Isang Pagliko para sa Ikabubuti sa Daan ng Paniniwala sa Diyos

Setyembre 22, 2019

Zhuanbian Lungsod ng Shanghai

Kahit na sumusunod ako sa Diyos sa maraming taon, halos wala akong naging pagsulong sa pagpasok ko sa buhay, at dahil dito nakadama ako ng sobrang pagkabalisa. Lalo na noong nakinig ako sa rekording ng isang pangangaral tungkol sa pagpasok sa buhay, at narinig ko ang lalaki na ginamit ng Banal ng Espiritu na nakikipag-usap sa mga kapatid, nadama kong punung-puno ako ng pagkabalisa nang marinig ko siyang sinasabi ang mga bagay na ito, “Kayo ngayon ay naniniwala na sa Diyos at natikman na ang tamis ng paghahangad ng katotohanan. Kayo ay nagsimula nang pumasok sa tamang daan at puno ng pananampalataya sa inyong paghahangad ng kaligtasan.” Naisip ko, “Ang mga taong ito ay naniwala sa Diyos sa maikling panahon, subalit nakapasok na sila at punong-puno ng pananampalataya tungkol sa kanilang pagiging ligtas. Samantalang naririto ako na napakatagal nang naniniwala sa Diyos at hindi ko pa rin natatamo ang katotohanan at ang aking disposisyon sa buhay ay hindi pa sumailalim sa anumang pagbabago, lalo na ang pagpasok sa tamang daan. Ang pagtamo sa kaligtasan ay mas madaling sabihin kaysa gawin!” Naisip ko kung paano ang pagbabahagi sa itaas na kayang lutasin ng katotohanan ang lahat ng mga kasamaan ng tao, ngunit hindi ko pa kailanman ito naranasan. Nadama ko pa na kayang lutasin ng katotohanan ang mga kasamaan ng ibang mga tao ngunit hindi ang sa akin, kaya nawalan ako ng pananampalataya sa aking paghahangad sa katotohanan at sa kaligtasan. Bagama’t batid ko na hindi tama ang aking sariling kondisyon, walang paraan para matakasan ko ito, kaya wala akong magawa kundi humingi ng tulong sa Diyos. Pagkatapos, naliwanagan ako ng Kanyang mga salita, dahilan para makita ko ang mga kadahilanan kung bakit ako naniwala sa Diyos sa napakaraming taon ngunit hindi pa rin ako umunlad sa buhay, at kung bakit hindi pa sumailalim ang aking disposisyon sa anumang pagbabago. Itinalaga rin ako ng Diyos sa daan ng pagsasagawa at pagpasok sa katotohanan.

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtan sa pagpasok sa realidad at, bukod pa riyan, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). “Kung pagtutuunan mo lamang ang teoretikal na kaalaman at mabubuhay ka lamang sa mga relihiyosong seremonya nang hindi inaarok nang malalim ang realidad, nang hindi pumapasok sa tunay na pamumuhay, hindi mo kailanman mapapasok ang realidad, hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili, ang katotohanan, o ang Diyos, at magiging bulag at mangmang ka magpakailanman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagtalakay sa Buhay Iglesia at sa Tunay na Buhay). Tanging sa pamamagitan ng pagliliwanag ng mga salita ng Diyos na aking natanto na hindi sumailalim ang disposisyon ko sa pagbabago sa kabila ng maraming taon kong paniniwala sa Kanya, at ang pangunahing dahilan nito ay dahil kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, nakatuon lamang ako sa pag-intindi sa literal at panteoryang kahulugan, at mayroon lamang pag-unawa sa isip. Hindi ako nakatuon sa pagsasagawa sa katotohanan o pagpasok sa realidad, ni hindi ko rin pinagtuunan na danasin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng praktikal na karanasan. Sa pagbabalik-tanaw sa mga taong iyon ng aking paniniwala sa Diyos, kahit ano pang aspeto ng katotohanan, hindi ko kailanman hinangad na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa dito o para matamo ang pag-unawa sa diwa ng katotohanan, lalong hindi ko binalak na pumasok sa detalyadong pagsasagawa, na sa pamamagitan nito ay maari kong matamo ang isang aspeto ng katotohanan. Sa halip, inisip ko na sapat na ang pagkakaroon ng panteoryang kaalaman at pag-unawa. Halimbawa, sa totoong buhay, palagi akong nagsisikap para sa katanyagan at pakinabang, palaging ninanais na pakinggan ako ng ibang mga tao, magawang respetuhin at i-endorso nila ako. Pagkatapos ibunyag ang mga kasamaang ito, nag-isip ako sandali at nagdasal sa harapan ng Diyos, kinilala ko ang aking sariling kasamaan at alam ko na ito ay isang pagpapahayag ng pagmamataas, at wala nang iba. Ang kinalabasan ay, kahit ilang beses pa akong nakadama ng pagsisisi o ikinumpisal ang aking mga kasalanan sa harapan ng Diyos, tiyak na uulitin ko ang parehong mga dating pagkakamali. Sa loob ng kapaligiran na inayos ng Diyos, sa pamamagitan ng pagdarasal at paghahanap, nabatid ko na ginagamit ng Diyos ang kapaligirang ito upang pakitunguhan ang aking kasamaan. Gayunman, pagkatapos kong mabatid ang pag-unawang ito, kinilala ko na ang lahat ng mga pagsubok at mga pagpipino ng Diyos, ang lahat ng pakikitungo ng Diyos sa akin at ang pagpupungos sa akin ay Kanyang pagliligtas, Kanyang pagmamahal, na ang puso ng Diyos ay palaging mabuti. Ngunit hindi ko kailanman pinansin ang pagsasagawa sa katotohanan upang malutas ang sarili kong kasamaan. Ang kinalabasan, kahit ako ay nagdaan sa ilang paghihirap, hindi ako sumailalim sa anumang pagbabago bilang resulta. Pagkatapos kong marinig ang pangangaral, naramdaman ko na ang mga pagbabahaging ito ang talagang kailangan ko, na binigyang-daan ng mga ito na maunawaan ko ang katotohanan na hindi ko nauunawaan sa nakalipas. Ngunit ang tanging ginawa ko ay ang alalahanin ang nilalaman ng mga pagbabahagi sa aking ulo at pagkatapos ay hindi pinansin ang mga ito, na humantong sa pagkawala ng kaunting pag-unawa pagkatapos ng ilang sandali, at hindi ko pagtamo ng kahit na ano.

Sa pagharap ko sa mga katunayan, nakita ko na hindi ko kailanman hinanap ang katotohanan. Naniwala ako sa Diyos nang maraming taon subalit hindi ako kailanman nagsumikap na isagawa ang katotohanan o kaya ay pumasok sa realidad, hanggang sa hindi ko pa rin natamo ang katotohanan, ni hindi sumailalim sa anumang pagbabago ang aking disposisyon. Ito ang ganap na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos, gaya ng matagal nang sinabi ng Diyos: “Dapat kang magsikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay magbunga sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang kaalaman tungkol sa doktrina, ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung iyo ring isinasagawa at isinasabuhay ang Kanyang salita saka lamang maituturing na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos). Ang Diyos ay matuwid. Kailanman ay hindi trinato ng Diyos ang sinuman nang di-makatarungan, at kailanman ay hindi nagbigay ang Diyos sa tao nang walang pakundangan, lalong hindi nagbigay sa tao nang walang kondisyon. Hindi ko isinasagawa ang katotohanan, hindi gumawa ng anumang pagsusumikap na isabuhay ang Kanyang mga salita, at ang resulta sa ngayon ay, kailangan kong anihin ang anumang aking itinanim. Sa ngayon, hindi ko mapigilan ang lubos na pagsisisi, mapait na panghihinayang na, bagama’t naranasan ko ang gawain ng Diyos, nagkulang ako sa aking sariling pagpasok, kung kaya ngayon, wala pa rin akong maipakita para sa aking paniniwala at talagang hindi ako nabuhay para matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Gayunman hindi ko ninais na magpatuloy sa pagiging-masama sa ganoong paraan, ngunit sa halip ay ninais kong magsimula mula sa umpisa na magsumikap sa aking pagsasagawa at para isakatuparan ang mga salita ng Diyos sa aking sarili.

Pagkatapos, nagsimula akong magsanay sa pagsasagawa sa katotohanan at sa pagpasok sa realidad. Hindi na ako kagaya nang dati kapag gusto kong makinig ang iba sa akin, respetuhin ako at i-endorso ako, nagdarasal at nangungumpisal lamang sa Diyos. Sa halip, humarap ako sa Diyos para hanapin ang katotohanan, hinahanap ang mga salita ng Diyos na kakainin at iinumin na may partikular na kaugnayan sa isyung ito at tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nilulutas ang aking sariling kasamaan sa ganitong paraan. Noong nagsagawa at pumasok ako sa ganoong paraan, pinakitaan ako ng Diyos ng natatanging biyaya na nagpahintulot sa aking mabatid na nakikipagtunggali ako sa Diyos sa Kanyang posisyon, ginagawa ang mga tao na sambahin ako na parang ako ay kanilang ninuno, o sambahin ako na parang ako ang Diyos. Nakita ko na ako ang demonyong si Satanas na may kalikasan at diwa na lubos na katulad sa mga nasa malaking pulang dragon, at hindi ko namalayang lumitaw ang pagkasuklam at pagkamuhi para sa aking sariling kalikasan. Pagkatapos, binigyan ko ang aking sarili ng katotohanan tungkol sa pagtataas sa Diyos, tungkol sa pagsaksi sa Diyos, at sa realidad nagsanay ako para sa pagpasok. Sa pamamagitan ng pagsasagawang ito, nakita ko nang mas malinaw pa ang kapangitan at pagiging kamuhi-muhi ng aking sarili na nakatayo sa mataas at sinasabihan ang mga tao ng kung ano ang alin. Lalo ko pang kinamuhian at isinumpa ang aking sarili, at naging handa para talikdan ang laman at isagawa ang katotohanan upang mapasaya ang Diyos. Pagkatapos ng ilang panahon na pagsasanay sa ganitong paraan, nalaman ko na lubos na nabawasan ang mga pagpapahayag sa aking sariling mapagmataas na disposisyon.

Sa normal na pakikitungo sa ibang mga tao, alam ko sa nakaraan na kinailangan kong isagawa ang pagtitimpi, pagpapasensya, ang gamitin ang karunungan, magkaroon ng mga prinsipyo, at maging tapat na tao. Ngunit sa realidad hindi ko kailaman napasok ang limang aspetong ito. Samakatuwid, kapag nakikisalamuha ako sa mga kapatid, madalas na nararamdaman ko ang pagkakaroon ko ng diskriminasyon sa kanila dahil sa ilang mababaw lang na bagay o sa kanilang pagbubunyag ng ilang kasamaan, hanggang sa hindi ko alam kung paano makisalamuha nang maayos sa kanila. Ngayon, dala-dala ko ang aking nakaraang pag-unawa sa totoong buhay para magsanay at magsagawa. Kapag hindi ako mabait sa iba dahil sa kanilang mga pagpapahayag ng kasamaan, nagdarasal ako sa Diyos at hinahanap ang katotohanan, tinatanong kung paano ko dapat unawain ang bagay na ito na aking nabatid, at kung paano ko isasagawa ang mga salita ng Diyos at paano ako papasok dito. Sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, sumagi sa akin na ang lahat ng tao ay nasa proseso ngayon ng paghahangad ng pagbabago, kung kaya tiyak na magkakaroon ng mga pagpapahayag ng kasamaan, na siguro itong si ganito at ganoon ay hindi batid ang kasamaan na kanyang ibinubunyag, o kaya siya ay di-kusang dinadaig ng kanyang sariling kalikasan at hindi niya sinasadya na kumilos nang ganito sa akin. Ito ay kapareho rin noong ang dati kong aroganteng disposisyon ay kasuklam-suklam sa ibang tao, ngunit ako mismo ay nanatiling walang malay. Ang lahat ng ito ay pinsala na ginawa ni Satanas sa tao. Si Satanas ang dapat na kamuhian, at hindi dapat gumawa ang isang tao ng mga opinyon tungkol sa kanyang mga kapatid. Noong nag-isip ako nang ganito, ang pagkapoot at mga hinanakit na nasa loob ko ay nawalang bigla, at napalitan ng pagkamuhi kay Satanas at simpatya at pagpapatawad para sa aking mga kapatid, ginusto ko pa ngang maghanap ng mga naaangkop na pagkakataon para makatulong sa iba. Noong sinubukan kong kusang-loob na tumulong sa iba, nabatid ko na ang aking relayson sa kanila ay naging mas malapit at natikman ko ang kaligayahan na nagmumula sa pagtulong sa iba.

Noong nagsanay ako para pumasok sa mga salita ng Diyos at isagawa ang katotohanan, hindi ko lamang natamo ang ilang praktikal na karanasan at pagpasok sa lahat ng mga aspeto ng katotohanan, nakita ko rin ang kahanga-hangang mga gawain ng Diyos. Naramdaman ko ang pamumuno at pamamatnubay ng Diyos at natikman ko ang kasiguraduhan, kapayapaan at kasiyahan na ibinigay sa aking puso ng pagsasagawa sa katotohanan. Naramdaman ko na walang hungkag sa buhay, na may aral na matututunan araw-araw, na may mga bagong pananaw at mga pag-unawa araw-araw, na nakita ko ang Diyos na inililigtas ako araw-araw, dama ko na ang paghahanap sa katotohanan ay napakamakahulugan, na ang katotohanan ay tunay na nakapagliligtas at nakapagpapabago ng mga tao!

Sa sandaling taglay ko na ang kaunting personal na karanasan at pag-unawa na ito, naramdaman ko na ang aking sariling daan sa paniniwala sa Diyos ay lumiko para maging mas mabuti, hindi ko na ulit kailanman mararamdaman na ang kaligtasan ay hindi ko maaabot. Naniniwala ako na, basta’t gumagawa akong kasama ng Diyos, patuloy na sinasangkapan ang aking sarili ng katotohanan at isinasagawa at pumapasok sa katotohanan, siguradong makakamit ko ang pagbabago sa aking masamang disposisyon. Naniniwala ako na kayang iligtas ng gawain ng Diyos ang tao at kayang baguhin ng mga salita ng Diyos ang tao: Taglay ko ang paniniwalang ito dahil natikman ko na ito. Magmula sa araw na ito, nais kong hanapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan nang matatag na nakatanim ang aking mga paa sa lupa. Nais ko na ipagpatuloy akong akayin ng Diyos, para madali kong maabot ang pagbabago sa aking disposisyon, para maisabuhay ang paraan ng isang tunay na tao upang makapagsaksi sa Diyos, upang makapagsaksi sa gawain ng Diyos na iligtas ako, upang makapagsaksi sa kapangyarihan ng Diyos na iligtas ang tao, at upang makapagsaksi sa mga kahanga-hangang gawain ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang Kahulugan ng Tunay na Pagbabago?

Inihahalintulad ko ang mga doktrinang tinaglay ko bilang aking sariling kapital, ngunit hindi binigyang pansin ang pag-unawa sa sarili, sa paghahanap ng pagpasok, sa pagkakamit ng katotohanan. At paano kaya ako magkakaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay? Ang praktikal na gawain at mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lahat ng katotohanan na kailangan natin at nais Niyang maunawaan natin ang katotohanang iyon

Nakalaya Mula Sa Inggit

Ni Claude, France Sa simula ng 2021, naglilingkod ako bilang tagapangaral at ipinareha kay Brother Matthew upang mamuno sa gawain ng...