Pagtalo kay Satanas sa Labanan

Setyembre 22, 2019

Chang Moyang    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: Kapag nilalabanan mo ang laman, tiyak na magkakaroon ng isang labanan sa iyong kalooban. Susubukang himukin ni Satanas ang mga tao na sundin ito, susubukan sila nitong utusan na sundin ang mga kuro-kuro ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit liliwanagan at paliliwanagin ng mga salita ng Diyos ang kalooban ng mga tao, at sa oras na ito ay nasa iyo na kung susundin mo ang Diyos o susundin si Satanas. Pangunahing hinihingi ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay na nasa kalooban nila, upang pakitunguhan ang kanilang mga kaisipan at mga kuro-kuro na hindi kaayon ng puso ng Diyos. Pinupukaw ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kanilang puso, at nililiwanagan at pinaliliwanag sila. Kaya sa likod ng lahat ng bagay na nangyayari ay isang labanan: Tuwing isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at bagama’t maaaring mukhang maayos ang lahat sa kanilang laman, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sa katunayan ay nagpapatuloy ang isang labanan sa pagitan ng buhay at kamatayan—at matapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang napakaraming pagmumuni-muni, saka mapagpapasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi alam ng isang tao kung tatawa o hihikbi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa tuwing binabasa ko ang sipi na ito mula sa mga salita ng Diyos, maiisip ko ang mga sumusunod: Talaga bang ganoon kahirap ang pagsasagawa sa katotohanan? Kapag ang mga tao ay hindi nauunawaan ang katotohanan, hindi nila ito maisasagawa. Kapag naintindihan na nila ito, hindi pa ba magiging sapat ang pagkilos ayon sa kalooban ng Diyos? Talaga bang ito ay kasing-seryoso ng “sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sa katunayan ay nagpapatuloy ang isang labanan sa pagitan ng buhay at kamatayan”? Ito ay hindi hanggang sa kalaunan, sa pamamagitan ng aking aktwal na karanasan, na natikman kong ang pagsasagawa sa katotohanan ay talagang hindi madali. Ang sinabi ng Diyos ay ganap na alinsunod sa katotohanan; hindi ito kahit kaunting pagmamalabis.

Ilang panahon na ang nakalipas, nadama ko na ang isang kapatid na babae na nagtatrabaho kasama ko ay arogante at mababa ang tingin sa akin; wala akong nagawa kundi lumubog sa isang hindi tamang kalagayan. Sinimulan kong ipailalim ang aking sarili sa pagpipigil dahil sa kanya. Hindi ko ito maaalis sa aking gawain; ako ay masunurin sa aking mga salita at maingat sa aking mga aksyon hanggang sa punto, pagkalipas ng ilang sandali, na papanoorin ko ang kanyang anyo kapag ako ay nagsasalita o gumagawa ng isang bagay, at hindi ko dinala ang pasanin ng aking gawain. Namuhay ako nang lubusan sa kadiliman. Hindi ko kayang mapalaya ang aking sarili kahit alam ko na mapanganib ang aking kalagayan. Sa gitna ng pagdurusa, paulit-ulit akong nanalangin sa Diyos, at naisip ko pagkatapos: Magkaroon ng isang matimtimang usapan sa iyong kapatid na babae, maghanap ng landas ng liwanag. Ngunit nang makarating ako sa pintuan ng aking kapatid, may iba akong naisip: Ano ang iisipin ng kapatid ko kapag kinausap ko tungkol dito? Sasabihin ba niya na may napakaraming maliliit na bagay sa aking isipan, ako ay sobrang malaking problema, napakahirap pakitunguhan? Sa sandaling naisip ko ito, para kong nakita ang nakakatawang tingin sa kanyang mga mata, iyong mapanlait na saloobin. Bigla, nawala na lang ang aking lakas ng loob at nanlata ako, na parang ang aking buong katawan ay pinulikat. Muli, ang mga salita ng Diyos ay nagdulot sa akin ng panloob na kaliwanagan: “Kung marami kang mga nakatagong kaalamang atubili kang ibahagi, kung lubos kang tutol na ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isang kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaahon mula sa kadiliman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Tahimik kong hinimok ang aking sarili: Maging matapang, maging simple at bukas. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi dapat ikahiya! Ngunit kasabay nito, isang salungat na damdamin ang humatak sa akin: Huwag kang magsabi ng kahit na ano—maaaring iniisip ng ibang mga tao na ikaw ay maayos. Kapag nagsalita ka tungkol dito ay iisipin nila na masyadong marami kang maliliit na bagay sa iyong isip at hindi ka na nila magugustuhan. Ugh! Kung gayon, mas magandang huwag magsabi ng kahit ano! Habang nag-aalinlangan na naman ako, naisip ko: Ang pagiging matapat na tao ay nangangahulugang hindi ka mahihiya at matatakot! Gayunman, sa sandaling nakakuha ako ng kaunting lakas, ang mga ideya ni Satanas ay muling namutawi: Kapag nagsalita ka ukol dito ay malalaman ng ibang mga tao ang iyong tunay na kulay, at ikaw ay malulungkot! Ang aking puso ay biglang kumuyom. Sa ganitong paraan hinila ang aking puso ng paroo’t parito sa isang labanan sa pagitan ng positibo at negatibo, itim at puti. Malinaw kong nalaman: Ang aking hindi pagnanais na magsalita ay isang paghahangad na protektahan ang sarili kong mukha dahil sa kahambugan. Ngunit sa ganitong paraan, ang aking kalagayan ay hindi malulutas at wala itong pakinabang sa aking gawain. Ang paghahangad lamang ng pagbabahagi upang malutas ang problemang ito ay magiging kapaki-pakinabang sa aking gawain at magiging alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ngunit sa sandaling ang pag-iisip ay dumating sa akin na sa sandaling malaman niya, baka maging mas mababa ang tingin niya sa akin, nawalan ako ng lakas ng loob upang maisagawa ang katotohanan. Nadama ko na kapag nagsalita ako tungkol sa aking sariling kapangitan, parang ito ay hindi ko magagawang mabuhay pa! Sa isang sandali ay naging sobrang lungkot ko, at napakasakit ng aking puso na parang sinusunog ng apoy. Hindi ko sinasadyang mapabulalas ng iyak, at ang lahat lamang ng magagawa ay umiyak nang kaawa-awa sa Diyos sa aking puso. Sa kritikal na sandali, ang mga salita ng Diyos ay muling umandap-andap sa aking isipan: “Ang mga kabataan ay hindi dapat mawalan ng katotohanan, ni hindi sila dapat maging mapagpaimbabaw at makasalanan…. Ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng katapangang huwag sumuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at baguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda). Pinahintulutan ako ng mga salita ng Diyos na kalmahin sa wakas ang aking balisang puso: Ano’t anuman, hindi na ako magpapailalim sa panunuya ni Satanas! Hindi ko na kayang maghimagsik laban sa Diyos; dapat kong talikdan ang aking sarili at isagawa ang katotohanan. Sa sandaling naipon ko ang aking determinasyon na hanapin ang aking kapatid na babae at nagkaroon ng isang matimtimang pagbabahagi sa kanya, ang mga resulta ay labis na lumalampas sa aking mga inaasahan. Hindi lamang sa hindi minaliit ako ng aking kapatid na babae, ngunit ikinumpisal niya ang kanyang sariling katiwalian, nagnilay at kinilala ang kanyang sariling mga kakulangan at humingi ng tawad sa akin, na sinasabing sa hinaharap kapag nakatagpo ng isang isyu, dapat kaming magkaroon ng pagbabahagi sa katotohanan sa isa’t isa para makamit ang kapwa pagkaunawa, tingnan ang pagsunod sa katotohanan bilang aming prinsipyo, matuto mula sa mga lakas ng bawat isa upang mapunan ang aming sariling mga kakulangan, magkasamang gawin nang mahusay ang gawain ng iglesia. Ganito kung paano ang labanang iyon na walang mga sandata ay natapos. Ang aking isyu ay nalutas at ang aking puso ay gumaan. Kapag naalala ko ang matinding labanan sa aking puso sa oras na iyon, pagkatapos ko lamang napagtanto kung gaano kalubha ang aking walang kabuluhang pag-aalala sa pag-iiwas na mapahiya. Ito ay isang bahagi ng aking buhay hanggang sa punto na ako ay nanirahan sa kadiliman, nakaharap ng tawag pagkatapos ng tawag mula sa Diyos ngunit hindi ko nagawang makawala. Naunawaan ko ang katotohanan ngunit hindi ito maisagawa; ako ay tunay na labis na pinasama ni Satanas! Naranasan ko rin na ang pagsasagawa sa katotohanan at pagiging matapat na tao ay hindi madali.

Pagkatapos lamang ng karanasang ito na naintindihan ko ang mga salita ng Diyos: “Tuwing isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at bagama’t maaaring mukhang maayos ang lahat sa kanilang laman, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sa katunayan ay nagpapatuloy ang isang labanan sa pagitan ng buhay at kamatayan….” Ang mga salitang ito ay sinabi tungkol sa masamang kalikasan ng sangkatauhan dahil ang satanikong kalikasan ng mga tao ay masyadong malalim na nakaugat sa laman. Kinukulong at ginagapos nito ang tao, at naging buhay natin ito. Kapag isinagawa natin ang katotohanan, kapag itinakwil natin ang ating mga makalamang buhay, ang prosesong ito ay katulad ng muling ipinanganganak, tulad ng namamatay at nabubuhay na mag-uli. Ito talaga ay paligsahan at labanan para sa buhay at kamatayan, at ito ay isang lubos na masakit na proseso. Kapag hindi talaga natin alam ang sarili nating kalikasan at wala tayong kagustuhan na maghirap o magbayad ng halaga, ganap na hindi natin maisasagawa ang katotohanan. Noon ay inakala ko na ang pagsasagawa sa katotohanan ay madali—ito ay dahil sa wala akong pagkaunawa sa aking sariling masamang kalikasan at hindi ko alam kung gaano kalalim ang aking katiwalian. Sa hinaharap, handa akong mas malalim na makilala ang aking sarili sa pamamagitan ng karanasan, na hangaring isagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay, at talikdan ang aking sarili!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Walang Hanggang Pagdurusa

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng kaluluwang ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng nasasakupan ni Satanas....