Ang Daan Tungo sa Pagdadalisay

Disyembre 11, 2019

Ni Allie, Estados Unidos

No’ng 1990, bininyagan ako, sa ngalan ng Panginoong Jesus. At no’ng taong 1998, naglingkod na ako sa simbahan. Salamat sa pagkilos at paggabay ng Banal na Espiritu, hindi ako nauubusan ng lakas sa, paglilingkod sa Panginoon. At tuloy-tuloy lang ako sa pangangaral. Madalas akong tumutulong sa mga kapatid na nakakaramdam ng panghihina. Tiniis ko pag di mabait sa akin ang mga pamilya nilang di-mananampalataya. Malaki ang ipinagbago ko mula nong naging Kristyano ako. Pero mula no’ng, taong two thousand ten (2010), hindi ko na naramdaman ang Panginoon. Nawalan na ako ng gana sa ginagawa ko. Nangangaral ako nang paulit-ulit pero, walang kaliwanagan sa akin. Kapag may nagawa ang asawa ko o ang anak ko na hindi ko nagustuhan, hindi ko mapigilan ang sarili ko at nagagalit agad ako sa kanila. Alam kong hindi yun ang kalooban ng Panginoon, kaya nagdasal, nangumpisal, at nagsisi ako. Pero hindi ko maiwasan na magkasala ulit. Mabilis akong mawalan ng pasensya. At hindi ako naging masaya sa gano’n. Nagbasa ako ng Biblia, nag-ayuno, at nagdasal para di na ulit magkasala at mangumpisal pa. Naghanap ako ng mga pastor, na makakatulong sa akin pero hindi rin nakatulong.

Noong 2017, nangangaral pa rin ako sa iba’t ibang lugar. Pero parang may kulang at ‘di ako mapakali dahil patuloy pa rin ako noon na nabubuhay sa kasalanan. at patindi nang patindi ang nararamdaman kong ‘yon. Tinanong ako ng asawa ko, “Napapansin kong malungkot ka may problema ka ba?” Bilang sagot sa tanong n’ya, ibinahagi ko sa kanya ang mga pag-aalala ko. Ang sabi ko, “Ang iniisip ko lang kasi, ilang taon na akong nananalig at isa pa akong mangangaral, pero bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na magkasala? Hindi ko maramdaman ang Panginoon, parang pinabayaan na Niya ako. Naniniwala ako sa Panginoon, nagbabasa ng Biblia, at nakikinig sa Panginoon. Nalulutas ko ang mga pagsubok ko sa buhay at kinakaya lahat. Pero nakatali pa rin ako sa kasalanan. Nagsisinungaling ako para sagipin ang reputasyon ko. Di ko makamit ang, ‘At sa kani-kaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan(Pahayag 14:5). Pinahihintulutan ng Panginoon ang mga pagpipinong dinaranas ko. Pero hindi ko mapigilang sisihin S’ya, at nahihirapan ako na unawain S’ya. Di ko magawang masayang magpasakop sa Kanya. Takot akong kung makasalanan ako, ‘di ako makakapasok sa Kanyang kaharian!”

Ang sagot ng asawa ko, “Pa’no ka nakakapag-isip ng ganyan? Manalig ka lang. Isa kang mangangaral. Di ba lagi mong sinasabi ‘yan? Kahit nabubuhay tayo sa kasalanan, at nahihirapang makalaya rito, ang sabi sa Biblia: ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9–10). At ‘Sapagka’t, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas’ (Roma 10:13). Nabubuhay tayo sa kasalanan at hindi pa nakakalaya ro’n. Pero napatawad na ang mga kasalanan natin. Ang ating pananampalataya, ang nagligtas sa atin. Dumalo lang tayo sa mga pulong at magbasa ng Biblia, sumunod lang tayo sa Panginoon, at makakapasok tayo, sa kaharian ng Diyos.” Ang sabi ko sa kanya, “Iyon din naman, ang mga iniisip ko dati eh. Pero kamakailan lang kasi, nabasa ko uli ang 1 Pedro 1:16, ‘Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t Ako’y banal’ At hindi lang ‘yon. Nabasa ko rin ang Mga Hebreo 12:14, ‘Ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon’ Nailigtas na tayo sa kasalanan natin, pero patuloy pa rin tayong nagkakasala. Hindi pa tayo nagiging banal. Nag-aalala ako, makakapasok pa nga ba tayo sa kaharian ng Panginoon?”

Matapos n’ya akong marinig, sumang-ayon s’ya sa sinabi ko. At ang sabi n’ya, inimbita ng simbahan si Pastor Chen na taga Hong Kong. Iminungkahi n’ya na kausapin ko si Pastor Chen. Naisip ko na, kailangan ko na malinawan sa bagay na ito, at maging maingat sa pananampalataya ko. Kung hindi, makakasama ito sa akin. At pati na rin sa aking mga kapatid. Tapos no’n, sinimulan ko nang hanapin si Pastor Chen sa internet. at sa paghahanap kong ‘yon, may nakita akong isang website Ebanghelyo ng Pagbaba ng Kaharian. Tiningnan ko yung site. At may mga salitang nakaakit sa akin. “Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanyang maka-Diyos na itsura; kung ang isang tao ay kayang mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang katanggap-tanggap na mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila naunawaan kahit kaunti ang daan ng buhay. Ang ginawa lamang nila ay gumawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ikumpisal ang kanilang mga kasalanan nang paulit-ulit nang walang anumang landas sa pagbabago ng kanilang disposisyon: Ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, nakumpleto ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Excited ako na basahin ito. Inilarawan ang kalagayan nating mga naniniwala. At kahit na ba, ‘di ko ito ganap na naunawaan, ipinakita nito sa akin na meron pa ring pag-asa. Parang mahahanap ko rito ang daan para malinis ako at mabago. Nagpasalamat ako sa Diyos, at pinakinggan Niya ang dasal ko. Habang binabasa ko ‘yon, nakikita ko na napakaganda ng pagkakasulat no’n. At dinidiligan no’n ang nauuhaw kong espiritu. Inisip ko, makakatulong kaya sila, sa pagkalitong nararanasan ko? Nakalagay do’n sa web site, “Kung meron man kayong katanungan, mag-iwan lang ng mensahe.” Kaya naman, hindi ako nagdalawang-isip. Nagpadala ako ng mensahe. Binigay ko sa kanila ang number ko at email address.

Sinabi ko ito sa asawa ko. At ang sabi n’ya sa akin, interesado rin s’yang mahanap ang kasagutan. Kinabukasan, kinontak ako ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. No’ng hapon, naka-chat ko sila online, sinabi ko ang gumugulo sa isip ko. “Lagi naming binabalikan ang verse sa Roma na nagsasabing: ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka’ (Roma 10:9). Iniisip natin na napatawad na tayo ng Panginoong Jesus, kaya ligtas na tayo. At tayo ay makakapasok na sa kaharian ng Diyos. Pero nabubuhay pa rin tayo sa kasalanan. At sumusuway pa rin tayo sa mga utos ng Panginoon. At di rin tayo makatakas sa mga kasalanan. Ang sabi sa Biblia, kung wala ang kabanalan, ‘di natin makikita ang Panginoon. Nakakalito. Makakapasok ba ako sa kaharian ng Diyos, kung ako ay paulit-ulit na nagkakasala? Sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang sabi, ginagawa ng Diyos ang paghatol sa mga huling araw. Tungkol sa pagtakas sa makasalanang kalikasan at pagpasok sa kaharian.”

Ito ang ibinahagi ni Brother Chen: “Para maunawaan natin, alamin muna natin ang ibig sabihin ng ‘pagiging naligtas’. Sa Kapanahunan ng Kautusan, lumayo ang mga tao sa Diyos at nawalan ng takot sa Kanya. At dahil ‘di na sila sumusunod at patuloy na nagkakasala, lahat sila ay nalagay sa panganib na maparusahan ng kamatayan. Nagkatawang-tao ang Diyos, at kinalaunan ay ipinako ng mga tao sa krus si Jesus bilang handog sa kasalanan para iligtas ang mga tao sa kamatayan na itinakda ng batas. Tinubos Niya tayo, mula sa mga kasalanan natin. Kaya, ang dapat lang nating gawin ay magdasal at, humingi ng tawad sa ngalan ng Panginoong Jesus, at patatawarin tayo. Matatamasa natin ang mga biyaya ng Diyos nang hindi mapaparusahan. Yon ang ibig sabihin ng, pagiging ligtas sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang ibig sabihin, Napatawad na tayo sa mga kasalanan natin, kaya hindi na tayo parurusahan pa ng kamatayan. Ang kasalanan natin, ‘di na nakikita ng Diyos. Pero hindi ‘yon nangangahulugang ‘di na tayo makasalanan, o hindi na tayo nagkakasala sa Diyos. Ang pagiging naligtas ay ‘di nangangahulugang wala na tayong katiwalian at malinis na. Hindi rin nangangahulugan na makakapasok na tayo sa kaharian ng Diyos. Para maging nalinis tayo, kailangan nating tanggapin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw.”

At sa tulong ni Brother Chen, naintindihan ko na ang pagiging “naligtas” natin na nabasa natin sa Roma, ay ang pagtanggap natin sa pagliligtas sa ‘tin ng Panginoong Jesus at na hindi na tayo papatayin. Pero hindi iyon pagiging nadalisay na. May katotohanan dito na kailangan nating alamin.

May binasa si Brother Chen mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa panahong iyon, ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay pinatawad; basta’t ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, wala ka na sa pagkakasala, ikaw ay pinawalang-sala na sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng maligtas, at mapawalang-sala ng pananampalataya. Ngunit sa mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at kailangan pa ring dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusan nang nakamit ni Jesus, kundi na ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan. Basta’t ikaw ay naniniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2). “Ang tao ay … pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi pa nagawa. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Matapos itong basahin, ang sabi ni Brother Chen, “Malinaw na sinasabi sa mga salita ng Diyos ang dahilan ng gawain Niya ng paghatol. Ginawa ng Panginoong Jesus ang pagtubos noong Kapanahunan ng Biyaya. At kahit napatawad na tayo sa mga kasalanan natin, ang makasalanang kalikasan natin, talagang nakabaon, at mayroon pa rin tayong satanikong disposisyon. Nagsisinungaling tayo’t nandaraya para makinabang. Mainggitin tayo at napopoot sa kapwa. Sumusunod tayo sa mga makamundong kalakaran, tayo ay sakim at hindi patas. Kapag hindi nalutas ang ating satanikong kalikasan, puwede tayong magkasala sa Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman(Juan 8:34–35). Ang Diyos ay banal, matuwid ang disposiyon at ‘di nagpapalagpas ng pagkakasala. Pano Niya hahayaan na makapasok sa kaharian Niya ang mga tao na patuloy na nagkakasala? Kaya naman, nagkatawang-tao uli ang Diyos sa mga huling araw, para iligtas ang sangkatauhan. Nagpapahayag Siya ng katotohanan para hatulan, at dalisayin ang tao batay sa gawain ng pagtubos. Para tuluyan na tayong makalaya sa kasalanan, maging malinis at, makapasok sa kaharian ng Diyos. Pagtupad ‘to sa propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). At ang sabi sa 1 Peter: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Kung aasa lang sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, nang hindi tatanggapin ang paghatol sa mga huling araw, hindi malulutas kailanman ang ugat ng pagiging makasalanan natin. Ang pagtanggap lang sa paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang lilinis ng katiwalian natin para tayo makapasok sa kaharian ng Diyos.”

Naliwanagan ang puso ko sa pakikinig ko kay Brother Chen. Naiintindihan ko na kung bakit ‘di ako makaiwas sa kasalanan kahit magdasal ako nang magdasal, magbasa ng Biblia o pigilan ang sarili ko. Hindi pa kasi nabubunot ang ugat ng pagiging makasalanan ko. Hindi ko pa kasi naranasan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw! Pa’no nakakapagdalisay, nakakapagbago, at nakakaligtas ng mga tao, ang gawain ng paghatol ng Diyos? Tinanong ko talaga sa kanya ang bagay na ‘yon na gumugulo sa’kin.

Nagbasa siya ng iba pang salita ng Makapangyarihang Diyos. “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Nagpatuloy si Brother Chen, sa kanyang pagbabahagi sa aming naro’n. “Inihahayag ang katotohanan sa mga huling araw para hatulan at linisin tayo. Inihayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang nagliligtas sa tao, at maintindihan ang misteryo sa plano Niya sa pagligtas sa sangkatauhan, at nang maisiwalat din ang ugat ng kasamaan at kadiliman, kung pa’no tayo tinitiwali ni Satanas at pa’no tayo inililigtas ng Diyos, ang katotohanan sa katiwalian ni Satanas, ang satanikong kalikasan ng tao na lumaban sa Diyos at kung anu-anong satanikong disposisyon, kung pano nalilinis ang tao sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at sa pagpipino ng salita ng Diyos, at iba pa. Matapos tayong dumaan sa paghatol at pagkastigo, ang pakiramdam natin ang paghatol ng salita ng Diyos sa sangkatauhan ay maihahalintulad sa isang matalas na espada, ibinubunyag ang pagiging suwail natin, ang ating katiwalian, at mga maling motibo natin. Ipinapakita sa atin na naging tiwali na tayo dahil kay Satanas. Puno tayo ng satanikong disposisyon, gaya ng kayabangan, panlilinlang, kasamaan at kabagsikan. Wala tayong anumang wangis ng tao. Kahit nagsasakripisyo tayo para sa Diyos, ginagawa lang natin ‘yon para makapasok sa kaharian N’ya. Ginagawa lang natin ‘yon para makuha natin ang biyaya Niya. ‘Di natin ginagawa bilang pagsunod para masiyahan S’ya. Kapag nagkakaro’n tayo ng malalaking problema, o may sakuna sa buhay natin, sinisisi natin ang Diyos at di tayo talagang nagpapasakop sa Kanya. Kung tayo ay may kakayahan o may tagumpay sa ‘ting tungkulin, ipinagyayabang natin para ang ibang tao, tingalain tayo. Nanenermon pa tayo. Pag di ayon sa pagkaunawa natin ang gawain at salita ng Diyos, hinuhusgahan at ‘di natin S’ya sinusunod. Wala tayong takot sa Diyos. Pag nilalantad tayo ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan, nahihiya tayo, na parang walang mapagtaguan. Nagsisisi tayo at naiinis tayo sa sarili natin. Hindi natin gustong ipamuhay ang ating tiwaling disposisyon. At hindi lang ‘yon, naiintindihan natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lumalaki ang paggalang natin sa Kanya. Tinatanggap na natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. At isinasagawa natin ang katotohanan. Magbabago na rin ang disposisyon natin sa buhay natin. Makakamit natin ‘yon kapag naranasan na natin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw.”

Nakatulong sa’kin ang paliwanag n’ya. Naantig ako sa mga sinabi n’ya. Nakita ko kung ga’no kahalaga ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung pa’no Niya ipahayag ang katotohanan para hatulan ang tao. Lahat ‘yon ay para linisin tayo’t ganap na iligtas. Hindi malilinis ang tiwali nating disposisyon kung hindi tayo daranas ng paghatol ng Diyos. At hindi tayo magiging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos. Tapos ng ilang araw ng pagbabahagi, alam ko nang ang Makapangyarihang Diyos, ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. At ang mga salita N’ya, ay ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Tinanggap ko na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matagal na rin akong mananampalataya, pero hindi ko maiwasang mabitag sa kasalanan. Pero ngayon, nahanap ko na ang daan tungo sa pagdadalisay at ganap na kaligtasan. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kasama Nang Muli ng Diyos

Ni Jianding, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng...

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.