turo ng Panginoon. Pakiramdam ko’y talagang Babylonia ang simabahan ko at dapat ko itong lisanin kaagad, kung hindi, hindi ako makasasalubong sa Panginoon at makapapasok sa kaharian ng langit. Mawawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu at mahuhulog ako sa kasamaan kasama nila, at mawawalan ako ng pagkakataon sa kaligtasan. Nagpasya ako na kahit hindi nila ako patalsikin, lilisanin ko pa rin ang espirituwal na tigang na relihiyong iyon. Hindi na ako kailanman bumalik sa simbahang iyon.

Para pabalikin ako sa simbahan, pumunta si Pastor Gilbert sa bahay ko at sinabi sa mga magulang ko na hindi na ako nagsisimba, at hiniling sa kanila na sabihin sa akin na bumalik. Isa ring elder ng simbahan ang ama ko. Alam na niya at ng nanay ko ang tungkol sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, at bagamat ayaw nilang bitiwan ang sarili nilang mga kuru-kuro, hindi nila ako inaapi. Pero nagsimula silang apihin ako matapos silang kausapin ng pastor, iginigiit na bumalik ako sa simbahan. Tumanggi ako. Sadya akong ginagambala ng aking ama ‘pag oras na para sa mga pagtitipon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at araw-araw niya akong pinupuna, nagsasabi ng lahat ng uri ng kakila-kilabot pakinggan na bagay. Gumagamit ng pisikal na puwersa ang nanay ko para pigilan akong dumalo sa mga pagtitipon, sinusubukang agawin sa akin ang cellphone ko sa tuwing nasa isang pagtitipon ako, sinasabing sisirain niya ito para hindi ako makadalo sa mga pagtitipon. Isang beses, itinago ng ama ko ang cellphone ko noong wala ako, at pagkatapos ay nagbantang ipapuputol ang kuryente namin. Habang lalong tumitindi ang pang-aapi ng mga magulang ko, mas nahihirapan akong tiisin ito, pero sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na laging gumagabay sa akin, hindi ako kailanman bumigay sa kanila. Isang araw, sinabi nilang puputulin nila ang ugnayan sa akin at palalayasin ako sa bahay. Hinanap ko ang mga salita ng Diyos sa harap ng pang-uusig na ito mula sa mga magulang ko. Binigyang-liwanag ako ng mga salita Niya at binigyan ako ng malinaw na pagkakilala sa lahat ng ito. Sabi ng Diyos, “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV).

Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Bagama’t maaaring hindi mukhang mahalaga ang mga ito sa panlabas, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, ipinakikita ng mga ito kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, makakapanindigan ka sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pag-ibig sa Kanya, ipinapakita nito na ikaw ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Ang lahat ng bagay na nangyayari sa mga tao ay nangyayari kapag kailangan sila ng Diyos na manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Bagama’t walang malaking nangyayari sa iyo sa sandaling ito at hindi ka lubos na nagpapatotoo, ang bawat detalye ng iyong pang-araw-araw na buhay ay isang patotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos kung bakit nahaharap ako sa napakaraming hadlang. Sa panlabas, parang may nangyayari sa pagitan ko at ng mga magulang ko, pero hindi iyon ang kaso. Nasa likod nito ang mga paggambala at manipulasyon ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang pamilya ko para subukan akong pigilan sa pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sa pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos. Isa itong espirituwal na labanan. Tapos ay nalaman ko na ang kalooban ng Diyos ay manindigan ako sa aking patotoo. At kaya nagpasya ako na anuman ang gawin ng pamilya ko para pigilan ako, patuloy akong dadalo sa mga online na pagtitipon kasama ang mga kapatid, magbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at gagawin ang tungkulin ko, at maninindigan para ipahiya si Satanas.

Patuloy akong inaapi at hinahadlangan ng mga magulang ko, pero anuman ang gawin at sabihin nila, sumandig ako sa Diyos para labanan ang kanilang mga verbal na pag-atake at patuloy na dumalo sa mga pagtitipon at nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Unti-unti, huminto na sila sa pagpuna sa akin. Pinuri ko ang Diyos sa puso ko dahil dito. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang ang katotohanan, at sa mga katotohanang ito, walang sinuman ang makaaatake o makasisira sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos.

Pagkatapos nun, lalo pang pinigilan ng mga pastor ang mga kapatid na nagsisiyasat sa tunay na daan. Masyadong ginipit ni Pastor Gilbert ang kanyang nakababatang kapatid, iginigiit na gumanap ito ng mga seremonya sa simbahan at huwag umalis sa simbahan. Nagkaroon ng matinding malamig na labanan sa pagitan ng magkapatid. Takot ang nakababata niyang kapatid na umalis ng bahay. Kailangan nitong gawin ang sinabi ng kapatid nito, at hindi ito makadalo sa mga pagtitipon namin. Naawa talaga ako sa kapatid niya at mas malinaw ko pang nakita ang tunay na kulay ng mga pastor ng relihiyon. Talagang sila’y mga makabagong-panahong Pariseo. Sila mismo ay ayaw maghanap sa tunay na daan, at hinahadlangan nila ang pagsisiyasat ng iba. Hinihila nila ang mga tao patungo sa impiyerno, nagdudulot na mawala sa mga ito ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Hindi ba’t ginagawa nilang mga kaaway ng Diyos ang mga sarili nila? Gaya nga ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at ng sarili kong personal na mga karanasan no’ng panahong ‘yon, talagang nakita ko ang mapagpaimbabaw at napakasamang ugali ng mga pastor. Mukhang napakahusay nilang magpaliwanag ng Bibliya, namumuhay sila nang mapagpakumbaba, maka-Diyos, at sinasabi nila sa mga mananampalataya na bantayan ang pagparito ng Panginoon, pero ngayong nagbalik na ang Panginoong Jesus, bukod sa hindi nila naririnig ang tinig ng Diyos, nilalabanan at kinokondena rin nila ito, nakikipaglaban sila upang pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Malinaw na katulad lang sila ng mga Pariseo na nagpapako sa Panginoong Jesus noong araw. Silang lahat ay masama at likas na napopoot sa katotohanan, at mga anticristo na inilalantad ng gawain ng Diyos. Sila ay masasamang lingkod na laban sa Diyos! Nang malinaw kong nakita ang laban sa Diyos, napopoot sa katotohanan na kalikasan at diwa ng mga pastor, nagkamit ako ng tunay na pagkakilala sa kanila. Hindi na ako naliligaw, nalilinlang ng kanilang panlabas na magandang pag-uugali. Lubusan na akong napalaya mula sa mga gapos ng mga pwersa ng anticristong relihiyon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Pambihirang Tagumpay

Ni Fangfang, Tsina Nananalig ang buong pamilya namin sa Panginoong Jesus, at samantalang isa lang akong karaniwang mananampalataya sa...

Leave a Reply