Ang mga Aklat ni Satanas ay Maaaring Makalason sa Atin
Palagi kong pinaniwalaan na nabuhay ako at ang aking asawa nang “nakasubsob ang aming mga mukha sa lupa at nakabilad ang aming mga likod sa araw” dahil hindi kami nakapag-aral nang mabuti noong kabataan namin, at dahil wala kaming kaalaman. Kung kaya nagdesisyon ako na kahit gaano kahirap o gaano karami ang pagdurusa ko, pag-aaralin ko ang aking mga anak upang sila ay makatapos, at hindi na kailangang sumunod sa aming mga yapak. Habang ginagabayan kami nito, ako at ang aking asawa ay kumain at nagbihis nang payak at itinago bawat sentimo upang mapag-aral ang aming pinakamatandang anak na babae sa teknikal na eskuwelahan at ang aming pinakamatandang anak na lalaki sa unibersidad. Ngunit mayroon pa kaming dalawang anak, kaya upang maipadala namin sila sa unibersidad, kinailangan ng aking asawa na umalis para magtrabaho nang ilang taon sa bawat pagkakataon, at hindi rin ako naiwan na walang ginagawa; nagtrabaho ako sa bukid at nag-alaga ng mga baboy sa amin magmula madaling araw hanggang sa takip-silim. Kapag masyado nang nakakapagod ang trabaho sa bukid, hinangad kong sana’y maaari na akong tumigil. Ngunit kapag naisip ko kung gaano kahigpit ang kompitensya sa lipunan ngayon, na kung hindi ko pag-aaralin ang aking mga anak, ang kanilang kinabukasan ay magiging kaparis ko na nagtatrabaho sa putikan, na wala silang makakamit na anuman at magiging mababa ang tingin sa kanila ng mga ibang tao, at sa pamamagitan lamang ng pag-eksamen sa unibersidad sila maaaring makahanap ng magandang trabaho o maging opisyal, magtagumpay, makamit ang kinabukasan para sa kanila, at matamo ang kaluwalhatian para sa amin, ang sakit at kapaguran na aking dinanas ay parang sulit na sulit. Kaya, araw-araw sa aking paggising, naging abala ako sa aking trabaho at madalas wala na akong oras na kumain at uminom ng salita ng Diyos o para sa isang normal na espiritwal na buhay, at lalong walang oras para sa isang normal na buhay sa iglesia o para magawa ang aking mga tungkulin, ngunit hindi ko na inisip ito, at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho nang husto para sa aking mga anak … hanggang kamakailan, noong aking narinig ang mga salitang ito mula sa pakikibahagi sa Diyos: “Pagdating sa mga bata, umaasa ang lahat ng magulang na magkakaroon ng mas mataas na pinag-aralan ang kanilang mga anak at na balang araw ay aasenso sila, kikilalanin sa lipunan at magkakaroon din ng matatag na kita at impluwensya—sa gayon ay igagalang nila ang kanilang angkan. Ganito ang pananaw ng lahat. Tamang pananaw ba ang asahan na ‘nagiging dragon ang anak na lalaki, nagiging phoenix ang anak na babae’? Gusto ng lahat na makapag-aral sa kilalang unibersidad ang kanilang mga anak at magpakadalubhasa, na iniisip na kapag nagkaroon sila ng degree ay mamumukod-tangi sila sa karamihan. Ito ay dahil sa kanilang puso, lahat ay sumasamba sa kaalaman, naniniwala na ‘Maliit ang halaga ng iba pang mga pagsisikap, nangunguna sa lahat ang pag-aaral ng mga aklat.’ Bukod pa riyan, napakalakas ng kumpetisyon sa makabagong lipunan, at kung wala kang degree ni wala kang kasiguruhan na mapapakain mo ang pamilya mo. Iyan ang iniisip ng lahat tungkol dito. … Nguni’t inisip mo ba, pagkatapos nilang tanggapin ang ganyang uri ng edukasyon, kung gaano karaming lason at gaano karami sa mga ideya ni Satanas at mga teorya ang maikikintal sa kanila? … Hanggang isang araw, bumalik ang iyong mga anak at sinasabi mo sa kanila ang tungkol sa paniniwala sa Diyos, at nagpapakita sila ng pagkayamot. Pagkatapos mong sabihin sa kanila ang tungkol sa katotohanan, sinasabi nilang hangal ka at tinatawanan ka, at nililibak ang sinasabi mo. Sa oras na iyon iisipin mo na ang pagpapaaral sa mga anak mo sa mga eskuwelahang iyon para makatamo ng ganoong edukasyon ay pagpili sa maling landas, nguni’t huling-huli na para sa pagsisisi. … Pagdating sa kanilang mga anak, walang sinumang handang magdala sa kanila sa harap ng Diyos para ganap na tanggapin ang mga pananaw at mga ideya na kinakailangan ng Diyos, o para maging ang klase ng tao na kinakailangan ng Diyos. Ayaw itong gawin ng mga tao at hindi nangangahas na gawin ito. Natatakot sila na kung gagawin nila ito, ang mga anak nila ay hindi makakapaghanapbuhay o magkakaroon ng kinabukasan sa lipunan. Ano ang pinatutunayan ng ganitong pananaw? Pinatutunayan nito na ang sangkatauhan ay walang interes, kumpiyansa at higit pa ay walang tunay na pananampalataya sa katotohanan o sa Diyos. Ang tinitingala ng sangkatauhan at sinasamba sa kanilang mga puso ay ang mundo pa ring ito, iniisip na hindi kakayaning patuloy na mabuhay ng mga taong lumilisan sa mundong ito. … Ang mga pantaong ideya at mga pananaw na ito ay salungat sa Diyos, isang pagtataksil at pagtatakwil sa Diyos, at hindi tugma sa katotohanan” (“Makikilala Mo ang Iyong Sarili sa Pamamagitan Lamang ng Pagkilala sa Iyong mga Maling Pananaw” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Bawat salita ng Diyos ay nakaantig sa akin nang malalim. Napakaraming taon ng mapait na pagtitipid at mabigat at nakakapagod na trabaho, isinusuko ang lahat upang makakapasok ang aking mga anak sa unibersidad, at bakit? Dahil naniwala ako sa sinabi ni Satanas na “Ang halaga ng ibang mga pagpupunyagi ay maliit, ang pag-aaral ng mga libro ang pinakamahusay sa lahat” ay ang batas upang mabuhay! Sa ilalim ng impluwensya ng lason ni Satanas, inuna ko ang kaalaman higit sa lahat, at inisip ko na tanging sa pagkakaroon ng kaalaman lamang mangingibabaw ang isang tao, makakatapos ng mga bagay, magkakaroon ng kinabukasan, at magkakaroon ng katayuan sa lipunan. Inakala ko na ang mga walang pinag-aralan ay mababang klase na nararapat na hamakin, pinakamababa sa lahat. Kaya upang masigurado na magtatagumpay ang aking mga anak sa mundo at maiiwasan ang buhay kung saan “nakasubsob ang kanilang mga mukha sa lupa at nakabilad ang kanilang mga likod sa araw,” ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang sila ay makapag-aral at mabigyan sila ng mas mataas na edukasyon. Sa loob ng maraming taon, inuna ko ang aking layunin higit sa lahat sa aking puso, samantalang ibinaon ko sa likod ng aking isip ang mga salita ng Diyos, ang aking mga tungkulin, at ang sarili kong kaligtasan. Malalim ang sakit na idinulot ng lason ni Satanas sa akin! Kahit na sinunod ko ang Diyos nang maraming taon, hindi ko natamo ang katotohanan, at ang aking mga pananaw ay hindi nagbago kailanman. Ang aking sinasamba ay kaalaman pa rin, at ang aking pinananabikan at inaasahan ay si Satanas. Nananatili pa rin akong isang hindi mananampalataya na nagpupunyagi para sa mga makamundong kalakaran at tinututulan ang Diyos!
Kalaunan, sa patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ang ilang kaalaman ay magbibigay sa atin ng ilang mga pangkaraniwang kaunawaan, pananaw at mga prinsipyo sa buhay, at ang ganitong kaalaman ay bahagyang kapaki-pakinabang sa atin. Kaya lang, ang karamihan sa mga kaalaman ay nagmumula sa iba’t ibang teorya ni Satanas, at mga kasinungalingan at maling paniniwala na ginagamit ni Satanas upang linlangin at gawing tiwali ang mga tao. Ginagamit ni Satanas ang pag-aaral at pagkakatuto upang linlangin sila sa pagtanggap sa pangangaral nito at tanggapin ang lason at at mga saloobin nito sa kanilang isipan, at kapag ang lason ay naihatid na, lubusang nangingibabaw sa mga tao ang mga saloobin at kasinungalingan ng mga ateista na itinatanggi at kinakalaban angDiyos, na siya namang pamamaraan ni Satanas upang makamit ang mga layunin nitong gawing tiwali at malamon ang mga tao. Ang mga pariralang tulad ng “Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinumang Tagapagligtas,” “Nagmula sa mga unggoy ang tao,” “Lahat ng klima ay nabuo sa pamamagitan ng kalikasan,” “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” ay lahat mga ideya at pananaw na patungkol sa mga teorya ng pagiging materyalismo at ebolusyon. Nakatanim na ito sa pinakamalalim na mga bahagi ng ating puso, at nagagawa tayo nitong kalabanin ang Diyos at mas ikaila pa ang Kanyang pag-iral. Dahil hindi ko makita ng malinaw ang pandaraya ni Satanas, sabik kong ipinadala ang aking mga anak upang makatanggap mala-satanas na edukasyon, ibinibigay ko sila sa kasamaan na hindi man lang iniisip kung paano ko sila dadalhin sa harapan ng Diyos o tulungan silang tanggapin ang katotohanan na nanggagaling sa Diyos at mamuhay sila ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Kamakailan, ang aking anak na lalaki ay nagtapos sa isang prestihiyosong unibersidad, at nang siya ay bumalik sa bahay, kahit na siya ay nagtamo ng maraming kaalaman, lubusan na siyang napuspos ng lahat ng kamalian at erehiya ni Satanas. Kapag binabanggit ko ang anumang bagay tungkol sa paniniwala sa Diyos, ipinaparada niya ang lahat ng uri ng siyentipikong kaalaman at mga teorya para pabulaanan ako, tinatawag niya akong walang pinag-aralan, ignorante, at hindi nakakaintindi, sinasabi niya na dapat akong maniwala sa siyensiya…. Kinakaharap ang lahat ng ito, labis akong nakadama ng pagsisisi, at noon ko lamang natanto na ang lahat ng mala-satanas na kultura at kaalaman ay salungat sa katotohanan. Mga kagamitan ito na ginagamit ni Satanas upang gawing tiwali at kontrolin ang mga tao. Naintindihan ko rin na ang pagkakaroon ng maraming kaalaman ay hindi mabuting bagay. Mas mataas ang edukasyon na natanggap ng mga tao, at mas maraming silang karunungan na naaabot, mas marami rin ang lason ni Satanas na naipapasok nila sa loob nila, nagiging mas malayo sila sa Diyos, mas nagiging mahirap para sa kanila na tanggapin ang katotohanan, at mas mahirap para sa kanila na matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Maaaring sabihin na kung mas maraming libro ang nababasa ng isang tao at mas maraming kaalaman ang natatamo nila, nagiging mas malalim ang pagtutol nila sa Diyos. Ang ganitong uri ng kaalaman ay isang napakamapanganib na bagay!
Ang kaliwanagan na nanggaling sa Diyos ang tumulong sa akin sa bandang huli upang maintindihan na “Ang halaga ng ibang mga pagpupunyagi ay maliit, ang pag-aaral ng mga libro ang pinakamahusay sa lahat” ay isang maka-satanas na kamalian, isa lamang sa mga kasinungalingan ni Satanas upang malinlang, mailigaw, at pasamain ang mga tao. Naintindihan ko rin na ang pagpapadala ko sa mga anak ko sa eskuwelahan ni Satanas ay kapareho ng pagtulak ko sa kanila sa kailaliman ng kamatayan at sa apoy ng impiyerno. Diyos ko, ayoko nang malinlang at pahirapan ni Satanas, gusto kong sundan ang katotohanan at baguhin ang sarili kong mga maling pananaw, gusto ko ang Iyong mga salita na maging batayan ng aking pamumuhay, at gusto kong dalhin ang dalawang bunsong anak ko sa Iyo, upang matatanggap nila ang Iyong pagliligtas at maging mga tao tulad ng nararapat.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.