Inalis ng mga Salita ng Diyos ang Aking mga Pagkaunawa

Mayo 15, 2018

Xiao Rui    Lungsod ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan

Noong ipinangangaral ko ang ebanghelyo nakatagpo ko ang mga pinuno ng relihiyon na nagbibintang upang lumaban at manggulo, at tumawag sa pulisya. Naging dahilan ito upang hindi maglakas-loob ang mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at ang mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala sa gawain ng Diyos. Noong nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay napakahirap isagawa. Kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan ang mga nagbibintang gayundin ang mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Sa gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nabasa ko ang aklat ng Klasikong mga Halimbawa ng Kaparusahan para sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng pagpapatotoo sa ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam ako ng labis na kagalakan sa aking puso. Lalo pa akong umasa na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuan nang sa gayon mas madaling malutas ang mabigat na suliranin ng aming pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ngunit kahit gaano man ako umasa, hindi ko pa rin nakitang nagsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga masamang tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga relihiyosong tao ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?

Nang maglaon, habang namamanata ako, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung magpapakita ang Diyos ng mga tanda at himala na higit sa karaniwan, hindi na Niya kakailanganing gumawa ng dakilang gawain. Sa sarili Niyang bibig, susumpain lamang Niya ang mga tao hanggang sa mamatay, at agad silang mamamatay, at sa gayong paraan ay makukumbinsi ang lahat ng tao—ngunit hindi nito matutupad ang layunin ng Diyos sa pagiging tao. Kung talagang kikilos ang Diyos nang gayon, hindi magagawa ng mga tao kailanman na sadyang maniwala sa Kanyang pag-iral. Mawawalan sila ng kakayahang tunay na manampalataya, at bukod diyan, mapagkakamalan nilang Diyos ang diyablo. Ang mas mahalaga pa, hindi malalaman ng mga tao ang disposisyon ng Diyos kailanman—at hindi ba isang aspeto ito ng kabuluhan ng pagkatao ng Diyos sa katawang-tao? Kung walang kakayahan ang mga tao na makilala ang Diyos, mangingibabaw sa tao ang malabong Diyos na iyon, ang Diyos na iyon na higit sa karaniwan, magpakailanman. At dito, hindi ba nasaniban ang mga tao ng sarili nilang mga palagay? Sa madaling salita, hindi ba si Satanas, ang diyablo, ang mangingibabaw? ‘Bakit Ko sinasabi na nabawi Ko na ang kapangyarihan? Bakit Ko sinasabi na napakalaki ng kabuluhan ng pagkakatawang-tao?’ Ang sandaling nagiging tao ang Diyos ay ang sandaling binabawi Niya ang kapangyarihan, at ito rin ang oras na tuwirang lumilitaw ang Kanyang pagka-Diyos upang kumilos. Lahat ng tao ay unti-unting nakikilala ang praktikal na Diyos, at sa gayong paraan ay ganap na napapawi ang lugar ni Satanas sa kanilang puso, kaya nabibigyan ng mas malalim na lugar ang Diyos sa kanilang puso(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 6). Habang sinusubukang alamin ang mga salita ng Diyos, biglang naliwanagan ang aking puso: Lumalabas na ang layunin ng gawain ng Diyos sa katawang-tao ay hindi ang gamitin ang Kanyang awtoridad upang takutin ang mga tao para sumunod, ngunit ito ay upang ganap na buksan ang Kanyang disposisyon sa sangkatauhan sa pamamagitan ng aktwal na gawain at mga salita, at sa pamamagitan nito ay iwaksi ang imahe ng isang malabong Diyos sa puso ng sangkatauhan. Ito’y upang pahintulutan ang mga tao na iwaksi ang mga pagpipigil sa kanilang mga pagkaintindi, upang tunay na makilala ang disposisyon at gawain ng Diyos, upang pahintulutan ang mga tao na magtaglay ng katotohanan at kaunawaan, sa ganitong paraan ay sinasakop at nakakamit sila. Ang gawain ng Diyos ay tunay na napaka-praktikal, at ang Kanyang karunungan ay hindi maarok para sa mga tao! Pag-isipan itong mabuti-ang gawaing itong ginagawa ng Diyos ay hindi magbubunga kung gagawin ito sa pamamagitan ng mga palatandaan at himala. Tulad lang sa Kapanahunan ng Kautusan, nagpakita ang Diyos ng napakaraming himala sa mga Israelita at pinarusahan ang napakaraming lumaban sa Kanya, ngunit hindi pa rin nakilala ng mga Israelita ang Diyos at sa huli ay nangamatay sa kaparangan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpakita rin ang Diyos ng hindi mabilang na mga palatandaan at himala sa mga Hudyo, ngunit ipinako pa rin nila Siya nang buhay sa krus dahil hindi nila Siya nakilala. Sinasabi ng lahat ng ito na ang mga palatandaan at himala ng Diyos ay maaari lamang katakutan ng tao nang sandali, ngunit hindi ang mga ito ang pundasyon ng kanilang paniniwala sa Diyos. Gayunpaman, kahit na sinunod ko ang Diyos magpahanggang ngayon, wala ako ni ga-hiblang kaunawaan sa diwa ng Diyos, at lalong mas kaunti pa ang naunawaan ko sa mga layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos sakatawang-tao. Naniiwala pa rin ako sa Kanyang awtoridad at ang sinumang lumalaban sa Diyos ay maparurusahan, kaya naman buong-puso kong hinangad na makita ang mga palatandaan at mga himala ng Diyos. Hindi ba’t katulad ng sa mga Fariseo ang ganitong uri ng pananampalataya, nabubuhay sa gitna ng kalabuan, naniniwala sa isang kahima-himalang Diyos habang nilalabanan ang praktikal na Diyos? Kung magpapatuloy sa ganitong paraan ang paghahangad ko sa Diyos, paano ako magiging akma sa totoong Diyos? Tunay nga na lubhang mapanganib ito! Pagkatapos nito, marami pa akong nakitang mga salita ng Diyos: “Napakahirap para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon—ngunit sa pamamagitan ng paghihirap na ito ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, na nagpapamalas ng Kanyang karunungan at kamangha-manghang mga gawa, at ginagamit ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, at sa pamamagitan ng lahat ng napakasamang disposisyon ng mga tao ng maruming lupaing ito ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig, upang, mula rito, magkamit Siya ng kaluwalhatian, at makamit Niya yaong mga magpapatotoo sa Kanyang mga gawa. Ganyan ang buong kabuluhan ng lahat ng sakripisyong nagawa ng Diyos para sa grupong ito ng mga tao. Ibig sabihin, ginagawa ng Diyos ang gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng mga kumokontra sa Kanya, at sa gayon lamang maipamamalas ang malaking kapangyarihan ng Diyos. … Ang yugto ng gawain ni Jesus ay kapareho nito: Maaari lamang Siyang luwalhatiin sa gitna ng mga Fariseo na umusig sa Kanya; kung hindi sa pag-uusig ng mga Fariseo at sa pagkakanulo ni Judas, hindi sana napagtawanan o nasiraang-puri si Jesus, lalong hindi sana Siya ipinako sa krus, at sa gayon ay hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Sa panahong ito, mula sa mga salita ng Diyos ay lalo ko pang nabatid na kahit anupang trabaho ang ginagawa ng Diyos, ang lahat ay may kabuluhan. Kung makukumpleto Niya ang gawain ng pagbubunyag ng ilang himala o ang paglalapat ng ilang kaparusahan, ito ay may kabuluhan, at mayroon itong mga prinsipyo. Kung hindi man Niya makukumpleto ang gawain ng pagbubunyag ng mga himala o ang paglalapat ng mga kaparusahan, kung gayon ito ay nagtataglay ng higit pang karunungan ng Diyos. Ngayon, hindi ginagamit ng Diyos ang Kanyang awtoridad upang alisin ang mga nagbibintang o lumalaban sa Kanya nang husto; may higit pang kabutihang-loob ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga suliraning ito upang pahintulutan tayo na matikman ang mga paghihirap ng Kanyang sariling gawain, kaya naman kinikilala ang kabutihan at kagandahan ng Diyos. Ginagamit din ng Diyos ang mga suliraning ito upang makakuha ng patunay na gumagawa ng kabutihan o kasamaan ang mga tao, at sa huli ay paglaanan sila ng naaangkop na hantungan kung saan ganap tayong kumbinsido, upang makikita natin ang pagkamakatuwiran at kabanalan ng Diyos. Higit pa riyan, ginagamit ng Diyos ang mga suliraning ito upang ibunyag ang kakulangan ko hinggil sa katotohanan ng pananaw, na ang kalikasan ko’y napakatamad, mahiyain, walang-muwang, at hangal, at sa pamamagitan ng aking paghihirap, mga pagsisikap, at pakikipagtulungan sa Diyos, ipagkakaloob Niya sa atin ang kaunawaan, pagtitiwala, pag-ibig, karunungan, at katapangan, at higit pa riyan ibibigay sa atin ang katotohanan ng gawain ng Diyos, na siyang kukumpleto sa atin, pagkakamit sa atin. Tunay ngang napakadunong ng gawain ng Diyos, kahanga-hanga ito! Ngunit masyado akong bulag—wala akong pagkaunawa sa kahalagahan ng gawain ng Diyos at sa Kanyang mabuting mga hangarin. Ang ikinakatakot ko sa lahat ay ang pisikal na pagdurusa at hindi ako handang makipagtulungan sa Diyos. Isa nga akong tunay na mananampalataya na hindi nagsasagawa ng wastong trabaho at nagpapakasaya sa kaginhawaan!

Salamat sa kaliwanagan ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng ilang pagkilala sa layunin at karunungan sa gawain ng Diyos sa katawang-tao at nagpahintulot din sa akin na makita na ang aking pananampalataya sa Diyos ay umiiral nang may kalabuan, na ang hindi pagkilala sa Diyos ay lubhang mapanganib! Magmula sa araw na ito, nakahanda akong pagkalooban ng katotohanan ng pananaw ang aking sarili, upang hangarin ang pagiging isang tao na may pagkilala sa gawain at disposisyon ng Diyos, upang tunay na magtaglay ng kakayahang magtiis, gawin ang aking tungkulin sa abot ng makakaya para aliwin ang puso ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman