Pinapatnubayan Ako ng Salita ng Diyos sa Pagdaan sa mga Patibong
Sa pagbuklat nang mabilis sa mga pahina ng artikulo ng mga salita ng Diyos na, “Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao,” hindi ko maiwasang maalala ang karanasan ko dalawang taon na ang nakararaan nang makalaya ako mula sa mga gapos ng mga kasinungalingan at nagbalik sa Diyos.
Ang pamilya ko at ako ay nakatirang lahat sa Hong Kong. Ang biyenan kong lalaki at bayaw (nakababatang kapatid ng asawa ko) ay kapwa sumasampalataya sa Panginoong Jesus. Ang bayaw ko ay pastor sa isang iglesia, kaya madalas na pumupunta ang mga kapatid na lalaki at babae mula sa iglesia para bumisita sa aming tahanan kung saan magkakasama silang nagdarasal at kumakanta ng mga himno bilang papuri sa Panginoon. At pagkatapos noong Disyembre 2014, isang mabuting kaibigan ko ang nagsabi sa akin na nananampalataya rin siya sa Panginoon. Nadálá ng aking pamilya at mga kaibigan, naging medyo interesado ako sa pananampalataya sa Panginoon. Nakilala ko si Sister Peipei, isa pang miyembro ng iglesia, isang araw na ‘di-kalaunan. Madali siyang pakisamahan at palakaibigan. Napakasaya niya nang malaman niya na ilan sa aking pamilya at mga kaibigan ay nananampalataya sa Panginoon at inanyayahan ako na pumunta sa kanyang bahay, kung saan ipinakilala niya ako kay Sister Chen Hui. Sa loob ng ilang pagtitipon, ibinahagi sa akin ni Sister Chen ang mga katotohanan hinggil sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay at sa Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay gayon din ang pinagmulan ni Satanas, at marami pang iba. Talagang naniwala ako sa mga bagay na sinabi niya sa akin at nagdulot ito sa akin ng labis na kaligayahan. Talagang nagustuhan ko ang pakikinig sa pagbabahagi nila ng kanilang mga karanasan at pagkaunawa sa pananampalataya, at talagang ninais kong ibahagi ang kaligayahang ito sa iba. Isang araw, hindi ko na mapigil ang aking sarili, ibinahagi ko ang nadama ko sa aking pamilya na gusto kong maging mananampalataya. Kaagad nakarating ang balita sa aking bayaw; tumawag siya at tinanong ako kung bakit bigla akong naniwala sa Diyos at sinabi rin, “Mayroong iglesia na tinatawag na Kidlat ng Silanganan, at sila ay naglilibut-libot na nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus. Nahikayat nila ang maraming tapat na naghahanap mula sa lahat ng denominasyon. Huwag kang maging kaswal tungkol dito; huwag kang makipag-ugnayan sa kanila.” Pagkatapos ay paulit-ulit niyang itinanong sa akin kung binigyan ba ako ng aklat ng mga taong nagbabahagi sa akin ng ebanghelyo, at paulit-ulit akong hinimok na mag-ingat ako lalo na sa anumang bagay na may kinalaman sa pananampalataya. Patuloy na nagsumiksik sa isipan ko ang mga salita ng aking bayaw, na nagdulot sa akin ng pagkalito. Sa isang banda, sinalungat ako ng bayaw ko sa paghahanap ng ibang iglesia, nguni’t sa kabilang banda, talagang nasiyahan ako sa kung ano ang sinabi ni Sister Chen tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Pakiramdam ko tila naiipit ako sa pagitan ng isang malaking bato at isang matigas na lugar, at hindi ko alam kung dapat kong ipagpatuloy pa ang pakikipag-usap kay Sister Chen.
Dahil dito, nagsimula akong maghanap sa online ng mga sermon ng ilang pastor na mapapakinggan ko. Nakakita ako ng maraming impormasyon sa online tungkol sa Kidlat ng Silanganan, pero hindi ko gaanong pinansin ito; lubos akong nakatuon sa paghahanap ng magagandang sermon. Pinakinggan ko ang mga ito at ikinumpara ang marami sa mga ito at sa huli, naisip ko na pinakamaganda pa rin ang mga sermon ni Sister Chen, dahil mas marami siyang ibinahagi tungkol sa pagpapatotoo sa Diyos, at mas naunawaan ko ang tungkol sa Diyos sa pakikinig sa mga iyon. Matapos itong pag-isipan nang mabuti, nagpasya ako na patuloy na makinig sa pagbabahagi ni Sister Chen. Sa mga araw na sumunod, isinalaysay niya sa akin ang mga kuwento tungkol sa pamumuno ni Moises sa mga Israelita palabas sa Egipto, pag-aalay ni Abraham kay Isaac, pagpapako sa Panginoong Jesus sa krus para sa sangkatauhan, mga karanasan ni Pedro, pagkabuhay-na-muli ni Lazaro at pagluwalhati niya sa Diyos, at marami pang iba. Talagang kamangha-mangha para sa akin ang magagandang kuwentong ito sa Biblia at nagbigay sa akin ng mas malalim na pagkaunawa tungkol sa gawain na nagawa ng Diyos. Pagkatapos ng bawa’t pagtitipon sabik kong hinintay ang kasunod nito.
Pagkaraan ng isang buwan sa isang pagtitipon, nagbasa si Sister Chen ng ilang talata sa Biblia at ng isang talata sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin. Sa Biblia sinasabi rito: “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37–39). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Magbalik-tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, ang mga tao ay lumayo sa pagpapala ng Diyos, hindi na pinangangalagaan ng Diyos, at nawalan ng mga ipinangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, nang wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging likas na mahalay at hinayaan ang kanilang sarili na mauwi sa kakila-kilabot na kasamaan. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pangako ng Diyos; hindi na nila karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat tinalikuran nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at kinalimutan ang mga turo ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama nang higit pa sa lahat ng katwiran at pagkatao, at lalo pang nagiging masama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan at sumailalim sa poot at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, kung kaya’t narinig niya ang tinig ng Diyos at ang Kanyang mga tagubilin. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, nang maihanda na ang lahat ng bagay, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at umiwas sa kasamaan.
“Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at umiwas sa kasamaan, ay hindi na umiiral. Ngunit ang Diyos ay nagpakita pa rin ng magandang-loob sa sangkatauhang ito, at pinawalang-sala pa rin sila sa huling panahong ito. Hinahanap ng Diyos ang mga taong nag-aasam na Siya’y magpakita. Hinahanap Niya sila na may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, mga hindi nakalimot sa Kanyang tagubilin, at naghahandog ng kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga kasing masunurin ng mga bata sa Kanyang harapan, at hindi Siya kakalabanin” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Sinabi ni Sister Chen sa kanyang pagbabahagi: “Ang mga tao sa panahon ni Noe ay ‘nagsisikain at nagsisiinom, nagpapakasal at nagsisipag-asawa’; sila ay mahahalay at masasama, at hindi nakinig sa salita ng Diyos o sumamba sa Diyos. Sa halip, sumamba sila sa mga diyus-diyosan at labis na makasalanan. Upang mailigtas ang mga tao sa panahong iyon, tinawag ng Diyos si Noe para gumawa ng arko at para sabihin sa mga tao na lilipulin ng Diyos ang sanlibutan sa pamamagitan ng baha. Nguni’t kahit ipinangaral ito ni Noe nang mahigit sa isang daang taon, walang naniwala sa mga salita ng Diyos at walang nagsisi sa Diyos. Dahil dito, ginamit ng Diyos ang malaking baha para lipulin ang mga tao sa panahong iyon. Ang mga tao sa mga huling araw ay mas masasama kaysa mga tao sa panahon ni Noe. Ang buong lipunan ay imoral at lalo pang tumitindi sa paglipas ng mga araw. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga diborsiyo, laganap ang krimen, nawasak na pati ng pornograpiya, sugal at droga ang mga kaluluwa ng mga tao. Lalo pang nadaragdagan ang katusuhan, kasakiman, kasamaan, kabastusan at pagiging makasarili ng mga tao. Binabale-wala nila ang pagkakaroon ng konsensya o pagiging isang mabuti at tapat na tao, sa halip ang pinahahalagahan lamang nila ay pagkain, pag-inom, pagsasaya, at pagbibigay ng kapangyarihan kapalit ng pagtatalik, o pagtatalik kapalit ng kapangyarihan. Nanghinawa na ang mga tao sa katotohanan at itinataas ang kasamaan. Sila ay sakim sa kasiyahang dulot ng pagkakasala, at umabot na sila noon pa man sa puntong marapat na silang lipulin ng Diyos. Lahat ng mga tandang ito ay nagpapahiwatig na dumating na ang mga huling araw. Nakabalik na ngayon ang Panginoong Jesus at ang Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao ay namumuhay sa mundo. Nabigkas Niya ang lahat ng katotohanan para sa pagdadalisay at pagliligtas ng sangkatauhan; dumating Siya para lubos tayong iligtas, tayo na napakasamang mga tao. Napakadakila ng pagmamahal at kahabagan ng Diyos para sa sangkatauhan!” Tuwang-tuwa ako nang marinig ko ang mga salitang ito ng kapatid-na-babae at inisip ko sa aking sarili: “Lahat tayo ay napakasamang mga tao at dapat nalipol na noon pa man ng Diyos. Salamat na lamang sa awa ng Diyos na mapalad tayong nakapasok sa bahay ng Diyos, nabasa ang mga salitang binigkas ng Diyos, at nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang Diyos. Napakalaking pagpapala nito!” Paulit-ulit akong nagpasalamat sa Diyos na pinatnubayan Niya ako at pinahintulutan na makaagapay sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at makamtan ang pagkakataon para sa kaligtasan. Nang papaalis na ako, binigyan ako ng kapatid-na-babae ng isang aklat ng mga salita ng Diyos. Hawak ang aklat ng dalawang kamay, naantig ako nang labis kaya napaiyak ako. Matibay kong ipinasya na susundin ko ang Diyos sa abot ng aking makakaya.
Isang araw pagkatapos buksan ang aking computer, nakakita ako ng isang website na nagsasabi ng isang bagay tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Dahil gusto kong usisain ito, nagklik ako sa link at nakita ang ilang negatibong propaganda tungkol sa Kidlat ng Silanganan mula sa pamahalaang CCP at komunidad ng relihiyon. Nang matanto ko na ang binanggit na “Kidlat ng Silanganan” sa website ay ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na ipinangaral sa akin ni Sister Chen, nabigla ako at naguluhan nang husto: Nalihis ba ako sa aking pananampalataya? Ano ang dapat kong gawin? Gayunpaman, naalala ko kung paano makipag-usap sa akin sa tuwina si Sister Chen at ang iba pa, lahat sila ay mabait sa akin at hindi gaya ng sinasabi sa Internet. Naalala ko nang una kong simulang basahin ang salita ng Diyos at naantig ng pagmamahal ng Diyos—ang mga salitang iyon ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, kaya paanong hindi ang mga iyon ang pagpapahayag at tinig ng Diyos? Pagkatapos ay kinuha ko ang mga salita ng Diyos sa hangaring basahin ang mga ito, nguni’t hindi ko maapuhap ang damdaming iyon na umantig sa akin noong una—naikubli ng Diyos ang Kanyang mukha sa akin. Ang tanging nakikita ko lamang ay puting papel at itim na mga salita. Lahat ng negatibong propaganda na nakita ko sa online ay isa-isang kumislap sa aking isipan. Tuliro na ang isipan ko. Patuloy kong iniisip: “Paniniwalaan ko ba ito, o hindi? Gawain ba ng Diyos ang Kidlat ng Silanganan? Paano kung talagang gawain ng Diyos ang Kidlat ng Silanganan? Kung hindi ko isasagawa ang pananampalatayang ito, hindi ba’t mawawalan lang ako ng pagkakataon na makilala ang Diyos at maligtas? Nguni’t kung huwad ito at nabulag lang ako sa pagsunod dito, ibig bang sabihin nito ay nalinlang ako? Itutuloy ko ba ang pagsasaliksik dito, o hindi?” Patuloy akong binagabag ng mga tanong na ito at naging dahilan ito para mawalan ako ng ganang magtrabaho. Gustung-gusto ko na talakayin ito sa aking pamilya at hingin ang payo nila, pero naisip ko ang tungkol sa kung paano ako paulit-ulit na hinimok ng bayaw ko na mag-ingat, at huwag maghanap ng iba pang mga iglesia. Kung talagang nagkamali ako sa pagsampalataya, hindi ba’t lalo lang silang magagalit sa akin? Kaya’t binale-wala ko na ang ideya na talakayin ito sa aking pamilya kahit litung-lito na ang aking isipan, naramdaman ko ang matinding sakit ng damdamin, at talagang hindi ko malaman ang aking gagawin. Pakiramdam ko’y napakalayo ko mula sa kagalakan at kapanatagan na nadama ko ilang araw na ang nakalipas noong nagbabahagi sa akin ang mga kapatid-na-babae.
Nang wala na akong mapuntahan, sinubukan kong magdasal at hanapin ang Diyos, para idulog sa Diyos ang bawa’t isa at lahat ng mga paghihirap at mga pag-aalinlangan sa aking puso, at isamo na bigyan ako ng Kanyang kaliwanagan. Pagkatapos magdasal, bigla kong naisip ang isang bagay na sinabi noon sa akin ni Sister Chen: Noong isilang ang Panginoong Jesus, sa takot ni Haring Herodes na mawala sa kanya ang trono sa panahong iyon, ay nagbigay siya ng utos na patayin ang lahat ng mga batang lalaki na wala pang dalawang taong gulang sa buong lungsod. Noong ibahagi ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga turò, nagalit ang mga lider ng mga mananampalatayang Judio kaya kinalaban at kinundena nila Siya dahil natakot sila na baka sumunod ang mga mananampalataya sa Panginoong Jesus, at mawala sa kanila ang kanilang katayuan sa lipunan. Alam na alam nila na walang karaniwang tao ang makagagawa ng mga himala na ginawa ng Panginoong Jesus, nguni’t sinadya nilang siraan Siya, sinasabing nagpapalayas Siya ng mga demonyo sa tulong ni Beelzebub. Pinaratangan din nila ang Panginoong Jesus ng paglapastangan. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa pamahalaang Romano para ipako sa krus ang Panginoong Jesus. At ngayon, ang mga kahangalang ginagawa ng pamahalaang CCP at komunidad ng mga relihiyon na pagkundena sa Makapangyarihang Diyos ay katulad na katulad ng ginawa noon ng pamahalaang Romano at ng mga lider ng Judaismo sa Kapanahunan ng Biyaya laban sa Panginoong Jesus. Ang totoong daan ay nakaranas ng pagsawata mula pa noong sinaunang mga panahon. Sa tuwing darating ang Diyos para gumawa, dumaranas Siya ng pang-uusig mula sa mundo ng relihiyon gayon din sa mga kapangyarihang namumuno. Gayunpaman, walang sinumang makahahadlang sa daan ng gawain ng Diyos. Sa kahuli-hulihan, tinapos pa rin ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus at sa pagliligtas sa sangkatauhan at ang Kanyang ebanghelyo ay lumaganap sa buong mundo. At ngayon, naghabi ng napakaraming kasinungalingan ang pamahalaang Tsino at ang komunidad ng mga relihiyon sa online na nagkukundena sa Makapangyarihang Diyos at sa Kanyang gawain, magkagayunman mabilis pa ring nakalaganap ang Kanyang ebanghelyo ng kaharian. Kung hindi ito gawain ng Diyos, hindi ba’t nalansag na sana ito ng pamahalaang Tsino noon pa? Pagkatapos ay naisip ko na sa tuwing makakausap ko si Sister Chen at ang iba pa, lahat sila ay talagang totoo sa akin, at lahat ng pagbabahagi nila ay dumadakila sa Diyos at nagpapatotoo sa Diyos. Hindi sila nagsasalita tungkol sa mga makamundong bagay o tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan sa buhay ng mga tao. Lahat ng iyon ay nagbigay ng mabuting patnubay at tulong sa akin. Bago ko namalayan bahagyang napawi ang mga pag-aalinlangan sa aking puso, kaya muli akong nagdasal sa Diyos nang may pusong naghahanap: “Diyos! Kung talagang Ikaw yaong nagbalik, mangyari pong patnubayan ako para malaman ko ang Iyong gawain at makabalik sa Iyong harapan.” Totoo nga, dininig ng Diyos ang aking dasal.
Sa patnubay ng Banal na Espiritu, binuklat ko ang aklat ng mga salita ng Diyos na, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at nakita ang artikulong, “Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao,” kung saan sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?” “Ang gawain ng Diyos ay isang bagay na hindi mo mauunawaan. Kung hindi mo lubos na maunawaan kung tama ba ang desisyon mo, ni hindi mo mabatid kung magtatagumpay ba ang gawain ng Diyos, bakit hindi mo subukan ang kapalaran mo at tingnan kung maaari bang maging malaking tulong sa iyo ang karaniwang taong ito, at kung tunay ngang gumawa na ang Diyos ng dakilang gawain?” Salamat sa Diyos! Nakadama ako ng higit na kapanatagan matapos basahin ang mga salita ng Diyos—talagang tama ang mga ito! Natanto ko na dahil hindi ako pamilyar sa gawain ng Diyos at hindi lubos na maunawaan ang lahat ng bagay na iyon sa Internet, bakit hindi ako magbaka-sakali? Bakit hindi ko ipagpatuloy ang pagsisiyasat pa nang husto at pagkatapos ay saka ako magpapasya? Kung talagang ito ay pagpapakita at gawain ng Diyos, kung tatanggihan ko ito, hindi ba’t tinanggihan ko na rin ang Diyos? Hindi ba’t pagsisisihan ko iyan habang buhay? Nagpasya akong pumunta at makipagkita kay Sister Chen nang sumunod na araw at magpatuloy sa aking paghahanap at pagsisiyasat.
Nang makita ko si Sister Chen ikinuwento ko sa kanya ang aking karanasan sa nakalipas na ilang araw at tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nangyayari sa Kidlat ng Silanganan. Binasa niya sa akin ang dalawang talata ng mga salita ng Diyos: “Kapag nakikinig ang lahat ng tao, kapag pinaninibago at muling binubuhay ang lahat ng bagay, kapag bawat tao ay nagpapasakop sa Diyos nang walang pag-aalinlangan at handang balikatin ang mabigat na responsibilidad ng pasanin ng Diyos—dito lumalabas ang kidlat ng silanganan, na pinagliliwanag ang lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong mundo sa pagdating ng liwanag na ito; at, sa yugtong ito, minsan pang sinisimulan ng Diyos ang isang bagong buhay. … Nangangahulugan ito na sa Silangan ng mundo, mula noong magsimula ang pagpapatotoo sa Diyos Mismo, hanggang noong magsimula Siyang gumawa, hanggang sa magsimulang gamitin ng pagka-Diyos ang pinakamataas na kapangyarihan sa buong mundo—ito ang kumikinang na sinag ng kidlat ng silanganan, na nagniningning kailanman sa buong sansinukob. Kapag ang mga bansa sa lupa ay nagiging kaharian ni Cristo, saka nagliliwanag ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon ng paglabas ng kidlat ng silanganan. Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, bukod pa riyan, nagsasalita nang tuwiran sa pagka-Diyos. Masasabi na kapag nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa, saka lumalabas ang kidlat ng silanganan. Para mas tumpak, kapag dumadaloy ang tubig na buhay mula sa luklukan—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa luklukan—iyon mismo ang sandali na pormal na nagsisimula ang mga pagbigkas ng pitong Espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 12). “Kapag unti-unti nang pumuputi ang liwanag ng Silangan ay saka lamang magsisimulang magliwanag ang kadiliman sa buong mundo, at saka lamang matutuklasan ng tao na matagal Ko nang nilisan ang Israel at muli Akong bumabangon sa Silangan. Dahil minsan na Akong bumaba sa Israel at kalaunan ay nilisan Ko ito, hindi na Ako maaaring isilang na muli sa Israel, dahil namumuno ang Aking gawain sa buong sansinukob at, bukod pa rito, kumikidlat mula sa Silangan patungong Kanluran. Dahil dito bumaba na Ako sa Silangan at dinala Ko ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Dadalhin Ko sa lupain ng Canaan ang mga tao mula sa buong mundo, kaya nga patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa pagkakataong ito, walang liwanag sa buong mundo maliban sa Canaan, at nanganganib na magutom at ginawin ang lahat ng tao. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay binawi Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan at ang buong sangkatauhan sa Silangan. Dinala Ko na silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makasalamuha, at hindi na nila kailangan pang hanapin ito. Ipapakita Kong muli ang liwanag sa mga naghahanap dito at ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel; ipapakita Ko sa kanila na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, ipapakita Ko sa kanila ang napakaraming puting ulap at kumpul-kumpol na saganang mga bunga, at, bukod pa rito, ipapakita Ko sa kanila ang Diyos na si Jehova ng Israel. Ipapakita Ko sa kanila ang Guro ng mga Judio, ang pinakahihintay na Mesiyas, at ang buong anyo Ko na pinag-uusig ng mga hari sa lahat ng panahon. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, na inihahayag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw. Ipapakita Ko ang kabuuan ng Aking maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at wala na ito sa Judea. Sapagkat sumapit na ang mga huling araw!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob).
Pagkatapos ay ibinahagi niya sa akin ito: “Makikita natin sa mga salita ng Diyos na ang gawain at mga salita ng Diyos sa mga huling araw ay ang kidlat na nagmula sa Silangan. Ang ‘kidlat’ ay tumutukoy sa liwanag, at ang ‘liwanag’ ay tumutukoy sa mga salita ng Diyos; ibig sabihin, ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay ang Kanyang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao, unang nagpakita at gumawa sa Silanganan, sa Tsina, bumibigkas ng mga salita at bumubuo ng mga grupo ng mga taong mananagumpay. At pagkatapos ang Kanyang ebanghelyo sa mga huling araw ay mabilis na lumalaganap sa Kanluran, upang matanggap ng lahat ng tao sa buong mundo ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tinutupad nito ang sinabi sa Mateo 24:27: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.’ Bukod pa rito, ang panahon ng Diyos sa paggawa sa mga huling araw ay maikli at mabilis, gaya ng isang kidlat. Sa nakalipas lamang na dalawang maikling dekada, ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos ay lumaganap na sa buong kalupaan ng Tsina at patuloy pang lumalaganap sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ang Kidlat ng Silanganan ay salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang katotohanang ipinahayag ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Anak ng tao na nagpapakita sa tao sa mga huling araw, tulad ng ipinropesiya sa Biblia; isinasakatuparan Niya ang bagong gawain sa mga huling araw. Lahat niyaong mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay aalisin sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu.” Nang marinig ko ito ay saka ko lamang natanto na ang Kidlat ng Silanganan ay tumutukoy sa gawain ng Diyos, sa katotohanan na ipinahayag ng Diyos, at ito ay pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw! Unang nagpakita at nagsimulang gumawa ang Diyos sa Tsina, isang kapangyarihang pulitikal na hindi naniniwala sa Diyos. Una Niyang nilupig at ginawang perpekto ang isang grupo ng mga tao tungo sa pagiging mananagumpay sa Tsina, at pagkatapos ay pinaabot ito sa Kanluran at maging sa buong mundo, nang sa gayon matanggap ng mga piling tao ng Diyos mula sa lahat ng bansa at lahat ng lugar ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at matamo ang pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos, na lubos na natatanto ang plano ng Diyos na anim-na-libong-taon ng pamamahala. Hindi ba ito pagpapakita ng Kanyang karunungan? Kung hindi binigkas Mismo ng Diyos ang mga salita para ihayag ang mga misteryong ito, hindi sana ako nakaunawa!
Nagpatuloy si Sister Chen sa kanyang pagbabahagi: “Gayunman, kahit naharap sa pagpapakita at gawain ng Diyos, hindi lamang hindi hinanap at siniyasat ito ng mga lider ng lahat ng denominasyon, kundi galít nilang kinundena ito, sinalungat at nilapastangan ang Diyos; hayagan silang nagkalat ng mga kasinungalingan para siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nakiisa sa pamahalaang CCP na hindi naniniwala sa Diyos para pwersahin, dakipin, at usigin nang buong kalupitan ang mga taong sumusunod sa Makapangyarihang Diyos sa pagtatangkang hadlangan ang paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, wasakin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at pigilan ang mga mananampalataya na bumalik sa Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pamahalaang Romano at mga pinunong Judio noon na sumalungat, kumundena at nagpako sa Panginoong Jesus sa krus, lahat sila ay masasamang diyablo na napopoot sa katotohanan, napopoot sa Diyos, at mga kaaway ng Diyos. Alam nila na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay pawang katotohanan at na ang mga ito ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan. Kapag lumaganap ang mga salitang ito sa buong mundo, lahat ng mga taong nagmamahal sa katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ay babaling sa Makapangyarihang Diyos at sasambahin Siya. Pagkatapos, wala nang susunod sa kanila. Samakatwid, ngayon na muling nagkatawang-tao ang Diyos para gumawa upang iligtas ang sangkatauhan, ang ateistang pamahalaang CCP at ang anticristong puwersa ng komunidad ng mga relihiyon ay desperado sa pagtatangkang hadlangan at wasakin ang gawain ng Diyos. Gumagamit sila ng lahat ng uri ng masasamang paraan at taktika para bihagin at linlangin ang mga tao, para mahadlangan sila sa paghahanap at pagsusuri ng totoong daan. Tulad mo lamang ito na nagkakaroon ng mga alinlangan tungkol sa gawain ng Diyos pagkatapos makita ang mga kasinungalingang iyon sa Internet—ang mithiin ni Satanas ay pagdudahin tayong lahat sa Diyos. Gusto nito na ipagkaila at ipagkanulo natin ang Diyos, mawala sa Kanyang pagliligtas at bumalik sa sakop nito, para makamtan ang masamang mithiin nito na permanenteng kontrolin at pinsalain ang mga tao. Tulad ng inihahayag ng mga salita ng Diyos: ‘Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at mga panahong ito ay binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinuman ang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din siya ni Satanas, at binubuntutan ito sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ng ito ay upang makamit ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na makuha ng Diyos ang sinuman; nais nito para sa sarili nito ang lahat ng nais ng Diyos, gusto nitong sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?’ (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Dapat nating maaninag ang mga taktika ni Satanas ayon sa mga salita ng Diyos; dapat nating malinaw na makita ang masamang esensya ni Satanas bilang kaaway ng Diyos at ang paghadlang nito sa mga tao na makabalik sa Diyos. Dapat nating makita ang masama nitong intensyon na angkinin at lamunin nang buo ang mga tao, nang sa gayon ay hindi mawala sa atin ang pagkakataon na mailigtas ng Diyos.” Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ng kapatid-na-babae, talagang naunawaan ko na nagmula kay Satanas ang lahat ng mga kasinungalingang iyon sa online. Nakita ko na ang mga ito ay mga patibong at mga bitag na inilagay ni Satanas para hadlangan ang mga tao sa pagsisiyasat sa totoong daan at pagbabalik sa Diyos. Kung hindi ko nahiwatigan ang mga ito, nabihag na sana ako ni Satanas. Ang ibinahagi ng kapatid-na-babae ay nagbigay sa akin ng ilang totoong pagkaunawa tungkol sa Kidlat ng Silanganan, na ito ay pagpapakita at gawain ng Diyos. May kakayahan na ako ngayon na mahiwatigan ang masasamang paraan na ginagamit ng mala-satanas na pwersa ng pamahalaang CCP at komunidad ng mga relihiyon para kalabanin ang Diyos; nakita ko rin na hinadlangan na mula pa noong sinaunang panahon ang totoong daan. Hindi ko inasahan na ang panggugulo ni Satanas ay naging daan para mas maunawaan ko ang gawain ng Diyos at nagkaroon din ako ng kakayahang tunay na makilala ang taktika ni Satanas, at tanggihan ito. Talagang naisasakatuparan ang karunungan ng Diyos batay sa mga taktika ni Satanas. Salamat sa Diyos!
Nang makauwi ako sinimulan kong panoorin ang mga video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa online. Pinanood ko ang isang serye na mayroong sampung choral video nang sunud-sunod gayon din ang ilang mga pagbigkas ng mga salita ng Diyos at ilang pelikula tungkol sa ebanghelyo. Lahat ng ipinakita ng mga video at mga pelikulang ito ay pawang katotohanan at ang pinatototohanan ng mga ito ay ang pagpapakita ng Diyos at ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Tinulutan ako ng mga ito na makita ang katapatan at kariktan ng Diyos, at magtamo ng ilang kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Dahil nakita ko na katotohanang lahat ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos at talagang maaaring magpabago, maglinis at magligtas ang mga ito ng mga tao, tinulutan ako nito na matagpuan ang landas patungo sa kaharian ng langit—nagbigay ito sa akin ng pag-asa na maligtas. Nang malaman kalaunan ng aking bayaw na natánggáp ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ilang beses niya akong pinuntahan para guluhin, at nagtipon pa ng ilang tao sa iglesia para gawin din ang gayon sa akin. Ginaya rin niya ang maraming negatibong balita mula sa Internet sa pagtatangkang lituhin ako at iwanan ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Gayunpaman, lubos na akong nakatitiyak sa gawain ng Makapangyarihang Diyos at ang mga kasinungalingang iyon ay wala nang epekto sa akin. Sa pagbabalik-tanaw ko, talagang ang patnubay ng Diyos ang nagtulot sa akin na maunawaan ang ilang mga katotohanan; unti-unti akong kumawala sa mga tanikala at gapos ng mga kasinungalingan at nagtatag ng pundasyon sa totoong daan. Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas at pagprotekta sa akin, at sa pagpatnubay sa akin papasok sa bahay ng Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.