Paglalantad sa Aking “Espirituwal na Magulang”
Isa akong mananampalataya sa Panginoong Jesus sa loob ng 11 taon at pumupunta lang ako noon sa mga pagtitipon sa simbahan ni Pastor Ben. Si Pastor Ben ay isang kilalang-kilalang mangangaral sa aming lugar. Relihiyoso at mabait siya, naglilingkod sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at alam na alam niya ang Bibliya. Pinangasiwaan niya ang lahat ng biblikal na pagsasanay ng simbahan, kaya talagang hinangaan ko siya. Tinatanong ko siya sa tuwing may hindi ako naiintindihan. Ipinagdarasal niya kami sa anumang oras na nahaharap ang pamilya namin sa mga paghihirap. Hindi ko namalayang itinuring ko na siya bilang isang espirituwal na ama sa aking pananampalataya.
Noong 2017, narinig ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na inihahayag Niya ang mga misteryo ng 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang tagong kuwento ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang mga misteryo ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung paano ang hakbang-hakbang na paggawa ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano pinagbubukod-bukod ng Diyos ang bawat isa ayon sa kanilang uri, kung paano Niya tinutukoy ang ating kahihinatnan at hantungan, at kung anong uri ng paghahangad ang dapat nating taglayin para makamit ang kaligtasan at makapasok sa kaharian. Ang lahat ng katotohanan at misteryong ito ay mga bagay na hindi ko pa kailanman narinig matapos ang lahat ng taon ko bilang Kristiyano. Talagang kaaya-aya itong tingnan! Natiyak ko sa puso ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus at dinala ko rin ang dalawa kong anak sa harap ng Diyos. Naisip ko si Pastor Ben, na isang mangangaral sa loob ng maraming taon. Palagi niyang sinasabi sa amin na magmasid at maghintay, na huwag naming palampasin ang pagkakataon namin na ma-rapture ng Panginoon. Kung malalaman niyang bumalik na ang Panginoon, tiyak na malugod niyang tatanggapin ito. Nagpasya akong sangkapan ang sarili ko ng katotohanan sa lalong madaling panahon para maibahagi ko ang ebanghelyo sa kanya. Pero hindi nagtagal, nauna nang dumating si Pastor Ben para hanapin ako.
Noong araw na iyon, binisita niya ang tindahan ng mga prutas ng pamilya namin at tinanong ako nang nakangiti, “Diyakono Alyssa, matagal na rin tayong hindi nagkita. Nabalitaan ko na dumadalo ka sa ibang simbahan, at inakala ko na sa mas malaking simbahan ka pumupunta. Nagulat ako na pumupunta ka pala sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpapatotoo ang simbahang iyon na nagbalik na ang Panginoong Jesus sa katawang-tao. Imposible iyon! Isa itong maling pananampalataya, at nagkakamali ka sa pananalig mo. Bumalik ka sa Panginoon at magsisi ka kaagad.” Natigilan ako nang marinig ko siyang sabihin iyon. Naisip ko, “Wala kang anumang nalalaman tungkol sa simbahang iyon at hindi mo pa nasisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Paanong basta-basta mo na lang itong kinokondena?” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Siguro ay hindi pa niya narinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos kaya hindi niya alam na ito ang tunay na daan. Matagal na siyang naglilingkod sa Panginoon at nananabik sa Kanyang pagdating. Kung babasahin niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at makikitang katotohanan ang lahat ng ito, tiyak na tatanggapin niya ito.” Kaya, nagpatotoo ako sa kanya tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sabi ko, “Pastor Ben, kasasabi mo lang na imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Batay ba ito sa mga salita ng Panginoon?” May kumpiyansa siyang sumagot, “Sinasabi sa Mateo 24:30, ‘At sa gayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kaya magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.’ Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na sa Kanyang pagbabalik, hayagan Siyang magpapakita nang may dakilang kaluwalhatian sakay ng isang ulap para masaksihan ng lahat. Kaya, imposibleng magbabalik ang Panginoon sa anyong katawang-tao. Naniniwala ako na ang anumang pangangaral na pumaparito ang Panginoon sa katawang-tao ay isang maling daan, ito ay maling pananampalataya. Hinding-hindi ako maniniwala rito!” Mabilis akong sumagot, “Pastor, maraming propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. May mga propesiya tungkol sa pagparito ng Panginoon sakay ng ulap, pero marami ring tungkol sa pagparito ng Panginoon nang palihim, tulad ng: ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw’ (Pahayag 3:3), ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw’ (Pahayag 16:15). ‘At pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”’ (Mateo 25:6). Sinabi rin ng Panginoong Jesus: ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito’ (Lucas 17:24–25). ‘Gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao’ (Mateo 24:27). Binabanggit ng mga talatang ito ang pagbabalik ng Panginoon na ‘gaya ng magnanakaw,’ at ‘ang pagparito ng Anak ng tao.’ Darating ba nang hayagan ang isang magnanakaw na mang-uumit ng kayamanan, nang may marangyang palabas? Siyempre hindi. Pupuslit siya sa gabi at hindi malalaman ng karamihan. Kaya’t ang pagparito ng Panginoon gaya ng isang magnanakaw ay tumutukoy sa Kanyang pagparito nang palihim, at iyon ang pagparito ng Diyos sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao. Kung iginigiit mo lang na hayagang paparito ang Panginoon sakay ng isang ulap, paano matutupad ang mga propesiya ng Kanyang pagparito nang palihim gaya ng isang magnanakaw? Kung paparito ang Panginoon sakay ng isang ulap, makikita Siya ng lahat. Kakailanganin pa bang sumigaw ninuman ng ‘Ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya’? Kaya batay sa mga propesiya ng Panginoon ay makatitiyak tayo na ang pagbabalik Niya ay mangyayari sa dalawang yugto. Una, paparito Siya nang palihim sa katawang-tao, pagkatapos ay hayagan Siyang magpapakita. Sa ganitong paraan, tumutugma ang mga propesiyang ito tungkol sa pagparito ng Panginoon.” Hindi komportable ang itsura ng mukha ni Pastor Ben habang sinasabi ko ito sa kanya. Nagpatuloy ako, “Pastor, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan, ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, at nakagawa na Siya ng isang grupo ng mananagumpay. Malapit nang matapos ang lihim na pagkakatawang-tao ng Diyos, at pagkatapos ay pakakawalan Niya ang malalaking sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama, hayagang magpapakita sa lahat ng tao. Sa panahong iyon, lahat ng lumalaban at kumokondena sa Makapangyarihang Diyos ay mahuhulog sa mga sakuna, nang umiiyak at nagngangalit ang kanilang mga ngipin. Tinutupad nito ang Pahayag 1:7 na nagsasabing: ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.’” Nang marinig ito, tiningnan lang ako nang masama ni Pastor Ben at sinabing, “Wala ka pang masyadong alam sa Bibliya, pero nangangaral ka sa akin?” Sobra akong nadismaya nang makitang ganoon ang saloobin niya. Ito ba ang Pastor Ben na nakilala ko? Lagi kong inakala noon na isa siyang mapagpakumbabang tao. Madalas niyang sinasabi sa amin na maging matatalinong dalaga at manatiling nakabantay para salubungin ang pagparito ng Panginoon. Paanong wala siyang pagnanais na maghanap at magsiyasat ng mga balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon? Pinayuhan ko siya, “Pastor, ang pagkakaroon ba ng maraming kaalaman sa Bibliya ay katumbas ng pagkakilala sa Diyos? Nagbibigay ba ito ng katiyakan na hindi lalaban ang isang tao sa Diyos? Alam na alam ng mga Pariseong Hudyoang mga Kasulatan at inakala na kilala nila ang Diyos. Pero nang magpakita ang Panginoong Jesus at gumawa, nakita nilang may kapangyarihan at awtoridad ang Kanyang mga salita, pero hindi nila ito hinanap o siniyasat. Kumapit sila sa literal na mga Kasulatan, at iginiit na hindi Siya Diyos kung hindi Siya tinatawag na Mesiyas. Nilapastangan pa nila Siya, sinasabing nagpapalayas Siya ng mga demonyo nang umaasa kay Beelzebub. Kinondena at nilabanan nila ang gawain ng Panginoong Jesus batay sa kanilang mga kuru-kuro at sa huli ay ipinapako Siya sa krus. Nilabag nila ang disposisyon ng Diyos at natamo ang Kanyang kaparusahan at mga sumpa. Pastor Ben, dapat tayong matuto ng aral mula sa kabiguan ng mga Pariseo.” Saglit na hindi nakaimik si Pastor Ben, tapos ay naiinis na sinabing, “Dahil sa lahat ng taong ito ay naging isa kang masigasig na naghahanap sa iyong pananampalataya, ipagdarasal kita. Iwanan mo kaagad ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos!” Pagkatapos ay galit siyang umalis.
Nang makaalis na siya, inisip ko na batay sa kanyang saloobin sa pagparito ng Panginoon, mukhang hindi niya talaga ito inaasam. Bakit ayaw niyang makinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos, siyasatin ito, at pagkatapos ay gumawa ng konklusyon? Sa lahat ng taong iyon, naging isa siyang mananampalataya, nagsasakripisyo, gumugugol ng kanyang sarili, at nagsusumikap. Nakakapanghinayang kung palalampasin niya ang pagkakataong ma-rapture. Nagpasya akong maghintay ng isa pang pagkakataon, at kausapin siyang muli tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Malamang na tatanggapin niya ito kapag malinaw ang pagbabahagi. Makalipas ang ilang araw, muling nagpakita si Pastor Ben sa aming tindahan ng mga prutas. Naisip ko na malamang na pinag-aralan niya ang Bibliya at naunawaan na kung paano magbabalik ang Panginoon, at handa na siyang siyasatin ito. Sa gulat ko, sinabi niya, “Diyakono Alyssa, noong huli, sinabi mo na paparito nang palihim ang Panginoon sa katawang-tao, at pagkatapos ay hayagang magpapakita. Hindi ako ssumasang-ayon. Sabi sa Bibliya: ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit’ (Mga Gawa 1:11). Umakyat sa langit ang Panginoong Jesus sakay ng puting ulap sa anyo ng isang Hudyo, kaya babalik Siyang sakay ng isang puting ulap sa anyo ng isang Hudyo. Nalihis ka. Dapat kang bumalik.” Nagpatuloy nang nagpatuloy nang ganito si Pastor Ben, halatang determinado na kumbinsihin ako. Nang makita ko siyang mapagmatigas na kumakapit sa ideya ng pagbabalik ng Panginoon sakay ng ulap, hinuhusgahan at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko talaga naintindihan. Napakaraming propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao, nang palihim. Bakit hindi man lang niya ito hinahanap o sinisiyasat? Paano ako dapat magbahagi sa kanya? Tahimik akong nagdasal, humihiling sa Diyos ng Kanyang patnubay. Sa sandaling iyon, isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang sumagi sa isip ko. Binasa ko ito kay Pastor Ben. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang tanda ng pagkondena. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang nagpapasakop sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Habang binabasa ito, iniisip ko na napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Dapat maintindihan na ito ni Pastor Ben ngayon. Pero sa sandaling natapos ako, bago pa ako makapagsalita, madilim ang mukhang sinabi niya, “Anuman ang mangyari, naniniwala lang ako na paparito ang Panginoong Jesus sakay ng ulap. Hindi maaaring mali iyon! Isa akong pastor at nakapaglingkod sa Panginoon nang maraming taon. Pwede ba namang mas marami kang alam kaysa sa akin? Isa pa, kinokondena ng lahat ng pastor sa mundo ng relihiyon Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ibig sabihin, hindi maaaring ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Mabuti pang bumalik ka na kaagad!” Nakababahala na makita siyang sobrang mapagmatigas nang walang anumang intensyon na maghanap. Sabi ko, “Pastor Ben, kumakatawan ba sa Diyos ang mga pastor sa mundo ng relihiyon? Ang bawat pananaw ba ng mundo ng relihiyon ay ang katotohanan? Nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, matindi Siyang kinondena at tinutulan ng buong relihiyon ng mga Hudyo. Masasabi mo ba na ang gawain Niya ay hindi ang tunay na daan? Para salubungin ang Panginoon, kailangan nating tumuon sa pakikinig sa tinig Niya, hindi bulag na sumunod sa mga relihiyosong kalakaran. Dapat mong pakinggan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ito ang katotohanan, kung ito ang tinig ng Diyos…” Pero sumabad siya sa akin bago ako natapos, at sinabi sa isang mapanghamak na tono, “Matagal ko nang nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa palagay ko ay hindi ito ang tinig ng Diyos, at hindi mo na dapat basahin ang mga ito.” Nasuklam ako sa mapanghamak niyang tingin. Naisip ko, “Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan na higit pa sa lahat ng sinabi ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. At saka, ang lahat ng Kanyang salita ay napakamaawtoridad—masasabi kaagad ng isang tao na tinig iyon ng Diyos. Nakapagtataka na hindi talaga ito maunawaan ni Pastor Ben. Talaga bang isa siya sa mga tupa ng Diyos?”
Sa mga sumunod na linggo, patuloy na pumupunta si Pastor Ben para makipag-usap sa akin paminsan-minsan, sinasabi sa akin na umalis sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, galit siyang sumugod sa tindahan ng mga prutas at hindi na niya ako tinawag na Diyakono Alyssa tulad ng dati, kundi sinabi niya kaagad sa tono na nag-uutos, “Hindi ka na mananalig sa Makapangyarihang Diyos o magdadala ng dalawa mong anak doon! Lalong hindi mo ito pwedeng ipangaral sa mga kapatid sa simbahan. Kung hindi, iaanunsyo ko na nananalig ka na ngayon sa isang maling pananampalataya, at ititiwalag kita. Gagawin kong layuan at tanggihan ka ng lahat!” Nagalit talaga ako. Iniisip ko na ang pagtanggap sa tunay na daan ay sarili kong kalayaan, at wala siyang karapatang pigilan ako. Lahat tayong mananampalataya ay umaasa sa pagbabalik ng Panginoon at ngayon ay dapat kong ibahagi sa iba ang magandang balita na sinalubong ko na ang Panginoon. Bakit patuloy pa rin niya akong hinahadlangan? Makatarungan at mahigpit kong sinabi sa kanya, “Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig at walang makakapigil doon. Nabasa ng mga anak ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala ang tinig ng Diyos at gustong sundin Siya. Kalayaan nila ito. Sa anong mga batayan mo sinusubukang higpitan ang kanilang kalayaan sa pananalig?” Natahimik siya saglit, pagkatapos ay minura niya ako sa galit at padabog na umalis. Pagkaraan ng ilang panahon, ipinangaral ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa dalawang sister mula sa dati kong simbahan. Masaya silang marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at regular silang nakipag-ugnayan sa akin. Hindi nagtagal, nalaman ito ni Pastor Ben, at nilinlang at pinigilan sila. Tumigil sila sa pakikipag-ugnayan sa akin at nagsimulang iwasan ako. Sobrang sumama ang loob ko at nagalit ako. Hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ng Panginoong Jesus sa mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok” (Mateo 23:13). Hindi naghanap at nagsiyasat si Pastor Ben sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para pigilan ang iba sa pagsisiyasat dito at sa pagsalubong sa Panginoon. Hindi ba nito sinisira ang pagkakataon ng mga tao na makapasok sa kaharian? Ano ang ipinagkaiba niyon sa ginawa ng mga Pariseo? Hindi ko talaga ito maunawaan. Matagal nang mananampalataya si Pastor Ben, siya ay tila relihiyoso at naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Bakit ayaw man lang niyang maghanap nang marinig niya ang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon, bagkus ay nilabanan at kinondena ito?
Kalaunan, sa isang pagtitipon, sinabi ko sa mga kapatid ko kung ano ang nangyari. Binasa nila ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagkatapos ay nakita ko ang ugat ng problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang buhay katotohanan. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila’y tila may ‘maayos na pangangatawan,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Nakapagbibigay-liwanag sa akin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Bakit mahigpit na nilalabanan at kinokondena ng mga pastor at elder ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang pangunahing dahilan nito ay likas silang mapagmatigas at mayabang. Hindi lamang nila hindi tinatanggap ang katotohanan, kundi kinamumuhian pa nila ito. Ito ay tulad lamang ng mga Pariseong Hudyona palaging nagpapaliwanag tungkol sa mga Kasulatan sa mga sinagoga. Pero nang pumarito ang Panginoong Jesus at gumawa, kahit alam nilang may awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang mga salita, tumanggi pa rin silang siyasatin ang mga ito. Mahigpit silang kumapit sa literal na mga Kasulatan at ginamit ang batas ng Lumang Tipan para kondenahin Siya. Upang protektahan ang kanilang katayuan at pamumuhay, gumawa pa sila ng mga tsismis at nagbigay ng maling patotoo para idiin ang Panginoong Jesus at sa huli ay ipapako Siya sa krus. Nakita ko na ganoong-ganoon din si Pastor Ben. Alam niyang nagpapahayag ng maraming katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol ang Makapangyarihang Diyos, at hindi lamang niya ito hindi siniyasat, kundi matindi niya rin itong nilabanan at kinondena. Kumapit siya sa mga salita ng Bibliya at sa sarili niyang mga kuru-kuro at imahinasyon. Naniniwala siya na kung hindi pumarito ang Panginoong Jesus sakay ng isang ulap, hindi ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Nagpakalat siya ng lahat ng uri ng maling paniniwala para pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Mahigpit niyang pinananatili ang mga mananampalataya sa ilalim ng kanyang kontrol. Habang mas pinag-iisipan ko ito, mas nagiging nakakatakot ito. Anong klaseng pastor iyon? Paanong pagiging tagapaglingkod iyon ng Panginoon? Siya ay isang makabagong-panahong Pariseo, isang buhay na demonyong naglalayo sa mga tao sa kaharian! Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay naglalantad sa mapagpaimbabaw na mga mukha ng mga pastor at elder na ito. Hindi talaga sila tunay na mananampalataya, ni hindi sila naghihintay na salubungin ang pagpapakita ng Panginoon. Nananalig sila sa Panginoong Jesus sa pangalan lamang, ang tatlong salitang iyon lamang na “ang Panginoong Jesus,” pero hindi man lang nila alam ang Kanyang banal na diwa, at talagang hindi sila naniniwala na Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Kaya hindi sila kailanman nagpapasakop sa katotohanan o naghahanap kapag naririnig nila ang daan ng katotohanan. Kinamumuhian at kinokondena pa nga nila si Cristo na nagpapahayag ng katotohanan. Sila ang mga Pariseo, ang mga anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Noon, hindi ko nauunawaan ang katotohanan at wala akong pagkakilala, kaya nalihis ako ng relihiyosong palabas ng mga pastor, at itinuring ko pa nga sila bilang aking espirituwal na mga magulang. Ang bulag ko talaga! Dahil sa Makapangyarihang Diyos, nakita ko ang kanilang tunay na mapagpaimbabaw na pagkatao, at ang kanilang anticristong diwa ng pagkapoot sa katotohanan at pagsalungat sa Diyos. Sa wakas ay malaya na ako sa mga panlilihis at gapos ng mga Pariseo at mga anticristo ng mundo ng relihiyon at nakabalik ako sa harap ng trono ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa Kanyang pagliligtas!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.